"Hi Sab, Happy Birthday! thanks for inviting us ha" bati ko sa sister ni Louie.
"Thanks Ate Leigh, wala yun hindi naman na kayo iba samin, and you're my Kuya's friends' kaya parang mga kapatid ko na din kayo, ahm sige ate ha entertain ko lang ibang bisita ko""Oh yah, sige lang, don't mind us!" nagpaalam na siya sakin bago tumalikod, maya-maya pa narinig ko ang pagtawag ni Jerry"Leighhhhh, Hoy bakla ka san ka ba nagpipinunta? Kanina ka pa namin hinahanap""Ano ba kayo, hindi naman ako mawawala dito" sagot ko."Halika na, maraming boys dun, ihahanap kita" hinawakan niya ang braso ko at hinila sa may pool area"Hoy teka lang! wag mo nga ako kaladkadin, ano ba!" hanggang sa namalayan ko nalang nasa harap na kami ng grupo nang mga lalaki."Hi boys! this is my friend Leigh, she's really beautiful right?" napataas naman kilay ko sa mga sinabi ni Jerry, tiningnan ko siya nang masama, pero aba at nilakihan lang ako nang mata. Bumati sakin yung mga lalaki, nginitian ko lang tapos hinila ko na si Jerry palayo."Nababaliw ka na ba? Para namang binubugaw mo ako niyan""Hoy grabe siya sa binubugaw, inihahanap lang naman kita ng bago mong magiging kaibigan, para naman magkaboyfriend ka na, sayang naman ganda mo friend""Hindi ko kailangan nang bagong kaibigan at lalong hindi ko kailangan ng boyfriend, teka asan na ba kasi sila Abby?" tanung ko"Ayun oh kasama yung boyfriend niya" turo niya sa may kabilang pool nadon na din buong barkada namin kaya lumapit narin kami at nakihalubilo."Oh you're both here, buti naman nakapunta kayo?" tukoy ko kay Annie at Sam"Matitiis ko ba naman kayo?" sagot ni Annie."Mabuti nalang itong si Sam nakapunta, kasi wala sila tito at tita may business meeting kaya ayan nakalaya" napatawa nalang kaming lahat sa sinabi ni Vico"Anyways, ang mahalaga kumpleto tayo diba? So ano pa hinihintay natin Let's Party!!!!!!" masayang sigaw ni Jerry at lahat kami nagsigawan sa saya.Nagsimula na kami mag-enjoy at magpakalasing, lahat kami nagpakasaya buong magdamag. Hanggang sa bumagsak kami sa kalasingan. Bahala na kinabukasan kung anong mangyari basta ang mahalaga masaya kaming lahat, at tama nga, kinabukasan di ko na matandaan nangyari at sobrang sakit ng ulo ko, nagising nalang ako nasa isang kwarto na kaming lahat, nang pareparehas na kami gising natawa na lang kami ng maalala ang mga nangyari, dito na pala kami nakatulog sa bahay ni Louie. Nagpaalam na kaming lahat sa parents niya at kay Louie at nagsiuwian. Hindi na kami nahihiya dahil sanay na mga parents namin sa amin. Buti nalang walang nangyari saming masama dahil sa kalasingan. Pagkarating ko sa bahay ay naglinis lang ako nang katawan at itinuloy ang pagtulog ko.Samantala sa isang madilim na kwarto maririnig ang mahihinang hikbi nang isang tao, hawak-hawak nito ang isang boteng walang laman at inilapag sa gitna nang naka-paikot na larawan ng siyam na tao. Nagbitaw siya ng mga salitang "Oras na, oras na para maningil" at sinimulang pa-ikutin ang bote at hinintay may matapatanng larawan, at nang tumigil ito sa tapat nang larawan nang isang babae, muli siyang nagsalita "Ooopss, Ladies First" sabay pakawala nang nakakalukong tawa.
"Hayss grabe, hanggang ngayon di parin ako makamove-on sa nangyari sa party ni Sab, grabe lasing na lasing tayo, ni hindi ko na nga matandaan kung ano nangyari"Nandito kaming mga girls including Jerry sa bahay ni Abby, nag-akit siya para magmovie marathon total wala naman daw siyang kasama sa bahay kasi nagpunta sa ibang bansa ang parents niya para sa business nila."Sinabi mo pa, kung sa ibang bahay yun baka kung san na tayo pupulutin ngayon" tama nga naman si Zhelle siguro kung nangyari yun sa ibang bahay at nalasing kami nang ganun baka kung ano na nangyari samin, mabuti nalang mabait ang pamilya ni Louie."Alam niyo girls may naisip akong gawin natin, kasi palagi na tayo naga-out of town, resorts at beaches lang lagi pinupuntahan natin, why not try natin maghiking, akyat tayo nang bundok tapos magcamping tayo dun diba exciting yun?" ito na naman si Abby siya lagi nagpaplano tuwing maga-out of town kami."Ano namang gagaw
Kahit na wala naman kami masyado ginawa sa bahay ni Abby, nakaramdam din ako ng pagod, mag-aalas otso palang ng gabi, nagpasya na ako magpahinga, pero hindi pa ako nakahihiga nang mag-ring ang phone ko.Tiningnan ko kung kaninong number ang tumatawag, nang mabasa ko ang pangalan ni Jerry na nakarehistro sa screen ng phone ko ay agad ko itong sinagot."Hello, Jerry napatawag ka?" bungad ko"Hello Leigh, nakatanggap ka din ba ng message? I mean may nareceived ka din bang super creepy na video?""What? Anong video? Anong ibig mo sabihin?""My God Leigh kanina pa kami binabagabag nang video na yun di mo pa alam? Check mo messages mo, lahat kami nakatanggap for sure meron ka rin, hindi pa namin alam nangyayari pero aalamin naming kaya kelangan bumalik ka sa bahay ni Abby ngayon na, bilisan mo""What? Teka ano bang sinasabi mo? Di kita maintindihan, Hello Jerry?" at pinutol na niya ang linya.
"Leigh stop! Hindi ka pwedeng pumasok sa loob, masyado nang malakas ang apoy" pigil sakin ni Vico"No! hindi natin pwedeng hayaan nalang sila sa loob, kelangan natin iligtas si Zhelle at Kevin"Hindi ko alam kung paano pero nakawala ako sa pagkakayakap sakin ni Vico at hindi ko sinayang ang pagkakataon na yun para makatakbo at makapasok sa bahay na nilalamon na ng apoy. Narinig ko pang mga boses nila na tinatawag ang pangalan ko pero nagtagumpay akong makapasok na ko sa loob."Kev! Tulong! tulungan niyo kami! Keviiiiiiin! Tulooongggg!" natagpuan ko si Zhelle na pilit binubuksan ang pintuan ng kwarto napansin kong nahihirapan na rin siyang huminga dahil sa nalalanghap na usok."Zhelle! Lumabas ka na iligtas mo na sarili mo!" dahil sa kapal ng usok ay nahihirapan na rin akong huminga."Nasa loob nang kwarto si Kev, hindi ko siya pwede iwan dito""Ako na bahala sa kanya, lumabas ka na!" pero parang wala siyang narinig at pilit
Vico's Point of ViewIsang linggo na ang nakakaraan at wala parin kaming balita tungkol kay Abby, at wala pa ulit kaming natatanggap na banta mula sa nagsend sa amin ng videos.Hindi namin alam kung sino ang kaaway kaya dobleng pag-iingat ang ginagawa namin.Ilang gabi kong pinag-iisipan kung sinong pwedeng gumawa noon pero wala akong maisip, imposible namang si Kevin gaya nang iniisip nila dahil nandun kaming lahat nang ilibing siya.Habang nakatitig ako sa kawalan ay tinungga ko ang alak na laman nang basong hawak ko."Tol! May problema ba? Parang ang lalim nang iniisip mo?" tanong ni Sam sa akinNandito kaming apat na lalaki sa mini bar ng bahay. Umiinom kami kasama namin ang mga babae at nasa sala sila nang bahay.Simula nung mawala si Abby, palagi na kami dito sa bahay nagkikita-kita, mas ligtas kami pag magkakasama."Wala, iniisip ko lang si Abby" sagot ko
Leigh's POVMatapos kong kutuban sa pagalis ni Annie at Yosep ay nagdesisyon kaming sundan sila. Lalo akong kinabahan nang makausap namin si Yosep. Inisip ko kung bakit hindi nagpahatid mismo si Annie sa condo niya. Nanalangin nalang ako na wala sana mangyari sa kanilang dalawa.Napagdesisyunan namin na maghati kami para parehas naming mapuntahan silang dalawa. Kami ni Chelle at Jerry ang maghahanap kay Annie at sila Vico, Sam at Louie naman ang susunod kay Yosep. Wala pa man kaming narereceived na banta, pero kelangan namin makasiguro at maprotektahan ang bawat isa.Tinanong ko si Yosep kung saan ang eksaktong lugar na pinuntahan ni Annie, at nang mabigay niya ang location agad kaming pumunta dun, pinagtanong namin siya sa lugar kung nagawi siya dun pero walang nakakaalam, napansin kong malapit na ang condo niya doon, kaya naisipan kong baka nakauwi na siya, pumunta kami sa unit niya pero wala pa din, nagdesisyon akong magpaiwan sa unit niya p
Annie's POVNang magising ako ay, agad kong dinampot ang cellphone sa katabing table nang kama ko.Binasa ko ang mensahe sa akin ni Leigh na pupunta kami sa ospital, dahil bibisitahin namin ang Daddy ni Yosep.Bigla kong naalala ang nangyaring pagtatalo sa pagitan namin ni Vico kagabi, napatingin ako sa litratong nakapatong sa table na katabi nang kama ko. Kinuha ko yun at niyakap.Pagkatapos nun ay binalik ko iyon sa dati nitong kinalalagyan at bumangon at nag-ayos nang sarili.Pumunta ako sa ospital gaya nang napag-usapan, pagkadating ko doon ay nakita ko silang nagiipon-ipon sa lobby, sinalubong nila ako at sabay-sabay na pumasok sa loob.Habang nasa pasilyo nang ospital napansin kong naiilang si Vico sa akin at hindi ako pinapansin, ganun din ako sa kanya, pero hindi ko matitis na may tensyong namamagitan sa amin kaya naisip kong wala naman sigurong masama kung kakausapin ko siya."Ah Vico, pwede ba kita makau
Leigh's POVKinabukasan pumunta kami sa ospital para kausapin ang Daddy ni Yosep tungkol sa nangyari, maaaring nakita niya kung sino ang may gawa ng pagkawala nang anak niya. Habang nasa pasilyo nang ospital halata na hindi parin nagpapansinan sina Vico at Annie at mapapansing may kakaiba parin sa pagitan nang dalawa."Ah Vico, pwede ba kita makausap?" hindi na natiis ni Annie ng tawagin ang pansin ni Vico, tumango siya bilang pagsangayon."Gusto ko lang humingi nang Sorry sa nangyari kagabi""Hindi mo kailangan mag-sorry, ako dapat ang humingi ng sorry sayo dahil ako naman nagsimula. Pasensya ka na Annie, marami lang ako iniisip dahil sa nangyari, wala naman ako sinisisi sa nangyari, gusto ko lang talaga ligtas tayong lahat, kaya I'm sorry talaga sa mga nasabi ko.""Tama ka naman eh, may mali naman talaga ako sa nangyari. Wag kayo mag-alala mula ngayon mag-iingat na ko.""Kalimutan mo na yun, ang mahalaga makagaw
Leigh's POVMakalipas ang 24 oras sinabi na nang mga pulis na pwede na si Sam ideklarang "Missing Person".Ilang beses kami tinanong ng parents niya kung alam namin kung nasaan siya pero wala kaming masabi."Nasaan si Annie at Zhelle? Hindi ba nila alam na pupunta kayo dito?" tanong ni Vico. Sa bahay niya muli kaming nagkita para pag-isipan ang mga nangyayari.Nagkibit balikat lang kami sa tanong niya, ako man na mas madalas nilang kasama ay wala ding ideya kung bakit wala sila.Naisip naming na baka mali-late lang."Ano nang gagawin natin? Hanggang ngayon hindi pa din natin alam sinong gumagawa nito, baka bukas wala na rin tayo." panimula ni Jerry"Alam niyo matagal ko na pinag-iisipan ito, kung konektado ito sa nangyari kay Kevin, maaaring may koneksiyon sa kanya ang nasa likod nito.""Anong ibig mong sabihin?" tanong ko"Tayo lang ang nakakaalam nang nangyari, at tayo lang ang nandoon sa bahay, k
Annie’s POV Bago ko pihitin ang seradura ng pinto ay makailang ulit kong tinanong ang aking sarili kung tama ba ang desisyon at plano na gagawin ko. Nang makita ko ang natitirang oras sa relo ko ay pinagsawalang bahala ko na lamang kung ano man ang gumugulo sa isip ko, hindi dapat ako mag-aksaya ng oras, kailangan kong doblehin ang kilos ko, lalo na at hindi ko kakayanin mag-isa na mailigtas silang lahat. Bahala na, yun na lang ang tanging nasabi ko nang buksan ko ang pinto ng kwarto. Pagkabukas ko nito ay bumungad agad sa akin ang ang isang taong nagpupumilit makalabas sa loob ng aquarium, sinusubukan nitong basagin ang malapad na salaming nakapalibot dito sa pamamagitan nang pagbangga nito nang kanyang katawan sa tila rehas na pinakukulungan nito, hindi pa man ganun kadami ang tubig sa loob ay kita sa kilos niya ang kagustuhang makaalis doon. Agad naman niyang napansin ang presensya ko. Nang magtama ang kanyang mata sa mga mata ko ay nakita ko na sumilay doon ang pag-asang may
"Pakawalan mo ko dito!!! Ano ba!!!" sigaw ko sa kanya, ngunit hindi niya parin ako pinansin. Nakatutok siyang maigi sa monitor ng laptop niya. "Hey! Take a look at them! Parang sabik na sabik na silang malaman kung sinong unang ililigtas mo." Ngayon ay nakaharap naman siya sa akin. "Ang malaking katanungan, sino nga ba sa kanila ang mas mahalaga para kay Annie??!!" Kitang-kita ko sa mga mukha niya ang excitement sa pagkakasabi niya nun. "Sisiguraduhin ko maililigtas ko sila lahat, gagawin ko lahat para mabuhay kami at makawala dito, makawala sa kabaliwan mo!" "Ssshhh, stop talking nonsense! Hahaha Paano mo nga naman magagawa yun kung nandito ka at walang magawa para mailigtas ang sarili!" Pinupuno na talaga ako nang babaeng ito. Hindi ko pa rin alam kong bakit gustong gusto niya ako pahirapan, kung bakit naging kasalanan ko ang kasalanan ng nanay ko sa pamilya niya, kung kasalanan ngang matatawag iyon. "Sige na nga, wag
"Say hello to your f*ck*ng friends!!!" Pagkasabi niya nun ay iniharap niya sa akin ang screen ng hawak niyang portable laptop. Kung hindi ako nagkakamali ay kuha iyon sa sa iba't-ibang CCTV cameras, napansin kong pamilyar ang mga lugar na iyon, at ng bigla kong napagtanto..., napanganga ako sa nakita ko, silang ngang lahat ang nasa video, at nabigla ako sa sitwasyon nilang lahat, bumuhos na lahat ng emosyon sa akin, tuloy-tuloy na pag-agos ng mga luha ko. "Hayop ka Leigh! Anong balak mong gawin sa kanila??" Halos wala nang lumabas na boses sa bibig ko dahil sa halo-halo na ang emosyong nararamdaman ko. Ang sitwasyon nila ang lubhang nakabahala sa akin, sa obserbasyon ko sa video na pinakita niya sa akin nasa magkakaibang silid sila at tama ako na pamilyar ako sa lugar dahil nadito parin sila sa abandonadong bahay nina Zhelle na kinaroroonan din namin ni Leigh, pero ang kaibahan namin ng sitwasyon ay kung ako nakatali parin sa kinauupuan
Annie's POV --------------------------------------"Mommy! Wag mo ko iwan! Please, Mommy!" Hindi ko man naiintindihan ang nangyayari ngunit alam kong ang pagalis na ito ni Mommy ay sigurado akong matagal na siyang hindi makababalik, hindi katulad nang aking nakasanayang pagalis niya araw araw ngunit nakakasama ko naman siya lagi pagsapit nang gabi. "Umalis ka na! Wag na wag ka na magpapakita sakin kahit kelan!!" nakakarinding sigaw ng Daddy ko kay Mommy. "Mommy, sasama ako sayo!!!" niyakap ko lang siya nang mahigpit gusto kong sumama sa kanya, ngunit gusto ko ding kasama si Daddy. "Annie! Go to your room now!" utos sakin ni Daddy ngunit hindi parin ako kumakawala sa Mommy ko. Hinawakan niya ako sa balikat at tiningnan, kita ko ang mga luha sa mga mata niya na lalong nagpaiyak sa akin. "Baby! Makinig ka kay Daddy! Go to your room na, don't worry, babalik si Mommy ha! Babalikan ka ni Mommy!" pag-aalo niya sa akin. "Per
Chief Diego POV "Ayon sa imbestigasyon at mga ibedensyang nakalap alam na kung sino ang suspek sa nangyayaring series of kidnapping sa isang groupo nang magkakaibigan." Panimula ko sa isinasagawa naming pagpupulong, tinipon ko ang aking mga tauhan para sa isasagawa naming operasyon para mahanap na ang nawawalang magkakaibigan at para hulihin ang suspek sa pangyayari. Nandito kami ngayon sa loob ng isang silid kung saan ay pinatawag ko lahat ng mga maaaring makatulong sa isasagawa naming operasyon. Lumapit ako sa malaking screen na nasa harapan, nag-flash doon ang mga mukha ng siyam na magkakaibigan. "Sila ang magkakaibigan nasasangkot sa series of kidnapping, si Abby Jimenez ang kauna-unahang nawala, sinundan ito ni Yosep Deguzman, Jay Sam Toledo, samantalang magkasabay namang nawala sina Jerry Ramirez at Zhelle Saavedra, at nito lang nakaraan ay naireport na nawawala na din si Annie Mendez. Sa magkakaibigan silang tatlo na
Annie's POV ...at present Lahat kami nabigla sa lahat ng mga sinabi niya, hindi makapaniwala na pinagplanuhan lahat ni Leigh pati ang pakikipagkaibigan sa amin. Ngunit sa mga rebelasyong narinig namin ay ako ang lubos na naaapektuhan, ako ang dapat sisihin kung bakit pati mga kaibigan ko ay nadamay sa galit niya sa Nanay ko. "Leigh, kung ano man ang nagawa ng Mommy ko sa pamilya mo, ako na humihingi ng tawad, ako nalang pagbayarin mo, hindi mo na kailangan idamay pa sila" pagmamakaawa ko sa kanya. "Ahahahaha, Annie! Teka lang ha! Hindi nalang basta tungkol 'to sa kasalanan ng Mommy mo sa amin, nalilimutan mo na ba ang pagkawala ni Kevin dahil din sa inyo, dahil sa inyong lahat!!!" "Kaya kung may dapat magbayad, hindi lang ikaw Annie, lahat kayo!!!" Unang pagkakataon na makita ko si Leigh sa ganoong kalagayan, na nakakasindak at punong puno ng poot at galit ang nararamdaman. Ibang-iba sa pagkakakilala
Annie's Abduction"Leigh! Pati ba naman ikaw, naniniwala na kaya kong gawin yun?"Tanong kay Leigh ng kinamumuhian nitong tao. Gustuhin niya mang ibuhos ang galit nito sa kanya araw araw tuwing nakikita niya ito pero pilit parin niyang pinipigilan para sa mas malaking plano. Mas malaking plano na sinisigurado niyang hindi nito malilimutan hanggang sa huling hininga nito."Bakit hindi ba Annie? Tsaka pwede a tigilan mo na ang pagpapanggap mo dahil hindi na kami naniniwala sa-" naputol ang sasabihin niya nang may lumabas sa bahay na isang babae at tawagin nito si Annie."Maam Annie! Si Madam Zenny po!" tawag sa kanya nang isang babae.Nakaramdam ito nang paninindig balahibo nang marinig niya ang pangalang iyon. Iisa lamang ang kilala niyang nagmamay-ari ng ganong pangalan at ito ang taong ayaw na niyang maalala at makita pa.Sana mali, sana mali ang narinig ko. Sabi niya sa kanyang isip.Sa kabi
Zhelle's and Jerry's AbductionTuwing mapagtatagumpayan nila na makuha ang kanilang mga biktima, ay hinahayaan niya si Zhelle na ang magdala noon sa kanilang hideout. Iniingatan niya ang sarili na hindi makita o makilala nino man sa mga ito.Mas mabuti nang si Zhelle lang ang kamuhian nila, tsaka na niya ilalantad ang sarili pag natapos na ang kanyang plano.Nang muling magkita ang dalawa ay nagusap na sila ng susunod na plano."Ano nang susunod na plano natin Leigh?"Hindi pa niya nasasagot ito sa tanong nito ay nag ring na ang kanyang phone. Sinagot naman niya ito agad."Hello, Leigh nagtext ba sayo si Sam kung nasaan siya? Tinawagan kasi ako nang Mommy niya di pa daw umuuwi, Nagalitan ata ng Daddy niya kanina, umalis daw sa office at hanggang ngayon hindi pa daw umuuwi, hindi kaya, nakuha na din siya?""Diyos ko, wag naman sana! Natanung mo na ba sila baka alam nila kung nasaan si Sam, Si Annie,
Sam’s Abduction "Ahm guys pwede bang mauna na ako sa inyo? Pinapapunta kasi ako ni Daddy sa office." paaalam ni Sam Nagkatinginan si Leigh at Zhelle. May binuo na muli silang plano. "Samahan na kita, sabay na ako sayo, parehas lang naman way natin pauwi, nagmamadali din kasi ako may kailangan lang ako gawin, Kung okay lang naman sayo" tanong ni Annie "Sige, No Problem! tara! Guys' sorry ha, baka masabon na naman ako ni Daddy pag hindi ako nakarating" "Sige, basta mag-iingat kayo ha!" paalala ni Leigh ngunit sa loob niya ay magandang pagkakataon na ito para magawa ang susunod na plano. Nang makaalis si Annie at Sam, sinundan nila ito. Mula sa pagbaba ni Annie, pag-dating ni Sam sa opisina ng daddy nito at paglabas nito doon. “Bakit ba hindi nalang si Annie ang kunin natin!” tanong ni Zhelle sa kasama“Hindi pa sa ngayon, may plano ako para sa kanya, pagkinuha natin si Sam, maaaring isipin nila na s