Share

DOS

Author: Gladyjane
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Nang makarating sa trabaho ay nagsimula na agad ako. Isa akong waiter dito at nagpapasalamat ako at natanggap ako dito. Dati kong kaklase sa high school ang may- ari kaya natanggap ako at hapon ang shift ko.

Matapos makapagbihis ng uniporme ay lumabas na ako at nagsimula ng magserve.

Nakakapagod ang pabalik-balik na lakad at hindi ka halos makaupo kahit sandali sa dami ng custumer. Sikat ang restaurant na ito dito sa bayan namin

at dinarayo talaga. Dahil bukod sa hindi kamahalan ang mga pagkain, afford na afford pa talaga at masasarap din.

"Isang large burger at fries! " saad ko sa counter ng kitchen.

Sa restaurant na ito ay hindi lang pang umagahan, tanghalian o hapunan, kundi pati na rin sa meryenda ay kumpleto sila.

"Oh, Nerissa nandito ka na pala?" tanong ni Echo. Siya ang dati kong kaklase at may - ari at isa din siyang chef dito.

"Echo, kanina pa po ako nandito. " sagot ko dito at mapapaikot ko nalang ang mga mata ko.

Napatawa na lang ito at itinuloy ang ginawa. Manliligaw ko siya dati lalo na at transferee ako sa school nila, pero hindi ko ito pinatulan. Marami ang babaeng naghahabol sa kanya at isa na doon si Fely.

Nang magkita ulit kami ay inalok niya ako na mag-asawa nalang kami para hindi na raw ako mahirapan sa pagtatrabaho. Pero hinindian ko ito, kaya inalok niya nalang akong magtrabaho dito na agad ko namang tinanggap dahil kailangan na kailangan ko talaga ng trabaho noon.

Nang matapos ang order ay sinervered ko na ito sa custumer. Malayo pa ang gabi at marami pa ang customer na dumarating. Kung may aalis, maya maya naman ay may dumarating din.

Hanggang sa dumating na ang gabi at natapos ang shift ko ay marami pa rin ang kumakain. Nagpaalam na ako sa mga kasamahan ko at kay Echo.

"Here, bring this! " abot nito sa akin ng isang paper bag. Inabot ko ito at sinilip ang loob.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang laman nito. Fried chicken, fries at burger. Muntik ko ng makalimutan,ito ang pangako ko sa mga kapatid ko kanina bago umalis. Napaangat ang tingin ko kay Echo na ngayon ay nakangiti.

"Salamat, muntik ko ng makalimutan. Ibawas mo nalang sa sahod ko." saad kong napapakamot sa ulo. Buti nalang talaga.

"Hindi na, pasalubong ko nalang iyan sa mga kapatid mo. Tsaka mag-iingat ka sa daan. Alam ko naman na ayaw mo ng ihatid kita, kaya ikaw nalang ang magbigay niyan sa mga kapatid mo." saad nito.

Napatango-tango ako. Ayaw ko talaga na magpahatid pa sa kanya. Hindi lang sa tsismis na aabutin ko sa amin, kung hindi dahil pagod din siya kahit na may katulong pa siya sa pagluluto sa kusina.

" Sige, salamat. Mauna na ako. "paalam ko at nagsimula ng pumunta sa paradahan ng tricycle.

Napansin kong may nakasunod sa akin kaya nilingon ko ito. May dalawang lalaki at bigla nalang silang humarap sa isa't - isa at nag-usap.

Napakunot-noo ako at itunuloy ang paglalakad. Hindi naman siguro mga masasamang loob ang mga ito. Naalala ko tuloy ang sinabi ni tiyang kanina bago ako umalis ng bahay.

May mga men in black daw na naghahanap kay tatay.

Napalingon ulit ako at nawala sila. Napatingin ako sa paradahan ng tricycle, medyo malayo pa ako kaya tinakbo ko na ito. Niyakap ko ang paper bag na dala at binilisan ang takbo.

Hingal akong nakarating sa paradahan. Nilingon ko ang pinanggalingan ko at nakatayo doon ang dalawang lalaki. Nanlaki ang mata ko at kinalibutan akong napasakay sa tricycle at nagpahatid sa bahay.

Bago makarating sa bahay ay dumaan muna ako sa nadaanan naming convenience store at bumili ng yakult na parehong paborito naming tatlo.

Dahil gabi na ay tahimik na ang paligid ng makarating ako ng compound. Dumeretso na ako sa bahay at naabutan si tiyang na nagkakape.

"Magandang gabi po tiyang." bati ko at napalingon naman ito agad.

"Oh, nandito kana pala. Kumain ka na ba, halika at ipaghahain kita ng makakain." saad nito at dinala ako sa kusina.

Hindi pa naman ako nagugutom at binigyan ako ni Echo kanina ng burger at busog pa ako.

"Hindi na tiyang busog pa naman ako, magpahinga nalang po kayo. Salamat po sa pagbabantay sa mga kapatid ko." napatigil ito sa paglalakad at humarap sa akin. 

"Wala iyon 'no, pamangkin ko sila. At ikaw nga nagmamalasakit kahit hindi mo sila kaano-ano. Ako pa kayang tiyahin nila? Ikaw nga inaalala ko eh, dapat inaayos mo ang sarili mo. Hindi iyong puro trabaho ang inaatupag mo." saad nito at hinawakan ang kamay ko. 

" Ayos lang po ako tiyang, masaya po akong kasama ang mga kapatid ko. "nakangiti kong tugon. 

Napatango naman ito at ngumiti. 

" Oh, sige magpapahinga na ako. Tulog na ang mga kapatid mo kaya magpahinga ka na din. "saad nito at naglakad na papuntang pinto. 

" Sigurado ka bang kumain ka na? "tanong nito bago makarating sa pinto. 

" Oho tiyang, huwag na po kayong mag-alala. "nakangiti kong tugon. Tumango-tango ito at tuluyan ng lumabas. 

Pumunta na akong kusina at inilagay sa maliit naming refrigerator ang dala ko at uminom ng tubig. Matapos ay sinilip ko muna ang kwarto ng dalawa kong kapatid at dumeretso sa kwarto ko. 

Matapos magbihis at matali ang buhok ko paitaas ay inayos ko na ang nilapag kong bag kanina bago ako umalis. 

Binilang ko ang pera at ang tubo ko at para sa ipupuhunan ko ulit bukas. Bayarin sa renta ng bahay at pagkain namin sa araw-araw. 

Matapos ay ang natira ay inilagay ko sa maliit na box. Doon ko nilalagay ang ipon ko para sa pag-aaral ko. Baka sa susunod na taon, makapasok na ako. Kaunting kayod pa. 

Matapos maiayos ang lahat ay sinilip ko ulit ang mga kapatid ko bago matulog. 

Kailangan ko ulit magising ng maaga para sa mga gulay na ibabagsak bukas sa palengke na ititinda ko. 

Maaga palang ay gising na ako. Matapos maihanda ang almusal ng mga kapatid ko at makahigop ako ng kape ay lumabas na ako ng bahay. At nag-iwan nalang ng note sa mesa. 

Papuntang paradahan ay panay ang tingin ko sa daan. Lingon dito, lingon doon. 

Hindi ko alam ang nangyari sa ama-amahan ko, pero may pakiramdam ako. Lalo na at may bigla nalang naghahanap sa kanya ng bigla siyang mawala. 

Mabait naman siya at hindi siya nagkulang sa pagiging ama sa akin, lalo na ng mawala si mama. Pero kamakailan lang ay nahuhuli ko itong may kausap sa kanyang cellphone at patago nito itong kinakausap at palaging bulong kung magsalita. 

Siguradong may gulo itong napasukan kaya ngayon ay hinahanap siya ng mga men in black na iyon. Huwag lang madadamay ang mga kapatid ko at ibang usapan na iyon. 

Matiwasay akong nakarating ng paradahan na ikinahinga ko ng maluwag. Sumakay na ako at nagpahatid sa palengke. Sakto naman ay nagbaba na sila ng mga gulay at naroon na si Fely. 

"Oy Nerissa, mabuti at nandito ka na." saad nitong nangingiti. 

"Oo, bakit ganyan ka makangiti?" tanong kong nakakunot-noo. 

May ininguso ito at sinundan ko ng tingin ito. Napabuntong-hininga nalang ako ng makita si Jordan. Sila ang may - ari ng farm kung saan galing ang mga gulay na ibinabagsak dito sa palengke. 

At kaya nangingiti si Fely, ay dahil nanliligaw din ito sa akin. And speaking of manliligaw, palapit siya ngayon sa kinaruruunan ko. 

Napalingon ako kay Fely at sinamaan ito ng tingin ng hampas-hampasin ako nito sa braso. 

"Hi Nerissa, good morning. " nakangiti nitong saad. 

"Good morning Jordan. " sagot ni Fely na kinikilig. Napailing nalang ako, ang babaeng ito talaga. Crush niya kasi si Jordan kaso hindi siya nito pinapansin. 

"Magandang umaga din sayo." balik bati ko at pumunta na sa pwesto ko. 

Sumunod naman ito at nakasunod din si Fely sa likod. Kinuha ko ang pera na nasa sobre at inabot sa kanya. 

"Heto na ang bayad, salamat. Sa uulitin ulit." nakangiti kong saad. Kinuha nito ang sobre at iniabot sa kasama niyang naglilista. 

"Wala iyon, anytime." nakangiting tugon nito. 

"Iyong sa amin Jordan, naibigay na ni nanay diba?" tanong ni Fely na nasa tabi ko na at nakangiti pa rin kay Jordan na parang tanga. 

Ramdam kong naiilang si Jordan, kaya kinurot ko si Fely sa tagiliran. Masama ang tingin nitong bumaling sa akin.

"Oo na babalik ako sa pwesto namin." nakangusong saad nito. 

"Bye Jordan, my loves balik ka ha?" nakangiting kumaway ito at ng makarating sa pwesto nito ay napatawa kami ni Jordan ng paluin ito ng nanay niya walis ting-ting. 

"Ang aga-aga naglalandi ka na" saway ng nanay niya. 

"Pagpasensyahan mo na si Fely, may sayad kasi iyan." natatawa kong saad kay Jordan. 

"So, kailan mo ako sasagutin?" napatigil ako sa ginagawang pag-aayos ng mga gulay at napatingin sa kanya. 

"Jordan.. —" 

" I know, I know. Priorities mo ang mga kapatid mo at wala kang oras sa pag-ibig. "napabuntong - hininga ito. 

" Bakit hindi mo ako bigyan ng pagkakataon. Hindi naman ako magiging sagabal sa kung anuman ang gusto mong gawin. "malungkot nitong saad. 

" Jordan, hindi lang naman iyon eh. Ang layo-layo natin sa isa't - isa. Tingnan mo nga ang sarili mo at sarili ko. "saad ko dito at ipinagpatuloy ang ginagawa. 

Lumapit ito sa akin kaya napaangat ulit ako ng tingin sa kanya. 

" Nerissa, kung iyon ang inaalala mo. Huwag mo ng intindihin iyon. Walang kaso iyon sa akin. Gusto kita, at nararamdaman ko din na kahit kaunti ay may nararamdaman ka din para sa akin." saad nito at hinawakan ang kamay ko.

Napailing ako, hindi lang naman iyon ang problema dito. Ako, ako ang problema. Hindi ko siya gusto, kaibigan lang ang turing ko sa kanya. 

Sinabihan ko na siya dati na hindi ko maibabalik kung anuman ang pagkagusto na ibinibigay niya sa akin. Siya lang itong mapilit. 

Siguro ito na ang tamang oras na sabihin ko sa kanya ng deretso. Kung tatagal ito, mas lalo lang siyang aasa. Bahala na! 

"Jordan" napalunok ako. 

"Gusto kita bilang kaibigan, pero hindi na hihigit pa doon." malumanay kung saad sa kanya. 

Napaatras ito at tumango-tango. 

"Pasensya na. " dugtong ko. Nag-angat ito ng tingin at ngumiti ng malungkot. 

"Alam ko naman iyon, pero umasa pa rin ako. Na sana, kahit kaunti ay makapasok man lang ako sa puso mo. Pero mukhang hindi ako nagtagumpay." napatingin ito sa kasamahan ng tawagin siya nito. 

"Ayos lang, baka ito na rin ang huli kong punta dito. Pero huwag kang mag-alala. Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng gulay dito. Paalam Nerissa. " bagsak ang balikat itong umalis. 

Napabuntong hininga nalang ako at ipinagpatuliy ang ginagawa. 

"Thank you and goodbye. " nanigas ako at hindi makagalaw ng bigla akong yakapin ni Jordan. Tulala akong napatingin sa bulto nitong papasakay sa sasakyan nila. 

"Hoy bruha ano iyon? Bakit may yakap, bakit ikaw lang?" niyogyog ako ni Fely at kunwaring sinasabunutan. 

"Nagpaalam siyang hindi na siya babalik pa." sagot ko na lamang at ipinagpatuloy ang ginagawa. 

"Oh no, bakit anong nangyari? Bakit daw hindi na siya babalik?" sinilip nito ang mukha kung nakayuko. 

"Sinabi ko sa kanyang hindi ko siya gusto at hanggang pagkakaibigan lang ang maibibigay ko sa kanya." sagot ko at napaupo naman si Fely sa sahig at napahawak sa mukha niya. 

"Oh. my. god, binasted mo? Hindi ko na masisilayan ang aking irog. Bakit kasi hindi mo nalang sinagot ha! " madramang saad nito. 

"Hoy Felicia, bumalik ka na nga rito at mamaya dadami na ang tao!" sigaw ng nanay niya kaya napatayo agad ito at nagpagpag ng suot at nagpaalam na.

Napailing nalang ako, kahit sagutin ko pa si Jordan. Kung wala naman akong nararamdaman sa kanya. Hindi din magtatagal ang relasyon kung hindi kayo pareho ng nararamdaman. 

Tbc... 

Kaugnay na kabanata

  • SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( MONDEÑEGO SERIES)    TRES

    Katulad kahapon ay maaga akong nakauwi,dahil na rin sa mabilis na naubos ang mga paninda ko.Naglalakad na ako ngayon papuntang sakayan kasama si Fely,na hanggang ngayon ay hindi pa rin maka move on sa nangyari kanina. “Bakit kasi hindi mo nalang sinagot si Jordan?Palagi ka pa naman tinatanong no’n.Ako na nga ang ka-text,pero ikaw pa rin ang hanap!” Nakangusong lintanya nito kaya napatawa nalang ako at napailing. Sinamaan niya naman ako ng tingin at naunang maglakad ng malapit na kami sa sakayan. “Ayaw mo no’n,p’wede ka ng pumorma sa kanya.Solong-solo mo na siya ngayon!” Tinaas baba ko pa ang kilay ko,pero ang bruha ng irap lang.Mas lalo naman akong natawa. “Sana nga gano’n lang kadali ‘yon! Patay na patay kaya ‘yon sa’yo!” Nauna na itong pumasok sa traysikel at naupo.Sumunod akong tumabi sa kanya. “Eh,patay na patay ka rin naman sa kanya!Kaya bagay kayon--aray!” Natatawa akong napahawak sa tagiliran kong kinurot niya. “Tseh,tigilan mo nga ako Nerissa!Kung hindi ko lang alam na

  • SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( MONDEÑEGO SERIES)    QUATRO

    “Everything is okay now,good thing you brought her here in time .”“ Oo nga dok,salamat po.”Naalimpungatan ako sa pagkakatulog dahil sa mga nag-uusap. “Ano’ng nangyari?” Kaagad naman na nabaling ang tingin nila sa’kin.Naupo ako habang hawak ang ulo ko.Medyo nahihilo pa ako at papikit-pikit pa.Dinaluhan naman ako ni Echo at hinawakan ang kamay ko.“Mabuti at gising ka na.Kumusta ang pakiramdam mo?”Napakunot ang noo ko ng mapagmasdan ang paligid.Ang huli kong naalala ay may mga lalaking gustong kumuha sa’kin.Pinipilit nila akong sumama kaya tumakbo ako.Pero naabutan pa rin nila ako at may tinurok sila sa’kin kaya nawalan ako nang malay.“Echo ,ano’ng nangyari?Ano'ng—bakit ako nandito?”Hindi ko alam kung anong mararamdaman ngayon dahil sa kaba.Baka madamay si Echo.Lalo na ng makita ko ang pasa sa mukha niya.Hinawakan naman nito ang magkabilang balikat ko at pinahinahon ako.“I’m sorry,kung sana ay hinatid kita sa sakayan ay hindi ito mangyayari sa’yo.I’m really sorry!”Naguguluhan a

  • SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( MONDEÑEGO SERIES)    STAHD 5

    Nagising ako,hindi dahil kailangan kong magising ng maaga para pumunta sa palengke.Kung hindi dahil,hindi ako makatulog ng maayos.Nakakatulog ako,pero nagigising din.Bangungot kung anuman ang nangyari sa’kin.Paulit-ulit na bumabalik ang nangyari.Balewalain ko naman ay kusang bumabalik.Hindi ko alam na may luha na palang tumulo sa pisngi ko kung hindi ko pa naramdaman ang kamay na humaplos sa pisngi ko.Napatingin ako sa kapatid kong si Anorld,mukhang nagising ito dahil sa’kin.“Ate,may problema po ba?Nagising po ako dahil narinig po kitang humihikbi.”Malungkot na saad nito,hinahaplos pa rin ang pisngi ko.Mabilis akong yumakap sa kanya at hinalikan ang ulo niya.“Ayos lang si ate,matulog ka nalang ulit.”“Nanaginip ka po ba ng masama kaya ka naiyak?”Umangat ang mukha nito sa’kin,natawa ako sa cute niyang mukha kaya pinisil ko ang ilong niya.“Oo eh,may gusto daw kasing kumuha sa inyo sa’kin.Ilalayo daw kayong dalawa ni Arjun sa’kin.”Malungkot kong sagot.Umiling naman siya.“Hindi po

  • SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( MONDEÑEGO SERIES)    STAHD 6

    “Ano’ng kailangan niyo?” Nanginginig kong tanong sa mga lalaking hawak ngayon ang pamilya ko.“Alam mo kung ano ang kailangan namin.O baka naman ,gusto mo na ang mga batang ‘to na lang ang kunin namin?”Nakangising tanong nito at itinutok ang baril sa mga kapatid ko.Nagsisigaw ang mga ito,kahit si tiyang at tiyong na nagpupumilit na makawala .“Huwag please,’wag ang mga kapatid ko! Wala silang alam dito!”Humagulhol na ako,hindi ako makalapit dahil na rin sa baril na nakatutok sa’kin.“Huwag niyong idamay ang mga pamangkin ko! Kung anu man ang kasalanang nagawa ng kapatid ko,sa kanya niyo ibaling huwag sa mga bata! Sinabi ko naman sa inyo na matagal ng hindi umuuwi ang kuya ko! Parang awa niyo na,huwag ang mga bata!”Umiiyak na rin si tiyang at umiiling.Wala rin magawa ang kapit -bahay namin dahil na rin siguro sa takot.Umiling -iling ako sa kanila at pinilit na makatayo para makalapit sa kanila,pero biglang nagwala si tiyong at nakawala siya .Pinagsusuntok niya ang mga kalalakihan na

  • SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( MONDEÑEGO SERIES)    STAHD 7

    HACE“You’re drinking again.”I looked back when I heard Draco’s voice.My best friend.I just shrug at him and drink the rum on my glass.Naupo ito sa katabi kong stool at nagsalin din ng alak.Uminom ng kaunti at humarap sa’kin.He just stare at me for a while before talking.“Are you still on,on getting Ronaldo’s daughter?” He ask as his brows narrowed at me .I just shrug and drink the last drop of my rum.“None of your business!”I answered back,and poured another drink.Inagaw niya ang alak na hawak ko at pinakatitigan ako.Napatingin na din ako sa kanya at nakipagtagisan ng tingin.Tingin na parang inaarok niya ang sinabi ko.“It’s my god damn business Mr. Mondeñego! Dinadamay mo ang taong walang alam sa ginawa ng ama niya.Aren’t you being unfair? Where’s your honesty and justice?”“So what he did to us is fair?!”Bulyaw ko sa kanya,hindi ko na napigilan pa ang emosyong lumukob sa sa’kin.This topic is sensitive for me.“Buhay ang nawala Draco,kaya buhay din ang kapalit!”Nakakuyom an

  • SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( MONDEÑEGO SERIES)    STAHD 8

    Nagising ako na maasakit ang pantog ko.Dahil na rin siguro sa kakulangan ng tulog nitong nagdaang gabi ay napahaba ang tulog ko.Napabalikwas ako ng bangon ng maalala ang nangyari,at kung nasaaan ako ngayon.Inilibot ko ang paningin at mukhang nandito ako sa isang silid.Ang gara ng kwarto,malaki ang kama na hinigaan ko.Sobrang lawak,black at gold ang kulay ng paligid.Sigurado na lalaki ang nagmamay-ari ng silid na ‘to.Mabango din ang silid.Panlalaking amoy,at sa naalala ay tuluyan na akong napatayo.Naglibot ako sa buong kwarto at ng may unang pinto na makita ay mabilis na akong nagtungo doon. Napahinga ako ng malalim ng makitang banyo nga ang nabuksan kong pinto.Matapos makapagbanyo lumabas na ako at napaupo sa sopang naroon.Napatakip ako sa mukha ng namasa ang mata ko.Kailangan ko ng harapin ang kapalaran ko dito.Kailangan para sa mga kapatid ko.Kamusta na kaya sila ngayon?Baka hanggang ngayon umiiyak pa ang mga kapatid ko.Gustuhin ko man sila na matawagan ay hindi ko hawak ang cellph

  • SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( MONDEÑEGO SERIES)    STAHD 9

    “What did just call me?”Ulit niya sa tanong niya.Napatitig na lang ako sa kanya at namasa ang mata ko.Tumayo na ako at hindi na sinagot pa ang tanong niya.“Wala ka na bang ibang iuutos?Malalim na ang gabi at mabuting magpahinga ka na rin.”“I ask you woman,now answer me?!”Napahinto ako sa sigaw niya.Sasabihin ko ba?‘Hindi,hindi siya ang H mo.Gumising ka,ang H mo hindi makakaya na gawin kung anuman ang ginawa niya sa’yo ngayon. At hindi ka niya sisigawan!’“P’wede ba na H na lang ang itawag ko sa’yo?”Napakunot noo naman siya sa sinabi ko.“No!”Sagot niya at bumalik sa pagkakadapa."Call me sir!" Sabi ko nga,hindi niya talaga ako kilala.Hindi na siya nagsalita pa ulit kaya naglakad na ako palabas.Hindi ko alam kung saan ako mahihiga,kung pupuntahan ko ba si ‘nay Lara.Pero dahil wala naman siyang iniuutos ay nanatili ako sa sopa.Hindi na rin ako madalaw ng antok.Napapahingang malalim akong naupo,at napatingin sa nakasarang pinto sa kwarto niya.Marami ng nagbago.At siguro ay isa na

  • SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( MONDEÑEGO SERIES)    STAHD 10

    “Bakit nakabusangot ka?May nangyari ba do’n sa bodega ng umalis ako kanina?”Umiling ako sa tanong ni ate Marj.Kumakain na kami ngayon at hindi ko magawang lumunok.Nasasaktan ako,sumasakit ang puso ko sa nangyari kanina.Alam ko naman na may kasalanan ako sa kanya,pero kailangan ba na umabot kami sa ganito?“Oy,alam mo may sinabi pala si ‘nay Lara ‘yong piano daw alam mo ba kung kanino?”Napatingin ako sa kaharap na si ate Marj.Wala si ‘nay Lara at may ginawa daw,hindi na daw makakasabay na kumain at pinauna nalang kami.Oo naman,kilala ko ang piano na ‘yon.Minsan ng nahawakan at napatugtog.Hindi ako sumagot pero nanatili ang tingin ko sa kanya at naghintay ng sagot.“Kay ma’am Hilary daw pala ‘yon.”Pabulong na saad nito.Napakunot ako ng noo.Sino’ng Hilary at pa’nong naging kanya ang piano na ‘yon.”Palagi daw do’n tumatambay si sir Hace at ma’am Hillary dati.Naging bonding daw nila ang pagtugtog at pagkanta noon.Pero ipinatago na daw ni sir Hace ng mawala ang fiance niya.”Malungkot nit

Pinakabagong kabanata

  • SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( MONDEÑEGO SERIES)    FINAL CHAPTER

    “ Hi love!”Napangiti nalang ako ng maramdaman ang yakap ni Hace mula sa likod. Hinalikan niya ang balikat ko,hanggang ulo .Nakangiti ko siyang nilingon ng hindi bumibitaw sa yakap niya.“ Ang mga bata?”“ They are all out,but they’ll get home before dinner like they promise. Just that princess here is left.”Napabuntong hinga siya na binalingan ng tingin ang bunso namin na nasa sopa at nanonood ng mag-isa. Nagpaalam ang mga nakakatanda niyang kapatid sa’kin kagabi na aalis sila para kitain ang mga kaibigan. Maaga silang umalis kaya hindi ko na naabutan pa ,at itong bunso nalang namin ang naiwan . Napabuntong hinga na din ako,kumakain ng tsetserya si Nambe at nakabusangot na parang nasa tv ang kaaway niya.“Do you think something’s wrong with her? This is the first time na hindi siya sumama sa ate Nexiah niyang lumabas.”Tanong kong hindi maiwasan na hindi mag-alala.“ She’s only fifteen love,what could be her problem that she’s not telling us.”“ Iyon na nga eh,fifteen lang siya

  • SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( MONDEÑEGO SERIES)    SPECIAL CHAPTER 2

    “ Ano’ng ginagawa natin dito?”“ Come on mom,no questions please.”Hinila na ako ni Nexiah,lumapit na rin sa kabila si Theresse at Thasia . Pinagtulungan nila akong ipasok sa kwarto nila dito sa bahay ni papa.“ Come on tita,you will like this. We’re expert on this,when you go out of this room you will be unrecognizable with your beauty.”“ Thasia ’wag kang oa,being tita Nerissa herself is a beauty like our mom. No one can surpass their beauty.”Saway ni Therese sa kapatid,napaismid lang si Thasia na lumapit sa’kin at inayos ang buhok ko.Napangiti nalang ako. “ Ano ba talaga ang gagawin niyo sa’kin?”“ Relax mommy,kami ang bahala sa’yo.”Napailing na lang ako sa sinabi ni Nexiah,inutusan nila akong pumikit na sinunod ko naman. Mabuti ng hindi makipag-argumento sa kanila para matapos na ‘to kung anuman ang balak nila sa’kin.Bulong lang nila ang naririnig ko sa buong oras na ginawa nila sa’kin. Nang sabihin nilang pwede na akong dumilat,idinilat ko na ang mga mata ko. Napaawang a

  • SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( MONDEÑEGO SERIES)    SPECIAL CHAPTER 1

    NERISSA“ Good morning mommy!”Napadilat ako sa sigaw ng mga anak ko,napangiti ako ng makita silang nakatayo sa paanan ng kama . Umupo na ako sa kama at nakangiti silang binati,binuka ang mga braso ko .“ Good morning mga babies ko!”Nagsilapit silang nakasimangot at yumakap sa’kin.“ Mom,we’re not a baby anymore.”Nagdadabog na lumayo ang bunso ko sa yakap namin.“ Anak hindi porke’t mga dalaga at binata na kayo ,hindi na kayo baby sa bahay na ‘to . You’ll all be my babies, our babies.”Lumabi lang ang bunso kong Nambe,lumapit ulit sa’kin at yumakap sa beywang ko. Nang mapatingin ako sa tatlong nasa harap ko,nagtutulakan sila. Si Ace na tinulak si Nathan,at si Nathan na tinutulak si Nexiah . Sinamaan ng tingin ni Nexiah ang mga kuya niya,nakita kong huminga muna siya ng malalim bago humarap na nakangiti sa’kin.“ Mommy,”malambing nitong tawag,ngumiti ako . Lumapit siya sa’kin at yumakap din sa kabilang gilid ko .” Can we go to lolo’s house,promise magb-behave kami do’n.”Napak

  • SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( MONDEÑEGO SERIES)    EPILOUGE

    EPILOGUE“ You’re a jerk for missing this out.”Draco? Hinanap ko ang pamilyar na boses,pinalibot ko ang tingin kung nasa’n ako. Sobrang liwanag,nakakasilaw ang liwanang kaya napapikit ako at hinarang ang braso sa mata.Napasingahap ako , napabangon sa masamang panaginip. Namatay daw ako,pa’no ako mamatay fifteen palang ako for god sake. Ayo’ko pang mamatay ,gusto ko pang makita ulit ang magandang ngiting ‘yon.Bumangon na ako ,naligo at nagmamadaling nagbihis at bumaba. I just grab a sandwich from the table and go directly outside. Hinanap ko ang driver namin at nagpahatid sa school,nakangiti akong bumaba . Para akong lumulutang sa sayang nararamdaman,maaga pa naman kaya siguradong naglalaro pa sila ngayon.Nang makita ko ang hinahanap ko,malawak ang ngiting nagtago ako sa likod ng halaman. Kalaro niya ang mga kaklase niya,nando’n din si Alexander na bestfriend niya. Naiinip kong hinihintay si Alexander,hindi ako sumama sa pagpasok sa loob. Pinilit niya akong sumama dito sa

  • SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( MONDEÑEGO SERIES)    STAHD 60

    NERISSA“Umiiyak ka na naman.”Napalingon ako sa nagsalitang si tiyang, yumuko ako at pinunasan ang luha. Naramdaman kong naupo siya sa tabi ko at hinaplos ang likod ko.“ Magiging maayos din ang lahat,sa ngayon kailangan mong magpahinga . Para na rin sa anak niyo,pilitin mong kumain at magpahinga .”Napaiyak ako ulit na niyakap si tiyang,humagulhol na ako. Akala ko ,naubos na ang luha ko. Isang buwan na rin akong umiiyak. Oo ,isang buwan na simula ng mangyari ang lahat na ikinaguho ng mundo ko.Akala ko magiging ayos din ang lahat kapag nakabalik si Hace. Nakatulog ako sa sopa sa kakahintay sa kanila,nagising lang ako ng makarinig ng sigawan at ingay sa paligid. Nang tuluyan akong magmulat,umuusok na ang paligid. Nataranta akong nagtakip ng ilong para hindi masinghot ang usok. Hanggang sa nakita kong pumasok si Amanda ,may kasama siyang mga lalaki na inuutusan. Nakatingin lang ako sa kanya ng lumapit siya sa’kin at hilahin ako palabas ng bahay.Nakatulala ako,hindi ko alam kung an

  • SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( MONDEÑEGO SERIES)    STAHD 59

    Ipinakita niya ang braso kung nasaan naka connect ang bomba,papunta sa katawan niya. Ngumiti siya na parang balewala lang ‘yon.“ I’m waiting H,you know I don’t like waiting.”“ H.”Napatingin ako sa mga kaibigan ko,lahat sila ay umiiling. They know what ever I choose, it will be a dead end for me. But not for them,they can still go out in time.But my Nerissa,she ‘s waiting for me. And our baby,I want to se her or him. We we’re supposed to see the doctor to know the gender. But I guess ,I will not have a time for that. I won’t be seing them again. I gasped for air and face her.“ Let them go!”Ngumiti siyang nagustuhan ang sinabi ko. Sinenyasan niya ang mga tauhan,napatingin ako do’n. Tinanggalan nila ng tali ang pamilya ni Nerissa . Sila Aki ,Carlos at Caden naman ay tumulong na din. Nakita kong umalis na sa pwesto niya si Draco at lumapit na din sa’min. Si Caden ay sinenyasan ang mga tauhan na umalis .Naikuyom ko ang kamay at napatinigin kay Hillary,masaya siya pero may namumuon

  • SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( MONDEÑEGO SERIES)    STAHD 58

    “ Fuck!”Lahat kami napamura ng biglang bumuhos ang ulan.Kanya kanya kaming takip ng braso sa ulo para kahit papa’no ay hindi mabasa . Ang kaso ay lumakas ang ulan,kaya wala kaming nagawa . Napalingon kami kay Carlos ng mabilis itong sumilong sa bato at naghubad ng damit. Nagtataka naming siyang tiningnan.“ What?”He ask,as he noticed us looking at him .“ I need to save this clothes,my babe just bought this for me. I can’t let this getting wet,I have to wear it again tomorrow.”Naghanap siya ng pangtakip sa damit niyang pink ang kulay,napailing akong napatingin sa mga kasama ko. Pareho kami ng naiisip,si Draco na ang sumagot sa kanya.“ Bud,you do know what’s written in your shirt.”“ Yeah,yeah. Don’t mind me,I can be whatever she like if that take her not leaving me again.”Napabuntong hininga akong tinapik ang balikat ni Draco at inilingan ng sasagot pa siya ulit.‘MA ,BITCH’That’s what writen in his shirt.“ We need to move now,they’re distracted.”Lahat kami napatingin kay

  • SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( MONDEÑEGO SERIES)    STAHD 57

    HACEMabilis ang pagpapatakbo ko sa sasakyan dahil sa natanggap kong tawag mula sa bahay.Nadatnan ni Marj si Nerissa na walang malay sa kwarto namin. Iniwan ko ang meeting at basta nalang umalis dahil sa pagkataranta ko. Mabilis akong bumaba ng makarating sa bahay,ng makapasok umakyat na ako sa taas at deretso sa kwarto namin. Bumungad sa’kin ang nag-aalalang mukha ni manang Lara at Marj. Hindi ko sila pinansin at dumeretso sa nakahigang si Nerissa. Naupo ako sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay niya. Hinarap ko ang doktor .“ What happen is she okay,and our baby is the baby okay?”“ Yes Mr. Mondeñego , thankfully your wife is okay. And I’m glad that your baby is okay too. Just a little complication of her passing out because of shock. Everything is okay,my advice is let her rest and not to think too much that will stress her.”“ She was okay when I left this morning.” Bumaling ang tingin ko kay manang Lara.” What happened ?”Nakita kong tinanguan nito si Marj,si Marj naman ay nagl

  • SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( MONDEÑEGO SERIES)    STAHD 56

    “ No,no. You can’t do this to me,I know you love me. You’re just like this because of that girl! You can’t do this to me,you can’t. I’ve been with you ,we’re together for years.”Natatakot akong yumakap kay Hace,parang wala sa sariling sinabunutan ni Hillary ang sarili.“ Hillary,first of all I didn’t ask you to marry me. You propose to me and I said yes, becasue I thought you’re the one I’m looking for . But I’m wrong ,and I’m so sorry this happen to us. I love you but just a friend,my collegue.”Umiling iling lang si Hillary sa sinabi ni Hace,masama ang tingin na lumapit siya sa’min. Agad naman na hinarang ni Hace ang katawan niya. Nayuko ako sa dibdib niya,hindi ko alam kung ano’ng nangyari . Nakita ko na lang ang bulto ni Hillary na paplabas ng pinto.Humiwalay ako sa yakap,hinawakan ni Hace ang mukha ko at pinaharap sa kanya.“ Umiiyak siya.”Naluluha kung sabi kay Hace,umiling lang siya.“ Thank you for coming back by the way.”Niyakap ko siya ulit.“ Nagseselos ako.”Hinalik

DMCA.com Protection Status