Share

Chapter 3

Author: LauVeaRMD
last update Last Updated: 2022-12-16 06:45:18

NANDITO ako ngayon sa fountain. Tinitignan ko ito. Sobrang ganda kasi dito, lalo na kung gabi.

"Kara, nandito na siya." Nilingon ko si Mother Superior, napangiti ako dito. Tapos ay pumunta ako sa kanya. "Mag-iingat ka doon," sabi nito sa akin. Hinaplos nito ang aking buhok. "Wag kang magpasaway. Para di magalit sa iyo ang bago mong pamilya."

Ngumiti lang ako kay Mother. "Opo, Mother. Salamat po sa pag-aalaga sa akin. Promise po, magpapakabait po ako at dadalawin po kayo dito pag may time po ako," sabi ko sa kanya.

Niyakap ako ni Mother. "Mamimiss kita," sabi nito sa akin. May luha sa mga mata nito, nang ilayo niya ako sa kanya.

Pumunta na kami sa opisina ni Mother. Dahil nandoon ang magiging foster father ko. Masaya ako kasi ako ang inampon talaga ni Mr. Romolo.

"Mr. Romolo, nandito na po si Kara," nakangiting sambit ni Mother kay Mr. Romolo. Dahil nakatalikod ito ay unti-unti itong humarap.

Ngumiti ang isang lalaki na di naman gaano katanda. Sumama ako sa kanya, nagpaalam na ako kay Mother.

GUSTO kong umiyak. Dahil 'di ko naman talaga ginawa iyon.

"Tonta!" sigaw  nito sa akin.

"Ano na naman ba iyan?" tanong ng isang pamilyar na boses.

"Itong ampon mo. Sinabuyan ba naman ako nang tubig," sumbong nito kay papa.

"'Pa, hindi ko naman sinasadya." Paliwanag ko kay papa.

Nilapitan ako ni papa at hinawakan ang aking balikat.

"Pumunta ka na sa kwarto mo, Kara. Doon ka muna. Kakausapin ko muna ang Mama Delyn mo."

"I am not his mother. Hindi ko gustong mag-ampon, pero mapilit ka!" sigaw nito kay papa.

Wala akong magawa. Umakyat ako sa kwarto ko. Nasa hagdan na ako nang bumaba si Eliza ang totoong anak ni Papa Mateo.

"Ano na naman ang ginawa mo this time?" tanong  nito sa akin.

Yumuko ako. Ayaw ko siyang tignan. Gumilid ako para makadaan siya. Alam ko tinignan nito ang parents nito na nag-aaway.

"Nag-aaway si mama at papa. Ano ang ginawa mo?" tanong nito. 'Di naman ito galit, pero base sa tono ng boses nito ay hindi ito natutuwa.

"Hindi ko naman sinasadya iyon. Hindi ko sinasadya na masabuyan nang tubig si mama," mahina kong paliwanag dito.

"Sinasadya mo o hindi, nagalit pa rin si mama. Ayon tuloy, nag-away na naman sila ni papa. Kahit kailan talaga ang clumsy mo. Masyado ka kasing epal," sabi nito sa akin.

Dumaan ito sa gilid ko, pero talagang sinadya nitong bangain ang balikat ko, kahit na nasa gilid na ako.

Umakyat na lang ako sa kwarto ko. Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad akong umupo sa kama ko. 'Di ko mapigilan ang umiyak. Hindi ganito ang buhay na gusto ko. Gusto ko lang naman na magkaroon ng isang matatawag na pamilya. Binigyan nga ako, pero inaapi naman ako. Pinapakita talaga ni Mama Delyn na ayaw nito sa akin.

Agad kong pinahid ang mga luha ko nang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Iniluwa noon ang foster father ko.

Napabuntonghininga ito. Umupo ito sa kama ko. Habang ako ay nakayuko.

"I am sorry, Kara. Pag pasensyahan mo na ang mama mo," sambit nito sa akin.

Umihingos ako, dahil 'di talaga umaawat ang mga luha ko sa pag-agos.

"Okay lang iyon, papa," tanging nasabi ko na lang.

"Pasensya ka na din sa sinabi ng mama mo. Sana ay 'di na lang kita inampon, siguro maganda ang buhay mo ngayon," sabi nito sa akin.

Nanatili akong nakayuko. Ayaw kong tumingin sa kanya.

"Kung pwede ko lang ibalik ang panahon, 'di kita kukunin sa ampunan. Patawarin mo ako, kara, naghihirap ka dahil sa akin." Pumiyok ang boses nito.

Tumayo ako at nilapitan ko ito. Umupo ako sa tabi nito, hinawakan ko ang kamay nito.

"Okay lang iyon, 'pa. Nagpapasalamat nga ako, dahil kahit kailan ay 'di ninyo ako pinabayaan. Kahit na ayaw ni mama na mag-aral ako ay pinaglaban ninyo ang pag-aaral ko. Isang taon na lang 'pa. Makakapagtapos na ako ng kolehiyo," sambit ko dito.

Hinawakan din nito ang ibabaw ng kamay ko. "Mabait ka na bata. Alam ko na 'di ka pababayaan ng Panginoon," sabi nito sa akin.

Napangiti ako nang mapait. 'Kung may Panginoon, papa sana ay 'di niya ako hinayaan na maghirap ang kalooban.'

DALI-DALI akong pumasok sa gate ng campus namin. Nag-aaral kasi ako sa pristeryosong paaralan dito sa lugar namin. Maaga naman akong nagising, pero talagang ginahol ako sa oras. Ang dami kasing pinagawa sa akin ni Mama Delyn.

"Best, late ka na naman," sambit ng kaibigan ko.

"Sorry, alam mo naman sa bahay," sabi ko dito.

"Iyang, ina-inahan mo talaga," gigil nitong sambit.

Alam kasi ni Mera ang totoong pagkatao ko. Alam nito na ampon lang ako at inaalila sa bahay na tinitirhan ko. Ako ang gumagawa ng lahat ng gawin bahay. Kaya kahit na mahirap ay kinakaya ko.

"Mabuti na lang at wala pa si Ma'am. Baka nalagot ka noon."

Terror kasi ang unang subject teacher namin. Kaya natatakot kaming mahuli. Ilang minuto din ay pumasok ang guro namin.

NASA Cafeteria kami ngayon ni Mera, para bumili nang makakain. Pumila kami sa counter. Mayroong sumingit.

Gusto ko mang magalit ay 'di ko ginawa.

"Eliza, nauna kami," turan ni Mera sa kapatid ko.

Nilingon niya kami, pero sa akin nakatingin. She just rolled her eyes. Tapos ay bumalik ang paningina sa unahan.

"Tumigil ka na Mera. Ayaw ko nang gulo," pigil ko sa kaibigan ko. Dahil hindi talaga nagpapawat si Mera.

Hinayaan na lang namin si Eliza na mauna. Ayaw ko nang gulo. Hindi ito mahilig mag-eskandalo, pero patago ito kong mang-away.

Dahil tapos na kaming kumain ay pumunta muna ako ng banyo. Pumasok ako sa cubicle. Pagkalabas ko ay nasa labas na sila Eliza.

Nasa harapan ng salamin si Eliza. Naglilipstick, habang ang mga kasama nito ay nasa gilid lang. Nagpunta ako sa sink, para maghugas ng kamay nang matapos ako ay agad akong lumabas.

Pero 'di natuloy ang paglabas ko, dahil pinigilan ako nang isa sa kasama ni Eliza. Ibinalik niya ako sa harapan ni Eliza. Pagkaharap ko sa babae ay agad niya akong sinampal. Nakasalampak ako sa sahig, habang hawak-hawak ang pisngi ko na sinampal nito.

"Anong sabi ko sa 'yo? 'Di ba sabi ko ay wag ka o iyong kaibigan mo na makialam? Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" 'Di ko napigilan ang umiyak. Gusto ko mang lumaban ay wala akong magawa. Madami sila, ako lang ang nag-iisa.

Nanatili ako sa sahig. 'Di ko siya tinignan. Dahil naka kung ano na naman ang gawin niya sa akin.

"Bakit kasi inampon ka pa ni papa. Ewan ko kung ano ang nakain ni papa at nag-ampon pa siya ng isang katulad mo," sambit nito sa akin.

"Hindi ko kasalanan na inampon ako ni papa."

"Don't call my father, a papa. Hindi ka naman talaga inampon legally." Nanlaki ang mga mata ko sa nalaman.

Natawa ito. Dahil sa reaksyon ko. "Akala mo siguro, ampon ka talaga legally? Remember na hindi pumayag ang mama ko. Pero pinatira ka pa rin namin sa bahay namin. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni papa, para magmukhang legal ang pag-ampon sa iyo," sabi nito sa akin.

Bumuhos ang luha ko. All this time ay akala ko, I am legally adopted, hindi pala.

"Kaya wag kang humarang sa daraanan ko. Dahil hindi kita sasantuhin." Umalis ito sa harapan ko. Lumabas na ito, kasama ang mga kaibigan nito.

Hindi ko mapigilan ang umiyak. Dahil sa nalaman ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. All this year, akala ko talaga legally adopted ako ng Pamilya Romolo. Ayaw lang ni Mama Delyn na gamitin ko ang apelyido nila.

Nasa ganoong ayos ako nang pumasok si Mera.

"God, best!" sigaw nito.

Agad niya akong inalalayan, para makatayo. Gusto ko mang pumasok ay di ko magawa.

"Ano ang ginawa nila sa iyo." Umiling ako.

Ayaw kong madamay ang bestfriend ko. Gusto ko na ako lang ang masaktan.

"Uuwi na muna ako, Mera," sabi ko sa kanya.

"Sige." Pagpayag nito.

Lumabas kami sa banyo, habang akay-akay niya ako. Dahil para bang nawalan nang lakas ang mga binti ko para humakbang.

Inihatid niya ako sa may gate at pinasakay ng tricycle, nakasakay na ako, pero pinahinto ko sa may tulay ang tricycle. Pagkahinto ay agad akong pumunta sa may tulay. Dumungaw ako ay nakita ko ang tubig.

"Kung balak mong magpakamatay, wag d'yan," sabi ng isang malamig na boses.

Nilingon ko ito. "Hindi ako magpapakamatay!" asik ko dito.

"Kung ganun, ano ang gagawin mo?" tanong nito sa akin.

"None of your business," sambit ko.

"Okay, pero kung may mangyari sa iyo. Konsensya ko pa."

Hinarap ko ito. "Pwede ba, umalis ka na lang. Gusto kong mag-isa!" sigaw ko dito.

Inilagay nito sa bulsa ang mga kamay at tinitigan ako nang seryoso. Ngayon ko lang natitigan nang maigi ang mukha nito. He had a thin lips, matangos na ilong at grayish eyes.

"Are you done, checking me?" tanong nito sa akin. Ngumisi ito. Inirapan ko ito.

"Umalis ka na lang." Taboy ko dito.

"Okay, pero kung tatapusin mo ang buhay mo, ay wala na akong paki. Pag-isipan mo ang buhay na meron ka. Kung sino ang mga nag-mamahal sa iyo. Ang mga tao na nasa paligid mo," sabi nito.

Bigla ay sumagi sa isipan ko ang nakangiting si Mera, si papa at ang mga tao na nasa paligid ko.

Umalis na ang lalaki. Hindi ko man lang nakuha ang pangalan nito.

'Magkikita pa kaya tayong muli? Mukhang malabo na,' ngiting sambit ko sa aking isipan. 

Nilingon ko ang tulay, tapos ay umatras ako. Pumara ako ng tricycle at nagpahatid sa bahay namin. Gusto kong malaman ang totoo kay papa. Gusto kong malaman mismo sa kanya ang lahat.

"Mateo, ano itong ginawa mo!" sigaw ni mama.

Rinig ko ang boses ni mama mula sa loob ng bahay namin. Gusto ko mang pumasok ay baka magalit ito nang tuluyan sa akin.

"Bakit ka nangutang? Dahil ba sa ampon mo?" tanong ni mama, kay papa.

Yumuko na lang ako. Dahil sobrang sakit ang sinabi ni mama.

"Hindi, Delyn. Naitalo ko sa sugal ang pera na inutang ko."

May bisyo kasi ang papa ko. Mahilig itong nagsugal nang magsugal. Para bang hindi ito nanghihinayang sa pera na pinapatalo nito isang casino.

"Puro ka kasi sugal. Ngayon, sisinggil na tayo. Kung hindi tayo magbabayad ang anak nating ang kukunin nila. Hindi ko kaya na mawala si Eliza, Mateo. Kaya si Kara na lang ang ibigay mo," sabi ni mama kay papa.

Pumasok ako ng wala sa oras. "Bakit ako?" tanong ko sa kanila.

Sabay silang napatingin sa akin. "Bakit hindi? Ampon ka lang naman. Ayaw kong ibigay ang anak ko. Kaya ikaw na lang," sabi nito sa akin.

"Hindi ako laruan para ipamigay ninyo kung kailan ninyo gusto. Tao ako, tao!" sigaw ko.

Hindi ko mapigilan ang lumuha. Nilapitan niya ako at hinawakan ang pisngi ko nang mahigpit.

"Delyn!" sigaw ni papa. Pero 'di nagpaawat si mama.

"Oo, tao ka nga. Pero ampon ka lang, sampid ka lang sa pamamahay na ito!" sigaw nito sa akin. Galit niya akong tinignan. "Kaya sa ayaw at sa gusto mo, ikaw ang ipambabayad namin sa utang namin," madiin na sambit ni Mama Delyn.

Nang bitawan niya ako ay agad akong umakyat sa kwarto ko at umiiyak nang umiyak sa kama ko. Hindi ko alam kong ano ang naging kasalanan ko at pinarusahan ako nang ganito. Sana pala ay nagpakamatay na lang ako kanina.

Related chapters

  • SOLD For Him (Tagalog)   Chapter 4

    PUMASOK ako sa school na para bang wala sa sarili. Akala ko kinabukasan ay magiging okay na ako. Pero hindi pa pala."Best!" sigaw ng kaibigan ko. Nagulat ako sa sigaw nito. "Ano ba ang nangyayari sa iyo? Are you okay?" tanong nito sa akin."Best, paano kung malaman mo na ipambabayad ka ng utang ng parents mo? Ano ang gagawin mo?" tanong ko sa kanya.Kumunot ang noo nito. Tapos ay sumandal ito sa upuan na katapat ko."Siguro, aalis ako, maglalayas or much better magpapakamatay ako," sambit nito. "Teka nga muna. Ano na naman ang ginawa ng magaling mong ina-inahan?" tanong nito. May bakas na galit sa boses nito.Hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak. Akala ko wala nang luha na lalabas sa aking mga mata. Bigla ay napalitan nang pag-alala ang mukha nito. Tumayo ito at nilapitan ako, niyakap.Humikbi ako. "Hindi ko na alam ang gagawin ko best. 'Di ko naman pwedeng iwan si papa. Naging mabait din naman siya sa akin kahit papaano," sabi ko sa kanya. "Gusto kong umalis sa bahay na iyo

    Last Updated : 2022-12-17
  • SOLD For Him (Tagalog)   Chapter 5

    MABUTI na lang at pumayag si Grand na makapag-aral ako at matapos ako sa pag-aaral ko. Pero sa isang kundisyon, iyon ay 'di na ako. Makikipagkita sa pamilya ko.Mahal ko ang kinikilala kong pamilya. Pero kung buhay din naman nila ang kapalit ay handa akong magsakripisyo para sa kanila.."Salamat sa paghatid, Grand," nakangiti kong paalam dito.Hindi muna ako pumasok sa loob ng campus. Pumihit ako papasok sa gate ng campus, pero sobrang gulat ko at napahawak ako sa aking dibdib."Aatakihin ako sa iyo, best!" angil ko dito.Tumaas ang kilay nito. "Sino iyong naghatid sa iyo?" tanong nito sa akin."Grand Acosta," nakangiti kong sabi dito."The who?""Grand Acosta. Ipapaliwnag ko sa iyo mamaya," tanging nasabi ko na lang dito.IPINALIWANAG ko ang lahat kay Mera, nagulat ito sa sinabi ko."Ang sama talaga ang foster mother mo. Wala siyang kasing sama. Buti naman ay hindi ka sinaktan," pag-aalalang sambit nito.Ngumiti ako nang wala sa oras. "Ang bait niya, pero kahit na mabait siya, wala a

    Last Updated : 2022-12-17
  • SOLD For Him (Tagalog)   Chapter 6

    UNTIL now ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang halik na pinagsaluhan namin. Isang linggo na din mula nang may mangyari sa amin at hindi na naulit pa.At ayaw ko din ulitin iyon. Nagkamali ako na agad akong bumigay sa lalaking iyon. Hinawakan ko ang labi ko, tapos ay kagat labi akong napatingin sa kawalan."Hoy! Best, anong nangyayari sa iyo? Para kang nanuno sa punso," malakas na sambit ni Mera."Wala, may naisip lang ako." Palusot ko dito.Hindi pwedeng malaman ni Mera ang nangyayari sa akin sa mansion. Baka atakehin ito sa puso."Ano ang status niyo ng Grand mo?" nakangisi nitong sambit.Napalingon ako dito nang wala sa oras. "Alam mo, Mera. Tumahimik ka na lang. Wala akong gusto kay Grand. He is like a brother to me. Ni katiting wala akong gusto sa kanya." Napatigil ako sa pagsasalita.'Pero kay Brandon? Kakaiba ang nararamdaman ko para sa kanya. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Am I in love with that man?' ani ko sa aking isipan.Umiling ako. "Hindi pwede," sambit ko sabay tayo. N

    Last Updated : 2022-12-19
  • SOLD For Him (Tagalog)   Chapter 7

    "Ahhh! Ahhh!" ungol ni Eliza. Habang nakahiga ito sa isang mesa at nasa ibabaw nito si Daniel.Akala siguro nito at hindi ko malalaman ang plano nito. Walang sino man ang makakapagpaalis kay Kara sa mansion ko. Nasa swevil chair ako ngayon. Umupo at naninigarilyo.Alam ko na pagod na itong si Eliza, dahil kanina pa ito pinagpapalitan ng mga kasama ko. Alam ko din na hindi na virgin ang babaeng ito. Akala niya siguro ay makukuha nito ang gusto nito."Tama na please. Masakit na," umiiyak nitong daing.Tumayo ako, nilapitan ko ito. Habang nasa likuran na nito si Daniel.Hinawakan ko ang buhok nito."Next time na sasaktan mo si Kara. Hindi lang ito ang makukuha mo. Kahit na sino, walang pwedeng manakit kay Kara. Ako lang ang mananakit sa kanya," madiin kong sambit sa babae."Lubayan n'yo na iyan. Itapon iyan sa labas ng bahay nila," utos ko sa mga tauhan ko."Wala kang puso. Akala ko pa naman mabait ka. Hindi pala!" sigaw nito sa akin.Ngumisi ako. "I am kind. Pero sa mga tao na karapat-d

    Last Updated : 2022-12-20
  • SOLD For Him (Tagalog)   Chapter 8

    NASA labas ako nang dati kong bahay. Gusto kong lumabas para makiramay sa nakagisnan kong pamilya."Puntahan mo na."Hindi ako natinag sa kinauupuan ako. Nilingon ko siya."Paano kung ipagtabuyan nila ako?" tanong ko sa kanya."Kung mangyayari iyon, aalis ka nang matiwasay at 'di na babalik sa pamamahay na ito."Tumango ako, tapos ay lumabas ng kotse nito. Nilingon ko pa siyang muli, bago ako pumasok sa loob ng bahay. Hindi naman marami ang nakikiramay. Agad kong nakita ang kabaong ni Eliza, nasa sala ng bahay namin. Kahit na hindi kami magkasundo ni Eliza ay itinuring ko siyang kapatid ko.Nasa harapan na ako nang kabaong ni Eliza. Nakatingin ako ngayon sa kanya. Nagbigay ako nang taimtim na panalangin, para sa ikakatahimik ng kaluluwa nito."What are you doing here? Umalis ka na, bago pa kita kaladkalarin. Hindi gusto ng anak ko na nandito ka," madiin at may bahid ng galit sa boses nito."Gusto ko lang makiramay 'ma.""Don't call me, that name. Nakakarindi. Hindi ka parte ng pamilya

    Last Updated : 2022-12-21
  • SOLD For Him (Tagalog)   Chapter 9

    UMUWI kami nang gabing iyon na tila wala ako sa sarili. Dahil sa ginawa namin sa CR ng hotel na iyon. Naulit pa ang pag-angkin nito sa akin sa kwarto ng hotel.Kinukuskos ko ang sarili ko. Nagiging marupok na naman ako. Dapat ko na talaga siyang iwasan. Dapat ko na siyang layuan. Hindi pwede na ipilit ko ang nararamdaman ko sa kanya. Dahil baka ako lang din ang masaktan.Lumabas na ako ng banyo at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Brandon na nakaupo sa kama ko. I know he is Brandon. Dahil ang paraan nang pagtitig nito sa akin ay kasamang pagnanasa. Habang si Grand ay hindi. Purong kaibigan lang talaga. Walang pagnanasa sa mga mata nito.Nakakatitig lamang ito sa akin. Habang ako ay panay ang lunok at hinawakan nang mahigpit ang tuwalya na nakapulupot sa aking katawan."What are you doin' here?" tanong ko sa kanya. Pero nanatili ang titig nito sa akin."Visiting my fianceé," walang emosyong nitong sambit."I am not your fianceé, so stop that crap!" madiin kong sambit.Tumayo ito.

    Last Updated : 2022-12-22
  • SOLD For Him (Tagalog)   Chapter 10

    KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Ako na nagluto ng ulam sa bahay namin. Since tulog pa sila papa at Mama Delyn ay ako muna ang gumagalaw sa kusina.Hindi maalis ang ngiti sa aking labi. Dahil lang sa nangyari kagabi. First time iyong isinayaw ako ni Alexander. Hindi ko makakalimutan ang gabing iyon.Pagkatapos kong magluto at umakyat na ako sa kwarto ko para maligo, pagkatapos kong maligo ay nagbihis agad ako. Para bumaba at kumain na. Maaga pa naman baka maglalakad lang ako mamaya. Nauna na akong kumain kina papa. Dahil alam ko na mamaya pa ang gising ng mga iyon.Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko ang pinagkainan ko, tapos ay pumunta ako sa sala para kunin ang bag ko na nasa sofa. Lumabas na ako ng bahay. Hindi ko na inaantay si Eliza, dahil mamaya pa iyon magigising. Ayaw din naman niya akong makasabay. Naglalakad ako, nang mapansin ko na para bang may sumusunod sa akin. Hindi ko iyon pinansin, nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Isang bosena ng sasakyan ang nagpahinto sa aki

    Last Updated : 2022-12-23
  • SOLD For Him (Tagalog)   Chapter 11

    KINABUKASAN ay para bang ayaw kong bumangon sa kama. Dahil ayaw kong makita ang lalaking una kong minahal pero sinaktan lang ako. Pero wala akong magagawa, dahil nasa isang paaralan kami..Bumangon na ako at ginawa ang nakasanayan kong gawain. Nagluto ako ng almusal, pagkatapos kong magluto ay umakyat ulit ako at naligo. Bumaba ako para kumain at nagtungo na sa paaralan.Naglalakad ako papalabasa ng subdivision nang maramdaman ko muli na para bang may tumitingi sa akin. Napalingon ako sa kanang bahagi ko, nakita ko ang isang lalaki na nakatayo sa beranda ng bahay na iyon. Hindi ko alam pero iba ang nararamdaman ko sa kanya. Nakatitig ito sa akin, pero agad akong umiwas ng tingin at naglakad nang mabilis.Nakarating ako sa labas ng gate. Tinanong ko si Manong Berting kung sino ang nakabili ng bahay na iyon. Ayon dito ay Acosta daw ang apelyido ng nakabili sa bahay na iyon. Agad akong nagpaalam kay Manong Berting para pumasok na sa paaralan. Pero hindi pa ako nakakalayo ay may bumusina m

    Last Updated : 2022-12-24

Latest chapter

  • SOLD For Him (Tagalog)   Special Chapter

    Althea POVPapasok na sana ako sa unit ko ng makita ko ang isang lalaki. Nakayuko ito, nakaupo, at nakasandal sa may pinto ng condo ko."Jeffrey, gising!" pag gising ko dito.Agad itong tumayo. "What are you doing here?" tanong ko sa kanya.Hindi ito pupunta dito, kung wala itong kailangan. Hindi ito pupunta dito. Kung wala itong dinaramdam."Ate," tawag nito sa akin.Gusto kong masuka sa pagtawag nito sa akin. Kinilala niya akong Ate, dahil iyon ang kagustuhan ng magulang ko at ng magulang nito."Ano na naman ang kailangan mo? Alam ba ito ni Tito Rozen?" tanong ko dito.Hindi hinayaan ni Tito Rozen na maging palaboy si Jeffrey. Kaya inampon niya ito. Agad na na grant ang adoption papers nito. Dahil na rin siguro sa magaling naming lawyer."Hindi, ayaw ko ng dumagdag sa problema ni papa. Baka ako pa ang magiging dahilan ng kamatayan nito.""Ano ba ang problema?" tanong ko.Pumasok kami sa loob ng condo ko. Umalis na ako sa bahay namin. Dahil masyadong malaki iyon, para sa akin. Kaya k

  • SOLD For Him (Tagalog)   Epilogue

    3rd POV"Habulin mo ako, Jeff!" Tumatawang sambit ng isang dalagitang babae.Hinahabol naman ito ng isang binatilyong lalaki na nag ngangalang jeff. Tumatawang hinabol naman ng binatilyong lalaki ang dalagitang babae.Habang sa isang puno ay nakasandal ang isa pang binatang lalaki. Pero mas matanda ito sa kanila ng limang taon. Nilingon ng dalagita ang binatang lalaki."Kara, saan ka pupunta?" tanong ng binatilyong Jeff, sa dalagitang Kara.Kaya lumapit din si Jeff sa binatang lalaki."Brandon, halika na.""I am not, Brandon," ani ng binata."Grand, I know, I know. Ang sungit mo talaga.""Dahil ayaw ko sa iyon. Nakakasira ka kay Brandon.""Tumigil ka, Grand. Alam mo, kaya ayaw kang palabasin ni Brandon, dahil sa ugali mo.""Tumahimik ka, Jeff. Hindi ka nakakatuwa!" galit na sambit ni Grand.Hindi mapigilan na umiyak ng dalagita."Ayaw ko na sa iyo, Grand. Hindi kita bati. Sobrang sama mo," sabi nito.Tumakbo ang dalagitang babae. Patungo sa isang bahay kubo. Tambayan pala nilang magka

  • SOLD For Him (Tagalog)   Chapter 80

    Brandon POVDahil nga naghiwa-hiwalay na kami ay nagtungo ako sa ikalawang palapag. Itinutok ko ang baril na hawak ko sa unahan. Dahil kung may kalaban ay maunahan ako. Rinig ko pa rin ang usapan ni Rozen at Jeff."Come on, Rozen. Ano naman ang habol mo kay Kara. Hindi ka niya kilala.""He is my sister," malamig nitong sambit.Alam ko na hindi nag-iisa doon si Rozen. Alam ko na kasama nito ang ilang tauhan nito."Sa kanan, Brandon. May mga kalaban," saad ni Cade.Naging alisto ako, dahil papalapit na ako sa lugar na sinasabi ni Cade."Nakahanda na rin ang snipers, Brandon," ani naman ni Heinz.Kaya hindi ako nababahala. Nagulat ako ng bumulagta ang isang kalaban."Bulls eye!" sigaw nito.Umiling na lang ako. "Baka ako na ang tamaan sa susunod, Heinz. Yari ka talaga sa akin." Pagbabanta ni Kainer dito."Don't cha worry, Ma friend. Di ka tatamaan, magaling ka umilag eh!" tumatawang saad ni Heinz."Pag nagkita talaga tayo, tatamaan ka sa akin, Heinz!" "Whatsoever.""Magsitahimik nga kay

  • SOLD For Him (Tagalog)   Chapter 79

    Kara POVHindi ko mapigilan ang umiyak. Dahil, biglang nag-iba ang tao na nakasama ko sa mahabang panahon. Bumukas ang pinto at may pumasok."Kumain ka na. Ayaw ni Jeff na malipasan ka ng gutom. Kung ako lang ang masusunod. Ayaw sana kitang pakainin."Nilingon ko ito at tinignan ng masama. Pero ngumisi lang ang gaga."Ayaw kong kainin 'yan baka may lason iyan."Ngumisi ito. "Di mamatay ka sa gutom. Alam ko naman na hindi ka ililigtas ni Brandon. Brandon is heartless, demonyo!" sigaw nito.Tumayo ako. "Heartless? Demon? Talaga ba? Matapos mong gamitin ang tao. Ganyan ka na sa kanya?"Mas lalong lumawak ang ngisi nito. "Pinagsawaan ko na siya. Ginawa ko na ang lahat. Ginalingan sa kama. Pero wala pa din. Ano ba iyang nakita sa iyo ni Brandon, na wala sa akin!" madiin nitong pag sigaw."Baka ang pagmamahal. Dahil iyan ang hindi mo makukuha kay Brandon ang MAHALIN ka!" sigaw ko sa pagmumukha nito.Galit niya akong nilapitan. Pero bago pa ito makalapit sa akin, hablutin ang buhok ko ay sin

  • SOLD For Him (Tagalog)   Chapter 78

    Kara POVAgad akong sumiksik sa kama nang makapasok na ako sa kwarto. Natatakot ako na maaaring gawin sa akin ni Jeff. Hindi ko na kilala ang kababata ko. Ibang-iba na ito."Sasaktan mo ba ako?" tanong ko sa kanya."Hindi, Kara. Hindi kita magagawang saktan. Alam mo iyan.""Bakit mo ako dinala, kung di mo ako sasaktan?" tanong ko sa kanya."Iniligtas lang kita sa kamay ni Brandon. Isa din sa dahilan kong bakit, siya ang pinunterya ko.""Hindi ako sasaktan ni Brandon.""You don't know him, Kara. Mas masahol pa siya sa hayop," sabi nito sa akin.Alam kong sinisiraan nito si Brandon sa akin. Tumawa ito. Tawang may halong lungkot."Noon pa man ay si Brandon na ang nilalapitan mo. Noon pa man ay sa kanya ka na nakadepende. Pati ba naman ngayon siya pa rin? Paano naman ako, Kara!" sigaw nito.Natakot ako sa pagsigaw nito. Dahil bigla itong nag-iba. Iba sa Jeff na kaharap ko kanina."Anong paano ikaw? Hindi kita maintindihan.""Mahal kita, Kara. Noon pa man ay mahal na kita. Hindi ko magawan

  • SOLD For Him (Tagalog)   Chapter 77

    Brandon POVBinalikan ko ang kausap ko."Xia, sabihin mong di totoo ito!" sigaw ko.Dahil hindi talaga ako makapaniwala sa nabasa ko sa email ko."Na sana ay hindi nangyari, Brandon.""Paanong naging leader si Jeff sa grupo ng Black Mamba, Xia?" tanong ko sa kanya."Hindi ko alam, Brandon. Isa sa punterya talaga nila ay kunin ang bata sa pangangalaga nina Luther at Sophia. Ikalawa na ang Isla. Dapat ikatlo ka. Pero dahil hindi basta-basta nila makukuha angb bata at ang Isla, kaya ikaw ang inuna nila. And they used the child and that Leslie girl.""Kunin ninyo ang bata dito. Magtutuus kami ng babaeng iyon. Tatapusin ko ngayon gabi ang paghihirap ng mag-ina ko," final kong sabi sa kanila."Okay, ihanda mo na ang bata. Kukunin namin siya, dyan."Nagbihis ako at dali-dali akong lumabas sa kwarto namin ni Kara. Wala na akong pakialam kung may makakita sa akin na lumabas mula sa kwarto ng asawa ko. Ang importante ay mailigtas ko ang bata at madala ito sa safe na lugar.Katulad nang pagdudud

  • SOLD For Him (Tagalog)   Chapter 76

    Kara POVNapilitan kaming kumain sa niluto ni Leslie. Kahit panay reklamo ni Althea. Wala si Brandon ng gabing iyon. May nilakad daw. Alam ko na gumagawa ng paraan si Brandon upang di kami mapahamak.Nasa pool ako ngayon. Nasa swimming pool ang mga binti ko. Ang laming ng tubig na nanggagaling sa pool. Kinuha ko ang wine glass at isang lagok ang wine. Nagsalin muli ako."Alam mo, dapat maligo ka. Hindi iyong nagmumukmok ka," may ngisi sa labi nito.Hinubad nito ang roba at naka one piece ito na kulang yellow. Kumunot ang noo ko. Dahil hindi naman kagandahan ang katawan nito. Mas maganda pa siguro ang katawan ko.Lumangoy ito. Umahon ito at hanggang dibdib nito ang tubig."Swimming tayo, Kara. Ayaw mo bang ipakita iyang katawan mo? Baka may stretch mark na iyan," pang-aasa nito.Tamang-tama naka two piece ako na kulay pula. Hinubad ko ang damit ko. Mas malaki pa ang dibdib ko sa kanya. Kaya nag-iba ang timpla ng mukha nito. Isinunod ko ang shorts ko. Naka two piece na ako sa harapan ni

  • SOLD For Him (Tagalog)   Chapter 75

    Kara POVRinig na rinig ko ang sigaw at hiyaw ng babaeng higad mula sa itaas. Iyan na nga ba ang sinasabi ko. Humarang kasi sa daraanan ni Althea. Nakatikim tuloy.Bumaba ako para tignan ang babaeng higad."What happened, Brad?" tanong ko sa panganay ko."Althea happened.""Oh my God. Humarang ka ba sa daraanan ng anak ko?" tanong ko sa kanya."Gusto ko lang makipaglapit sa kanya.""Na sana ay di mo ginawa. Alam mo bang galit na galit siya sa iyo. Nakalimutan ko pa lang sabihin sa iyo na, wag kang haharang sa daraanan niya. Pag galit siya. Dahil talagang matatamaan ka." Tinignan ko ang hitsura ng babae. Umiling ako. "Ang lakas ng suntok ng anak ko ano?" tanong ko sa kanya."Paano mo ba pinalaki ang anak mo. Lumaki na basagulera!" galit na sambit nito. "Ahh, oo nga pala. Di ikaw ang nagpalaki. Kaya lumalaking basagulera.""Hey, watch your mouth.""Bakit, totoo naman ahh. Lumaki kayo na walang ina. Kaya ganyan ang kapatid n'yong babae."Susugurin na sana ng dalawa ang babae ng pigilan k

  • SOLD For Him (Tagalog)   Chapter 74

    Kara POVDumating kami sa mansion and to my surprise. Agad na yumakap ang malandi sa asawa ko. Kahit na sinabihan na ako ni Brandon na hindi tunay ang pinapakita nito sa babae."Babe, ang tagal mo naman," malandi nitong sabi sa asawa ko."Nakikipag-usap pa ako kay Kara. Para mapawalang bisa ang kasal namin.""Really? It's that true?" masaya nitong sambit.Pinaikot ko lang ang mga mata ko. Dahil sobrang OA na."Mommy, what that b*tch doing here?" galit na sambit ni Althea."Althea your mouth," saway man ni Brandon sa bata."Eh, ano ang gusto mong gawin ko, dad? Tatahimik lang, habang kayong dalawa ng kerida mo ay maglalampungan sa harapan ni mommy!" sigaw nito.'Wow, parang totoong akting ahh.'"Oh, baby girl. Dapat masanay ka na. Dahil dito na ako titira kasama ng daddy mo.""Excuse me," singit ko. "Isa sa pagpayag ko na makipaghiwalay ako kay Brandon ay ang paglipat ninyo o pag-alis sa mansion na ito. Dahil akin ang mansion na ito.""What, mommy. Maghihiwalay kayo ni daddy? Hindi, hi

DMCA.com Protection Status