KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Ako na nagluto ng ulam sa bahay namin. Since tulog pa sila papa at Mama Delyn ay ako muna ang gumagalaw sa kusina.Hindi maalis ang ngiti sa aking labi. Dahil lang sa nangyari kagabi. First time iyong isinayaw ako ni Alexander. Hindi ko makakalimutan ang gabing iyon.Pagkatapos kong magluto at umakyat na ako sa kwarto ko para maligo, pagkatapos kong maligo ay nagbihis agad ako. Para bumaba at kumain na. Maaga pa naman baka maglalakad lang ako mamaya. Nauna na akong kumain kina papa. Dahil alam ko na mamaya pa ang gising ng mga iyon.Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko ang pinagkainan ko, tapos ay pumunta ako sa sala para kunin ang bag ko na nasa sofa. Lumabas na ako ng bahay. Hindi ko na inaantay si Eliza, dahil mamaya pa iyon magigising. Ayaw din naman niya akong makasabay. Naglalakad ako, nang mapansin ko na para bang may sumusunod sa akin. Hindi ko iyon pinansin, nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Isang bosena ng sasakyan ang nagpahinto sa aki
KINABUKASAN ay para bang ayaw kong bumangon sa kama. Dahil ayaw kong makita ang lalaking una kong minahal pero sinaktan lang ako. Pero wala akong magagawa, dahil nasa isang paaralan kami..Bumangon na ako at ginawa ang nakasanayan kong gawain. Nagluto ako ng almusal, pagkatapos kong magluto ay umakyat ulit ako at naligo. Bumaba ako para kumain at nagtungo na sa paaralan.Naglalakad ako papalabasa ng subdivision nang maramdaman ko muli na para bang may tumitingi sa akin. Napalingon ako sa kanang bahagi ko, nakita ko ang isang lalaki na nakatayo sa beranda ng bahay na iyon. Hindi ko alam pero iba ang nararamdaman ko sa kanya. Nakatitig ito sa akin, pero agad akong umiwas ng tingin at naglakad nang mabilis.Nakarating ako sa labas ng gate. Tinanong ko si Manong Berting kung sino ang nakabili ng bahay na iyon. Ayon dito ay Acosta daw ang apelyido ng nakabili sa bahay na iyon. Agad akong nagpaalam kay Manong Berting para pumasok na sa paaralan. Pero hindi pa ako nakakalayo ay may bumusina m
PUMASOK ako sa sasakyan na susundo sa akin. Dahil hindi ako tumitingin sa katabi ko ay sinabihan ko na lang driver na aalis na aalis na kami."Tayo na, manong," sambit ko sa kanya. Abala ako sa pagkalkal sa bag ko.Pero napalingon ako sa kanang bahagi ng sasakyan dahil para bang may isang pares ng mga mata na nakatingin sa akin.Nagulat ako sa nakita ko. "Kanina ka pa?" kinakabahan kong tanong. Maaga nga akong umuwi dahil ayaw kong magpang-abot ang landas namin ni Brandon.Pero nanatili ang seryoso nitong mga tingin sa akin. Ako na lang ang umiwas dahil hindi ko kayang salubungin ang mga tingin nito na kung makatingin ay tila ba hinahalukay ang buo mong pagkatao."Who's that guy?" malamig nitong tanong sa akin. Ayaw kong siyang tignan. "Answer me, Brianna Kara," matigas nitong sambit.Pumikit ako. "Wala kang pakialam doon. Pwede ba wag mo akong pakialaman. Buhay ko ito," sabi ko sa kanya."Buhay mo?" ngumisi ito.'Shit, parang alam ko na kung ano ang sasabihin nito.'"Baka nakakalimut
NASA kwarto ako ngayon, ayaw kong lumabas dahil baka makita ko na naman si Brandon. Napalingon ako sa may pinto nang may kumatok."Kara," tawag nito sa akin.Hindi ako nagsalita. Ayaw ko siyang kausapin. Gusto kong mag-isa."Please, Kara. Buksan mo ito."Nanatili akong nakaupo sa kama. Hindi ko alam kong bakit ginawa niya iyon. Nakita ko mismo sa dalawang mga mata ko kung paano niya… hindi ko mapigilan ang umiyak. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako s takot.Akala ko, hindi siya noon kasama. Pero, sobrang sama pala niya. Naalala ko pa ang nangyari kanina.WALANG pasok ngayon, dahil panay ang buhos ng ulan. Sobrang lakas pa naman. Lumabas ako sa kwarto ko at tinignan ko ang kwarto na pinagdalhan ni Brandon sa babae.Wala nang ingay doon. Bumaba ako, dahil walang tao ay balak kong maglibot sa buong mansion. Dahil kahit kailan ay hindi ako nakapaglibot noong una kong tapak dito. Sinimulan ko sa itaas. Wala naman masyadong laman ang second floor. Kaya bumaba ako at lumabas. Pumunta
DAHIL sa nakita ko ay talagang nagpatulong ako kay Grand na magtago kay Brandon. Natatakot kasi ako na baka saktan ako ni Brandon. Kung kaya nitong pumatay. Tiyak na kaya din niya akong patayin.Ilang buwan na mula nang magtago ako. Kahit na alam ko na malapit na akong magtapos sa kolehiyo ay mas pinili kong magtago na lang. Napatitig pa rin ako sa kawalan. Pag nakikita ko kung paano kalabitin ni Brandon ang baril sa mismong harapan ko. Kasalanan ko din naman iyon, kung bakit pa kasi ako sumunod sa kanya. Malay ko bang may papatayin pala ito.Agad akong nagpunta sa main door nang may nagdoorbell. Binuksan ko ito. Nakatalikod sa akin ang lalaki."Yes?" tanong ko sa kanya. Humarap ang lalaki. Naging masaya ang bukas ng mukha ko nang makilala ko ito."Grand. Mabuti naman ay dinalaw mo ako." Isang buwan na kasi mula ng huling dalaw nito sa akin."Am I Grand to you?" Isang malamig na boses ang ibinigay nito sa akin at alam ko kung sino ang may-ari noon."Brandon," wala sa sarili kong sambi
NGINITIAN ko ang bawat madadaanan ko. Dahil nga naging kaibigan ko na ang iba sa kanila."Kara," tawag nito sa akin.Nginitian ko ito."Kumusta ka na?" nakangiting tanong nito sa akin."Okay lang naman. Masyadong busy!"Halos malagutan ako nang hininga nang lumapit sa akin si Brandon at inilagay sa baywang ko ang isang kamay nito.Napatingin tuloy si Claire sa kanya."Sino siya, Kara?" tanong ni Claire sa akin. May nakita ako sa mga mata nito, na para bang may gusto ito kay Brandon."Amo ko," ikling sambit ko."Amo? Bakit nakahawak sa baywang mo?" tanong nito."Wala iyan. Ganyan lang talaga iyan.""Dadalaw ako sa bahay mo ahh! Matagal na din akong hindi nakapunta doon."Tango na lang ang tanging nasagot ko. Alam kong hindi ako ang nais nitong dalawin, kundi si Brandon."Doon muna kami." Hinawakan ko ang kamay ni Brandon. Pinagsalikop naman niya iyon.Dumalaw ako sa isang pamilya doon. Ang pamilyang iyon ang naging sandalan ko nang nandito ako, sa sobrang bored ko ay naisipan kong magl
HINDI nagtagal ay umuwi na ako sa mansion. Sumama na ako kay Brandon. Sumama na din si Claire sa amin.Ibinaba muna namin si Claire sa isang mansion ni Brandon. Pagbaba namin ay nagprotesta agad si Claire."Akala ko ba ay dito ka nagta-trabaho, Kara.""Hindi, sa isang mansion ni Brandon ako nagta-trabaho.""Doon na lang ako, Kara. Ayaw kong mag-isa dito," sabi pa nito sa akin."Mas okay dito. Kesa doon, Claire.""Basta sasama ako." Wala na kaming magawa ni Brandon. Dahil sumama talaga si Claire.Pagkababa namin ay agad kaming sinalubong ni Nanay Jossy."Kara," masayang sambit nito."Nay Jossy namiss ko kayo." Mahigpit na yakap ang ibinigay ko sa kinilala kong ina dito."Ito na ba ang bagong katulong?" tanong ni Nanay Jossy."Oo, nay. Pakidala na lang siya sa kwarto niya," sabi ko.Umakyat na ako sa itaas. Hindi ko pinansin ang mga mata ni Claire na nakasunod sa akin."Saan ang kwarto mo, Kara?" tanong nito sa akin."Sa itaas.""Bakit hindi sa ibaba.""Halika na, Claire. Wag nang maram
NAS bench ako ngayon sa school sa tambayan namin ni Mera. Wala si Mera ngayon at hindi ko alam kong nasaan ang babaeng iyon. Bumalik na din naman ako sa pag-aaral.Hindi ko pinansin ang umupo sa tapat ko. Nagpatuloy lang ako sa pagsusulat."How are you, Kara?" napatingin ako sa kanya."Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya."Gusto lang kitang makausap.""Ano ang pag-uusapan natin?" tanong ko sa kanya."Tungkol sa ating dalawa.""Xander. Wala nang tayo. Matagal na tayong tapos. That's it, kaya tigilan mo na ako," sabi ko dito."Mahal kita, Kara."Tumawa ako. "Mahal? Ano ba ang alam mo sa pagmamahal? 'Di ba wala? Kaya tigilan mo ako."Inisa-isa kong niligpit ang mga gamit ko. Aalis na sana ako nang pigilan niya ako."Ano ba, bintawan mo ako.""No, hindi. Hangga't hindi ka bumabalik sa akin. Hindi ako aalis dito.""Nakuha mo na ang gusto mo 'di ba? Napasaiyo na si Eliza, noong high school pa lang tayo 'di ba? Kung mahal mo ako. Hindi mo ako sasaktan."Iniwan ko na siya doon. Ayaw k
Althea POVPapasok na sana ako sa unit ko ng makita ko ang isang lalaki. Nakayuko ito, nakaupo, at nakasandal sa may pinto ng condo ko."Jeffrey, gising!" pag gising ko dito.Agad itong tumayo. "What are you doing here?" tanong ko sa kanya.Hindi ito pupunta dito, kung wala itong kailangan. Hindi ito pupunta dito. Kung wala itong dinaramdam."Ate," tawag nito sa akin.Gusto kong masuka sa pagtawag nito sa akin. Kinilala niya akong Ate, dahil iyon ang kagustuhan ng magulang ko at ng magulang nito."Ano na naman ang kailangan mo? Alam ba ito ni Tito Rozen?" tanong ko dito.Hindi hinayaan ni Tito Rozen na maging palaboy si Jeffrey. Kaya inampon niya ito. Agad na na grant ang adoption papers nito. Dahil na rin siguro sa magaling naming lawyer."Hindi, ayaw ko ng dumagdag sa problema ni papa. Baka ako pa ang magiging dahilan ng kamatayan nito.""Ano ba ang problema?" tanong ko.Pumasok kami sa loob ng condo ko. Umalis na ako sa bahay namin. Dahil masyadong malaki iyon, para sa akin. Kaya k
3rd POV"Habulin mo ako, Jeff!" Tumatawang sambit ng isang dalagitang babae.Hinahabol naman ito ng isang binatilyong lalaki na nag ngangalang jeff. Tumatawang hinabol naman ng binatilyong lalaki ang dalagitang babae.Habang sa isang puno ay nakasandal ang isa pang binatang lalaki. Pero mas matanda ito sa kanila ng limang taon. Nilingon ng dalagita ang binatang lalaki."Kara, saan ka pupunta?" tanong ng binatilyong Jeff, sa dalagitang Kara.Kaya lumapit din si Jeff sa binatang lalaki."Brandon, halika na.""I am not, Brandon," ani ng binata."Grand, I know, I know. Ang sungit mo talaga.""Dahil ayaw ko sa iyon. Nakakasira ka kay Brandon.""Tumigil ka, Grand. Alam mo, kaya ayaw kang palabasin ni Brandon, dahil sa ugali mo.""Tumahimik ka, Jeff. Hindi ka nakakatuwa!" galit na sambit ni Grand.Hindi mapigilan na umiyak ng dalagita."Ayaw ko na sa iyo, Grand. Hindi kita bati. Sobrang sama mo," sabi nito.Tumakbo ang dalagitang babae. Patungo sa isang bahay kubo. Tambayan pala nilang magka
Brandon POVDahil nga naghiwa-hiwalay na kami ay nagtungo ako sa ikalawang palapag. Itinutok ko ang baril na hawak ko sa unahan. Dahil kung may kalaban ay maunahan ako. Rinig ko pa rin ang usapan ni Rozen at Jeff."Come on, Rozen. Ano naman ang habol mo kay Kara. Hindi ka niya kilala.""He is my sister," malamig nitong sambit.Alam ko na hindi nag-iisa doon si Rozen. Alam ko na kasama nito ang ilang tauhan nito."Sa kanan, Brandon. May mga kalaban," saad ni Cade.Naging alisto ako, dahil papalapit na ako sa lugar na sinasabi ni Cade."Nakahanda na rin ang snipers, Brandon," ani naman ni Heinz.Kaya hindi ako nababahala. Nagulat ako ng bumulagta ang isang kalaban."Bulls eye!" sigaw nito.Umiling na lang ako. "Baka ako na ang tamaan sa susunod, Heinz. Yari ka talaga sa akin." Pagbabanta ni Kainer dito."Don't cha worry, Ma friend. Di ka tatamaan, magaling ka umilag eh!" tumatawang saad ni Heinz."Pag nagkita talaga tayo, tatamaan ka sa akin, Heinz!" "Whatsoever.""Magsitahimik nga kay
Kara POVHindi ko mapigilan ang umiyak. Dahil, biglang nag-iba ang tao na nakasama ko sa mahabang panahon. Bumukas ang pinto at may pumasok."Kumain ka na. Ayaw ni Jeff na malipasan ka ng gutom. Kung ako lang ang masusunod. Ayaw sana kitang pakainin."Nilingon ko ito at tinignan ng masama. Pero ngumisi lang ang gaga."Ayaw kong kainin 'yan baka may lason iyan."Ngumisi ito. "Di mamatay ka sa gutom. Alam ko naman na hindi ka ililigtas ni Brandon. Brandon is heartless, demonyo!" sigaw nito.Tumayo ako. "Heartless? Demon? Talaga ba? Matapos mong gamitin ang tao. Ganyan ka na sa kanya?"Mas lalong lumawak ang ngisi nito. "Pinagsawaan ko na siya. Ginawa ko na ang lahat. Ginalingan sa kama. Pero wala pa din. Ano ba iyang nakita sa iyo ni Brandon, na wala sa akin!" madiin nitong pag sigaw."Baka ang pagmamahal. Dahil iyan ang hindi mo makukuha kay Brandon ang MAHALIN ka!" sigaw ko sa pagmumukha nito.Galit niya akong nilapitan. Pero bago pa ito makalapit sa akin, hablutin ang buhok ko ay sin
Kara POVAgad akong sumiksik sa kama nang makapasok na ako sa kwarto. Natatakot ako na maaaring gawin sa akin ni Jeff. Hindi ko na kilala ang kababata ko. Ibang-iba na ito."Sasaktan mo ba ako?" tanong ko sa kanya."Hindi, Kara. Hindi kita magagawang saktan. Alam mo iyan.""Bakit mo ako dinala, kung di mo ako sasaktan?" tanong ko sa kanya."Iniligtas lang kita sa kamay ni Brandon. Isa din sa dahilan kong bakit, siya ang pinunterya ko.""Hindi ako sasaktan ni Brandon.""You don't know him, Kara. Mas masahol pa siya sa hayop," sabi nito sa akin.Alam kong sinisiraan nito si Brandon sa akin. Tumawa ito. Tawang may halong lungkot."Noon pa man ay si Brandon na ang nilalapitan mo. Noon pa man ay sa kanya ka na nakadepende. Pati ba naman ngayon siya pa rin? Paano naman ako, Kara!" sigaw nito.Natakot ako sa pagsigaw nito. Dahil bigla itong nag-iba. Iba sa Jeff na kaharap ko kanina."Anong paano ikaw? Hindi kita maintindihan.""Mahal kita, Kara. Noon pa man ay mahal na kita. Hindi ko magawan
Brandon POVBinalikan ko ang kausap ko."Xia, sabihin mong di totoo ito!" sigaw ko.Dahil hindi talaga ako makapaniwala sa nabasa ko sa email ko."Na sana ay hindi nangyari, Brandon.""Paanong naging leader si Jeff sa grupo ng Black Mamba, Xia?" tanong ko sa kanya."Hindi ko alam, Brandon. Isa sa punterya talaga nila ay kunin ang bata sa pangangalaga nina Luther at Sophia. Ikalawa na ang Isla. Dapat ikatlo ka. Pero dahil hindi basta-basta nila makukuha angb bata at ang Isla, kaya ikaw ang inuna nila. And they used the child and that Leslie girl.""Kunin ninyo ang bata dito. Magtutuus kami ng babaeng iyon. Tatapusin ko ngayon gabi ang paghihirap ng mag-ina ko," final kong sabi sa kanila."Okay, ihanda mo na ang bata. Kukunin namin siya, dyan."Nagbihis ako at dali-dali akong lumabas sa kwarto namin ni Kara. Wala na akong pakialam kung may makakita sa akin na lumabas mula sa kwarto ng asawa ko. Ang importante ay mailigtas ko ang bata at madala ito sa safe na lugar.Katulad nang pagdudud
Kara POVNapilitan kaming kumain sa niluto ni Leslie. Kahit panay reklamo ni Althea. Wala si Brandon ng gabing iyon. May nilakad daw. Alam ko na gumagawa ng paraan si Brandon upang di kami mapahamak.Nasa pool ako ngayon. Nasa swimming pool ang mga binti ko. Ang laming ng tubig na nanggagaling sa pool. Kinuha ko ang wine glass at isang lagok ang wine. Nagsalin muli ako."Alam mo, dapat maligo ka. Hindi iyong nagmumukmok ka," may ngisi sa labi nito.Hinubad nito ang roba at naka one piece ito na kulang yellow. Kumunot ang noo ko. Dahil hindi naman kagandahan ang katawan nito. Mas maganda pa siguro ang katawan ko.Lumangoy ito. Umahon ito at hanggang dibdib nito ang tubig."Swimming tayo, Kara. Ayaw mo bang ipakita iyang katawan mo? Baka may stretch mark na iyan," pang-aasa nito.Tamang-tama naka two piece ako na kulay pula. Hinubad ko ang damit ko. Mas malaki pa ang dibdib ko sa kanya. Kaya nag-iba ang timpla ng mukha nito. Isinunod ko ang shorts ko. Naka two piece na ako sa harapan ni
Kara POVRinig na rinig ko ang sigaw at hiyaw ng babaeng higad mula sa itaas. Iyan na nga ba ang sinasabi ko. Humarang kasi sa daraanan ni Althea. Nakatikim tuloy.Bumaba ako para tignan ang babaeng higad."What happened, Brad?" tanong ko sa panganay ko."Althea happened.""Oh my God. Humarang ka ba sa daraanan ng anak ko?" tanong ko sa kanya."Gusto ko lang makipaglapit sa kanya.""Na sana ay di mo ginawa. Alam mo bang galit na galit siya sa iyo. Nakalimutan ko pa lang sabihin sa iyo na, wag kang haharang sa daraanan niya. Pag galit siya. Dahil talagang matatamaan ka." Tinignan ko ang hitsura ng babae. Umiling ako. "Ang lakas ng suntok ng anak ko ano?" tanong ko sa kanya."Paano mo ba pinalaki ang anak mo. Lumaki na basagulera!" galit na sambit nito. "Ahh, oo nga pala. Di ikaw ang nagpalaki. Kaya lumalaking basagulera.""Hey, watch your mouth.""Bakit, totoo naman ahh. Lumaki kayo na walang ina. Kaya ganyan ang kapatid n'yong babae."Susugurin na sana ng dalawa ang babae ng pigilan k
Kara POVDumating kami sa mansion and to my surprise. Agad na yumakap ang malandi sa asawa ko. Kahit na sinabihan na ako ni Brandon na hindi tunay ang pinapakita nito sa babae."Babe, ang tagal mo naman," malandi nitong sabi sa asawa ko."Nakikipag-usap pa ako kay Kara. Para mapawalang bisa ang kasal namin.""Really? It's that true?" masaya nitong sambit.Pinaikot ko lang ang mga mata ko. Dahil sobrang OA na."Mommy, what that b*tch doing here?" galit na sambit ni Althea."Althea your mouth," saway man ni Brandon sa bata."Eh, ano ang gusto mong gawin ko, dad? Tatahimik lang, habang kayong dalawa ng kerida mo ay maglalampungan sa harapan ni mommy!" sigaw nito.'Wow, parang totoong akting ahh.'"Oh, baby girl. Dapat masanay ka na. Dahil dito na ako titira kasama ng daddy mo.""Excuse me," singit ko. "Isa sa pagpayag ko na makipaghiwalay ako kay Brandon ay ang paglipat ninyo o pag-alis sa mansion na ito. Dahil akin ang mansion na ito.""What, mommy. Maghihiwalay kayo ni daddy? Hindi, hi