Home / Romance / SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series) / Prologue- SIMOUN MONTALVO ( Irresistible Body Series)

Share

SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)
SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)
Author: YNAH MENDOZA

Prologue- SIMOUN MONTALVO ( Irresistible Body Series)

Author: YNAH MENDOZA
last update Last Updated: 2021-11-27 19:44:51

“Sir, we’ll heading in New York in less than fifteen minutes.” Narinig ni Simoun na sabi sa kanya ng kanyang personal secretary na siyang kasama niya sa biyahe. Biglaan ang naging biyahe niya papuntang New York para kausapin ang mga businessman na gustong makipagpartnership sa kanya sa kasalukuyan niyang negosyo na Airlines.

“Okay, after the meeting pwede na kayong magpahinga once na makabalik na ako sa hotel.” Utos niya dito at saka niya muling itinuon ang pansin sa labas.

It’s been a year simula ng magbalik siya sa kanyang kinagisnang mundo. Ang mundo na kung saan umiikot lang ang kanyang buhay sa trabaho at pagpapalago ng mga negosyo ng kanilang pamilya. He’s the eldest son of Lorenzo Montalvo. He’s been the CEO of his own company two years pagkatapos niyang makatapos ng college sa isang exclusive University sa Manila.

Pagkalipas ng tatlong taon, mayroon isang tao na hindi na niya gusto pang makitang muli. He’s been miserable for the past three years dahil sa pag-iwan sa kanya ng babaeng ito na akala niya ay makakasama na niya habangbuhay. Nakatatak pa rin sa isip niya ang huli nilang pag-uusap bago ito tuluyang umalis papuntang Italy.

"Bea, can we just talk na hindi tayo nag-aaway?

     

"Pagod na ako Simoun,Im so sick and tired.”Nakita pa niya ang pagbuntonghininga nito habang malungkot ang mga matang nakatunghay sa kanya. “I always begging for your time, palagi ka na lang walang oras para sa ating dalawa. Hindi mo nga naalala na birthday ko kahapon, am I right?” Sarkastiko nitong tanong sa kanya. At napakamot siya sa kanyang batok ng maalala ang date kahapon. What the! Bakit nga ba hindi niya naalala na birthday ng girlfriend niya kahapon?

“Bea, I’m so sorry. I-…”

“You have nothing to sorry Simoun, sanay naman ako na palagi mong nakakalimutan ang tungkol sa akin, sa atin.” At mabilis niotng dinampot ang pouch na dala nito sa sofa ng kanyang opisina.

“Honey, wait…” Pigil niya dito na hinawakan pa niya ito sa maliit nitong baywang.

“Let me go Simoun. I want to brake-up with you. Tapusin na natin ang relasyon na mayroon tayo ngayon, pareho lang tayong nahihirapan.” Tinanggal nito ang mga kamay niyang nakayakap sa baywang nito. Para siyang nawala sa sarili at bigla niyang pinihit si Bea paharap sa kanya. Mabilis niya itong hinalikan sa labi. Marahas at madiin na paghalik ang ginawa niya dito dahil sa takot niya na tuluyan na siya nitong iwanan.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi matapos niyang gawin ang paghalik kay Bea na nagpagising sa kanyang katinuan.

“Is this the way how you will stop me from leaving you, huh? Simoun, we’ve been together since nasa college pa tayo. At palagi akong nasa tabi mo, iniintindi kita. But I suggest, lahat ng bagay ay dumarating din sa dulo o hangganan nito. And for our relationship, this is the right time para tapusin natin ang mayroon tayo.”

Hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan niya at naikuyom na lang niya ang kanyang mga kamay dahil sa galit na nararamdaman niya that time.  Bakit hinayaan niyang humantong sila ng babaeng pinakamamahal niya sa isang sitwasyon na kahit kailan ay hindi niya inasahang mangyayari sa kanilang dalaw? Sabay silang nangarap na magkasama para sa kanilang kinabukasan. But because of him, mas pinili siyang iwanan ni Bea na mag-isa. Unti-unti itong nawala sa paningin niya ng tuluyang magsara ang pinto na pinanggalingan nito at naiwan siyang mag-isa sa kanyang opisina, bigo at hindi napaghandaan ang sitwasyon niya ngayon.

From that day, hindi na niya hinayaang masaktan pa ng dahil sa pag-ibig na akala niya ay pang habangbuhay. Pag-ibig na nagdulot sa kanya ng galit sa puso na kailan man ay hindi niya makakalimutan.

“Sir, we are where here.” Untag sa kanya ng kanyang secretary. Binutones niya ang suot na coat saka siya tumayo. Sumunod naman ito sa kanya dala ang mga important files na kailangan nila para sa meeting.

*****

“Simoun, son…” Hinalikan siya sa pisngi ng kanyang Mama at saka nito inayos ang kuwelyo ng kanyang suot na long sleeve.

“May sasabihin mo pa ba kayo Ma?” Walang buhay niyang tanong sa ina. Kauuwe niya lang sa isang business trip kaya parang wala siyang gustong gawin kung hindi ang magkulong sa kuwarto at magpahinga.

“Nag-aalala lang ako sayo anak,baka naman masyado mong inaabuso ang sarili mo dahil sa pagtratrabaho? Can you take a break kahit ilang lingo lang? Magbakasyon ka sa rest house natin sa Pangasinan? Do you want?” Halatang nag-aalala ito sa kanya. Hinagod pa nito ang kanyang balikat na parang sa paraang iyon ay mapapawi ang pagod at lungkot niya.

“I’m okay Mom, don’t worry. Magpapahinga lang ako,” tanging nasabi niya sa kanyang ina.

 “Did you still remember her?” Pahabol na tanong nito sa kanya na ikinalingon niya dito. Alam niya kung sino ang pinapatungkulan nito.

“She’s nothing Mom, but part of my past that I totally forgot. Wala na akong pakielam sa kanya oh kung nasaan man siya ngayon,” madiin niyang sabi dito. Nagpatuloy na siya sa pag-akyat sa hagdan para pumunta sa kanyang kuwarto, leaving his mother clueless. Hindi niya gusto pang pag-usapan ang tungkol sa babaeng matagal na niyang binura sa puso niya pero sa kanyang isipan…because he will use that memories na natitira sa utak niya para mapaghandaan niya ang muli nilang pagkikita.

Nang makapasok siya sa kanyang kuwarto ay pagod niyang isinara ang pinto nito. Inihagis niya sa ibabaw ng kanyang kama ang kanyang cellphone at nagtungo siya sa walk-in closet to get some clothes to wear. Nagtungo siya sa banyo upang magshower. Paglabas niya ng banyo ay sakto namang tumunog ang kanyang cellphone. He wiggled his head to manage his wet hair. Nakahawak siya sa kanyang baywang ng sagutin niya ang taong tumatawag sa kanyang cellphone.

          

 "Rino, do you have any updates sa pinapaayos ko sayo?”

 “Yes sir. By three days ay mapapapirma na natin si Mr. Colls ng contract.” Balita ng kausap niya.  Napatingin siya sa labas ng glass window ng kuwarto niya. Isa si Mr. Colls sa mga importanteng negosyante na nangangailangan ng serbisyo ng Montalvo Airline kaya kailangan naming makuha ang pirma nito at magkaroon ng contract sa kompanya nito.

“Okay then, just inform about contract at kung kailan niya mapipirmahan ang mga iyon.” Mahigpit niyang bilin dito.

“Noted sir,ako na po ang bahala sa mga pinapagawa n’yo.”

“Alright, thank you. I’ll hang up, I have important things to do.”

Kinabukasan ay maaga siyang nagising. Gumayak siya agad upang pumasok sa opisina. He has something to do about the business kaya hindi siya pwedeng magpatanghali. Nang makababa na siya dining table ay nakita na niyang nakaupo ang kanyang mga magulang kasama si Ezekiel. Si Lucas naman ay madalang na umuwe sa kanilang bahay. Ang alam niya ay bumili na ito ng sariling bahay at doon na ito naglalagi.

 “Son…”

 “Dad. Do you have anything to say?” Agap niyang tanong sa ama habang naghila siya ng isang upuan para kumain ng umagahan.

“Its about your business. Balita ko ay maraming business partners ang may gusto na kuhanin ang serbisyo ng Airlines mo.” Balita nito sa kanya nang maibaba na nito ang hawak na tasa ng kape.

“Yeah. Ilang meetings and negotiations na lang at makukuha ko na ang partnership nila. But for the mean time ay aasikasuhin ko muna ang ilang bagay tungkol sa company.”

“That’s my son.” Natutuwang sabi nito sa kanya. At sunod naman nitong nilingon si Ezekiel na busy naman sa pagtipa sa cellphone nito.

“How about your businesses,Ezekiel?” hindi nito nakalimutang tanungin ang kanyang kapatid. Ang kanilang ina naman ay tahimik lang na nakikinig sa pag-uusap nila.

“It’s good Dad. And I’ll put up another branch in Makati next month.” Pagbabalita nito sa kanila. At nagpatuloy na ito sa pagkain ng matapos nitong sagutin ang tanong ng kanilang ama. Ever since ay palagi na lang ganoon ang routine nila sa umaga. Kahit na wala ang pangalawa nilang kapatid na si Lucas ay palagi naman nitong sinisigurado na maayos ang kalagayan nito maging ang sarili nitong negosyo na mga hotel. Kaya masasabi niyang being a Montalvo is not easy. Full of responsibility and task but in the end…being a Montalvo is a previlage that everyone is always dreaming of.Money, power and glamorous lifestyle… lahat ng iyon ay parte ng pagiging isang Montalvo.      

Related chapters

  • SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)   Chapter 1-SIMOUN MONTALVO ( Irresistible Body Series)

    SAMANTHAMuntik pa akong mahulog sa pagbiling ko sa kama ng bigla akong magulat sa pagtunog ng maliit kong alarm clock na nakapatong sa side table ng kuwarto ko. Nang sipatin ko ang oras ay three o’clock in the morning na. Five o’clcok ang call time ko sa isang Airline na pinagtratrabahuhan ko sa kasalukuyan.Mag-isa na lang ako sa buhay matapos na mamatay ang aking lola dalawang taon na ang nakakaraan. Ang aking mga magulang naman ay magkahiwalay na at pareho ng may kanya-kanyang sariling pamilya na rin. Sad to say, she was a product of broken family. Inintindi ko na lang ang aking mga magulang sa mga gustong gawin ng mga ito sa mga sari-sarili nitong buhay. At ako? I’m just a kid back then who chose to live a far from them. Nabuhay ako mula sa mga allowances na binibigay ng aking mga magulang. Nag-aral ako at nag tapos ng kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Tourism Management. And now, I’m cu

    Last Updated : 2021-11-27
  • SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)   Chapter 2-SIMOUN MONTALVO ( Irresistible Body Series)

    Simoun"Sir, may inspection po kayo tomorrow sa isa sa mga eroplano ninyo." Nag-angat ako ng tingin mula sa aking secretary na si Melody na ngayon ay hawak ang isang planner habang diretso itong nakatitig sa akin. She usually reminds me of my schedule, at masasabi kong mahusay ito bilang secretary ko for almost three years na kasama ko ito sa lahat ng aking lakad."Okay...anong oras?" tanong ko sa kanya at binuklat naman nito ang planner na dala."Darating po ang MA 109 Fighter at exactly two in the afternoon mula sa two leg flight nito." Inform sa akin ni Melody."Okay, and after that I need do something so if i have any schedule meeting kindly cancel it." Utos ko kay Melody na mukhang nagulat sa sinabi ko. 

    Last Updated : 2021-11-27
  • SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)   Chapter 3-SIMOUN MONTALVO ( Irresistible Body Series)

    Samantha Kasalukuyan kong inaayos ang mga gamit ko buhat sa two leg flight namin ng bigla kong maisip ang taong nakita ko kahapon na si Simoun Montalvo, ang may-ari ng airline na pinagtratrabahuhan ko. Hindi ko ugali ang tandaan ang mga lalakeng nakikita oh nakikipagkilala sa akin. I just simply nodded when they ask me, and that's it. Pero ang amo namin, bakit parang isang magandang panaginip ito na hindi ko makalimutan...ang itsura nito at kung paano ito kumilos ay talagang tumatak sa isip ko. He has a broad shoulder, masculine muscles that can break a thousand enemies, including his huge body added in his handsome image. Bigla akong napahinto ng maisip ko ang mga bagay na'yun...did I feel attracted to him? Napailing ako ng mabilis at hindi ko matanggap na nangyayari sa akin ang mga ganong bagay. It's not me! Nagpatuloy na rumihistro ang itsura niya sa isip ko at muli kong naisip ang itsura nya. His aura is perfectly

    Last Updated : 2021-11-27
  • SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)   Chapter 4-SIMOUN MONTALVO ( Irresistible Body Series)

    SamanthaMas malala pa sa nagulat ang nangyari sa akin ng ipakilala ako ni Sir Simoun sa mga kaibigan nito bilang girlfriend! Ano ba ang trip ng taong iyon at ginawa nito ang bagay na'yun?Manaka-naka ang pagsulyap ko sa gawi nito kung saan ay ilang dangkal lang ang layo sa akin. Hindi katulad ng huli naming kita na napakaformal ng suot nito, ngayon ay ibang-iba ang itsura nito sa suot nitong kulay coal grey Chino pants na tinernuhan nito ng isang kulay itim na polo tshirt na halatang mamahalin oh branded, at sneakers na kulay puti. Simple lang ang porma nito pero naattract akong titigan siya lalo na ang sa bandang muscles nito sa braso na halatang alaga sa gym. Plus ang fit nitong tiyan na alam kong may mga tinatagong abs sa loob ng tshirt nito. Gusto ko na namang batukan ang sarili ko dahil halatang natatangay na naman ako sa maka mundong mga bagay na hindi ko dapat maisip

    Last Updated : 2021-11-27
  • SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)   Chapter 5-SIMOUN MONTALVO ( Irresistable Body Series)

    SimounKasalukuyan akong nagpupunas ng buhok sa ulo pagkatapos kong maligo pagdating sa bahay. Pagkahatid ko kay Samantha sa apartment nito ay dito na ako dumeretso sa condo unit ko malapit sa apartment niya.Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ko ang mga bagay na iyon kanina para lang maipamukha kay Bea na wala na siyang natitirang ala-ala sa buhay ko. Pati ang pag gamit ko kay Samantha bilang girlfriend ko kunwari ay hindi ko rin akalain na magagawa ko, buti na lang at hindi ito ngreklamo sa ginawa ko sa kanya kanina.Malamang na inisip nito ang katayuan naming dalawa, empleyado ko siya..ako naman ang boss niya. Siguro nag dalawang isip siya at hindi na nag reklamo dahil baka tanggalin ko siya sa trabaho, na hindi ko naman gagawin kahit na hindi siya pumayag sa ginawa naming pagpapanggap kanina.

    Last Updated : 2021-11-27
  • SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)   Chapter 6- SIMOUN MONTALVO ( Irresistible Body Series)

    SAMANTHAHindi ako makatingin sa mga kasamahan kong cabin crew sa flight namin going back to Manila. Nalaman kasi ng mga ito na kaya hindi ako nakapag trabaho kanina habang papunta kami ng Japan ay dahil katabi ko sa passenger's seat ang mismong may-ari ng airline na pinagtratrabahuhan namin.Ang buong akala ko ay hindi na magkrukrus ang mga landas namin pagkatapos naming magpaalam sa isa't isa noong nakaraang gabi ng ihatid niya ako sa apartment. Pero heto at ilang araw pa lang ang lumilipas at gumugulo naman ang buhay ko dahil sa panganay na anak ni Mr. Lorenzo Montalvo."Uy, magkuwento ka naman Samantha. Bakit katabi at kausap mo si Sir Simoun kanina?Ikaw ha, may lihim ka pa lang hindi mo sinasabi sa amin." Tudyo ng isa sa mga kasamahan ko, ramdam ko ang pagtuyo ng aking lalamunan dahil sa tensyo na nararamdaman ko ng m

    Last Updated : 2021-11-27
  • SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)   Chapter 7-SIMOUN MONTALVO ( Irresistible Body Series)

    SimounI've planned everything. Everything about Samantha. Kailangan ko siya to be my companion in the party. Ang una kong binalak ay ang patirahin ito sa sarili kong condo malapit sa apartment nito. Pinaasikaso ko kay Winny ang lahat. Ang papel ng condo, at palabasin na si Samantha ang magiging bagong may-ari ng condo na binili ko.Sa ganoon ay hindi ito makatanggi sa mga pabor na hihingin ko sa kanya. I need her service, at pilit kong isinasantabi ang mga gumugulo sa isipan ko kapag kasama ko siya. I don't want to ruin my life just because I fall in love again. I hate women, but I need Samantha, I needed her. I don't know how long...but I want to be closer with her.I feel so damned betrayed kapag naiisip ko ang ginawa ni Bea sa akin dati, but Samantha is giving me so much questions in my mind. Makakaya ko kayang magtiwa

    Last Updated : 2021-11-27
  • SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)   Chapter 8-SIMOUN MONTALVO ( Irresistible Body Series)

    EDWARDNagpupuyos sa galit ang dibdib ko dahil parang isang sampal sa mukha ko ang sinabi ni Sir Simoun.Na hindi ko kayang ipaglaban si Samantha dahil kay Patty at sa ama nitong umaali-aligid sa buhay ko.Mahal na mahal ko si Samantha at wala akong hindi gagawin para sa kanya, at kahit harapin ko pa ngayon ang isa sa mga makapangyarihang tao sa mundo ng negosyo ay hindi ako matatakot. Lalo sa anak nito ka kahit kailan ay hindi ko naman napagtuunan ng pansin dahil iisa lang ang babaeng gusto kong makasama, at iyon ay si Samantha, siya lang walang iba."Nandyan ba si Mr. Nuevo?" Bungad kong tanong sa secretary nito na namumukhaan naman ako dahil ilang beses na rin naman akong nakarating sa opisina nito dahil sa ilang beses na rin niya akong pinapatawag para tanungin ang status ng relasyon namin ng anak nito na

    Last Updated : 2021-11-27

Latest chapter

  • SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)   EPILOGUE - SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)

    Nang sumunod na taon ay nagpakasal na nga si Simoun at Samantha sa simbahan. Sa pagkakataong iyon ay nabuo muli ang pamilya ni Samantha sa pagpunta ng ama nito sa kasal. Lubos ang kaligayahan ng dalawa ng sa wakas ay nakasal na rin ang mga ito at naging mag-asawa sa mata ng Diyos at sa mata ng mga tao.Magarbo, elegante at puno ng mga importanteng mga tao ang naging kasal ng dalawa. Tinutulan sana iyon ni Samantha dahil hindi ito sa sanay sa ganoong klaseng buhay pero mas naintindihan nito na sa pagpapakasal nito kay Simoun at pagpasok nito sa mundo nito ay kailangan na rin nitong sanayin ang sarili sa ganoong klaseng buhay. Mararangyang bagay, kapangyarihan at katangyagan...iyon ang mga kakambal ng pagkatao ng isang Montalvo na hinahangad ng marami at ngayon ay nararanasan ni Samantha."Babe...what's wrong?" tanong ni Simoun kay Samantha, kasalukuyan ang mga ito na nakasakay sa private plane ni Simoun papuntang Japan para sa isang lingong honeymoon ng dalawa."Wala naman babe, may nai

  • SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)   Chapter 29- SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)

    SIMOUNI covered my face using my own hands. Nakaupo ako ngayon sa isa sa mga upuan sa waiting area ng hospital. Kasalukuyang inooperahan ang binti ni Samantha dahil sa bala ng baril na natamo nito mula sa baril ni Edward. Tila may isang tali ang aking kamay na hindi nakikita kanina ng wala akong magawa ng saktan ni Edward si Samantha.Nangako ako sa mga pulis na wala akong ibang gagawin habang inililigtas nila si Samantha, at kahit na gustong-gusto kong sugurin si Edward at ako mismo ang pumatay sa kanya ay hindi ko nagawa.Hindi ko alam kung ano pangpaghihirap ang dinanas ni Samantha sa mga kamay nito bukod sa pagkakabaril nito sa binti. Pero lahat ng galit ko para kay Edward ay biglang naglaho ng mabaril ito ng isa sa mga police sniper at tinamaan ito.

  • SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)   Chapter 28- SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)

    PATTY"Dad...""Hayaan mo siyang gawin ang bagay na gusto niya Patty."Sinabi ko sa kanya ang lahat ng balak ni Edward kay Samantha pero ayaw nitong pakielam ang mga masasamang balak ng asawa ko."Daddy, natatakot na ako kanya. Hindi na siya ang Edward na minahal ko. Mamamatay tao na siya, at baka nga hindi lang iyon ang kaya niyang gawin.""Ano ang gusto mong gawin ngayon?""Gusto kong pigilan ang mga plano niya para hindi siya tuluyang mapasama.""Tapos ano? Ikaw naman ang mapahamak?""Hindi Dad, kakausapin ko l

  • SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)   Chapter 27- SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)

    SIMOUNI can't count how many times did I check on my wrist watch what is the exact time. Tumatawag ako kay Samantha pero nakapatay ang cellphone niya. Kanina pa akong ala sais naghihintay sa kanya pero alas otso na wala pa ring Samantha ang dumating. Pati si Manong Jr. ay tinawagan ko na rin pero nag riring lang ang cellphone niya at hindi sinasagot. Kinabahan ako bigla, something is happening which I can't explain.Napatayo na ako sa upuan para umalis, dala ko naman ang kotse ko kaya makakauwi ako agad to check what's really happening and Samantha was not able to meet me tonight. Hindi nito ugaling hindi sumipot sa mga pinupuntahan naming lakad, ngayon lang.Pahakbang na ako para umalis ng biglang tumunog ang cellphone ko, Manong Jr. was calling. I immediately answer

  • SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)   Chapter 26- SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)

    SAMANTHANagising ako mula sa maninipis na halik sa aking labi at sa paraan pa lang ng paghalik nito ay alam kong si Simoun ang gumagawa nito sa akin kahit na hindi ko pa tuluyang naididilat ang aking mga mata."Good morning babe..." bulong nito sa aking leeg, kasalukuyan siyang nakasubsob na naman sa aking leeg na parang inuubos nito ang amoy ng aking balat. Napangiti ako."Ummmmp," kunwari ay ungot ko sa kanya."Gising ka na babe...mag breakfast na tayo." Yaya niya sa akin. Nang sabihin niya ang salitang 'pagkain' ay biglang namulat ang mata ko. Nakaramdam ako ng gutom dahil sa mga pinaggagawa namin ni Simoun kagabi. Tinamad naman akong magluto kagabi kaya siguro gutom na gutom ang pakiramdam ko.

  • SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)   Chapter 25- SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)

    SIMOUNIlang minuto pagkatapos kong tumawag at magtext kay Jenny ay nagreply na rin ito sa wakas.Sir Simoun, nandito po sa bar si Samantha at marami na po siyang nainom.Napamura ako ng mabasa ko ang text ni Jenny. Ano kaya ang problema ni Samantha at naisip nitong gawin ang ganoong bagay? Mabilis kong pinaandar ang kotse para mapuntahan ko ang sinabing lugar ni Jenny sa akin. Kulang na lang ay paliparin ko ang kotseng sinasakyan ko para lang makarating agad sa bar kung saan nandoon si Samantha.Pagkarating ko sa mismong lugar ay agad kong nakita si Jenny sa labas ng bar at parang hinihintay ang pagdatin g ko."Where is she?" agad ay tanong ko sa kanya.

  • SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)   Chapter 24- SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)

    BEAI hate you Samantha! Nasa loob ako ng comfort room pagkatapos kong makipag-usap kay Simoun at kay Samantha. I thought I can make her feel devastated after what I've said in from of her, but I was wrong. Ito pa ang nagpamukha sa akin na kahit kailangan hindi na maaring maging parte ng hinaharap ang nakaraan.I was so ashamed when she directly insulted me infront of Simoun. Pero hindi ako magpapatalo, I will do everything to ruin whatever they have, kahit pa ang kasal na ipinagmamalaki ng Samantha na yan.With all my confidence, lumabas ako mula sa comfort room para hanapin si Simoun. I should do something before its to late. Naglakad ako sa pinakamaarteng paraan habang hinahanap ko si Simoun at hindi ako nagkamali. Umalis din ito sa tabi ni Samantha at nakipag-usap sa mga kakilala n

  • SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)   Chapter 23- SIMOUN MONTALVO ( Irresistible Body Series)

    SAMANTHAMatulin na lumipas ang isang lingo at naging panatag na ang loob ko habang nasa mansyon ng mga Montalvo.Tanghali na pero nasa higaan pa rin kami ni Simoun. Gusto ko mang bumangon para makatulong sa paghahanda ng umagahan ay hindi ko magawa. Pirmis na nakalingkis ang mga malalaking braso ni Simoun sa katawan ko. Ang isa ay sa baywang ko nakayakap habang ang isa naman ay nakapalupot sa leeg ko pababa sa aking mga dibdib. Nagugulat pa nga ako minsan at bigla akong nagigising kapag nararamdaman kong minomolde niya sa kanyang malaking palad ang aking dibdib.Nagpapasalamat ako at hindi na muling bumalik pa sa bahay si Bea, ang hindi ko lang sigurado ay kung nagkikita pa sa labas si Tita Agnes at ang babaeng iyon. Wala namang pinagbago ang pagtrato niya sa akin mag

  • SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)   Chapter 22- SIMOUN MONTALVO ( Irresistible Body Series)

    SIMOUNWe just had a misunderstanding again. Nangyari yun ng magpumilit si Bea na makisakay papunta sa salon kung saan ito nagpupunta kasama si Mama. Hindi ko naman alam na magagalit na naman si Samantha sa ginawa ni Bea.Mahirap talagang intindihin ang mga babae, but sometimes it makes me feel happy knowing that somehow she feels jealous for Bea.Maybe she never wanted me to hang out with my ex-girlfriend that's why she's always being moody when Bea is around.Wala naman akong balak na makipagbalikan kay Bea, now that I found her. I love Samantha very much, and the thing that stops me from showing her how much I love her is the truth that I had a traumatic experience about a woman who betrayed me before, at ayokong maranasan muli ang bagay na iyon. Mas mainam pang isipin na lang muna ni Samantha that I care for her because of our agreement. That she needs to act as my fiancee for all the help that I've done to her and with her family.

DMCA.com Protection Status