Samantha
Mas malala pa sa nagulat ang nangyari sa akin ng ipakilala ako ni Sir Simoun sa mga kaibigan nito bilang girlfriend! Ano ba ang trip ng taong iyon at ginawa nito ang bagay na'yun?
Manaka-naka ang pagsulyap ko sa gawi nito kung saan ay ilang dangkal lang ang layo sa akin. Hindi katulad ng huli naming kita na napakaformal ng suot nito, ngayon ay ibang-iba ang itsura nito sa suot nitong kulay coal grey Chino pants na tinernuhan nito ng isang kulay itim na polo tshirt na halatang mamahalin oh branded, at sneakers na kulay puti. Simple lang ang porma nito pero naattract akong titigan siya lalo na ang sa bandang muscles nito sa braso na halatang alaga sa gym. Plus ang fit nitong tiyan na alam kong may mga tinatagong abs sa loob ng tshirt nito. Gusto ko na namang batukan ang sarili ko dahil halatang natatangay na naman ako sa maka mundong mga bagay na hindi ko dapat maisip at maramdaman. Hindi ka puwedeng maattract sa isang lalake at sakit lang ng ulo ang mga yan, Samantha! Naiintindihan mo?! Kausap ko ang sarili ko ng biglang may mainit na dumampi sa aking gawing kaliwang tainga kung saan nakaupo si Sir Simoun.
Wala namang naging problema ang pagpapakilala niya sa akin bilang girlfriend niya kuno sa mga kaibigan nito dahil mababait naman ang mga ito sa akin maliban sa isang babae na tinawag ni Marco na Bea. Mabalasik ang mga titig nito sa akin na para bang kakainin ako ng buhay. Maganda naman ito kaya lang ay dahil sa kapal ng make-up nito ay halos magmukhang rakista na ang itsura nito. Hindi ko na lang siya pinansin at tahimik na lang akong nakinig sa mga kuwentuhan nila, minsan-minsan ay tinatanong nila ako ng ilang bagay buti na lang at sinasalo ako ni Sir Simoun para masagot ko ng tama ang mga tanong nila tungkol sa aming dalawa.
"Babe, okay ka lang?" Untag nito sa akin at naramdaman ko agad ang pagdampi ng isa nitong kamay sa aking balikat. Napatingin ako sa kanya at nagtama ang aming mga mata. Maging kung paano niya ako tinawag sa paraang akala mo ay talagang totoo na may relasyon kaming dalawa ay lalong nagpakaba sa akin.
"Ah-hh,..okay lang ako." Nakangiwi kong sagot sa kanya pero nandoon pa rin ang ngiti sa aking labi para hindi mahalata ng mga kasama namin sa table ang pagkadi ko gusto sa mga nangyayari sa akin ng gabing iyon.
Bakit ba kasi hindi ako agad nagreklamo ng sinabi nito sa mga kaibigan nito na girlfriend niya ako?
Paano ka magrereklamo Samantha, amo mo siya...malamang na tanggalin ka niya sa trabaho mo kung ginawa mo ang bagay na'yun.
Napainom na lang ako ng tubig sa baso na nasa harapan ko saka ko narinig na nagsalita si Sir Simoun.
"Bro, mauna na kami ni Samantha. Maaga pa kasi ang pasok niya sa trabaho." Walang ano-ano ay sabi nito sa mga kasama namin. Kung may nasabi man itong tama tungkol sa akin sa mga kaibigan nito, iyon ay kung saan ako nagtratabaho at ito ay sa mismong Airline Company nito, at dahil doon ay nagkakilala kami. Dagdag nito sa mga binuo naming kasinungalingan ng gabing iyon.
"Okay bro...next time isama mo muli si Samantha ng makapag kuwentuhan naman sila Mariz. Sabi ni Marco na isa pala sa mga kaibigan ni Sir Simoun.
Bago kami tuluyang umalis ay hinapit pa ako sa baywang ni Sir Simoun na kinangisi naman ng mga kaibigan nitong lalake.Kulang na lang kasi ay itali niya ako sa katawan nito sa sobrang higpit ng pagkakawahak nito sa baywang ko. Na concious tuloy ako dahil hindi ko alam kung ano ang mga naiisip ng mga kaibigan ni Sir Simoun matapos itong kumilos ng ganon.
Muli kong nakita ang pagtalim ng tingin sa amin ni Bea. Parang may mali sa paraan ng pagtitig at kilos nito sa tuwing dumidikit si Sir Simoun sa akin. Tuluyan na kaming nagpaalam sa mga kaibigan nito, hanggang sa parking area ay hindi pa rin nito binibitawan ang aking isang kamay.
Nang lingunin ko ang likuran namin at wala akong nakitang tao sa paligid namin ng makarating kami sa lugar kung saan nakapark ang kotse nito ay doon na ako nagkalakas ng loob na magsalita.
"Sir..." binawi ko na ang isa kong kamay na hawak nito. Napatingin si Sir Simoun sa kamay ko na unti-unting kong ibinaba pagkatapos nitong bitawan. Sunod niya akong tinitigan sa mukha na para bang walang nangyari oh walang mali sa ginawa namin kanina.
Napabuntong hininga muna ito bago nagsalita sa harap ko.
"I'm sorry okay. I'm in a trouble earlier, kaya ko lang nagawa ang mga bagay na'yun." Pagdadahilan nito sa akin. Lakas loob kong pinagmasdan ang guwapo niyang mukha at ganoon din naman siya sa akin. Kahit na naguguluhan ako ay dapat ko siyang tanungin kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon sa pagitan naming dalawa. Hindi biro ang magsinungaling ah.
"Sir, naguguluhan po kasi ako." Diretso kong sabi sa kanya. Bahagya pa itong naupo sa hood ng mamahalin nitong sasakyan habang nilalaro-laro ang susi nito.
"Okay, I'll explain."Pagsuko nito sa akin. "I did that because I want somebody to feel that she's already nothing in my life, just like what she did to me three years ako."
She?
Ibig sabihin ay may babae siyang naging ex girlfriend na kasama namin kanina? Sino sa mga babaeng kasama namin ang sinasabi niya? At bigla kong naisip si Bea. Anga talim ng mga mata nito kapag nakatitig sa aming dalawa, ang mga kilos nitong parang gusto akong sugurin...hindi kaya siya ang tinutukoy ni Sir Simoun?
"Pero sir..."
"Don't worry, this will be the last time na gagawin natin ang bagay na iyon. I'm so sorry kung nagulat ka kanina sa mga nangyari." Sinsero nitong hingi ng paumanhin sa akin. Naramdaman ko naman na talagang napilitan lang din nitong gawin ang pagsisinungaling namin kanina para sa babaeng sinasabi nito na naging ex girlfriend nito.
"And thank you for not saying anything a while ago. I will talk to Mr. Stevan to give you incentives for what you have done for me." Nagulat ako sa sinabi niya sa akin, si Mr. Stevan ang head nila kaya hindi malayong gawin nga nito ang sinabi nitong pagbibigay ng incentives sa akin. Agad akong napailing.
"Huwag na po sir. Okay lang po sa akin na tulungan kayo." Ito naman ang mukhang nagulat sa sinabi ko.
"Really?"
"Opo, amo ko kayo kaya kailangan kong sumunod sa mga utos ninyo." Nasabi ko na lang sa kanya. Napatingin ako sa ibaba ng halos hindi ito kumurap habang nakatitig pa rin sa akin. Nag-iba naman tuloy ang ihip ng hangin at lakas ng kaba ng puso ko. Hindi na naman normal ang aking paghinga at tila naninikip ang d****b ko.
Sinalubong ko ang mga mata niya na para bang handa akong malaman ang ibig niyang sabihin sa mga titig niyang iyon sa akin. Nang bigla muli itong magsalita at nakita ko mula sa ilaw ng mga ilang sasakyan na nagdadaan ang munting ngiti sa mga labi nito.
"Thank you again for helping me." Saglit itong natahimik at muling pinaglaruan ang key na hawak nito sa palad."Would you mine if I send you to your house? I mean...gabi na rin at delikado na para sa iyo ang bumiyahe mag-isa." Habol nitong paliwanag sa paghahatid nito sa akin sa aking apartment. Napatango na lang ako ng sa sinabi niya at wala na nga akong nagawa ng patunugin nito ang sariling kotse at pagkatapos ay pinagbuksan ako ng pinto sa passenger seat.
Hindi nagtagal ay pumasok na rin sa loob ng kotse si Sir Simoun. Saglit muna niya akong tinitigan bago nagsalita.
"Let's go?" Tanong niya sa akin gamit ang mababang boses nito. Muli ay nanibago ako sa paraan ng pakikitungo nito sa akin hindi tulad ng una kong narinig ang boses nito ng magsalita ito habang kaharap ang nga empleyado ng sarili nitong airline. Samantalang ngayon ay nagsasalita ito na parang matagal na silang magkakilala. Relax lang ito, pero ako..heto at nagsisimula ko nang kastiguhin ang sarili ko tungkol sa mga bagay na gumugulo sa isip ko.
"Opo sir..." Sagot ko sa kanya. Nakita ko ang paghawak nito sa manibela at nagsimula na itong magmaniobra ng koste nito.
Habang binabagtas namin ang mahabang daan ng Edsa Avenue ay tahimik lang si Sir Simoun na nagmamaneho. Manaka-naka ay sinusulyapan ko siya at kung ano ang reaksyon ng guwapo nitong mukha. Minsan pa ngang nagtama ang aming mga mata ng paglingon nito sa gawi ko ay nahuli niya akong nakatingin sa kabuuan nito. Napa relax ng itsura nito habang sakto lamang ang katawan nitong malaki na nakaupo sa driver seat. Napapahawak pa ito sa sariling labi na parang may pinupunasang kung anong mantsa sa tuwing nahihinto kami dahil sa trapik.
"Why? Is there something wrong? Nagugutom ka ba? We can stop in somewhere to buy some foods." Nag-aalala nitong tanong sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya sa akin ng dahil lang sa nahuli niya akong nakatingin dito. Pagdaka ay napailing ako bago pa nito maisip na baka nga nagugutom ako pero hindi naman talaga.
"O-okay lang po ako sir..." Napatingin ako sa harap ng kotse at napakagat ng labi dahil sa hiya. Ito naman ang napatango ng sabihin ko iyon sa kanya.
Hindi ko na talaga makilala ang sarili ko sa ikli ng oras na magkasama kami. Parang kanina lang bago kami pumunta ni Jenny sa bar ay buo pa ang paniniwala ko na walang lalake ang makakapagpakaba ng d****b ko, wala ni isa sa kanila ang makakapagpagulo sa buong sistema ko at kahit sinong lalake pa ang iharap sa akin ay hindi magbabago ang tingin ko sa mga lalake...pero bakit sa isang iglap ay ganito na ang nangyari sa akin?
Sinabi ko sa kanya kung saan ang eksaktong address ko at ayaw niyang pumayag na hindi niya raw ako maihatid sa mismong tapat ng gate or bahay na tinitirhan ko kaya wala na akong nagawa at sinabi ko na sa kanya kung saan ako nangungupahang mag-isa.
"Salamat po pala sir sa paghatid nyo sa akin dito sa apartment ko." Hindi ko nakalimutang magpasalamat sa kanya, kahit naman na may ginawa itong hindi ko inaasahan kanina sa harap ng mga kaibigan nito ay nakakahiya pa rin na ito pa ang naghatid sa akin lalo na at amo ko siya.
"It's okay, ako nga ang may malaking utang sayo, remember?" Parang pinapaalala pa nito sa akin ang naging tulong ko na kanya kanina lamang, at ito ay ang maging pekeng girlfriend nito sa loob ng ilang oras. Gusto ko sanang isatinig.
"Okay lang po sir...kaya lang sana ay hindi na nila ako natandaan nuh baka kasi makasalubong ko sila kung saan at hindi ko alam ang isasagot kung sakaling may itanong sila akin tungkol sa ating dalawa" Nahihiya kong sabi sa kanya na ikinatawa naman nito.
"Don't worry, if they will see you in some other time or place again I'll make sure na kasama mo ako." Makahulugang nitong sagot sa akin.
Wala sa loob kong napangiti pala ako sa sinabi niyang iyon, saglit na naman akong nawala sa sarili. At bigla akong Napapitlag ng muli itong magsalita.
"Ikaw lang ba ang mag-isang nakatira dyan sa apartment mo?" Bahagya pang kumunot ang dalawang kilay nito sa sarili nitong tanong.
"A-hhh opo sir, ako lang pong mag-isa ang nakatira dyan." Alangan kong sagot sa kanya. Saglit itong natahimik at pati ako ay kinabahan dahil sa biglaan pag-iba ng mood nito. Parang hindi nito gusto ang natuklasang mag-isa lang akong nakatira sa sarili kong apartment.
"Okay...pumasok ka na sa loob at masyado nang gabi. And make sure that you will lock all your doors." Napatingin ako sa kanya ng sabihin niya ang mga iyon. Tama ba ang naramdaman kong himig mula sa kanya? Para itong nag-alala sa paraan nito kung paano ako pagsabihan.
"I'm your boss, right? Natural na mag-alala ako sa mga empleyado ko." Paglilinaw nito sa akin. Doon ko lang napagtanto na tama naman ito sa sinabi nito na normal lang na mag-alala ang boss sa empleyado nito.
"Okay po sir..." tanging naisagot ko na lamang sa kanya."Pasok na po ako." Paalam ko sa kanya. Tumango lang ito at buong akala ko ay sasakay na ito sa loob ng kotse nito pagkasabi ko na papasok na ako sa loob ng apartment pero nagkamali ako.
Nang lingunin ko siya ay titig na titig ito sa akin na para bang tinititigan pa nito ang bawat paghakbang na ginagawa ko. Na concious ako bigla. Napakurap lang ako ng iwagayway nito ang isa nitong kamay na isinesenyas na magpatuloy ako sa paglakad at iyon na nga ang ginawa ko.
Kinuha ko ang susi ko mula sa handbag na dala ko at ilang minuto lang ay nabuksan ko na ang padlock ng gate ng aparment ko at agad akong pumasok sa loob. Nang muli kong lingunin si Sir Simoun ay hindi pa rin nagbago ang itsura nito. Nakaupo pa rin ito sa hood ng kotse nito at ang mga kamay nitong kanina lang ay nakapasok sa dalawang bulsa ng pantalon nito, ngayon ay nakahulikipkip na ang mga ito habang matiim na nakatitig pa rin sa akin.
Nagpatuloy akong maglakad at binalewala ko na lamang ang kabang hindi mawala-wala sa d****b ko at ang sunod ko namang binuksan ay ang pinto ng aking apartment. Wala pa rin akong naririnig na tunog ng sasakyan, ibig sabihin ay hindi pa rin ito umaalis! Nang sa wakas ay nabuksan ko na ang pinto ay muli ko siyang nilingon. Iba ang itsura niya ngayon mula sa dilim. Nakangiti na ito ng bahagya at hindi ko rin napigilan na mapangiti sa kanya saglit bago ko tuluyang buksan ang pinto at pumasok sa loob ng apartment ko.
Napasandal ako sa likod ng pinto. Dinama ko ang patuloy na pagpintig ng malakas ng aking puso. Napahawak pa ako mismo sa tapat noon, pinilit kong maging normal ang aking paghinga at ilang segundo lang ay narinig ko na ang pantunog ng kotse nito indikasyon na paalis na ito. Dahil doon ay unti-unting pumayapa ang kanina lang ay parang nag-uunahang mga tambol sa d****b ko.
Nakapaligo na ako at kasalukuyang nakahiga sa kama ko habang nakatitig sa ceiling ng kuwarto ng sipatin ko ang oras mula sa wall clock. Alas dos ng umaga!
Kanina ko pa gustong ipikit ang mga mata ko at matulog pero sa tuwing gagawin ko ang bagay na iyon ay kusang naglalaro sa isipan ko ang mukha ni Sir Simoun. Guwapong mukha na hindi na ata natanggal sa isipan ko simula kanina.
Ilang beses ko pang kinurap ang aking mga mata pero hindi ko talaga mahanap ang antok na kanina ko pa sana gustong maramdaman. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kailangan guluhin ng isang Simoun Montalvo ang buong sistema ko. Ang isip ko, puso ko at itong nararamdaman ko. Lahat ng mga nangyari sa amin simula ng magkita kami sa bar na yun ay isa-isang bumalik sa isipan ko, at muli...pakiramdam ko ay mali sa mga nangyayari sa akin. At bigla kong naitanong sa sarili ko, ganun ba talaga ako ka walang alam pagdating sa mga emosyon na may kinalaman ang mga lalake? Buong buhay ko, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pagkabalisa!
Nang dahil lang sa pabangong gamit nito na nanuot sa ilong ko ang amoy na hindi ko makalimutan ang epekto sa akin, ang guwapo nitong mukha na lahat ata ng babae ay hindi magkakamaling hindi humanga, ang katawan nitong nagsasabi kung gaano ito ka aattracted sa maraming mata ng mga babae...lahat ng pisikil na katangiang iyon ay nanatiling nakaukit sa isip ko hanggang ngayon. At hindi ko na napansin kung anong eksaktong oras ako nakatulog, ang alam ko lang ay ang isang Simoun Montalvo pa rin ang huling taong nasa isip ko bago ako tuluyang nagupo ng antok.
SimounKasalukuyan akong nagpupunas ng buhok sa ulo pagkatapos kong maligo pagdating sa bahay. Pagkahatid ko kay Samantha sa apartment nito ay dito na ako dumeretso sa condo unit ko malapit sa apartment niya.Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ko ang mga bagay na iyon kanina para lang maipamukha kay Bea na wala na siyang natitirang ala-ala sa buhay ko. Pati ang pag gamit ko kay Samantha bilang girlfriend ko kunwari ay hindi ko rin akalain na magagawa ko, buti na lang at hindi ito ngreklamo sa ginawa ko sa kanya kanina.Malamang na inisip nito ang katayuan naming dalawa, empleyado ko siya..ako naman ang boss niya. Siguro nag dalawang isip siya at hindi na nag reklamo dahil baka tanggalin ko siya sa trabaho, na hindi ko naman gagawin kahit na hindi siya pumayag sa ginawa naming pagpapanggap kanina.
SAMANTHAHindi ako makatingin sa mga kasamahan kong cabin crew sa flight namin going back to Manila. Nalaman kasi ng mga ito na kaya hindi ako nakapag trabaho kanina habang papunta kami ng Japan ay dahil katabi ko sa passenger's seat ang mismong may-ari ng airline na pinagtratrabahuhan namin.Ang buong akala ko ay hindi na magkrukrus ang mga landas namin pagkatapos naming magpaalam sa isa't isa noong nakaraang gabi ng ihatid niya ako sa apartment. Pero heto at ilang araw pa lang ang lumilipas at gumugulo naman ang buhay ko dahil sa panganay na anak ni Mr. Lorenzo Montalvo."Uy, magkuwento ka naman Samantha. Bakit katabi at kausap mo si Sir Simoun kanina?Ikaw ha, may lihim ka pa lang hindi mo sinasabi sa amin." Tudyo ng isa sa mga kasamahan ko, ramdam ko ang pagtuyo ng aking lalamunan dahil sa tensyo na nararamdaman ko ng m
SimounI've planned everything. Everything about Samantha. Kailangan ko siya to be my companion in the party. Ang una kong binalak ay ang patirahin ito sa sarili kong condo malapit sa apartment nito. Pinaasikaso ko kay Winny ang lahat. Ang papel ng condo, at palabasin na si Samantha ang magiging bagong may-ari ng condo na binili ko.Sa ganoon ay hindi ito makatanggi sa mga pabor na hihingin ko sa kanya. I need her service, at pilit kong isinasantabi ang mga gumugulo sa isipan ko kapag kasama ko siya. I don't want to ruin my life just because I fall in love again. I hate women, but I need Samantha, I needed her. I don't know how long...but I want to be closer with her.I feel so damned betrayed kapag naiisip ko ang ginawa ni Bea sa akin dati, but Samantha is giving me so much questions in my mind. Makakaya ko kayang magtiwa
EDWARDNagpupuyos sa galit ang dibdib ko dahil parang isang sampal sa mukha ko ang sinabi ni Sir Simoun.Na hindi ko kayang ipaglaban si Samantha dahil kay Patty at sa ama nitong umaali-aligid sa buhay ko.Mahal na mahal ko si Samantha at wala akong hindi gagawin para sa kanya, at kahit harapin ko pa ngayon ang isa sa mga makapangyarihang tao sa mundo ng negosyo ay hindi ako matatakot. Lalo sa anak nito ka kahit kailan ay hindi ko naman napagtuunan ng pansin dahil iisa lang ang babaeng gusto kong makasama, at iyon ay si Samantha, siya lang walang iba."Nandyan ba si Mr. Nuevo?" Bungad kong tanong sa secretary nito na namumukhaan naman ako dahil ilang beses na rin naman akong nakarating sa opisina nito dahil sa ilang beses na rin niya akong pinapatawag para tanungin ang status ng relasyon namin ng anak nito na
SAMANTHAIsang unregistered number ang biglang lumitaw sa screen ng cellphone ko. Binuksan ito kahit na pupungas-pungas pa ang mga mata ko at hindi pa ako nakakatulog ng masyado at kagagaling ko lang sa biyahe.Napatayo ako bigla ng mabasa ko ang nakalagay sa text.Good morning. I hope you rested well after your flight yesterday.Simoun.Paano niya nalaman ang number ko? I mean, posible naman iyon at empleyado niya ako kaso ay bakit kailan pa nitong mag text sa akin ng personal? Pati ang naging biyahe ko ay alam din nito. Napahawak ako sa ulo ko at saka ko isinukay ang isang kamay ko sa mabaha at kulay mais kong buhok."Hay
SIMOUN Nagtagumpay ako sa pagpayag kay Samantha na isama siya sa company party ng kompanya ng mga Montalvo. I never expected that she will agreed in my favor but still, alam ko na hindi niya ako matitiis at iyon nga ang nangyari.Some part of my mind is telling me to stop myself from thinking about her. But I can't help but to remember her beautiful face, seductive body, and soft side as a woman. Matapang siya in a sense that she never depend on herself to others, but I really like her the way how she obeys me every time na magkasama kami. Hindi ko alam kung natatakot lang siya na magreklamo dahil amo niya ako sa trabaho pero sana ay hindi.I really love imagining her in my side. Kahit na maghapon ata kaming magkasama ay parang hindi ako magsasawa. At ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam sa puso ko. Kahit kasama ko dati si Bea ay hindi ko naisip na magkakagan
SIMOUNHindi ko na kinausap pa si Samantha hanggang sa dumating kami sa condo nito. I feel angry and pissed when I saw Samantha secretly talking with that Edward Luciano. Hindi ko maipaliwanag ang inis at galit na naramdaman ko ng makita si Samantha kasama si Edward. I know they were friends but its not what I saw everytime na nakatitig si Edward kay Samantha.Kahit na hindi direktang umamin si Edward sa babaeng gusto nito ng huli kaming mag-usap sa bahay ni Samantha ay alam ko naman ang totoong tingin nito kay Samantha. Wala akong karapatan para maramdaman ang selos na sa huli ay hindi ko maitanggi ng makita ko silang dalawa na magkausap kanina. Kung puwede ko nga lang na itali sa katawan ko si Samantha para hindi lang mapalitan ng Edward na iyon ay ginawa ko na. I will hold and hug her deeply that no one will ever grab her in my arms.&n
SAMANTHANagulat ako sa biglang paghawak ng isa kong kasamahang flight attendant sa braso ko at parang kilig na kilig ito na hindi ko malaman kung bakit."Joyce, bakit ka ba tili ng tili d'yan?" Inosente kong tanong. May hawak itong newspaper na bahagya pang nalukot dahil sa walang pigil nitong tili. Nasa loob ng kusina kami ng cabin at kasalukuyang inaayos ang mga pagkain sa malaking oven."Bakit hindi mo sinabi sa amin na ikaw pala ang mapapangasawa ni Sir Simoun, Samantha...este Ma'am Samantha pala?" Kinikilig nitong tanong sa akin. Nagsilapitan pa ang tatlong mga kasamahan namin kaya medyo kinabahan ako at baka makita kami ng head cabin crew at mapagalitan pa kami pare-pareho."Ano ba yun? Hindi ko alam ang sinasabi mo." Tanggi ko sa tanong nito sa akin."Asus, nagkukunwari pa siya. Heto oh, nasa diyaryo kaya kayo ni Sir Simoun." Ipinakita nito sa akin ang diyaryong hawak nit
Nang sumunod na taon ay nagpakasal na nga si Simoun at Samantha sa simbahan. Sa pagkakataong iyon ay nabuo muli ang pamilya ni Samantha sa pagpunta ng ama nito sa kasal. Lubos ang kaligayahan ng dalawa ng sa wakas ay nakasal na rin ang mga ito at naging mag-asawa sa mata ng Diyos at sa mata ng mga tao.Magarbo, elegante at puno ng mga importanteng mga tao ang naging kasal ng dalawa. Tinutulan sana iyon ni Samantha dahil hindi ito sa sanay sa ganoong klaseng buhay pero mas naintindihan nito na sa pagpapakasal nito kay Simoun at pagpasok nito sa mundo nito ay kailangan na rin nitong sanayin ang sarili sa ganoong klaseng buhay. Mararangyang bagay, kapangyarihan at katangyagan...iyon ang mga kakambal ng pagkatao ng isang Montalvo na hinahangad ng marami at ngayon ay nararanasan ni Samantha."Babe...what's wrong?" tanong ni Simoun kay Samantha, kasalukuyan ang mga ito na nakasakay sa private plane ni Simoun papuntang Japan para sa isang lingong honeymoon ng dalawa."Wala naman babe, may nai
SIMOUNI covered my face using my own hands. Nakaupo ako ngayon sa isa sa mga upuan sa waiting area ng hospital. Kasalukuyang inooperahan ang binti ni Samantha dahil sa bala ng baril na natamo nito mula sa baril ni Edward. Tila may isang tali ang aking kamay na hindi nakikita kanina ng wala akong magawa ng saktan ni Edward si Samantha.Nangako ako sa mga pulis na wala akong ibang gagawin habang inililigtas nila si Samantha, at kahit na gustong-gusto kong sugurin si Edward at ako mismo ang pumatay sa kanya ay hindi ko nagawa.Hindi ko alam kung ano pangpaghihirap ang dinanas ni Samantha sa mga kamay nito bukod sa pagkakabaril nito sa binti. Pero lahat ng galit ko para kay Edward ay biglang naglaho ng mabaril ito ng isa sa mga police sniper at tinamaan ito.
PATTY"Dad...""Hayaan mo siyang gawin ang bagay na gusto niya Patty."Sinabi ko sa kanya ang lahat ng balak ni Edward kay Samantha pero ayaw nitong pakielam ang mga masasamang balak ng asawa ko."Daddy, natatakot na ako kanya. Hindi na siya ang Edward na minahal ko. Mamamatay tao na siya, at baka nga hindi lang iyon ang kaya niyang gawin.""Ano ang gusto mong gawin ngayon?""Gusto kong pigilan ang mga plano niya para hindi siya tuluyang mapasama.""Tapos ano? Ikaw naman ang mapahamak?""Hindi Dad, kakausapin ko l
SIMOUNI can't count how many times did I check on my wrist watch what is the exact time. Tumatawag ako kay Samantha pero nakapatay ang cellphone niya. Kanina pa akong ala sais naghihintay sa kanya pero alas otso na wala pa ring Samantha ang dumating. Pati si Manong Jr. ay tinawagan ko na rin pero nag riring lang ang cellphone niya at hindi sinasagot. Kinabahan ako bigla, something is happening which I can't explain.Napatayo na ako sa upuan para umalis, dala ko naman ang kotse ko kaya makakauwi ako agad to check what's really happening and Samantha was not able to meet me tonight. Hindi nito ugaling hindi sumipot sa mga pinupuntahan naming lakad, ngayon lang.Pahakbang na ako para umalis ng biglang tumunog ang cellphone ko, Manong Jr. was calling. I immediately answer
SAMANTHANagising ako mula sa maninipis na halik sa aking labi at sa paraan pa lang ng paghalik nito ay alam kong si Simoun ang gumagawa nito sa akin kahit na hindi ko pa tuluyang naididilat ang aking mga mata."Good morning babe..." bulong nito sa aking leeg, kasalukuyan siyang nakasubsob na naman sa aking leeg na parang inuubos nito ang amoy ng aking balat. Napangiti ako."Ummmmp," kunwari ay ungot ko sa kanya."Gising ka na babe...mag breakfast na tayo." Yaya niya sa akin. Nang sabihin niya ang salitang 'pagkain' ay biglang namulat ang mata ko. Nakaramdam ako ng gutom dahil sa mga pinaggagawa namin ni Simoun kagabi. Tinamad naman akong magluto kagabi kaya siguro gutom na gutom ang pakiramdam ko.
SIMOUNIlang minuto pagkatapos kong tumawag at magtext kay Jenny ay nagreply na rin ito sa wakas.Sir Simoun, nandito po sa bar si Samantha at marami na po siyang nainom.Napamura ako ng mabasa ko ang text ni Jenny. Ano kaya ang problema ni Samantha at naisip nitong gawin ang ganoong bagay? Mabilis kong pinaandar ang kotse para mapuntahan ko ang sinabing lugar ni Jenny sa akin. Kulang na lang ay paliparin ko ang kotseng sinasakyan ko para lang makarating agad sa bar kung saan nandoon si Samantha.Pagkarating ko sa mismong lugar ay agad kong nakita si Jenny sa labas ng bar at parang hinihintay ang pagdatin g ko."Where is she?" agad ay tanong ko sa kanya.
BEAI hate you Samantha! Nasa loob ako ng comfort room pagkatapos kong makipag-usap kay Simoun at kay Samantha. I thought I can make her feel devastated after what I've said in from of her, but I was wrong. Ito pa ang nagpamukha sa akin na kahit kailangan hindi na maaring maging parte ng hinaharap ang nakaraan.I was so ashamed when she directly insulted me infront of Simoun. Pero hindi ako magpapatalo, I will do everything to ruin whatever they have, kahit pa ang kasal na ipinagmamalaki ng Samantha na yan.With all my confidence, lumabas ako mula sa comfort room para hanapin si Simoun. I should do something before its to late. Naglakad ako sa pinakamaarteng paraan habang hinahanap ko si Simoun at hindi ako nagkamali. Umalis din ito sa tabi ni Samantha at nakipag-usap sa mga kakilala n
SAMANTHAMatulin na lumipas ang isang lingo at naging panatag na ang loob ko habang nasa mansyon ng mga Montalvo.Tanghali na pero nasa higaan pa rin kami ni Simoun. Gusto ko mang bumangon para makatulong sa paghahanda ng umagahan ay hindi ko magawa. Pirmis na nakalingkis ang mga malalaking braso ni Simoun sa katawan ko. Ang isa ay sa baywang ko nakayakap habang ang isa naman ay nakapalupot sa leeg ko pababa sa aking mga dibdib. Nagugulat pa nga ako minsan at bigla akong nagigising kapag nararamdaman kong minomolde niya sa kanyang malaking palad ang aking dibdib.Nagpapasalamat ako at hindi na muling bumalik pa sa bahay si Bea, ang hindi ko lang sigurado ay kung nagkikita pa sa labas si Tita Agnes at ang babaeng iyon. Wala namang pinagbago ang pagtrato niya sa akin mag
SIMOUNWe just had a misunderstanding again. Nangyari yun ng magpumilit si Bea na makisakay papunta sa salon kung saan ito nagpupunta kasama si Mama. Hindi ko naman alam na magagalit na naman si Samantha sa ginawa ni Bea.Mahirap talagang intindihin ang mga babae, but sometimes it makes me feel happy knowing that somehow she feels jealous for Bea.Maybe she never wanted me to hang out with my ex-girlfriend that's why she's always being moody when Bea is around.Wala naman akong balak na makipagbalikan kay Bea, now that I found her. I love Samantha very much, and the thing that stops me from showing her how much I love her is the truth that I had a traumatic experience about a woman who betrayed me before, at ayokong maranasan muli ang bagay na iyon. Mas mainam pang isipin na lang muna ni Samantha that I care for her because of our agreement. That she needs to act as my fiancee for all the help that I've done to her and with her family.