***
Erica POVHindi niya pinansin ang sinabi ko.I can't believe this will happen to me!I see him smiled at the crowd saka inilipat niya ulit ang paningin niya sa akin, habang ako nanatili pa ring tulala habang nakatanga sa kanya. Nagulat pa ako ng walang babalang hinalikan niya ako sa labi na siyang dahilan ng mas lalong ikina ingay ng crowd. Shit! Para akong pinako sa kinatatayuan ko mas lalo lang akong nanigas. Hindi ako makagalaw feeling ko tumakas lahat ng nerve cells ko. "Surprised? I am too," bulong niya sa akin. Kaya natauhan ako. Tumingin ako sa direction nila mommy na kilig na kilig sa nangyayari, halos mangisay na rin si Angeline dahil sa kilig. Habang ako gusto ko na lang magpalamon sa lupa. Para kaming love team sa sikat na teleserye tapos may fan day kami at para namin silang fans. Nakakaloka! "One more kiss!!" sigaw pa ni Angeline Wah!! Gusto ko ng tumakbo, mag walk out doon. Pinukulan ko ng matalim na titig si Angeline pero lalo lang siyang bumungisngis. Naramdaman ko ang paggapang ng braso nito sa bewang ko at humapit roon. "Did you plan all of this!?" mahina kong taong pero may diin sa bawat katagang binibitawan ko.Medyo naaasiwa ako sa braso niyang nakahapit sa bewang ko. "Nope, I didn't. As I said. I'm surprised too," aniya. Nakangiti pa rin sa harap ng marami. "Lier!" Tiim bagang kong tugon. Ang soon to be husband ko ay walang iba kundi si Axel Charles Hill. My mortal enemy! I really can't believe it, na ang lalaking ito pala ang magiging asawa ko. Gash! Lord, why? If this is a dream, please wake me up. Ayu'ko sa bangungut na ito! Pagkatapos ng mga kaunting speech namin, at pakikipag-plastikan sa isa't-isaay agad na akong nag-walk out, sa backstage ako dumaan.Gusto kong umiyak ng bonggang-bongga.Kung nanaginip lang talaga ako gustong gusto ko nang magising.Kinurot ko pa ang braso ko, pero masakit, eh. This is the reality, the reality that sucks me.Hindi ko alam kung saan na ako dinala ng mga paa ko. I just walk with no direction. Hanggang sa napatigil ako, alam kong Nasa garden pa rin ako, dahil may mga bulaklak at halaman pa rin akong nakikita. Nakatayo ako sa gitna ng pa-curv na tulay, sa ilalim no'n ay may naglalanguyang iba't-ibang kulay at klase ng mga isda. Nagmistula iyong mini lake, ang dulo niyon ay may man made waterfalls namay mga water lily rin. Napansin ko rin ang mga string lights na nakasabit sa gilid ng pakurbang tulay. Malaya kong nakikita ang mga naglalanguyang isda sa maliwanag na buwan. Nabalik ang iniisip ko sa nangyayari ngayong gabi. Naging tahimik ang buhay ko no'ng, lumipat siya sa Canada at doon nag-aral. Pero hindi ko inakala na babalik siya para guluhin ulit ako. I don't know what he's capable of. "Nandiyan ka lang pala, hinahanap kana ng parent mo." Napapitlag ako ng marinig ko ang baretonong tinig mula sa gilid ko na noo'y nakatungtong na rin sa tulay. Napatingin ako sa kanya. I saw his cold eyes. "Mr. hill, bakit ka pumayag sa arrange marriage na'to?" Expressionless kong tanong. Saka ibinalik ang tingin ko sa mga isda sa pond na 'yon. "We have the same reason, Ms. Hermés," emotionless niyang saad. "I don't think so," cold kung sabi. "This is for business purposes only." Napa-smirk ako. "Ahh.." Lumipat ang tingin ko sa kanya. Nakatitig rin s'ya sa mga isda habang nakapamulsa. "Oo nga pala. Ba't pa ba ako nag tatanong?" tanong ko sa sarili ko. Pero honestly medyo nasaktan ako ng kunti sa sinabi niya. How would I trust him. Ito ba ang sinasabi ni mommy na mamahalin ko rin? How? "Why? What did you expect? Love?" He smirks. "In your dream." Nagpagting ang nga tainga ko sa huli niyang sinabi. Kaya lumapit ako sa kanya. Napalingon naman s'ya sa akin, kaya tinaasan ko siya ng isang kilay. "Sorry, but I will choose not to dream about that, Mr, and I will never dream to become your wife! And I will never ever fall in love with you, over my dead body! Mark my word Mr. Axel Charles Hill!! My God is this the punishment of heaven!" Hindi ko na mapigilang ilabas ang kanina ko pa pinipigilang inis gustong ko na ngang mag wala, eh.Magsasalita pa sana siya, pero humakbang na ako para talikuran siya. I decided na balikan sila mommy dahil gusto ko nang umuwi, baka sumabog pa ako sa galit. Ang kapal ng mukha ng lalaking iyon na sabihan ako ng in your dream. Shit!*****Axel POV "Is this a punishment of heaven?" umulit ang huli niyang sinabi sa pang unawa ko. What? Did she really think marrying someone like me, and almost perfect, is a punishment of heaven? That insults me! Will stay think that Ms. Hermés that this is a punishment of heaven. Let's see!Nilisan ko na ang lugar na iyon at bumalik sa party. **Erica POVBuong gabi akong wala sa mood, buong party talaga, lalo na ng hindi pumayag si mommy na uuwi na kami. Nanatili lqng akong nakasimangot at hindi pinapansin ang mga bisita, wala ni isa sa kanila ang gusto kong kausapin. Wala akong ganang makipag usap kahit na kanino. Masyado akong pagod sa kakaisip. Ayoko na.Sana pala talaga, pumayag na lang ako na kausapin ni mommy si daddy, to cancel everything. Kung alam ko lang, kung alam ko lang talaga. "Sweety are you alright?" anang mommy, na lumingon pa sa akin.We were on our way home. Si dad ang nag-drive nasa tabi nito si mommy while me is at the backseat. It's already pass 3:00 am in the morning. Hindi na sana kami uuwi at sa mansion na lang nila Axel kami matutulog just what like his parent suggested. But I insist to go home. Gusto kung mag isip ng malaya. Idinahilan ko na lang na baka mamahay ako at 'di ako makatulog kapag sa ibang kwarto ako matutulog na sinang ayunan naman ni mommy dahil alam niya na totoo naman iyon. "Erica, is there a problem? Kanina lang ang saya natin," Wika ni daddy ng mapansing hindi ako sumagot. Ang saya natin? Kayo lang naman ang nagsaya. Hindi ba halatang na bu-buwisit ako buong gabi. Gusto kung isatinig ang mga iyon. Pero hindi naman ako pinalaki ng magulang ko na palasagot. Umiling ako. "Nothing dad. I'm just tired lang po," sabi ko saka kunway humihikab. "Ah, I see. Nakakapagod naman talaga. It's been a long night," anang dad. "Mom, Dad?" Kuha ko sa attention nila. "You know what Mr. Hill is my mortal enemy," mahinahon kong paalam sa kanila. Kahit ang totoo gusto kong pagtaasan sila ng boses. "I know." Mom answered. Nagulat ako. "What?!" Umalingawngaw ang boses ko sa loob ng kotse. Hindi ko na mapigilan.Lumingon si mommy sa akin, saka ngumiti. "Mom? Then why you still choose him?" Nagdadabog na ako. "Blame your, Dad," wika ni mommy saka bumaling ang tingin kay dad. "Dad?" Baling ko kay dad. "Blame your mom. Honey."What the..! Argh!NO! Pinagkakaisahan nila ako.Lumipas ang araw at naging isang linggo iyon ay idinaos na nga ang kasal namin. Wala nang makakapigil, at isinusumpa ko ang araw na ito. Dahil this is the beginning of my miserable life. My hell life.Talagang tinitoo nila mommy na set the date as soon as possible. While walking on the red carpet. Hindi ko mapigilang mapaluha. This is all againstmy heart. Ano kaya ang magiging buhay ko sa piling ng lalaking nakatayo sa harap ng altar at naghihintay sa akin. Wearing his cold eyes and expressionless face.Aaminin ko, he is almost perfect just like what everybody tells, but what is inside my heart is all anger. At hinding hindi ko siya matututunang mahalin. Itaga pa sa bato! "From now on we will entrust our princess to you," bilin ni mommy sa mapapangasawa ko nang makarating na kami sa dulo ng aisle. "I will, Tita. Thank you for your trust," anang axel. "Aasahan namin 'yan, iho. Sana hindi mo siya sasaktan, sana alagaan at ingatan gaya ng pag-iingat namin sa kanya at sana matutunan n'yong mahalin ang isa't isa," sabi ni Dad. Gusto kong kontrahin ang sinabi ni dad. Gusto kung sabihin na, mahalin ang isa't isa? That will never happen. Pero pinili kung manahimik.Marahan namang tumango ang kumag. At ibinigay na nila ang kamay ko sa hayop na'to, pagkalapat ng palad ko sa palad niya ay lihim kong kinurot ang daliri niya. Nakita ko namang nag-smirk siya kaya mas lalo lang akong naiyak sa inis. "Is that tears of joy?" Sarcastic nitong tanong ng pabulong "It's not tears of joy it's mourning." Matigas kong sabi. Nakita ko ang pagsalubong ng dalawang kilay nito ng marinig ang sinabi ko. Saka inirapan ko siya.Kung ang iba ay masayang masaya sa araw ng kasal nila, pero ako hindi, nagluluksa ako. Pagkatapos nang mahabang seremonya ay dumiretso na ang lahat sa reception area. At this time ay sa mansion namin ang reception. Plastikan kong ini-intertain ang mga boysita. Gusto ko ng matapos ang araw na 'to. Dahil feeling ko ang araw na ito ay bangungut. "Congratulations, cous! I'm so happy for you. You look so in love, sino ba namang hindi maiinlove eh, ang gwapo ng asawa," masiglang bati ni angeline. Napasimangot ako at doon ko na pinakita ang mukha ko na walang maskara. "You know what, I'm so happy for you, kasi happy ka sa akin. While me? I am mourning cous, yes, nagluluksa ako. Hindi ako masaya para sa sarili ko! And correction I'm not in love!" galit kong sabi, nang hindi ko na mapigilan ang sarili ko na kanina pa nagngingitngit. "Cous ,relax isipin mo na lang na nagmamahalan kayo at saka full package naman 'yang asawa mo. Kahit sinong babae matututunan siyang mahalin. Noon pa man marami nang babaeng nagkakandarapa sa kanya. Kaya isipin mo na lang na mahal mo siya." Parang sira ulo 'tong pinsan ko. Paano ko ba iisipin na mahal ko ang asawa ko? "Paano cous? You know our story Angie. Alam mo kung gaano kainit ang dugo ko sa kanya. Mula noon until now. " Alam niya ang buong kwento ng buhay ko. Para ko na rin siyang anino. Lahat alam niya dahil siya lang ang nag-iisa kung best friend at pinagkakatiwalaan. "Hay, naku cous. Hindi ko alam kung anong maitutulong ko para huminahon 'yang puso mo," aniya saka hinaplos ang ulo ko. Kaya napaiyak na lang ako. "Cous, I am no longer single. I am now a married woman. Married to a man made from hell," sabi ko sa pagitan ng paghikbi ko, niyakap niya ako. "Shh, lilipas rin 'to. Just trust the process. Magpadala ka na lang muna sa agos. This is your destiny. We have nothing to do but to face it." Mas lalo lang akong napahikbi sa sinabi niya. Nagsalin ako ng isang red wine sa copita ko, mula sa isang brand wine na nasa mesa namin, sinalinan ko rin ang baso ni Angeline. Gusto kung malasing, gusto ko pagkatapos ng gabing ito matutulog ako ng derederetso. Para bukas ko naman iisipin ito. "Cheers, cous, long live to me." Nakangiti kung saad matapos magsalin . "Goodluck cous," aniya at pinag-umpog ang baso namin. Nakailang shut pa lang ako ng wine ng makaramdam ako ng pag-iinit ng mukha ko at pagkahilo pero sige pa rin ako.***Angeline POV "Goodluck, couz," nakangiti kong tugon sa kanya. Naaawa ako sa kanya. Pero anong magagawa ko siya nga walang nagawa. At isa pa, Im sure mararanasan ko rin ang naranasan niya kaya inihanda ko na ang aking sarili ko ngayon pa lang. Napabuntunghininga na lang ako ng naka isang baso pa ako pero siya naka lima na.I've never seen her drinking alcohol before, but now? I don't think she can manage.Napapailing na lang ako. "Cheers!!" aniya pa na itinaas ang baso niya saka ini umpog sa baso ko. "Couz. I think that's enough, you look like you're drunk," awat ko sa kanya. Namumula na ang maputi niyang pisngi. Tumitig lang ito sa akin sa ka tumayo. " Cous..." she looked at me with his cold eyes. " Let's partyyy!!" Sigaw niya.Dios ko, lasing na talaga!Angeline POV "Let's party!" Itinaas pa niya ang kanyang kopita.Dahil sa pag sigaw na ginawa niya ay napalingon sa aming direction ang mga bisita. "Let's party!!" sigaw rin nila. At nagpalit nanga ng tugtugin ang operator. Ang kanina'y malamyos na musika ngayon ay naging maharot na tugtugin na.Nagsisayawan na ang mga tao roon. Nakita ko rin si Erica sa tabi ko na hindi maawat sa kasasayaw. Lasing na nga ito dahil ang likot niya na. Hinanap ng paningin ko ang asawa niya. Hindi ko kasi siya maawat, eh. "Erica, cous, heyy stop tama na lasing kana.." awat ko sa kanya baka kasi mahilo at baka mabagok pa.Hindi ito sanay malasing actually hindi ko pa nga nakikitang na lasing ang babaeng ito eh.Ayaw talaga niyang paawat. Maya maya ay nag hubad na ito ng heal niya. Naku baka ano hubarin nito mamata natataranta na ako. "Nasaan na ba kasi sila, Tita at Tito?" Hindi ko na mapigilang itanong sa sarili ko.Nagpalinga linga ako, nalingat lang ako sandali nang marinig kong sumigaw
Erica POV"Manang ihatid niyo muna ang Señorita n'yo sa kwarto namin para makapag pahinga." Narinig kong utos ni Axel sa pinakamatanda sa lahat. Napatingin ako kay Axel na may pagtataka."Namin?" Refer ko sa sinabi niyang kwarto daw namin. 'Yon ba ang ipinahahanda nito? " W-what do you mean kwarto natin? I don't want to sleep with you," protesta ko.Baka anong gawin niya sa akin, baka... baka, pinag-cross ko ang mga braso ko sa katawan ko na parang niyayakap ko iyon."Erica, pupunta dito sina mommy para tingnan tayo kay..""No!" putol ko sa iba pa sana niyang sasabihin. "I want to have my own room, Axel. Baka anong gawin mo sa akin!" singhal ko sa kanya. Dios ko hindi ko yata kayang isuko ang bataan ko sa lalaking, I don't even loved.Hindi siya sumagot, bagkus ay iniwan na niya ako at naunang pumasok sa mansionNapapadyak ako na parang bata. Sana naman maisip nila mommy na kunin na lang ako ulit at mag file na nang divorce. Ngayon pa lang sumusuko na ako, ayaw ko na. "Señorita, ha
Erica POV It was 5pm when I woke up, nakita ko pa ang nag o-orange na kalangitan sa labas. Glass kasi ang ding ding at nakahawi rin ang kurtina kaya kita ang labas Tumayo ako at lumapit doon. I was surprised when I found out,hindi pala 'yon basta ding ding pintuan pala iyon papuntang balcony. I opened it, at tinungo ang balcony. Sinalubong ako ng sariwang hangin, and it feels good. Ang ganda ng arrangement ng balcony, there is a long rattan chair with 3 white throw pillows, and beside it is a circle type single rattan chair na may backrest. May green plant sa gilid niyon. Maganda rin ang mesa, round table rattan rin, pinatungan ng round glass at may nakapatong sa ibabaw na white square pot na may color gold ang edge niyon, with succulent and beside of it is a 3 books na nakapatong sa isa't-isa.That is perfectly beautiful, it is so minimalistic. Nagtungo ako sa glasssiding ng balcony . Every edge of the area is Gold, ang mga bakal ay kulay Gold. Napapikit ako at ninamnam ko ang
Erica POV**NAGLALAKAD ako dito sa may likuran ng mansion. Nakikita ko ang mga nagtataasang puno ng mangga. Hitik na sa bongga ang mga iyon at ilang linggo na lang ay marahil aanihin na ang mga iyon. Maaga akong nagising, dahil namamahay ako. Paggising ko mas maaga pa nagising si Axel dahil wala na ito sa hinigaan niya."Hai po Señorita Erica," bati sa akin ng ilang mga tauhan sa farm. "Hello po,"ganting bati ko rin sa kanila.Kada may madadaanan akong mga trabahante ay bumabati sa akin, they are all hospitable."Hello po," bati ko sa isang 'di katandaang lalaki mga tasa early 40s na ito. Nakaupo ito habang abala sa pagtupi ng mga diaryong papel na hinati hati na. "Kayo po pala señorita, ako po pala si Lito." Pakilala nito ng makatayo saka yumuko. "Nice meeting you po. Para saan po 'yang papel?" tanong ko sa ka umupo sa harap nito. May mesa sa ilalim ng manggahan at may pang apatang upuan."Ah ito? Pambabalot ito ng mangga Señorita," sagot naman nito at tinoy na ang ginagawa."I
Erica POVLumipas ang mga araw, linggo hanggang sa maging isang buwan na mahigit ang paninirahan ko, kasama ang swapang kong asawa. The day after he saw my everything, gash, na kapag naiisip ko nag iinit ang mukha ko. Pilit ko siyang iniiwasan dahil sa nahihiya ako at minsan kasi lalo na kapag nagkakasalubong kami ay nadadako ang paningin niya sa dibdib ko. Kaya hangga't pwede ay iiwas ako.Minsan pag-uwi niya galing opisina ay tulog na ako, sinasadya ko talagang tulog na ako kapag dumating siya. Sa araw naman kapag wala siya at nagtatrabaho ay nag-iikot ikot lang ako sa paligid ng mansion dahil wala akong magawa. Hindi rin ako makapag concentrate sa pagsusulat dahil nadidistract ako o mas tamang sabihin na mental block ako.Malapit na akong ma-bored sa kakaikot ko sa buong villa which is araw-araw ko ngang ginagawa as my pastime. Halos lahat ng mga trabahante sa farm doon ay kilala ko na, dahil halos araw-araw naman kaming nag kikita. Gusto kong mag-shopping, magpa spa, at mag rela
Alex POV"Manang Belen," tawag ko sa mayordoma namin. Galing ako sa kwarto kararating ko lang from work, akala ko natutulog na si Erica pero nagtaka ako dahil wala ang asawa ko sa kuwarto. Lage ko siyang nadadatnang tulog since the day I saw her naked body.Kaya out of curiosity hinanap ko siya sa cr o balcony pero wala roon, wala sa mansion si Erica kahit sa labas o sa farm wala at saka madilim na rin, kaya itatanong ko sa katulong."Yes po señorito, may kailangan kayo?" anang Manang Belen na may bubbles pa ang kamay dahil naghuhugas ito ng plato. "Si Erica manang, did you see here?" Panimulang tanong ko."Ay, naku sir sumama kina Danny, do'n sa bahay nila, eh sabi nag paalam raw siya sa iyo do'n siya matutulog," sagot nito. Napakunot noo ako, nag paalam? Hindi nga ako kinakausap no'n, paanong nagpaalam?Hindi ko alam kung bakit, pero tumayo ako at iniwan si manang Belen na speechless.Ginamit ko ang mini jeep ko At binaybay ang daan patungo sa bahay nila Mang Danny. Hindi ko na ka
Erica POVThe days passed. Wala akong ibang ginawa kun'di matulog maglakad sa hardin na may naka buntot. Minsan pa akong tumulong kay Sarah maglinis ng pool pero sinaway ako ng bodyguard. Kahit na spoiled brat ako sa bahay namin, ni minsan hindi ako binigyan ng bodyguard nila daddy. Pero itong asawa ko? May tililing siguro iyon sa utak. "Want some?" sabi ko kay Jessie ng minsang kumain ako ng sandwich sa sala. Nakatayo lang ito sa gilid ko palagi. Buti hindi sila nangangawit. 'Yong dalawa rin sa labas nakatayo lang parang estatwa. Minsan nagpapalitan silang tatlo sa pagbabantay sa akin lalo na kung breaktime."I'm sorry Mrs. Hill but eating during our working hours is prohibited," anito ng bumaling sa akin. Napangiwi ako."Hindi ok lang, ako lang naman ang makakakita eh. 'Di kita isusumbong, saka laro tayo ng video game, I'm so bored na kasi," sabi ko. Nakakaintindi naman ng tagalog si Jessie pero hindi siya marunong magsalita ng tagalog. Nakita ko siyang tumingin sa taas kung s
Erica POV."Wow ate Erica, ang galing, parang ang sarap niyan, ah." Manghang turan ni sarah, matapos kung ilabas mula sa oven ang kakaluto lang na crinkles biscuits. "Halika tikman mo kung masarap ba talaga," sabi ko saka nilapag sa marble table sa kitchen counter ang llanera. Nagluto ako, this is a special day dahil pinatawag ko ang anak ng mga magsasaka. Gusto ko silang maka bonding.Isang beses pa lang kaming nagkikita kita kaya gusto ko sila makita ulit . Hindi naman ako pwedeng mupunta sa kanila kaya sila na lang ang papupuntahin ko dito. Hindi naman siguro iyon ikagagalit ni Axel."Hmm, sarap nito pang expert," bulalas ni Sarah matapos matikman ang biskwit. " Saan mo po natutunan ito?""Hmm, nag aral ako ng two years course na culinary Sarah. " Ngiti kong sagot sa kanya."The best 'to," aniya saka kumuha pa ng isa.Napatawa na lang ako sa inasal ni Sarah. "Tulungan mo akong e prepare ang mga ito mamaya sa lamesa sa hardin huh? Kasi pupunta ang mga bata dito mamaya." Bigay ala
Two years later… "AHHHH!" nagulat ako sa isang tili na umalingaw-ngaw sa loob ng bahay nila Edward. Kakapasok ko pa lang sa bakuran nila. Balak ko kasi silang dalawin at para ibigay na rin pasalubong namin galing paris. Tili iyon ni Edward, ah. "Mommy, si Daddy Ed iyon. Ano kayang nangyari?" tanong ng anak kong si Xelarie. Manilis na kaming pumasok sa loob ng bahay upang usisain ang nangyayari. "Ate," gulat na sambit ni Edward ng makita ako. Pawis na pawis siya at namumutla. "A-anong nangyari, Ed?" "Edward!" sigaw ni Cathy. "Ed?" "M-Manganganak na si Cathy," aniya sa malambot na boses saka kinagat pa ang kuko. Mukhang tensyunado siya. "Oh, tapos? Bakit mo iniwan?" "K-kasi…" Narinig na naman namin ang sigaw ni Cathy. "Doc Edward, pumutok na po ang panubigan ni Cathy. Baka bata na po ang susunod no'n," imporma ni Nurse Jean. Hindi ko alam kung bakit nandito siya. "Ano pa bang ginagawa niyo? Dalhin niyo na sa ospital!" bulyaw ko sa katangahan nila. Mangangana
"S-SIGURADO KA BA?" tanong ko sa kaniya nang pareho na kaming nasa kuwarto at wala ni isang saplot sa katawan. Napapikit ako nang ilapat niya ang kaniyang mainit na palad sa balikat ko pababa sa braso ko. He even kissed my shoulder na nagbigay sa akin ng kakaibang sensasyon. Mga boltaheng nabubuhay sa kaugatan ko sa bawat halik at haplos niya. Napalunok ako dahil pakiramdam ko hindi ako humihinga. Tila isang tensyon para sa akon ang kaganapang ito. "Yes, I am dead sure," aniya sa paos na boses. Bigla tuloy nagsitayuan ang mga balahibo ko. "P-pero baka…" naputol ko ang sasabihin ko dahil tila kinapos na naman ako sa hininga ng dumako ang malambot niyang labi sa leeg ko. Hindi ko mapigilan ang mapaungol. Napalunok ako para ituloy ang sasabihin ko. "Mabuntis ulit ako." Nakaramdam ako ng pagsisisi dahil sa sinabi ko nang tinigil niya ang ginagawa niya. Minulat ko ang mga mata ko at nagsalubong ang mga mata naming kapwa nag-aapoy dahil sa paghahangad sa makamundong pagnanasa
BUTI at naawat ko si Edward, pati na rin sarili ko. Kaya hindi natuloy ang init na namamagitan sa amin na muntik na ring maghatid sa amin sa pagkalimot. Naghanda na rin ako ng pananghalian dahil dito raw siya kakain. May dala rin siyang ulam kaya lang naiwan sa kotse niya. Na-excite daw siya masyado na makita ako kaya bulaklak lang ang bitbit niya.Napangiti ako, ngiting may kilig at galak. Kailan ko kaya matatanggap na totoo lahat ng ito. Para kasing panaginip lang, mahal ako ng taong mahal ko. Hindi lahat biniyayaan ng ganito, hindi lahat ng bakla papatol sa isang katulad ko. Tanggapin ko na kaya ngayon? Okay fine totoo 'to, this is the reality. I chuckled dahil sa mga naiisip ko. Tsk. Naiiling na rin ako sa kabaliwan ko."Mukhang masaya ka."Napapitlag ako dahil may baretonong boses na bigla na lang nagsalita sa likod ko. Agad naman akong lumingon."Nanggugulat ka, Edward," paninitang sabi ko saka pinanlakihan siya ng mata habang himas-himas ko ang dibdib ko.He smiled an
NAKALABAS na ako ng hospital isang linggo na ang lumipas. Masaya ako dahil unti-unti nang bumubuti ang pakiramdam ko. Araw-araw din akong dumadalaw sa mga anak ko. Napaisip akong umupa ng bahay noong lumabas ako para sa matutuluyan ko. Hindi pa kasi ako handang sumama kay Edward. Not because galit ako sa kaniya o may tampo ako. Nahihiya lang ako sa kaniya. Noong sunduin nga niya ako sa hospital ay sa bahay pa sana niya ako itutuloy pero pinigilan ko siya. Pinilit niya akong tumira sa bahay niya pero hindi ako pumayag kasi nga 'di ba nahihiya pa ako. Hindi pa masyado gano'n kalakas ang loob ko. Kalaunan naman ay pumayag na rin siya na bumukod na muna ako, tinulungan nga niya akong maghanap ng apartment. Pero hindi niya gusto ang mga apartment na napupuntahan namin. Hanggang sa nagdesisyon siyang dito na lang ako sa condo niya. S'yempre hindi ako pumayag noong una dahil mas nakakahiya pero pinipilit niya ako. "Dito ka sa condo ko o doon ka sa mga unsafety apartments pero sasamah
PAGPASOK ko sa silid ni Cathy ay naabutan ko siyang tulog. Minsan lang ako nagpapakita sa kaniya dahil baka sumama ang loob niya kapag makita ako. Napangiti ako nang paglapit ko ay napansin ko na konti na lang ang mga prutas. Ibig sabihin kumakain na siya ng maayos. Napangiti ako. This is a signed of her progress sana magtuloy-tuloy na ito. Nakita ko na yakap-yakap niya ang ipad. Hindi niya raw ito binibitawan sabi ng mga nurse na tumitingin sa kaniya kaya hinayaan ko munang gamitin niya. Pero na-curios ako kung ano ang mga ginagawa niya sa ipad kasi sabi rin nila Nanay no'ng minsang dumalaw sila ay may kinakalikot daw si Cathy sa Ipad. Sinubukan kong abutin ang kamay niya at dahan-dahang itinaas upang makuha ko ang aparato sa dibdib niya. Succes naman dahil nakuha ko nga na hindi siya nagigising. Pag-open ko pa lang sa screen ng ipad ay nakarehistro na sa screen saver ang naka-collage na larawan ng kuwadro. Napangiti ako nang makita ko ang mga pangalan na nakatapat sa larawa
NAKATULALA lang ako sa kawalan habang nakahiga sa hospital bed na naka-recline. Iniisip ko kung ayos lang ba ang mga anak ko. Kung bakit nangyayari ang lahat ng pahirap na ito sa buhay ko. Pati mga anak ko na inosente nadamay. Pinahid ko ang luhang kumuwala mula sa mga mata ko. Gusto kong magalit sa mundo. Hindi ko naiintindihan ang sarili ko. Galit ako sa sarili ko dahil pabaya akong ina. Wala akong kwenta, ang hirap mabuhay. Minsan nagsisisi ako kung bakit pa ako nabuhay. "Anak Cathy, kumain ka muna. Hindi ka pa kumakain eh. Kailangan mong magpalakas." Napalingon ako sa nagsalita saka bumaba ang tingin ko sa hawak niyang binalatang mansanas. Nag-iwas ako ng tingin. Wala akong ganang kumain, pakiramdam ko wala na akong sikmura. Hindi ako makaramdam ng gutom. "Busog po ako, Nanay Celia," sabi ko na lang out of respect. "Pero wala ka pang kinakain simula nang magising ka kahapon," anito. Bumuntonghininga ako saka umiling. Hindi naman niya ako pinilit. Napatingin ako sa
NAKATUNGHAY lang ako kay Cathy habang siya ay mahimbing na natutulog. Nasasaktan akong nakikita siya habang nakahiga sa hospital bed at may tubo sa bibig na nagsusuporta sa buhay niya. Everytime the monitor's beep natatakot ako dahil baka biglang mag-straight line na naman ito. Hinawakan ko ang malamig na kamay ni Cathy at hinatid sa bibig ko saka hinalikan. Isang linggo na ang lumipas pero hindi pa rin siya nagigising. On-duty ako para anytime na may mangyari ay nandito ako at p'wede akong makialam. Dumukwang ako para halikan ang noo niya saka muling umupo."Cathy, stay with me, please. Magpakatatag ka, nandito lang ako naghihintay sa 'yo. Sabik na akong marinig ang boses mo. Please, wake up," nagsimulang gumaralgal ang boses ko. Pero pinigilan kong mapaiyak. Alam kong naririnig niya ako, ayaw kong marinig niya na pinanghinaan ako ng loob."The kids are under monitoring, kailangan ka nila para lumakas ang loob nila. Kaya gumising ka na..." natigilan ako sa pagsasalita ng mari
"HANGGANG dito ka lang Doc Alcantara," pigil nang isang doctor ng maipasok si Cathy sa delivery room. "Please, Doctora Rodriguez, let me in," pagpupumilit ko habang may dalawang nurse na lalaki na nakahawak sa magkabila kong braso para mapigilan ako. "Alam mong hindi ka p'wede dito!" asik ni Doctora. "But I can't just stay outside. Hindi ako mapakali, please. Just this once," pagsusumamo ko. Tumulo na rin ang luha ko, natatakot ako na baka may mangyaring masama kay Cathy at sa mga anak ko. Mahina na ang pulso ni Cathy no'ng ipasok namin siya dito. Gusto kong pumasok para makasiguro na magiging maayos siya. Mababaliw ako sa kakaisip kapag dito lang ako sa labas. "Okay fine. Boys, let him in," she demand. Agad naman akong binitawan ng mga nurses at sinundan na si Doctora Rodriguez na papasok sa room. Binihisan na nila si Cathy. Nangingig ang mga kamay ko habang nakatingin sa kaniya. Panay mura ko dahil sa kaba na nararamdaman ko. Kinabitan na si Cathy ng kung ano-anong
AKALA KO pagkatapos nilang mamanhikan sa bahay ay iiwan na nila kami. Pero spoiled brat nga talaga si Ate Erica kahit kuwarenta na. Paano ba naman kasi pinipilit niya ako na sumama na sa kanila pauwi. Pero kapag si Ate Erica na ang namilit mapipilitan ka talaga dahil hindi ka titigilan hangga't hindi nasusunod ang gusto niya. Kaya 'eto ako ngayon dalawang araw na kami sa mansion ng mga Hill sa syudad. Ayaw rin akong pabukurin, magrerenta na lang sana ako ng bahay pero ayaw rin niya. Gusto nila na nakikita ako lalo't alam nila na sa mga susunod na buwan mahihirapan ako sa pagbuntis ko dahil sobrang laki na talaga ng t'yan ko. Halos ayaw rin nila akong paggalawin. Napaka-over protective nila sa akin. Well, ayos lang din naman, hindi naman ako nagrereklamo. Because I'm happy to have them, they are my family and I know they're just thinking about my own good. Si Edward rin bumalik na sa pagtatrabaho. Hindi rin siya umuuwi sa sarili niyang bahay dahil gusto niya lagi niya akon