Nakatingin lang ako sa lawak ng dagat na animo walang hanggan. Hinihintay ang pagsabog ng bukang liwayway. Napabuga ako ng hangin, naalala ko ang mga nangyari kagabi. Ang ligayang pinagsaluhan namin ni Axel. Ang mapupusok niyang halik, ang mga haplos nito sa bawat sulok ng katawan ko. Ang pagpapaubaya ko sa taong hindi ko alam kung kilala ko ba talaga. Umaga na ng magising ako. Tulog siya ng iwan ko, sinadya kong 'wag siyang gisingin dahil wala akong mukhang maihaharap sa kanya. Nakalapag rin sa table ni Cathy ang resignation letter ko. Maghahanap na lang ako ng ibang trabaho, ayaw kong harapin si Axel. Hindi ko yata kaya. Nang tuluyan ng sumabog ang bukang liwayway ay tinalikuran ko na ang dagat saka naglakad na pauwi. Mag-iisip pa ako ng alibi dahil sigurado akong tatadtarin ako ng tanong ng mga naiwan sa bahay kung bakit inumaga ako.At hindi nga ako nagkamali."Erica, inumaga ka yata?" Tanong ni Tatay Arman. Nakatayo ito sa may pintuan habang may bitbit na isang tasa ng kape.
Pagkatapos ng kwento niyang iyon pagkatapos ng isang yakap nito ay tumalikod na ito at iniwan ako. Iniwan akong naguguluhan, kinakabahan, nagdadalawang isip. Pinilit kong alalahanin ang lahat, pilit na hinahanap ng alala ko ang mukha ni Axel. Pero, shit lang hindi ko talaga maalala. Ni hindi nga nag bago ang pagka blurry ng mukha ng lalaking kasama ko. Kahit luminaw ng konti ay hindi. Pero magkaboses sila, sumasakit lang ang ulo ko sa mga isiping iyon. Bakit ba kasi nagkaganito ang lahat bakit ba kasi kailangang mangyari lahat ng ito. Limang taon naging tahimik ang buhay kahit na nakakaramdam ako ng lungkot minsan dahil wala akong maalala. Hinayaan ko lang ang mga nag uunahang luha ko habang nakatunghay sa maalong dagat.Ang dagat ang dahilan, pero ang dagat rin ang nagbibigay sa akin ng comfort. Ang hangin sa dagat na animo niyayakap ako at inaalo. Nagpapagaan ng bigat na nararamdaman ko. Kumpiyansa akong walang tao sa paligid. Ilang minuto na rin nang umalis si Axel. Wala na ito.
Nagising ako dahil sa mga bulong bulongan sa paligid ko. Hindi ko nga alam kung bulong pa ba iyon. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Tumitig muna ako saglit sa puting kisame saka iginala ang paningin ko. Familiar sa akin ang kuwartong ito. Ah, ito pala 'yong kwarto ni Axel kung saan pleasure ang naramdaman sa unang pagpasok ko rito. Ang tanging saksi sa pagpapaubaya ko. Nakita ko pa ang mga nag-uusap na tao sa maliit na sala ng kwarto. Kaya ng maalala ko ang nangyari kanina ay bumalikwas ako ng bangun. Agad naman nila akong napansin saka sabay na lumingon sa akin. Nailang ako sa mga matang nakatitig lang sa akin. Naroon si Lara si Cathy at ang mag asawa. Hinanap ng mga mata ko si Axel pero hindi ko nakita. Nangunot ang gitna ng kilay ko ng parang pamilyar ang senaryong ito. 'Yon bang parang nangyari na ito dati. 'Yong nagising ako tapos may tao sa kuwarto at hinanap ko si Axel pero wala siya. Ipinilig ko ang ulo ko para maiwaksi ang isiping iyon. Masyado ng puno ang utak ko
Pagdating na pagdating namin sa hospital ay tinakbo ko na ang daanan patungo sa ICU. Kahit nanlalabo ang paningin ko dahil sa muling pangingilid ng luha ko ay hindi ko pa rin tinigil ang pag takbo. Kaya hingal na hingal ako ng makarating sa waiting area sa labas ng ICU kung saan naroroon rin ang pamilya Alcantara pati na ang mga anak kong kambal. Nang makita ako ng kambal ay agad itong tumakbo sa akin at nag iiyak. Tinanggap ko agad ang yakap nila, at umiyak na rin."M-mommy..." Iyak na sigaw ng mga bata habang nakayakap pa rin sa akin."Sshh, tahan na magiging ok rin ang kapatid n'yo. Stop crying. Sshh." Alo ko sa dalawang bata na walang tigil sa pag iyak. Hinagod ko ang likod ng mga ito.Hindi ko na rin mapigilan ang paghikbi, may naramdaman pa akong humagod sa likod ko. Alam kong si Axel iyon, sumama kasi ito sa akin. Hindi na rin ako nag inarte pa dahil may sasakyan naman ito kaya mabilis kaming nakarating.Napansin ko naman ang doctor na lumabas mula sa pinto ng ICU. Inilayo ko m
Pagkalapag ng helicopter sa malaking ground ng hospital ay agad na isinugod sa operating room si Jayvee. Madilim na rin ang langit ng dumating kami. Si Lara ang surgeon ni Jayve. Pati na rin si Sunday na pinsan daw ni Axel yo'ng doctor ni Jayvee. Marami pa akong nakitang doctor at nurse sa loob ng OR. Nandito kami sa isang kuwarto kung saan makikita ang surgery na ginagawa ng mga doctor, nasa Ibaba ng kwartong ito ang OR. At nakikita namin sila mula dito sa itaas. May nakaharang naman na glass wall. May intercom rin sa gilid na bahagi ng kuwartong ito. Ito ang magbibigay daan para makausap ang nasa loob ng Operating Room. Sabi ni Axel bawal daw ang ibang tao rito pero since pag aari nila ang ospital ay allowed kami. Talagang napakayaman pala ni Axel. Nandito din ang mommy at daddy ni Axel na Chairman ng hospital. May ibang tao ring naroon pero hindi ko kilala. Pero base sa mga suot nito ay marahil ay may posisyon rin ang mga ito sa hospital na ito.Private ang Hospital na ito. Mula
"'Nay, 'Tay!" Tili ni Edward matapos makita ang isang trending na breaking news sa kanyang cellphone. Kuha ito ng isang sikat na reporter. Actually hindi pa nito nabubuksan ang video, nagreact lang ito dahil sa nakita sa heading.'Long lost wife of the Billionaire' tapos larawan ni Erica at ng asawa nito ang makikita sa unang bahagi ng video.Dali daling pumasok ng kabahayan si Edward para ipakita sa kanyang magulang ang nakita sa cellphone nito na bagong bili lang."Dios ko, anak bakit?" Kinakabahan na sabi ni Nanay Celia, may bubbles pa ng sabon ang kamay nito ng lumapit. Galing kasi ito sa kusina at naghuhugas. Napasugod na rin ang ama nito na abala sa pagkakape ng hapong iyon."Inay, Itay, tingnan n'yo po si Ate Erica." Mangiyak ngiyak na sabi ni Edward at binigyang access ang mga magulang para makita ang nasa video."Dios ko naman Ed kung makasigaw ka naman akala ko may sunog na." Bulalas ng ama nito.Binatukan naman siya ng ina."Aray naman, 'Nay." Reklamo nito.Umupo sila sa sa
Erica's POV Kasabay ng pagbukas ng pinto ng simbahan ay ang pag-angat ng mukha ko. Bumungad rin sa akin ang magandang tugtugin. Agad na dumako ang tingin ko sa dulo ng altar kung saan, nakangiting nag hihintay ang isang makisig na lalaki. Nakakaakit ang itsura nito, nakapamulsa ito habang hindi nawawala ang mga titig nito na nanonout sa kaibuturan ko. Nakita ko rin ang paglaglag ng mga luha nito at ang pagpahid nito roon. Nginitian ko ito ng pinakamatamis kong ngiti. Saka ako humakbang, nang makailang hakbang na ako ay humarang si Daddy sa dinadaanan ko. Dumeretso na ako sa kanya saka umabresyete. Saka naglakad na kami. Bawat hakbang na ginagawa ko ay ang pabilis ng pabilis na tibok ng puso ko at ang pangingilid ng luha ko. Noon, naglakad ako sa aisle, ay purong inis ang nararamdaman ko sa lalaking naghihintay sa akin sa dulo ng aisle, ngayon naman purong pagmamahal at kagalakan ang nararamdaman ko habang papalapit sa taong naghihintay sa akin sa dulo ng aisle. Tuluyan ng nalaglag
THE GAY DOCTOR(SEXYBEAST SERIES 2)written by: Lovemarian♡♡♡Teaser♡♡♡Desperada na kung desperadang tawagin ang kahibangan ni Cathy kay Edward Alcantara. Dahil kahit siya ay hindi kayang labanan ang sariling puso na nagwawala sa tuwing nakikita niya ito. Simula pa lang alam na niyang bakla si Edward, na malabong masuklian ang pagmamahal niya para rito. Doon pa lang sa isiping iyon parang hinahalukay na ng kutsilyo ang puso niya. Sinubukan niyang kalimutan ito, ngunit sa nakalipas na sampung taon at sa muli nilang pagkikita ay mas lalo lang lumala ang nararamdaman niya para sa isang bakla na ngayon ay doctor na. Na mas lalo pang sumusigaw at nang-aakit ang kamachohan at ang pagka-strikto nito. Kung guwapo ito noon ay mas umaangat ang kaguwapuhan nito ngayon. Nagsimula na siyang mabaliw ulit rito, nagsimula na siyang habul-habulin si Edward. Pero kahit anong paganda at pasexy ang gawin niya gaya lang rin ng inaasahan walang epekto ito sa isang bakla. Mas lalo lang siyang binale
Two years later… "AHHHH!" nagulat ako sa isang tili na umalingaw-ngaw sa loob ng bahay nila Edward. Kakapasok ko pa lang sa bakuran nila. Balak ko kasi silang dalawin at para ibigay na rin pasalubong namin galing paris. Tili iyon ni Edward, ah. "Mommy, si Daddy Ed iyon. Ano kayang nangyari?" tanong ng anak kong si Xelarie. Manilis na kaming pumasok sa loob ng bahay upang usisain ang nangyayari. "Ate," gulat na sambit ni Edward ng makita ako. Pawis na pawis siya at namumutla. "A-anong nangyari, Ed?" "Edward!" sigaw ni Cathy. "Ed?" "M-Manganganak na si Cathy," aniya sa malambot na boses saka kinagat pa ang kuko. Mukhang tensyunado siya. "Oh, tapos? Bakit mo iniwan?" "K-kasi…" Narinig na naman namin ang sigaw ni Cathy. "Doc Edward, pumutok na po ang panubigan ni Cathy. Baka bata na po ang susunod no'n," imporma ni Nurse Jean. Hindi ko alam kung bakit nandito siya. "Ano pa bang ginagawa niyo? Dalhin niyo na sa ospital!" bulyaw ko sa katangahan nila. Mangangana
"S-SIGURADO KA BA?" tanong ko sa kaniya nang pareho na kaming nasa kuwarto at wala ni isang saplot sa katawan. Napapikit ako nang ilapat niya ang kaniyang mainit na palad sa balikat ko pababa sa braso ko. He even kissed my shoulder na nagbigay sa akin ng kakaibang sensasyon. Mga boltaheng nabubuhay sa kaugatan ko sa bawat halik at haplos niya. Napalunok ako dahil pakiramdam ko hindi ako humihinga. Tila isang tensyon para sa akon ang kaganapang ito. "Yes, I am dead sure," aniya sa paos na boses. Bigla tuloy nagsitayuan ang mga balahibo ko. "P-pero baka…" naputol ko ang sasabihin ko dahil tila kinapos na naman ako sa hininga ng dumako ang malambot niyang labi sa leeg ko. Hindi ko mapigilan ang mapaungol. Napalunok ako para ituloy ang sasabihin ko. "Mabuntis ulit ako." Nakaramdam ako ng pagsisisi dahil sa sinabi ko nang tinigil niya ang ginagawa niya. Minulat ko ang mga mata ko at nagsalubong ang mga mata naming kapwa nag-aapoy dahil sa paghahangad sa makamundong pagnanasa
BUTI at naawat ko si Edward, pati na rin sarili ko. Kaya hindi natuloy ang init na namamagitan sa amin na muntik na ring maghatid sa amin sa pagkalimot. Naghanda na rin ako ng pananghalian dahil dito raw siya kakain. May dala rin siyang ulam kaya lang naiwan sa kotse niya. Na-excite daw siya masyado na makita ako kaya bulaklak lang ang bitbit niya.Napangiti ako, ngiting may kilig at galak. Kailan ko kaya matatanggap na totoo lahat ng ito. Para kasing panaginip lang, mahal ako ng taong mahal ko. Hindi lahat biniyayaan ng ganito, hindi lahat ng bakla papatol sa isang katulad ko. Tanggapin ko na kaya ngayon? Okay fine totoo 'to, this is the reality. I chuckled dahil sa mga naiisip ko. Tsk. Naiiling na rin ako sa kabaliwan ko."Mukhang masaya ka."Napapitlag ako dahil may baretonong boses na bigla na lang nagsalita sa likod ko. Agad naman akong lumingon."Nanggugulat ka, Edward," paninitang sabi ko saka pinanlakihan siya ng mata habang himas-himas ko ang dibdib ko.He smiled an
NAKALABAS na ako ng hospital isang linggo na ang lumipas. Masaya ako dahil unti-unti nang bumubuti ang pakiramdam ko. Araw-araw din akong dumadalaw sa mga anak ko. Napaisip akong umupa ng bahay noong lumabas ako para sa matutuluyan ko. Hindi pa kasi ako handang sumama kay Edward. Not because galit ako sa kaniya o may tampo ako. Nahihiya lang ako sa kaniya. Noong sunduin nga niya ako sa hospital ay sa bahay pa sana niya ako itutuloy pero pinigilan ko siya. Pinilit niya akong tumira sa bahay niya pero hindi ako pumayag kasi nga 'di ba nahihiya pa ako. Hindi pa masyado gano'n kalakas ang loob ko. Kalaunan naman ay pumayag na rin siya na bumukod na muna ako, tinulungan nga niya akong maghanap ng apartment. Pero hindi niya gusto ang mga apartment na napupuntahan namin. Hanggang sa nagdesisyon siyang dito na lang ako sa condo niya. S'yempre hindi ako pumayag noong una dahil mas nakakahiya pero pinipilit niya ako. "Dito ka sa condo ko o doon ka sa mga unsafety apartments pero sasamah
PAGPASOK ko sa silid ni Cathy ay naabutan ko siyang tulog. Minsan lang ako nagpapakita sa kaniya dahil baka sumama ang loob niya kapag makita ako. Napangiti ako nang paglapit ko ay napansin ko na konti na lang ang mga prutas. Ibig sabihin kumakain na siya ng maayos. Napangiti ako. This is a signed of her progress sana magtuloy-tuloy na ito. Nakita ko na yakap-yakap niya ang ipad. Hindi niya raw ito binibitawan sabi ng mga nurse na tumitingin sa kaniya kaya hinayaan ko munang gamitin niya. Pero na-curios ako kung ano ang mga ginagawa niya sa ipad kasi sabi rin nila Nanay no'ng minsang dumalaw sila ay may kinakalikot daw si Cathy sa Ipad. Sinubukan kong abutin ang kamay niya at dahan-dahang itinaas upang makuha ko ang aparato sa dibdib niya. Succes naman dahil nakuha ko nga na hindi siya nagigising. Pag-open ko pa lang sa screen ng ipad ay nakarehistro na sa screen saver ang naka-collage na larawan ng kuwadro. Napangiti ako nang makita ko ang mga pangalan na nakatapat sa larawa
NAKATULALA lang ako sa kawalan habang nakahiga sa hospital bed na naka-recline. Iniisip ko kung ayos lang ba ang mga anak ko. Kung bakit nangyayari ang lahat ng pahirap na ito sa buhay ko. Pati mga anak ko na inosente nadamay. Pinahid ko ang luhang kumuwala mula sa mga mata ko. Gusto kong magalit sa mundo. Hindi ko naiintindihan ang sarili ko. Galit ako sa sarili ko dahil pabaya akong ina. Wala akong kwenta, ang hirap mabuhay. Minsan nagsisisi ako kung bakit pa ako nabuhay. "Anak Cathy, kumain ka muna. Hindi ka pa kumakain eh. Kailangan mong magpalakas." Napalingon ako sa nagsalita saka bumaba ang tingin ko sa hawak niyang binalatang mansanas. Nag-iwas ako ng tingin. Wala akong ganang kumain, pakiramdam ko wala na akong sikmura. Hindi ako makaramdam ng gutom. "Busog po ako, Nanay Celia," sabi ko na lang out of respect. "Pero wala ka pang kinakain simula nang magising ka kahapon," anito. Bumuntonghininga ako saka umiling. Hindi naman niya ako pinilit. Napatingin ako sa
NAKATUNGHAY lang ako kay Cathy habang siya ay mahimbing na natutulog. Nasasaktan akong nakikita siya habang nakahiga sa hospital bed at may tubo sa bibig na nagsusuporta sa buhay niya. Everytime the monitor's beep natatakot ako dahil baka biglang mag-straight line na naman ito. Hinawakan ko ang malamig na kamay ni Cathy at hinatid sa bibig ko saka hinalikan. Isang linggo na ang lumipas pero hindi pa rin siya nagigising. On-duty ako para anytime na may mangyari ay nandito ako at p'wede akong makialam. Dumukwang ako para halikan ang noo niya saka muling umupo."Cathy, stay with me, please. Magpakatatag ka, nandito lang ako naghihintay sa 'yo. Sabik na akong marinig ang boses mo. Please, wake up," nagsimulang gumaralgal ang boses ko. Pero pinigilan kong mapaiyak. Alam kong naririnig niya ako, ayaw kong marinig niya na pinanghinaan ako ng loob."The kids are under monitoring, kailangan ka nila para lumakas ang loob nila. Kaya gumising ka na..." natigilan ako sa pagsasalita ng mari
"HANGGANG dito ka lang Doc Alcantara," pigil nang isang doctor ng maipasok si Cathy sa delivery room. "Please, Doctora Rodriguez, let me in," pagpupumilit ko habang may dalawang nurse na lalaki na nakahawak sa magkabila kong braso para mapigilan ako. "Alam mong hindi ka p'wede dito!" asik ni Doctora. "But I can't just stay outside. Hindi ako mapakali, please. Just this once," pagsusumamo ko. Tumulo na rin ang luha ko, natatakot ako na baka may mangyaring masama kay Cathy at sa mga anak ko. Mahina na ang pulso ni Cathy no'ng ipasok namin siya dito. Gusto kong pumasok para makasiguro na magiging maayos siya. Mababaliw ako sa kakaisip kapag dito lang ako sa labas. "Okay fine. Boys, let him in," she demand. Agad naman akong binitawan ng mga nurses at sinundan na si Doctora Rodriguez na papasok sa room. Binihisan na nila si Cathy. Nangingig ang mga kamay ko habang nakatingin sa kaniya. Panay mura ko dahil sa kaba na nararamdaman ko. Kinabitan na si Cathy ng kung ano-anong
AKALA KO pagkatapos nilang mamanhikan sa bahay ay iiwan na nila kami. Pero spoiled brat nga talaga si Ate Erica kahit kuwarenta na. Paano ba naman kasi pinipilit niya ako na sumama na sa kanila pauwi. Pero kapag si Ate Erica na ang namilit mapipilitan ka talaga dahil hindi ka titigilan hangga't hindi nasusunod ang gusto niya. Kaya 'eto ako ngayon dalawang araw na kami sa mansion ng mga Hill sa syudad. Ayaw rin akong pabukurin, magrerenta na lang sana ako ng bahay pero ayaw rin niya. Gusto nila na nakikita ako lalo't alam nila na sa mga susunod na buwan mahihirapan ako sa pagbuntis ko dahil sobrang laki na talaga ng t'yan ko. Halos ayaw rin nila akong paggalawin. Napaka-over protective nila sa akin. Well, ayos lang din naman, hindi naman ako nagrereklamo. Because I'm happy to have them, they are my family and I know they're just thinking about my own good. Si Edward rin bumalik na sa pagtatrabaho. Hindi rin siya umuuwi sa sarili niyang bahay dahil gusto niya lagi niya akon