(FRANK POV)“Apo, sino ba iyong babae kanina na lagi mong kasama. Aba at napaka ganda naman. Di mapatid yung ngiti sa mga labi mo kanina. Pati ako, nakalimutan mo dahil sa kaniya. Umamin ka nga sa akin!” dere-deretsong pag-uusisa ni Lola.“Iyon po ang sekretarya ko. Yung gusto niyong paalisin sa kompanya ng dahil kay Patricia,” sagot ko.Nanlaki ang mga mata niya.“Siya ba yun? Kaya pala grabe ang panggagalaiti ni Patricia dahil sobrang ganda pala niya.”“Isa pa po, mabait naman yun. She's decent,” pagmamalaki ko pa.“Aba apo. Pasensya ka na nang nagalit ako nung una. Pero, kung saan ka masaya ay susupurtahan kita,” aniya na ikinatuwa ko naman.Mukhang, walang magiging sagabal sa amin ng babaeng pinakamamahal ko. Masasabi kong, she's the one I wanted to be with for the rest of my life.“Thanks Grandma for the support and being there for me.”“Sus ikaw pa apo. Alam mo naman, espesyal ka sa akin. Eh kayo na ba nung sekretarya mo?”“Actually, ngayon pa lang po ako aamin bago mag blow ng
(FRANK POV) IPINAGSAWALANG bahala ko nalang ang nakita namin. Tiningnan ko si Iresh na tila malalim ang iniisip.“Wala lang yun kaya, huwag ka ng mag-alala okay?”Lumingon at ngumiti siya sa akin. Pero ang totoo, iniisip ko kung sino ang mga yun. Ang importante ay nakaalis na sila.To assure our safetiness ay bumalik nalang kami sa mansyon lalo na't wala pa sina Lexus. Baka may mangyari na naman sa amin tulad ng dati. Lalo na't wala pang balita mula kay Mr. Castro kung may lead naba sa mga kumidnap kay Iresh. Pumayag naman siya. Mas okay na yun para makasama ko siya ngayong umaga. “Wag kang tatabi sa akin matulog,” sabi niya na dahilan nang pagkawala ng aking ngiti.“Love naman, mag jowa na tayo. Bakit naman hindi? ” pagsusumamo ko sa kaniya.“Yun na nga e, jowa palang hindi asawa. Ano yun? Agad agad kong isusuko ang bataan. Maglaway ka!”“Sungit nito. Kung maglaway ba ako e, isusuko muna?”Bigla nalang niya akong binatukan.“Oo na o na, sasabihin ko sa katulong doon na ayusin ang
“Anong oras ba uuwi ang anak ko?” tanong ni Aling Rosa kay Georgia na kagigising pa lamang.Doon kasi siya natulog sa bahay nina Iresh.“Ewan ko po Tita, hayaan niyo muna pong mag honeymoon ang dalawa,” wala sa isip nitong sagot habang sinusubo ang maruyang kaka prito lang ni Aling Rosa.Binatukan naman siya ng Ali, “Ikaw talaga Georgia! Di pa pwedeng mahawakan yun hanggat hindi pa sila nakakasal! ”“Oo na po. Sakit naman po ng pambabatok ninyo. Buti nalang, hindi nahulog yung Maruya,” reklamo ng dalaga.Tinalikuran naman siya ng Ali dahil hindi pa nito natatapos ang pini pritong maruya sa kusina. Habang kumakain ang dalaga ay may bumusinang sasakyan. Sinilip iyon ni Georgia at nakitang, sasakyan iyon nila Lexus.Bumaba si Iresh na nakapajama at bitbit ang dress niya. “Tita, andito na po si Iresh!” tawag ni Georgia. Agad-agad namang lumabas si Aling Rosa. Nang makita niya ang anak ay napangiti siya. Samantalang si Lexus ay umalis na. Nagtaka naman ang dalawa kung bakit hindi niya
(SAMANTHA POV)NAALIMPUNGATAN ako sa malakas na katok ng isa sa mga katulong ko.“Ma'am bilisan niyo po,” tawag nito sa akin na may halong pag-aalala.“Okay, I'm coming. Ito na nga o bubuksan na.”Pagkabukas ko ng pintuan ay nakita kong mangiyak-ngiyak pa ang katulong namin na tila natatakot.“Ma'am, may mga tao sa labas.”Nangunot ang noo ko sa narinig. Agad akong bumaba upang pagbuksan ang sinasabi niyang pulis. Nang makaharap ko sila ay taas noo ko silang tinanong.“Anong kailangan niyo?”“Ma'am magandang hapon po. Gusto ho lang po namin ipaabot ang balita na natagpuan ang inyong asawa na bangkay na. Nais lang po namin magtanong ukol sa inyong mga nalalalaman upang mapadali ang paghahanap ng hustisya.”Nanlaki ang mga mata ko sa mga narinig. Hindi ko mapaniwalaan ang nangyari gayung hindi ako kaagad sinabihan ni Sandro na padadaliin nito ang lahat. Naalala ko na asawa ko pala ang napaslang kung kaya, wala akong nagawa kung hindi ang magkunwaring umiyak. “BAKIT? BAKIT NANGYARI SAY
IPINAHAYAG nina Frank at Iresh ang nalalaman patungkol sa nakitang mga kalalakihan noong madaling araw pagkatapos ng selebrasyon. Isinalarawan nila kung anong itsura at kulay ng sasakyan ngunit, hindi nila nakita kung anong plate number ang gamit nito.Pagkatapos ng interview ay bumungad sa kanila ang mga reporters na nais magtanong ukol sa pagkamatay ng chinoy na negosyante.“Mr. Delfuega,may kinalaman po ba kayo tungkol sa pagkamatay ni Mr. Uy?” tanong ng isang reporter.“Ano po ba ang nalalaman niyo tungkol sa kaso?” tanong ng isa pa.Si Iresh ang humarap.“First and for most, kung may binabalak si Mr. Delfuega aba e napaka lantaran naman na sa birthday pa niya mismo tinoun? The project is getting succeed kahit maliit ang ambag niya. No reason for killing a loyal shareholder of the company. Hindi ko alam kung mga reporter ba kayo o ano. Think of your questions. Napaka stupid*!”Napamaang ang lahat sa inasta ng girlfriend ni Frank kaya nasapawan ang balita ukol sa pagkamatay ni Mr.
NAGULAT naman si Iresh sa inakto ng kaniyang boyfriend. Alam mo yung reaksyon na nagulat pero hindi dahil sa natuwa.“I—I'm preggy. Magkaka-baby na tayo.”“At sino ang ama?” takang tanong ni Frank.“Wag ka ngang mang prank sa akin. Maiinis na talaga ako,” naluluha na ng sabi ni Iresh.“Nasaan ang patunay na buntis ka?”Dahil sa inis ay ibinigay niya ang pregnancy test nito mula sa ospital. She re-assure if she's really pregnant. Nanlulumong dinampot iyon ng binata. Nanginginig pa habang binabasa ang nakasaad sa papel.“Aren't you happy?”Sa puntong iyon ay garalgal na ang boses ni Iresh. Tila hindi nagugustuhan ang reaksyon ng nobyo.“Sino ang nakabuntis sayo?” malamig na tanong ni Frank.Dahil doon ay mag-asawang malulutong na sampal ang lumapat sa pisngi ng lalaki.“HOW DARE YOU TO ASK ME THAT!!!”Tumitig si Frank sa mga mata nito at mahigpit na hinawakan sa braso si Iresh.“ I love you and I trust you. Pero ngayon? Nagpabuntis ka sa iba?” di na magkandamayaw sa galit si Frank.“Na
“Pre, anyare?” takang tanong ni Luis kay Tayler ng maabutan itong umiiyak.Nang makita niya si Sandro ay hinawakan niya sa kwelyo si Tayler saka marahas na pinatayo.“Anong ginawa mo? Siya ang susi upang malaman natin kung sino ang nang ta-traydor sa atin.”“Lu-Luis, alam ko na ang lahat,” sagot nito na di pa rin matigil sa pag-iyak.“Ano ang ibig mong sabihin?”Biglang nag ring ulit ang phone ni Luis.“Pagbalik ko saka na tayo mag-usap. Kailangan kong puntahan si Iresh. Pinasabog ang bahay nila.”Umiiyak pa rin si Tayler na parang walang narinig. Hinayaan muna siya ni Luis saka nagmamadaling umalis.Pagdating niya sa ospital ay nakita niya ang tatlong nagsisi-iyakan sa tabi ng isang kama na may naka tabing na puting tila.“Boy.”Paglingon ni Iresh ay agad niyang niyakap ang binata. Niyakap naman siya pabalik nito.“Sorry for your lose.”Pumunta sila sa harden upang pribadong makapag usap. Siya ang kinausap ng dalaga dahil wala rin naman siyang aasahan kay Frank lalo na't galit siya r
KASALUKUYANG nasa Espanya sina Luis. Manghang mangha ang dalawa sa nakikita. Lalo na't napakaganda ng lugar. Hindi akalain ni Iresh na ganito pala kayaman ang kababata niya.Hanggang pumasok sila sa isang mansion na puro glass wall ang pader. Nang pindutin ni Luis ang isang parang remote ay biglang natakpan ang glasswall ng puting totoong pader na lumabas sa lupa.“Grabe napala bonggalesh naman dito. Aba dito nalang tayo forever. Total mayaman naman si Papey Luis,” natutuwang saad ng baklang si Antonia.Siniko naman siya ni Iresh dahil natutuwa ito samantalang siya, ay tinutubuan na ng kuryusidad ukol sa totoo nitong pagkatao. “Luis, pwedeng mag explain ka sa akin kung bakit tayo nandito? At bakit ganito ka kayaman?” pangongompronta ng dalaga. “Lets talk about it tomorrow. Magpahinga na muna tayong lahat. And by the way, ipapa cremate natin ang Mama mo upang madala mo kahit saan,” sabi ng binata na may halong pagsusumamo rito. Dahil sa sinabing iyon ni Luis ay naalala na naman ni
May lumabas na lalaki sa pintuan katabi ng screen. Dala nito ang dalawang mikropono. Ibinigay nito sa dalawa.“Ang mauuna, ay si Mr. Baigon!” sabi ng nakamaskara na di nauubusan ng kasiglahan.Napulunok naman ang matanda matapos marinig ang sinabi nung unggoy. Nag static muli ang screen at muling nagsalita ang unggoy.“Unang katanungan! Sino ang lalaki sa screen at ano ang papel niya sa mga plano mo?” Sa pagkakataong yun ay seryuso na ang unggoy base sa boses nito. Lumiwanag ang screen at nakita ang nakatiwarik na lalaki na tadtad ng bala ng baril. Napaluha si Samantha ng makita kung sino ang lalaki. Nag-init ang pakiramdam ni Mr. Baigon na tila nahintakutan sa kinahinatnanan ng kaniyang tauhan.“Your answer is the tittle, and your explanation will be your lyrics. And by the way, ang song na dapat mong isa tinig dito ay ang SAD TO BELONG. O diba, bongga?” Akma sanang magsasalita si Mr. Baigon ng atakehin siya sa puso. Di kinaya ang init na nagdudulot ng pag-epekto ng kaniyang hig
“So the player is complete. Howʼs the day to the both of you,” sabi ng isang boses na sinabayan ng halakhak.Nagmumula ito sa isang monitor na hindi nila makita. Galit na galit si Mr. Baigon.“Sino ka! Hayop ka. Bakit andito kami! Pakawalan mo kami ” sigaw niya sa nagsasalita ngunit muli itong humalkhak na wariʼy iniinsulto siya.“Easy easy.... Maglalaro lang naman tayo okay? Isa pa, paniguradong masasagot ninyo ang mga katanungan dahil base lang naman ito sa inyong buhay,” sabi ng boses.Napaiyak ang babae dahil pakiramdam niya ay papatayin sila.“Anong laro! Lumabas ka hay*p ka! Hʼwag kang magtago duwag!” sagot ni Mr. Baigon.“Okay, bibigyan ko kayo ng sample kung ayaw niyo akong pagbigyan.”Dahil sa pagmamatigas ni Mr. Baigon ay automatic na nabuksan ang pintuan. Nabigla ang dalawa dahil sobrang dilim pala ng labas.Hindi nila alam kung lalabas sila o hindi gayung wala silang dalang flashlight o kung anu man na pwede nilang gamitin pang-ilaw“Hon! Tingnan mo! May apat na matang nag
PAGKATAPOS makapagplano ang tatlo ay nagsama na sa isang kuwarto si Frank at Iresh. Natulog muna ang kanilang chikiting sa Tita Antonia niya. Nakapag-usap na rin si Frank at Lola nito at pati sʼya ay gulat na gulat sa lahat ng nangyari.“Franklin is 5 years old now,” sabi ni Frank na nooʼy ka gagaling lang sa CR.“Yeah. Ang bilis nga niyang lumaki.”“Kaya dapat masundan na natin sʼya.”Muntik ng mabilaukan si Iresh mula sa iniinom niyang gatas dahil sa sinabi ni Frank. Parang nagbalik lahat ng hiya niya noong unang may mangyari sa kanila.“Pagod tayo sa dami nang rebelasyon na nangyari ngayong araw kaya dapat magpahinga na tayo,” pangangatwiran ni Iresh na umayos na ng higa at kinumutan ang sarili.“Para ka namang ewan. Its like our honeymoon after being aparted for 5 years,” reklamo ni Frank na lumapit sa nobya at mahinahong hinihila ang kumot.“Matulog ka na pwede ba?”“I forgot about what happen to us. Di ko nakita expression mo noong mga panahong pinag-iisa tayo,” pilyong nakangi
NANG matapos mag moment ang mag-ama ay nag-usap nang masinsinan si Iresh at Frank.“Bibigyan kita ng pagkakataon na sabihin lahat sa akin,” panimula ni Iresh.“Noong mga panahon na itinatanggi ko ang anak natin ay panahon kung kailan nagkaroon ako ng amnesia.”“Amnesia? Kung kailan may nangyari sa atin?”gulat na sabi ni Iresh na halatang hindi naniniwala.“I know its very impossible to believe that but Dr. Santos will prove that. Noong pumunta tayo sa factory at pinalabas kita ay kumuha ako ng gamot for headache mula sa kaniya. And unfortunately, iba ang nakuha ko. Noong panahon na ininom ko yun ay panahon kung kailan ako nag birthday dahil boung magdamag nga kaya sumakit ang ulo ko. Half day ang nawala sa alaala ko.”He give the phone to Iresh na nooʼy naka dial na ang numero ng naturang doctor.Nagkausap nga sila ni Iresh and she found out na totoo ang sinasabi ni Frank.“How about Samantha? Paʼno ko malalaman na totoo nga ang sinasabi mo na hindi mo kinuntyaba ang doctor?”“That ni
LUMAPIT si Frank kina Jacob at Tayler. Hindi mapaniwalaan ni Samantha na buhay pa pala si Frank. Namutla na siya at pinagpapawisan. For sure, isusumbong sʼya nito sa mga pulis.Parehas sila ni Mr. Baigon. Kung gaano kaganda ang ngiti nila noong simula, ganoon din napalitan ng takot ang kanilang nadarama.Ang mga taong halos nawala ng limang taon ay nagbalik na. Kinuha ni Frank ang microphone mula sa announcer. Ngunit, bago pa ito makapagsalita, ay may matandang umakyat sa entablado at niyakap sʼya.“APO KO! NAGBALIK KA NA NGA! ANG TAGAL TAGAL KA NAMING PINAGHAHANAP!!” hagulhol na sabi ng lola ni Frank.Niyakap siya pabalik ni Frank. Miss na miss na rin kasi nito ang lola niya. Bumulong ito sa matanda.“Lets talk later. I will explain everything to you grandma.”Ngumiti ang matanda na maluha luha pa. Tumango ito saka bumaba. Nagtama ang mga mata ni Tayler at Frank. Nagtanguan at nagngitian silang dalawa bilang pagbati.“Iʼm sorry for being missing for how many years. Something happen t
PAGDATING ni Iresh sa mansyon ay agad siyang nagpahinga. Nakatingin siya sa kisame at nilingon ang anak na nooʼy mahimbing na natutulog. Napangiti siya dahil kamukhang kamukha ito ng ama niya.“Son, Iʼm sorry for lying. I hope, your dad is still alive,” saad nito sa anak kahit hindi nito naririnig.Pumatak ang mga luha niya. The whole five years kasi ay sinisi niya ang lalaki. Nagpapakasaya sa babaeng inakala niya ay sila pa. Ngunit ang hindi niya maintindihan ay ang isiping pagtanggi nito sa anak nila.Naguguluhan siya subalit sa dami ng yaman niya ay hindi niya makuha ang sagot. Hindi mabibili ang katotohanan bagkus, kinakailangan pa nito ang matinding pananaliksik upang makamtan ang kasagutan.***“We are now arrive Sir,” sabi ng Personal Assistant ng binata mula sa airport. Hindi na nito pinansin ang P. A niya at nagtuloy tuloy si Frank sa labas papunta sa sasakyan. Wala siyang driver at hindi na rin ito nagpahatid.Sa kaniyang pagmamaneho ay di niya mapigilan ang hindi mapakali.
PAGKATAPOS ng isang buwan.“Seniorita , ano po ang drink na gusto ninyo?” tanong ng isang private flight attendant kay Iresh.“Wine and a milk for my son.”Magkatabi silang mag-ina. Nakatingin sa labas ang anak na halata ang pagiging excited nito sa pagpunta sa Pilipinas.“Mom, you told me that my dad is in the Philippines. Can we go to his burial?” tanong ni Franklin.Bata pa lang ay sinabi na ni Iresh na wala na ang kaniyang papa simula ng magbuntis siya. Para kasi kay Iresh ay patay na ito. Bagamaʼt masama ang sinabi ngunit, hindi nʼya maikakaila na pinatay ni Frank ang anak simula ng ipaalam niya rito ang tungkol sa kaniyang pagdadalang tao.“Iʼll see my son,” malungkot na tugon ni Iresh.Nagtama ang paningin nila ni Luis na nooʼy katapat lang ng upuan nila. Mapait ang pinakawalang ngiti ng dalaga ngunit senenyasan lang sʼya ni Luis na everything is okay.Pagkarating sa Pilipinas ay may sumalubong sa kanilang sampong mamahaling sasakyan. No social media o kahit anong paparazzi dah
5 YEARS LATER..."Mommy...." tawag ng musmos na boses sa babaeng tumatakbo sa field na may dalang baril."Hay naku Franklin, tumigil tigil ka nga d'yan," saway ni Antonia sa anak ni Iresh habang pinapaypayan siya ng tatlong maid.Nakasout ito ng magandang gown at naka kolerete ang mukha. Buhay prinsesa ito ngayon. Siya ang nagbabantay kay Franklin sa tuwing nasa field si Iresh.Inaaral kasi nito ang pakikipaglaban at pagkatapos, sa gabe naman ay nasa library siya. Pinag-aaralan niya kung paano patakbuhin ang negosyo ng amang namayapa.Si Luis ang nakatuka sa drug dealing. Samantalang si Tayler ay sa kompanya. Malago na ito as an international business ngunit mas pinalago pa ni Iresh. Siya ang may-ari at ang nasa likod ng pagpapatakbo nito.On the next year ay makikipag transact sila sa Philippines at 'yun ang pinaghahandaan niya bilang Iresh Madrigal.From Ox group ay pinalitan ng FireFox of Mafia ang pangalan nila upang hindi malaman ni Mr. baigon. At Empire of Empower Madrigal Corp
KINABUKASAN sa Espanya, nasa hapag-kainan na sina Tayler at Luis. Sinundo ng mga katulong sina Iresh at Antonia.“Buenos dias Seniorita, your breakfast is now ready,” magalang na bati ng katulong saka itinungo ang ulo bilang pagbibigay respeto.Napangiti naman si Iresh ng alanganin. Tila hindi siya sanay na ginagawang prinsesa. Gayun pa ma'y minabuti niyang tumayo at magtungo sa hapag-kainan.Si Antonia naman ay kung maglakad ay prinsesang prinsesa. Nagkapanabay sila sa mahabang paseliyo habang sinusundan ng kani-kaniyang maid.“See? We are now the Queen of Spain,” boung pagmamalaki ni Antonia saka medyo itinaas ang baba na tila iniimagine na may korona na ayaw mahulog.Binatukan naman siya ni Iresh.“Ambisyosa. Bilisan mo na nga riyan ng makakain na tayo.”“Aray naman. Sinira mo ang moment ko e. Nandon na tayo sa katotohanan, bigla ka pang umipal,” naka ismid na sabi ni Antonia.Saka naglakad na rin gaya ni Iresh. Napatawa ang dalaga sa inasta ng kaibigan na nagpatiuna pa sa kaniya.