NAGPUNTA si Tyler sa bundok ng KYLEX MOUNT. Yun ang tawag nila sa bundok kahit hindi naman iyon ang pangalan. Malayo layo na rin ang nai-drive niya nang makarating siya sa makitid na daan. Walang mga kabahayan at malayo sa syudad.Lumiko siya bandang kaliwa at tinahak ang naturang daan. It takes 1hr and 15 mins bago dumating sa isang camp. Madali lang ang daananan doon kahit sabihin pang gubat iyon dahil sadyang ipinaayos bilang kampo ng tito niya.As a mafia leader ay pinaglaanan talaga niya iyon ng oras para sa madaliang transaction. Wala rin naman nagagawi doon dahil exclusive for Jetro Madrigal ang bundok na iyon.Jetro Madrigal is a former mafia leader of an Ox Group.Bumaba si Tyler sa sasakyan ng matanaw nito si Luis na nakikipag espadahan sa katunggali nito. Napangiti pa ang binata ng makita ang kalaban na puno ito ng tadtad at patuloy pa rin namang lumalaban para sa kaniyang buhay.Isa ito sa mga traydor ng grupo. Sa madaling salita, isa pala itong spy. Ngunit, sa gaya ni Lui
FLASHBACK“Luis, ipangako mo sa akin na ilalayo mo ang anak ko,” habilin ng amahin. “ Opo, Sir,” mangiyangiyak niyang sagot. “ Hindi dahil sa mamanahin niya kundi tungkol ito sa kaligtasan niya. Nalaman na ng ibang grupo ang tungkol sa anak ko. Siya ang hahawak sa boung kapangyarihan ko. Kayong dalawa. Ngunit, may sasabihin ako—”Huminga muna ng malalalim ang ginoo dahil nahihirapan na ito “ Sir, parating na ang Doktor. You still need to hold on please,” nahulog na ang mga luhang kanina pa nag babadiyang kumawala sa mga matang hindi man lang dinadaluyan ng luha simula ng magbinata ito. “ Isa sa ating kasamahan ang magtatangka sa anak ko upang makuha ang kapangyarihan. Naudlot lang ang pag hahanap ko dahil di ko na kaya. Kung kaya, sayo ko ipagkakatiwala ang lahat pati na ang kaligtasan ng mag-ina ko. May ipapatago ako sayo, at ibigay mo sa anak ko pag nagkita kayo. Bagay na matagal ko ng gustong ibigay simula ng ipinanganak siya ngunit, dahil sa kaniyang ina ay di ako makalapit,” n
( IRESH POV )Palabas na kami ng elevator. Kasama pa rin namin ang batallion ni Boss. Nang makarating na ako sa desk ay inilapag ko na ang aking mga gamit. Pupunta ako sa coffee machine para kay Sir.“Wait Ms. Dimatibag. Pakitimpla rin ang mga bodyguards natin,” sabay kindat nito sa akin. Tumaas ang kabilang kilay ko. Bahagya pang nangingiti ngiti ang mga bodyguards. Nilingon ko sila at agad naman tumingala ang iba sa taas na tila may tinitingnan.Ang ilan ay sa ibang direksyon tumingin. Iniiwasan ang pandidilat ng mga mata ko.“Teka, mag stay ba sila dito? I mean, hanggang dito ba naman? Napakarami nila. Eh maging coffee girl nalang kaya ako!” reklamo ko.“Yes, kaligatasan mo ang pinag uusapan dito,” sagot nito. Akma sana akong sasagot kaso sumibat na si sir, bigla niyang ibinagsak ang pintuan.Wala naman akong magawa. Imbis na magbunganga ay ginawa ko na lamang. Pagkatapos mabigyan ng coffee lahat ay nagtungo naman ako sa loob ng office ni Boss saka inilapag ang kape sa lamesa."Ms
Sa rooftop. Tapos ng kumain si Iresh. Nakatanaw siya sa malawak na syudad mula sa kinatitirikan ng building ng LUCENAS CORPORATION COMPANY. Napakaganda ng tanawin. Ang liliit ng mga bahay. May mga sasakyan na dumadaan sa kalsada. Maraming tao sa labas. Ngunit bawat isa ay may kuwento. Alam niya sa sarili niya na may iba sa mga taong nakikita niya na masaya, yung iba ay nahihirapan at ang iba ay may pinagdadaanan. Every window has its own story ika nga.Nagmuni-muni siya. Iniisip niya kung talaga bang binalikan sila ng ama niya. Kahit matatag siya ay hindi pa rin niya maiwasan mangulila sa amang, ni minsan ay hindi man lang niya nasilayan.Umaasa siyang, totoo ang mga sinasabi ni Mr. Baigon. Na hindi sila nito inabandona. Pero kahit totoo man iyon, ay hindi pa rin nito makakasama ang namayapang ama.Sumungaw ang mga luha sa mga mata niya." Maganda ang tanawin nuh? Nakakarelax sa utak," sambit ng boss ni Iresh na ikinagulat ng dalaga.Manapa ay di niya sukat akalain na magtutungo ito
( IRESH POV )Why did I allow him to kiss me?! Nagmukha akong cheap or should I say...., EASY TO GET! NO WAY!Sabay kalampag sa lamesa ko. Wala na ang mga bodyguards na nakalinya kanina dito sa hallway. Buti naman at natauhan si boss. Imposible naman kasi na may kikidnap sa akin dito sa loob. Inihilamos ko ang aking palad sa sobrang kahihiyan. Sa tuwing naiisip ko ang naganap sa rooftop, para akong binubuhusan ng ice bucket.I dunno if he's telling the truth or should I say, binola bola lang niya ako. Ehhhhhhrrrtt....!!! "Of course Iresh, you should consider that as lies. Wala naman dapat akong asahan doon. Youdon't care about him, self okay?!" sambit ko sa aking sarili. "Is there anything wrong?" tanong sa akin ni kumag na di ko namalayan na nadito na siya ulit sa likuran ko. Nakakainis talaga. "Yes Sir!" Ngumiti ito na parang may ipinapaalala sa akin. That sexiest mistake that I haven't done for my past life. "Ikaw Sir!" asik ko rito. "Ako? Bakit?" "Ikaw? Bakit!? Of course,
(FRANK POV)NAIHATID ko na si Iresh sa kanilang bahay. Senermunan pa siya ng kaniyang ina kaya palihim akong natatawa. Paano ba kasi, kung anu-ano ang sinabi ng kaniyang ina.𝑭𝒍𝒂𝒔𝒉𝒃𝒂𝒄𝒌...“Anong nangyari sa palda mo?” tanong ng ina ni Iresh.“Ah eh, napunit po nung umupo ako.”“Ano? Bakit? May blade ba doon sa upuan mo? Kahit kailan talaga di ka nag-iingat. Dalaga ka na pero nagdudugyot ka pa. Hay naku! Di ka na nahiya kay Sir Frank.”“Ma naman!” nahihiyang saway sa kaniyang ina.“O ano ngayon? Kahit ilang beses na kitang pagsabihan e di ka pa rin nadadala!”“Bibili nalang ho ako ng bago.”“Oo tapos punitin mo ulit!”Nag walk out na siya at ibinalibag ang pintuan ng kaniyang kuwarto. “Pati yan sirain mo!” pahabol ng kaniyang ina. “Pagpasensyahan mo na ang anak ko. Ganiyan talaga pag di pa nagkaka-boyfriend. Hayyyy kung may manliligaw sana sa kaniya. Di sana, nag-aayos siya," baling niya sa akin. Nangiti nalang ako sa tinuran niya. Mukhang nagpapahiwatig. Di na ata ako mahi
“Hey! Tama na yan Luis. May problema ka ba? Napapasobra ata ang inom mo? Hindi ka naman ganyan,” ani Tyler sa kasama matapos nitong anyayahan magpunta sa Bar.Hindi niya sukat akalain na sasama ito ng ganun kadali dahil kilala niya si Luis. Hindi basta basta sumasama sa Bar. Lumagok muli si Luis ng tiquila.𝑭𝒍𝒂𝒔𝒉𝒃𝒂𝒄𝒌...Habang kumakain sa rooftop sina Iresh ay nasa kabilang building si Luis. Gamit ang telescope ay kita n'ya kung gaano kasaya ang mga ito sa pananghalian. Nang makita nito ang pagmumukha ni Iresh pagkaharap ay napatigil siya.Pinagmasdan niya ng mabuti ang dalaga. Pamilyar ang mukha niya. Bumalik sa alaala nito ang batang babae na kasa kasama niya noong bata pa ito.Nasa pre-school siya noon at tanging si Mr. Madrigal ang mismong nagpapa-aral sa kaniya pagkatapos siya nitong ampunin. Dahil sa pagiging tahimik nito ay madalas siyang tampulan ng pambu-bully. Pero ipinagsasawalang bahala lang iyon ni Luis. Ayaw niyang magka problema sa kaniya ang butihing Madriga
HABANG papalayo ang sasakyan sa warehouse ay tumungo ang sasakyan sa taas ng bundok.“Saan na naman tayo pupunta?” tanong ni Iresh. “Just wait and see.”Masyado nang masukal kasi ang tinatahak nilang landas.𝘈𝘯𝘰 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘪𝘯𝘢𝘣𝘢𝘭𝘢𝘬 𝘯𝘪 𝘉𝘖𝘚𝘚? 𝘉𝘢𝘬𝘢 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘦 𝘮𝘢𝘺 𝘨𝘢𝘸𝘪𝘯 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯. 𝘕𝘰 𝘯𝘰 𝘯𝘰 𝘐𝘳𝘦𝘴𝘩. 𝘉𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘬𝘢 𝘣𝘢 𝘨𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯 𝘮𝘢𝘨-𝘪𝘴𝘪𝘱?Lumingon si Frank kay Iresh at may bahid na nakakaluko sa kanyang ngiti.𝘚𝘦𝘦? 𝘈𝘯𝘰 𝘣𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘪𝘨 𝘴𝘢𝘣𝘪𝘩𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘨𝘪𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘺𝘢𝘯? 𝘗𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘨𝘢𝘨𝘢𝘸𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘢𝘯𝘥𝘢. 𝘈𝘯𝘰 𝘯𝘢? 𝘔𝘢𝘨𝘴𝘪𝘴𝘪𝘨𝘢𝘸 𝘯𝘢 𝘣𝘢 𝘢𝘬𝘰? 𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘮𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘳𝘪𝘯𝘪𝘨 𝘣𝘢?“Sir, bababa na ako.”“O, bakit?”“Hindi mo kasi sinasabi kung saan tayo pupunta.”Napatawa ng mahina si Frank dahil sa itsura ni Iresh.“Andito na tayo. Para kang timang,” he chuckle.“Dito lang kayo. Kami lang ni Ms. Dimatibag ang bababa.
May lumabas na lalaki sa pintuan katabi ng screen. Dala nito ang dalawang mikropono. Ibinigay nito sa dalawa.“Ang mauuna, ay si Mr. Baigon!” sabi ng nakamaskara na di nauubusan ng kasiglahan.Napulunok naman ang matanda matapos marinig ang sinabi nung unggoy. Nag static muli ang screen at muling nagsalita ang unggoy.“Unang katanungan! Sino ang lalaki sa screen at ano ang papel niya sa mga plano mo?” Sa pagkakataong yun ay seryuso na ang unggoy base sa boses nito. Lumiwanag ang screen at nakita ang nakatiwarik na lalaki na tadtad ng bala ng baril. Napaluha si Samantha ng makita kung sino ang lalaki. Nag-init ang pakiramdam ni Mr. Baigon na tila nahintakutan sa kinahinatnanan ng kaniyang tauhan.“Your answer is the tittle, and your explanation will be your lyrics. And by the way, ang song na dapat mong isa tinig dito ay ang SAD TO BELONG. O diba, bongga?” Akma sanang magsasalita si Mr. Baigon ng atakehin siya sa puso. Di kinaya ang init na nagdudulot ng pag-epekto ng kaniyang hig
“So the player is complete. Howʼs the day to the both of you,” sabi ng isang boses na sinabayan ng halakhak.Nagmumula ito sa isang monitor na hindi nila makita. Galit na galit si Mr. Baigon.“Sino ka! Hayop ka. Bakit andito kami! Pakawalan mo kami ” sigaw niya sa nagsasalita ngunit muli itong humalkhak na wariʼy iniinsulto siya.“Easy easy.... Maglalaro lang naman tayo okay? Isa pa, paniguradong masasagot ninyo ang mga katanungan dahil base lang naman ito sa inyong buhay,” sabi ng boses.Napaiyak ang babae dahil pakiramdam niya ay papatayin sila.“Anong laro! Lumabas ka hay*p ka! Hʼwag kang magtago duwag!” sagot ni Mr. Baigon.“Okay, bibigyan ko kayo ng sample kung ayaw niyo akong pagbigyan.”Dahil sa pagmamatigas ni Mr. Baigon ay automatic na nabuksan ang pintuan. Nabigla ang dalawa dahil sobrang dilim pala ng labas.Hindi nila alam kung lalabas sila o hindi gayung wala silang dalang flashlight o kung anu man na pwede nilang gamitin pang-ilaw“Hon! Tingnan mo! May apat na matang nag
PAGKATAPOS makapagplano ang tatlo ay nagsama na sa isang kuwarto si Frank at Iresh. Natulog muna ang kanilang chikiting sa Tita Antonia niya. Nakapag-usap na rin si Frank at Lola nito at pati sʼya ay gulat na gulat sa lahat ng nangyari.“Franklin is 5 years old now,” sabi ni Frank na nooʼy ka gagaling lang sa CR.“Yeah. Ang bilis nga niyang lumaki.”“Kaya dapat masundan na natin sʼya.”Muntik ng mabilaukan si Iresh mula sa iniinom niyang gatas dahil sa sinabi ni Frank. Parang nagbalik lahat ng hiya niya noong unang may mangyari sa kanila.“Pagod tayo sa dami nang rebelasyon na nangyari ngayong araw kaya dapat magpahinga na tayo,” pangangatwiran ni Iresh na umayos na ng higa at kinumutan ang sarili.“Para ka namang ewan. Its like our honeymoon after being aparted for 5 years,” reklamo ni Frank na lumapit sa nobya at mahinahong hinihila ang kumot.“Matulog ka na pwede ba?”“I forgot about what happen to us. Di ko nakita expression mo noong mga panahong pinag-iisa tayo,” pilyong nakangi
NANG matapos mag moment ang mag-ama ay nag-usap nang masinsinan si Iresh at Frank.“Bibigyan kita ng pagkakataon na sabihin lahat sa akin,” panimula ni Iresh.“Noong mga panahon na itinatanggi ko ang anak natin ay panahon kung kailan nagkaroon ako ng amnesia.”“Amnesia? Kung kailan may nangyari sa atin?”gulat na sabi ni Iresh na halatang hindi naniniwala.“I know its very impossible to believe that but Dr. Santos will prove that. Noong pumunta tayo sa factory at pinalabas kita ay kumuha ako ng gamot for headache mula sa kaniya. And unfortunately, iba ang nakuha ko. Noong panahon na ininom ko yun ay panahon kung kailan ako nag birthday dahil boung magdamag nga kaya sumakit ang ulo ko. Half day ang nawala sa alaala ko.”He give the phone to Iresh na nooʼy naka dial na ang numero ng naturang doctor.Nagkausap nga sila ni Iresh and she found out na totoo ang sinasabi ni Frank.“How about Samantha? Paʼno ko malalaman na totoo nga ang sinasabi mo na hindi mo kinuntyaba ang doctor?”“That ni
LUMAPIT si Frank kina Jacob at Tayler. Hindi mapaniwalaan ni Samantha na buhay pa pala si Frank. Namutla na siya at pinagpapawisan. For sure, isusumbong sʼya nito sa mga pulis.Parehas sila ni Mr. Baigon. Kung gaano kaganda ang ngiti nila noong simula, ganoon din napalitan ng takot ang kanilang nadarama.Ang mga taong halos nawala ng limang taon ay nagbalik na. Kinuha ni Frank ang microphone mula sa announcer. Ngunit, bago pa ito makapagsalita, ay may matandang umakyat sa entablado at niyakap sʼya.“APO KO! NAGBALIK KA NA NGA! ANG TAGAL TAGAL KA NAMING PINAGHAHANAP!!” hagulhol na sabi ng lola ni Frank.Niyakap siya pabalik ni Frank. Miss na miss na rin kasi nito ang lola niya. Bumulong ito sa matanda.“Lets talk later. I will explain everything to you grandma.”Ngumiti ang matanda na maluha luha pa. Tumango ito saka bumaba. Nagtama ang mga mata ni Tayler at Frank. Nagtanguan at nagngitian silang dalawa bilang pagbati.“Iʼm sorry for being missing for how many years. Something happen t
PAGDATING ni Iresh sa mansyon ay agad siyang nagpahinga. Nakatingin siya sa kisame at nilingon ang anak na nooʼy mahimbing na natutulog. Napangiti siya dahil kamukhang kamukha ito ng ama niya.“Son, Iʼm sorry for lying. I hope, your dad is still alive,” saad nito sa anak kahit hindi nito naririnig.Pumatak ang mga luha niya. The whole five years kasi ay sinisi niya ang lalaki. Nagpapakasaya sa babaeng inakala niya ay sila pa. Ngunit ang hindi niya maintindihan ay ang isiping pagtanggi nito sa anak nila.Naguguluhan siya subalit sa dami ng yaman niya ay hindi niya makuha ang sagot. Hindi mabibili ang katotohanan bagkus, kinakailangan pa nito ang matinding pananaliksik upang makamtan ang kasagutan.***“We are now arrive Sir,” sabi ng Personal Assistant ng binata mula sa airport. Hindi na nito pinansin ang P. A niya at nagtuloy tuloy si Frank sa labas papunta sa sasakyan. Wala siyang driver at hindi na rin ito nagpahatid.Sa kaniyang pagmamaneho ay di niya mapigilan ang hindi mapakali.
PAGKATAPOS ng isang buwan.“Seniorita , ano po ang drink na gusto ninyo?” tanong ng isang private flight attendant kay Iresh.“Wine and a milk for my son.”Magkatabi silang mag-ina. Nakatingin sa labas ang anak na halata ang pagiging excited nito sa pagpunta sa Pilipinas.“Mom, you told me that my dad is in the Philippines. Can we go to his burial?” tanong ni Franklin.Bata pa lang ay sinabi na ni Iresh na wala na ang kaniyang papa simula ng magbuntis siya. Para kasi kay Iresh ay patay na ito. Bagamaʼt masama ang sinabi ngunit, hindi nʼya maikakaila na pinatay ni Frank ang anak simula ng ipaalam niya rito ang tungkol sa kaniyang pagdadalang tao.“Iʼll see my son,” malungkot na tugon ni Iresh.Nagtama ang paningin nila ni Luis na nooʼy katapat lang ng upuan nila. Mapait ang pinakawalang ngiti ng dalaga ngunit senenyasan lang sʼya ni Luis na everything is okay.Pagkarating sa Pilipinas ay may sumalubong sa kanilang sampong mamahaling sasakyan. No social media o kahit anong paparazzi dah
5 YEARS LATER..."Mommy...." tawag ng musmos na boses sa babaeng tumatakbo sa field na may dalang baril."Hay naku Franklin, tumigil tigil ka nga d'yan," saway ni Antonia sa anak ni Iresh habang pinapaypayan siya ng tatlong maid.Nakasout ito ng magandang gown at naka kolerete ang mukha. Buhay prinsesa ito ngayon. Siya ang nagbabantay kay Franklin sa tuwing nasa field si Iresh.Inaaral kasi nito ang pakikipaglaban at pagkatapos, sa gabe naman ay nasa library siya. Pinag-aaralan niya kung paano patakbuhin ang negosyo ng amang namayapa.Si Luis ang nakatuka sa drug dealing. Samantalang si Tayler ay sa kompanya. Malago na ito as an international business ngunit mas pinalago pa ni Iresh. Siya ang may-ari at ang nasa likod ng pagpapatakbo nito.On the next year ay makikipag transact sila sa Philippines at 'yun ang pinaghahandaan niya bilang Iresh Madrigal.From Ox group ay pinalitan ng FireFox of Mafia ang pangalan nila upang hindi malaman ni Mr. baigon. At Empire of Empower Madrigal Corp
KINABUKASAN sa Espanya, nasa hapag-kainan na sina Tayler at Luis. Sinundo ng mga katulong sina Iresh at Antonia.“Buenos dias Seniorita, your breakfast is now ready,” magalang na bati ng katulong saka itinungo ang ulo bilang pagbibigay respeto.Napangiti naman si Iresh ng alanganin. Tila hindi siya sanay na ginagawang prinsesa. Gayun pa ma'y minabuti niyang tumayo at magtungo sa hapag-kainan.Si Antonia naman ay kung maglakad ay prinsesang prinsesa. Nagkapanabay sila sa mahabang paseliyo habang sinusundan ng kani-kaniyang maid.“See? We are now the Queen of Spain,” boung pagmamalaki ni Antonia saka medyo itinaas ang baba na tila iniimagine na may korona na ayaw mahulog.Binatukan naman siya ni Iresh.“Ambisyosa. Bilisan mo na nga riyan ng makakain na tayo.”“Aray naman. Sinira mo ang moment ko e. Nandon na tayo sa katotohanan, bigla ka pang umipal,” naka ismid na sabi ni Antonia.Saka naglakad na rin gaya ni Iresh. Napatawa ang dalaga sa inasta ng kaibigan na nagpatiuna pa sa kaniya.