Sa rooftop. Tapos ng kumain si Iresh. Nakatanaw siya sa malawak na syudad mula sa kinatitirikan ng building ng LUCENAS CORPORATION COMPANY. Napakaganda ng tanawin. Ang liliit ng mga bahay. May mga sasakyan na dumadaan sa kalsada. Maraming tao sa labas. Ngunit bawat isa ay may kuwento. Alam niya sa sarili niya na may iba sa mga taong nakikita niya na masaya, yung iba ay nahihirapan at ang iba ay may pinagdadaanan. Every window has its own story ika nga.Nagmuni-muni siya. Iniisip niya kung talaga bang binalikan sila ng ama niya. Kahit matatag siya ay hindi pa rin niya maiwasan mangulila sa amang, ni minsan ay hindi man lang niya nasilayan.Umaasa siyang, totoo ang mga sinasabi ni Mr. Baigon. Na hindi sila nito inabandona. Pero kahit totoo man iyon, ay hindi pa rin nito makakasama ang namayapang ama.Sumungaw ang mga luha sa mga mata niya." Maganda ang tanawin nuh? Nakakarelax sa utak," sambit ng boss ni Iresh na ikinagulat ng dalaga.Manapa ay di niya sukat akalain na magtutungo ito
( IRESH POV )Why did I allow him to kiss me?! Nagmukha akong cheap or should I say...., EASY TO GET! NO WAY!Sabay kalampag sa lamesa ko. Wala na ang mga bodyguards na nakalinya kanina dito sa hallway. Buti naman at natauhan si boss. Imposible naman kasi na may kikidnap sa akin dito sa loob. Inihilamos ko ang aking palad sa sobrang kahihiyan. Sa tuwing naiisip ko ang naganap sa rooftop, para akong binubuhusan ng ice bucket.I dunno if he's telling the truth or should I say, binola bola lang niya ako. Ehhhhhhrrrtt....!!! "Of course Iresh, you should consider that as lies. Wala naman dapat akong asahan doon. Youdon't care about him, self okay?!" sambit ko sa aking sarili. "Is there anything wrong?" tanong sa akin ni kumag na di ko namalayan na nadito na siya ulit sa likuran ko. Nakakainis talaga. "Yes Sir!" Ngumiti ito na parang may ipinapaalala sa akin. That sexiest mistake that I haven't done for my past life. "Ikaw Sir!" asik ko rito. "Ako? Bakit?" "Ikaw? Bakit!? Of course,
(FRANK POV)NAIHATID ko na si Iresh sa kanilang bahay. Senermunan pa siya ng kaniyang ina kaya palihim akong natatawa. Paano ba kasi, kung anu-ano ang sinabi ng kaniyang ina.𝑭𝒍𝒂𝒔𝒉𝒃𝒂𝒄𝒌...“Anong nangyari sa palda mo?” tanong ng ina ni Iresh.“Ah eh, napunit po nung umupo ako.”“Ano? Bakit? May blade ba doon sa upuan mo? Kahit kailan talaga di ka nag-iingat. Dalaga ka na pero nagdudugyot ka pa. Hay naku! Di ka na nahiya kay Sir Frank.”“Ma naman!” nahihiyang saway sa kaniyang ina.“O ano ngayon? Kahit ilang beses na kitang pagsabihan e di ka pa rin nadadala!”“Bibili nalang ho ako ng bago.”“Oo tapos punitin mo ulit!”Nag walk out na siya at ibinalibag ang pintuan ng kaniyang kuwarto. “Pati yan sirain mo!” pahabol ng kaniyang ina. “Pagpasensyahan mo na ang anak ko. Ganiyan talaga pag di pa nagkaka-boyfriend. Hayyyy kung may manliligaw sana sa kaniya. Di sana, nag-aayos siya," baling niya sa akin. Nangiti nalang ako sa tinuran niya. Mukhang nagpapahiwatig. Di na ata ako mahi
“Hey! Tama na yan Luis. May problema ka ba? Napapasobra ata ang inom mo? Hindi ka naman ganyan,” ani Tyler sa kasama matapos nitong anyayahan magpunta sa Bar.Hindi niya sukat akalain na sasama ito ng ganun kadali dahil kilala niya si Luis. Hindi basta basta sumasama sa Bar. Lumagok muli si Luis ng tiquila.𝑭𝒍𝒂𝒔𝒉𝒃𝒂𝒄𝒌...Habang kumakain sa rooftop sina Iresh ay nasa kabilang building si Luis. Gamit ang telescope ay kita n'ya kung gaano kasaya ang mga ito sa pananghalian. Nang makita nito ang pagmumukha ni Iresh pagkaharap ay napatigil siya.Pinagmasdan niya ng mabuti ang dalaga. Pamilyar ang mukha niya. Bumalik sa alaala nito ang batang babae na kasa kasama niya noong bata pa ito.Nasa pre-school siya noon at tanging si Mr. Madrigal ang mismong nagpapa-aral sa kaniya pagkatapos siya nitong ampunin. Dahil sa pagiging tahimik nito ay madalas siyang tampulan ng pambu-bully. Pero ipinagsasawalang bahala lang iyon ni Luis. Ayaw niyang magka problema sa kaniya ang butihing Madriga
HABANG papalayo ang sasakyan sa warehouse ay tumungo ang sasakyan sa taas ng bundok.“Saan na naman tayo pupunta?” tanong ni Iresh. “Just wait and see.”Masyado nang masukal kasi ang tinatahak nilang landas.𝘈𝘯𝘰 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘪𝘯𝘢𝘣𝘢𝘭𝘢𝘬 𝘯𝘪 𝘉𝘖𝘚𝘚? 𝘉𝘢𝘬𝘢 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘦 𝘮𝘢𝘺 𝘨𝘢𝘸𝘪𝘯 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯. 𝘕𝘰 𝘯𝘰 𝘯𝘰 𝘐𝘳𝘦𝘴𝘩. 𝘉𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘬𝘢 𝘣𝘢 𝘨𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯 𝘮𝘢𝘨-𝘪𝘴𝘪𝘱?Lumingon si Frank kay Iresh at may bahid na nakakaluko sa kanyang ngiti.𝘚𝘦𝘦? 𝘈𝘯𝘰 𝘣𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘪𝘨 𝘴𝘢𝘣𝘪𝘩𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘨𝘪𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘺𝘢𝘯? 𝘗𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘨𝘢𝘨𝘢𝘸𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘢𝘯𝘥𝘢. 𝘈𝘯𝘰 𝘯𝘢? 𝘔𝘢𝘨𝘴𝘪𝘴𝘪𝘨𝘢𝘸 𝘯𝘢 𝘣𝘢 𝘢𝘬𝘰? 𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘮𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘳𝘪𝘯𝘪𝘨 𝘣𝘢?“Sir, bababa na ako.”“O, bakit?”“Hindi mo kasi sinasabi kung saan tayo pupunta.”Napatawa ng mahina si Frank dahil sa itsura ni Iresh.“Andito na tayo. Para kang timang,” he chuckle.“Dito lang kayo. Kami lang ni Ms. Dimatibag ang bababa.
PAGKAPASOK ni Iresh sa office ay agad na niyang inilagay sa table ang dalawang tasa ng kape. Aalis sana siya ng pigilan siya ni Frank.“Samahan mo ako.”“A-ako po?” nabubulol pa nitong sagot.“Hindi. Yung table ang sasabay sa akin.”“Tsk, kita niyo naman na nagbreakfast ako kanina,” reklamo ng dalaga.“Wala ng pero pero, umupo ka na.”Wala ng nagawa si Iresh kung hindi ang sumunod nalang. Bago siya makaupo ay may kumatok na sa pintuan kaya pinagbuksan niya ito.“Grabfood po.”Kinuha ni Iresh yun. Marami rami din iyon kaya nagtataka niyang inilapag sa lamesa ang naturang agahan.“Lets eat.”“Ano pa nga ba ang magagawa ko?”“Sekretarya ka pero ang dami mong angal,” naiinis na sabi ni Frank.“CEO ka naman pero ang wierdo mo, ” sagot ni Iresh.Kumuha si Frank ng tinapay saka isinubo sa bibig ni Iresh ang pagkain. “Ayan, kumain ka na muna ng matakpan yang bibig mo.”Nginuya naman yun ni Iresh. Habang kumakain ay nagkakasulyapan pa sila.“Oh, Ano tinitingi tingin mo?” saad ni Iresh.“Ikaw r
HINDI malaman ni Iresh kung ano ang magiging reaksyon niya sa gustong sabihin ni Frank.“Ano ba yun? Mag-utos ka na para magawa ko na!” naggagalit galitan ito upang maibsan ang pangambang nadarama niya.Tahimik lang si Frank. Wari'y napepe sa sasabihin. Pag ganitong seryuso na silang dalawa ay hindi niya maunawaan ang kaba. Kapag dinadaan daan lamang sa pang-aasar ay madali lang niyang masabi ang mga katagang I LOVE YOU.Dahil nabahag na naman ang buntot nito ay iniba niya ang sanang sasabihin niya.“Yung about kay Samantha na noo'y sasabihin ko—” Hindi natapos ni Frank ang sasabihin dahil dinugtungan na ng dalaga ang sasabihin.“Alam ko na ang tungkol diyan. Simula ng maka meeting natin ang asawa niya ay halata na sa binabatong pang iinsulto sayo. Idagdag pa ang mga marites sa kompanya. Minsan pinag-uusapan ang tungkol sa inyo noon ni Ma'am Samantha,” paliwanag ni Iresh.Napatango naman si Frank. Seems that he no longer need to explain about his past with Samantha.“That's why I avoi
AROUND 7:30 PM ay naroroonan na ang mga bisita liban kay Ms. Iresh Dimatibag. Kanina pa dial ng dial si Frank sa cellphone ni Lexus pero ayaw sumagot. “Lintek na Lexus naman to ohhh. Ano na naman kaya ang pinagagawa niya?” galit nitong sabi na nakapalibot ang mga nag aassist sa kaniyang kasoutan na tila ikakasal.Sa kabilang dako.“Sarap talaga ng kakanin na `to Aleng Rosa. Saan po niyo to binibili?” tanong ni Lexus na abala sa paglamon kasama ang sangkaterbang alipores.“Ako rin ang gumagawa niyan.”“Talaga po? Aba e, maswerte pala kami.”Nagtaka ang Ale, “Ha bakit?”“Kasi, kung sakaling maging biyenan kayo ni Mr. Delfuega, malamang makaka meryenda din kami ng mga ginagawa niyong kakanin,” sagot nito.Alanganing ngumiti si Aling Rosa habang pinagmamasdan ang mga bodyguards kung paano lantakan ang inihanda niya. Ibebenta sana niya din iyon bukas kaso, naubos na ng mga ito.Di kalaunan ay nakita ni Lexus ang wall clock na mag aalas otso na pala. Napalunok siya saka kinapa ang cellphon
May lumabas na lalaki sa pintuan katabi ng screen. Dala nito ang dalawang mikropono. Ibinigay nito sa dalawa.“Ang mauuna, ay si Mr. Baigon!” sabi ng nakamaskara na di nauubusan ng kasiglahan.Napulunok naman ang matanda matapos marinig ang sinabi nung unggoy. Nag static muli ang screen at muling nagsalita ang unggoy.“Unang katanungan! Sino ang lalaki sa screen at ano ang papel niya sa mga plano mo?” Sa pagkakataong yun ay seryuso na ang unggoy base sa boses nito. Lumiwanag ang screen at nakita ang nakatiwarik na lalaki na tadtad ng bala ng baril. Napaluha si Samantha ng makita kung sino ang lalaki. Nag-init ang pakiramdam ni Mr. Baigon na tila nahintakutan sa kinahinatnanan ng kaniyang tauhan.“Your answer is the tittle, and your explanation will be your lyrics. And by the way, ang song na dapat mong isa tinig dito ay ang SAD TO BELONG. O diba, bongga?” Akma sanang magsasalita si Mr. Baigon ng atakehin siya sa puso. Di kinaya ang init na nagdudulot ng pag-epekto ng kaniyang hig
“So the player is complete. Howʼs the day to the both of you,” sabi ng isang boses na sinabayan ng halakhak.Nagmumula ito sa isang monitor na hindi nila makita. Galit na galit si Mr. Baigon.“Sino ka! Hayop ka. Bakit andito kami! Pakawalan mo kami ” sigaw niya sa nagsasalita ngunit muli itong humalkhak na wariʼy iniinsulto siya.“Easy easy.... Maglalaro lang naman tayo okay? Isa pa, paniguradong masasagot ninyo ang mga katanungan dahil base lang naman ito sa inyong buhay,” sabi ng boses.Napaiyak ang babae dahil pakiramdam niya ay papatayin sila.“Anong laro! Lumabas ka hay*p ka! Hʼwag kang magtago duwag!” sagot ni Mr. Baigon.“Okay, bibigyan ko kayo ng sample kung ayaw niyo akong pagbigyan.”Dahil sa pagmamatigas ni Mr. Baigon ay automatic na nabuksan ang pintuan. Nabigla ang dalawa dahil sobrang dilim pala ng labas.Hindi nila alam kung lalabas sila o hindi gayung wala silang dalang flashlight o kung anu man na pwede nilang gamitin pang-ilaw“Hon! Tingnan mo! May apat na matang nag
PAGKATAPOS makapagplano ang tatlo ay nagsama na sa isang kuwarto si Frank at Iresh. Natulog muna ang kanilang chikiting sa Tita Antonia niya. Nakapag-usap na rin si Frank at Lola nito at pati sʼya ay gulat na gulat sa lahat ng nangyari.“Franklin is 5 years old now,” sabi ni Frank na nooʼy ka gagaling lang sa CR.“Yeah. Ang bilis nga niyang lumaki.”“Kaya dapat masundan na natin sʼya.”Muntik ng mabilaukan si Iresh mula sa iniinom niyang gatas dahil sa sinabi ni Frank. Parang nagbalik lahat ng hiya niya noong unang may mangyari sa kanila.“Pagod tayo sa dami nang rebelasyon na nangyari ngayong araw kaya dapat magpahinga na tayo,” pangangatwiran ni Iresh na umayos na ng higa at kinumutan ang sarili.“Para ka namang ewan. Its like our honeymoon after being aparted for 5 years,” reklamo ni Frank na lumapit sa nobya at mahinahong hinihila ang kumot.“Matulog ka na pwede ba?”“I forgot about what happen to us. Di ko nakita expression mo noong mga panahong pinag-iisa tayo,” pilyong nakangi
NANG matapos mag moment ang mag-ama ay nag-usap nang masinsinan si Iresh at Frank.“Bibigyan kita ng pagkakataon na sabihin lahat sa akin,” panimula ni Iresh.“Noong mga panahon na itinatanggi ko ang anak natin ay panahon kung kailan nagkaroon ako ng amnesia.”“Amnesia? Kung kailan may nangyari sa atin?”gulat na sabi ni Iresh na halatang hindi naniniwala.“I know its very impossible to believe that but Dr. Santos will prove that. Noong pumunta tayo sa factory at pinalabas kita ay kumuha ako ng gamot for headache mula sa kaniya. And unfortunately, iba ang nakuha ko. Noong panahon na ininom ko yun ay panahon kung kailan ako nag birthday dahil boung magdamag nga kaya sumakit ang ulo ko. Half day ang nawala sa alaala ko.”He give the phone to Iresh na nooʼy naka dial na ang numero ng naturang doctor.Nagkausap nga sila ni Iresh and she found out na totoo ang sinasabi ni Frank.“How about Samantha? Paʼno ko malalaman na totoo nga ang sinasabi mo na hindi mo kinuntyaba ang doctor?”“That ni
LUMAPIT si Frank kina Jacob at Tayler. Hindi mapaniwalaan ni Samantha na buhay pa pala si Frank. Namutla na siya at pinagpapawisan. For sure, isusumbong sʼya nito sa mga pulis.Parehas sila ni Mr. Baigon. Kung gaano kaganda ang ngiti nila noong simula, ganoon din napalitan ng takot ang kanilang nadarama.Ang mga taong halos nawala ng limang taon ay nagbalik na. Kinuha ni Frank ang microphone mula sa announcer. Ngunit, bago pa ito makapagsalita, ay may matandang umakyat sa entablado at niyakap sʼya.“APO KO! NAGBALIK KA NA NGA! ANG TAGAL TAGAL KA NAMING PINAGHAHANAP!!” hagulhol na sabi ng lola ni Frank.Niyakap siya pabalik ni Frank. Miss na miss na rin kasi nito ang lola niya. Bumulong ito sa matanda.“Lets talk later. I will explain everything to you grandma.”Ngumiti ang matanda na maluha luha pa. Tumango ito saka bumaba. Nagtama ang mga mata ni Tayler at Frank. Nagtanguan at nagngitian silang dalawa bilang pagbati.“Iʼm sorry for being missing for how many years. Something happen t
PAGDATING ni Iresh sa mansyon ay agad siyang nagpahinga. Nakatingin siya sa kisame at nilingon ang anak na nooʼy mahimbing na natutulog. Napangiti siya dahil kamukhang kamukha ito ng ama niya.“Son, Iʼm sorry for lying. I hope, your dad is still alive,” saad nito sa anak kahit hindi nito naririnig.Pumatak ang mga luha niya. The whole five years kasi ay sinisi niya ang lalaki. Nagpapakasaya sa babaeng inakala niya ay sila pa. Ngunit ang hindi niya maintindihan ay ang isiping pagtanggi nito sa anak nila.Naguguluhan siya subalit sa dami ng yaman niya ay hindi niya makuha ang sagot. Hindi mabibili ang katotohanan bagkus, kinakailangan pa nito ang matinding pananaliksik upang makamtan ang kasagutan.***“We are now arrive Sir,” sabi ng Personal Assistant ng binata mula sa airport. Hindi na nito pinansin ang P. A niya at nagtuloy tuloy si Frank sa labas papunta sa sasakyan. Wala siyang driver at hindi na rin ito nagpahatid.Sa kaniyang pagmamaneho ay di niya mapigilan ang hindi mapakali.
PAGKATAPOS ng isang buwan.“Seniorita , ano po ang drink na gusto ninyo?” tanong ng isang private flight attendant kay Iresh.“Wine and a milk for my son.”Magkatabi silang mag-ina. Nakatingin sa labas ang anak na halata ang pagiging excited nito sa pagpunta sa Pilipinas.“Mom, you told me that my dad is in the Philippines. Can we go to his burial?” tanong ni Franklin.Bata pa lang ay sinabi na ni Iresh na wala na ang kaniyang papa simula ng magbuntis siya. Para kasi kay Iresh ay patay na ito. Bagamaʼt masama ang sinabi ngunit, hindi nʼya maikakaila na pinatay ni Frank ang anak simula ng ipaalam niya rito ang tungkol sa kaniyang pagdadalang tao.“Iʼll see my son,” malungkot na tugon ni Iresh.Nagtama ang paningin nila ni Luis na nooʼy katapat lang ng upuan nila. Mapait ang pinakawalang ngiti ng dalaga ngunit senenyasan lang sʼya ni Luis na everything is okay.Pagkarating sa Pilipinas ay may sumalubong sa kanilang sampong mamahaling sasakyan. No social media o kahit anong paparazzi dah
5 YEARS LATER..."Mommy...." tawag ng musmos na boses sa babaeng tumatakbo sa field na may dalang baril."Hay naku Franklin, tumigil tigil ka nga d'yan," saway ni Antonia sa anak ni Iresh habang pinapaypayan siya ng tatlong maid.Nakasout ito ng magandang gown at naka kolerete ang mukha. Buhay prinsesa ito ngayon. Siya ang nagbabantay kay Franklin sa tuwing nasa field si Iresh.Inaaral kasi nito ang pakikipaglaban at pagkatapos, sa gabe naman ay nasa library siya. Pinag-aaralan niya kung paano patakbuhin ang negosyo ng amang namayapa.Si Luis ang nakatuka sa drug dealing. Samantalang si Tayler ay sa kompanya. Malago na ito as an international business ngunit mas pinalago pa ni Iresh. Siya ang may-ari at ang nasa likod ng pagpapatakbo nito.On the next year ay makikipag transact sila sa Philippines at 'yun ang pinaghahandaan niya bilang Iresh Madrigal.From Ox group ay pinalitan ng FireFox of Mafia ang pangalan nila upang hindi malaman ni Mr. baigon. At Empire of Empower Madrigal Corp
KINABUKASAN sa Espanya, nasa hapag-kainan na sina Tayler at Luis. Sinundo ng mga katulong sina Iresh at Antonia.“Buenos dias Seniorita, your breakfast is now ready,” magalang na bati ng katulong saka itinungo ang ulo bilang pagbibigay respeto.Napangiti naman si Iresh ng alanganin. Tila hindi siya sanay na ginagawang prinsesa. Gayun pa ma'y minabuti niyang tumayo at magtungo sa hapag-kainan.Si Antonia naman ay kung maglakad ay prinsesang prinsesa. Nagkapanabay sila sa mahabang paseliyo habang sinusundan ng kani-kaniyang maid.“See? We are now the Queen of Spain,” boung pagmamalaki ni Antonia saka medyo itinaas ang baba na tila iniimagine na may korona na ayaw mahulog.Binatukan naman siya ni Iresh.“Ambisyosa. Bilisan mo na nga riyan ng makakain na tayo.”“Aray naman. Sinira mo ang moment ko e. Nandon na tayo sa katotohanan, bigla ka pang umipal,” naka ismid na sabi ni Antonia.Saka naglakad na rin gaya ni Iresh. Napatawa ang dalaga sa inasta ng kaibigan na nagpatiuna pa sa kaniya.