MALUNGKOT na nagmamasid si Keila sa kanyang ina na nakaupo sa balkonahe ng kanilang bahay, ang tingin nito ay tila nawawala sa kawalan. Para siyang isang estatwa—walang galaw, hindi nagsasalita—na tila nagmumuni-muni sa mga alaala ng kanyang pumanaw na asawa. Alam ni Keila na ang sakit ng pagkawala ng kanyang ama ay masyadong sariwa para sa kanyang ina. After he died, everything changed. Ang ina na lang niya ang tanging karamay niya sa buhay. Her mother has been struggling to cope with the loss, and Keila has taken it upon herself to be strong for them both. Pero deep inside, she feels a mix of anger and sadness.
Lumapit siya nang dahan-dahan, umupo sa tabi ng kanyang ina, at marahang inilagay ang kamay niya sa balikat nito.
"Mama" She said softly na puno ng pag-aalala. "Hindi mo na naman inubos yung kinakain mo kanina. Kapag ganyan ka palagi, manghihina ka lalo. Paano tayo makakabawi?"
Napabuntong-hininga ang kanyang ina, bahagyang ngumiti, pero halatang pilit ang ekspresyon nito.
"Keila, paano ba ako kakain nang maayos? Parang may kulang. Parang ang hirap tanggapin na wala na ang Papa mo. Ang bilis ng lahat. Parang kahapon lang, magkakasama tayo."
Keila’s heart ached at that moment. She closed her eyes, trying to hold back the tears. "Ma, I know. Mahirap. Pero kailangan nating maging matatag para sa kanya. Para kay Papa. Hindi tayo pwedeng magpadala sa lungkot na ‘to. Kailangan nating lumaban."
Lumingon ang kanyang ina, at sa mga mata nito ay makikita ang lungkot. "Pero, Keila… anak, paano ba ako magiging matatag kung araw-araw ang bigat ng pagkawala niya ang sumasalubong sa akin?" Wala nang ibang salita ang makakapagbigay liwanag sa hirap na dinaranas nito.
Keila just turned 25 years old this year and she is a strong and smart girl na lumaki with values and integrity. She lost her father one year ago, he passed away under mysterious circumstances that still haunt her. Her father was not just an ordinary guy; he was a kind and generous man, and he used to be the CEO of their family business. Unfortunately, their company went bankrupt because of competitors in the industry. Keila remembers how hard her father worked to provide for their family. He was always there, giving his best to make sure they had a comfortable life. She knows that her father didn’t deserve what happened to him. His death was sudden and left so many questions unanswered.
Pinisil ni Keila ang kamay ng kanyang ina, siya na lang ang tanging karamay nito ngayon kaya naman sinisiguro na alam nito na andiyan siya. "Ma, hindi tayo bibitaw. May paraan para makuha ang hustisya, at gagawin ko iyon para kay Papa. Hindi siya pwedeng basta na lang mawala na walang nagbabayad para sa ginawa sa kanya."
She can't shake off the feeling that there’s something more behind her father’s death, especially since they have a big enemy in the business world: Dominador Suarez.
May hinala sila na si Dominador ang may kinalaman sa pagkamatay ng kanyang ama. He’s a powerful man, feared by many, and his reputation for corruption and illegal dealings is notorious. Everyone knows that Dominador is not someone to mess with. But Keila is determined to find the truth.
Nakita niya ang pag-aalinlangan at pag-aalala sa mukha ng kanyang ina. "Hustisya? Keila, ang kaso… sinabi nilang aksidente ang nangyari. Sinarado na ang imbestigasyon. At kahit pa, alam mo kung gaano kalakas si Dominador Suarez. Walang nagtangkang lumaban sa kanya, anak."
"Ma, I don’t believe it! Aksidente? Hinding-hindi. Napakabait ni Papa. Walang rason para may manakit sa kanya. Alam ko, may mga taong walang puso, mga taong gagawin ang lahat para sa ambisyon nila. And I won’t let them win."
Naluha ang kanyang ina sa narinig, bahagyang humawak sa kanyang braso. "Anak, gusto ko ang hustisya… pero ayoko ring mawala ka. Napakalaking laban ito. Nakakatakot. Ayokong madamay ka." Ang takot na nararamdaman nito ay ramdam din ni Keila, pero kailangan niyang maging matatag.
"Ma, I promise I’ll be careful. Pero hindi ko pwedeng pabayaan si Papa. Kailangan natin ng hustisya para sa kanya. Kahit anong mangyari, hahanapin ko ang katotohanan." Hindi nagpatinag ang sigaw ng puso ni Keila.
Tahimik na naglakbay ang mga mata ng kanyang ina sa kanya, tila sinusuri ang determinasyon ng anak. Sa huli, dahan-dahan itong tumango. "Anong plano mo, Keila?" Ang pag-aalala sa tinig ng kanyang ina ay hindi mawala sa kanyang isipan, but a smile appeared on her lips.
"May naisip akong paraan… Si Clyde Suarez, anak ni Dominador. Kilala siyang playboy, maraming babae. Mag-aapply ako bilang secretary sa kompanya nila, especially since hiring sila ngayon. Kung mapapalapit ako sa kanya, may posibilidad na makakuha ako ng ebidensya."
Iyon lang ang naiisip niyang paraan para makamit ang hustisya: ang kunin ang loob ng anak ni Dominador, si Clyde Suarez. She will seduce the billionaire's heir para makakuha ng ebidensya sa pagkamatay ng kanyang ama, at sa tingin niya, this could be the billionaire's downfall.
Napahinto ang kanyang ina sa sinabi niya, halatang nag-aalala. "Anak, delikado ‘yan. Hindi biro ang pamilya ng mga Suarez. Wala sa kanila ang walang kapangyarihan." Ang takot sa kanyang ina ay nagdudulot ng bigat sa puso ni Keila, ngunit ang lakas ng kanyang determinasyon ay nagbigay liwanag sa madilim na sitwasyon.
"Ma, handa akong gawin ang lahat para kay Papa. Hindi ko hahayaan na mawala siya nang walang hustisya. Gagawin ko ang lahat para malaman natin ang katotohanan." Ang mga salitang ito ay parang pangako na tumaga sa kanyang ina, tila isang panawagan na hindi na dapat ipagpaliban pa.
"Keila, ayoko ring mawala ka. Ang buhay natin, andiyan pa. At alam kong gaano kalupit ang mundo. Baka hindi mo malaman kung anong kapahamakan ang nag-aantay sa'yo."
"Ma, iingatan ko ang sarili ko. At sisiguraduhin kong makakamit natin ang hustisya. Kung wala tayong gagawin, wala tayong makukuha. You taught me that, diba? Na ang tunay na laban ay sa ating mga kamay." Ang mga katagang ito ay tila nagbigay ng pag-asa sa kanyang ina, kahit papaano.
"Okay, pero paano mo siya haharapin? Hindi siya ganun kadaling lapitan."
Ngumiti si Keila, ang determinasyon ay kumikilos sa kanyang puso. "Ma, I’ll figure it out. Ako na ang bahala sa lahat. Gagawin ko ang lahat para makuha ang tiwala ni Clyde. Minsan, kailangan lang natin maging mas matalino kaysa sa kanila."
Nakita niya ang pag-aalala sa mga mata ng kanyang ina, pero naroon din ang pag-asa. "Magingat ka, Keila. Huwag kang papayag na matalo ka sa pagkakataon na ito. It’s dangerous."
Tumango si Keila, at sa kanyang puso, may pag-asa at takot na sumasabay. "I will, Ma. I promise."
Nandoon pa rin ang sakit ng nakaraan, pero ang mga hakbang sa paghahanap ng hustisya para sa kanyang ama ay nagbigay liwanag sa madilim nilang landas. The fight isn’t over yet, pero handa na si Keila to face any challenge na darating, hindi lang para sa sarili niya kundi para rin sa mahal niyang ina at sa kanyang ama.
Tumayo si Keila at niyakap niya ng mahigpit ang kanyang ina, tila nais iparamdam na hindi siya nag-iisa sa gitna ng unos.
Maagang nagising si Keila, ang sikat ng araw ay tumatama sa mukha niya, alam niyang this is it—simula na ng journey niya para makuha ang hustisya para sa kanyang ama. She took a deep breath, feeling that mix of excitement sa loob niya. Today has to be perfect. No room for mistakes.She went straight to her bathroom to freshen up. After brushing her teeth and washing her face, she went to her closet. This has to be good. Kailangang magmukha siyang professional, pero at the same time, enough para hindi siya ma-ignore. She finally picked her black blazer, yung fitted na sakto lang ang pagka-powerful tingnan. Then, she matched it with a white blouse, yung may slight plunging neckline. Sakto lang para hindi siya magmukhang inappropriate, pero kita pa rin yung konting cleavage niya. And then she paired it with a tight black pencil skirt na hanggang tuhod. Classy pero may konting pang-aakit. Alam niyang mapapansin siya ni Clyde Suarez in this outfit.Next, she fixed her makeup. Hindi naman m
TATLONG ARAW na ang lumipas simula nang umalis si Keila sa opisina ni Clyde, and still, wala pa rin siyang naririnig mula sa HR manager na sinabi ni Clyde na magre-reach out sa kanya kung nakapasa siya. Habang tumatagal, she’s starting to lose hope. Parang hindi yata umepekto ang ginawa niyang pang-aakit kay Clyde, kahit na nagpakita siya ng extra effort para mapansin.Habang iniisip niya ito, napansin ng kanyang ina ang pag-aalala sa kanyang mukha kaya lumapit ito sa kanya. “Anak, baka it’s a sign na huwag mo nang ituloy 'yang balak mo. Maybe it’s not for you," sabi ng kanyang ina, halatang may concern sa boses.“Mama, please naman,” Keila responded, almost desperate. "Ito na lang talaga ang alam kong paraan para makapasok sa buhay nila and finally give justice kay Papa. Hindi ako susuko nang ganito na lang, lalo na kapag ganito na ako kalapit." With her resolve strengthened, tumango lang ang kanyang ina kahit halata ang pag-aalala. Pero bago pa siya makapagsalita ulit, biglang tumu