Magandang araw! Kumusta po kayo? Sana po nasa mabuti kayong kalagayan kahit sunod-sunod ang bagyo na tumama sa ating bansa. Ang reason po kaya ako nag-note is, gusto ko lang po sana sabihin na sobrang thankful ko sa inyong lahat dahil sinusuportahan po ninyo ako, lalong lalo na po kay Ms. Raine Se at Mrs. Kim na patuloy na nagbabasa ng matiyaga at hindi nagrereklamo. Gusto ko lang din po ipaalam na kaming mga author ay tao rin po at may damdamin. Maging responsible po sana tayo sa mga salitang binibitawan natin, lalo na sa aming nagsusulat. Hindi lang po pagsusulat ang ginagawa namin buong araw, magulang din po ako at may responsibility sa buhay. Magulang, tindera, katulong, manunulat, yan po ang lahat ng ginagawa ko hindi po ako sa isang buong araw kaya sorry po kung hanggang 2 chapters lang ang kaya ko. Salamat po.
NAKATAYO sa gilid ng kalsada, pulang-pula ang mga mata dahil sa pag-iyak, at nag-iisa si Lalaine ng mga oras na iyon. Mag-a-alas diyes na ng gabi at naroon siya sa lugar na walang katao-tao bagaman maraming kabahayan. Gusto sana niyang humingi ng tulong pero lowbat ang kanyang cellphone kaya hindi niya alam kung paano makakauwi. May pera naman siya pero dahil may kalaliman na ang gabi kaya mangilan-ngilan na lang ang sasakyan na dumadaan na halos pawang mga private car pa. Habang nakatayo sa gilid ng kalsada at umaasa na baka may dumaang jeep o kahit taxi man lang, ay isang itim na pusa ang tumalon sa kanyang harapan. “Ay!” tili niya. Sa gulat ni Lalaine ay napatalon siya dahilan para matapilok siya sa sariling paa at natumba. Napaupo si Lalaine sa kalsada at ramdam niya ang kirot sa kanyang paa. Pinilit tumayo ni Lalaine subalit dahil masakit ang bukong-bukong niya dahil sa pagkatapilok ay mula siyang napauwi.Nayakap ni Lalaine ang sarili dahil sa lamig ng simoy ng hangin, at ha
AT the CEO'S Office Si Liam ang nag-iimpake na ng mga gamit sa opisina ng kanyang boss. Maayos na ang lagay ng Debonair dahil sa pamamalakad ni Knives Dawson, kaya naman ipinaubaya na ito ni Knives sa bagong itinalaga niyang Chief Operating Officer o C.O.O na si Mr. Finn Carter. Simula bukas, sa Dawson Group Of Companies na siya magtatrabaho, upang i-familiarize ang kanyang sarili sa kompanya na pagmamay-ari ng kanyang pamilya at para mag-prepare sa pagiging CEO niya. Matapos makapag-ayos ay kaagad na silang umalis sa kompanya. Hindi na rin niya tinanggap ang farewell party na suhestiyon ng mga board members. He wasn't into that sort of thing and besides, he wasn't in the mood to have fun. Sakay ng itim luxury car ay tahimik na nakaupo si Liam sa passenger's seat katabi ng driver. Samantalang ang kanyang boss naman ay nasa backseat at malamig pa sa yelo ang anyo. Habang nakaupo, napansin ni Liam ang pink na box naglalaman ng pink diamond necklace na ipinabili ng kanyang bos
SI LALAINE ay nakakulong pa rin sa madilim na kahapon. Paulit-ulit siyang binabangungot ng mga masasamang sinapit niya sa sariling ina. Yakap-yakap niya ang sarili, namamaluktot at nanginginig ang buong katawan ng mga oras na iyon. Itinaas ni Knives ang makapal na comforter at dahan-dahang tumabi sa nahihimbing na babae. He hugged Lalaine from behind, her body as warm as an electric heater. Namaluktot si Lalaine at nagpaikot-ikot sa tabi ni Knives na para bang sisiw na naghahanap ang init. Mas lalo nitong isiniksik ang sarili sa katawan ni Knives at para bang ina-absorb ang init ng kanyang katawan. At hindi nagtagal ay naging steady na ang paghinga nito, senyales na mahimbing na itong natutulog. Knives gently raised his large hand to stroke his forehead and see if her fever had subsided. Lalaine is still warm even though he wipes her with a wet towel every now and then and is right on time to take the medicine. Pagkaraan ng ilang sandali, inalis ni Knives ang tingin sa babae at
HINDI naman makapagsalita si Lalaine. Hindi niya alam kung bakit nagkakaganito ang lalaki sa t'wing pinag-uusapan nila si Elijah. Punong-puno ito ng malisya sa tuwing kasama niya ang taong malaki piinagkakautangan niya ng loob. Dapat malaman ni Knives na kilala si Elijah sa bawat lugar na pinupuntahan nito dahil napakarami itong tinulungan. Hindi niya kailanman naramdaman na espesyal ang tingin sa kan'ya ni Elijah dahil sa loob ng tatlong taon na nanirahan ito sa Paco, hindi na mabilang ang natulungan nitong pamilya at isa na ang pamilya niya roon. Nanggagamot ito ng libre sa loob ng tatlong taon. Wala itong sinisingil na maski singko at kadalasan, ito pa nga ang nagbibigay ng pera at libreng gamot sa mga kapus-palad. Ang napakabait na lalaking ito ay lagi na lang iniinsulto ni Knives at pinag-iisipan ng masama kaya hindi niya mapigilan ang sarili na magalit. “Maalaga lang talaga si Kuya Elijah, hindi lang sa'kin kundi sa lahat. Kaya hindi mo dapat s'ya pinag-iisapan ng marumi,” pa
ITINIKOM ni Lalaine ang mga labi dahil ayaw na niyang makipagtalo pa sa lalaki. Natatakot siyang masira na naman ang mood nito ng mga sandaling iyon kapag ipinagpatuloy pa n'ya ang pakikipagsagutan. Isa pa, natatakot din siyang mawala na naman ito sa kontrol at paluin na naman siya nito, bagay na nakakahiya para sa kan'ya dahil matanda na siya para sa bagay na iyon. Inangat ni Knives comforter at saka marahang tumayo mula sa kama. Naisipan din ni Lalaine na sumunod dahil nakaramdam siya ng pagpuno ng kanyang pantog. Subalit nawala sa kanyang isipan na namamaga pala ang kanyang paa. “Aray...” Nalukot ang mukha ni Lalaine nang maramdaman ang pangingirot ng namamagang paa at muling napaupo sa kama. “Where are you going?” kunot-noong tanong naman ni Knives nang lingunin niya ito. “M-Magbabanyo lang sana ako,” sagot ni Lalaine na bakas sa mukha ang sakit na nararamdaman. Nang sumunod na segundo, namalayan na lang ni Lalaine na umangat siya sa sahig dahil kinarga siya ni Kniv
NAKAGAT ni Lalaine ang sariling labi, ang kanyang mga mata ay mapungay, at bagaman nakakaawa ay charming pa rin itong tingnan. May kung ano namang naramdaman si Knives sa kanyang dibdib nang makita iyon. Itinaas niya ang kanyang kamay at inilapit ang sarili kay Lalaine. “Ilabas mo ang dila mo,” utos niya sa paos na tinig. Naguguluhan namang tumingin si Lalaine sa lalaki at nagtatanong ang mga mata. “Ayaw mo bang matapos kaagad? Stuck it out and let me kiss it,” muling utos ni Knives saka matamang pinagmasdan si Lalaine. Nag-init ang punong-tenga ni Lalaine dahil sa kahihiyan pero kimi rin niyang sinunod ang sinabi ng lalaki at inilabas ang maliit na dila. Knives' eyes darkened. He gently pinched her chin and sucked on her pink tongue and gave her a deep and passionate kiss. Hindi naman mapigilang mapaungol si Lalaine dahil sa pagsipsip na ginagawa ng lalaki sa kan'ya dila, kasabay ng mabilis na pag-galaw ng kamay nito sa ilalim ng tubig. “Hmmm~” ungol ni Lalaine. L
SAMANTALA, hindi naman maintindihan ni Lalaine kung bakit ganoon na lang ang galit ni Knives sa kan'ya. “B-Bakit may mali ba? G-Gusto mo bang magtagal ang ganitong sitwasyon natin?” nalilitong tanong ni Lalaine. Ito ay dahil sa pag-asa na kaya niyang magpumilit ng ganoon katagal. Sino bang tao ang gugustustuhing maging laruan habang buhay? “Mali ba ang pagtrato ko sa'yo nitong mga nakaraang araw?” sa halip ni Knives sa malamig na tono pa rin.Sa araw-araw na umuuwi si Lalaine galing sa trabaho, lagi niyang iniisip kung kailan matatapos ang ganoong set-up sa pagitan nila ng lalaki. Ang totoo'y peke lang ang pagiging masunurin niya dahil sa bawat araw na kasama niya si Knives ay nasasakal siya. Para siyang aso na itinali sa leeg at walang kalayaan.Umiling si Lalaine sa tanong na iyon ng lalaki. “H-Hindi naman sa gano'n,” sagot ni Lalaine.Sa kabaliktaran, sa nakalipas na tatlong araw ay naging napakabait sa kan'ya ng lalaki na maski siya ay na-surpresa. Pero alam niyang marahil ay d
MATAPOS ang mainit na eksena sa loob ng banyo, ni hindi na siya hinayaan pa ni Knives na mamahinga sa buong magdamag. Nagbago ito ng estilo at halos lahat ng sulok sa buong suite ay nag-iwan ito ng marka ng kanilang pagniniig.At ang pinakahuli ay sa tapat ng floor-to-ceiling glass window, pinilit ni Knives ang babae na idilat ang mga mata upang makita ang mga nagkikislapang ilaw sa mga kabahayan na makikita sa ibaba ng kanilang gusali. “Baby...magpakabait ka at 'wag mo akong gagalitin,” namamaos na bulong ni Knives habang patuloy ang paggalaw nito mula sa likuran ng babae. Bagaman magandang pakinggan ang pangalang iyon, pero wala itong dating para may Lalaine. Sa halip pakiramdam n'ya para siyang isang alagang hayop na tinutukso nito. Magpakabait? Ano ba ang ibig sabihin ng pagiging mabait? Dapat bang maging proud siya dahil ibinibenta niya ang kanyang sarili sa isang lalaki kapalit ng pera? Sa galit ni Lalaine ay nagtiim ang kanyang mga ngipin at kinagat ang matipunong braso ni
TATLONG ARAW nang nakabalik sa Manila sina Knives at Keiko pero dahil hindi pa mabuti ang lagay nito at ipinayo ni Eros na manatili pa sa hospital ang lalaki para ma-obeserbahan. Nungit kapag Wala namang nakitang problema ay maaari na rin itong umuwi sa bahay para doon magpahinga at magpagaling. Samantala, nakauwi na sa mansyon si Keiko, at kahit hindi man maganda ang pinagdaan n'ya ay sinikap niyang bumalik sa trabaho. Pero syempre, laking pasasalamat p rin niya kay Seiichi dahil nakakauwi siya ng ligtas at walang anumang galos sa katawan, dahil na rin sa tulong nito. Speaking of Seiichi, sa kabutihang palad ay natagpuan ito ng kanyang daddy at Kuya Kairi. Wala siyang kaalam-alam na nagpunta pala ang mga ito sa China para iligtas sila pero dahil wala na siya bago pa dumating ang mga ito ay si Seiichi na duguan ang naabutan nila roon. Nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng grupo ng kanyang daddy at kay Mr. Zhou, pero marahil dahil sinusundo na ito ni Satanas patungo sa impiyerno kay
SAKAY ng private plane, makakasamang bumalik si Knives at Keiko sa Pilipinas. Magkahawak-kamay silang magkatabi sa upuan at nakasandal sa isa't-isa. Hindi pa rin palagay ang loob ni Keiko nang malamang hindi natagpuan si Seiichi sa lugar kung saan siya dinala pero umaasa siyang nakatakas at ligtas ito sa mga oras na iyon.“Nag-aalala ka sa kan'ya?” masuyong tanong ni Knives kay Keiko habang nakayuko sa maamong mukha nito.Malungkot namang tumango si Keiko saka nag-angat ng paningin. “Iniisip ko kung saan siya nagpunta. Sana lang safe siya.” Bakas ang pag-aalala sa tinig nito kaya naman lihim na bumuntong-hininga si Knives. Malaki ang utang na loob niya kay Seiichi dahil ito ang may gawa kung bakit nakatakas si Keiko sa kamay ni Elijah at ni Mr. Zhou. Kaya naman lihim niyang ipinangako sa sarili na hinding-hindi siya titigil hangga't hindi nahahanap ng mga tauhan niya ang lalaki.“Don't worry, I know he's safe. Kilala mo ang kaibigan mo kaya kailangan mong magtiwala sa kan'ya,” ani K
“KNIVES, I'm sorry... If it weren't for me, you wouldn't have had an accident. I'm really sorry, it's my fault. Sobra akong nag-alala sa'yo. Akala ko mawawala ka na sa'kin...”Patuloy lang sa paghagulhol si Keiko habang nakasubsob sa dibdib ng lalaking minamahal, samantalang si Knives naman ay nakayakap sa babae at marahang hinahaplos ang mahaba nitong buhok.“Shhh...it's okay, baby. Look at me. I'm totally fine so you don't need to worry,” pang-aalo naman ni Knives sa babaeng walang tigil sa pag-iyak.Pero ang totoo, pinipilit lang niya ang sarili ng mga sandaling iyon dahil mula nang umalis siya sa hospital ay hindi na nawala ang pananakit ng kanyang ulo. Pakiramdam niya ay para itong binibiyak na hindi n'ya maintindihan. Eros has already told him not to push himself because it's only been about two weeks since his head surgery and it's not yet healed. According to his friend, it will take three to six months for his brain injury to fully heal.Nag-angat ng tingin si Keiko sa lalak
“I'M Knives Dawson...her husband. Kung nand'yan s'ya, pakisabi na 'wag na 'wag siyang aalis dahil pupuntahan ko siya...”Matapos marinig ang sagot ang lalaki sa kabilang linya, hinihingal na naupo si Knives sa hospital bed at nasapo ang ulong mayroon pang benda. Kung ang simpleng pakikipag-usap lang ay nahihirapan na siyang gawin, paano pa niya mapupuntahan si Keiko?“Knives, bro...” anang Eros na nag-aalalang nakatingin sa kaibigan. “Your wound hasn't healed yet. It's dangerous for you if you force yourself to leave,” paalala niya sa kaibigan. Hindi pa magaling ang ulo nito na naoperahan at aabutin pa iyon ng ilang buwan bago tuluyang maghilom. At bilang doktor, alam niyang makakasama rito kung pipilitin pa nitong kumilos. Higit sa lahat, hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanila sa China. “Shut up!” ani Knives habang sapu-sapo ang sumasakit na ulo. “Kailangan kung puntahan si Keiko. 'Di ako mapapakali hangga't 'di ko nakikitang safe siya,” pagpupumilit pa ni Knives saka b
Several hours earlier...“DAD! Tumawag si Liam. Nahanap na sila kung saan nagtatago si Mr. Zhou. Nasa Guangzhou China sila at doon din dinala si Keiko at Gwyneth,” pagbabalita ni Kairi sa ama. Napatayo si Kenji sa narinig saka matamang tumitig sa anak na panganay. “Let's go! Puntahan natin ang kapatid mo at si Seiichi,” aniya na bakas ang determinasyon sa tinig.“Are you sure, dad?” naninigurong tanong ni Kairi sa kanyang daddy. “'Di biro ang mga tauhan ni Hiroshi Sato. Delikado, dad.”“Nakakalimutan mo na ba kung ano ako dati, anak? Tumanda man ako pero kaya ko pang lumaban,” wika ni Kenji sa anak. “Besides, ito na ang tamang pagkakataon para ipaghiganti ko ang mommy mo. Ako mismo ang papatay sa hayop na iyon!”Dahil sa mga sinabi nito, napagtanto ni Kairi na hindi na n'ya mapipigilan pa ang kanyang daddy. Kaya sa halip na tumutol ay sumang-ayon na lang siya sa gusto nito. Besides, naroon naman at hinding-hindi niya ito pababayaan.“Please, change your clothes and put on a bulletpro
“ANONG sabi mo? Hindi ikaw ang lalaking 'yon?” naguguluhang tanong ni Keiko at saka lumapit sa lalaki.“Yes. You heard right. He's my missing twin brother who was adopted by Mr. Zhou,” pag-uulit ni Seiichi.“K-Kaya pala iba ang kutob ko nang kausap ko s'ya. Feeling ko, ibang Seiichi ang kasama ko. 'Yun pala, tama ako ng hinala.” Nasagot na ang katanungan iyon sa isip Keiko. Kaya pala ibang-iba ito sa Seiichi na kilala niya dahil kakambal ito ng lalaki. Pero bakit hindi n'ya alam ang tungkol sa bagay na 'yon? Pero kahit gano'n, thankful pa rin siya dahil hindi si Seiichi na kaibigan niya ang gumawa ng bagay na iyon sa kan'ya. Dahil hinding-hindi n'ya talaga mapapatawad ang lalaki pag nagkataon.“Saka na muna ang pagtatanong, Keiko. Tumakas na tayo habang busy pa ang mga tauhan ng matandang 'yon,” ani Seiichi saka mabilis na hinila si Keiko palabas sa kwarto at maingat na binaybay ang mahabang hallway kung nasaan ang daan patungo sa exit ng mansyong iyon.Nang dalhin si Seiichi sa luga
TAHIMIK at maingat na pinasok ni Liam at Kairi ang isang three-storey building kung saan nagtatago si Hachi. Gamit ang hidden microphone at earpiece na nagsisilbing komunikasyon ng grupo ay hinalughog nila ang gusali. At dahil hindi inaasahan ng mga naroon ang kanilang pagdating ay nabulaga subalit sa halip na matakot ay kaagad na nagpaputok ang mga ito.“Team, sa second floor kayo. Kami naman ang aakyat sa third floor,” utos ni Liam sa mga tauhan sa kabilang linya.“Okay, Sir. Copy!” Si Kairi at Liam ay magkasama sa pagtungo sa ikatlong palapag ng gusali. Kabi-kabilaan na ang palitan ng putok na maririnig sa paligid, senyales na nagpang-abot na ang dalawang grupo.Maingat at maliksi ang kilos ng dalawang lalaki na para bang sanay na sanay na sa ganoong trabaho. Bawat sulok at kanto na kanilang nadadaanan ay masusi nilang ginagalugad habang ang iba pa nilang mga tauhan ay nakasunod sa kanilang likuran.Hanggang sa isang putok ng baril ang pumailanlang sa paligid na nagpatigil sa dala
“KUNG ganoon, nagpapanggap lang ang lalaking iyon?” tanong ni Kennedy kay Kenji na ang tinutukoy ay ang tauhan nitong si Seiichi Sazaki na kailan lang ay napapansin daw nitong kakaiba ang ikinikilos.Nagkita ang dalawa sa isang private office ni Kennedy Dawson upang pag-usapan ang tungkol sa pagkawala ni Keiko at ang death threat na natanggap ni Liam para kay Knives Dawson.“What exactly did you notice about him that made you say that, Mr. Inoue?” naninigurong tanong ni Kennedy sa kausap.“I know Seiichi very well because he's my best friend,” sagot naman ni Kairi. “Ibang-iba siya sa Seiichi ko kilala ko. They may look alike but there's still something different about him.”Tumango-tango si Kennedy sa mga narinig. Maging si Liam na tahimik na nakikinig ay naniniwala rin sa sinasabi ng kaharap. Hindi malabo iyon lalo pa't hindi basta-bastang tao ang kalaban ng kanilang pamilya, tiyak na gagawin ng mga ito ang lahat para makpaghiganti.“And who do you think that man is? Did he have plas
“WE meet again, Lalaine Aragon...”Nanigas ang katawan ni Keiko sa narinig. Kilalang-kilala niya ang boses na iyon, kilalang-kilala niya...Narinig niyang dahan-dahang naglakad papalapit sa kinaroroonan niya at naramdaman niyang huminto ito sa tapat niya.“Ang buong akala ko, pagkatapos ng walong-taon ay hindi na tayo magkikita, Lalaine...” anang lalaki saka marahang hinaplos ang kanyang pisngi. Ipinilig ni Keiko ang pisngi at para bang diring-diri sa lalaking hindi nakikita. Pero nakapiring man ang mga mata, hindi siya maaaring magkamali. Ang lalaking ito ay ang lalaking inakala niyang patay na...Si Elijah Montenegro.“Walang-hiya ka! Buhay ka pa palang hayop ka! Ang akala ko nasa impiyerno ka na, hayop ka!” bulalas ni Keiko sa lalaki.Napangisi naman si Elijah sa narinig. Mukhang talagang tumatak siya sa pagkatao ng babae dahil hanggang ngayon ay boses pa lang niya ay kilalang-kilala na nito.“You lived a happy life. You had children with Knives Dawson. What if your children suffe