“ARE you happy?”Nakaramdam ng kilabot si Liam nang makita ang nakakatakot na tingin ng kanyang boss sa kan'ya. Kaya bago pa ito mag-isip ng kung ano ay kaagad na siyang nagpaliwanag.“Mr. Dawson, pinasalamatan ako ni Ms. Aragon dahil sa abogadong in-assign ninyo sa kan'ya last time. I said you ordered the lawyer, so she said she bought you a gift as a token of gratitude,” pagpapaliwanag ni Liam.Natigilan naman si Knives nang marinig iyon, at ang mapanganib na anyo na makikita sa mukha niya kanila lang ay biglang naglaho. “Stop talking too much,” ani Knives sa kanyang secretary matapos ay tumalikod na.Nakahinga naman nang maluwang si Liam. Buti na lang ay naniwala ang kanyang boss at naging maganda ang mood nito. Kung hindi, siya na naman ang magdudusa sa buong maghapon niyang makakasama ang boss niyang kasing tigas ng bato ang pagkatao.Sumunod na rin si Liam sa kanyang boss, at sa kanyang isipan, na-realized niyang may ipinagbago ang kanyang boss simula nang maging malapit ito kay
SA ISANG hospital bed ay makikitang nakahiga ang isang babae na mayroong ventilator machine na sumusuporta sa paghinga nito. May kaputlaan ito at medyo payat ang pangangatawan ngunit hindi pa rin mapagkakaila na maganda ito. Lumapit si Liam sa boss niyang nakaupo sa tabi ng kama at puno ng pag-aalalangg nakatingin sa babaeng walang malay. “Mr. Dawson, Doc Johnson said, 24 hours have passed and Ms. Chua is no longer on the verge of death. Her condition has returned to normal,” aunsyo ni Liam sa kanyang boss. “Yeah,” sagot ni Knives na bahagya namumula at nanlalalim ang mga mata. Si Gwyneth ay nagkaroon ng impeksyon sa lungs at kinailangang obserbahan sa loob ng 24 hours. Kaya naman dahil doon ay halos dalawang araw siyang walang tulog. Bakas iyon sa mga mata niyang nangingitim na ang ilalim dahil sa eye bags. “Take a rest, Mr. Dawson. I will take care of Ms. Chua,” saad pa ni Liam. Kaagad tumayo si Knives at bago lumabas ng kwarto ay sumulyap siya sa babaeng nakaratay. Hang
“TULONG!”Kaagad na nagsara ang pinto ng sasakyan, at nang lingunin ni Lalaine ang may-ari ng mga kamay na humila sa kan'ya ay mga matang kay lalim kung tumitig ang sumalubong sa kan'ya. Inihinto rin nito ang kotse ilang metro hindi kalayuan sa restaurant kung saan sila nagpunta ni Elijah.Sandali siyang natigilan bago nakapagsalita, “M-Mr. Dawson?” nagugulat niyang tanong.“Disappointed?” malamig na tanong ni Knives na ang mga mata ay naniningkit sa galit.Bago pa makasagot si Lalaine, hinila nito ang kanyang braso at inilapit ang kanilang mga katawan sa isa't-isa na para bang ayaw siyang makawala. Walang pakialam kung mayroon man silang kasama sa loob ng sasakyan.“W-Wag...” Wala sa sariling naitulak ni Lalaine ang lalaki at namumutla ang mukha nakatingin sa kaharap.“Are you hiding something? One week lang tayong hindi nagkita, 'di mo na ako kilala?” tanong ni Knives na puno ng panganib ang boses. “Ilang araw akong wala sa bahay. You looked happy,” dagdag pa ni Knives sa babae na h
“MALINAW na nakasulat sa agreement na kapag ginusto ko, ibibigay mo sa'kin. So I'm not humiliating you, what I want is for us to have sex now...” Tinakasan ng kulay ang mukha ni Lalaine nang marinig iyon. Mukhang seryoso talaga ang lalaki sa sinasabi nito kaya dumagundong ang kanyang dibdib dahil sa kaba at takot na maaaring mangyari. “P-Please, 'wag mo namang ipagawa sa'kin ang ayaw kong gawin,” nakikiusap na saad ni Lalaine na namumula ang mga mata dahil sa kaiiyak. Sa kamalas-malasan lang, hindi na magiging soft-hearted si Knives sa babaeng ito. “'Wag mo akong tingnan na parang ako ang pinakamasamang lalaki sa mundo,” ani Knives saka ngumisi. “This is a deal between us. As a pet, dapat maging mabait ka lang at sumunod sa gusto ng amo mo.” Basa ng luha ang mga mata ni Lalaine dahil sa pag-iyak. Hindi niya makayanan ang masasakit na mga salitang natatanggap niya sa lalaki. Kaya naman lalong sumidhi ang kanyang kagustuhan na makawala na sa kamay ng malupit na lalaki. Nanginginig a
NAKATAYO sa gilid ng kalsada, pulang-pula ang mga mata dahil sa pag-iyak, at nag-iisa si Lalaine ng mga oras na iyon. Mag-a-alas diyes na ng gabi at naroon siya sa lugar na walang katao-tao bagaman maraming kabahayan. Gusto sana niyang humingi ng tulong pero lowbat ang kanyang cellphone kaya hindi niya alam kung paano makakauwi. May pera naman siya pero dahil may kalaliman na ang gabi kaya mangilan-ngilan na lang ang sasakyan na dumadaan na halos pawang mga private car pa. Habang nakatayo sa gilid ng kalsada at umaasa na baka may dumaang jeep o kahit taxi man lang, ay isang itim na pusa ang tumalon sa kanyang harapan. “Ay!” tili niya. Sa gulat ni Lalaine ay napatalon siya dahilan para matapilok siya sa sariling paa at natumba. Napaupo si Lalaine sa kalsada at ramdam niya ang kirot sa kanyang paa. Pinilit tumayo ni Lalaine subalit dahil masakit ang bukong-bukong niya dahil sa pagkatapilok ay mula siyang napauwi.Nayakap ni Lalaine ang sarili dahil sa lamig ng simoy ng hangin, at ha
AT the CEO'S Office Si Liam ang nag-iimpake na ng mga gamit sa opisina ng kanyang boss. Maayos na ang lagay ng Debonair dahil sa pamamalakad ni Knives Dawson, kaya naman ipinaubaya na ito ni Knives sa bagong itinalaga niyang Chief Operating Officer o C.O.O na si Mr. Finn Carter. Simula bukas, sa Dawson Group Of Companies na siya magtatrabaho, upang i-familiarize ang kanyang sarili sa kompanya na pagmamay-ari ng kanyang pamilya at para mag-prepare sa pagiging CEO niya. Matapos makapag-ayos ay kaagad na silang umalis sa kompanya. Hindi na rin niya tinanggap ang farewell party na suhestiyon ng mga board members. He wasn't into that sort of thing and besides, he wasn't in the mood to have fun. Sakay ng itim luxury car ay tahimik na nakaupo si Liam sa passenger's seat katabi ng driver. Samantalang ang kanyang boss naman ay nasa backseat at malamig pa sa yelo ang anyo. Habang nakaupo, napansin ni Liam ang pink na box naglalaman ng pink diamond necklace na ipinabili ng kanyang bos
SI LALAINE ay nakakulong pa rin sa madilim na kahapon. Paulit-ulit siyang binabangungot ng mga masasamang sinapit niya sa sariling ina. Yakap-yakap niya ang sarili, namamaluktot at nanginginig ang buong katawan ng mga oras na iyon. Itinaas ni Knives ang makapal na comforter at dahan-dahang tumabi sa nahihimbing na babae. He hugged Lalaine from behind, her body as warm as an electric heater. Namaluktot si Lalaine at nagpaikot-ikot sa tabi ni Knives na para bang sisiw na naghahanap ang init. Mas lalo nitong isiniksik ang sarili sa katawan ni Knives at para bang ina-absorb ang init ng kanyang katawan. At hindi nagtagal ay naging steady na ang paghinga nito, senyales na mahimbing na itong natutulog. Knives gently raised his large hand to stroke his forehead and see if her fever had subsided. Lalaine is still warm even though he wipes her with a wet towel every now and then and is right on time to take the medicine. Pagkaraan ng ilang sandali, inalis ni Knives ang tingin sa babae at
HINDI naman makapagsalita si Lalaine. Hindi niya alam kung bakit nagkakaganito ang lalaki sa t'wing pinag-uusapan nila si Elijah. Punong-puno ito ng malisya sa tuwing kasama niya ang taong malaki piinagkakautangan niya ng loob. Dapat malaman ni Knives na kilala si Elijah sa bawat lugar na pinupuntahan nito dahil napakarami itong tinulungan. Hindi niya kailanman naramdaman na espesyal ang tingin sa kan'ya ni Elijah dahil sa loob ng tatlong taon na nanirahan ito sa Paco, hindi na mabilang ang natulungan nitong pamilya at isa na ang pamilya niya roon. Nanggagamot ito ng libre sa loob ng tatlong taon. Wala itong sinisingil na maski singko at kadalasan, ito pa nga ang nagbibigay ng pera at libreng gamot sa mga kapus-palad. Ang napakabait na lalaking ito ay lagi na lang iniinsulto ni Knives at pinag-iisipan ng masama kaya hindi niya mapigilan ang sarili na magalit. “Maalaga lang talaga si Kuya Elijah, hindi lang sa'kin kundi sa lahat. Kaya hindi mo dapat s'ya pinag-iisapan ng marumi,” pa
AFTER eight years...“Sir Knives, nai-close na natin ang deal with Thompson Group. Our next client is from K Fashion Company. They want to build a branch here in the Philippines and they chose Grayson Construction to handle the project,” ani Liam habang panay ang pagpindot sa ipad na hawak.“K Fashion? The famous fashion company in Japan and America?" paniniguro ni Knives habang nakatutok ang mga mata sa laptop. “Yes, Sir,” ani Liam.“May schedule na ba ang appointment?”“Yes, Sir. The luncheon meeting is at Victoria's Restaurant, at exactly 12 PM.”“Okay, ikaw na ang um-attend, Liam. Mommy's death anniversary is tomorrow so I have to visit the cemetery,” ani Knives habang panay ang tipa. Tinatapos kasi niya ang output my blueprint para sa isang project. “Okay, Sir.”“By the way, mag-post ka ng job opening sa website natin. We need engineers, architects, and other skilled workers in the company. We need more people for incoming projects.”“Alright, Sir Knives,” sagot naman ni Liam.
ISANG linggo...Dalawang linggo...Isang buwan...Anim na buwan...Siyam na buwan...Siyam na buwan na simula noong huling magkita si Knives si Lalaine. Siyam na buwan na rin siyang naghahanap sa asawa pero ni anino nito ay hindi niya makita. He searched almost the entire Philippines to find his wife but could not find a single trace that could point to her whereabouts. Para bang bigla na lang naglaho si Lalaine sa mundo. Na para bang hindi ito nag-exist sa kanyang buhay...Araw-araw siyang nagpupunta sa apartment nito para alamin kung bumalik na ito, pero katulad ng dati, isang abandonadong kwarto lang ang sumasalubong sa kan'ya.Halos maglumuhod na rin si Knives sa kaibigan nitong si Abby pero maski ito ay hindi alam kung nasaan ang kaibigan. Sobra na ring nag-aalala si Abby para sa kaibigan dahil ito ang unang beses na umalis si Lalaine ng ganoon katagal na hindi man lang siya kino-contact.Knives also always visits Mrs. Tupaz's office to ask if she has any news about Lalaine, but
NASA isang fine dining restaurant si Gwyneth at ang kanyang daddy, kasama si Kennedy Dawson na ngayon ay father-in-law na niya. Naroon sila para i-celebrate ang kanilang pagiging isang pamilya.Gwyneth's joy knows no bounds because her long-time dream of becoming Knives Dawson's wife has finally come true. And even if he rejects her, there's nothing he can do because they're already married. “I hope you can change my stupid son, Gwyneth. Teach him to obey and listen to whatever I say,” pakli ni Kennedy sa kanyang daughter-in-law.“Of course, dad. I've known Knives since childhood so I know exactly what he's like. Don't worry, dad. I'll make sure to discipline that son of yours,” puno ng confidence na sagot naman ni Gwyneth.“'Glad to hear that,” anang Kennedy saka bumaling sa balaeng si Eric Chua. “Pasensya na Eric, pero maiwan ko na kayo. I'm a little tired. I need to rest,” paalam niya.“It's okay, Mr. Dawson. Masaya akong sa wakas ay naging isang pamilya na tayo,” anang Eric saka
“IMŌTO-CHAN! (Little sister!) Is that really you?!”Hindi kaagad nakakibo si Keiko nang salubungin siya ng kanyang Kuya Keiji. Literal na umiiyak ito nang yakapin siya nang mahigpit. “I miss you so much!”“Baby girl... I'm so glad that you're finally here,” saad naman ng Kuya Kairi niya na bagaman hindi kasinglakas umiyak ng Kuya Keiji n'ya, bakas naman sa namumula nitong mga mata ang pagpipigil ng luha. Kararating lang ni Keiko sa Tokyo matapos maasikaso ang lahat sa Pilipinas. Apat na oras din ang kanilang byahe at wala siyang gaanong tulog. Pero nang makita ang kanyang mga kuya ay para bang naglaho ang pagod at antok na nararamdaman niya.Nagyakap silang magkakapatid na kapwa may mga luha sa mga mata, samantalang si Kenji naman ay hindi na rin natiis at nakisama na sa mga anak. They were overjoyed because they were finally with Keiko, whom they had been waiting to see for so long.Matapos ang mahabang sandali na magkakayakap ay bumitiw rin ang mga ito. Marahang hinila ni Keiji ang
“HOW'S the patient, doc?”Nag-aalalang tanong ni Kennedy sa doktor na sumusuri sa kanyang anak. Isang linggo na itong walang malay simula noong matagpuan ito ni Gwyneth sa kalsada at duguan.“He's okay now. Wala na sa panganib ang buhay ng anak mo, Mr. Dawson. Natahi na namin ang mga internal organ niyang natamaan ng saksak. For now, he just needs to rest and we'll wait for him to wake up,” anang doktor.“Thank you so much, doc,” ani Kennedy na bahagyang nakahinga nang maluwang nang malamang wala na sa bingit ng kamatayan ang kanyang anak.“Thank you, doc,” sagot naman ni Gwyneth na naroon din sa kwarto at hindi umaalis sa tabi ni Knives. Although she feels guilty about what she did, she feels no remorse for what happened. Dahil alam niyang this time, tuluyan nang makikipaghiwalay ang hitad na si Lalaine Aragon at siya na ang magmamay-ari kay Knives.Ito na ang chance n'ya para maisakatuparan ang plano nila ng kanyang daddy. Tutal, botong-boto naman ang matandang hukluban na si Kenne
“GUSTO ko pong makita ang mukha ni...M-Mama...”Iyon ang unang salita na lumabas sa bibig ni Lalaine matapos nang mahabang sandali na magkayakap silang mag-ama at humahagulhol. Ngayon, mas kalmado na ang dalawa at kapwa nagpapahid na kanilang mga pisngi na nabasa ng luha.Marahang tumango si Kenji saka tumayo at tinungo ang cabinet at kinuha ang isang picture frame. Inabot nito iyon kay Lalaine at tila ilog na walang tigil sa pag-agos ang kanyang mga luha nang makita ang larawan ng namayapang ina.“Kamukhang-kamukha mo ang mommy mo, hija. "That's exactly what Amelia looked like when she was your age,” nakangiti pero malungkot na saad ni Kenji.Marahas hinaplos-haplos ni Lalaine gamit ng daliri ang larawan ng kanyang ina. Kay tagal siyang naniwala na si Nanay Ursula ang kanyang ina kahit na maraming nagsasabi na hindi sila magkamukha nito.Pero ngayon, habang tinititigan n'ya ang picture na iyon, walang duda na iyon nga ang kanyang ina. Kamukhang-kamukha n'ya ito lalong-lalo na sa mga
IKINURAP-KURAP ni Lalaine ang mata at tumambad sa kan'ya ang isang engrandeng kisame. At kahit bahagya pang nanlalabo ang kanyang paningin, alam niyang wala siya sa hospital o kaya naman sa Dawson Residence. Naroon siya sa isang kwarto na hindi pamilyar sa kan'ya at unang beses lang niya nakita.Bumalikwas ng bangon si Lalaine nang biglang maalala ang mga nangyari. Bakit siya naroon? Anong ginagawa n'ya sa lugar na iyon?Malinaw pa sa kanyang alaala ang lahat bago siya mawalan ng malay. Matapos makita ang eksenang iyon sa pagitan ni Knives at Gwyneth ay mabilis siyang tumakbo palabas ng nightclub. Hindi siya nagpatinag kahit napakalakas pa ng buhos ng ulan, sinugod niya iyon habang humagulhol.Tumakbo siya nang tumakbo na para bang mayroong humahabol sa kan'ya. Subalit bigla na lang umikot ang kanyang paningin, at bago pa siya nawalan ng malay ay isang lalaki ang sumalo sa kan'ya...Ang assistant ni Mr. Inoue!Luminga-linga si Lalaine sa paligid. Malakas ang kutob niyang naroon siya s
SA ISANG iglap, nawala si Lalaine sa paningin ni Knives. Gulong-gulo siya sa nangyari. Ano ba ang nangyari? Bakit nasa kwarto siya at kasama si Gwyneth? Ang huling natatandaan lang n'ya ay nagpapakalango siya sa alak kasama ang isang babae.Bumalikwas ng bangon si Knives at doon lang n'ya napansin na naka-brief lang pala siya. Si Gwyneth na nasa tabi niya at nakatakip ng kumot ay tulad din niyang walang suot na damit. Posible kayang may nangyari sa kanila ng babaeng ito?Imposible! Kahit lasing na lasing siya ay hinding-hindi n'ya papatulan si Gwyneth. Isinusumpa n'ya iyon. But why can't he remember what happened? Or maybe it was all just a ploy to break up things between him and Lalaine? Nanginginig sa galit na isinuot ni Knives ang pantalon at saka sinugod si Gwyneth noon na para bang walang kaalam-alam sa nangyayari. Nagdilim ang kanyang paningin kaya umibabaw siya rito at sinakal ng dalawang kamay ang leeg nito na para bang gusto na itong lagutan ng hininga. “What did you do to
“NAGAWA mo ba nang maayos ang ipinatatrabaho ko?” tanong ni Gwyneth sa babaeng kaharap na si Maggie.“Of course! Nilagyan ko ng mataas na dosage ng drugs pampatulog ang drinks n'ya kaya sure akong kahit sampalin mo ang gagóng 'yan, 'di agad magigising,” nakangising sagot naman ni Maggie.“Okay, good,” ani Gwyneth sabay abot ng puting sobre na naglalaman ng pera. “'Wag na 'wag mong ipagkakalat ito, kundi papatayin kita,” pagbabanta pa niya sa babae.Umismid naman si Maggie. “Oo na,” aniya. “But in fairness, he's a hottie. Kung 'di mo lang bet ang lalaking 'yon, baka—”“Tatahimik ka o puputulin ko 'yang dila mo?” naniningkit ang mga matang ni Gwyneth sa kaharap.Kaagad naman nitong itinikom ang bibig at muwestra na parang zipper na isinasara iyon. “Umalis ka na. I still need to do something.”“Okay, bye bye!” nakangisi namang paalam naman ni Maggie habang ipinapaypay ang sobre na naglalaman ng malaking halaga ng pera.Napangiti si Gwyneth saka tumingin kay Knives na noon ay mahimbing a