DIRE-DIRETSONG naglakad si Knives papalabas sa opisina ni Lalaine at hindi na pinansin pa ang mga nagsidating, pero isang babae na may malamyos na tinig ang tumawag sa kan'ya dahilan para mapahinto siya at mapalingon.“Knives! Is that you?” tanong ng babaeng kasama ni Seiichi, dahilan para mapatingin din ito kay Knives. “Oh my god! It's really you!” bulalas pa niyo sabay lapit kay Knives at humalik sa pisngi ng lalaki.Sakto namang lumabas si Keiko para alamin kung bakit hindi pa pumapasok si Seiichi sa kanyang opisina, iyon ang eksenang nabungaran niya. She couldn't explain why, but she felt annoyed when she saw that scene. Iyon kasi ang unang beses na nakita niyang hindi pumalag si Knives nang halikan ito ng isang babae sa pisngi.“What a coincidence! What are you doing here?” anang babae na hindi makapaniwala. Maganda ito at mukhang modelo, pero hindi tulad ng iba, simple lang itong manamit at hindi malaswa. Isang sleeveless floral dress na kulay pink ang suot nito at isang white h
SA BUONG ng dinner ay halos hindi magsalita si Keiko. Naiinis siya na hindi n'ya maintindihan kung bakit. Tuloy ay halos hindi n'ya nagalaw ang mga pagkaing nakalagay sa kanyang plato. Naiirita siyang makita na hindi naman baldado si Analeigh pero halos ni Knives na ang nagsandok ng mga kakainin nito. Maging ang paghimay ng hipon ay ito pa ang gumawa para sa babae na never nitong ginawa sa kan'ya.“Are you okay, hon? You don't seem to be in the mood?” mahinang bulong ni Seiichi na dumukwang palapit sa girlfriend.Humarap si Keiko sa fiancé saka pilit na ngumiti. “Yeah, I'm okay,” aniya. “I'm going to the restroom. I need to freshen up,” paalam pa ni Keiko saka tumayo na.“Are you going to the restroom?” nakangiting tanong naman ni Analeigh nang makita tumayo ang babae.“Yup.”“Me too.” Magkasabay na nagtungo sa restroom ang dalawang babae at naiwan sa table ang dalawang lalaki. The atmosphere between the two men suddenly became intense, even though they weren't talking and were just
“DAD? What should I do? Should I introduce the twins to their father?”Nasa pool area si Keiko, kasama ang kanyang daddy at masinsinang nag-uusap. Bukas na ang birthday ni Lola Mathilde ay nangako siyang pupunta siya. But she still can't decide whether she should introduce Knives to their children or not.Bukas, tiyak na makakaharap niya ang Dawson Family, at hindi n'ya alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga ito kapag nakita nito ang kambal. Lalo na si Kennedy Dawson, ang lolo ng kambal. Alam niyang noon pa man ay gustong-gusto na nitong magka-apo, as well as Lola Mathilde.“I'll be frank, hija. I think it's the right time to introduce him to the twins,” ani Kenji. “Malapit na kayong ikasal ni Seiichi, mas mainam na habang hindi pa kayo kasal ay makilala na ng mga anak mo ang kanilang tunay na ama nang sa gayon ay maiwasan ang confusion.”Napatango-tango naman si Keiko. Mukhang tama ang kanyang daddy. Wala rin namang ipinagkaiba kung patatagalin pa niya dahil makikilala't makikila
“IS HE my grandson?”Blangko ang ekspresyon ni Keiko habang nakatingin kay Kennedy Dawson. Kahit ilang taon na ang nakalipas, hindi n'ya makakalimutan ang lahat ng ginawa nito para pahirapan siya. He was against her relationship with Knives before and now he expects her to introduce him to his grandchildren?Naging matigas ang anyo ni Keiko habang nakatingin kay Kennedy Dawson. Hindi pa rin nagbabago ang matanda sa paningin ni Keiko. Maaaring kumulubot man ang mukha nito dahil sa katandaan, naroon pa rin ang pagiging tuso nito. And if he truly regretted what he had done to her before, she wasn't ready to forgive the old man yet.“Grandson?” ani Keiko na blangko ang ekspresyon. “As far as I know, you didn't want me to be part of the Dawson family, so how did my children become your grandchildren?”‘My children?’ Natigilan si Kennedy, saka muling tumingin sa batang nasa harapan niya, at ganoon na lang ang pangingislap ng kanyang mga mata nang makitang kambal pala ang kanyang apo na isa
“HINDI mo pa ba sinasabi sa mga bata ang totoo?”Marahang umiling si Keiko kay Lola Mathilde. “Hindi pa po, lola.”“Kung gano'n kailan? Hanggang ngayon, galit ka pa rin ba kay Knives?” tanong ni Lola Mathilde.Alam niya kung ano ang nangyari sa dalawa kung bakit naghiwalay ang mga ito. Galit na galit siya noon sa anak niyang si Kennedy nang malaman niya ang totoo. Sa katunayan, ipinahanap din niya si Lalaine sa kanyang mga tauhan pero katulad ni Knives ay hindi nito nakita ang babae.Nakita niya kung gaano nahirapan ang kanyang apo lalo't nakikita niya na mahal na mahal nito si Lalaine. Masakit sa kan'ya ang bagay na iyon pero wala rin naman siyang magawa para tulungan ito. Nasaksihan din niya kung paano ginawang motivation ni Knives ang sakit na iyon para ayusin ang sarili. Hanggang sa napagtagumpayan nito ang mga paghihirap na pinagdaan nito simula noong umalis ito sa poder ng ama.“Apo, alam kong hindi maganda ang pinagdaanan ninyo ni Knives. Matigas talaga ang ulo ng batang 'yon p
“THAT handsome man is not your uncle, he's your daddy, Kaiser and Kaori...”Maang na napatingin si Knives kay Keiko at hindi n'ya alam kung nagkamali lang ba siya ng pandinig, pero nang masayang tumakbo sa kan'ya ang kanyang mga anak ay doon niya napagtanto na totoo ang kanyang naulinigan.“Daddy!” masayang bulalas ni Kaori at saka sabay na tumakbo ang dalawang paslit papalapit sa kan'ya at yumakap.“Daddy, saan ka po nagpunta? Bakit ngayon lang po namin ikaw nakita?” inosente namang tanong ni Kaiser na habang nakatingin sa kanyang mga mata.“We miss you so much, daddy! Super happy po kami dahil kasama ka na po namin!” masayang-masaya na hirit pa ni Kaori.Doon na tuluyang nag-sink in kay Knives ang nangyayari. Niyakap niya nang mahigpit ang mga anak kasabay ng pagtulo ng masaganang luha. Napakatagal niyang hinintay na makasama't mayakap ang kanyang mga anak at ngayong natupad na ay para siyang nananaginip.“I'm really sorry if you haven't been with daddy for a long time,” hinging-pau
“CAN I dance with you, for the first and last time?” Pumailanlang na sa paligid ang malamyos na kanta pero si Keiko ay kunot-noo lang na nakatingin kay Knives. Kumabog din ang kanyang dibdib sa hindi niya malamang dahilan. Bakit naman siya kinabahan? Magsasayaw lang naman sila.“Please?” pakli pa ni Knives nang hindi sumagot ang babae at nakatingin lang sa kan'ya. “Don't worry, magsasayaw lang tayo. Wala 'tong ibang ibig sabihin,” dagdag pa niya.“S-Sure. Why not?” napapahiyang sagot naman ni Keiko saka inabot ang nanginginig na kamay sa lalaki at nakipag-daop palad. Muntik pang mapapiksi si Keiko nang maramdamang tila ba may munting boltahe ng kuryente ang gumapang sa kanyang palad nang magdampi ang kanilang mga balat.“Thank you...” ani Knives saka marahang inalalayan ang babae at dinala sa malaking espasyo ng balcony upang makakilos sila ng maayos.Marahan ding inalalayan ni Knives ang mga kamay nito na ilapat sa kanyang magkabilang balikat, at siya naman ay hinapit ito sa baling
“KUNG gano'n, ako ang piliin mo, Lalaine. Hiwalayan mo na siya at bumalik ka na sa'kin...”Hindi makapagsalita si Keiko ng mga sandaling iyon. Kung ganoon lang sana kadali lahat...pero hindi. Hindi ganoon kadali dahil mayroon siyang Seiichi na nagmamahal sa kan'ya at nagtitiwala. Malaking pagkakamali na nagpadala siya sa bugso ng damdamin at pumayag na halikan siya nito kaya naman labis niyang pinagsisisihan iyon. “L-Let's stop this nonsense, Knives. Aalis na ako,” sa halip at sagot ni Keiko saka astang tatalikod na subalit mahigpit siyang hinawakan ni Knives sa kanyang pulsuhan para pigilan.“Nonsense? Tell me Lalaine, wala lang ba sa'yo ang halik na 'yon?” tanong ni Knives sa babae na may bahid ng galit ang tinig.Mariing naikuyom ni Keiko ang kanyang kamao. Kilalang-kilala siya ni Knives kaya kahit magsinungaling pa siya ay alam niyang malalaman pa rin nitong hindi siya nagsasabi ng totoo.“O-Oo, wala lang 'yon!” sagot ni Keiko kahit alam niyang kasinungalingan iyon. “Gusto ko lan
“I'M sorry, Kairi. I can't marry you...”Naomi returned the ring to Kairi with tears in her eyes. Kairi couldn't understand why her fiancé did that. They were planning to get married but why is she suddenly returning the ring to him now? What the fuck is really happening?“But why? Did I do something wrong, babe?” gulong-gulo na tanong ni Kairi sa nobya saka hinawakan ang kamay at bakas ang matinding pagtatanong sa mga mata.Pero iwinaksi ni Naomi ang kamay na hawak ng nobyo at saka tinakpan ang mukha gamit ang palad at umiyak. “Akiko-san to no o miai ga kimarimashita. Gomen'nasai, Kairi. (My arranged marriage meeting with Akiko has been arranged. I'm so sorry, Kairi.)”Nang marinig iyon ni Kairi ay natigilan siya. Si Akiko ay ang lalaking gusto ng mga pamilya ng kanyang nobya para rito. Kairi thought the man had completely backed out of the agreement, but why would the two get married now? No! Hindi siya makakapayag. Noong una pa lang niyang makita si Naomi, alam niyang ito ang baba
“MASAKIT ba, hija? Pasensya ka na. Wala akong magawa sa t'wing sinasaktan ka ni Sir Henry. Natatakot din kasi akong baka pag-initan n'ya ang pamilya ko.”Mula sa kawalan ay bumaling ang tingin ni Abby kay Manang Ising. Kasalukuyan niyang nilalagyan ng ointment ang sugat niya sa bibig, braso, at binti na katulad ng dati ay tinamo niya mula sa pagmamaltrato ng demonyong si Henry.Her whole body was covered in bruises and scratches, a sign of Henry's sadism. Mas lalo kasi siyang ginagahan kapag nakikita niyang nagmamakaawa ang dalaga sa kan'ya. He feels like he's the lookking and she's his slave. “O-Okay lang po, Manang Ising. Naiintindihan ko po kayo,” saad ni Abby na pilit ngumiti sa matanda.Muling kumuha ng cotton buds si Manang Ising at muling nilagyan ng ointment saka magaang ipinahid sa mga sugat ng kawawang dalaga. Habag na habag siya rito pero wala naman siyang magawa para matulungan ito.“Bakit ba kasi hindi ka na lang umalis? Magpakalayo-layo ka. Magtago ka kahit saan. Basta
ALAS-SINGKO ng hapon ang eksaktong labas ni Abby, at awtomatikong nanginig ang kanyang mga kamay nang makita ang isang itim na Rolls Royce na naka-park sa tapat ng banko kung saan siya nagtatrabaho. Isang bodyguard ang nakatayo sa labas habang hinihintay siya. Habang papalapit ay nanlumo si Abby dahil alam niya na kahit anong gawin niya ay hindi na siya makakatakas pa sa kamay ni Henry Scott. Ni mga pulis ay ayaw tumulong sa kan'ya dahil marinig lang ang pangalan nito ay parang asong nababahag ang buntot.Gustuhin man niyang tumakbo at tumakas kay Henry ng mga sandaling iyon, alam ni Abby na magiging useless lang ang lahat dahil magkikita't makikita din siya nito. Nang minsan ngang sinubukan niyang magtago, sa halip na hanapin siya ay ang kanyang pamilya sa Capiz ang pinuntahan ng mga ito. Sa takot niya na may mangyaring masama sa pamilya ay kusa na siyang lumabas sa pinagtataguan.“Good evening, Ms. Del Rosario,” bati ng bodyguard ni Henry sabay bukas ng pinto ng back seat. Doon, ki
“LET'S break up, Abby. I can't do this anymore...”Tila pinagbagsakan ng langit at lupa si Abby sa narinig. Ang mga salitang iyon ay para bang kutsilyo na paulit-ulit na sumasaksak sa kanyang puso. Maging ang kanyang luha ay biglang bumalong na para bang isang ulan na walang tigil sa pagbuhos.Paano na lang siya kung iiwan siya ni Jake? Si Jake na lang ang tanging kakampi niya pero iiwan pa siya nito. Bakit? Paano nito nagagawang makipaghiwalay sa kan'ya gayong pitong taon na sila nito? Ganoon lang ba talaga kadali para kay Jake na iwan siya pagkatapos ng lahat? Ang akala niya ay tanggap siya nito, tanggap nito ang pagkatao niya. Pero bakit bigla na lang itong makikipaghiwalay sa kan'ya? Did she do something wrong? Aren't they planning to get married? Hinawakan ni Abby ang kamay ng nobyo habang umiiyak. “Jake naman. Seven years na tayo. B-Bakit ngayon ka pa makikipaghiwalay sa'kin? Did she do something wrong? Don't you love me anymore?” umiiyak niyang tanong. Nagulat si Abby nang
•••••“ANAK, sigurado ka na ba? Pwede namang dito ka na lang sa probinsya natin maghanap ng trabaho habang nag-aaral. Bakit kailangang sa Maynila pa? Ang balita ko, maraming masasamang tao doon sa Maynila,” nag-aalalang tanong ni Letisha sa anak na si Abby. Matamis na ngumiti si Abby sa kanyang Nanay Letisha. “Naku nay! Kung kailan naisangla na natin ang lupang sakahan, saka mo pa sasabihin sa'kin 'yan? Paano ko matutubos ang lupa natin kung aatras ako?” pabirong sagot naman ni Abby.Ang totoo, nasasaktan si Abby dahil ang lupang iyon ang tanging alaala ng kanilang tatay na maagang nawala dahil sa pneumonia. Kaya naman bilang panganay, ipinangako niya sa sariling magsisikap siya at magtatrabaho nang sa gayon ay matubos nila iyon sa lalong madaling panahon.“Nag-aalala lang naman ako sa'yo, anak. Mag-isa ka lang doon. Paano ka na lang kapag may sakit ka? Sinong mag-aalaga sa'yo?” Hindi pa rin mapalagay ang puso ni Letisha para sa pag-alis ng panganay na anak, dahil iyon ang unang be
——— Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire Book 2: “SAVE ME, LOVE ME, ATTORNEY.” (Kairi Inoue and Abby del Rosario Story) SYNOPSIS: Bitbit ang pangarap na makapag-aral ng kolehiyo habang nagtatrabaho, mula probinsya ng Capiz ay lumuwas si Abby sa magulong siyudad ng Maynila. Subalit hindi niya akalain na sa halip na pag-asa, bangungot pala ang naghihintay sa kan'ya. Nakaranas siya ng pang-aabuso mula sa mayamang negosyante na sinamantala ang kanyang murang edad at pagiging walang muwang mundo. Wala siyang mapagsabihan ng kahayupang iyon na ginagawa sa kan'ya, kahit sa best friend niyang si Keiko. Ilang taon ang lumipas, naging maalawan ang buhay ng kanyang kaibigan nang makilala nito ang tunay na ama at mangibang-bansa. Naiwan siyang nag-iisa at patuloy na dumaranas ng kalupitan. Ni wala siyang lakas ng loob para sabihin iyon sa kanyang pamilya dahil ayaw niyang mabigo ang mga ito sa kan'ya. Hanggang sa muling magbalik ang kaibigan niyang si Keiko sa Pilip
NINE MONTHS LATER...“BABY! I'm here in okay? Please calm down! Kaya mo 'yan. Malapit nang dumating si Doc Ivy!” natatarantang bulalas ni Knives habang nag-aalalang nakatingin sa asawang nakahiga sa delivery room at hawak ng mahigpit ang kanyang kamay. Pawis na pawis na ito at namumutla ang mukha ng mga sandaling iyon tanda na nahihirapan ito.“Sobrang sakit na, Knives! 'Di ko na kaya! Parang mamamatay na 'ko!” bulalas ni Keiko habang umiiyak. “Bakit ba kasi ang tagal ng doktor na 'yon?!” Napakasakit na ng tiyan ni Keiko at pakiramdam n'ya ay malapit nang lumabas ang kanyang anak sa sinapupunan. Pero bakit wala pa rin ang OB niya? Saan ba ito nagpunta?“P-Papunta na si Doc Ivy, baby. 'Wag ka nang magalit, baka mapaano ka pa pati si baby,” pagpalakalma ni Knives sa asawa pero siya naman itong abot-langit ang kaba para sa kanyang mag-ina.Ito ang unang beses na matutunghayan niyang isilang ng pinakamamahal niyang asawa ang bunso nilang anak. Noong isilang kasi nito ang kambal ay wala s
“SHIT! Bakit pa kasi ngayon nangyari 'to?”Naiinis na tumingin si Seiichi sa babaeng kasama n'ya sa presinto ng mga sandaling iyon. Isang oras na lang ay mag-uumpisa na ang kasal ni Keiko at Knives pero heto't nasa harap siya ng mga pulis at paulit-ulit na nagpapaliwanag.“Bakit ba kasi ayaw mo pang aminin na ikaw talaga ang nanghipo sa'kin para matapos na? Pare-pareho tayong male-late nito eh. May pupuntahan pa ako,” inis na sabi ng babae kay Seiichi.“Oo nga naman, Sir. Bakit ayaw mo pang aminin nang matapos na? Mukhang pareho pa kayong may lakad, oh?” sabat naman ng pulis investigator na kaharap nila ng mga sandaling iyon.Marahas na bumuntong-hininga si Seiichi saka tumingin sa wrist watch. Wala siyang dalang kotse dahil coding iyon kaya naman nag-bus na lang siya. Hindi na siya sumabay sa mag-aamang Inoue dahil may kailangan pa siyang daanan sa opisina. “Look, Miss. I don't have time for this,” sagot ni Seiichi saka tumayo na at humarap sa investigator saka dumukot ng calling ca
“MAY I have your attention please?” mayamaya pa'y pakiusap ni Knives sa nagkakagulong guests and reporters. “I have an important announcement.”Nahinto ang lahat at natahimik nang marinig ang sinabing iyon ni Knives. Mayamaya pa'y muling bumaling ang lalaki kay Keiko at masuyong nagsalita. “May I?” ani Knives saka inilahad ang kamay.Puno ng pagtatanong ang mga mata ni Keiko pero hindi na siya nagtanong pa. Inabot niya ang palad sa nobyo at inalalayan siya nito patungo sa pinakagitna ng banquet hall. They slowly walked up to the mini stage where there were two chairs decorated with her favorite flower—the beautiful daisy. Pakiramdam ni Keiko ay para siyang prinsesa at si Knives naman ang makisig na prinsipe nang gabing iyon. Mabilis ang pagtibok ng kanyang puso na para bang malakas itong binabayo.“K-Knives...ano ba ang nangyayari?” naguguluhang tanong ni Keiko nang hindi na siya makatiis pa.Matamis na ngumiti si Knives sa nobya saka ginagap ang kanyang kamay. “You'll find out late