♥♥♥♥♥♥IKINUYOM ni Lalaine ang mga kamao at kinontrol ang sariling paghinga kahit pakiramdam niya ay kinakapos na siya.Ngunit kahit anong gawin ni Lalaine, hinding-hindi n'ya makakalimutan na ilang beses din n'yang nayakap si Knives ng mas intimate pa roon. Hindi lang 'yon, nagawa rin siya nitong bilhan ng sanitary napkin. At kapag mayroon siyang menstruation ay marahan nitong hinahaplos ang kanyang puson sa t'wing masakit.Kapag mayroon naman siyang sakit, hindi ito pumapasok sa trabaho at inaalagaan lang siya hanggang sa gumaling siya. Lalong-lalo na, sa mga hindi niya inaasahang pagkakataon ay lagi itong dumarating kung kailan kailangan niya ng tulong nito...Hindi niya alam kung paano at kailan siya umibig sa lalaki. Ni hindi niya alam kung may pagtingin ito sa kan'ya o substitute lang talaga ang tingin nito sa kan'ya. Ang tanging alam lang n'ya ay nagmahal siya sa maling tao at sa maling pagkakataon... Pakiramdam ni Lalaine ay may malaking kutsilyo ang bumaon sa kanyang dibdib
NAGISING si Lalaine na masakit ang ulo at namamalat ang lalamunan sa suite na pagmamay-ari ni Knives Dawson. Ramdam din niya ang pananakit ng katawan na para bang nabugbog iyon. Nang magtangkang bumangon si Lalaine ay nabigo siya dahil may kung anong kirot siyang naramdaman sa kanyang pagkababae. Na-realized din niyang hubot-hubad siya nang dumampi sa kanyang balat ang malamig na hangin mula sa air-conditioning ng naturang silid. Binalot ni Lalaine ang sarili sa comforter saka nagtalubong upang pawiin ang lamig na nararamdaman, subalit nang ipikit niya ang mga mata ay lumitaw sa kanyang isipan ang mainit na eksenang namagitan sa kanila ng kanyang asawa. Tuloy ay naramdaman niyang uminit ang kanyang pisngi dahil sa matinding kahihiyan. Bagaman ang lalaking nakaniig niya ay ang kanyang asawa, ngunit sa papel lamang iyon. Ikinasal silang hindi nila kilala ang isa't-isa at isang beses lang niya itong nakita noong kunin niya ang marriage certificate, tatlong buwan matapos nilang ikasal.S
KALAUNAN, nalaman ni Lalaine na malaki ang pagtutol ni Knives Dawson sa kanilang kasal, at kaya lang ito pumayag na pakasalan siya ay dahil kay Lola Mathilde. Sinabi ng matanda na hindi nito ibibigay ang pamamahala ng kompanya kung hindi siya nito pakakasalan. Wala namang nagawa si Knives kundi pumayag sa kagustuhan ng matanda. Ngunit kahit alam niyang ganoon ang naging sitwasyon, lubos pa rin siyang nagpapasalamat kay Knives at kay Lola Mathilde dahil bago namayapa ang kanyang mahal na lola ay naibigay niya ang kahilingan nito. Nang malaman ni Lalaine na bumalik na si Knives sa Pilipinas makalipas ang isang taong pangingibang bansa ay dali-dali niyang pinuntahan ito. Sinamantala ni Lalaine ang pagkakataon, tutal ay namayapa na ang kanyang lola at natupad na niya ang kahilingan nito ay sasabihin niyang magpa-file na siya ng annulment. Wala nang dahilan pa para ikulong niya ang sarili sa kasal na iyon lalo pa't alam niyang walang pagmamahal na namamagitan sa kanilang mag-asawa. Suba
MULA sa isang luxury car na Bentley Spur ay bumaba si Knives na punong-puno ng charisma. Bagay na bagay sa lalaki ang suot nitong Dormeuil Vanquish ll— a million dollar high-end suit. Walang hindi mapapatingin kay Knives Dawson ng mga sandaling iyon dahil napakalakas ng aura nito habang naglalakad papasok sa lobby ng Celestial Hotel. He was at the hotel because he had a meeting with Mr. Davis, one of their investors an they will discuss their company's new project. "Mr. Dawson, I have chosen a condo for Ms. Aragon. It's in Manila and near the university where she studies so it's more convenient," saad ni Liam sa kanyang boss. Kasa-kasama siya ng kanyang boss kung saan man ito magpunta, dahil kahit wala ito sa trabaho ay marami pa rin itong inaasikaso. "Good," matipid namang sagot ni Knives. Bagaman sa papel lang sila kasal ni Lalaine Aragon ay ito pa rin ang babaeng gusto ng kanyang Lola Mathilde kaya naisip niyang i-compensate ito kahit papaano. Isa pa'y nakipag-sex siya sa ib
“B-BAKIT nandito ka?!" nauutal na tanong ni Lalaine.Ang lalaking iyon ay si Benjamin Scott —schoolmate niya ito sa university kung saan siya nag-aaral, at paris niya ay nasa second year na rin ito sa kolehiyo. Hindi niya ito personal na kilala subalit ang pamilya ng lalaki ay kilala dahil politiko ang ama nito. Hindi rin niya alam kung may gusto ang lalaki sa kanya pero sa tuwing nagkikita sila nito sa university ay palagi itong nakatitig na para ba siyang hinuhubaran.Awtomatikong umahon ang matinding kaba sa dibdib ni Lalaine ng mga sandaling iyon. Masama ang kutob niya sa lalaking kaharap niya at nakangisi ng nakakaloko. Elegante man itong manamit subalit hindi naman maitatago niyon ang tunay nitong kulay."N-Nasaan ang kapatid ko? Bakit ikaw ang nandito?" nauutal niyang tanong sa lalaki saka pasimpleng naglakad paatras. "Kapatid?" nakangising tanong nito saka naglakad papalapit sa kinaroroonan niya. Naalerto si Lalaine kaya naman mabilis siyang pumihit patungo sa direksyon ng pi
NANG makita ni Benjamin ang box ng birth control pills ay nanlisik ang kanyang mga mata kaya dinaklot niya ang leeg ni Lalaine at sinakal. Lalo pang siyang nag-apoy sa galit nang makita ang leeg ng babae na mayroon mapupulang marka na sigurado siyang ang lalaki nito ang may gawa. He thought she was still a virgin because that was what Lalaine's mother assured to him. It turned out that the shameless old hag was just lying to get his money. 'Humanda ka punyetang matanda ka! Makikita mo kung sino ang tinarantado mo!' nanggagalaiti niyang saad sa isipan. Pumalatak si Benjamin at saka buong pagkadismaya na pinasasadahan ng tingin ang dalaga. "I thought you were still a virgin. But fuck! Natikman ka na pala ng ibang lalaki," nagngingitngit na wika ni Benjamin pero mayamaya rin ay nag-ngising aso ito. "Siguro naman papayag ka na sa gusto ko? Tutal nilaspag ka na ng iba." Natigilan naman si Lalaine nang makita ang kahon ng contraceptives na binili niya. Hind niya naitapon iyon sa pagm
AYON sa nakalap na impormasyon ng kanyang secretary, simula't simula ay nakilaglapit ito sa kanyang Lola Mathilde dahil mayroon itong ibang motibo. Palabas lang ng babae na kaibigan ang turing nito sa matanda, at ang plano nito ay kuhain ang loob ng kanyang lola. Kung hindi lang isinangkalan ng Lola Mathilde niya ang kompanya, at kung hindi lang sana nagkaroon ng problema sa kanilang kompanya sa California dahilan para mamalagi siya roon ng isang taon, hindi niya hahayaan na mangyari ang bagay na iyon. He would never allow someone like Lalaine Aragon to take advantage of his Lola Mathilde's kindness. Pakiramdam ni Knives ay nanakit ang kanyang mga mata sa pagtitig pa lang sa mapagpanggap na babae, kaya binalingan niya ang secretary at malamig na nag-utos, "Press the button." Mabilis namang sinunod iyon ng secretary ni Knives subalit naudlot ang sana'y pagsara ng elevator nang mula sa kung saan ay humahangos ang isang lalaki. Naalerto naman si Lalaine dahil alam niyang si Benjamin i
“IF YOU keep hanging out with people like this, I will personally tell Olivia to cancel your engagement," mariing wika ni Knives kay Benjamin.Tila naman sinampal si Lalaine ng mga oras na iyon dahil sa sinabi ni Knives. Kahit hindi sa kanya sinabi iyon ng lalaki, alam niyang siya ang pinatatamaan nito ng mga oras na iyon. Gustong dipensahan ni Lalaine ang sarili pero nang tingnan niya si Knives ay bakas sa mukha nito ang matinding disgusto, kaya naman minabuti na lang niyang huwag nang magpaliwanag pa. Alam naman niyang hindi siya paniniwalaan ng lalaki kahit maglupasay pa siya."I'm sorry, Kuya Knives. This will never happen again, I promise," hinging-paumanhin naman ni Benjamin subalit sa isipan niya, gustong-gusto niyang sakalin ang punyetang si Lalaine dahil kung hindi sana ito tumakas, hindi sana siya makikita ni Knives Dawson na ganoon ang itsura.Hindi maaaring ma-cancel ang engagement niya kay Olivia dahil kailangan ng pamilya niya ang kapangyarihan ng mga Dawson. Kung masira
♥♥♥♥♥♥IKINUYOM ni Lalaine ang mga kamao at kinontrol ang sariling paghinga kahit pakiramdam niya ay kinakapos na siya.Ngunit kahit anong gawin ni Lalaine, hinding-hindi n'ya makakalimutan na ilang beses din n'yang nayakap si Knives ng mas intimate pa roon. Hindi lang 'yon, nagawa rin siya nitong bilhan ng sanitary napkin. At kapag mayroon siyang menstruation ay marahan nitong hinahaplos ang kanyang puson sa t'wing masakit.Kapag mayroon naman siyang sakit, hindi ito pumapasok sa trabaho at inaalagaan lang siya hanggang sa gumaling siya. Lalong-lalo na, sa mga hindi niya inaasahang pagkakataon ay lagi itong dumarating kung kailan kailangan niya ng tulong nito...Hindi niya alam kung paano at kailan siya umibig sa lalaki. Ni hindi niya alam kung may pagtingin ito sa kan'ya o substitute lang talaga ang tingin nito sa kan'ya. Ang tanging alam lang n'ya ay nagmahal siya sa maling tao at sa maling pagkakataon... Pakiramdam ni Lalaine ay may malaking kutsilyo ang bumaon sa kanyang dibdib
♥♥♥♥♥“MS. Aragon, blangko ang booklet mo. Walang kahit anong nakasulat tungkol sa address mo at personal information. Hindi namin ito matatanggap ito.”Namutla si Lalaine nang marinig ang sinabi ng staff, sabay abot ng booklet at nakita niyang wala ngang kahit anong nakasulat doon. Importante pa naman ang booklet na iyon dahil ito ang isa sa mga requirements para sa annulment procedures.Buong pagtatakang inisa-isa ni Lalaine ang pahina ng booklet. Paano nangyari na walang nakasulat doon gayong last time na nagpunta sila ni Knives sa Regional Trial Court ay nag-fill up siya sa booklet na iyon.Ngumisi naman si Knives nang marinig iyon habang nakatayo sa kanyang tabi. “Ano namang kalokohan 'to?” pang-uuyam na tanong ni Knives. Para bang gusto nitong palabasin na sinadya niya iyon nang sa gayon ay hindi matuloy ang kanilang annulment. Pinagtitinginan rin siya ng mga naroon at may palihim na ngiti habang pinanonood siya.Uminit ang pisngi ni Lalaine dahil sa matinding pagpakahiya. Ikin
♥♥♥♥♥♥“GWYNETH, she's not a substitute...”Nanigas si Gwyneth pagkarinig sa sinabi ng nobyo at makalipas ng ilang segundo ay ngumiti siya ng pilit. “Honey...what are you talking about? Don't lie to yourself. Kapag tinitingnan mo ang mga mata n'ya, ako ang nakikita mo 'di ba?”Ang kaninang madilim na anyo ni Knives tila dumoble dahil sa tinuran ng nobyo. She looks like her? Nah. He didn't see any resemblance. All he saw in Lalaine's eyes was stubbornness and nothing else. Every time he looked into her eyes, he couldn't help but want to tame her.“She wasn't a substitute for anyone, and I don't have that kind of feelings for you,” malamig na turan ni Knives. Ayaw n'yang bigyan ng false hope si Gwyneth kaya habang maaga pa ay tinapat na niya ito.Ang maputla namang mukha ni Gwyneth ay lalong tinakasan ng kulay nang marinig iyon mula sa bibig ng nobyo. “H-Honey, do you hate me because I've been in bed for so long and my body has changed? Promise, nagpapagaling ako at ibabalik ko ang dati
♥♥♥♥♥♥“WHY are you here?” malamig na tanong ni Knives kay Gwyneth sabay bawi sa kamay niyang hawak ng babae.Natigilan si Gwyneth sa malamig na pakikitungo ni Knives sa kan'ya ng mga ilang segundo, pero pilit siyang ngumiti pagkatapos. “I haven't seen you all day and I miss you, that's why I'm here.”Hindi sumagot si Knives, sa halip ay marahan niyang hinilot ang kanyang sentido dahil pakiramdam n'ya ay sumakit iyon. Just now, he thought he was dreaming, but when he touched the woman, he forgot everything and couldn't help but punish her with a kiss. Pero no'ng nagbalik na siya sa wisyo, muli niyang naalala ang pangloloko at pagtratdor nito sa kan'ya. Parang gusto niya itong sakalin hanggang sa malagutan na ito ng hininga.Kunot-noong tumayo si Knives at saka pinagmasdan si Gwyneth na noon ay nakatingala naman sa kan'ya. “Si Mr. Miller na ang maghahatod sa'yo pauwi,” aniya sa babae na ikinagulat naman nito.“H-Honey!” pagtawag naman ni Gwyneth nang basta na lang tumalikod si Knives
NANG makalabas sa rehabilitation center, nahulog ang isipan ni Lalaine sa malalim na pag-iisip. Tuloy ay hindi niya namalayang matagal na pala siyang nakaupo at nakatulala lang sa waiting shed ng bus stop.Gabi na nang namalayan ni Lalaine ang oras. Wala sa sariling kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Knives. Gusto niyang itanong sa lalaki kung bakit nito iyon ginawa para sa kanyang kapatid. Gusto niyang tanungin kung substitute nga ba ang turing nito sa kan'ya. Kahit masakit mang marinig ang katotohanan, ay gusto niyang malaman.Habang tumatawag, walang ibang naririnig si Lalaine sa kabilang linya kundi ang operator. Naka-off ang cellphone ng lalaki kaya hindi iyon matawagan. Nakagat ni Lalaine ang pang-ibabang labi, at dahil wala na siyang pagpipilian, si Mr. Miller na lang ang tinawagan niya ng mga sandaling iyon.Hindi na nag-aalinlangan pa si Lalaine na kontakin si Mr. Miller dahil kung mag-aatubili pa siya ay baka tuluyan nang mawala ang lakas ng kanyang loob ng or
“KUYA Elijah, umuwi ka na muna. Gusto kong mapag-isa...”Masuyo namang pinagmasdan ni Elijah si Lalaine saka sinabing, “Okay. Tawagan mo na lang ako kapag may problema,” aniya saka kinuha ang damit na natapunan ng lugaw at lumabas na ng apartment nito.Sa loob-loob ni Elijah, hindi na n'ya pala kailangang maghirap pa kung paano paghiwalayin ang dalawa dahil ang mga ito na mismo ang gumawa ng paraan. Ang tanging gagawin na lang niya ay maghintay kung kailan lalapit sa kan'ya si Lalaine para magawa na niya ang plano.Samantala, nang mag-isa na lang si Lalaine sa kanyang apartment ay doon lang niya napansin ang paper bag na nalaglag sa sahig kanina. Mabilis niyang dinampot iyon dahil nabasa niyang para ito sa kan'ya. Binuksan ni Lalaine ang paper bag para tingnan kung ano ang laman nito at awtomatikong nangilid ang kanyang luha nang makita kung ano ito.Sa loob ng paper bag ay isang pearl necklace na kumikinang at napakaganda. Bigla tuloy niyang naalala nang minsan tanungin siya ni Knive
“MAGPALIWANAG ka...”Kumuyom ang mga kamao ni Lalaine. Hindi siya nagsalita at mariing itinikom ang bibig.Isang segundo... Dalawang segundo... Tatlong segundo... Nanatiling hindi nagsasalita si Lalaine kaya naman ang pisi ng pasensya ni Knives ay tila naubos na. Humakbang siya papalapit sa babae at saka umangil. “Magsalita ka at magpaliwanag!” asik ni Knives saka mahigpit na hinawakan sa braso si Lalaine. Nanlilisik ang mga mata nito na para bang gusto nitong kainin ng buhay ang babae.Bago pa makasagot si Lalaine ay mabilis namang sumaklolo si Elijah. Hinila niya siya patungo sa kanyang likuran at ikinubli.“Mr. Dawson, sinasaktan mo si Lalaine,” awat ni Elijah na may seryosong anyo.“Get lost. Hindi ikaw ang kinakausap ko,” mariin namang sagot ni Knives saka itinulak si Elijah at muling hinila papalapit sa kan'ya si Lalaine.“Speak!” utos niya kay Lalaine na noon ay mababakas ang matinding takot sa mga mata.Hindi malaman ni Lalaine kung bakit galit na galit sa kan'ya ang lalaki.
••••••DAHIL lutang, hindi alam ni Lalaine kung paano siya nakarating sa village ng Etheral Estate Apartment. Tumigil na ang malakas na buhos ng ulan ngunit ang dibdib niya ay napakabigat pa rin.Basang-basa siya, magulo ang buhok, at parang kawawang sisiw habang naglalakad sa loob ng village bitbit ang kahon ng mga gamit niya. Habang patuloy na naglalakad si Lalaine, pabigat nang pabigat naman ang kanyang nararamdaman. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, ngunit pakiramdam niya ay napakainit niya ng mga sandaling iyon.Eksaktong nasa tapat na si Lalaine ng kanyang apartment building ay nakaramdam siya ng pananakit ng kanyang ulo. Nanlalabo rin ang kanyang mga paningin kaya napahinto siya sa paglalakad. At nang muli sanang ipagpapatuloy ni Lalaine ang paglalakad ay bigla itong natumba at nawalan ng malay.Mabuti na lang, isang pigura ng matangkad na lalaki ang maagap na nakasalo kay Lalaine, dahilan para hindi ito sa sementadong kalsada bumagsak.Nang magising si Lalaine ay naroon na s
PAKIRAMDAM ni Lalaine ay namanhid ang kanyang mga binti at hindi makakilos matapos ang pag-uusap nila ni Mr. Kennedy Dawson. Nagbalik siya sa wisyo matapos ng mahabang sandali, at saka bumalik na sa kanyang desk at nag-impake ng mga gamit.At dahil wala si Ms. Divine, sa kanyang mga kasamahan sa trabaho na lang nakapagpaalam kay Lalaine. Inisip ng mga itong iyon ang huling internship niya kaya emosyonal ko koang mga ito.Nang makalabas si Lalaine bitbit ang kahon na naglalaman ng mga personal na gamit niya sa Debonair, ay makulimlim ang kalangitan. At mayamaya pa nga, isa-isa nang pumatak ang ulan kaya ang ilan sa mga tao na nakakasalubong niya at nagmamadaling humanap ng masisilungan.Si Lalaine lang ang bukod-tangi na naglalakad sa ulan ng walang payong at hinahayaan ang sarili na mabasa. Hindi niya maipaliwanag, pero kasing bigat ng malakas na pagbuhos ng ulan ang kanyang dibdib. Gusto niyang umiyak ng mga sandaling iyon pero nakakapagtakang walang lumalabas na luha sa kanyang mg