“NI HINDI nga ako magkaanak, paanong magiging anak kita?”Matapos marinig iyon ni Lalaine ay awtomatikong pumatak ang kanyang mga luha. Nasagot na ang matagal na niyang katanungan. Kaya pala ganoon na lang ang trato ng kanyang ina sa kanilang magkapatid. Kaya pala...Tuluyan nang nagdilim kay Lalaine ang lahat at wala na siyang alam kung ano sumunod na nangyari. Ang alam lang niya ay ang sakit ng kanyang puso, dulot ng natuklasan tungkol sa tunay na rason kung bakit ganoon kalupit ang kanyang ina.♥♥♥♥♥Nagising si Lalaine na nakatali ang kamay at papa habang nakasalampak sa malamig na semento. Hindi niya alam kung saan siya pero base sa itsura ng lugar ay mukha itong abandonadong bahay. Tuyong-tuyo ang kanyang lalamunan at dry na dry ang kanyang labi, ay kung tatansyahin niya at baka dalawang araw na siyang nakatali lang at natutulog sa lugar na iyon. Marumi na rin ang kanyang damit at bahagyang may punit subalit hindi niya matandaan kung paano niya nakuha ang mga iyon.Mayamaya'y u
“DAPAT kang mag-ingat, Madison! Ang isang 'to ay p'wede nating ipalit sa malaking halaga ng pera. Kapag mapatay mo s'ya, malaki ang mawawala sa'tin...”“Alam mo namang 'yan lang ang libangan ko, Madam Faye,” sagot naman ni Madison sabay Palo ng mahina sa puwitan ng babae.Naningkit ang mga mata ni Faye sa ginawang iyon ni Madison. “Go away, bastard! Pag hawakan mo pa ako ulit, puputulin ko 'yang kamay mo!” angil niya.Sa halip na masindak ay ngumisi pa si Madison sa kaharap. “Madam Faye, alam kong patay na patay ka kay Boss Flynn, pero kamalas-malasan mo. Kahit maghubad ka pa sa harapan n'ya, 'di ka n'ya papansinin. Kaya kapag tigang ka, puntahan mo lang ako,” nang-aasar na wika ni Madison sabay talikod at nagtuloy-tuloy ng labas.Naiwan si Faye at si Lalaine sa kwartong iyon. Nakangising pinagmasdan ni Faye si Lalaine habang kumukuha ng bakal na upuan. Naupo ito sa harap ni Lalaine habang magka-ekis ang mahahabang binti.Umangat ang isang kamay ni Faye upang itingala ang maliit na mu
MALALIM na ang gabi pero nasa opisina pa rin si Knives at nire-revieq ang mga dokumento na kakailanganin bukas para sa board meeting. Iyon ang nagiging normal na routine niya kailan lang.Habang nagbabasa, tumunog ang kanyang cellphone na nakapatong sa kanyang desk. Nang makitang si Gwyneth iyon ay kaagad niyang sinagot ang tawag.“Honey...” malambing na pagtawag ni Gwyneth sa nobyo.“Hmm?” tugon naman ni Knives sa kabilang linya.“May appointment tayo sa wedding coordinator sa next day ng 3PM. Magsusukat na rin tayo mg wedding dress. P'wede mo ba akong samahan?” tanong ni Gwyneth na sinadyang maging malamyos ang boses.Sandaling nag-isip si Knives, pero bago pa siya makasagot ay muling nagsalita ang babae. “If you can't make it the next day, let's just arrange a date when you're free.”Natatakot si Gwyneth na tumanggi ang lalaki kaya naman siya na lang ang mag-a-adjust para umangkop sa schedule ng nobyo. Sandaling natahimik si Knives sa kabilang linya na tila ba nag-iisip ng isasago
“CHECK where it came from...”Nang mai-send ang text na iyon, ilang minuto lang ang nakalipas nang magtungo ang secretary ni Knives at personal na sinabi sa kan'ya ang natuklasan.“Mr. Dawson, ang IP address ng overseas number ay galing sa China,” pagbabalita ni Liam. “Would you like to have your cellphone upgraded by company technicians so that you are not exposed to these phone scams?” tanong pa nito sa boss.“Okay,” maikling sagot ni Knives.“Alright, Sir,” ani Liam saka akmang tatalikod na nang pigilan ng kanyang boss.“May naka-schedule pa ba akong meeting mamaya?” tanong ni Knives sa lalaki.Bahagya namang nagulat si Liam sa tanong na iyon ng kanyang boss, pero kaagad ding sumagot. “Dahil naka-schedule kayo na samahan si Ms. Gwyneth para magsukat ng wedding dress kaya ang kasunod na appointment ay—” Nahinto si Liam nang makitang bahagyang dumilim ang anyo ng kanyang boss dahil sa sinabi niya. “You have two more important meetings to attend, Sir.”“Okay, arrange it,” ani Knives
“ALAM mo ba kung bakit ganito ang mukha ko? Dahil nang una akong mapunta rito, katulad mo rin ako na gustong tumakas. Pero nahuli ako ni Madam Faye, bilang parusa ay binuhusan n'ya ng asido ang mukha ko...”Naaalala pa ni Veronica— ang piping doktor kung gaano kasakit ang ginawang iyon sa kan'ya ng demonyong si Faye nang minsan magtangka siyang tumakas. Iyon bang pakiramdam na sinusunog ka ng buhay at naaamoy mo pa ang sarili mong laman na naluluto.At alam ni Faye na isa si Veronica sa magaling na medical students sa kolehiyo kung saan ang nag-aaral ang babae. Kaya sa halip na patayin ay binuhusan lang nito ng asido ang mukha niya at nilagyan nito ng proteksyon ang mga mata niya nang sa gayon ay hindi madamay sa pagkasunog at mapakinabagan pa siya.Pagkatapos ng pangyayaring iyon na bumago sa buhay ni Veronica, tuluyan na niyang kinalimutan ang ideya ng pagtakas sa mala-impyernong lugar na iyon para na rin sa ikabubutu niya.Matapos malaman ang salaysay ng babaeng pipi ay matamang p
NAGKATINGINAN si Lalaine at Veronica sa isa't-isa. Si Veronica ang taong bumaril kay Madison. Kaninang madaling-araw, habang mahimbing na natutulog ang mga bantay ay palihim na pumuslit si Veronica sa kwarto ni Lalaine dala ang isang Calibre 45 na matagal na niyang itinatago. Ang baril na iyon ay nadampot n'ya nang minsang may patayin si Boss M na isa sa mga tauhan nito.Ang unang hakbang ng kanilang plano ay tiyempuhan si Madison na mag-isang gumagawa ng kahayupan sa live sex show. At pagkatapos niyon ay lalansiin ito ni Lalaine papasok sa kanyang kwarto at doon naman kikilos si Veronica para barilin ang lalaki.Nangislap ang mga mata ni Veronica. Nagkaroon siya ng pag-asa na makakatakas sa impiyernong iyon dahil successful ang unang hakbang ng kanilang plano— ang mapatay ang demonyong si Madison.Mabilis na dinampot ni Lalaine ang red name tag na nakasukbit sa baywang ni Madison dahil iyon ang gagamitin nilang gate pass para makalabas sa mga security doors. Mahalaga ang bagay na iyo
PINAGMASDAN ni Lalaine ang masuyo at gwapong mukha ng lalaki. Maging mapuputi nitong ngipin ay kitang-kita kahit sa pinakamadilim pa yatang kapaligiran.Ang truck nito na may simbolo na isa ito opisyal sa lugar na pinaggalingan niya at ang red name tag na nakasukbit sa dibdib nito ay sumisimbulo kung ano ang katauhan ng lalaki nakatayo sa kanyang harapan. Hindi maaaring magkamali si Lalaine. Base sa itsura nito at lahat ng mga nakita niya, si Elijah...ay isa sa miyembro ng apat na taong nagpapatakbo ng impiyernong iyon...Ito ang taong hindi nakilala o nakita ni Veronica dahil madalang lang itong magpakita sa mga naroon, at tanging si Madam Faye at Madison lang ang nakakaalam sa tunay na katauhan ni Elijah Montenegro o kilala bilang “Flynn” sa lugar na iyon.Ito ang taong halos isamba na ni Lalaine dahil sa kabutihang loob...Ito ang lalaking pinagkatiwalaan ni Lalaine higit kaninuman...Ito ang taong mistulang anghel na bumaba sa langit at tinulungan at ginamot ang mga taong may saki
“WELL, dahil sinubukan niyong tumakas, kailangan niyo itong pagbayaran...”Naikuyom ni Lalaine ang mga kamao habang galit na galit na nakatingin kay Elijah. “Gusto lang n'yang makauwi mula sa impiyernong lugar na 'to! Anong masama roon?!” umiiyak pa ring sagot ni Lalaine.“That's the problem, she wanted to go home so I killed her,” kaswal namang sagot ni Elijah na kung umasta ay para bang pumatay lang ng hayop. “Let's go, I need to treat your wound,” anyaya pa ng lalaki saka umastang aakayin pa si Lalaine.Pero sa halip na sumunod, Wala sa sariling hinablot ni Lalaine ang baril ng lalaki na nakasukbit sa baywang nito saka itinutok iyon kay Elijah.“Hindi ako sasama sa'yo!” sigaw ni Lalaine habang nanginginig ang kamay na may hawak ng baril. Humakbang siya paatras kay Elijah pero dahil malala ang sugat niya sa kaliwang paa kaya muli rin siyang natumba sa sementadong kalsada.Gumasgas ang kamay ni Lalaine sa mabatong kalsada nang itukod niya iyon, pero nanatili sa kanyang kamay ang mahi
“I'M sorry, Kairi. I can't marry you...”Naomi returned the ring to Kairi with tears in her eyes. Kairi couldn't understand why her fiancé did that. They were planning to get married but why is she suddenly returning the ring to him now? What the fuck is really happening?“But why? Did I do something wrong, babe?” gulong-gulo na tanong ni Kairi sa nobya saka hinawakan ang kamay at bakas ang matinding pagtatanong sa mga mata.Pero iwinaksi ni Naomi ang kamay na hawak ng nobyo at saka tinakpan ang mukha gamit ang palad at umiyak. “Akiko-san to no o miai ga kimarimashita. Gomen'nasai, Kairi. (My arranged marriage meeting with Akiko has been arranged. I'm so sorry, Kairi.)”Nang marinig iyon ni Kairi ay natigilan siya. Si Akiko ay ang lalaking gusto ng mga pamilya ng kanyang nobya para rito. Kairi thought the man had completely backed out of the agreement, but why would the two get married now? No! Hindi siya makakapayag. Noong una pa lang niyang makita si Naomi, alam niyang ito ang baba
“MASAKIT ba, hija? Pasensya ka na. Wala akong magawa sa t'wing sinasaktan ka ni Sir Henry. Natatakot din kasi akong baka pag-initan n'ya ang pamilya ko.”Mula sa kawalan ay bumaling ang tingin ni Abby kay Manang Ising. Kasalukuyan niyang nilalagyan ng ointment ang sugat niya sa bibig, braso, at binti na katulad ng dati ay tinamo niya mula sa pagmamaltrato ng demonyong si Henry.Her whole body was covered in bruises and scratches, a sign of Henry's sadism. Mas lalo kasi siyang ginagahan kapag nakikita niyang nagmamakaawa ang dalaga sa kan'ya. He feels like he's the lookking and she's his slave. “O-Okay lang po, Manang Ising. Naiintindihan ko po kayo,” saad ni Abby na pilit ngumiti sa matanda.Muling kumuha ng cotton buds si Manang Ising at muling nilagyan ng ointment saka magaang ipinahid sa mga sugat ng kawawang dalaga. Habag na habag siya rito pero wala naman siyang magawa para matulungan ito.“Bakit ba kasi hindi ka na lang umalis? Magpakalayo-layo ka. Magtago ka kahit saan. Basta
ALAS-SINGKO ng hapon ang eksaktong labas ni Abby, at awtomatikong nanginig ang kanyang mga kamay nang makita ang isang itim na Rolls Royce na naka-park sa tapat ng banko kung saan siya nagtatrabaho. Isang bodyguard ang nakatayo sa labas habang hinihintay siya. Habang papalapit ay nanlumo si Abby dahil alam niya na kahit anong gawin niya ay hindi na siya makakatakas pa sa kamay ni Henry Scott. Ni mga pulis ay ayaw tumulong sa kan'ya dahil marinig lang ang pangalan nito ay parang asong nababahag ang buntot.Gustuhin man niyang tumakbo at tumakas kay Henry ng mga sandaling iyon, alam ni Abby na magiging useless lang ang lahat dahil magkikita't makikita din siya nito. Nang minsan ngang sinubukan niyang magtago, sa halip na hanapin siya ay ang kanyang pamilya sa Capiz ang pinuntahan ng mga ito. Sa takot niya na may mangyaring masama sa pamilya ay kusa na siyang lumabas sa pinagtataguan.“Good evening, Ms. Del Rosario,” bati ng bodyguard ni Henry sabay bukas ng pinto ng back seat. Doon, ki
“LET'S break up, Abby. I can't do this anymore...”Tila pinagbagsakan ng langit at lupa si Abby sa narinig. Ang mga salitang iyon ay para bang kutsilyo na paulit-ulit na sumasaksak sa kanyang puso. Maging ang kanyang luha ay biglang bumalong na para bang isang ulan na walang tigil sa pagbuhos.Paano na lang siya kung iiwan siya ni Jake? Si Jake na lang ang tanging kakampi niya pero iiwan pa siya nito. Bakit? Paano nito nagagawang makipaghiwalay sa kan'ya gayong pitong taon na sila nito? Ganoon lang ba talaga kadali para kay Jake na iwan siya pagkatapos ng lahat? Ang akala niya ay tanggap siya nito, tanggap nito ang pagkatao niya. Pero bakit bigla na lang itong makikipaghiwalay sa kan'ya? Did she do something wrong? Aren't they planning to get married? Hinawakan ni Abby ang kamay ng nobyo habang umiiyak. “Jake naman. Seven years na tayo. B-Bakit ngayon ka pa makikipaghiwalay sa'kin? Did she do something wrong? Don't you love me anymore?” umiiyak niyang tanong. Nagulat si Abby nang
•••••“ANAK, sigurado ka na ba? Pwede namang dito ka na lang sa probinsya natin maghanap ng trabaho habang nag-aaral. Bakit kailangang sa Maynila pa? Ang balita ko, maraming masasamang tao doon sa Maynila,” nag-aalalang tanong ni Letisha sa anak na si Abby. Matamis na ngumiti si Abby sa kanyang Nanay Letisha. “Naku nay! Kung kailan naisangla na natin ang lupang sakahan, saka mo pa sasabihin sa'kin 'yan? Paano ko matutubos ang lupa natin kung aatras ako?” pabirong sagot naman ni Abby.Ang totoo, nasasaktan si Abby dahil ang lupang iyon ang tanging alaala ng kanilang tatay na maagang nawala dahil sa pneumonia. Kaya naman bilang panganay, ipinangako niya sa sariling magsisikap siya at magtatrabaho nang sa gayon ay matubos nila iyon sa lalong madaling panahon.“Nag-aalala lang naman ako sa'yo, anak. Mag-isa ka lang doon. Paano ka na lang kapag may sakit ka? Sinong mag-aalaga sa'yo?” Hindi pa rin mapalagay ang puso ni Letisha para sa pag-alis ng panganay na anak, dahil iyon ang unang be
——— Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire Book 2: “SAVE ME, LOVE ME, ATTORNEY.” (Kairi Inoue and Abby del Rosario Story) SYNOPSIS: Bitbit ang pangarap na makapag-aral ng kolehiyo habang nagtatrabaho, mula probinsya ng Capiz ay lumuwas si Abby sa magulong siyudad ng Maynila. Subalit hindi niya akalain na sa halip na pag-asa, bangungot pala ang naghihintay sa kan'ya. Nakaranas siya ng pang-aabuso mula sa mayamang negosyante na sinamantala ang kanyang murang edad at pagiging walang muwang mundo. Wala siyang mapagsabihan ng kahayupang iyon na ginagawa sa kan'ya, kahit sa best friend niyang si Keiko. Ilang taon ang lumipas, naging maalawan ang buhay ng kanyang kaibigan nang makilala nito ang tunay na ama at mangibang-bansa. Naiwan siyang nag-iisa at patuloy na dumaranas ng kalupitan. Ni wala siyang lakas ng loob para sabihin iyon sa kanyang pamilya dahil ayaw niyang mabigo ang mga ito sa kan'ya. Hanggang sa muling magbalik ang kaibigan niyang si Keiko sa Pilip
NINE MONTHS LATER...“BABY! I'm here in okay? Please calm down! Kaya mo 'yan. Malapit nang dumating si Doc Ivy!” natatarantang bulalas ni Knives habang nag-aalalang nakatingin sa asawang nakahiga sa delivery room at hawak ng mahigpit ang kanyang kamay. Pawis na pawis na ito at namumutla ang mukha ng mga sandaling iyon tanda na nahihirapan ito.“Sobrang sakit na, Knives! 'Di ko na kaya! Parang mamamatay na 'ko!” bulalas ni Keiko habang umiiyak. “Bakit ba kasi ang tagal ng doktor na 'yon?!” Napakasakit na ng tiyan ni Keiko at pakiramdam n'ya ay malapit nang lumabas ang kanyang anak sa sinapupunan. Pero bakit wala pa rin ang OB niya? Saan ba ito nagpunta?“P-Papunta na si Doc Ivy, baby. 'Wag ka nang magalit, baka mapaano ka pa pati si baby,” pagpalakalma ni Knives sa asawa pero siya naman itong abot-langit ang kaba para sa kanyang mag-ina.Ito ang unang beses na matutunghayan niyang isilang ng pinakamamahal niyang asawa ang bunso nilang anak. Noong isilang kasi nito ang kambal ay wala s
“SHIT! Bakit pa kasi ngayon nangyari 'to?”Naiinis na tumingin si Seiichi sa babaeng kasama n'ya sa presinto ng mga sandaling iyon. Isang oras na lang ay mag-uumpisa na ang kasal ni Keiko at Knives pero heto't nasa harap siya ng mga pulis at paulit-ulit na nagpapaliwanag.“Bakit ba kasi ayaw mo pang aminin na ikaw talaga ang nanghipo sa'kin para matapos na? Pare-pareho tayong male-late nito eh. May pupuntahan pa ako,” inis na sabi ng babae kay Seiichi.“Oo nga naman, Sir. Bakit ayaw mo pang aminin nang matapos na? Mukhang pareho pa kayong may lakad, oh?” sabat naman ng pulis investigator na kaharap nila ng mga sandaling iyon.Marahas na bumuntong-hininga si Seiichi saka tumingin sa wrist watch. Wala siyang dalang kotse dahil coding iyon kaya naman nag-bus na lang siya. Hindi na siya sumabay sa mag-aamang Inoue dahil may kailangan pa siyang daanan sa opisina. “Look, Miss. I don't have time for this,” sagot ni Seiichi saka tumayo na at humarap sa investigator saka dumukot ng calling ca
“MAY I have your attention please?” mayamaya pa'y pakiusap ni Knives sa nagkakagulong guests and reporters. “I have an important announcement.”Nahinto ang lahat at natahimik nang marinig ang sinabing iyon ni Knives. Mayamaya pa'y muling bumaling ang lalaki kay Keiko at masuyong nagsalita. “May I?” ani Knives saka inilahad ang kamay.Puno ng pagtatanong ang mga mata ni Keiko pero hindi na siya nagtanong pa. Inabot niya ang palad sa nobyo at inalalayan siya nito patungo sa pinakagitna ng banquet hall. They slowly walked up to the mini stage where there were two chairs decorated with her favorite flower—the beautiful daisy. Pakiramdam ni Keiko ay para siyang prinsesa at si Knives naman ang makisig na prinsipe nang gabing iyon. Mabilis ang pagtibok ng kanyang puso na para bang malakas itong binabayo.“K-Knives...ano ba ang nangyayari?” naguguluhang tanong ni Keiko nang hindi na siya makatiis pa.Matamis na ngumiti si Knives sa nobya saka ginagap ang kanyang kamay. “You'll find out late