Nag-aayos na si Abby ng sarili para sa kanyang interview. Nasa kwarto siya at nakatayong nakaharap sa salamin. Hindi maalis sa isip nito ang nangyari kagabi.
"Kakaiba rin ang lalaking iyon. Kesa sungitan ako, eh dapat nga nagpasalamat siya na tinulungan ko siya. Haist! Ganoon ba ang mga mayayaman!" Naiinis na nagsasalitang mag-isa ang dalaga."Okay ka lang ba?" tanong ni Abby sa nasaktang Kristoff. "May sugat ka!"
Hindi pinansin ni Kristoff si Abby at tumayo lang ito ng dahan-dahan.
"Teka lang!"
Binalewala lang niya ang dalaga na siyang tumulong sa kanya."Tulungan na kita!" dagdag pa ni Abby na nagmamagandang loob.Kahit anong gawin ng dalaga ay hindi siya pinansin ng binata. Umalis si Kristoff sa kinatatayuan at naglakad nang dahan - dahan.
"Teka lang, wala bang thank you?" Nakasimangot na wika ni Abby sa binata. Napakrus pa ng mga braso sa may dibdib ang dalaga. Napatigil si Kristoff at napalingon."Sorry, I don't have cash now kaya pumunta ka nalang sa opisina ko!"
Pagkatapos niyang sabihin ay nagpatuloy ito sa paglalakad patungo kung saan niya pinark ang kanyang sasakyan.Mas nainis naman si Abby sa sinabi ng binata. "Aba't, ano akala niya sa akin, mukhang pera!!?"
"Ang mga mayayaman talaga, ang akala ay mababayaran lahat ng pera. Geez!"
Napatingin tuloy si Abby sa kanyang relong suot. "Kailangan ko ng umalis, baka mahuli pa ako sa interview ko. Laban lang!"---------
Napapakagat-kuko si Lala habang naglalakad patungo sa shop ni Jerick. Nakasuot siya ng jacket at jeans at nakapony - tail ang buhok. May mga bagay na bumabagabag sa kanyang isipan na mga nangyari kagabi.Sa gabi ng pagdiriwang ay lasing na lasing ang grupo nila Mr.Kim. Pagiwang giwang silang naglalakad at kasama na roon si Paul. Kumakanta pa sila habang naglalakad sa daan.
"Oh yeah! Yeah!!""Wee.. oh!"Nagtatawanan sila na halatang lasing na talaga."Yoh, di-dito na kami papunta.. " sabi noong isa.
"Sama na ako sa inyo..""Patungo na rin dyan ang sa amin!"
"So maghihiwalay - hiwalay na tayo!"
"Okay!"
"Salamat sa sa sa inyong.. inyong la- hat!"
"Wel-come Paul!!"
Naiwang mag-isa si Paul papauwi. Hindi na maayos ang paglalakad nito at pagiwang- giwang na. Kumakanta siya habang naglalakad.
"Oh my love.. my love Abby!! 🎶"Sa kalasingan ay napahinto ang binata sa gilid ng daan at doon sumuka.
Pauwi naman si Lala sa mga oras na iyon at nakita ang isang lalaking sumusuka sa gilid ng daan. Sa simula ay natakot si Lala dahil baka masamang tao ang lasing na iyon. Napahinto siya at hindi na tumuloy sa pagdaan.
Nagpumilit si Paul na tumayo kahit hirap nitong makatayo ng matuwid."Good news!" Sigaw ni Paul. "Baby ko!"Napalingon kaunti si Paul at nakita ni Lala na si Paul pala ang lalaking lasing."Paul?"
Tumakbo si Lala patungo kay Paul at nahawakan ang braso nang muntik na itong matumba.
"Paul?"
Napangiti si Paul sa dalaga. "Ang ga-ganda mo!"Tinulungan ni Lala na makatayo ng maayos ang binata.
"Saan ka ba nakatira?"Sumagot naman ang binata, "Sa puso ng minamahal ko.."
Napatingin naman si Lala sa mukha ni Paul na may ngiti sa mga labi. Bigla nalang siyang nakaramdam ng kasiyahan nang makita ang binata.
"Baby, malapit na.. malapit na ang palasyo! Oh aking reyna.." wika nito sabay tawa at ngiti.Napakunot-noo at seryoso ni Lala habang inaalalayan si Paul.
"Ako ito Paul, si Lala..."
"Lala!" tawag ni Jerick nang makita si Lala na nakatayo sa labas ng kanyang shop.
Napatingin si Lala kay Jerick."Babu?"
Napangiti si Jerick sa kanya at sinabing, "Ang ganda mo!"
Kumabog bigla ang puso ni Lala at gulat ang expression ng mukha nito.
Biglang may mga salitang bumulong sa isipan ni Lala sa mga oras na iyon. "We will stay v*irgin until maikasal tayo. Promise!"
"Babu.." napaiyak si Lala at tumakbo patungo kay Jerick. Niyakap niya ang boyfriend ng mahigpit.
"Bakit? May problema ba?"
"Wala... Wala naman.."
---------
Nagising si Paul na nakahiga sa isang kama na may puting kumot at unan. Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata at ang singkit na mga mata'y napatingin sa buong paligid ng silid."Nasaan ako?"
Sumasakit ang ulo ng binata na parang minamartilyo ito. Napapahawak tuloy siya sa ulo niya."Teka, nasaan ba ako?"
Pilit niyang inaalala ang mga nangyari hanggang ilang minuto ay tuluyan na itong nagising at napadilat ang mga mata.
"Teka!"Napabangon siya na nakaupo sa kama. Nakaramdam siya ng kakaiba. Napatingin siya sa loob ng kumot at nalamang wala na syang suot na damit. Mas nagulat siyang malaman na wala rin siyang suot na pang-ibaba. "Sh*t!"
Kinabahan si Paul at inaalala kung ano ang nangyari at kung paano siya napunta roon. Naguguluhan siya at hindi mapakali.
Inabot niya ang kanyang cellphone na nasa mesa na malapit sa kama. Tiningnan niya agad ang mga mensahe.
Naroon ang mga mensahe ni Abby."Nakauwi ka na ba?""Goodnight!""Goodmorning!""Kumain ka na ba?"Napakamot nang ulo si Paul habang nag-iisip. Naguguluhan siya sa mga nangyari.
"Wait.. "Pinilit pa rin niya ang sarili na maalala. Napapapikit pa ito at nagkakasalubong na ang mga kilay.
"Ano ba ang nangyari? D*mn it!"
Hindi nagtagal ay may mga bagay na naaalala siya.
"May babae.."
Naalala niyang may babaeng lumapit sa kanya. May iilang imahe ng pagsasama nila sa iisang kwarto.
"Hindi!"Napalinga - linga ang ulo ng binata. Pilit na binubura ni Paul ang imahe ng babae na medyo blurry sa isipan nito.
"Oh sh*t! Anong kagaguhan ito!"Agad tumayo si Paul at kinuha ang mga damit na nasa sahig. Isinuot niya ito at umalis na sa hotel. Habang papauwi ay pilit niyang binubura ang mga nangyari.
"Sigh!" Buntong - hininga niya habang binubuksan ang pinto ng unit niya. Pagkapasok niya ay nagulat siya sa kanyang nakitang mga kahon sa mesa sa sala. Napahinto siya muna sa may pinto bago pinuntahan ito.
Malungkot ang expression ng mukha ng binata nang lapitan niya ang mesa at binuksan ang kahon. Sa loob ng kahon ay naroon ang cake. Tinitigan niya ang cake at nakita ang nakaukit roon.Congratulations!
Katabi ng cake ay ang kahon na regalo ni Abby. Binuksan rin niya ito. Naroon sa loob ang isang relo.Pagkakita niya ay napasuntok siya sa mesa. Bumakas sa mukha niya ang pagsisisi."Abby..."
---------
"Abby!" Tawag ni Meimei habang kumakaway nang makita si Abby na papunta sa opisina.
Nang magkaharap ang dalawa ay pinalakas ni Meimei ang loob ni Abby para sa interview nito."Laban lang Abby! Kaya mo iyan!"wika ni Meimei.
"Laban lang! Kaya ko ito!"Pumunta na sa Human resource department si Abby. Naroon rin ang dalawa pang applicant. Ibinigay na niya ang dala nitong folder kung saan naroon ang kanyang mga papeles.
"Maghintay nalang muna kayo rito," seryosong sabi ni Mrs. Park, ang head ng HR.
Dinala na sa loob ang mga resume at application letter ng mga applicant.
Sa loob, naroon si Kristoff at nakaupo sa kanyang upuan. Abala ang binata sa kanyang trabaho na nakaharap sa kanyang laptop."Sir, heto na po ang mga resume ng tatlong applicant."
Hindi pa tinitingnan at sinuri ni Kristoff ay sinabi na niyang, "Ikaw na bahala sa pagpili Mrs. Park.""Pero sir..hindi niyo po ba susuriin at titingnan ang kanilang resume?"
"Di ba ang sabi ko ikaw na ang bahala kung sino ang ihire mo!"
"Okay po."
Umalis si Mrs. Park at bumalik sa HR department kung saan naghihintay ang tatlong applicant kasama si Abby.
"Magsimula na tayo!"
Sinimulan na nila ang screening process at interview.Natapos na rin ang pagsusuri at interview na ginawa ni Mrs. Park. Naghihintay nalang ang mga aplikante sa resulta at kung sino ang matatanggap.Balot ng kaba si Abby habang naghihintay. Pinapawisan siya kahit malamig naman ang silid. Hindi niya maiwasang hindi tumingin sa kanyang relo. Ito yata ang nagbibigay lakas niya. Napatingin din si Abby sa dalawang kasamahan niyang aplikante. Pareho silang mukhang kagalang - galang at propesyonal. Sa aura pa nila ay talagang kaakit akit. "Matatanggap kaya ako?" tanong ng isip ni Abby. Pinuntahan ni Mrs. Park si Kristoff sa opisina. "Kumusta?" tanong ni Kristoff. "Magagaling po ang lahat ng aplikante. Lahat po sila ay may karanasan." "So ano ang resulta?" Dumating ang pinsan ni Kristoff na si Harry. "Hi bro!" Dire- diretso lang itong pumasok na walang pasabi sa loob ng opisina ni Kristoff. "Bakit ka narito?" seryosong tanong ni Kristoff kay Harry. "Wala lang. Boring kasi kapag walang ginagawa." paliwanag ni Harry at agad na umupo sa cou
Nasa isang studio si Maggie at nagshoshot para sa bagong commercial ng beauty products gaya ng make up. Sa loob ay puno ng ilaw na nakapaligid sa dalaga. Nakatayo siya sa gitna na panay pose. Lahat ng mata ay nakatitig sa kanya."Nice pose Maggie!" ani ng camera man. Si Maggie ay sikat na model ng mga kilalang cosmetic at kinukuha rin siya para magmodel ng mga damit. May angking ganda ang dalaga na may makinis na balat kaya mas lalong nagugustuhan siya para maging model sa kanilang mga produkto. Dahil din sa angking ganda nito at ang pagiging fashionista na sa lakad pa lang ay talagang mapapatitig ka sa kanya. They called her Lady Maggie."Okay, we are done!" wika ng manager sabay palakpak ng dalawang beses."Congrats Lady Maggie. Sa uulitin!""Thanks boss!" sagot ni Maggie.Bumalik na si Maggie patungo sa kanyang dressing room. Nakasunod naman si Pinang, ang private assistant niya na dala - dala ang mga gamit ni Lady Maggie. "Congratz Lady Maggie. Ang galing niyo talaga!" masayang
Nasa opisina sina Mrs. Park at Abby para salubungin ang boss nila na si Kristoff. Matuwid na nakatayo ang dalawa. Halata namang kinakabahan si Abby pero kailangan niyang pigilan ang kanyang kaba."Laban lang!" bulong ni Abby sa sarili."May sinasabi ka ba?" tanong ni Mrs. Park na katabi lang niyang nakatayo."Wala po!" sagot ni Abby sabay yuko ang ulo. Kitang -kita na sa dingding na gawa sa salamin na paparating na ang boss nila. "He is here. Just be ready. Huwag mong kalimutan ang mga sinabi ko sa iyo," paalala ni Mrs. Park."Yes maam!" sagot ni Abby na agad humarap kay Mrs. Park.Binuksan na ni Kristoff ang pinto at pumasok na sa silid."Good morning sir!" bati ni Mrs. Park.Humarap si Kristoff at napatingin sa kanila. "Good morning!"Babati na sana si Abby nang may bigla siyang naalala. Nagulat siya sa lalaking kaharap nila. Dahil sa gulat niya ay hindi tuloy siya nakapagsalita bagkos ay mas tinitigan niya ang binata. "Siya ang lalaking iyon. Ang lalaking pinamukha akong walang
Sumama si Paul sa kanyang mga kaklase noon. Nag - aalangan man pero napilitan na itong sumama. "Sige, sasama ako pero saglit lang," ani ni Paul."Sure, no problem Paul. Saglit lang tayo!" saad ng isa sa kaibigan ni Paul na sabay akbay sa kanyang balikat. "Don't worry, akong bahala sa iyo!""Tara!"Pumunta sila sa isang bar. Pagpasok pa lang nila ay sinalubong na sila ng mga magagandang mga waiter. Sa stage naman ay may sumasayaw na babae na pinapalibutan ng mga ilaw. "Tara doon tayo sa mesang iyon!" aya nong isa. Walang magawa si Paul kundi sumama sa kanila. Habang naglalakad patungo sa kanilang mesa ay pumalibot ang paningin ni Paul sa paligid. Bigla niyang naalala ang babaeng sumasayaw noong araw na nagpunta sila ng mga officemate niya sa isang bar. Natahimik tuloy siya at halatang may bumabagabag sa kanyang isipan. "Umupo na kayo!"Umupo ang lahat sa upuan na may parihabang mesa. at nag-order ng mga alak. Masayang nagkwekwentuhan ang mga ito.Sa may backstage, naroon si Gigi at
Umiinom ng alak sa may counter si Jerick sa sariling coffeesshop kung saan gaganapin ang surprise party. Hindi pa rin dumadating si Lala at naiinip na sila sa kahihintay. Nanonood lamang sina Wendy at mga kasamahan nito sa boss nilang si Jerick habang naglalasing."Isa pang shot!" sigaw ni Jerick habang nakangiti itong itinataas ang shotglass."Di na yata darating si Ms. Lala," sabi ng isang tauhan na mataba."Mukha nga.."dagdag ng isa pa."Haist! Kung hindi siya darating, edi hindi. Bakit ba siya naglalasing?" Naiinis na sabi ni Wendy. Sa inis ay nilapitan niya agad si Jerick."Sir, tama na po iyan!" sermon ni Wendy na inagaw ang baso sa kamay ng binata. Napatingin si Jerick sa kanya. "Anong ginagawa mo?""Tumigil na po kayo.""Ano? Titigil na ako?""Lasing na po kayo boss!""Hindi pa ako lasing!" pamimilit ni Jerick. "Tingnan mo, makakalakad pa ako ng matuwid!"Tumayo siya sa kinauupuan niya at humakbang. "Look at me!"Pinanood nila ang kanilang boss na mayabang na nagsasalita na h
Tinulungan nina Tofu at Dino si Jerick sa pag-akyat sa bahay niya na nasa 2nd floor ng coffeshop. Sila ang mga tauhan niya sa coffeshop kasama si Wendy. Si Tofu ay mataba na nasa 4'11 ang height at si Dino na matangkad pero payat.Lasing na lasing na ang boss nila at sa kasamaang palad ay natumba na ito sa sahig."Buhatin na ninyo siya!" utos ni Wendy sa dalawa. Pinagtulungan nila si Jerick na buhatin.Habang naglalakad at umaakyat sa hagdan ay nagsalita ito kahit nakapikit at akay-akay nila."Happy birthday... Happy birthday..""Si sir talaga!" Sabi ni Tofu. "Kahit sa panaginip, si Miss Lala pa rin ang naroon."Nakataas ng kilay na tumingin si Wendy kay Tofu. Mukhang naiinis na ito pero nagpipigil lamang. Dinala na nila sa bahay si Jerick."Sa kwarto niya.." sabi pa ni Wendy."Okay!"Pinahiga nila ang boss nila sa kama nito. Nakangiting nakahiga si Jerick na para bang may kausap. Napatingin ang tatlo sa kaniya."Tignan niyo, mukhang kasama niya talaga si Miss Lala sa panaginip niya..
Nasa guest room na si Abby at binubuksan ang cabinet kung saan naroon ang mga damit ng girlfriend ng boss niya. Napabuntong - hininga nalang si Abby nang maalala niya ang sinabi ng binata."Ang akala ko talaga para sa akin ang mga iyon na may nakasulat pa na happy birthday. Pati rin siguro ang cake para sa gf niya. Sinabi niya sana sa simula palang para di na ako mag-assume."Napaisip tuloy si Abby at sinermunan ang sarili. Binatukan din niya ang sariling ulo. "Ano ba ang iniisip mo Abby? Ang sakit kaya mag-assume na bibigyan ka ng regalo ng taong di mo pa kilala. Boyfriend mo nga di nagpakita so do not assume na bibigyan ka ng iba. Haist!"Napabuntong - hininga ulit ang dalaga. "Buti pa ang girlfriend ni sir, kahit papano may surprise siya at naalala siya nito. HIndi nga lang sila nagkita."Nagsimula ng mamili ng masusuot si Abby sa cabinet. Lahat ng damit ay magaganda at magagara. "Wow, fashionista yata ang gf ni boss. Ang gagara ng mga damit!"Samantala, nasa kwarto si Kristoff at
Mag - isang umalis si Maggie sa restaurant kung saan ginanap ang kanyang birthday dinner. Hindi na siya nagpahatid sa driver at nagtaxi nalang ito papauwi. Dala dala niya ang isang bote ng wine na ibinigay ng isa niyang kaibigan na si Betty. Habang nasa biyahe ay tumawag si Betty."Yes Betty?" sagot ni Maggie na seryoso at wala sa mood."Natanggap mo ba ang regalo ko?""Yah, thanks!""By the way, kanina, may napanood akong fireworks na may happy birthday na nakasulat, sa iyo ba iyon? Pinagawa ba iyon ni Kristoff?" usisa ni Betty na sabik malaman ang progress ng dalawa. "Huh?" Kunot noong reaksyon ni Maggie. "May fireworks kanina..." giit ng kaibigan. "Hindi mo ba nakita?"" Fireworks? Hmp, I do not care! Di ko kailangan ang mga iyan!"Binaba niya agad ang tawag. Sa kabilang linya ay nagulat si Betty. Halata sa boses ni Maggie na wala ito sa mood at may hindi magandang nangyari."Anong nangyari sa kanya?" Pagtataka ni Betty na napatingin nalang sa cellphone na hawak. "Is it a good da
Sa kwarto habang nakahiga ang mag - asawa at kumot lang ang bumabalot sa kanilang katawan ay nag - usap ito tungkol sa magiging trabaho ni Kristoff."Sigurado ka na ba na mag - aapply ka bilang isang kargador?" Pag - aalala ni Abby na nakasandal ang ulo sa mala- adonis na katawan ni Kristoff."Oo naman!""Hindi ka sanay sa ganoong trabaho.""Okay lang iyon. Experience! Para sa inyong dalawa, gagawin ko ang lahat. Kahit anong hirap iyan, kakayanin ko!""Pero...""Wala ka bang tiwala? Wala ka bang tiwala sa mga muscles ko na kaya kong buhatin ang kahit na anong bagay!" pabirong sabi ni Kristoff sabay angat ang kanang braso at ipinakita ang muscles nito."May tiwala ako sa iyo."Niyakap ni Kristoff ang asawa.Hindi naging madali ang trabaho ni Kristoff pero hindi niya inisip ang hirap. Mas nagpursige ito at matiyaga sa kanyang trabaho kasama ang iba. Mababait naman ang mga kasamahan niya pati ang boss nila. Ito na ang pinakamalaking kompanya at pabrika sa lugar nila pero kung ikukumpara
Sinunggaban ng halik ni Kristoff ang asawa. Tumugon naman si Abby sa mapupusok na halik nito. Nakapikit ang mga mata nila habang pinagsasaluhan ang mga halik at dinama ang init ng bawat isa. Habang hinahalikan ang mga labi ni Abby, ang mga kamay naman ni Kristoff ay abala sa pangangapa sa dibdib ng asawa. Ilang segundo lang ay bumungad na ang malulusog na hinaharap ni Abby. Nagtagumpay si Kristoff sa ginawang pagh*bad sa asawa. Pareho na silang h*bad at ready sa gagawin sa gabing iyon.Humiwalay ang labi ni Kris sa labi ni Abby at lumipat ito sa bundok ni Maria. Sinunggaban niya ang bundok at pinisil ang kabila."Ughh--" ungol ni Abby na ramdam ang kiliti sa ginagawa ng asawa sa kanyang dibd*b. Napapikit nalang ito at hinayaan na angkinin ang buo niyang katawan ng asawa.Ang mga halik ay bumaba patungo sa puson ni Abby hanggang umabot ito sa gitna niya. Ibinuka niya lalo ang mga hita at doon sa gitna niya ay isubsob ni Kristoff ang sariling mukha."Uhhh--"Ramdam ni Abby ang dilang na
Binuksan ni Kristoff ang pintuan na kasama ang asawa sa tabi niya. Pagkabukas niya ay naroon sa kanilang bakuran ang limang taong nakatayo. Dalawang lalaki na nasa edad 40s at tatlong babaeng may edad na rin. Ang tatlong ale na nasa unahan ay may dalang tupperware habang ang dalawang lalaki ay may dalang mga bote ng alak. Natahimik si Kristoff sa di inaasahang mga di kilalang bisita na pumasok sa kanilang bakuran. Bakas sa mukha ng dalawa ang pagtataka."Magandang araw! Kumusta kapitbahay? Pasensya na at pumasok na kami na walang pahintulot.." ani ng ale na humahakbang pa papalapit sa bahay."Magandang araw din po.." bati ni Abby na may ngiti sa mga labi."Nagtataka siguro kayo. Kami ay mga kapitbahay ninyo. May dala kaming mga pagkain para pagsaluhan natin. Ito ay isang handog para sa inyo." paliwanag ng isa pang babae."Ganoon po ba.. " sambit ni Abby na napasulyap kay Kristoff."Saan ba tayo pwede magsalo-salo?" tanong ng lalaki na napapalingon sa bakuran. Dumating pa ang isang lal
Lumayo na ang mag - asawa ng tuluyan. Iniwan ni Kristoff ang buhay na kanyang kinagisnan. Ipinagpalit niya ang karangyaan at kayamanan makasama lamang ang minamahal na si Abby. Magsisimula sila ng panibagong yugto sa isang simpleng nayon na tinatawag nilang Chester Village. Simple lang ang pamumuhay doon, ibang iba sa siyudad kung saan sila nanggaling. Sariwa ang hangin sa lugar, may mga puno at bukirin, namumulaklak din ang iba't ibang mga bulaklak, walang polusyon, malinis at may magagandang tanawin. Ang mga tao ay magkakakilala at nagtutulungan.Bumili ng bahay si Kristoff. Maliit man ito ay may dalawang palapag pa rin at may hardin at bakuran. Gusto niya na sa munting bakuran nila ay doon maghahabulan ang kanilang mga chikiting pagdating ng panahon.Pagkarating nila roon sa bahay ay talagang bakante ito. Wala pang gamit ni isa gaya ng upuan o di kaya kama o mesa. Kahit ganoon, namangha si Abby. Hindi siya makapaniwala na magsasama na sila ni Kristoff sa iisang bubong. Abot langit
Nagulat si Abby sa sinabi ng asawang panay ngiti. Walang saplot ang ibabaw nito at isang tuwalyang nakatakip sa ibaba ang siyang pangbungad sa umaga ni Kristoff sa asawa. Kitang kita ang tinapay na pang-agahan na nakakatakam kaya iwas tingin si Abby na tila naiilang."Ano ba ang pinagsasabi mo!? Magbihis ka nga para makakain na tayo.." ani ni Abby na halatang nahihiya pero pasulyap sa asawang papalapit."Ayaw mo bang makita ang agahan mo?" Biro ulit ni Kristoff na agad niyakap si Abby sa may bewang. Napaharap tuloy ang misis sa mister na titig na titig sa kaharap."Eh?"Bumaba ang isang makulit na kamay ni Kristoff sa may hita ni Abby at hinimas ito ng dahan dahan."Kumain na tayo.." aya ni Abby sa asawa habang ramdam ang kiliti sa hita niya.Mas lumapit ang mukha ni Kristoff sa mukha ng asawa at napasandal ang pw*t ni Abby sa may mesa."I love you my wife!"Sumagot agad si Abby. "I love you too, my hubby!"Nahulog sa sahig ang panty na suot ni Abby. Napangiti si Kristoff at binuhat a
Sa wakas ay nasabi na rin nila Kristoff at Abby. "I do!"Di mapaliwanag na kasiyahan ang naramdaman ng dalawang nagmamahalan. Kahit malayo man sa pamilya at iwan ang karangyaan ay buo ang desisyon ng dalawa na lumayo at magsama. Lumayo sila para mamuhay ng mapayapa at buuin ang kanilang magiging pamilya.Pagkatapos ng kasalan na naganap sa Civil Ministry ay agad nagtungo sina Kristoff at Abby sa na book nilang isang inn. Ito na ang pinakatanyag na tulugan sa lugar. Tamang tama lamang ang laki ng silid sa dalawa. May malaking kama, mesa, couch at sariling banyo. Nakahanda ang silid para sa mag-asawa na may nakalalat na red roses sa sahig pati sa kama. Naroon din sa mesa ang wine kasama ang dalawang wine glass. Naka-dim light din ang kwarto na may romantic background music pa.Pagkarating nila sa silid ay sumabak kaagad sa nakakaintense na digmaan ng labi. Hindi na sila nagtumpik tumpik pa at sumunggab na agad ang dalawang labing nag-iinit na hanggang mahiga pareho sa kama. Nasa ibabaw
Hindi na nila mapigilan ang mga sarili. Umaapoy sa init ang kanilang nararamdaman sa gabing iyon. Nilalasap nila ang bawat pagdampi ng kanilang mga labi at mapaglarong dila na naghahabulan sa loob ng kanilang mga bibig. Tila nananabik ang bawat isa."Abby..." "Kristoff.." Napatigil ang kanilang halikan nang may sinabi si Kristoff sa dalaga. "Gusto kong makasama ka habambuhay.. sumama ka na sa akin. Magsama na tayo."Hindi na nagdalawang isip ang dalaga. Napatango lang si Abby sabay ngiti. Napangiti rin si Kristoff sa dalaga at hinalikan ulit. Napayakap si Abby sa binata at tinugunan ang bawat halik nito. Mas hinigpitan ng isang kamay ng binata ang pagkakahawak sa balikat ni Abby at ang isang kamay ay gumagapang sa may hita ng dalaga. Ibinaba ni Kristoff ang mga halik nito patungo sa may leeg at balikat ni Abby kaya napapatingala habang nakapikit ang dalaga. Ramdam niya ang unti - unting pag-init ng katawan niya habang hinahaplos ni Kristoff ang kanyang hita."Kristoff...uhh.."Hindi
Dire-diretsong nagmaneho ng kotse si Kristoff kasama si Abby. Napakaseryoso ng binata habang nagmamaneho at napakatahimik pa nito. Si Abby naman ay napapasulyap at di niya maiwasang kabahan.Malalim na ang gabi nang tinahak nila ang daan na para bang walang pakialam si Kristoff kung saan sila papunta. Mas lalong kinabahan si Abby dahil sa katahimikan ng binata na hindi man lang umimik simula nang sumakay sila sa kotse. Hindi na niya natiis kaya napatanong na ito.“Saan ba tayo pupunta?” kinakabahang tanong ni Abby.Hindi niya alam kung ano ang iniisip ni Kristoff sa mga oras na iyon. Sa tingin niya ay galit ang binata sa kanya dahil sa hindi pagsipot nito sa kanilang tagpuan at ang mga nabalitaan nito kani – kanina lang.“Saan mo ba ako dadalhin?” tanong niya ulit.Lumiko ang kotse patungo sa kabila at nagpatuloy pa rin ito sa pagmamaneho. Mukhang napakalayo na ang kanilang narating at hindi na alam ni Abby kung anong lugar na iyon."Kristoff..." mahinang pagsambit ni Abby sa pangalan
Nanlaki ang mga mata ni Abby nang marinig niya ang sinabi ni Harry. Hindi niya inaasahan na sasabihin ng binata ang kasinungalingang iyon. Ang lakas ng kabog ng kanyang puso dahil sa di mapaliwanag na kaba at sa kahihiyan na narinig kaya napayuko nalang siya."Congratulations!" Bati ng mga bisita na nagsipalakpakan sa pag-anunsyo nito. Hindi rin makapaniwala si Kristoff sa narinig. Nagulat din siya pati si Maggie sa sinabi ni Harry."Really?" Reaction ni Maggie na halatang hindi naniniwala. Napakunot noo naman si Kristoff at tinitigan si Abby na nasa stage. Nang marinig niya iyon ay para bang sumisikip ang kanyang dibdib. Hindi siya agad nakagalaw bagkos ay pinagmasdan lang niya ang dalaga. "Congratulations! Cheers!" Bati ulit nila habang tinataas ang dalang wine glass. "Thank you! Thank you!" Tugon ni Harry. Abot tenga ang ngiti ng binata.Hindi na nakayanan ni Abby na tumayo roon dahil sa mga pinagsasabi ni Harry. Napaatras si Abby at gustong makawala sa kamay ni Harry pero mas