Namilog ang mga mata ni Abby nang makita ang mga librong babagsak sa kanya. Nabitawan ni Abby ang kanyang cellphone at sa sandaling iyon ay nagawa lamang niya ay pumikit nalang. Nakapikit ang mga mata ng dalaga at napaangat kaunti ang balikat na halatang takot ang nararamdaman niya pero may biglang yumakap sa kanya at hinarang ang sarili sa mga libro. Naramdaman ng dalaga ang init ng yakap ng isang tao na hindi niya alam kung sino. Ilang segundo lamang ay nahulog ang mga libro patungo sa kanila. Pareho silang natumba sa sahig. Nagkakalat na ngayon sa sahig ang mga libro. Nagulat ang mga taong nasa paligid at agad lumapit para tumulong."Oh my!"Napalapit na rin ang mga guard at katiwala sa pangyayari."Boss, okay lang po ba kayo?"Pagkarinig ni Abby ay nabigla siya nang malaman niyang niyakap siya at pinotektahan siya ng boss nito. Idinilat niya ng dahan - dahan ang kanyang mga mata."Sir?"Napakalapit ng kanyang mukha sa mukha ni Kristoff. Dahan-dahan namang idinilat ni Kristoff ang
Natapos na sa pag-shower si Maggie at tiningnan niya ang kanyang cellphone. May unregistered number ang nag-appear sa kanyang missed called list."Sino kaya ang tumawag?" napatanong si Maggie. Nakasalubong ang mga kilay nito na napapaisip kung sino. "Familiar.. pero kanino kaya ito? Hmm..."Hindi nagtagal ay binalewala nalang ni Maggie ang tungkol sa numero ng tumawag. Sanay na siyang may tumatawag sa kanya na mga di kilalang numero at ang iba ay stalker pa niya. Inilapag niya ang cellphone sa mesa. ------Napatitig sina Kristoff at Harry sa dalagang pababa ng hagdan. She's like an angel. She's a goddess."Sino ang babaeng iyan? Ngayon ko lang siya nakita?" tanong ni Harry na hindi maalis ang paningin sa dalaga.Wala namang sinabi si Kristoff at nakatitig lang ito sa dalagang papunta sa kanya.Nakangiti ang dalaga nang makita niya ang boss nito habang papalapit sya sa kanya. Katabi ni Kristoff si Harry na nakatayo at hindi man lang gumalaw."Tingnan mo Kristoff, papunta siya rito." S
Nasa kanyang kwarto si Jerick at napakabusy na gumugupit ng mga larawan mula sa magazine. Bakas sa mukha niya ang saya lalo na sa ginagawa niya sa mga oras na iyon. Gumagawa si Jerick ng isang scrapbook at idinidikit ang nagupit na larawan sa roon. Ang mga larawan na iyon ay larawan ni Maggie na isang model. Napapatitig siya sa mga larawan at bago niya dinidikit ito ay hinahalikan pa niya ang larawan ng kanyang idol."Mwah! Ang ganda mo talaga idol!" wika ni Jerick na mag-isa. "Isa ka talagang Dyosa!"Idinikit niya agad ang larawan sa isa sa mga pahina ng scrapbook nito."O hayan! Nice pose!"Tuloy - tuloy ang ginagawa niya na mas lalong nagpapasaya sa kanya. Pakanta - kanta pa ang binata habang nag - aayos ng mga disenyo at larawan. "Hmm.. parang may kulang.."Tumayo ang binata at nagtungo sa may mesa niya. Binuksan niya ang kanyang drawer at naghanap ng isa pang picture."Teka, nasaan na ba ang picture na iyon."Ilang minuto lang ay may nakita na itong picture niya na solo."Heto
Nagising si Kristoff na masakit ang ulo nito. Dahan - dahan siyang bumangon sa pagkakahiga at umupo sa kama at napansing n*******d pala siya."Anong nangyari?" tanong niya sa sarili. Napahawak siya sa kanyang ulo at pilit inaalala ang nangyari. Nakakunot-noong bumangon si Kristoff sa kama. Pagkatayo niya ay may nakita itong underwear sa sahig. Nilapitan niya ito para makasiguro bago niya naaalala ang isang bagay na nangyari kagabi. Nanlaki ang mga mata ni Kristoff na para bang hindi ito makapaniwala."Panaginip ba iyon o totoo?"Ang akala niya talaga ay panaginip lang ang lahat pero mukhang totoo yata.-------Napabuntong - hininga nalang si Abby na nasa guest room. Suot ng dalaga ang isang bathrobe at tiningnan ang mga dalang damit nito. Napansin niya na wala roon ang underwear niya."Teka, nasaan ang underwear ko?"Napalingon - lingon siya sa paligid ng kama at sa kama. "Dala ko ba iyon?"Hinanap niya ito sa silid pero hindi niya makita."Naiwan kaya roon? Patay!"Napakagat ng kuk
Kinabukasan ay nagkita sina Meimei at Abby sa hallway ng gusali ng pinagtratrabahuan nila. "Abby!" Tawag ni Meimei sa kaibigan. Kumakaway siya kay Abby para madali itong makita. Pagkalingon ni Abby ay nakita nya agad si Meimei. Napangiti ito at pinuntahan agad ang kaibigan."Meimei!" nakangiting sambit ni Abby sa pangalan ng kaibigan."Kumusta Abby? Mukhang blooming ah!""Eh? Hindi ah!""Blooming ka ngayon. Iba talaga ang aura mo! Gumanda ka lalo."Nahihiya namang sumagot si Abby. "Ano ka ba! Palabiro ka talaga!"Simple lamang ang suot na damit ni Abby. Naka-formal dress lang ito na nakaskirt at high heels na usual na niyang sinusuot. Kahit ganoon ang pananamit ng dalaga ay may napansin lang talagang kakaiba si Meimei."Kumusta ang buhay sekretarya?""Huh?""Mahirap ba?""Hmm...hindi naman.""Tama iyan! Laban lang tayo!" Napataas ng kamay si Meimei at napakamao. Pinapalakas niya lang ang loob ng kaibigan. "Tama!" Napangiti si Abby at sumunod din siya sa ginawa ni Meimei.Dumating s
Umalis na sina Abby at Kristoff sa opisina para imeet ang sinasabing ka-business lunch nila. Pumunta sila sa isang restaurant na medyo malapit lamang sa kanilang opisina. It's a fine dining restaurant na ang mga customers ay talagang mayayaman.Pagkarating ng dalawa ay Inihatid sila ng waiter sa kanilang upuan. Napapalingon - lingon si Abby at namangha sa loob ng restaurant. Ito ang unang beses niya na makapasok sa restaurant na ganito. Karamihan ang naroon sa lugar ay may mga business related transactions at mga mayayaman pa. "Thanks!" Pasasalamat ni Abby sa waiter. Napaupo na silang dalawa na magkaharap sa isang pabilog na mesa. Binigyan na rin sila ng menu at nakatayo sa may gilid ang waiter na kukuha sa kanilang order."Just order!" utos ni Kristoff na napakaseryoso na tumitingin rin sa menung hawak. Medyo nagtaka si Abby."Sir, hindi po ba natin hihintayin ang ka-meeting natin bago tayo mag-order?" tanong ni Abby.Hindi sumagot si Kristoff at nagpatuloy sa pagbabasa ng menu. An
Nakaupo sa kanyang upuan si Kristoff na nasa opisina niya habang pasulyap - sulyap sa dalagang nag-aayos ng kanyang gamit sa mesa nito. Hawak ng binata ang isang paperbag na may lamang kahon ng bagong cellphone. Napapabuntong - hininga nalang ito at halata sa kanya na may bumabagabag sa isip nito."Sigh!"Napatingin si Kristoff sa hawak na paperbag. Kumatok muna si Abby bago pumasok."Sir.." sambit ng dalaga pagbukas ng pinto. Medyo nagulat si Kristoff kaya nagmamadaling itinago ang hawak na paperbag."Ano iyon?" tanong ng boss. "Uuwi na po ako. Mauna na po ako sir." Pagpapaalam ni Abby sa boss."Huh?" Reaction ni Kristoff na napatingin sa wall clock. It was 5 oclock already. "Ahh, ganoon ba.. sige makakaalis ka na."Umalis na si Abby sa silid at naiwan na lang si Kristoff roon. Napatingin siya ulit sa paperbag na nasa ibaba ng mesa niya."Bakit mo ba binili ito?" Tanong niya sa sarili at sinagot rin niya, "Paano ko siya ma-kokontact kung wala siyang cellphone! Asar!"Napatayo ang bi
"Good morning!" Bati ni Abby sa mga nakakasalubong niya habang naglalakad sa pasilyo patungo sa opisina."Good morning!"Pumasok na sa silid ang dalaga at nagtataka ito na wala pa ang boss niya. Napatingin na lang siya sa kanyang orasan. It was 7:45 already."Dumating na ba siya o hindi pa?" Napapaisip si Abby at nagtataka ito. Nakasara pa kasi ang pinto ng opisina ng boss niya.Lumabas si Abby at napatanong sa ibang empleyado kung nakita ba nilang dumating si Sir Kristoff."Nakita niyo ba si sir?" tanong ni Abby."Hindi Miss Abby!""Hindi ko rin siya nakita..""Baka late lang!" Sabi nong isa."Hmmm.. ganoon ba." Hindi mapanatag si Abby sa mga oras na iyon. As his secretary, kailangan na alam niya kung nasaan ang boss nito."By the way, may numero ka ba ni Sir?" tanong ni Abby sa isa."Huh? Meron.. wala ka ba?""Ah, eh, bago kasi ang cellphone ko kaya wala pa.." Pagpapaliwanag ni Abby na medyo nahihiya."Okay!"Dumating ang isang empleyado na ipinagmamalaki ang bagong cellphone nito.
Sa kwarto habang nakahiga ang mag - asawa at kumot lang ang bumabalot sa kanilang katawan ay nag - usap ito tungkol sa magiging trabaho ni Kristoff."Sigurado ka na ba na mag - aapply ka bilang isang kargador?" Pag - aalala ni Abby na nakasandal ang ulo sa mala- adonis na katawan ni Kristoff."Oo naman!""Hindi ka sanay sa ganoong trabaho.""Okay lang iyon. Experience! Para sa inyong dalawa, gagawin ko ang lahat. Kahit anong hirap iyan, kakayanin ko!""Pero...""Wala ka bang tiwala? Wala ka bang tiwala sa mga muscles ko na kaya kong buhatin ang kahit na anong bagay!" pabirong sabi ni Kristoff sabay angat ang kanang braso at ipinakita ang muscles nito."May tiwala ako sa iyo."Niyakap ni Kristoff ang asawa.Hindi naging madali ang trabaho ni Kristoff pero hindi niya inisip ang hirap. Mas nagpursige ito at matiyaga sa kanyang trabaho kasama ang iba. Mababait naman ang mga kasamahan niya pati ang boss nila. Ito na ang pinakamalaking kompanya at pabrika sa lugar nila pero kung ikukumpara
Sinunggaban ng halik ni Kristoff ang asawa. Tumugon naman si Abby sa mapupusok na halik nito. Nakapikit ang mga mata nila habang pinagsasaluhan ang mga halik at dinama ang init ng bawat isa. Habang hinahalikan ang mga labi ni Abby, ang mga kamay naman ni Kristoff ay abala sa pangangapa sa dibdib ng asawa. Ilang segundo lang ay bumungad na ang malulusog na hinaharap ni Abby. Nagtagumpay si Kristoff sa ginawang pagh*bad sa asawa. Pareho na silang h*bad at ready sa gagawin sa gabing iyon.Humiwalay ang labi ni Kris sa labi ni Abby at lumipat ito sa bundok ni Maria. Sinunggaban niya ang bundok at pinisil ang kabila."Ughh--" ungol ni Abby na ramdam ang kiliti sa ginagawa ng asawa sa kanyang dibd*b. Napapikit nalang ito at hinayaan na angkinin ang buo niyang katawan ng asawa.Ang mga halik ay bumaba patungo sa puson ni Abby hanggang umabot ito sa gitna niya. Ibinuka niya lalo ang mga hita at doon sa gitna niya ay isubsob ni Kristoff ang sariling mukha."Uhhh--"Ramdam ni Abby ang dilang na
Binuksan ni Kristoff ang pintuan na kasama ang asawa sa tabi niya. Pagkabukas niya ay naroon sa kanilang bakuran ang limang taong nakatayo. Dalawang lalaki na nasa edad 40s at tatlong babaeng may edad na rin. Ang tatlong ale na nasa unahan ay may dalang tupperware habang ang dalawang lalaki ay may dalang mga bote ng alak. Natahimik si Kristoff sa di inaasahang mga di kilalang bisita na pumasok sa kanilang bakuran. Bakas sa mukha ng dalawa ang pagtataka."Magandang araw! Kumusta kapitbahay? Pasensya na at pumasok na kami na walang pahintulot.." ani ng ale na humahakbang pa papalapit sa bahay."Magandang araw din po.." bati ni Abby na may ngiti sa mga labi."Nagtataka siguro kayo. Kami ay mga kapitbahay ninyo. May dala kaming mga pagkain para pagsaluhan natin. Ito ay isang handog para sa inyo." paliwanag ng isa pang babae."Ganoon po ba.. " sambit ni Abby na napasulyap kay Kristoff."Saan ba tayo pwede magsalo-salo?" tanong ng lalaki na napapalingon sa bakuran. Dumating pa ang isang lal
Lumayo na ang mag - asawa ng tuluyan. Iniwan ni Kristoff ang buhay na kanyang kinagisnan. Ipinagpalit niya ang karangyaan at kayamanan makasama lamang ang minamahal na si Abby. Magsisimula sila ng panibagong yugto sa isang simpleng nayon na tinatawag nilang Chester Village. Simple lang ang pamumuhay doon, ibang iba sa siyudad kung saan sila nanggaling. Sariwa ang hangin sa lugar, may mga puno at bukirin, namumulaklak din ang iba't ibang mga bulaklak, walang polusyon, malinis at may magagandang tanawin. Ang mga tao ay magkakakilala at nagtutulungan.Bumili ng bahay si Kristoff. Maliit man ito ay may dalawang palapag pa rin at may hardin at bakuran. Gusto niya na sa munting bakuran nila ay doon maghahabulan ang kanilang mga chikiting pagdating ng panahon.Pagkarating nila roon sa bahay ay talagang bakante ito. Wala pang gamit ni isa gaya ng upuan o di kaya kama o mesa. Kahit ganoon, namangha si Abby. Hindi siya makapaniwala na magsasama na sila ni Kristoff sa iisang bubong. Abot langit
Nagulat si Abby sa sinabi ng asawang panay ngiti. Walang saplot ang ibabaw nito at isang tuwalyang nakatakip sa ibaba ang siyang pangbungad sa umaga ni Kristoff sa asawa. Kitang kita ang tinapay na pang-agahan na nakakatakam kaya iwas tingin si Abby na tila naiilang."Ano ba ang pinagsasabi mo!? Magbihis ka nga para makakain na tayo.." ani ni Abby na halatang nahihiya pero pasulyap sa asawang papalapit."Ayaw mo bang makita ang agahan mo?" Biro ulit ni Kristoff na agad niyakap si Abby sa may bewang. Napaharap tuloy ang misis sa mister na titig na titig sa kaharap."Eh?"Bumaba ang isang makulit na kamay ni Kristoff sa may hita ni Abby at hinimas ito ng dahan dahan."Kumain na tayo.." aya ni Abby sa asawa habang ramdam ang kiliti sa hita niya.Mas lumapit ang mukha ni Kristoff sa mukha ng asawa at napasandal ang pw*t ni Abby sa may mesa."I love you my wife!"Sumagot agad si Abby. "I love you too, my hubby!"Nahulog sa sahig ang panty na suot ni Abby. Napangiti si Kristoff at binuhat a
Sa wakas ay nasabi na rin nila Kristoff at Abby. "I do!"Di mapaliwanag na kasiyahan ang naramdaman ng dalawang nagmamahalan. Kahit malayo man sa pamilya at iwan ang karangyaan ay buo ang desisyon ng dalawa na lumayo at magsama. Lumayo sila para mamuhay ng mapayapa at buuin ang kanilang magiging pamilya.Pagkatapos ng kasalan na naganap sa Civil Ministry ay agad nagtungo sina Kristoff at Abby sa na book nilang isang inn. Ito na ang pinakatanyag na tulugan sa lugar. Tamang tama lamang ang laki ng silid sa dalawa. May malaking kama, mesa, couch at sariling banyo. Nakahanda ang silid para sa mag-asawa na may nakalalat na red roses sa sahig pati sa kama. Naroon din sa mesa ang wine kasama ang dalawang wine glass. Naka-dim light din ang kwarto na may romantic background music pa.Pagkarating nila sa silid ay sumabak kaagad sa nakakaintense na digmaan ng labi. Hindi na sila nagtumpik tumpik pa at sumunggab na agad ang dalawang labing nag-iinit na hanggang mahiga pareho sa kama. Nasa ibabaw
Hindi na nila mapigilan ang mga sarili. Umaapoy sa init ang kanilang nararamdaman sa gabing iyon. Nilalasap nila ang bawat pagdampi ng kanilang mga labi at mapaglarong dila na naghahabulan sa loob ng kanilang mga bibig. Tila nananabik ang bawat isa."Abby..." "Kristoff.." Napatigil ang kanilang halikan nang may sinabi si Kristoff sa dalaga. "Gusto kong makasama ka habambuhay.. sumama ka na sa akin. Magsama na tayo."Hindi na nagdalawang isip ang dalaga. Napatango lang si Abby sabay ngiti. Napangiti rin si Kristoff sa dalaga at hinalikan ulit. Napayakap si Abby sa binata at tinugunan ang bawat halik nito. Mas hinigpitan ng isang kamay ng binata ang pagkakahawak sa balikat ni Abby at ang isang kamay ay gumagapang sa may hita ng dalaga. Ibinaba ni Kristoff ang mga halik nito patungo sa may leeg at balikat ni Abby kaya napapatingala habang nakapikit ang dalaga. Ramdam niya ang unti - unting pag-init ng katawan niya habang hinahaplos ni Kristoff ang kanyang hita."Kristoff...uhh.."Hindi
Dire-diretsong nagmaneho ng kotse si Kristoff kasama si Abby. Napakaseryoso ng binata habang nagmamaneho at napakatahimik pa nito. Si Abby naman ay napapasulyap at di niya maiwasang kabahan.Malalim na ang gabi nang tinahak nila ang daan na para bang walang pakialam si Kristoff kung saan sila papunta. Mas lalong kinabahan si Abby dahil sa katahimikan ng binata na hindi man lang umimik simula nang sumakay sila sa kotse. Hindi na niya natiis kaya napatanong na ito.“Saan ba tayo pupunta?” kinakabahang tanong ni Abby.Hindi niya alam kung ano ang iniisip ni Kristoff sa mga oras na iyon. Sa tingin niya ay galit ang binata sa kanya dahil sa hindi pagsipot nito sa kanilang tagpuan at ang mga nabalitaan nito kani – kanina lang.“Saan mo ba ako dadalhin?” tanong niya ulit.Lumiko ang kotse patungo sa kabila at nagpatuloy pa rin ito sa pagmamaneho. Mukhang napakalayo na ang kanilang narating at hindi na alam ni Abby kung anong lugar na iyon."Kristoff..." mahinang pagsambit ni Abby sa pangalan
Nanlaki ang mga mata ni Abby nang marinig niya ang sinabi ni Harry. Hindi niya inaasahan na sasabihin ng binata ang kasinungalingang iyon. Ang lakas ng kabog ng kanyang puso dahil sa di mapaliwanag na kaba at sa kahihiyan na narinig kaya napayuko nalang siya."Congratulations!" Bati ng mga bisita na nagsipalakpakan sa pag-anunsyo nito. Hindi rin makapaniwala si Kristoff sa narinig. Nagulat din siya pati si Maggie sa sinabi ni Harry."Really?" Reaction ni Maggie na halatang hindi naniniwala. Napakunot noo naman si Kristoff at tinitigan si Abby na nasa stage. Nang marinig niya iyon ay para bang sumisikip ang kanyang dibdib. Hindi siya agad nakagalaw bagkos ay pinagmasdan lang niya ang dalaga. "Congratulations! Cheers!" Bati ulit nila habang tinataas ang dalang wine glass. "Thank you! Thank you!" Tugon ni Harry. Abot tenga ang ngiti ng binata.Hindi na nakayanan ni Abby na tumayo roon dahil sa mga pinagsasabi ni Harry. Napaatras si Abby at gustong makawala sa kamay ni Harry pero mas