Nag makaalis na si Quinette sa ospital ay hindi na napigilan pang tumulo ng kanyang mga luha at umiyak lang siya ng umiyak. Naninikip ang kanyang dibdib, napahawak siya sa kanyang tiyan at napaupo na sa kalsada. Nawalan nang malay si Quinette, mabuti na lamang at dumating ang matalik na kaibigan at abogado ni Randell na si Attorney Suarez.Agad naman siya nitong nasalo at dinala sa pinaka- malapit na clinic, hinintay niya na magising si Quinette. Tinawagan na din niya ang bestfriend nitong si Rhiane para may mag-bantay kay Quinette. Marahil napagod at sobrang stress kaya nahimatay si Quinette. Alam na niya na mangyayari ito dahil napag-usapan na nila Randell ang maaring mga mangyayari o mga kayang gawin ni Andrea. Pupuntahan niya muna si Randell aalalamin niya muna ang kondisyon nito kung totoo bang nawala ang ala-ala nito. Kinausap niya muna ang bestfriend ni Quinette, para ibilin na din si Quinette."Ms. Rhiane ikaw na muna ang bahala kay Ms. Quinette, kakamustahin ko lang din an
Nagising si Quinette mula sa mahabang pagkakatulog. Bumangon siya at malungkot na umiiyak. Hindi na niya alam kung paano ba niya tatanggapin na hindi na siya maalala at makilala ng asawa niyang si Randell. Umiyak na lamang siya nang umiyak ng maabutan siya ng kanyang bestfriend a si Rhiane at Atty. Suarez."Beshie tahan na... huwag kana umiyak makasasama yan kay baby Quiara Rain natin." Malungkot na sabi ni Rhiane at niyakap ang kanyang kaibigan."Hindi ko kakayanin na mawala sa amin si Randell, yung mawawala kami sa ala-ala at puso niya. Paano na ang mga anak ko...???" Hikbing sabi ni Quinette at yumakap na din sa kanyang bestfriend."Tapos lalabas na sa mundo ang prinsesa namin, paano na lang siya...???" Umiiyak na sabi ni Quinette. Hinayaan na lamang nila si Quinette na umiyak at ilabas lahat ng sama ng loob nito. Nang maging kalmado ito ay inalo na ito nila Rhiane at Atty, Suarez. "Kailangan mong tatagan ang iyong loob Quinette. Pasamantala mang nawala si Randell, nandiyan nama
Galit na binalibag ni Randell ang wheel chair sa kanyang kwarto sa mansiyon. Doon sila dumerecho ni Atty. Suarez dahil kanina pa siya nanggigil sa mga nangyayari kanina. Sobra siyang napikon sa ginawa na Quinette. Siya ang napipikon sa sarili niyang mga plano."Hahah... Bro kalma... ano yun ikaw ang nabubwesit sa sarili mong mga plano...???" Natatawang sabi ni Atty. Suarez kay Randell."Diba narinig mo kanina na sinabi ng asawa ko sa anak namin na nasa heaven na ako! Paano akong hindi magagalit... tapos honey pa yung tawag ng bwesit na doktor na yun kay Quinette." Galit na sigaw ni Randell sa saril niyang mga plano."Hahah... eh di effective ang plano at lalo na nang acting mo bro. Kaya maging kalmado ka na, mamaya may makarinig pa sayo diyan." Pagpapakalmang sabi ni Atty. Suarez."Kailangan ko talagang maging kalmado kasi kalmado na din si Quinette at tingin k nagmo- move on na siya." Malungkot na sabi ni Randell at kalmado ng umupo sa kanyang kama."Ganyan tama... pag-usapan na nat
Maagang gumising si Quinette para maghanda sa unang araw ng kanyang online course para sa kanilang negosyo. Aasikasuhin din niya ang kanyang anak na si Klyde sa pag-pasok nito sa school, kahit malaki na ang kanyang tiyan sinisikap niya pa rin na personal na asikasuhin ang kanyang anak sa pagpasok nito sa paaralan. Dahil gusto niya din sulitin habang maliit pa ito ay nayayakap at nahahagkan pa niyo si Klyde. Dahil alam niya na darating ang araw na magkakaroon na ito ng babaeng mamahalin at sariling pamilya. Pagbangon niya ay agad na siyang naligo, inihanda na ang kanilang almusal. Saka niya ginising ang kanyang anak. Nagmadali na silang kumain para hindi malate ang kanyang anak, nilagay na ni Quinette ang baon ni Klyde sa loob ng bag nito. Nila- lock na ni Quinette ang kanlang tarangkahan ng dumating si Rhiane. "Good morning beshie at sa cute ko na inaanak." Masayang bati ni Rhiane sa kanyang bestfriend at sa bibong inaanak. "Good morning po tita - ninang ko..." Magiliw na bati ng b
Napalingon na lamang si Quinette kay Doctor Jandro pero natatwa lang itong sumunod sa kanila ni Attorney Suarez. At kinidatan pa siya ng gwapong doktor, nailang si Quinette kaya nag- madali na lamang siyang nag lakad papunta sa kanyang coffee shop. Umupo sila Quinette at atty. Suarez malapit sa counter. Si Doktor Jandro naman ay umupo sa tabi ng lamesa nila at umorder ito ng kape. Maya- maya pa ay dumating na din si Rhiane na nanggaling sa paghatid kay Klyde. Binati naman sila ng dalaga. "Hello beshie, atty. Suarez and Doctor Jandro." Magiliw na bati ni Rhiane. "Hi...'' bati ni Atty. Suarez at ngumiti kay Rhiane. "Hello Rhiane..." Bati din ni Doctor Jandro at nagbigay ng beso kay Rhiane. "Beshie... slamat sa paghatid kay Klyde." Masayang sabi ni Quinette. "Wala yun... mamaya ako ulit ang magsusundo sa kanya, at may mga iinterviewhin kayo ni Atty. Suarez." Pag prisinta ulit ni Rhiane. " Hala beshie baka nakakaabala na kami sayo..." Saad ni Quinette. "Huyyy... nahihiya ka pa sa
Nasa coffee shop si Quinette pinagmamasdan niya ang ultrasound ng kanyang anak. Kita na ang mukha nito at kahawig siya ni Randell. `Sayang anak wala ang tatay Randell mo para makita ka ngayon. Napaka-ganda mo baby princess ko.` Bulong ni Quinette sa kanyang anak habang hinihimas ang kanyang malaki nang tiyan. ``Oh... Quinette ang aga mo ah... goodmorning`` Bungad na bati ni atty. Suarez. `Good morning din po attorney Suarez... Pinagmamasdan ko lang ang ultrasound ng anak ko na si Quiara Rain. Kita na kasi ang mukha niya eh.... Tingnan mo po ohhh.` Pagmamalaking turan ni Quinette at iniabot sa atorney ang ultrasound ng kanyang anak. `Oo nga noh... ang cute naman ng baby na ito, kaya ang daming excited sa paglabas ng anak niyo eh` Saad ni Attorney Suarez. `Salamat... kaya nga lahat tayo masaya at excited sa paglabas niya. Pero nalulungkot din ako para sa kanya, dahil hindi na siya kilala at maalala ni Randell.` Malungkot na sabi ni Quinette na naluluha na din. `Huwag ka na mag-
Natapos na ang short course ni Quinette at proud na proud ang kanyang mga kaibigan. Seven months na din ang kanyang baby Quiara Rain na nasa kanyang sinapupunan, pero hindi mabuo- buo ang kanyang kasiyahan dahil hindi pa rin sila naalala ng kanyang asawa na si Randell. Hindi pa rin niya mapigilan ang malungkot tuwing maiisip niya ito at mas masaya sana silang lahat kung kapiling nila ito sa ganitong mga okasyon. Dahil sa nasayahan si Atty. Suarez sa resulta ng kanyang pinaghirapan at pitong buwan na ang tiyan ni Quinette ay nagpahanda siya ng simpleng salo- salo para sa asawa ng kanyang matalik na kaibigan. Hiniling din ito ni Randell sa kanya para mapasaya si Quinette at mabawasan ang kalungkutan nito. Hindi pa kasi tamang panahon na malaman ni Quinette ang totoo. '"Oh mag- picture naman tayo para may remembrance... Manang pasuyo naman po ako, kuhaan niyo po kami ng litrato." Magalang na utos ni Atty. Suarez sa kasambahay. 'Sige po sir Suarez. " Magalang din na sagot nito. "Oh ta
Ngayon ang araw na ipapakilala si Quinette Gomez bilang pinakamalaking stockholder ng kumpanya nila Randell. Kaya maaga siyang gumising at mag- asikaso, ginising na din niya si Klyde para maidaan niya ito sa school nito. Pagkatapos asikasuhin ni Quinette ang mga gamit ni Klyde ay siya na din ang n ag asikaso, malayo pa ang kanyang biyahe mag- stay din muna siya sa isang hotel na malapit sa kumpanya nila Randell dahil mahihirapan na siyang magbiyahe pauwe. Dumating na din si Rhiane para ito ang magbantay muna kay Klyde.''Morning beshie... mukhang excited ka sa iyong first day ahh sa kumpanya nila Randell." Nakangiting bati ni Rhiane sa kanyang matalik na kaibigan. "Syempre naman beshie... ang tagal ko tong pinag- handaan." Determinadong sabi ni Quinette at ngumiti pa ng matamis kay Rhiane. "Kahit ako excited na din... go lang beshie kaya mo yan para sa pamilya mo." Pag- cheer up pa ni rhiane kay Quinette at ngumiti rin dito."Ikaw na muna ang bahala kay Klyde ahhh... Mga three
Mabilis na lumipas ang ang mga araw at isang taon na kaarawan ngayon, ng anak nila Randell at Quinette na si Quiara Rain. Ginanap lamang ang selebrasyon sa pool ng mga Gomez, Pool Party ang napili nila mag- asawa. Magaling na din ang kanilang anak, naoperahan na ang butas nito sa puso kaya napakasaya nila mag- asawa. Nanganak na din ang bestfriend ni Quinette na si Rhiane at lalaki ang baby nila Atty. Carl Suarez. Nag- engaged na din ang abogado kay Rhiane kaya malapit na din ikasal ang mga ito. Mag- uumpisa na ang pool party kaya mabilis na binihisan ni Quinette ang kanyang mga anak. Si Randell aman ay inasikaso ang kanilang mga bisita."Mahal ko... Marami na tayong bisita, ready na ba ang ating birthday princes...?" Masayang tanong ni Randell sa kanyang asawa."Oo mahal ko, inaayos ko a lang ang gown ni Quiara Rain... Tingnan mo ang ganda ng little mermaid natin..." NAkangiting sabi ni Quinette." Oo nga... mana talaga kay tatay nuh..." Paglalambing na sabi ni Randell."Hmmp... Wala
Bago pumunta ng ospital sila Randell at Quinette at pumunta muna sila sa presinto para kamustahin ang kaso laban kila Andrea at doktor Jandro dahil sa pag- dukot sakanilang anak. Gusto din nilang maka- usap na mag- asawa si Andrea. Pero nakiusap si Quinette na gusto niya munang makausap mag- isa si Andrea. Kaya nandito siya para hintayin ito. Nang makalapit ito sa lamesa at kinauupuan ay nakatitig lamang ito sa kanya at halatang hindi masaya sa pagdalaw niya."Kamusta na Andrea... nagulat ka ba nandito ako para bisitahin ka. May dala ako sayong pasaalubong, huwag kang mag- alala walang lason yan at wala akong balak na maging katulad mo na masamang tao." Mataray na sabi ni Quinette."Anong problema mo...??? Bakit nagpunta ka poa rito, naiirita lang ako sa mukha mong mang- aagaw ng fiance." Pang- iinsulto ni Andrea sa kanya."Ehhemm... Hanggang ngayon hindi ka pa rin pala maka- move on ahh... Ako ang pinakasalan at inanaka , dalawa na nga eh at muntik mo pang patayin ang isa naming anak
Ngayon araw na makakalabas ng ospital si Randell, pero si baby Quiara Rain ay mako- confine pa rin nang isang linggo dahil lumalaki ang puso ng sanggol. Kaya dapat pang obserbahan ng mga doktor, malungkot man na balita. Hindi pa rin nawawalan nang pag- asa na gagaling din ang kanilang anak. One month old na ito bukas kaya sa ospital na lamang sila magsese- celebrate at ipinalipat na nila sa private room kaya maninitil pa rin sila sa ospital hanggang sa gumaling ang kanilang anak. "Masaya ako mahal ko na magaling ka na at maayos na ang kalagayan mo. Pero malungkot pa rin dahil hindi pa rin okey ang anak natin na si baby Quiara Rain." Malungkot at naiiyak na sabi ni Quinette sa kanyang asawa."Mahal ko Quinette... ngayon pa ba tayo mawawalan ng pag- asa, kinaya natin na bawiin siya kay Andrea at mailigtas. Ang diyos lang ang nakakaalam kung kailan tayo dapat sumuko, ipaparamdam niya sa atin yun. Pero sa ngayon hangga't pinag- kakatiwala niya sa atin si baby Quiara Rain. Alagaan natin si
Napaluhod sa harap ng kama, at habang yakap ni Quinette ang bangkay ng kanyang asawa."Mahal ko...! Randell... nangako ka sa akin na hindi mo ako iiwan diba...??? Mahal na mahal kita Randell, paano na ako mabubuhay nang wala ka mahal ko...! Isama mo na din ako..." Sigaw ni Quinette habang humahaguhol ng iyak."Misis... maaari bang tumabi ka muna, sino ba ang iniiyakan mo diyan ah. Di ba asawa mo si Randell Gomez." Pagtatakang tanong ng doktor kay Quinette."Opo... diba siya po itong nakabalot sa kumot na puti dok...???" Pag -tatakang tanong ni Quinette sa doktor at nagkasalubong pa ang kanyang mga kilay."Mahal ko..., Quinette buhay pa ako, lumipat na ako ng private room kaya iba na ang pasyente diyan kinuha ko lang itong naiwan ko na celphone." Pagtatakang tanong ni Randell sa asawa pero natatawa na kinikilig siya sa mga sinabi nito, dahil narinig niya lahat. Kaya naman tumayo na siya kahit nahihirapan siyang humakbang at niyakap ang kanyang asawa na naka- salampak sa sahig."Akala k
Nagpunta na sila Rhiane at Quinette sa nursery room para dalawin at makita ang kanyang anak na si Quiara Rain. Sobra siyang nasasabik dahil magiging una nilang pagkikita mag- ina, nasasabik siyang mahawakan at mayakap ang kanyang sanggol na nawalay sa kanya ng dahil sa kasamaan ni Andrea. Smilip muna sila labas ng pintuan. Itinuro sa kanya ni Rhiane ang kanyang anak, at bumilis ang tibok ng kanyang puso, ito na ba ang lukso ng dugo na sinasabi nila. Nilapitan na nila ito at mahimbing na natutulog ang sanggol, pero bahagyang dumilat ang mga mata. Marahil naramdaman nito na nasa tabi siya na kanyang nanay. Umiyak ito ng napaka- lakas. "Baby Quiara Rain... nandito na si nanay Quinette mo. Napaka- ganda at puti mo anak ko." Naiiyak na sambit ni Quinette sa kanyang anak. Umiyak ng malakas ang sanggol kaya nataranta sila ni Rhiane."Naku... beshie naramdaman niya sigiro na nadito ang kanyang mommy kaya umiyak ng malakas si baby Quiara para buhatin mo." Saad ni Rhiane kaya binuhat nito si b
Napaupo na lamang sa silya si Quinette dahil nanghina ang kanyang mga tuhod nang marinig ang sinabi ng doktor na kailangan maoperahan si Randell dahil nasa delikado itong sitwasyon."Mrs. Gomez... Maraming dugo ang nawala sa kanya kaya kailangan muna natin siya masalinan ng dugo bago maumpisahan ang kanyanmg operasyon." Paliwanag ng doktor kay Quinette."Ako po pwede ako mag- donat ng dugo sa kaibigan ko dok." Pagpresinta ni Atty. Carl Suarez."Sige papapuntahin ko ang isang nurse dito para madala kayo sa lab at matest muna ang mga blood donors bago mag- donate ng dugo sa pasyente." Sagot ng doktor."Ako din po willing mag- donate." Saad ni Rhiane."Mauuna na ako hija..." Paalam ng doktor kay Quinette."Beshie... huwag ka na malungkot at masyadong mag- alala diyan. Kailangan siya operahan para matanggal ang bala sa kanyang dibdib at kami na bahala mag- donate ng dugo sa kanya." Paliwanag ni Rhiane at niyakap muli ang kanyang bestfriend."Oo nga Quinette kailangan mong lakasan ang lo
Pinigilan ni Quinette si Andrea na sundan si Rhiane para kunin ang kanyang anak, hinayaan niya na maunang makalabas ang kanyang bestfriend at sa sobrang galit niya hindi niya napigilan na sabunutan si Andrea para matulungan din si nurse Mae."Beshie sige na iligtas mo ang anak ko...! Ako na ang bahala rito..." Sigaw ni Quinette."Sige beshie...!" Sagot ni Rhiane at mabilis nang naglakad buhat ang sanggol para makalabas sa airport. Hindi na siya muli pang lumingon sa mga ito at ang tanging nasa isip niya ay mailayo kay Andrea ang sanggol. Kaya lakad at takbo ang kanyang ginawa makapunta lang parking lot. Nang makalayo na si Rhiane ay tinulungan ni Quinette si nurse Mae para makatakas din kay Andrea. Hinila niya ang buhok nito at pinagtulungan nila na sabunutan."Tumakas ka na nurse Mae... Sundan mo si Rhiane." Utos ni Quinette at humarap kay Andrea." Ikaw na malandi ka...! Dapat sayo mamatay! Mang- aagaw ka..." Galit na sigaw ni Andrea kay Quinette."Wala akong inagaw sayo!... Hindi
Nasa biyahe na sila Randell at Quinette nang mag- message sa kanya si Atty. Carl Suarez para ibalita na tatakas si Andrea at dala ang kanilang anak. Papunta na ang mga ito sa airport kasama si Nurse Mae pero nahuli ni Andrea na nagreport ang dalaga sa mga police kaya kinuha nito ang celphone. Tinilungan si Andrea nang daddy nito na muling makatakas. Kaya imbes na uuwe sila sa kanilang mansiyon ay dumerecho siya sa airport. Kaya nagtataka naman si Quinette dahil naiba ang kanilang dinaan kaya nagtanong ito sa kanyang asawa kung saan sila puputa."Mahal ko... Saan tayo pupunta bakit nag- iba ka nag daan ahh..???" Pag- tatakang tanong ni Quinette kay Randell. "Kailangan natin dumerecho sa airport mahal ko. Nag text saa akin si Carl at tatakas daw si Andrea dala ang anak natin. Kaya kailangan antin siya maabutan para mabawi si baby Quiara Rain." Seryosong sagot sa kanya ni Randell."Napaka- sama talaga niya, hindi na siya naaawa sa anak natin, wala naman kasalanan sa kanya ang baby nati
Hindi na muna umuwe ng mansiyon sila Randell at Quinette. Gusto ni Randell na makapag -usap sila ni Quinette nang sarilinan tungkol sa isyu ni doktor Jandro. Ayaw niyang lumaki pa ito magkaroon sila ng samaan ng loob mag- asawa. Dinala niya ito sa isang beach sa cavite, gusto niyang maglakad- lakad na hawak ang kamay ng asawa. "Dito na muna tayo, gusto ko maglakad- lakad sa dalampasigan. Para mapag- usapan na din natin ang tungkol sa mga sinabi ni Jandro sayo." Saad ni Randell sa kanyang asawa at bumaba ng kanyang kotse at pinag- buksan ng pinto ang kanyang asawa.Wala naman imik si Quinette at sumunod lamang siya gusto ng kanyang asawa. Hinawakan ni Randell ng mahigpit ang kanyang kamay at naglakad na sila papunta sa dalampasigan. Nang mapagod sila paglalakad ay inaya siya ni Randell na maupo na muna sila habang pinapanood ang alon ng dagat."Maupo na muna tayo mahal ko..." Ani ni Randell sa kanyang asawa."Sige.. mahal ko..." Pagsang- ayon ni Quinette.Tahimik lang silang nakating