WHAT IS THE MEANING OF FRIENDS FOR?
REI ZAX'S POV:
Sabi nila, stick with someone who are already part of your life. Kahit na ilang beses ka ng napapagod sa kakaintindi, hindi mo pa rin magawang iwan siya.
Dahil ikaw mismo ang pumasok sa buhay niya, at hindi ang sarili niya.
She's become my sister, sister not in blood.
My best version of me, a girl who can be with herself.
But, how long I'll lied to myself?
Alam ko naman sa sarili ko na hindi talaga iyon ang nakikita ko sa kaniya kapag kasama ako.
WORTHLESS.
HOPELESS.
EMPTINESS.
That's the thing I can see on her eyes and how she act as if she's to cool to have this kind of addiction through in my sight.
Hindi masamang gawin niya ang mga kagustuhan niya, kaso ang gusto kong ipaintindi na limitahan niya.
"Laishia, how long will you drunk alcohol? Kanina ka pang alas dose ng tanghali umiinom. Ni hindi ka na pumapasok sa school? Tinatanong na rin sa akin nila Madam kung ano ba ang nangyayari sa iyo, mabuti naniwala sila sa akin na may sakit ka kung hindi, ewan ko na lang sa'yo"dismayado kong bungad dito nang makapasok ako sa sala namin.
Kakauwi ko lamang galing sa school, alas kwatro y media ang uwian namin.
Kaso pumunta muna ako ng karinderya para bumili ng pagkain namin sa gabi.
Alas sais na ako nakauwi sa bahay matapos ang napakaraming studyante na sumasakay rin sa bus. Hindi na ako naging choosy pa sa pagsakay, hinayaan ko na lamang ang aking sarili na nakatayo sa gitna ng bus habang nakahawak sa headshot ng upuan.
"May special test naman sila o di kaya ay pa'activity sa mga bagsak. Hindi ko na kailangan pang mag-aral, nakakatamad kayang pumasok. Ahhhh!" Humikab pa ito nang malakas habang mahina niyang tinatapik ang kaniyang bibig.
While looking at her in this position, I see how she's innocent from all things.
She is like a baby, need to take care and love her gratefully.
Kailangan mo ring turuan siya sa paraang tama para lumaki siya na nasa direksyon siya na naaayon sa hinihiling ng magulang niya.
Pero, kabaliktaran ng kaniyang pustora ang totoong siya.
Hindi niya kayang pigilan ang isang bagay na napamahal na sa kaniya, para siyang isang taong lobo na handang sumugod kapag pinagbawalan mo siya.
At isang taong malapit ng mamatay kapag nawala ang kaniyang kagustuhan sa piling niya.
"Inaantok na ako. Ikaw na ang bahala rito, tutal nandito ka na rin lang naman" dahan-dahan itong tumayo sa kanyang pakakaupo.
Mapapadulas pa sana siya sa mga nakaharang na mga basura sa harapan niya nang mabilis akong tumakbo para alalayan lamang siya.
Hawak-hawak ko ang kaniyang balikat, dala-dala ko pa rin ang plastik na kinalalagyan ng binili kong ulam sa karinderya.
Matalim na tiningnan ko si Laishia."Pag-iinom na lamang ba talaga ang aatupagin mo? Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo dahil diyan sa pinaggagawa mo? Sinasayang mo ang pera na iyong pinaghihirapan,alam mo ba iyon"
Sermon ko rito upang makaintindi siya. Sana malaman niya na hindi na tama ang kaniyang ginagawa, ayos lamang na uminom, ayos lamang na manigarilyo.
Ang problema lamang sa kaniya, nagiging habit na niya ito.
Hindi na niya ito titigilan hanggat andiyan sa kaniyang harapan. Hindi siya mananahimik sa isang tabi kapag alam niya na hindi pa ito ubos.
Mas masahol pa siya sa mga lalakeng lasinggero sa kanto, mas mabagsik pa siya sa mga naninigarilyo.
I don't know what's wrong with her, hindi naman siya ganyan kabisyo noon.
Tinalo niya pa ako sa ganitong mga bagay, lalake ako na walang bisyo.
"This is my habit and I'm proud of it. Huwag ka ngang magpaka'tatay sa akin ang baduy ahahaha" kita ko kung paano lumaki ang kaniyang bibig, naamoy ko pa ang singaw ng sigarilyo mula rito. Maging ang amoy ng alak ay nalalanghap ko.
Maganda sana sa tenga ang kaniyang boses kapag tumatawa, ngunit ang nilalabas naman ng kaniyang bibig ay hindi nakakaakit sa aking pandinig.
Binitawan ko siya sa aking pagsuporta sa balikat niya. Nilisan ko ang direksyon niya at pumunta sa parte na malayo sa kaniya, kita ko kung paano siya magbalanse sa sarili niya.
Napabuntong-hininga na lamang ako sa aking sarili at napailing-iling.
Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin para maging malawak ang kaisipan niya sa mga bagay.
"Ako na nga lamang ang nag-iintindi sa iyo. Ako na nga lamang ang nag-aalala sa iyo, ganyan ka pa kung mantrato. Ikaw pa rin ba iyan Laishia? Ikaw pa rin ba ang bestfriend ko na hindi kayang magsalita ng ganyan kaharsh sa iba? Napapagod na ako sa kakaintindi sa iyo at may times na gusto ko nang sumuko, pero hindi ko magawa dahil kaibigan kita. At ang kaibigan hindi nang-iiwan kapag pagod na"
Nagtataka na ako sa bawat kilos niya.
Imposible naman na may problema siya, cause she's damn perfect.
Being genius, talented person and also a great person from others.
Kaya kataka-taka na bakit nagkakaganito siya kung sikat naman siya sa iba?
Bakit siya nagpapakalunod sa alak at nagpapakasarap sa amoy ng usok ng sigarilyo, kung kaya naman niyang ibigay ang atensyon dito sa mga taong nakapaligid sa kanya.
She can be a role model to anyone, she is a good listener and a great announcer.
But, the saddest part of it is...
She's hiding it on herself.
"I'm sorry for making you feel like this. I'm sorry for not being a friend that you wish for, I didn't ask you to be with me. If you tired of understanding me, it's time to let me go and set yourself free. Huwag kang makulong sa taong walang pangarap, huwag kang umasa na magiging katulad kita. Dahil alam ko, hindi ko kayang maging ibang tao"
Para siyang hindi nakainom, ang mga pinagsasabi niya ay straight to the point na akala mo nagbibiro lamang siya. Iyon naman ang mga nalalasing , hindi ba?
Kaya nilang magbiro at bawiin ito, may ilan pa na totoo na talaga kung ano ba ang pinagsasabi nila at magigising na wala na silang maalala sa kung napag-usapan.
Pero si Laishia, iba siya sa mga ito.Hindi biro o pagdadrama ang nakikita ko sa kaniya ngayon.
Ang mga mapupungay niyang mga mata ay nagsasabi na, ito na siya at wala ng makakapagpabago pa nito.
At iyon ang mahirap tungkol sa kaniya.
"Hindi ko naman tinutukoy na magbago ka para sa iba o 'di kaya ay sa akin. Ang gusto ko lang mangyari ay limitahan mo kung ano ba ang ginagawa mo. Mag-aral ka para sa kinabukasan mo, akala ko ba gusto mo pang makapagtapos, nasan na iyon?Asan na si Laishia Mezhea?"
I saw how she clench her fist.
Pumikit pa siya at binalanse ang sarili na hindi madulas sa kinatatayuan niya na puno ng mga balat ng chitchiriya.
"What is the meaning of friends for you?" She ask nowhere.
Napataas pa ako nang aking kilay sa kaniyang sinabi. Ano ang tinutukoy niya?
Kahit na naguguluhan ay sinagot ko pa rin ito.
"You will be with someone forever. No one can break the string that you both have. Handa kang sumuporta at intindihin siya para mas lalo pa kayong maging matatag sa bawat isa"
"You're right, still not enough to describe what is the real meaning of friends or friendship"
Tumalikod na siya sa akin na para bang walang nangyari na diskusyonan. Paika-ika pa siya sa paglalakad niya, kita ko kung paano siya mapahawak sa kaniyang ulo dahil sa kalasingan niya.
Who wouldn't?
Kung nagpakalunod naman siya sa alak ng anim na oras, wala akong kaalam-alam kung nagpahinga ba siya o nagtuloy-tuloy lamang sa pag-inom?
Is that a normal person's do?
"Wait...Laishia! What are you trying to say?!"sigaw ko noong mapansin ko na malayo na siya sa akin.
Nakita ko kung paano siya lumingon sa aking direksyon at may sinabi ang kaniyang bibig, nagpabuka-buka pa ito na parang may sinasabi.
Ngunit hindi mo maririnig dahil sa masyadong mahina ito at sinadya talaga na ganyan ang gagawin niya.
Nang matapos na siya ay tumalikod na muli siya. Pumasok siya sa room na nasa kaniyang harapan at malakas na sinara ang pintuan.
"Ahhh!"
Iyon na lamang ang lumabas sa aking bunganga.
Binagsak ko sa may sofa ang hawak kong plastik at saka umupo sa sahig.
"Hays!bakit ba ang kalat nitong babae na ito? Palagi na lamang ako ang nagliligpit."
Napapailing na lamang ako hanggang sa matapos ako sa pagsasaayos nito.
Nilagay ko sa gilid lamang ng pader sa may pintuan ang basura at saka tumingin sa wall clock na nasa itaas ng aming TV.
Alas siete y media na pala ng gabi. Kaya pala kumakalam na ang aking tiyan, dahil sa sobrang gutom na aking nararamdaman.
Napatingin pa ako sa room ni Laishia bago mapailing.
Alam ko naman na hindi siya kakain, kaya ako na lamang ang uubos nito upang hindi sayang at tapon ang magiging resulta.
Kinuha ko ang plastic na may laman ng binili kong igado at adobo at saka tinungo ang aming kusina.
Sana lamang may niluto na siyang kanin para makakain na ako.
Kaso, posible ba niyang gawin iyon?
I think I must find it out.
Tuluyan na nga akong nakarating sa aming kusina at hinanap ang rice cooker. Napansin ko naman na nasa lamesa na ito, kung kaya't lumapit na ako roon.
Umupo ako sa isang upuan at inayos ang aking sarili sa pagkakaupo.
Hinila ko ang rice cooker palapit sa aking direksyon at saka binuksan iyon, napatango-tango na lamang ako nang makita na may sinaing siya.
"Nagpahinga rin naman pala siya. Akala ko buong tanghali siya na umiinom at naninigarilyo, hindi rin pala" mahinang saad ko sa aking sarili.
Nilabas ko ang laman ng rice cooker at pagkatapos nilabas ko naman sa plastic ang dalawang ulam.
Winarak ko sa gitna ang plastik at saka binagsak ang igado sa mismong kanin.
Hindi na ako kumuha pa ng plato. Sanay na ako sa mismong rice cooker kumakain.
****
Pagkatapos kong kumain ng kalahating oras. Naisipan ko naman na dumiretso muna sa kwarto niya.
Nakita ko siya na himbing na himbing sa pagtulog, yakap-yakap pa niya ang niregalo ko na malaking teddy bear sa kaniya noong birthday niya.
Napalingon naman ako sa may cabinet niya. Nakapatong doon ang picture frame na naka'heart shape kaming dalawa sa isa't isa.
"Ang tino mo pa rito sa larawan, hindi ko alam kung bakit bigla kang nagbago? 14 years na tayong magkasama sa iisang bubong.Tinuring na kita na parang tunay na kapatid ko, kaso nagtataka pa rin ako kung naging Kuya ba ako sa iyo?"
Hinawakan ko ang hibla ng kaniyang buhok, masuyo ko itong sinuklay habang pinagmamasdan ang kaniyang nakapikit na mga mata.
Itim na itim na ang kaniyang labi, hindi tulad noon na kinaiinggitan ng mga kababaihan ang kaniyang mapulang labi.
"I don't know what's the reason why you ask me about friendship. Ang masisigurado ko lamang sa iyo na handa kong ipadama na nandito lamang ako.Kuya mo na ako, at sana dumating ang araw na malaman ko ang totoo. Nasisigurado akong matutulungan kita. Mahal na mahal kita, Laishia."
Hinalikan ko ang tuktok ng kaniyang ulo at saka hinaplos ang pisngi nito.
Napangiti ako nang mapait habang pinagmamasdan muli siya.
"Goodnight, Laishia."
Tumayo na ako sa aking pagkakaupo. Nagsimula na akong naglakad palabas ng kaniyang kwarto.
Sasaraduhan ko na sana ito nang muli kong sinulyapan ang nakahigang si Laishia.
"No matter what will happen, I'll stick you forever. That's a Friends for, and I'll sure you that, Laishia."
"Dear Bestfriend, I don't know how to thank you in person. But thank you for having in my life"-Unknown****BROKEN IN SILENCE.THIRD PERSON'S POV:Dumaan ang ilang araw na panay lamang ang paninigarilyo'tpag-iinom ni Laishia.
'Good Friends help you to find important things when you have lost them...Your smile, your hope, and your courage'
'Always refresh your mind. Delete your mistakes. Create your own dream. Minimize your targets. Shut down your worries and be happy.'
'WORRYING will never change to outcomes.'-unknown
‘Surround yourself with people who are good for your mental health.’-unknown***HOW FRIENDS WORKS FOR..."H-how..." Iyon ang lumabas sa bunganga ni Laishia matapos ang pagsabi niya nitong mga kataga.Ngumiti naman siya sa mismong harapan nito."Don't ask how...trust yourself and love yourself." Tinuro niya ang bahagi kung saan nakapwesto ang puso nito."
‘Beauty is Power; a smile is its sword.’-UNKNOWN***YOUR SMILE, MY HAPPINESS.REI ZAX' POV:"Oh paano ba iyan dito na lang ako, sana maging okay na kayong dalawa. Ayaw ko nang nakikita itong si Bespar na malungkot kapag iniisip ka. Kung ano man ang problema mo, sana mapag-usapan ninyo iyang dalawa. Kayo na lamang ang magtutulungan, kaya bakit pa kayo magkakalabuan. Sige babay na!" Nagpaalam na ito sa amin noong ihatid ko siya sa kaniyang mismong bahay.Katulad ko, ulilang lubos na rin si Daxon. Siya na lang ang na
'Will it be easy? Nope. Worth it? Absolutely.'-UNKNOWN***LIFE IS NOT EASY.REI ZAX' POV:Nakauwi na kami sa aming bahay. Dumiretso agad si Laishia sa kaniyang kwarto, samantalang ako naman ay pumunta muna sa may rooftop.Magpapahangin na muna habang nag-iisip ng mga bagay na dapat kong gawin o mga dapat kong alalahanin.Buhay ko, o buhay ng ibang tao iniisip ko. Baka sakali na may solusyon ako na biglang sumagi sa
'Darkness can Kill, but Light can Heal.'-UNKNOWN***I'M WITH YOU.Natapos ang aming pagkain na wala pa rin ang nagsasalita. Ngunit nang matapos ay nagsimula na naman kami sa aming pagkwekwentuhan..Pero sa loob na ng aming bahay. Nakaupo sa mahabang couch at ninanamnam ang bawat sandali na magkasama kaming dalawa.Iniba na namin ang usapan, tungkol naman sa gagawin kong akda ang naisipan naming pag-ukulan ng pansin.Para hindi na kami ma
REI ZAX'S POV:Panibagong araw na naman at panibagong proyekto naman ang aking gagawin ngayon. Kanina pa ako naglalakad sa gitna ng kagubatan na ito upang puntahan ang baranggay lagpan kung saan doon ko kikitain ang isang tao. Isang personal na panauhin ko sa magiging bagong akda ko.Hindi ko inaasahan na magugustuhan din ng aming manager ang ginawa ko tungkol kay Laishia. Akala ko ay hindi niya ito kukunin sapagkat sobrang maselan ng mga pangyayari ang nakapaloob sa kwento. Subalit napansin niya ang magandang lesson sa buhay ni Laishia kung kaya kinuha niya ito at pinabigay na agad sa editor upang suriin at siyasatin.Hindi ko na alam ang lagay ng aking libro sa mga oras na ito sapagkat mas pinili kong ipokus muna ang sarili sa mga mahal ko bago sa mga ito. Iyon muna ang mahalaga sa akin, alam ko na darating ang mga oras na magiging busy na kami sa lahat.Lalong-lalo na ngayon na puno an
Rei Zax's POV:(1 month passed)Sa isang buwan na ito naging payapa ang buhay naming tatlo. Mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa at ang pagmamahalan namin ni Daxon ay tumibay pa. Ganito pala talaga ang pagmamahal, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong saya kapag kasama siya. Para bang…para bang nasa langit ka.Napakaaliwas at napakasarap. Sana ganito na lang ang buhay, sana patuloy na mananatili ang ganitong eksena sa aming tatlo.Pero alam ko na hindi pa rin nagtatapos ang aming mga pinagdaraanan. Alam kong may darating pa. Sana lang makayanan naming tatlo na harapin ng magkakasama.Kapag hindi nakayanan ng isa, sana ang iba ay tuluyan siyang makaahon ng sabay-sabay."Here's the food!" Malakas na hiyaw ni Laishia galing sa kusina. May dala siyang tray na kinalalagyan ng pagkain habang naglalakad palapit sa amin."Tar
REI ZAX'S POV:Nakauwi ako sa mansyon na masama pa rin ang pakiramdam. Hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos maisip na kaya nilang gawin iyon sa anak at pamangkin nila, at worse hindi rin nila sasabihin ang totoo.Ang dami nilang lusot. Pero nangyari na iyan sa iba, gagawin nila ang lahat para hindi sila makulong. At hindi nila mapagbayaran ang kanilang kasalanan kaya gagawa sila ng paraan."Tsk." Inis na singhal ko sa aking sarili. Kinuyom ko pa ang kamao ko dahil sa labis na galit sa aking dibdib."What happened?" Napalingon ako sa taong nagsalita. Nakita ko si Daxon na nagtataka sa aking ginawa.Napailing naman ako sa kaniya at saka inispread ang aking braso palapit sa kaniyang kinaroroonan. Naiiling naman siyang lumapit kaya malaya ko siyang niyakap.Gabi na naman ngayon. Alas siete na ng gabi ako nakauwi sa bahay. Nagkaroon pa ng problema sa daan k
REI ZAX'S POV:Nakarating na ako sa kulungan sa Masalong, Labo. Malayo ang lugar na ito sa mga kabahayan at halata rin na bago pa lang ang pagkakagawa. Tatlong palapag ito at saka may alambre na nakapaikot sa itaas ng pader ng kulungan. Sinisigurado nila ang kaligtasan ng mga mamamayan para hindi makatakas ang mga taong nasa loob.Hindi ko na iyon pinansin pa at tinuloy ang aking sarili na maglakad papunta sa guard house. Napatayo naman ito sa kaniyang kinauupuan at saka hinarangan ako sa daraanan."Anong sadya mo rito Sir? Hindi po ito oras ng pagbisita." Nagtataka nitong tanong sa akin."Hindi ako pumunta rito para bumisita. Pinapunta ako rito ng isa sa mga pulis na tumulong sa akin."Napansin ko naman kung paano siya magulat at biglang napagilid sa daraanan. "Ganon po ba…kanina pa po kayo hinihintay ni Corp." Tanging tango na lang ang aking iginawad sa guard bago
REI ZAX'S POV:"HOY PAPASUKIN NINYO AKO!" Patuloy sa pagkalampog si Daxon sa pintuan. Hanggang ngayon hindi pa rin namin siya pinapasok hanggat wala siyang sinasabing password."Password muna." Pangisi-ngisi pa kami sa may bintana malapit sa pintuan. At kitang-kita roon ang mukha ni Daxon na hindi maipinta. Nakalabas ang kaniyang kulubot sa noo at ang mata ay masama kung makatingin sa amin.Kung nakakamatay lang talaga iyan, baka kanina pa kami naghihingalo sa lupa."Pa-password password pa. Ano ba kasing meron diyan?" May halong inis sa kaniyang boses at saka nagdadabog sa sahig.Natatawa na lang ako sa kaniya. Para siyang bata kung makaasta talaga."Hayss... Ewan daw sa inyo! Wala talagang forever, password na lang hindi pa alam." Naiiling na saad ni Laishia bago mapahalukipkip."Eh...ang alam ko lang naman password ay 'I love you Rei'
REI ZAX'S POV:Nakarating na kami sa ilog na pinagsasabi ni Laishia kanina habang kami ay kumakain ng umagahan.Nasa labas nga ito ng hacienda at nasa gilid pa nito. May pader na nagtatabing sa mismong bahay ng Don. At sa ilog naman maraming mga bato ang nakapaligid. Puro mga malalaki saka bagay lamang para talunan kung gusto mo.Ngunit, kapansin-pansin din ang mga matatandang naglalaba sa pinakaunahan ng ilog."Wala ba riyan na dumi sa ilalim ng liliguan natin?" Tanong ko agad kay Laishia.Napakibit-balikat din ito sa tanong ko. Lahat naman kami ay walang sagot dahil parehas kaming walang alam patungkol dito."So…" napalingon naman kaming dalawa ni Laishia kay Daxon na nakatingin ng diretso sa kaliwang direksyon namin.Napaharap naman ako roon at biglang napangiwi sa aking nakita.'Hindi ba siya na
REI ZAX'S POV:"A...Ax," pailing-iling pa ako sa mga narinig ko. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala." Bakit ngayon mo lang sinabi?"Ngumiti lang siya at saka tumingin sa langit." Dahil alam ko, dadagdag lang ako sa problema mo. Ayos lang naman na itago, hanggat kaya pang damdamin. Gagawin ko. Basta ang mahalaga masaya pa tayo.""Pero sinabi ko na sa iyo na walang sekretuhan hindi ba?" Sambit ko sa kaniya nang seryoso. Pero hindi pa rin nawawala ang ngiti niya.Para ngang hindi niya ako narinig dahil patuloy lamang siya sa kaniyang pagmamasid sa itaas.Limang minuto siya na ganon lamang ang ginagawa. Hindi ko na rin dinagdagan ang aking sinabi dahil magsasalita rin naman siya kapag napagod siya sa kakatungo."Alam ko. Kaya nga nilalabas ko na ito sa iyo para aware ka sa akin kung bakit masyado ba akong makrat sa mga nakapaligid sa atin. Sobrang tagal 'no? Sobrang ta
REI ZAX'S POV:"Look at your reaction! Nakakatawa ka Ax!" Hinawakan ko pa ang aking bibig para hindi lumabas ang nagbabadyang halakhak.Pero hindi ko talaga kayang pigilan. Kung kaya ay tawa na lang ako nang tawa habang patuloy na sumasagi sa aking isipan ang nangyari sa kaniya kanina.Pero ang saya ay napalitan nang hindi kaaya-aya matapos may kakaibang nangyari sa aking katawan.Napaubo ako dahil sa matinding halaklak. Napahawak pa ako sa aking lalamunan dahil sa sobrang hirap makahinga.'Napasobra tuloy ako sa pagtawa. Hays!'Nakarinig naman ako ng tawa sa kabila. Siya naman ngayon ang tumatawa dahil sa akin.
REI ZAX'S POV:Matapos ang madamdamin na eksena sa nakaraan ni Laishia. Nakaramdam siya ng antok kung kaya naisipan namin na patulugin na muna siya.Total anong oras na rin natapos ang pagmamasid at pagtikim namin sa mga prutas sa may bukid. Lalo na ang pagkwekwento niya ng nakaraan.Hanggang ngayon nasa isip ko pa rin ang sinabi ni Laishia. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari, kaya pala ganon siya umasta tuwing magkasama kami. Ang alak na lang pala ang nagiging solusyon sa problema niya, ni hindi ko man lamang nakita ang mga bagay na iyon. Hindi ko man lamang siya nasamahan sa mga araw na nalulungkot at natatakot siya sa ama't tiyuhin niya.Tunay nga na kaibigan ako sa kaniya, pero para sa akin. Isa akong walang kwenta na kaibigan. Hindi ko man lamang naiisip na may nangyayari na palang hindi maganda sa kaniya.Kung sana lang..."Haist." Mahinang buntong-hininga