Share

CHAPTER 29

Author: Azia_writes
last update Huling Na-update: 2020-10-16 20:00:45

REI ZAX'S POV:

Nakauwi ako sa mansyon na masama pa rin ang pakiramdam. Hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos maisip na kaya nilang gawin iyon sa anak at pamangkin nila, at worse hindi rin nila sasabihin ang totoo. 

Ang dami nilang lusot. Pero nangyari na iyan sa iba, gagawin nila ang lahat para hindi sila makulong. At hindi nila mapagbayaran ang kanilang kasalanan kaya gagawa sila ng paraan.

"Tsk." Inis na singhal ko sa aking sarili. Kinuyom ko pa ang kamao ko dahil sa labis na galit sa aking dibdib.

"What happened?" Napalingon ako sa taong nagsalita. Nakita ko si Daxon na nagtataka sa aking ginawa.

Napailing naman ako sa kaniya at saka inispread ang aking braso palapit sa kaniyang kinaroroonan. Naiiling naman siyang lumapit kaya malaya ko siyang niyakap.

Gabi na naman ngayon. Alas siete na ng gabi ako nakauwi sa bahay. Nagkaroon pa ng problema sa daan k

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • SCREAM IN SILENCE (TAGALOG)   CHAPTER 30

    Rei Zax's POV:(1 month passed)Sa isang buwan na ito naging payapa ang buhay naming tatlo. Mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa at ang pagmamahalan namin ni Daxon ay tumibay pa. Ganito pala talaga ang pagmamahal, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong saya kapag kasama siya. Para bang…para bang nasa langit ka.Napakaaliwas at napakasarap. Sana ganito na lang ang buhay, sana patuloy na mananatili ang ganitong eksena sa aming tatlo.Pero alam ko na hindi pa rin nagtatapos ang aming mga pinagdaraanan. Alam kong may darating pa. Sana lang makayanan naming tatlo na harapin ng magkakasama.Kapag hindi nakayanan ng isa, sana ang iba ay tuluyan siyang makaahon ng sabay-sabay."Here's the food!" Malakas na hiyaw ni Laishia galing sa kusina. May dala siyang tray na kinalalagyan ng pagkain habang naglalakad palapit sa amin."Tar

    Huling Na-update : 2020-10-30
  • SCREAM IN SILENCE (TAGALOG)   CHAPTER 31

    REI ZAX'S POV:Panibagong araw na naman at panibagong proyekto naman ang aking gagawin ngayon. Kanina pa ako naglalakad sa gitna ng kagubatan na ito upang puntahan ang baranggay lagpan kung saan doon ko kikitain ang isang tao. Isang personal na panauhin ko sa magiging bagong akda ko.Hindi ko inaasahan na magugustuhan din ng aming manager ang ginawa ko tungkol kay Laishia. Akala ko ay hindi niya ito kukunin sapagkat sobrang maselan ng mga pangyayari ang nakapaloob sa kwento. Subalit napansin niya ang magandang lesson sa buhay ni Laishia kung kaya kinuha niya ito at pinabigay na agad sa editor upang suriin at siyasatin.Hindi ko na alam ang lagay ng aking libro sa mga oras na ito sapagkat mas pinili kong ipokus muna ang sarili sa mga mahal ko bago sa mga ito. Iyon muna ang mahalaga sa akin, alam ko na darating ang mga oras na magiging busy na kami sa lahat.Lalong-lalo na ngayon na puno an

    Huling Na-update : 2020-11-20
  • SCREAM IN SILENCE (TAGALOG)   PROLOGUE

    In a small village in Camarines Norte, Rei Zax and his friend Laishia live together for more than a year. They're happy back then, their friendship is like a stone that can't break by anyone else.But after a few years Laishia became cold and drunky one. She also tried to taste a drug but Rei Zax stop her.He don't know the reason is, even he want to resolve the problem towards them. Laishia always disclosing the topic.He thought that it will resolve soon, he always keep praying and trusting God for almost a year of his life. Because he know, God can resolve anything even it's small or big.But something happened. He and his friend Daxon find a way to make Laishia feel comfortable on other people again and how she tell the truth to them without feeling scared.Nalaman nila ang totoo sa mismong bibig nito. Ngunit matapos nilang asikasuhin at makuha ang hustisya. May isang pangyayari na hindi inaasahan ng dalawa.Masaya pa naman sila noong una pero magbabago dahil na rin sa isang pangya

    Huling Na-update : 2020-08-08
  • SCREAM IN SILENCE (TAGALOG)   CHAPTER 1

    WHAT IS THE MEANING OF FRIENDS FOR?REI ZAX'S POV:Sabi nila, stick with someone who are already part of your life. Kahit na ilang beses ka ng napapagod sa kakaintindi, hindi mo pa rin magawang iwan siya.Dahil ikaw mismo ang pumasok sa buhay niya, at hindi ang sarili niya.

    Huling Na-update : 2020-08-08
  • SCREAM IN SILENCE (TAGALOG)   CHAPTER 2

    "Dear Bestfriend, I don't know how to thank you in person. But thank you for having in my life"-Unknown****BROKEN IN SILENCE.THIRD PERSON'S POV:Dumaan ang ilang araw na panay lamang ang paninigarilyo'tpag-iinom ni Laishia.

    Huling Na-update : 2020-08-08
  • SCREAM IN SILENCE (TAGALOG)   CHAPTER 3

    'Good Friends help you to find important things when you have lost them...Your smile, your hope, and your courage'

    Huling Na-update : 2020-08-08
  • SCREAM IN SILENCE (TAGALOG)   CHAPTER 4

    'Always refresh your mind. Delete your mistakes. Create your own dream. Minimize your targets. Shut down your worries and be happy.'

    Huling Na-update : 2020-08-08
  • SCREAM IN SILENCE (TAGALOG)   CHAPTER 5

    'WORRYING will never change to outcomes.'-unknown

    Huling Na-update : 2020-08-08

Pinakabagong kabanata

  • SCREAM IN SILENCE (TAGALOG)   CHAPTER 31

    REI ZAX'S POV:Panibagong araw na naman at panibagong proyekto naman ang aking gagawin ngayon. Kanina pa ako naglalakad sa gitna ng kagubatan na ito upang puntahan ang baranggay lagpan kung saan doon ko kikitain ang isang tao. Isang personal na panauhin ko sa magiging bagong akda ko.Hindi ko inaasahan na magugustuhan din ng aming manager ang ginawa ko tungkol kay Laishia. Akala ko ay hindi niya ito kukunin sapagkat sobrang maselan ng mga pangyayari ang nakapaloob sa kwento. Subalit napansin niya ang magandang lesson sa buhay ni Laishia kung kaya kinuha niya ito at pinabigay na agad sa editor upang suriin at siyasatin.Hindi ko na alam ang lagay ng aking libro sa mga oras na ito sapagkat mas pinili kong ipokus muna ang sarili sa mga mahal ko bago sa mga ito. Iyon muna ang mahalaga sa akin, alam ko na darating ang mga oras na magiging busy na kami sa lahat.Lalong-lalo na ngayon na puno an

  • SCREAM IN SILENCE (TAGALOG)   CHAPTER 30

    Rei Zax's POV:(1 month passed)Sa isang buwan na ito naging payapa ang buhay naming tatlo. Mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa at ang pagmamahalan namin ni Daxon ay tumibay pa. Ganito pala talaga ang pagmamahal, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong saya kapag kasama siya. Para bang…para bang nasa langit ka.Napakaaliwas at napakasarap. Sana ganito na lang ang buhay, sana patuloy na mananatili ang ganitong eksena sa aming tatlo.Pero alam ko na hindi pa rin nagtatapos ang aming mga pinagdaraanan. Alam kong may darating pa. Sana lang makayanan naming tatlo na harapin ng magkakasama.Kapag hindi nakayanan ng isa, sana ang iba ay tuluyan siyang makaahon ng sabay-sabay."Here's the food!" Malakas na hiyaw ni Laishia galing sa kusina. May dala siyang tray na kinalalagyan ng pagkain habang naglalakad palapit sa amin."Tar

  • SCREAM IN SILENCE (TAGALOG)   CHAPTER 29

    REI ZAX'S POV:Nakauwi ako sa mansyon na masama pa rin ang pakiramdam. Hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos maisip na kaya nilang gawin iyon sa anak at pamangkin nila, at worse hindi rin nila sasabihin ang totoo.Ang dami nilang lusot. Pero nangyari na iyan sa iba, gagawin nila ang lahat para hindi sila makulong. At hindi nila mapagbayaran ang kanilang kasalanan kaya gagawa sila ng paraan."Tsk." Inis na singhal ko sa aking sarili. Kinuyom ko pa ang kamao ko dahil sa labis na galit sa aking dibdib."What happened?" Napalingon ako sa taong nagsalita. Nakita ko si Daxon na nagtataka sa aking ginawa.Napailing naman ako sa kaniya at saka inispread ang aking braso palapit sa kaniyang kinaroroonan. Naiiling naman siyang lumapit kaya malaya ko siyang niyakap.Gabi na naman ngayon. Alas siete na ng gabi ako nakauwi sa bahay. Nagkaroon pa ng problema sa daan k

  • SCREAM IN SILENCE (TAGALOG)   CHAPTER 28

    REI ZAX'S POV:Nakarating na ako sa kulungan sa Masalong, Labo. Malayo ang lugar na ito sa mga kabahayan at halata rin na bago pa lang ang pagkakagawa. Tatlong palapag ito at saka may alambre na nakapaikot sa itaas ng pader ng kulungan. Sinisigurado nila ang kaligtasan ng mga mamamayan para hindi makatakas ang mga taong nasa loob.Hindi ko na iyon pinansin pa at tinuloy ang aking sarili na maglakad papunta sa guard house. Napatayo naman ito sa kaniyang kinauupuan at saka hinarangan ako sa daraanan."Anong sadya mo rito Sir? Hindi po ito oras ng pagbisita." Nagtataka nitong tanong sa akin."Hindi ako pumunta rito para bumisita. Pinapunta ako rito ng isa sa mga pulis na tumulong sa akin."Napansin ko naman kung paano siya magulat at biglang napagilid sa daraanan. "Ganon po ba…kanina pa po kayo hinihintay ni Corp." Tanging tango na lang ang aking iginawad sa guard bago

  • SCREAM IN SILENCE (TAGALOG)   CHAPTER 27

    REI ZAX'S POV:"HOY PAPASUKIN NINYO AKO!" Patuloy sa pagkalampog si Daxon sa pintuan. Hanggang ngayon hindi pa rin namin siya pinapasok hanggat wala siyang sinasabing password."Password muna." Pangisi-ngisi pa kami sa may bintana malapit sa pintuan. At kitang-kita roon ang mukha ni Daxon na hindi maipinta. Nakalabas ang kaniyang kulubot sa noo at ang mata ay masama kung makatingin sa amin.Kung nakakamatay lang talaga iyan, baka kanina pa kami naghihingalo sa lupa."Pa-password password pa. Ano ba kasing meron diyan?" May halong inis sa kaniyang boses at saka nagdadabog sa sahig.Natatawa na lang ako sa kaniya. Para siyang bata kung makaasta talaga."Hayss... Ewan daw sa inyo! Wala talagang forever, password na lang hindi pa alam." Naiiling na saad ni Laishia bago mapahalukipkip."Eh...ang alam ko lang naman password ay 'I love you Rei'

  • SCREAM IN SILENCE (TAGALOG)   CHAPTER 26

    REI ZAX'S POV:Nakarating na kami sa ilog na pinagsasabi ni Laishia kanina habang kami ay kumakain ng umagahan.Nasa labas nga ito ng hacienda at nasa gilid pa nito. May pader na nagtatabing sa mismong bahay ng Don. At sa ilog naman maraming mga bato ang nakapaligid. Puro mga malalaki saka bagay lamang para talunan kung gusto mo.Ngunit, kapansin-pansin din ang mga matatandang naglalaba sa pinakaunahan ng ilog."Wala ba riyan na dumi sa ilalim ng liliguan natin?" Tanong ko agad kay Laishia.Napakibit-balikat din ito sa tanong ko. Lahat naman kami ay walang sagot dahil parehas kaming walang alam patungkol dito."So…" napalingon naman kaming dalawa ni Laishia kay Daxon na nakatingin ng diretso sa kaliwang direksyon namin.Napaharap naman ako roon at biglang napangiwi sa aking nakita.'Hindi ba siya na

  • SCREAM IN SILENCE (TAGALOG)   CHAPTER 25

    REI ZAX'S POV:"A...Ax," pailing-iling pa ako sa mga narinig ko. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala." Bakit ngayon mo lang sinabi?"Ngumiti lang siya at saka tumingin sa langit." Dahil alam ko, dadagdag lang ako sa problema mo. Ayos lang naman na itago, hanggat kaya pang damdamin. Gagawin ko. Basta ang mahalaga masaya pa tayo.""Pero sinabi ko na sa iyo na walang sekretuhan hindi ba?" Sambit ko sa kaniya nang seryoso. Pero hindi pa rin nawawala ang ngiti niya.Para ngang hindi niya ako narinig dahil patuloy lamang siya sa kaniyang pagmamasid sa itaas.Limang minuto siya na ganon lamang ang ginagawa. Hindi ko na rin dinagdagan ang aking sinabi dahil magsasalita rin naman siya kapag napagod siya sa kakatungo."Alam ko. Kaya nga nilalabas ko na ito sa iyo para aware ka sa akin kung bakit masyado ba akong makrat sa mga nakapaligid sa atin. Sobrang tagal 'no? Sobrang ta

  • SCREAM IN SILENCE (TAGALOG)   CHAPTER 24

    REI ZAX'S POV:"Look at your reaction! Nakakatawa ka Ax!" Hinawakan ko pa ang aking bibig para hindi lumabas ang nagbabadyang halakhak.Pero hindi ko talaga kayang pigilan. Kung kaya ay tawa na lang ako nang tawa habang patuloy na sumasagi sa aking isipan ang nangyari sa kaniya kanina.Pero ang saya ay napalitan nang hindi kaaya-aya matapos may kakaibang nangyari sa aking katawan.Napaubo ako dahil sa matinding halaklak. Napahawak pa ako sa aking lalamunan dahil sa sobrang hirap makahinga.'Napasobra tuloy ako sa pagtawa. Hays!'Nakarinig naman ako ng tawa sa kabila. Siya naman ngayon ang tumatawa dahil sa akin.

  • SCREAM IN SILENCE (TAGALOG)   CHAPTER 23

    REI ZAX'S POV:Matapos ang madamdamin na eksena sa nakaraan ni Laishia. Nakaramdam siya ng antok kung kaya naisipan namin na patulugin na muna siya.Total anong oras na rin natapos ang pagmamasid at pagtikim namin sa mga prutas sa may bukid. Lalo na ang pagkwekwento niya ng nakaraan.Hanggang ngayon nasa isip ko pa rin ang sinabi ni Laishia. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari, kaya pala ganon siya umasta tuwing magkasama kami. Ang alak na lang pala ang nagiging solusyon sa problema niya, ni hindi ko man lamang nakita ang mga bagay na iyon. Hindi ko man lamang siya nasamahan sa mga araw na nalulungkot at natatakot siya sa ama't tiyuhin niya.Tunay nga na kaibigan ako sa kaniya, pero para sa akin. Isa akong walang kwenta na kaibigan. Hindi ko man lamang naiisip na may nangyayari na palang hindi maganda sa kaniya.Kung sana lang..."Haist." Mahinang buntong-hininga

DMCA.com Protection Status