'Good Friends help you to find important things when you have lost them...
Your smile, your hope, and your courage'
-Doe Zantamata
***
I'LL BE WAITING YOU.
Kinabukasan, sa oras nang ikawalo ng umaga. Mapapansin ang binata na nakaupo sa kaniyang upuan sa balkonahe habang nakatitig sa laptop na nakapatong sa lamesa.
Matiyagang nagsasaliksik si Rei Zax sa internet ng kaniyang asignatura, nang mapansin niya ang kaibigan na si Laishia.
May dala-dala itong bag na puno ang loob nito.
Doon nagsimulang magpintig ang kaniyang puso nang kay bilis. Animo'y nakikipagkarera habang nakatingin kay Laishia at sa dala nitong bag.
"W-where...where are you going?" kahit na ayaw niyang itanong iyon.
Alam niya na iyon din ang babagsakan niya, ang magtanong sa kaibigan kung bakit may dala itong bag at saan ito pupunta.
Ngunit tiningnan lamang siya ni Laishia nang blangkong tingin. Isang titig na hindi niya naranasan noon mula kay Laishia, para bang...
Para bang iba na ito sa kinikilala niya,
'Sino ka na bang talaga, Laishia?'
Iyon ang katanungan niya sa kaniyang sarili.
"Hindi mo na kailangan pa na malaman ang totoo. Maging masaya ka na lang dahil mawawala na ako"
Napangiti naman siya sa kaniyang narinig.Isang ngiting nasasaktan.
"Sigurado ka na bang talaga sa ginagawa mo?"
"Oo."
"Kahit naman pigilan kita, kahit na pilitin kita at kahit na hilahin kita pabalik, sasama ka pa ba sa akin? Di ba hindi na, kaya hahayaan kita. Gawin mo ang gusto mo sa buhay mo pero..."
Naglakad siya palapit kay Laishia. Ang kaniyang pagtibok ng puso ay mas lalong lumakas nang lumakas.
Kinakabahan siya, nahihirapan siya at gusto na niyang hilahin na lamang si Laishia pabalik sa kwarto nito at ikulong doon para hindi na makawala.
Pero hindi naman siya ganon kasama sa kaibigan, gagawin niya ang nararapat.
Kahit masakit, hahayaan niya ito.
"...bumalik ka ulit sa akin. Umuwi ka sa bahay natin at tatanggapin kita hindi bilang ibang tao muli. Alam ko na marami rin akong pagkukulang sa iyo, nagpakabulag ako sa mga nangyayari. Siguro nga tama ka, what's the meaning of friend if I don't know what's really happening to you"
Pagkalapit niya mismo sa harapan nito ay malugod niyang niyakap ang buong katawan ni Laishia.
Nakapikit siya habang dinadamdam ang kaibigan.
'Kahit ilang segundo lamang, ipaparamdam ko sa iyo na totoo ako.'
Piping saad ng kaniyang isipan.
Gusto niyang sabihin kay Laishia ito, ngunit wala na siyang masabi pa sa mga oras na ito.
Ayaw na niyang maging madrama sa kaibigan.
Hanggat kaya niya pang itago ang totoong nilalaman ng puso, gagawin niya.
Para hindi masakit kung iiwan siya nito.
"Mahal na mahal kita, Laishia. I'll wait you even it cost many years, I'll wait you to comeback to me."
May nahulog na luha sa kaniyang mata. Mabilis niyang pinunasan iyon gamit ang kaniyang kanang kamay at nakangiting kumalas dito.
Tinatago ang kaniyang emosyon dito.
Kapansin-pansin na wala pa rin itong imik. Nanatili itong nakatitig sa kaniya, sa mukha niya na magaling magtago rin sa totoong nararamdaman niya.
"I'll go."
Iyon lamang ang sinabi nito.
Isang kataga na nakakadurog talagang pakinggan kung sa iyong kaibigan naman maririnig.
"Ang sabi mo takot kang mawala ako sa piling mo, pero sa nakikita ko ngayon..."
"...hindi ka takot na umalis. Siguro nga marami na talaga akong kamalian kaya napagod ka na. Sana kung bumalik ka man muli sa akin, sabihin mo na ang totoo. Tatanggapin kita, Laishia."
Matapos niyang sabihin ang katagang iyon, lumapit na muli siya sa kaniyang pwesto kanina.
Kinuha niya ang kaniyang laptop, notebook at maging ballpen.
Hindi na siya lumingon pa kay Laishia. Nagdiretso lamang siya sa paglalakad papunta sa kaniyang kwarto.
Nang makarating siya sa mismong pintuan, binuksan na niya ito at malakas na sinarado ito.
Nilock rin niya ang kaniyang pinto at saka mabilis na lumapit sa kaniyang higaan.
Binagsak niya ang kaniyang gamit sa gilid lamang nitong kama at binagsak ang kaniyang mukha sa mismong bedsheet.
Hinayaan niya ang kaniyang sarili na kapusin ng hininga.
Iyon na ang kinatatakutan niya, ang iwan siya ng taong mahalaga sa kaniya.
Dapat pinigilan niya ito,
Dapat hindi niya hinayaan na mangyari ito,
Paano kung may mangyari na masama pala kay Laishia?
Paano kung sumama ito sa mga magshashabu?
Paano kung---
Napaangat ang kaniyang mukha at nagmadaling umalis sa kaniyang kama.
Tumakbo siya sa kaniyang bintana at tiningnan ang labas.
Nakita niya sa malayo si Laishia, kakasakay pa lamang nito sa bus papuntang Daet.
Ni hindi man lamang lumingon sa kaniyang kwarto.
Napabagsak ang kaniyang mukha, hinayaan niya ang kaniyang sarili na mapaupo na lamang sa sahig.
Sapu-sapo na niya ang kaniyang ulo, nakapikit habang tumutulo ang kaniyang luha.
Lalake siya,
Lalake na dapat gawin niya ang mga bagay para manatili si Laishia sa buhay niya.
Pero masyado rin siyang natatakot, natatakot na baka nasasakal na ito sa kaniya,
Sa mga pinaggagawa niya sa buhay nito.
Baka kulang pa ang ginagawa niya sa kaibigan, baka hindi na nito kaya pa na makasama siya.
Iyon lagi ang nasa kaniyang isipan.
Ang mga luha ay patuloy na bumabagsak.
Pinipigilan man ay ayaw nitong magpapigil talaga.
Hinayaan na lamang niya na umiyak at isandal ang sarili sa pader.
Nakaangat ang kaniyang ulo habang nakatingin sa ceilings.
May naiisip siya na masasamang bagay.
'Paano kung patayin ko ang sarili ko?'
'Makakasama ko na n'yon ang magulang ko'
'Hindi na masasakal pa ang ibang tao sa akin'
'Wala nang mang-iiwan pa'
'What if I killed myself?'
'Makikita na ba niya ang worth ko?'
'Babalik na kaya siya sa akin?'
Isang malakas na halakhak ang kaniyang inilabas. Pati ang luha ay mas lalong lumabas nang mabilis, hindi niya mapigilan ang sarili na mapatawa sa mga naiisip niya.
Baliw na siguro siya,
Baliw na dahil sa nangyayari sa kaniya.
Masyado siyang madrama at hindi man lamang iniisip na lalake siya.
"Ah!shit! Why I'm crying? Dapat masanay ka na Rei, ganyan naman ang ginagawa ng iba, hindi ba? Tumigil ka na, masaya na siya, magiging masaya na siya na wala ka. Ayusin mo ang buhay mo, isipin mo ang pinangako mo sa magulang mo."
Pangungumbinsi niya sa kaniyang sarili at pinunasan ang kanyang mga luha gamit ang kanyang mga kamay.
Matapos niyon ay nilinga-linga niya ang kaniyang mukha sa buong kwarto.
Napadako ang kaniyang mukha sa cabinet.
Sa isang cabinet na punong-puno ng picture ng kaniyang magulang.
Napangiti siya nang maiksi lamang at saka tumayo sa kaniyang pagkakaupo.
Nanghihina pa ang kaniyang tuhod dahil sa pagkakaupo. Kung kaya naghintay siya nang ilang minuto para makapaglakad siya nang maayos.
Nang nakakalakad na siya ay nagsimula na siyang lumapit sa direksyon na iyon.
Umupo siya sa gilid ng kaniyang kama at kinuha ang picture nilang tatlo na masaya pa.
Nasa park sila ng panahon na ito, dito rin sinabi ng kaniyang ama ang tungkol sa pangako niya.
"Son, if someday we leave you alone.Don't forget to love yourself..."
"Darating ang mga panahon na may papasok sa buhay mo para buuin kang muli, ngunit iiwan ka. Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano, hayaan mo silang lumayo. Hayaan mo silang umalis sa tabi mo. Nangyayari talaga iyan, pero kung babalik man siya, bigyan mo ng isa pang pagkakataon. Tingnan mo kung worth it ba."
"I'll promise you that, Dad"
"Good boy* brush his head*"
"Pero Dad hindi naman totoo iyang sinasabi mo, hindi ba? Hindi ninyo ako iiwan ni Mom, hindi ba?"
"Oo naman Son, sinasabi ko lamang ito upang maging handa ka. Hindi natin alam ang ating kapalaran, hanggat maaga pa kailangan na nating iparamdam at sabihin sa mahal mo kung gaano sila kahalaga at kamahal mo"
"Dad.I think I failed, I think hindi ko nagawa na iparamdam sa kaniya kung gaano ko siya kamahal at kahalaga sa akin. She leave me because of me too, kung noon ko pa lamang narealize na may mali na pala. Sana hindi siya nag-isip na iwan ako"
Yinakap niya ang kanilang litrato at taimtim na nakapikit. Inaalala ang bawat masasayang memorya na ginawa nila ng kanilang pamilya.
"Kasalanan ko rin naman pala Dad 'e. Hindi ako naging Kuya kay Laishia. Mas inisip ko pa ang mga bagay na nakikita ko at pumapasok sa utak ko. Kaya bakit ako nasasaktan ngayon?"
"Iyon ang nararamdaman ko Dad. Bakit ako nasasaktan?"
Inilapat niya ang kaniyang likuran sa kama habang yakap-yakap ang litrato nila.
"Siguro..."
Napangiti siya nang maalala ang masasayang alaala nila ni Laishia.
Mga memorya na hinding-hindi mawawala sa kaniyang isipan.
Kahit na tumanda man siya.
"...pagsubok nga ito sa aming dalawa. Sa sinabi mo sa akin noon, may mga pagsubok pa ako na makakaharap, hindi ganon kadali ang buhay para maging kampante lamang ako."
"Hihintayin ko siya, at kung hindi man siya bumalik sa linggong ito, buwan o kahit taon. Gagawin ko ang lahat para mapagtagumpayan na makamit ang mga pangarap namin. I'll sure you that Dad"
Dinilat niya ang kaniyang mga mata at hinarap muli ang picture ng kaniyang mga magulang.
Masuyo niyang hinalikan ang mukha ng mga ito.
Nag-iimagine na nandito sila sa kaniyang tabi at hinahalikan ang kanilang pisngi o buong mukha.
"Thank you for the advice, lessons and warning when I'm young. Akala ko talaga hindi ninyo ako mahal noon, pero ngayon alam ko na. Kung kelan nawala sa akin ang isa pang mahalagang tao, saka ko lamang mare'realize ang kabutihan ninyo"
Napatawa naman siya sa naisip niya at hinayaan ang sarili na makatulog muli.
Hanggang sa kaniyang pagtulog ay ang naiiisip niya lamang ay ang kalagayan ni Laishia.
Kung magiging okay lamang ba ito sa pupuntahan nito, babalik na ba ito sa magulang?
O makikita na muli niya ito sa isang eskenita na madilim at walang kaalam-alam sa nangyayari.
Nag-aalala siya ngunit naniniwala rin siya na magiging okay lamang ito.
Hindi na sila bata pa, mga nalalapit na rin ang kanilang edad na mawala sa kalendaryo.
Siguro sa iba malayo pa, pero para sa kaniya malapit na at dapat gawin na nila ang mga bagay na makakapagpasaya sa kanilang sarili at sa iba.
'Always refresh your mind. Delete your mistakes. Create your own dream. Minimize your targets. Shut down your worries and be happy.'
'WORRYING will never change to outcomes.'-unknown
‘Surround yourself with people who are good for your mental health.’-unknown***HOW FRIENDS WORKS FOR..."H-how..." Iyon ang lumabas sa bunganga ni Laishia matapos ang pagsabi niya nitong mga kataga.Ngumiti naman siya sa mismong harapan nito."Don't ask how...trust yourself and love yourself." Tinuro niya ang bahagi kung saan nakapwesto ang puso nito."
‘Beauty is Power; a smile is its sword.’-UNKNOWN***YOUR SMILE, MY HAPPINESS.REI ZAX' POV:"Oh paano ba iyan dito na lang ako, sana maging okay na kayong dalawa. Ayaw ko nang nakikita itong si Bespar na malungkot kapag iniisip ka. Kung ano man ang problema mo, sana mapag-usapan ninyo iyang dalawa. Kayo na lamang ang magtutulungan, kaya bakit pa kayo magkakalabuan. Sige babay na!" Nagpaalam na ito sa amin noong ihatid ko siya sa kaniyang mismong bahay.Katulad ko, ulilang lubos na rin si Daxon. Siya na lang ang na
'Will it be easy? Nope. Worth it? Absolutely.'-UNKNOWN***LIFE IS NOT EASY.REI ZAX' POV:Nakauwi na kami sa aming bahay. Dumiretso agad si Laishia sa kaniyang kwarto, samantalang ako naman ay pumunta muna sa may rooftop.Magpapahangin na muna habang nag-iisip ng mga bagay na dapat kong gawin o mga dapat kong alalahanin.Buhay ko, o buhay ng ibang tao iniisip ko. Baka sakali na may solusyon ako na biglang sumagi sa
'Darkness can Kill, but Light can Heal.'-UNKNOWN***I'M WITH YOU.Natapos ang aming pagkain na wala pa rin ang nagsasalita. Ngunit nang matapos ay nagsimula na naman kami sa aming pagkwekwentuhan..Pero sa loob na ng aming bahay. Nakaupo sa mahabang couch at ninanamnam ang bawat sandali na magkasama kaming dalawa.Iniba na namin ang usapan, tungkol naman sa gagawin kong akda ang naisipan naming pag-ukulan ng pansin.Para hindi na kami ma
'There is no elevator to success. You have to take the stairs.'-UNKNOWN***TIME TO HELP, BELIEVE ON HEAL.REI ZAX' POV:Kinabukasan, maaga ko talagang ginising si Laishia para makapag-asikaso siya ng lalabitin niya.Siguro naalimpungatan siya sa kaniyang pagkakatulog noong mag-alas kwatro na ng umaga.Labit-labit ko ang dala kong bag na puno ng pagkain na ts
'No matter how long it takes, always trust on your faith. Someday you'll fully succeed it.'-Rei Zax Codron****Lumabas na kaming pareho ni Daxon sa loob ng kotse matapos sabihin ang mga katagang iyon. Naglakad kami palapit sa may bricks na kinatatapakan lamang ni Laishia at masuyong pinagmamasdan ang buong kapaligiran.'What a worth it of traveling to go here. Napakapresko at maganda ang nakikita kong view. Sarap picture'an at ilagay sa album.'"Ang ganda ng view, hindi ba? Noon sa picture ko lamang ito nakikita. Pero
REI ZAX'S POV:Panibagong araw na naman at panibagong proyekto naman ang aking gagawin ngayon. Kanina pa ako naglalakad sa gitna ng kagubatan na ito upang puntahan ang baranggay lagpan kung saan doon ko kikitain ang isang tao. Isang personal na panauhin ko sa magiging bagong akda ko.Hindi ko inaasahan na magugustuhan din ng aming manager ang ginawa ko tungkol kay Laishia. Akala ko ay hindi niya ito kukunin sapagkat sobrang maselan ng mga pangyayari ang nakapaloob sa kwento. Subalit napansin niya ang magandang lesson sa buhay ni Laishia kung kaya kinuha niya ito at pinabigay na agad sa editor upang suriin at siyasatin.Hindi ko na alam ang lagay ng aking libro sa mga oras na ito sapagkat mas pinili kong ipokus muna ang sarili sa mga mahal ko bago sa mga ito. Iyon muna ang mahalaga sa akin, alam ko na darating ang mga oras na magiging busy na kami sa lahat.Lalong-lalo na ngayon na puno an
Rei Zax's POV:(1 month passed)Sa isang buwan na ito naging payapa ang buhay naming tatlo. Mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa at ang pagmamahalan namin ni Daxon ay tumibay pa. Ganito pala talaga ang pagmamahal, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong saya kapag kasama siya. Para bang…para bang nasa langit ka.Napakaaliwas at napakasarap. Sana ganito na lang ang buhay, sana patuloy na mananatili ang ganitong eksena sa aming tatlo.Pero alam ko na hindi pa rin nagtatapos ang aming mga pinagdaraanan. Alam kong may darating pa. Sana lang makayanan naming tatlo na harapin ng magkakasama.Kapag hindi nakayanan ng isa, sana ang iba ay tuluyan siyang makaahon ng sabay-sabay."Here's the food!" Malakas na hiyaw ni Laishia galing sa kusina. May dala siyang tray na kinalalagyan ng pagkain habang naglalakad palapit sa amin."Tar
REI ZAX'S POV:Nakauwi ako sa mansyon na masama pa rin ang pakiramdam. Hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos maisip na kaya nilang gawin iyon sa anak at pamangkin nila, at worse hindi rin nila sasabihin ang totoo.Ang dami nilang lusot. Pero nangyari na iyan sa iba, gagawin nila ang lahat para hindi sila makulong. At hindi nila mapagbayaran ang kanilang kasalanan kaya gagawa sila ng paraan."Tsk." Inis na singhal ko sa aking sarili. Kinuyom ko pa ang kamao ko dahil sa labis na galit sa aking dibdib."What happened?" Napalingon ako sa taong nagsalita. Nakita ko si Daxon na nagtataka sa aking ginawa.Napailing naman ako sa kaniya at saka inispread ang aking braso palapit sa kaniyang kinaroroonan. Naiiling naman siyang lumapit kaya malaya ko siyang niyakap.Gabi na naman ngayon. Alas siete na ng gabi ako nakauwi sa bahay. Nagkaroon pa ng problema sa daan k
REI ZAX'S POV:Nakarating na ako sa kulungan sa Masalong, Labo. Malayo ang lugar na ito sa mga kabahayan at halata rin na bago pa lang ang pagkakagawa. Tatlong palapag ito at saka may alambre na nakapaikot sa itaas ng pader ng kulungan. Sinisigurado nila ang kaligtasan ng mga mamamayan para hindi makatakas ang mga taong nasa loob.Hindi ko na iyon pinansin pa at tinuloy ang aking sarili na maglakad papunta sa guard house. Napatayo naman ito sa kaniyang kinauupuan at saka hinarangan ako sa daraanan."Anong sadya mo rito Sir? Hindi po ito oras ng pagbisita." Nagtataka nitong tanong sa akin."Hindi ako pumunta rito para bumisita. Pinapunta ako rito ng isa sa mga pulis na tumulong sa akin."Napansin ko naman kung paano siya magulat at biglang napagilid sa daraanan. "Ganon po ba…kanina pa po kayo hinihintay ni Corp." Tanging tango na lang ang aking iginawad sa guard bago
REI ZAX'S POV:"HOY PAPASUKIN NINYO AKO!" Patuloy sa pagkalampog si Daxon sa pintuan. Hanggang ngayon hindi pa rin namin siya pinapasok hanggat wala siyang sinasabing password."Password muna." Pangisi-ngisi pa kami sa may bintana malapit sa pintuan. At kitang-kita roon ang mukha ni Daxon na hindi maipinta. Nakalabas ang kaniyang kulubot sa noo at ang mata ay masama kung makatingin sa amin.Kung nakakamatay lang talaga iyan, baka kanina pa kami naghihingalo sa lupa."Pa-password password pa. Ano ba kasing meron diyan?" May halong inis sa kaniyang boses at saka nagdadabog sa sahig.Natatawa na lang ako sa kaniya. Para siyang bata kung makaasta talaga."Hayss... Ewan daw sa inyo! Wala talagang forever, password na lang hindi pa alam." Naiiling na saad ni Laishia bago mapahalukipkip."Eh...ang alam ko lang naman password ay 'I love you Rei'
REI ZAX'S POV:Nakarating na kami sa ilog na pinagsasabi ni Laishia kanina habang kami ay kumakain ng umagahan.Nasa labas nga ito ng hacienda at nasa gilid pa nito. May pader na nagtatabing sa mismong bahay ng Don. At sa ilog naman maraming mga bato ang nakapaligid. Puro mga malalaki saka bagay lamang para talunan kung gusto mo.Ngunit, kapansin-pansin din ang mga matatandang naglalaba sa pinakaunahan ng ilog."Wala ba riyan na dumi sa ilalim ng liliguan natin?" Tanong ko agad kay Laishia.Napakibit-balikat din ito sa tanong ko. Lahat naman kami ay walang sagot dahil parehas kaming walang alam patungkol dito."So…" napalingon naman kaming dalawa ni Laishia kay Daxon na nakatingin ng diretso sa kaliwang direksyon namin.Napaharap naman ako roon at biglang napangiwi sa aking nakita.'Hindi ba siya na
REI ZAX'S POV:"A...Ax," pailing-iling pa ako sa mga narinig ko. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala." Bakit ngayon mo lang sinabi?"Ngumiti lang siya at saka tumingin sa langit." Dahil alam ko, dadagdag lang ako sa problema mo. Ayos lang naman na itago, hanggat kaya pang damdamin. Gagawin ko. Basta ang mahalaga masaya pa tayo.""Pero sinabi ko na sa iyo na walang sekretuhan hindi ba?" Sambit ko sa kaniya nang seryoso. Pero hindi pa rin nawawala ang ngiti niya.Para ngang hindi niya ako narinig dahil patuloy lamang siya sa kaniyang pagmamasid sa itaas.Limang minuto siya na ganon lamang ang ginagawa. Hindi ko na rin dinagdagan ang aking sinabi dahil magsasalita rin naman siya kapag napagod siya sa kakatungo."Alam ko. Kaya nga nilalabas ko na ito sa iyo para aware ka sa akin kung bakit masyado ba akong makrat sa mga nakapaligid sa atin. Sobrang tagal 'no? Sobrang ta
REI ZAX'S POV:"Look at your reaction! Nakakatawa ka Ax!" Hinawakan ko pa ang aking bibig para hindi lumabas ang nagbabadyang halakhak.Pero hindi ko talaga kayang pigilan. Kung kaya ay tawa na lang ako nang tawa habang patuloy na sumasagi sa aking isipan ang nangyari sa kaniya kanina.Pero ang saya ay napalitan nang hindi kaaya-aya matapos may kakaibang nangyari sa aking katawan.Napaubo ako dahil sa matinding halaklak. Napahawak pa ako sa aking lalamunan dahil sa sobrang hirap makahinga.'Napasobra tuloy ako sa pagtawa. Hays!'Nakarinig naman ako ng tawa sa kabila. Siya naman ngayon ang tumatawa dahil sa akin.
REI ZAX'S POV:Matapos ang madamdamin na eksena sa nakaraan ni Laishia. Nakaramdam siya ng antok kung kaya naisipan namin na patulugin na muna siya.Total anong oras na rin natapos ang pagmamasid at pagtikim namin sa mga prutas sa may bukid. Lalo na ang pagkwekwento niya ng nakaraan.Hanggang ngayon nasa isip ko pa rin ang sinabi ni Laishia. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari, kaya pala ganon siya umasta tuwing magkasama kami. Ang alak na lang pala ang nagiging solusyon sa problema niya, ni hindi ko man lamang nakita ang mga bagay na iyon. Hindi ko man lamang siya nasamahan sa mga araw na nalulungkot at natatakot siya sa ama't tiyuhin niya.Tunay nga na kaibigan ako sa kaniya, pero para sa akin. Isa akong walang kwenta na kaibigan. Hindi ko man lamang naiisip na may nangyayari na palang hindi maganda sa kaniya.Kung sana lang..."Haist." Mahinang buntong-hininga