Share

Ruthless Series 1: Jonathan McKinney, The CEO
Ruthless Series 1: Jonathan McKinney, The CEO
Author: ElizaMarie

Chapter 1

Author: ElizaMarie
last update Last Updated: 2023-10-28 08:26:48

"Ate, saan na ang damit ko."

"Ate Kim, ngayon na pala ang deadline para sa test paper namin."

"Ate,  tapos na akong magsaing. Kain na tayo. Mali-late na kami sa school."

Iilan lang ito sa mga naging sinaryo dito sa bahay tuwing umaga. Mas maingay pa kami sa tianggi kapag araw ng pasukan. Lahat ng kapatid ko, ate ng ate  sa akin. Parang di kumpleto ang araw nila kapag hindi nila ako natawag. Sanay na rin naman ako sa ganito. 

Matapos mamaalam ni nanay anim na taon ang nakaraan ay ako  ang tumayong magulang sa tatlo ko pang nakababatang kapatid. Namatay si nanay sa sakit na pneumonia, hindi na naagapan pa dahil lumala na ito. Sa hirap ng buhay ay hindi na namin nagawa pang ipa-check up ito. Ayaw din naman ni nanay na pumunta sa ospital. Kaya naman nang mawala ito ay sa akin naatang ang responsibilidad. 

Ang tatay ko naman ay wala na akong balita sa kanya. Iniwan niya kami matapos isilang ang bunso kong kapatid na Kyla. Limang taon pa ako nang iwan niya kami. Halos dalawang dekada na ang nakalipas. Hindi na rin ito hinahanap pa ni nanay bagay na ipinagtataka ko.

Napatingin ako sa relo ko, 7:35 na ng umaga. Kailangan kong magmadali dahil 8:30 ang pasok ko sa pinagtatrabahuhan kong food chain. Isa akong service crew sa Jollibee na naka base dito sa Quezon. Hanggang 2:30 ng hapon ang pasok sa Jollibee at pagka alas tres ay papasok ako sa paaralan hanggang alas otso ng gabi at mula alas nuwebe ng gabi hanggang alas-dose ng hating gabi ay isa akong chambermaid sa isang sikat na hotel na malapit lang din sa paaralan at Jollibee na pinapasukan ko. 

"Guys, una na ako sa inyo, ha? Nandoon kay Karylle ang mga baon 'nyo, paghati-haitian nyo nalang. Mali-late na ako," sabi ko sa mga kapatid ko. Nagmamadali na kasi ako, baka maka-peso na naman ako sa manager namin dahil late akong dumating. 

"Sige, ate. Mag-ingat ka," sagot ni Karillo, ang nag-iisang lalaking kapatid ko. 

"Opo, ate. Ingat ka, salamat sa baon," sabi naman ni Kyla. 

Tumango lang ako sa kanila at naglalakad patungong pinto. Nasa pintuan na ako ng muling akong bumaling sa kanila at nagbilin, "Pagkatapos ng klase, uwi kaagad. Maglinis kayo ng bahay dahil ang kalat-kalat. Wala na akong oras para maglinis pa pag-uwi."

"Opo, ate. Ako nang bahala dito," sagot ni Karylle na kalalabas lang galing kusina. Marahil ay magluto para sa agahan nila.

Tumango lang ako at tuluyan ng lumabas ng bahay. Lakad takbo ang ginawa upang makarating agad ako sa labasan kung saan dumadaan ang jeep papuntang North Edsa. Ang bahay na tinitirhan namin ngayon ay nirentahan ko lang para sa aming magkapatid. Hindi naman squatters area ang kinaroroonan ng bahay namin, ayon nga lang maliit at talagang dikit-dikit ang mga bahay na nandoon. Swerte na  lang kami at apat lang kaming nakatira sa maliit na bahay namin kaya hindi masyadong masikip di tulad ng mga kapitbahay namin na may anim hanggang walong anak. 

Agad akong pumara ng may dumaang jeep, tumigil naman ito ngunit lang dismaya ko ng puno na ito. Dahil mawala na akong oras ay mas pinili kong sumapit na lang  at umupo sa sahig ng jeep makarating lang sa Jollibee na pinag trabahuan ko.  Saka lang nakaupo ng may bumaba na pasahero sa Center Mall. 8:20am  na nang makarating ako sa Jollibee kaya dali-dali akong nagbihis ng uniform ko sa locker room. 

"Himala at napaaga ka ngayon," tukso ni Jess sa akin. Katatapos lang nitong magbihis ng uniform. 

"Oo nga eh, sumabit lang naman ako sa jeep," nakakatawang sagot ko sa kanya. Nattawa din ito sa sagot. 

"Sana araw-araw makasabit ka," biro nito sa akin.

"Ai, true. Para iwas sermon," ganting biro ko sa kanya. "Buti na lang at wala pa si madam." 

"Pasalamat ka at wala pa siya kundi sermon na naman ang abutin mo. Insecure kasi sa beauty mo dahil kahit anong gawin niya hindi siya tutubuan ng malusog na dibdib at malapurselanang mukha.  Ang kanya kasi mas magaspang pa sa langka ang mukha," panlalait ni Jess sa manager namin. 

"Hoy, marinig ka. Goodbye trabaho ka talaga," saway ko sa kanya. 

"Totoo naman," giit pa niya. 

Napailing na lang ako sa kanya. Grabe siya kung maka-describe ng manager namin. Pero totoo ang sinabi niya. Binabae kasi ang manager namin at laging ako ang pinag-iinitan nito.  Ewan ko ba, sa dami ng kasamahan ko, ako lagi ang nakikita nito. Kaya lagi akong binibiro ng mga kasamahan ko na ambagan ko daw ito ng kagandahan ko para di ako pag-initan.

 Five minutes for 8:30 ay lumabas na kami sa locker room upang makipag-shift na sa nakaduty ngayon. Si Sheena ang papalitan ko ngayon sa kahera ako ngayon na-assign dahil lunes ngayon kaya change rotation kami. Last week taga-linis ako ng table sa tuwing  may table na wala ng tao ngunit nandoon pa rin  pinagkainan ng mga customers. Ito ang problema ko kapag taga-linis or kahera ako, lagi akong napapansin ng mga lalaking customer, may nagpapa-cute, nanghihingi ng number, minsan laging nanghihingi ng kung ano-ano tulad sachet ng sugar, creamer, gravy at kung ano-ano pa parang lang makuha ang atensyon ko. Bagay na ikinainis ng manager namin na si Tansio aka madam Tanya.

"Sheen, ako na dito. Logout ka na," sabi ko sa kanya, ang papalitan kong shift. 

"Sige, tapusin ko lang to at ikaw na sa kasunod," wika naman niya. 

Hinintay ko siyang matapos ang  ang pag-punch ng order sa isang customer at ng matapos ay pinalitan ko na siya. Timing na pag-istema ko ng isang customer ang pagdating  ni madam Tanya kaya binabati ko siya. Hindi ko sure kung tango o irap ba ang isinukli niya sa akin dahil sa customer ito nakatingin na s'yang ini-istema ko ngayon. Nang balikan ko ang customer ay nakita kong titig na titig ito sa akin. Kaya naman ay medyo nailang ako.

"Anong order 'nyo, sir?" tanong ko sa kanya. 

"Pwede bang ikaw na lang?" nakangising sabi niya habang  nakatitig sa akin. 

"Ano po?" tanong ko kahit na klaro ko namang marinig ang sinasabi niya.

"Ang sabi ko, kung pwedeng—" hindi nito natapos ang sasabihin sana ng sumingit si madam Tanya.

"I'm sorry, sir, may pagkabingi kasi tong babae na ito kaya hindi niya masyadong narinig ang sinabi mo. What's your order, sir?"

Napahiya ako sa sinabi ng manager ko. Nakita ko ang disappointment ng lalaki sa akin. Parang gusto kung umiyak dahil lahat na lang ginawa ng manager upang mapahiya ako sa lahat ng customer. Kung ako ang masusunod, matagal ko nang nilisan ang trabaho kong ito. Ngunit kailangan ko ang trabahong ito, alang-alang sa mga kapatid ko. Kung susukuan ko ito, ano na lang ang ipapakain ko sa kanila, pambaon nila sa school.

"Wag kasing mang-akit ng mga lalaki upang mapabilis ang trabaho mo. Mas lalo  kang babagal sa trabaho  kapag pinairal mo na naman ang kalandian mo," sabi ni madam Tanya sa akin sabay alis sa harapan ko. 

Binangga pa niya ang  kaliwang balikat ko. Pinigil ko ang luha ko dahil nakita kong  marami-rami ng nakapila sa line ko, baka mas lalo akong pagalitan kapag papalpak ako. Buong shift ko ay nakatayo at nag-punch ng mga order ng customers ang ginawa ko. Mabuti na lang at di na ako muling pinipisti ni madam Tanya. Kaya nasa mode na ulit ako. 

Nang matapos ang shift ko ay agad akong nagbihis upang pumasok sa paaralan, 4th year college na ako para sa kursong Bachelor's degree in business administration. Dalawang sem na lang  at matatapos na ako. Konting tiis na lang at makapag relax na din ako at focus na lang ako sa trabaho. Ganon pa man kahit working student ako ay si rin naman tagilid ang mga grado sa school, sa katunayan ay half-scholar ako sa paaralan kung saan ako nag-aaral ngayon. Kaya kahit paano nabawasan ang mga gastusin ko. 

Nilalakad ko lang ang University mula dito sa Jollibee dahil malapit lang naman. Wala pang twenty minutes ay makakarating kana, nakatipid kapa ng pamasahe.  Pagdating ko sa University ay agad akong dumeritso sa open space ng paaralan. Agad kong nakita ang isang kaklase ko sa minor subject kaya dali-dali ko itong nilapitan dahil malapit ng magsimula ang klase ko. Nang makarating sa kanya ay agad kong inaabot sa kanya ang kanina ko pa dala-dala na  folder. 

"Grace, ito na ang term papers mo," wika ko sa kanya. 

"Hala, thank you. Ang bilis mo namang ginagawa to, next week pa naman ang deadline nito," wika nito sabay abot ng folder at nang matapos maabot yon ay kinuha nito ang wallet. "Ito na ang bayad, Kim. Salamat sa paggawa nito."

"Salamat din dito," sabi ko naman na ang tinutukoy ay ang  one thousand pesos na bayad niya sa pagpapagawa ng  term paper. 

Oo, maliban sa trabaho ko sa food chain at sa hotel, rumaraket din ako sa paggawa ng mga project ng  mga kaklase. Bayad naman ang bawat gawa ko kaya walang problema sa akin at malaki naman ang mga bigay nila. Hindi naman ako ang nag presyo kung magkano ang ibinayad nila. At dahil mga mayamang anak sila, pinakamaliit na natanggap ko para sa paggawa ng mga project nila ay one thousand. Kaya nagpapasalamat ako na kahit kulang na kulang ako sa tulog ay di pa bumigay ang katawan mo, dahil kapag mangyari yon, paano na lang ang mga kapatid ko.

Alas otso na ng gabi nang matapos ang huling klase, kaya antok na antok ang diwa ko ngunit di pa ako pwedeng umuwi dahil may isa pa akong part time job. Need ko pang pag-duty-an yon dagdag kita  para sa akin ng mga kapatid. Ako lang kasi ang nagtatrabaho sa amin. Hindi ko pinagtrabaho si Karylle para hindi ma stress sa pag-aaral niya, political science ba naman ang kinuha. Gusto maging abogado ang kapatid ko kaya memorize dito, memorize doon ang ginawa niya. 

Kalat na kalat sa bahay ang mga libro niya puro batas ang nakasulat. Mga republic act, article section, at kung ano-ano pa na may kinalaman sa batas ng Pilipinas. Kaya pag binasa ko yon ay sumakit din ang ulo ko. Okay na sa akin ang may subject isang bese ng political science, wag lang akong pagsaulohin ng buong libro baka mabaliw ako pag ginawa yon. Ewan ko ba sa kapatid kong iyon, kung bakit mahilig siya sa Philippine Constitutional Law.

Pumara ako ng jeep na daanan ang hotel na nagtatrabaho ako. Pagdating doon, agad akong sinalubong ng maintenance head namin. "Good evening, Kim, sa 4th floor ka ma-assign ngayon ah? Kaya mo bang mag-isa lang sa floor?" 

"Yes, Miss Dub, thank you," sagot ko sa kanya. 

"Pasensya na, kulang kasi tayo ngayon nag-leave ang tatlo mo pang kasama," hinging paumanhin niya. 

"Walang problema, Miss Dub. Kaya ko naman po."

"Sige. Kapag may concern ka, nasa opisina lang ako," sabi niya. 

"Sige po," sagot ko sa kanya. 

Tumango lang si Miss Dub at pumasok na sa opisina niya. Ako naman ay dumiretso sa locker room at nagpalit ng uniform ko.  Kung kanina ay antok na antok ako, ngayon ay nawala na. Siguradong pagpawisan na naman ako dahil sa dami ng gawain. Pero hindi ko alintana ang lahat basta may kita ako. 

Maganda ang trato ni Miss Dub sa akin, kabaliktaran ng trato ni madam Tanya. Kung sa food chain laging mali ang napuna sa akin, dito sa hotel ay palaging complement  narinig ko. Pulido daw akong magtrabaho, walang reklamo ang mga guest sa akin at higit sa lahat kasundo ko si Miss Dub. Hindi katulad ni madam Tanya na bawat kilos ko may masabi siya. Kung papipiliin ako, mas gusto  dito sa hotel kaysa fast-food chain.

Sinimulan ko ang trabaho ko upang makarami ako. Inisa-isa  ko ang mga rooms na wala ng  naka-check in. Nilinis ko ang mga ito, pinalitan ng punda, bedsheets, at kung ano-ano pa. Pati comfort room ay nilinis  ko. Minsan may nakita pa akong di kanais-nais tulad ng condom na ginagamit na at may malagkit na likido sa loob, mga underwear na nasa ilalim ng kama, minsan natabunan lang ng bedsheets. 

Napailing na lang ako, hindi naman ako inosente sa mga bagay na ito. Alam ko naman kung ano ang mga ito at kung anong posibleng mangyayari sa loob. Ano pa ba ang asahan mo sa isang hotel? Syempre, hindi maiiwasan na may ganitong pangyayari. Kaya hindi na nakapagtataka kung may mga bagay ganito.

Saktong alas doce ng matapos ako sa lahat ng kwarto dito sa 4th floor. Mabuti na lang at walang guest na tumawag upang magpalinis ng kwarto kaya deri-diretso ako sa trabaho ko. Wala na si Miss Dub nang makabalik ako sa maintenance room, marahil ay umuwi na rin ito. Kaya nagbihis na din ako para makauwi na. Nagpapaalam na rin ako sa ibang kasamahan ko na siyang papalit sa akin. Detitso na ako ng uwi sa bahay namin at nang makarating ay latang-lata akong dumapa sa higaan ko. Agad akong nakatulog dahil sa sobrang pagod.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
jennylyn legaspi
graveh sobrang sipag mo kim..
goodnovel comment avatar
❤️❤️❤️❤️❤️❤️
grave Kim parang Hindi ko kaya Ang ginagawa mo pero sa ngalan ng pamilya kakayanin
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Ruthless Series 1: Jonathan McKinney, The CEO   Chapter 2

    Nasa auditorium kami ngayon ng mga kaklase ko, may orientation kami para sa nalalapit na on-the job training namin. Malapit na kasing matapos ang 1st semester namin at required kaming mga 4th year college sa kursong business administration na mag undergo ng internship sa 2nd semester. Kailangan namin itong gawin dahil kasali ito sa prospectus ng curriculum namin. Kapag hindi namin ito gagawin ay maaring hindi kami makaka-graduate. Masayang ang unang tatlong taon namin dito sa university. Habang nakaupo kami dito sa auditorium ay di mapigilang mapag-usapan kong saan kami mag-apply ng ojt. Madami namang pagpipilian kaso kadalasan walang allowance at ikaw pa ang gagastos para sa kumpanya na pipiliin mo. At ito ang isa sa problema ko ngayon. Kapag nagsimula na kaming mag ojt ay kailangan ko nang tumigil sa part-time job ko sa Jollibee. Nine hours ang kailangan ko e-renden every day para makumpleto ko ang required hours bago matapos ang 2nd semester."Saan kaya tayo pwedeng mag-apply?

    Last Updated : 2023-10-30
  • Ruthless Series 1: Jonathan McKinney, The CEO   Chapter 3

    Siksikan kami ngayon ng mga kaklase ko. Nasa harapan namin ang bulletin board kung saan nakapaskel ang mga kumpanya na pag-ojt-han namin, kasama ang mga pangalan ng sino ang nakapasa sa kumpanya na iyon. Ang kaba ko ay abot langit na dahil nakikita ko ang mga mukha ng iba kung kaklase na parang pinagsakluban ng langit dahil hindi nasama mga pangalan nila. Ibig sabihin ay bagsak sila sa exam or interview. Kapag mangyari yon ay choice kondi dito sa school mag-render ng oras para lang ma-cover ang required hours. "Kinabahan na ako," bulong sa akin ni Jhy."Ako din. Paano na lang kapag mangyari yon, saan tayo pulutin," sabi ko din sa kanya. "Mabuti sana kung may sarili kumpanya or may kapit tayo sa mga malalaking kumpanya. Wala sana tayong problema," sabi pa ni Jhy. "Kaya nga," segunda ko sa kanya. Totoo ang sinabi ni Jhy. Kung may sarili lang sana kaming kumpanya o may malakas na kapit katulad ng ibang kaklase ay hindi na sana kami mahihirapan. Sandamakmak na curriculum vitae at

    Last Updated : 2023-10-31
  • Ruthless Series 1: Jonathan McKinney, The CEO   Chapter 4

    Napatingala ako sa sobrang taas ng building na nasa harapan ko. May nakasulat sa ibabaw na McKinney Corporation. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakatapak ng ganito kalaki ang building. Marami naman akong nakikitang naglalakihang building pero kakaiba awra at disenyo ng building nato. Nasa bandang Makati City pa kasi ito kaya kailangan mong mag-triple ride kapag nagtitipid ka sa pamasahe. Or kung gusto mo mag-taxi ka para mas mabilis, yon nga lang butas bulsa mo sa pamasahe pa lang. Napatingin ako sa relong pambisig ko at na-shock ako nang makitang 8:05am na ng umaga. Alas otso ang alas otso ang time in namin nga napatakbo ako papasok sa loob. Di ko na pinansin ang cellphone ko na vibrate ng vibrate, marahil ay si Jhy ang tumatawag. Mabuti na lang at may company i.d na akong suot kaya di na ako sinisita pa guard. Tumakbo ako papuntang elevator dahil nasa 5th floor pa ang opisina ng HR ngunit sa kakamadali ko di ko inaasahang matapilok ako at deretsong natumba ako sa lalaking nasa h

    Last Updated : 2023-11-03
  • Ruthless Series 1: Jonathan McKinney, The CEO   Chapter 5

    Sinundan ko na lang ng tingin ang papalabas na babae. Matapos mawala sa paningin ko ang babae ay ibinalik ko ang tingin sa harapan. Laking gulat ko ng makaharap na pala siya sa akin. At ang mas nakakagulat pa ay siya ang taong nakabunggo ko sa elevator. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala siya. "I-Ikaw?" di ko mapigilang wika ko."Hello, baby, welcome to my chamber," seryusong wika niya. Hindi agad ako nakapag-isip ng sasabihin."Huh?" nalilitong wika ko sa kanya."Kidding." sabi nito sa akin at ngumiti ng napakatamis. Para naman akong nalusaw sa ginawa niya. "Have a seat, Miss Martinez."Bumalik ang pagiging seryoso niya. Parang napapalibutan ng malamig na yelo ang buong silid dahil sa malamig niyang awra. Natakot tuloy ako baka magkamali na naman ako at itatapon na talaga ako sa labas ng kumpanya. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa working table niya. Umupo ako sa upuan na nasa harapan niya. "Thank you, Sir," tanging nasabi ko na lang. "Do you have a boyfriend or a husband

    Last Updated : 2023-11-04
  • Ruthless Series 1: Jonathan McKinney, The CEO   Chapter 6

    Jonathan McKinneyTinapik-tapik ko ang mga paa sa sahig habang hinihintay na mag-open ang elevator. Pasado alas otso na ng umaga at alam kong late na para sa oras ng trabaho. Kadalasan ay wala pang alas otso ay nasa opisina na ako. Nagkataon lang na may dinaanan ako. Akmang hahakbang ako papasok sa elevator nang may biglang bumunggo sa likod ko."What the hell!" sigaw ko. Akmang bubulyawan ko pa ang may kagagawan non dahil wala pang nangahas na gawin sa akin ang ganon. Ngunit nakita kong isa itong babae. Hindi lang ito basta-bastang babae kondi napakaganda nito. For the first time, humanga ako sa angking kagandahan nito. She's simple but elegant that I can't get away my eyes from her.She has a beautiful face with no makeup. A silky straight hair and a height of I think, 5'5 in feet. I was entangled with her beauty that made me crave for her. Bagay na hindi na ko pa nagawa sa tanang buhay ko. Sanay ako na babae ang gagapang para matikman ko. Nakita ko ang pagkataranta niya nang

    Last Updated : 2023-11-05
  • Ruthless Series 1: Jonathan McKinney, The CEO   Chapter 7

    Kimberly Ann Martinez"Hi, girl. I'm Joville Atayde, assistant number 3 ni Mr. McKinney," lumapit sa akin ang isang babae na kanina lang ay kasama ko loob ng office ni Sir Jonathan. Nilahad niya ang kamay niya sa akin."Hi po. Ako naman si Kimberly Ann Martinez. Kim na lang for short. Magiging personal assistant daw ako Mr. McKinney," pakilala ko at tinanggap ang kamay niya. "Really? Wow. First time to," sabi niya. Ngumiti na lang ako ng pilit. "Anyway, ito naman sila Gerald at Paolo, mga security personnel ni Mr. McKinney. Kaya wag kang magtaka kung lagi silang naka black palagi silang kasama sa lahat ng lakad ni Mr. McKinney. Ako naman ang secretary slash assistant ni Mr. McKinney.""Hello po sa inyo," bati ko sa dalawang lalaki na narito. "Hello, Miss Martinez, ang ganda mo naman," sabi ni Gerald sa akin. Sa mukha pa lang nito mukhang di na mapagkakatiwalaan, feeling ko may pagkapaliko tong lalaki na ito. "Ayan ka naman, Gerald. Spare, Kimberly. Mukhang inosente pa naman," sab

    Last Updated : 2023-11-06
  • Ruthless Series 1: Jonathan McKinney, The CEO   Chapter 8

    Kimberly Ann MartinezNasa canteen kaming dalawa ni Jhy ngayon. Lunch break at nagkataon na walang lakad ang boss namin kaya naman ay magkasama kami ngayon ni Jhy. Hindi naman ako busy sa pwesto ko tanging encoding lang ang ginawa ko at hindi naman urgent na trabaho pa to ni Joville. Pinilit ko lang na bigyan niya ako ng gawain. Hindi kasi ako binigyan ni gawain ni Mr. McKinney kaya seating pretty lang ako sa pwesto ko, maliban na lang kung isasama niya ako sa mga lakad niya. "Hirap pala kung pinakamababa ang posisyon mo, lahat ng utos sayo ibibigay," reklamo ni Jhy sa akin."Bakit naman?" Tanong ko habang sumisipsip sa mango shake na binili ko."Halos lahat ba naman sa marketing department laging ako ang inutusan. Jhy, paki-encode naman nito, please. Jhy, bring this to the accounting department. Jhy pa print naman to. Jhy, pa photocopy naman nito. Jhy, pa-scan naman. Nakaka-stress alam mo yon?" sabi pa niya. "Sssh, baka marinig ka," saway ko sa kanya. Bigla naman itong natahimik

    Last Updated : 2023-11-07
  • Ruthless Series 1: Jonathan McKinney, The CEO   Chapter 9

    Kimberly Ann MartinezNang makalabas kami sa kumpanya ay tatawid sana kami ng dumaan ang sasakyan ni Aaron. Hindi naman ito latest model na sasakyan pero hindi naman halata na lumang modelo ito pick-up kasi halatang alagang-alaga ng may-ari. Bumusina ito sa amin ni Jhy. "Pauwi na kayo?" tanong niya sa amin. "Hindi pa. Dadaan muna kami sa palengke," sagot ni Jhy kay Aaron. "Ganon ba? Hatid ko na kayo," sabi niya sa amin."Naku, hindi na. Kaya naman naming mag commute." Tanggi ko sa kanya."Oh, come on, doon din naman ako dadaan kahit i drop ko na lang kayo sa palengke," sabi pa nito. Sumenyas naman si Jhy na sasakay na kami, total ay kasamahan naman namin sa trabaho si Aaron. Kay pumayag na lang din ako. "So, Aaron, mayaman ka pala?" diretsang tanong ni Jhy kay Aaron ng makasakay kami sa sasakyan nito. Nagsimula na ring mag-drive ang huli.Matagal bago nakasagot ai Aaron sa tanong ni Jhy. Parang nagdadalawang-isip pa kung anong sasabihin. "Hindi naman, installment lang tong sa

    Last Updated : 2023-11-08

Latest chapter

  • Ruthless Series 1: Jonathan McKinney, The CEO   Epilogue

    Jonathan McKinney"Dahan-dahan sa paglalakad," sabi ko sa asawa kong si Kimberly Ann. “Saan ba kasi ang punta natin at kailangan pang piringan ako?” reklamo niya ngunit tinawanan ko lang at hindi nakikinig sa pakiusap niya na hayaan siyang maglakad mag-isa.Nakapiring ang mga mata nito. Kaya hindi niya kita ang dinadaanan namin ngayon. Kaya tudo alalay ako baka biglang madapa ito. Simula pa lang sa kumpanya ay nakapiring na siya. Hindi na alam kong saan ang punta namin. Sumakay kami ng helicopter na pag-aari ng kaibigan kung si Lucifer. Hanggang sa lumapag ang sinasakyan namin malapit sa lugar kung saan ko siya dadalhin.Two months after our wedding masasabi kung super blessed ako na siya ang naging asawa ko. Super maalaga, hands on sa aming mag-ama. Kahit busy siya sa trabaho ay bumabawi siya pagdating ng bahay. Kaya ngayon ay gusto kong i-surprise siya. I want her to be the first one who sees this place. I know this place is one of the most memorable places for her. So, I brought h

  • Ruthless Series 1: Jonathan McKinney, The CEO   Chapter 65- LAST CHAPTER

    Kimberly Ann MartinezLumipas ang mga buwan at masasabi kong marami ang nabago sa aming magkapatid. Tuloy ang pagiging CEO ko sa kumpanya namin. Samantalang ang mga kapatid ko ay ipinagpatuloy ang pag-aaral nila sa isang pribadong University. Si Karylle ay isa ng abogado matapos isang makapasa sa bar exam last month. Masaya ako para sa kanila dahil unti-unting nagbago ang buhay namin. Mas naging malapit sila sa tatay at lolo namin. For the first time ay wala akong mga kapatid na kasama ngayon sa bahay kung saan ako nakatira kasama si Jonathan. Mas pinili nilang manirahan kasama ang tatay namin. Gusto ko ding kasama sila ngunit ayaw naman akong payagan ni Jonathan. Naiintindihan ko naman dahil may anak kami. And Maybe, this is the time na sarili ko naman ang iisipin ko kasama ang mag-ama ko. Ito din ang gustong mangyari ng mga kapatid ko, ang isipin ang sarili ko.As for Mildred and Mara. Napag-alaman kong lumipad silang mag-ina patungong London. Doon na daw sila maninirahan for good

  • Ruthless Series 1: Jonathan McKinney, The CEO   Chapter 64

    Kimberly Ann MartinezHinihipan ko ang mainit na arroz caldo. masyado pa kasing mainit kaya kailangan kong hipan para hindi para hindi mapaso si Don Rolando kapag sinubuan ko. Nasa ospital ako ngayon binisita si Don Rolando dahil wala man lang nagbabantay sa kanya dito. Nagdala ako ng pwedeng makakain niya kasi sabi ng doctor mga soft food lang daw muna ang pwedeng kainin nito since kagagaling sa pagka-mild stroke. I realize, life it too short. Kaya hindi pwedeng mas pairalin ang galit sa dibdib baka pagsisihan mo sa huli. Kaya ito ako ngayon, kusang nagpapababa ng loob. Hindi ko na iniisip kung galit pa rin sila sa akin basta, ginawa ko na ang alam kung tama sa paningin ko. “Ah,” sabi ko kay Don Rolando at iniumag ang kutsara sa baba niya. Naka-sandal siya ngayon sa headboard ng ospital bed niya. Parang batang masunurin naman ito at ibinuka ang bibig. Nakangiting sinubo ko sa kanya ang arroz caldo. Ang buong akala ko ay tatanggi pa siya, kaya nagulat na lang ako tinanggap niya ang

  • Ruthless Series 1: Jonathan McKinney, The CEO   Chapter 63

    Kimerly Ann MartinezNagtataka ako kung bakit may isang sasakyan ang naka-park sa garahe ng nakarating kami mula sa opisina. Napalingon ako kay Jonathan baka sa kanya lang ito at hindi niya sinasabbi sa akin. “May bago kang sasakyan?” tanong ko sa kanya.“No. Hindi ko alam kung kanino to,” sagot niya sa akin.Nagkibit balikat na lang ako at bumaba na sa sasakyan. Hindi ko na hinintay pang pagbuksan niya ako ng pinto. Agad akong naglalakad papasok ng bahay dahil hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kaba. Wala naman ito kanina habang papauwi kami. Ngayon lang nang makita ko ang sasakyan na hindi familiar sa akin. Rinig ko kaagad ang ingay ni Kj habang papasok. Tela, masaya itong nag-kwento sa mga bagay-bagay at tela may kausap ito. Kaya naman na curious ako kung sino ang kausap nito. Ramdam ko ang pagsunod ni Jonathan sa akin hanggang sa makarating kami sa sala. Kita ko ang mga kapatid ko na nakatingin lang sa gitna ng sala na tela hindi rin makapaniwala sa kung sino ang bisita

  • Ruthless Series 1: Jonathan McKinney, The CEO   Chapter 62

    Kimberly Ann MartinezTumayo ako at nagpahila na lang sa kanya palabas ng conference room. Dinala niya ako sa top floor ng gusali na ito. Manghang-mangha ako sa pagdating doon. Katulad ng opisina ni Jonathan sa McKinney Corporation, mapakalawak din ang buong silid. Wala akong masabi sa interior design dahil sobrang ganda ng pagkaka-design at sobrang kumportable ng paligid. Hindi masakit sa mata ang mga design. Napangiti na lang ako dahil talagang nag-effort si Jonathan para dito."Is this my office?" tanong ko sa kanya kahit na obvious na obvious na sa akin talaga dahil sa labas ng pinto may nakasulat na office of the CEO. "Yes." sagot niya. "Pero sure ka talaga gawin mo akong CEO dito?" hindi pa rin ako makapaniwala na may sarili akong position dito."Yes, because you deserved it," sagot naman niya. "You like it?""Yes. Thank you," sabi ko."You're welcome, babe," sagot niya at yumakap sa likod ko. Ang hilig nitong mangyakap mula sa likod. Nakarinig kami ng katok mula sa labas

  • Ruthless Series 1: Jonathan McKinney, The CEO   Chapter 61

    Kimberly Ann MartinezKinakabahan na naglalakad ako kasama si Jonathan sa hallway ng Martinez Corporation. Ayaw ko sanang sumama dahil sigurado akong nandoon ang lahat ng kapamilya ng tatay ko. Ayaw kung mag-cause ng komusyon dito sa kumpanya nila. Isa pa, ayaw kung mahusgahan. But Jonathan insisted that I should be there. Kailangan daw niya ng taga-take down notes since absent si Joville. Ngunit ang pinagtataka ko ay kung bakit kailangang pormal na pormal ang mga suot namin. Kung simpleng meeting lang ito ay pwede naman casual lang.“Come on, babe. Smile,” pampalakas ni Jonathan s akin habang pinipisil ang ilong ko. Nakabusangot kasi ako dahil kinakabahan ako.“Bakit naman kasi ako ang isinama mo dito. Pwede namang isa kina Gerald at Paolo na lang,” reklamo ko sa kanya. “Nakakasawa na kasing makita ang pagmumukha nilang dalawa,” pabirong wika ni Jonathan sa akin. Irap lang ang sinagot ko sa kanya. Agad pomormal ang mukha ni Jonathan ng makarating kami sa tapat ng pinto. Ako naman a

  • Ruthless Series 1: Jonathan McKinney, The CEO   Chapter 60

    Kimberly Ann MartinezWala sa sariling bumangon ako sa kama. Mag-isa lang ako dito sa lugar na hindi ko alam kung saan. May nakita akong sapin sa paa sa paanan ng kama. Kaya yon ang sinuot dahil malamig ang sahig. Naglakad ako patungo sa pinto at laking gulat ng sumalubong sa akin ang isang malawak na karagatan.Nagtataka na nilibot ko ang paningin. Hindi naman umausad ang sinasakyan kung yate. Oo, Nasa isang maliit na yate ako ngayon. Nagtatatakang hinananap ko si Jonathan. Siya lang naman ang kasama ko kanina kaya malamang siya ang nagdala sa akin dito. May nakita akong hagdan papunta sa taas kaya naman ay tinungo ko ito at umakyat doon. Palagay ko ay roof deck ang nasa taas nito at hindi nga ako nagkamali. Gulat akong nakitang may nakahandang lamesa sa gitna nito at may mga nakatakip na hindi ko alam kung ano ang laman sa loob.. Sa gilid ay nakita ko si Jonathan na malayang nakatingin sa karagatan. Hindi naman mainit ang panahon dahil takipsilim na. Napangiti ako at dahang-d

  • Ruthless Series 1: Jonathan McKinney, The CEO   Chapter 59

    Kimberly Ann Martinez“Mr. McKinney, It’s good to see you here,” sabi ng pinakamatanda sa kanila na lalaki. Napatingin muna si Jonathan sa akin bago siya sumagot. “Same here, Mr. Martinez.”So, ang lalaking ito ay ama ng tatay ko? Ibig sabihin lolo ko ang mantandang ito? Agad tumalim ang paningin ko habang tinitingnan ang pakikipagkamay ni Jonathan sa mga ito. Napatingin ako sa ama kong nakamata lang sa akin. Halatang hindi makapaniwala sa nakita ngunit parang may nabasa akong pangungulila sa mata niya? Napailing ako ng lihim. Naagaw ang paningin ko sa mag-inang Mildred at Mara na parehong nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin. Tinaliman ko din sila ng mata. Akala nila matatakot ako sa kanila. Hindi. Lalo na ngayon na may anak ako. Hindi ako pwedeng mag-papaapi na lang dahil kailangan kong protektahan ang anak ko laban sa kanila. “Oh, you have a new secretary, Mr. McKinney? She’s so pretty to be your secretary,” sabi ng matandang Martinez. Ayokong isipin na lolo ko ito dahil

  • Ruthless Series 1: Jonathan McKinney, The CEO   Chapter 58

    Kimberly Ann MartinezTakang-taka ako kung bakit mas lalong nadagdagan ang mga files sa mesa ko. Matapos naming makarating dito sa opisina ni Jonathan ay ganito na agad ang bumungad sa desk ko. Mga documento pa rin na galing sa Martinez Corporation. Kaya naman ay hindi ko na mapigilan pang mag-reklamo kay Jonathan.“Ano na naman to? Nakakasawa na kayang magbasa ng mga ito? Gusto mo talagang ipamukha sa akin kung gaano ako kaliit dahil anak lang kami sa labas?” di mapigilang magsalita at ilabas ang mga hinaing ko. Paano ba kasi ang mga nakikita ko ngayon ay ang mga monthly report ng sales and profit ng kumpanya. Pati na rin kung gaano kalaking pera ang inilabas ng kumpanya nila para sa isang project. Bilyon-bilyon ang mga lumalabas at ang income ng kumpanya tapos kami ng mga kapatid ko ay wala man lang nakuha ni isang sentimo. “Come on, babe. Just study it at kung may makita kang kahina-hinala ay wag kang mangingiming magsalita or magtanong sa akin, hmmm?” sabi naman ni Jonatha

DMCA.com Protection Status