Halos tumagal din ng isang oras ang paghihintay ni Maica sa waiting area ng Emerald Tower bago dumating sa main entrance ang sasakyan nila. Sakto lang din ang dating ni Denver at Julie na animo'y pagod na pagod. "Thank, God, you're here." Kaagad na tumayo si Maica nang makita ang dalawa. "Buti na lang pinasundan mo ako kay Julie. Halos maligaw-ligaw na ako sa basement parking kakahanap kay Manong George." Habol hininga pa si Denver nang sabihin 'yon. "Kaya pala mukha ka ng naligo sa sarili mong pawis," pamumuna ni Maica. "Grabe, Maica, hindi naman kasi kami nainform na sobrang init pala roon sa parking. Halos maubusan na rin ako ng hangin katatakbo mahanap lang si Denver," paliwanag naman ni Julie. "Buti nagkita kayo?" Bakas sa mukha ni Julie ang pag-aalala habang naglalakad sila patungo sa sasakyan. "Oo, paakyat na ko no'n sa first floor nang makita ako ni Julie na tumatakbo." Kaagad na pinagbuksan ni Denver ng pintuan sina Maica at Julie at nagmamadali naman ang mga itong suma
“Maica, you have an appointment with Mr. Calvin this afternoon para sa contract signing,” paalala ni Julie sa kaniya. Huminga siya nang malalim habang pinagmamasdan ang kisame ng kanilang silid. “May problema ba?” tanong ni Julie sa kaniya nang mapansin ang pananamlay niya. “Pagod lang siguro. Ilang araw rin kasing fully booked ang schedule ko. Naghahanap lang siguro ang katawan ko ng pahinga,” sagot niya rito. “And about pala sa cheating issue ni Denver. I already confronted him, and you’re right. Mabuti na lang talaga at nagkaroon ako ng lakas ng loob na kausapin siya kagabi kaya kahit paano nalinawan na ako. Masyado lang talaga akong nag-conclude kaagad.” “I told you. Mas makabubuti talagang pinag-uusapan ang ano mang misunderstanding para magkaroon ng linaw ang mga bagay bagay,” sabi nito sa kaniya. “Pero about the appointment, tutuloy ka ba o gusto mo munang magpahinga ngayong araw?” “I’ll go. Alam mo naman gaano kaimportante sa akin ang oras. Ayokong masayang lang ‘yon nang
Tahimik lang si Maica na nakahiga sa loob ng kaniyang silid habang nakatingin sa kanilang puting kisame. Hindi mawala sa isip niya ang muling pagkukrus ng landas nilang dalawa ni Third lalo pa at bigla na lang itong nawala noon. Hindi niya akalaing napakalaki ng ipinagbago nito. Mula sa itsura hanggang sa ayos ng pananamit. Noon kasi ay masaya na itong magsuot lang ng tshirt na puti at butas na maong pants, ngayon ay pormal na pormal na ito sa suot nitong navy blue long sleeves polo at black slacks na tinambalan pa ng black shoes. Ang buhok naman nitong kung dati ay buhaghag lang ngayon ay nakabrush up haircut na. Ang nanatili lang dito ay ang pagiging moreno nito at ang malalim na dimple sa magkabilaang pisngi na bumagay naman sa matangos nitong ilong, katamtamang kapal ng kilay at tamang kapal ng labi. Meron itong deep set of brown eyes na tugma naman sa kaunting pilikmata nito. Hindi napigilan ni Maica ang mapangiti habang inaalala ang muli nilang pagkikita. Of all places kasi, doon
Matapos ang pictorial ni Maica para sa Bench Fashion Magazine ay nagmamadali siyang nagtungo sa building ng Mango Fashion Group para sa biglaang meeting. Maging siya ay nagulat dahil itinawag lang sa kaniya ni Julie ang tungkol dito. Hindi niya malaman kung ano ba ang dapat unahin lalo na at wala pa naman ito ngayon. Nagpaalam kasi ang kaibigan niya na uuwi sandali ng probinsya dahil sa may sakit nitong ina. Hindi naman siya nagdalawang isip pa na payagan ito lalo pa at pamilya nito ang dahilan ng pag-alis. Sinigurado rin naman nito na makakabalik bago maglunes. Iyon nga lang, kinakailangan niyang umalis na mag-isa para puntahan ang mga naka-schedule niyang appointment sa araw na iyon. Mabuti na lang nga at inayos na nito ang schedules niya, kung ano ang dapat iprioritize sa less prioritized kaya ang kinakailangan niya na lang gawin ay puntahan ito. Isa pa sa pinagpapasalamat niya ay may mga bodyguards siyang nariyan palagi sa cases na need niya ng security. “Hi! I am here for a sch
“Maica, are you okay?” nag-aalalang tanong ni Third.“I’m fine.” Akmang hahakbang sana si Maica nang makaramdam siya ng pangingirot sa kaniyang paanan. “Shit!”“You are not, okay. Dadalhin na kita sa hospital. Kailangan nating mapa-check ‘yan bago pa lumala,” sabi nito. Labag man sa loob ni Maica ay napilitan siyang kumapit dito upang makarating kaagad sila sasakyan nang sa gayon ay mas mabili nilang maaksyunan ang nangyari sa kaniya.Nang makarating sa waiting area ay kaagad na inutusan si Third na bantayan muna si Maica habang ito naman ay nagmamadaling lumabas ng building. Ilang sandali pa ay humahangos itong lumapit sa kanila at maingat na inalalayan siya palabas ng building. Kaagad namang binuksan ng staff ang pintuan ng sasakyan ni Third ngunit bago pa man makasampa si Maica ay mariin na siyang tumutol dito.“Wait! Manong George is waiting for me,” nag-aalalang sabi niya. Batid kasi niyang tiyak na mag-aalala si Manong George sa oras na hindi siya nito makita.“Don’t worry,
Sa tulong nina Third, Luke at Josh ay nagawan nila ng paraan na hindi makalabas sa media ang nangyari kay Maica lalo na at alam ni Josh na maaari itong makaapekto sa kanilang kumpanya knowing na nangyari ang aksidente right on their premises. “I’m very sorry, Maica,” paulit-ulit na pagsusumamo ni Josh sa kaniya. “Wala naman tayong magagawa. Nangyari na.” Parang batong nakatingin lang si Maica sa bintana habang nakaratay sa kaniyang hospital bed. Second day niya na sa loob ng ospital at hindi siya sanay na matagal na nakatengga at walang ginagawa. Batid niyang kailangan niya ng pahinga pero hindi niya naman hiniling na sobrang tagal. “Nakausap ko na rin pala ang manager mo and he said na babalik as soon as possible,” sabi ni Josh. Mas lalong nanikip ang dibdib ni Maica dahil sa pagdaramdam. Mula kasi ng umalis ito ay wala man lang itong paramdam. Sinubukan niya itong kontakin subalit cannot be reach palagi ang liny anito. Hindi niya tuloy maiwasang mag-overthink na baka nga
Usap-usapan ngayon sa social media ang sikat na modelong si Maica Delmundo at ang CEO ng Polar Star Enterprise kung saan na-spot-an silang magkasama at tila sweet na sweet sa isa’t isa sa building ng Mango Fashion Group. Iba’t iba ang naging kumento ng mga netizens ukol sa balitang ito. May ilan pa nga na nagsasabing bagay ang dalawa sa isa’t isa at ibibigay nila ang kanilang full support sa mga ito kung sakaling magkaroon ng proyekto ang dalawa ng magkasama. Wala pa namang nagiging kumento ang Mango Fashion at ang dalawa ukol dito. Iyan ang latest scoop sa showbiz happenings. Kaagad na pinatay ni Denver ang T.V. matapos na marinig ang balitang iyon. Kasalukuyan siyang nakaupo sa isang bakanteng silya sa loob ng silid kung saan kasalukuyang nagpapahinga si Maica dahil sa natamong injury. “Tsk!” Napapalatak na lang ito dahil sa pagkairita sa balitang iyon. “Denver…” Hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ni Maica. Batid niya kasing masama ang loob nito lalo na at matapos niton
Napakunot ang noo ni Denver nang bumungad sa kaniya ang mukha ni Third sa loob ng silid ni Maica. “Anong ginagawa mo rito?” tanong niya rito. “Denver, glad you’re here. Kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot sa tawag ko.” Si Maica ang nagsalita. Sinamaan naman ng tingin ni Denver si Third nang magkibit balikat lang ito sa tanong niya. “Sorry, may inasikaso lang ako. I also adjusted your schedules,” tugon niya sa asawa. “Why?” “Third brought these documents in behalf of Mr. Sarmiento, for us to sign.” Kaagad namang binasa ni Denver ang dokumento at binuklat ito isa-isa. “It’s the contract.” Nag-angat siya ng tingin at nakaramdam siya ng pagkulo sa kaniyang dugo nang makita ang nakangiting ekspresyon ni Third sa kaniya. “I do you a favor, Mr. Castillo. Masyado silang mahigpit pagdating sa kanilang mga modelo. Hindi mo naman siguro gugustuhin malaman nilang narito ngayon ang asawa mo sa ospital hindi ba?” Pinakadiinan pa ni Third ang salitang asawa para mas lalon
It was that day when I met Maica.“Are you okay?” tanong ko. I am just a passerby concerned.She was crying in the middle of nowhere. Para bang wala siyang pakialam kung may ibang nakakakita sa kaniya. Basta sapat na sa kaniya na mailabas niya ang bigat na dinadala ng kaniyang dibdib.Mabilis niyang pinahid ang kaniyang mga luha at saka tumango sa akin.She is a beauty. A beauty that is hidden beyond those cries.“You sure?” paniniguro ko.Ngumiti lang ito na para bang walang nangyari at saka muling tumango. Matapos iyon ay tumakbo na ito palayo at akala ko iyon na ang huli naming pagtatagpo pero…“Denver!” Kumakaway si Julie habang papalapit sa akin pero nasa iba ang atensyon ko. It was the second time we met. “Kanina ka pa ba?” tanong ni Julie.“Halos kararating ko lang,” tugon ko. Sinadya kong ibaling ang atensyon ko kay Julie dahil iyon naman talaga ang dapat. We are in a relationship back then. Hindi ko sinasabing attracted ako kay Maica but I find her interesting. Never
Napakapit nang mariin si Maica sa hawakan ng upuang inuupuan niya dahil sa klase ng halik ni Third sa kaniya. Para itong uhaw na uhaw at puno ng pananabik. Hindi alam ni Maica kung anong gagawin dahil unti-unti na siyang nahuhulog sa sensasyong dulot ng tagpong iyon. Nakatukod ang isang kamay nito sa hawakan ng upuan at ang isa naman ang nakakapit sa kaniyang batok. Sa ilang segundong lumilipas ay parang mawawala na sa katinuan si Maica habang patuloy naman si Third sa pagpapalalim at pagpapainit ng tagpong iyon. Sakto naman ang pagtunog ng telepono dahilan kaya naputol ang mainit na halik nito at sandaling tiningnan ang teleponong patuloy sa pagriring.“It might be important,” sabi ni Maica bago lumunok ng sariling laway dahil pakiramdam niya ay naubusan siya ng hangin sa ilang sandaling halik na iyon.Tumango naman si Third sa kaniya at saka bumalik sa swivel chair nito bago sinagot ang telepono.“Third speaking,” sabi nito.Habang nakikipag-usap si Third sa telepono ay inaayos
Tahimik lang ang naging byahe nina Maica at Third hanggang sa makabalik sila ng mansyon. Dire-diretso lang din si Third na nagtungo sa silid nito kaya ganoon na lang ang lungkot na nararamdaman ni Maica. Halos kababati lang kasi nilang dalawa nang nagdaang gabi at eto na naman sila sa ganoong sitwasyon.Nagpasya na lang din si Maica na pumasok na lang din sa kaniyang silid upang doon makapag-isip na mag-isa. Tahimik na rin naman ang buong kabahayan dahil halos ginabi na rin sila talaga ng uwi. Sandali siyang naglinis ng katawan at nag-asikaso ng kaniyang sarili bago pabagsak na nahiga sa kaniyang kama. Hindi mawaglit-waglit sa isip niya ang naging palitan nila ng sagot ni Third. Hindi niya naman gustong ipamukha kay Third na kasal pa rin siya subalit ganoon ang naging kinalabasan ng mga nasabi niya dahil sa inis. Hindi niya tuloy alam kung paano hihingi ng tawad sa binata gayong hindi siya nito kinikibo hanggang makauwi sila. Tanging ang mga huling salita lang nito ay hindi na nito p
“Hi, Thirdy.” Mabilis na lumapit si Monique kay Third at bumeso, tila hindi alintana ang presensya ni Maica sa paligid.Ibinaba naman ni Third si Maica upang malaya nitong maharap si Monique.“What are you doing here?” tanong ni Third na tila ba nagtataka sa pagdalaw ni Monique sa mansyon niya.“Obviously, sinusundo kita. You have a company na you need to manage, Third. Besides. The investors are all looking for you during our meeting yesterday. Bigla ka na lang kasing nawala bago pa man magsimula ang meeting,” paliwanag nito habang hinihimas-himas pa ang braso ng binata.Napakunot naman ang noon ni Maica dahil tila sinasadya ng babae na landiin si Third sa mismong harap niya.“I’ll be going to the office later. Marami lang akong inaasikaso,” tugon naman ni Third.Ngumuso naman ang dalaga kay Third na lalong kinairita ni Maica kaya padabog siyang dumaan sa gitna ng dalawa at nagmartsa patungo sa kusina. Napatingin naman si Third sa kaniya at lihim na napangiti.“So, si Maica pa
“Ano ba naman ‘yan? Hindi ba kabilin-bilinan ko na bantayan n’yo si Maica at huwag na huwag n’yong aalisan ng tingin?” pasinghal na tanong ni Third sa mga bodyguards ni Maica. Hindi malaman ni Third kung paano ilalabas ang galit dahil sa kapabayaan ng mga ito. Idagdag pa ang inis niya sa kaniyang sarili dahil wala siya nang nga panahong dapat nandoon siya para protektahan si Maica.“Sir, pasensya na po talaga. Kasi po—” magpapaliwanag pa lang sana ang isa sa mga bodyguards nang magsalitang bigla si Maica.“Third, it is not their fault. Ako ang nagsabing maghintay na lang sila sa lobby dahil nagpunta ako ng comfort room noon. Hindi ko naman akalaing nandoon pala si Julie at hinihintay ako. Naisip kong huwag na lang iinform ang bodyguards ko dahil akala ko mag-uusap lang kami ni Julie. I didn’t know na aabot kami sa ganoon,” depensa ni Maica habang pilit na pinoprotektahan ang mga bodyguards niya.Sa sobrang inis ni Third ay dinampot nito ang unan sa sofa at saka inihagis na lang sa
Ilang araw pa ang lumipas ngunit walang paramdam si Julie sa kanila kaya naman ang hula ni Third ay si Denver talagang itong may pakay kay Maica. Nag-aalala siyang ginagawa iyon ni Denver nang sa ganoon ay muling makuha ang tiwala at loob ng asawa. Sa ganoong paraan ay magkakaroon ito ng pagkakataong muling mabawi si Maica sa kaniya.Ilang araw na rin na ‘yon lang ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ni Third kaya mas lalong hindi niya maiwan-iwan si Maica na mag-isa.“Look, Third, I told you already. I’m fine. You have nothing to worry about,” sabi ni Maica sa kaniya na kasalukuyang nakatayo sa pintuan ng kaniyang silid.“Are you sure?” tanong niya rito.“Oo naman. Kaya pumasok ka na sa trabaho mo. Wala naman akong work schedule ngayon hindi ba? Kaya I’ll stay at home lang,” paniniguro nito kaya waa nang nagawa si Third kung hindi bumuntong hininga na lang at sundin ang nais nito na pagpasok niya sa trabaho.“Okay then. Pero if ever na kailanganin mong lumabas, make sure to brin
“Kinakailangan n’yo na ba talagang umalis?” tanong ni Carmen sa anak nang bigla silang magpaalam ni Third sa mga magulang niya na babalik na sila ng Maynila.“Opo, nay. Pero tatawag-tawag pa rin naman po ako para kumustahin kayo,” tugon niya rito bago binigyan ng mainit na yakap ang ina. “Salamat po.”Lumapit naman ang ama ni Maica na si Henry sa dalawa at tinapik ang balikat ni Third.“Ikaw na ang bahala sa anak ko, Third. Alam mo naman kung gaano namin kamahal ang batang ‘yan.” Napangiti naman si Third at saka hinawakan ang aking kamay.“Opo, tatay Henry. Makakaasa po kayo.”Nang makaalis na sila ay doon lang sila nagkaroon ng pagkakataon upang pag-usapan ang bigla nilang pag-alis.“Third, ngayon pwede mo na bang sabihin sa akin kung bakit bigla mo akong niyayang bumalik sa Manila?” tanong niya dahil maging siya ay walang kaide-ideya kung ano ang dahilan ng kanilang biglang pag-uwi. Ang tanging nangyari lang kasi ay inilabas nito ang isang red velvet box bago tumunog ang cellph
Magkahalong tuwa at lungkot naman ang naramdaman ni Carmen nang mapagtanto ang ibig sabihin ng kaniyang anak na si Maica. Hindi niya rin napigilan ang kaniyang sarili at hinawakan ang tiyan ng anak dahil sa tuwa na sa wakas ay magkakaapo na siya. Subalit sa pasaning dala-dala ng anak ay hindi niya lubos na mailabas ang galak dahil sa pag-alala rito. “Ibig bang sabihin ay si Third ang ama ng dinadala mo?” Nagulat naman si Maica sa tanong ng kaniyang ina kaya mabilis siyang umiling dito. “Nako, nay, hindi po.” Huminga siya nang malalim at saka ipinagpatuloy ang sasabihin, “anak po namin ito ni Denver.” Hindi makapaniwala si Carmen sa sinasapit ng anak. Hindi niya akalaing habang magkalayo silang dalawa ay ganoon na lang ang nagiging pasanin ng anak. “Alam ba ni Denver ang tungkol diyan?” muling tanong ni Carmen. “Hindi po, nay. Sa katunayan, noong una ay balak ko po sanang sabihin sa kaniya dahil may karapatan pa rin naman siya sa bata kaya lang ay hindi na po ako nabigyan ng
Halos patanghali na nang makarating sila Maica sa bahay ng kaniyang mga magulang. Batid niyang pagdating pa lang nila roon ni Third ay sasalubungin na siya ng sandamakmak na tanong ng kaniyang ina dahil panigurado ay umabot na sa mga ito ang issue tungkol sa mga kumakalat na tsismis sa social media lalo pa at naglabas ng pahayag na naglalaman ng kasinungalingan itong si Julie ukol sa paghihiwalay ng dalawa na kung tutuusin ay siya dapat ang gumawa. “Ate Maica!” sigaw ng kaniyang nakababatang kapatid nang makita siya nitong paparating. Kasalukuyan kasi itong nagwawalis ng kanilang bakuran ng mga oras na iyon. “Nay, tay, nandito po si Ate Maica,” pagtawag pa nito sa kanilang mga magulang. Kaagad naman ding lumabas ang nanay ni Maica at sinalubong silang dalawa ni Third. “Maica…” Kaagad nitong niyakap ang anak at ganoon din ang itinugon ni Maica sa ina. Nagmano pa siya nang maghiwalay sila sa pagkakayakap sa isa’t isa. “Kaawaan ka ng Diyos.” “Nay, pwede po ba na dumito na muna