Nang makauwi sila Maica ay kaagad nitong hinarap ang kaibigan at personal assistant na si Julie. Hindi pa man ito nakakaupo ay mabilis niya na itong hinila at pinakawalan ang isang malakas na sampal na labis namang ikinagulat nito at ni Denver.
“Maica!” Napatayo si Denver mula sa kinauupuan at kaagad na nilapitan ang dalawa. “What the hell did you do?” Nilapitan nito si Julie at dinaluhan ang dalaga. “Isn’t it obvious? You are both a traitor. How could you both do this to me? At proud pa kayo ha? Ipinangalandakan n’yo pa talaga sa buong mundo ang relasyon n’yo!” Maica is in rage. Hindi niya alam kung anong mararamdaman matapos ng rebelasyong nalaman niya. Ramdam niya ang panginginig ng kaniyang laman dahil sa magkahalong galit at sakit na kaniyang nararamdaman. Of all the people na tatraydor sa kaniya, hindi sumagi sa isip niya na si Julie at Denver pa ang gagawa noon sa kaniya. “Could you please calm down?” pagsusumamo ni Denver. “Calm down? How can I calm down?” Binalingan niya ng tingin si Julie at doon nagsimulang maglandas ang kaniyang mga luha. “I trusted you, Julie. Parang kapatid na nga ang turing ko sa ‘yo tapos aahasin mo ang asawa ko? Ang dami namang lalake sa mundo, talaga si Denver pa ang napili mo?” “Pwede ba, Maica, huminahon ka nga muna at hayaan mo akong makapagpaliwanag. Hindi ‘yong bigla kang susugod at mananampal.” Tumayo si Denver at inihilamos ang mga kamay nito sa mukha. “Sige. Mabuti pa nga at magpaliwanag ka kung paano at kung kailan n’yo pa ako sinimulang gaguhin.” Kitang-kita ang panlilisik sa mga mata ni Maica kahit hilam ito ng mga luha. “Julie and I are not in a relationship, okay? Tingin mo talaga magagawa kitang lokohin? Na magagawa ka naming lokohin?” Hindi na naiwasan ni Denver na magtaas ng boses dahil sa inis. “Talaga ba? E ano ibig sabihin ng ipinagkalat mo sa harap ng mga reporters?” gigil na tanong ni Maica. “Akala ko ba matalino ka, Maica?” Huminga nang malalim si Denver upang pakalmahin ang sarili. Batid nitong mas lalala lang ang sitwasyon kung sasabayan nito ang galit ni Maica. “Look, listen.” Hinawakan nito ang magkabilang balikat ni Maica bago ipinagpatuloy ang sasabihin. “Yes, I told the reporters that I am getting married with Julie nang sa ganoon ay ma-divert ang atensyon nila sa akin. Para naman hindi na rin nila tayo paghinalaang dalawa lalo pa at may mga kumakalat na ring pictures natin together sa social media. It is just for a show. Nagkausap na kami ni Julie about this and pumayag naman siya since magkaibigan naman nga kayo ay tiwala siyang hindi aabot sa ganito. But look what you did?” Muli itong nagpakawala ng malalim na hininga. “You act first before you think. Tingin mo talaga kung may relasyon kami ipapangalandakan naming ‘yon sa buong mundo?” Doon lang tila nahimasmasan si Maica. Halos manlumo siya sa hiya dahil sa ginawa niya. She messed up. Paano niya nga ba nagawang paghinalaan ang sarili niyang kaibigan at asawa niya? They have been there for her for though times. They supported her at all costs sa lahat ng desisyon niya but here she is, nag-over react agad sa bagay na hindi niya muna kinumpirma kung totoo. “I’m sorry. I’m sorry, Julie.” Napasubsob siya sa kaniyang mga kamay dahil sa labis na kahihiyan. Parang kulang ang isang sorry para mapatawad siya nito ngunit hindi niya akalaing likas kay Julie ang pagiging maunawain nang tabihan siya nito at yakapin. Wala na siyang nagawa kung hindi yakapin rin ito pabalik at doon humagulgol na parang bata. “Sorry, Julie. Nagpadalus-dalos ako. Masakit ba?” Hindi napigilan ni Denver ang matawa ng pagak sa tanong ni Maica. “Ikaw kaya ang sampalin ng malakas, tingin mo hindi masakit?” Hinimas ni Maica ang pisngi ni Julie at nagsusumamo ang kaniyang mga mata para sa kapatawaran ni Julie. “Apology accepted, Maica. Basta next time ha? Huwag masyadong OA. Sorry din dahil may fault din kami ni Denver. We should have told you the plan before the press conference. Nawindang ka pa tuloy.” “Thank you, Julie. But are you sure that you are okay with the setup? Hindi ka ba mailang dahil syempre because of that kinakailangan n’yong magpanggap ni Denver na in a relationship talaga kayo. You need to act confidently as a couple,” pangungumpirma niya. “I am good at acting, Maica. Remember, you taught me how to act in front of your ex before?” Biglang naalala ni Maica ang kalokohan nila noon para lang makapuslit at makapanood sa mga shooting na mariing tinututulan ng ex niyang si Isaac. They really made an act na kunwari kailangan na talaga ni Julie itakbo sa hospital dahil sa labis na pananakit ng tiyan pero ang totoo ay panunuorin lang nila ang shooting ng paborito nilang artista. “Yes, I remember.” Kasabay ng alaalang iyon ay ang alaala rin nil ani Isaac. Isaac was a good boyfriend. Hindi niya nga lang maintindihan kung bakit mariin nitong tinututulan ang panonood niya ng mga shooting gayundin ang pangarap niyang pagmomodelo. Noon pa man ay pangarap niya ito kaya nga nang may mag-alok sa kaniya ay walang pag-aatubili niya itong tinanggap at kaagad na nag-resign sa pinapasukan niyang trabaho. Doon na rin sila nagsimulang magkalabuan ni Isaac. Hindi naglaon ay nagkaroon na sila ng koneksyon sa isa’t isa. Mula noon ay nawalan na siya ng balita rito. Ni anino nito ay hindi niya na alam kung nasaan. Mali man sa paningin ng iba ay umaasa siyang isang araw ay muling magkukrus ang landas nila nang sa gayun ay magkaroon sila ng proper closure lalo pa at bigla na lang itong naglahong parang bula. “Maica? Hello?” Napalingon siya kay Julie dahil sa pagtawag nito sa pangalan niya. “Okay ka lang?” “Ah, yes. I’m okay. May naalala lang.” Ngumiti siya rito bago nagpasyang tumayo. “I think, I’ll be in charge of our meals tonight.” Kaagad niyang napansin ang pag-iiba ng awra ni Denver. Wala man lang itong sinabi. Nakatitiyak siyang marahil ay nagtatampo ito sa kaniya dahil sa ginawa niya. Minabuti na lang niyang maghanda na lang muna ng kanilang hapunan at nagdesisyong mamaya na lang ito kakausapin sa loob ng kanilang silid. Nang makatapos maghapunan ay nagpaalam na siya kay Julie na magpapahinga na dahil pagod din naman talaga siya sa dami ng schedules niya nang araw na ‘yon. Mabuti na lang at nagprisinta na rin si Julie na ito na ang gagawa ng dishwashing kaya kahit paano ay wala na talaga siya gagawin. Kaagad siyang nagtungo sa kwarto kung saan nadatnan niya si Denver na kasalukuyang nag-aayos ng damit nito pantulog. Nilapitan niya ito at kaagad na niyakap sa likuran. “Are you mad at me?” “Sino ba naman kasing matutuwa?” tanong nito pabalik sa kaniya. “I thought we are okay kasi tumawa ka pa kanina.” Ngumuso siya at hinimas-himas pa ang dibdib nito. Mabilis nitong tinanggal ang kamay niyang nakayakap dito at tinalikuran siya “shower lang ako.” Iyon ang unang pagkakataon na nagkasamaan sila ng loob. For almost 2 years, never pa silang nagkaroon ng pagtatalo at hindi pagkakaunawaan. Hindi niya alam na ang pagiging overreacting niya lang pala ang magiging dahilan ng first misunderstanding nilang dalawa. Nakaisip siya ng plano kung paano mapapalambot ito lalo pa at matagal na nitong hinihingi sa kaniya. Ngayon handa na siya. Hindi niya na hahayaang masira pa ang relasyong meron sila. Mabilis niyang hinubad ang suot niyang damit at kaagad na nagtungo sa shower room kung saan kasalukuyang naliligo si Denver. Kinakabahan man ay alam niyang wala naman siyang dapat na ipag-alala lalo pa at magdadalawang taon na rin silang kasal. Isa pa, batid niyang dapat noon pa nila ito ginawa ngunit natatakot nga lang siyang magbunga ito at masira ang iniingatan niyang katawan at career. Pero alam niya ring sa pagkakataong ito mas makabubuti kung gagawin na nila ito para sa ipagtitibay ng kanilang relasyon. Napalunok siya nang makita ang hubad nitong katawan. Kasalukuyan itong nakatalikod kaya hindi nito nakita ang pagpasok niya. Tiyak niyang hindi rin nito narinig ang pagbukas ng pinto dahil sa lagaslas ng tubig. Dahan-dahan siyang lumapit dito habang napupuno ng kaba ang kaniyang dibdib. Kaagad niya itong niyakap mula sa likuran na labis nitong ikinagulat. Mabilis itong humarap sa kaniya na puno ng pagtataka. “Maica, what are you doing?” tanong nito. “Sabay na tayong maligo,” maikli niyang tugon. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang baba dahilan para pamulahan siya ng mukha. “Don’t look at me. Nakakahiya,” sambit niya. Napangiti ito. “Ngayon ka pa talaga nahiya sa akin?” Mabilis siyang hinapit nito sa bewang at siniil ng halik. Para siyang nalulunod sa malalim sa karagatan dahil sa klase ng halik nito. Mariin at tila uhaw na uhaw. Naramdaman niya ang paglapat ng kaniyang likuran sa malamig na pader habang dinadama ang nag-iinit nitong mga labi. Halos mabaliw siya sa romansang hatid nito sa kaniya lalo pa at alam niyang wala pa siyang karanasan sa ganoong bagay. “I want you, Maica.” “Denver… be gentle on me.” Sa sinabi niyang iyon ay naging malumanay na ang mga halik nito. Hindi niya akalaing magaling ito sa ganoong bagay. In just a second, nagawa nitong baguhin ang tema ng halik nito sa kaniya. Mula sa pagiging uhaw at marahas ay napalitan ito ng malambing at malumanay na klase ng halik na animo’y isa siyang mamahaling porselana na hindi maaaring magasgasan at mabasag. Unti-unting nagbaba ang mga labi nito sa kaniyang leeg. Hindi niya naiwasang sabunutan nang may pag-iingat ang buhok nito dahil sa sarap ng sensasyong nararamdaman niya. “Make me yours tonight, Denver.” "You're already mine, Maica."Nilasap ni Maica ang init ng tagpong iyon habang patuloy naman si Denver sa paghalik sa kaniya. Nararamdaman niya ang bawat galaw ng mga kamay nito na gumagapang sa buo niyang kahubaran. Nakagat niya ang kaniyang mga labi nang nagsimulang bumaba ang halik nito sa kaniyang leeg. Hindi sumagi sa isip niya na isang araw ay siya rin ang susuko rito at magpapaubaya. Hindi niya naiwasang magpakawala ng halinghing nang maramdaman ang kamay nito sa pagitan ng kaniyang mga hita."Ahh... Denver...""You like it?" tanong nito."Ahh... yes..." hinihingal na tugon niya. Para kasi siyang nauubusan ng hangin dahil sa pakiramdam na tila nag-uumapaw sa kaniya. Gusto niya itong sabayan subalit hindi niya alam kung paano.Nagsimula si Denver na laru-laruin ang kaniyang perlas na siyang naging dahilan para lalong mag-init ang kaniyang katawan. Aminin niya man sa sarili niya o hindi ay nagugustuhan niya ng sobra ang ginagawa nito at nag-aasam pa ng higit pa roon. Bago lang ito sa kaniya pero parang ayaw n
Ilang linggo makalipas ang press conference nina Denver at Maica ay pansamantalang natahimik ang kanilang mga buhay sa mga samu’t saring tsismis sa social media. Sunud-sunod naman ang naging panibagong offer kay Maica kaya ganoon na lang ang tuwa niya. Hindi niya maipaliwanag ang saya na nadarama habang tinitingnan ang kaniyang larawan na cover page sa isang sikat na magazine.“Look, Julie.” Ipinakita niya pa ito sa kaniyang personal assistant dahil sa labis na saya. “I really love how this brand looks stunning on me.”“Maica, you’re just beautiful as you are kaya kahit anong brand pa ang imodel mo ay paniguradong babagay sa ‘yo,” papuri nito sa kaniya.“Talaga?” tanong niya na animo’y hindi pa kumbinsido sa sinabi ng kaibigan. Sa tagal niya kasi sa fashion industry ay alam niya sa sarili niyang kulang pa rin ang kaniyang self-confidence. Alam niyang marami pa siyang kailangan malaman at mas kinakailangan niya pang galingan para marating ang rurok ng kasikatan na kaniyang pinapangarap
Nakangiti si Maica ng ubod nang tamis sa harap ng camera habang iniinterview siya ng isang host ng isang sikat na talk show.“Maica, I have a question for you. Recently kasi ay napabalita na ikakasal na raw ang manager mong si Denver Castillo sa iyong personal assistant. Gaano katotoo ito?” tanong ng interviewer.Ngumiti muna si Maica bago sinagot ang tanong nito. “Sa totoo lang kahit ako nabigla din sa sudden revelation nito in public. Pero I am aware about their relationship naman and wala naman akong tutol sa relasyon nila. We all know naman how caring and loving Denver is. Hindi talaga malabo na magka-developan dilang dalawa ni Julie. Isa pa, I’ve known my personal assistant to be very thoughtful and jolly. Marahil iyon ang nagustuhan sa kaniya ni Denver. They both have my full support.”“Ikaw ba, Maica, do you have someone ba na masasabi mong nagpapatibok sa puso mo sa kasalukuyan?” Ibinaling nito ang tanong sa kaniya.Muli siyang ngumiti rito saka huminga nang malalim. “Well, ma
Dahil sa sobrang traffic ay nagpasya sila Denver na dumiretso na lang sa Emerald Tower kung saan gaganapin ang reception ng kasal nina Jane at asawa nito.“Yes, yes. Papunta na kami.” Iyon lang ang nasabi ni Denver bago pinutol ang tawag.“Kung kailan naman nagmamadali tayo tsaka pa tayo na-traffic,” sabi naman ni Julie.“Mabuti na lang din at wala ng schedule si Maica after this kaya hindi tayo maghahabol ng oras.” Muling itinuon ni Denver ang atensyon sa kalsada habang pinagmamasdan ang kumukutitap na pulang ilaw sa likod ng mga sasakyan.***Mahigit isang oras din ang kanilang nasayang bago nakarating sa kanilang paroroonan. Bago bumaba ng sasakyan ay sinigurado ni Julie na maayos ang itsura ng kaibigan nang sa gayon ay maging presentable ito sa lahat ng naroroon.“Hi! Jane.” Kaagad na bumeso si Denver sa ballerina at kinamayan naman ang asawa nito matapos silang salubungin ng mga ito. “Congrats. Ginulat n’yo talaga kami sa wedding n’yo.”“Actually, matagal na rin talagang nak
"Maica, where have you been?" Nag-aalalang lumapit si Julie kay Maica nang makita ito sa bakanteng bench sa waiting area ng Emerald Tower? "Kanina ka pa namin hinahanap ni Denver. Alam mo bang alalang-alala siya sa 'yo?" "Sumama lang kasi ang pakiramdam ko, Julie," pagdadahilan niya, "pero I'm okay now." "Yong totoo?" Halata sa itsura ng kaniyang personal assistant ang pagdududa. "I have known you for so long, Maica. Hindi ka makakapagsinungaling sa akin." "Julie..." unti-unting gumaralgal ang boses ni Maica kasabay ng pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata. "I think, Denver is cheating on me." "What?" bulalas ni Julie. "Si Denver? Sigurado ka ba r'yan?" "Narinig ko kasi siya the other day. Palabas na sana ako ng kwarto no'n then I heard his voice outside the room. May kausap siya. I am not sure kung sino pero narinig kong sinabi niyang missed niya na ito. He even called the person babe and told that he loves her too." Hindi na napigilan ni Maica ang kaniyang mga luha at napasubsob
Halos tumagal din ng isang oras ang paghihintay ni Maica sa waiting area ng Emerald Tower bago dumating sa main entrance ang sasakyan nila. Sakto lang din ang dating ni Denver at Julie na animo'y pagod na pagod. "Thank, God, you're here." Kaagad na tumayo si Maica nang makita ang dalawa. "Buti na lang pinasundan mo ako kay Julie. Halos maligaw-ligaw na ako sa basement parking kakahanap kay Manong George." Habol hininga pa si Denver nang sabihin 'yon. "Kaya pala mukha ka ng naligo sa sarili mong pawis," pamumuna ni Maica. "Grabe, Maica, hindi naman kasi kami nainform na sobrang init pala roon sa parking. Halos maubusan na rin ako ng hangin katatakbo mahanap lang si Denver," paliwanag naman ni Julie. "Buti nagkita kayo?" Bakas sa mukha ni Julie ang pag-aalala habang naglalakad sila patungo sa sasakyan. "Oo, paakyat na ko no'n sa first floor nang makita ako ni Julie na tumatakbo." Kaagad na pinagbuksan ni Denver ng pintuan sina Maica at Julie at nagmamadali naman ang mga itong suma
“Maica, you have an appointment with Mr. Calvin this afternoon para sa contract signing,” paalala ni Julie sa kaniya. Huminga siya nang malalim habang pinagmamasdan ang kisame ng kanilang silid. “May problema ba?” tanong ni Julie sa kaniya nang mapansin ang pananamlay niya. “Pagod lang siguro. Ilang araw rin kasing fully booked ang schedule ko. Naghahanap lang siguro ang katawan ko ng pahinga,” sagot niya rito. “And about pala sa cheating issue ni Denver. I already confronted him, and you’re right. Mabuti na lang talaga at nagkaroon ako ng lakas ng loob na kausapin siya kagabi kaya kahit paano nalinawan na ako. Masyado lang talaga akong nag-conclude kaagad.” “I told you. Mas makabubuti talagang pinag-uusapan ang ano mang misunderstanding para magkaroon ng linaw ang mga bagay bagay,” sabi nito sa kaniya. “Pero about the appointment, tutuloy ka ba o gusto mo munang magpahinga ngayong araw?” “I’ll go. Alam mo naman gaano kaimportante sa akin ang oras. Ayokong masayang lang ‘yon nang
Tahimik lang si Maica na nakahiga sa loob ng kaniyang silid habang nakatingin sa kanilang puting kisame. Hindi mawala sa isip niya ang muling pagkukrus ng landas nilang dalawa ni Third lalo pa at bigla na lang itong nawala noon. Hindi niya akalaing napakalaki ng ipinagbago nito. Mula sa itsura hanggang sa ayos ng pananamit. Noon kasi ay masaya na itong magsuot lang ng tshirt na puti at butas na maong pants, ngayon ay pormal na pormal na ito sa suot nitong navy blue long sleeves polo at black slacks na tinambalan pa ng black shoes. Ang buhok naman nitong kung dati ay buhaghag lang ngayon ay nakabrush up haircut na. Ang nanatili lang dito ay ang pagiging moreno nito at ang malalim na dimple sa magkabilaang pisngi na bumagay naman sa matangos nitong ilong, katamtamang kapal ng kilay at tamang kapal ng labi. Meron itong deep set of brown eyes na tugma naman sa kaunting pilikmata nito. Hindi napigilan ni Maica ang mapangiti habang inaalala ang muli nilang pagkikita. Of all places kasi, doon
Nagpatuloy ang trabaho ni Maica sa Mango Fashion Group dahil na rin sa impluwensya ni Third. Kahit paano ay hindi niya maitatanggi na malaki rin talaga ang naitulong nito sa kaniya. "Mr. Calvin, batid mo naman siguro ang issue na kinakaharap ni Ms. Delmundo ngayon. Tiyak malaki ang magiging epekto nito sa ating negosyo kapag ipinagpatuloy pa natin ang pakikipagnegosasyon sa kaniya." Isa sa mga shareholders ang labis ang pagtutol sa pamamalagi ni Maica sa kumpanya. Kasalukuyang naroon si Third at nakaupo habang pinakikinggan ang opinyon ng mga naroon. "Tama si Mr. Dela Cruz. Paano na lang kung pati tayo ay sumama sa pagbagsak niya?" Dagdag pa ng isa. Sabay-sabay naman nagbulungan ang mga naroon pa at karamihan sa kanila ay sumasang-ayon sa naunang nagsalita. "Why don't we vote?" suhestyon ni Josh dahil batid naman niya ang magiging resulta ng botohan. "Those who are in favor of Ms. Delmundo staying to work in our company, kindly raise your hand." Kaagad naman dinampot ni Thi
"Sinusumbatan mo ba ako? Para sabihin ko sa 'yo, Maica, hindi lang ako ang may kasalanan kung bakit nauwi tayo sa ganito!" Nagsimula na si Denver na duruin si Maica habang patuloy sa pagsigaw rito. "You are also at fault here. Wala ka ng ibang inisip kung hindi ang career mo. Wala kang ibang inisip kung hindi ang pag-angat mo! Ako naman etong si tanga, sunud-sunuran sa 'yo maibigay ko lang ang gusto mong kasikatan!" Para namang sinampal si Maica dahil sa sinabi ng asawa. May punto kasi ito at totoo na masyado nga siyang nag-focus sa pag-angat kaysa sa pag-aalaga sa relasyon nilang dalawa. Hindi niya sukat akalain na iyon pala ang tunay na nararamdaman ni Denver. Akala niya okay lang ang lahat. Akala niya suportado siya nito sa lahat ng bagay. Akala niya masaya ito sa pag-asenso niya. Lahat pala ng iyon ay akala niya lang pala. "Hindi mo ba talaga maintindihan na lang ng ito ay ginagawa ko para sa future nating dalawa? Ginawa ko ang lahat ng ito nang sa ganoon ay maibigay ko ang maay
“I am Julie Sanchez. Malamang marami sa inyo ang hindi pa nakakakilala sa akin but I am Denver’s soon to be wife. Actually, I made this video for awareness. My soon to be wedding and perfect family was shattered just because I trusted too much. I thought, Maica is my bestfriend pero akala ko lang pala ‘yon.” Kasalukuyang umiiyak si Julie sa harap ng camera habang nagkukwento tungkol sa mga nangyari sa kaniya ilang araw pa lang ang nakakalilipas. “She betrayed me. She stole Denver from me. Hindi pa siya nakuntento, she even killed our child in my tummy. She pushed me hard dahil ayaw niyang maging masaya kaming dalawa ni Denver. Ayoko sanang gawin ito dahil kahit paano ay malaki ang naging tulong sa akin ni Maica at may pinagsamahan din naman kami pero ayaw niya talaga kaming patahimikin. She even blackmailed me na kapag hindi ko nilayuan si Denver ay idadamay niya ang pamilya ko kaya takot na takot ako. Also, ayoko namang palampasin ang lahat ng hindi nabibigyan ng hustisya ang pagkawa
Parang binagsakan naman ng langit at lupa si Denver matapos marinig ang sinabi ni Julie. Hindi pa man nito kinukumpirma sa kaniya ang lahat ay sigurado na kaagad siya na siya ang ama ng dinadala nito lalo pa at wala naman itong nagging ibang lalake maliban sa kaniya.“Your wife makes my life miserable. Kinuha ka niya sa akin. Hindi pa siya nakuntento at talagang pinakasalan ka pa niya!” Pinandilatan siya ng mga mata ni Julie at hinawakan siya sa kaniyang panga, “at ikaw, gustung-gusto mo naman! Wala ka pa talagang balak sabihin sa akin ang katotohanan ha? Talagang kailangan kay Maica ko pa malalaman!”Hindi nagawang umimik ni Denver dahil alam niya namang walang ibang dapat na sisihin kung hindi siya. Nabulag siya masyado sa karangyaan na tinatamasa ni Maica. Ang unti-unting pag-angat nito ang nagbigay daan din sa kaniyang pag-angat. Idagdag pa ang utang na loob niya rito sa lahat ng naitulong nito sa kaniya at sa pamilya niya. Naging praktikal lang siya. Alam niyang hindi siya mapa
"What the hell is going on, Denver?" Galit na galit si Mr. Milendez habang kausap ito ni Denver sa telepono. Wala pa kasing isang araw ang lumilipas ay kalat na kalat na sa social media maging sa mga T.V. news ang tungkol kay Maica. Samu't saring espekulasyon ang umuugong ngayon sa mga fans at bashers ni Maica dahil sa larawan nilang nakuhanan sa lobby ng condominium na tinutuluyan nila. "I'm sorry, Mr. Milendez. I'll make sure will never happen again." Paulit-ulit niyang paghingi ng paumanhin dito. "Siguraduhin mo lang, Denver! Dahil wala akong ibang sisisihin kung hindi ikaw!" Madidiin na salitang binibitawan nito bago pinutol ang tawag nito. Doon lang tila nakahinga ng kaunti si Denver. Batid niyang hindi pa tapos ang problema niya lalo pa at kasalukuyang naka-confine si Maica sa ospital. May ilang reporters din sa labas ng ospital na naghihintay na makapanayam siya ukol sa kalagayan ni Maica. Sandali siyang lumingon kay Maica at lumapit dito. Simula kasi ng dalhin niya ito roo
Alam ni Maica na walang kasalanan ang bata sa kasalanan ni Julie at Denver sa kaniya. Pinilit niya na ihinahon ang sarili at hindi itinuloy ang balak na gawin kay Julie. "Let me explain, Maica." Kitang-kita ni Maica ang takot at guilt sa mga mata ni Denver ngunit hindi niya iyon pinansin bagkus at muli siyang lumabas ng kanilang silid upang kunin ang golf club na pag-aari ni Denver. Kaagad niya iyong iwinasiwas sa lahat ng makita niyang gamit nito at hindi niya iyon tinigilan hanggang sa nakikita niya itong buo at maayos. "Maica, please kumalma ka naman," pagmamakaawa ni Denver sa kaniya ngunit tila walang naririnig si Maica. Napalingon si Maica sa 40 inches nilang Smart T.V. at kaagad na hinampas ito. Alam niya sa sarili niyang kulang pa iyon upang mailabas niya ang lahat ng galit niya at sakit na nararamdaman. Wala na siyang pakialam kung may makarinig sa kanila dahil mas nag-uumapaw sa puso niya ang halu-halong emosyong nararamdaman. Napasulyap siya kay Denver at hindi niya na
Nagising si Maica sa sunud-sunod na ring ng cellphone niya. Sinulyapan niya ito na kasalukuyang nakapatong sa bedside table. Hindi niya pa man lubos na nakikita kung sino ang tumatawag ngunit batid niya na kung sino ito. Saglit siyang nag-isip bago siya nagpasyang damputin ito at sagutin."Maica, where are you? I have been looking for you all night! Pati si Julie nag-aalala na kakahanap sa 'yo." It was Denver. Hindi niya alam kung nag-aalala ba ito sa kaniya o sadyang ayaw lang nito na mawala siya sa paningin nito.Hindi niya alam kung anong mararamdaman nang mga oras na iyon. Hindi niya rin alam kung ano ba ang dapat na isagot dito pero isa lang ang sigurado siya, sa mata ng Diyos at ng batas, siya ang legal na asawa kaya hindi siya makapapayag na basta na lang kunin sa kaniya ang asawa niya."I'm at home," matipid niyang tugon."Sana man lang nagsabi ka bago ka umuwi ng Manila. I stayed up all night kakahanap sa 'yo. I've been calling you and your phone is out of reach. Akala ko kun
“Denver is cheating on you!”Pakiramdam ni Maica ay tila tumigil ang mundo niya mula sa narinig kay Third. Ngunit sa kabilang banda ay hindi pa rin siya lubos na naniniwala sa sinabi nito kaya mas pinili niyang tawanan na lang ito.“Is that really you, Third? Kailan ka pa natutong manira ng ibang tao?” tanong niya rito.“Maica, I am doing this for you. It’s for your own good,’ paliwanag nito.“For my own good? Talaga ba, Third?” Hindi niya akalaing darating sa puntong ang hindi magandang simula sa pagitan nina Third at ng kaniyang asawa ay aabot hanggang sa puntong iyon.“Maica, I am telling you the truth. Maniwala ka naman sana sa akin.” Tila nanlulumo naman ang itsura ni Third dahil parang kahit anong sabihin nito at hindi umaabot sa pang-unawa ni Maica.Napailing na lang si Maica at tinalikuran ito. Akmang ihahakbang niya na ang mga paa niya nang hawakan siya nito sa braso.“Maica, I am not lying. Kilala mo ako. Never akong nagsinungaling sa ‘yo, alam mo ‘yan sa sarili mo.”
Dahan-dahang bumalik si Maica sa pagkakaupo habang pinoproseso ang mga nakita niya sa ilalim ng lamesa. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman lalo pa at nasa public place silang apat.Nakita niya kasi ang paa ng kaniyang personal assistant at kaibigang si Julie na naglalakbay sa binti ni Third. Sa nasaksihang iyon ay hindi niya lubos maisip na makakaramdam siya ng bigat sa kaniyang dibdib. Idagdag pa na habang ginagawa ni Julie iyon ay katabi lang nito ang asawa niya. Hindi niya naiwasang makaramdam din ng takot na baka dumating sa puntong magkamabutihan ang kaibigan niya ay si Julie sa isa't isa."Hey! Maica, are you okay?" Doon lang tila nahimasmasan si Maica nang magsalita na si Third at kunin ang atensyon niya. Bakas sa itsura nito ang pag-aalala."Ah, yeah!" matipid na tugon niya kahit na naiinis siya dahil parang kung magtanong ito ay parang walang ginawang kakaiba si Julie sa mga binti nito."You sure?" paniniguro pa nito."Yes." Tumango siya ngunit hindi niya ki