Dahil sa sobrang traffic ay nagpasya sila Denver na dumiretso na lang sa Emerald Tower kung saan gaganapin ang reception ng kasal nina Jane at asawa nito.“Yes, yes. Papunta na kami.” Iyon lang ang nasabi ni Denver bago pinutol ang tawag.“Kung kailan naman nagmamadali tayo tsaka pa tayo na-traffic,” sabi naman ni Julie.“Mabuti na lang din at wala ng schedule si Maica after this kaya hindi tayo maghahabol ng oras.” Muling itinuon ni Denver ang atensyon sa kalsada habang pinagmamasdan ang kumukutitap na pulang ilaw sa likod ng mga sasakyan.***Mahigit isang oras din ang kanilang nasayang bago nakarating sa kanilang paroroonan. Bago bumaba ng sasakyan ay sinigurado ni Julie na maayos ang itsura ng kaibigan nang sa gayon ay maging presentable ito sa lahat ng naroroon.“Hi! Jane.” Kaagad na bumeso si Denver sa ballerina at kinamayan naman ang asawa nito matapos silang salubungin ng mga ito. “Congrats. Ginulat n’yo talaga kami sa wedding n’yo.”“Actually, matagal na rin talagang nak
"Maica, where have you been?" Nag-aalalang lumapit si Julie kay Maica nang makita ito sa bakanteng bench sa waiting area ng Emerald Tower? "Kanina ka pa namin hinahanap ni Denver. Alam mo bang alalang-alala siya sa 'yo?" "Sumama lang kasi ang pakiramdam ko, Julie," pagdadahilan niya, "pero I'm okay now." "Yong totoo?" Halata sa itsura ng kaniyang personal assistant ang pagdududa. "I have known you for so long, Maica. Hindi ka makakapagsinungaling sa akin." "Julie..." unti-unting gumaralgal ang boses ni Maica kasabay ng pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata. "I think, Denver is cheating on me." "What?" bulalas ni Julie. "Si Denver? Sigurado ka ba r'yan?" "Narinig ko kasi siya the other day. Palabas na sana ako ng kwarto no'n then I heard his voice outside the room. May kausap siya. I am not sure kung sino pero narinig kong sinabi niyang missed niya na ito. He even called the person babe and told that he loves her too." Hindi na napigilan ni Maica ang kaniyang mga luha at napasubsob
Halos tumagal din ng isang oras ang paghihintay ni Maica sa waiting area ng Emerald Tower bago dumating sa main entrance ang sasakyan nila. Sakto lang din ang dating ni Denver at Julie na animo'y pagod na pagod. "Thank, God, you're here." Kaagad na tumayo si Maica nang makita ang dalawa. "Buti na lang pinasundan mo ako kay Julie. Halos maligaw-ligaw na ako sa basement parking kakahanap kay Manong George." Habol hininga pa si Denver nang sabihin 'yon. "Kaya pala mukha ka ng naligo sa sarili mong pawis," pamumuna ni Maica. "Grabe, Maica, hindi naman kasi kami nainform na sobrang init pala roon sa parking. Halos maubusan na rin ako ng hangin katatakbo mahanap lang si Denver," paliwanag naman ni Julie. "Buti nagkita kayo?" Bakas sa mukha ni Julie ang pag-aalala habang naglalakad sila patungo sa sasakyan. "Oo, paakyat na ko no'n sa first floor nang makita ako ni Julie na tumatakbo." Kaagad na pinagbuksan ni Denver ng pintuan sina Maica at Julie at nagmamadali naman ang mga itong suma
“Maica, you have an appointment with Mr. Calvin this afternoon para sa contract signing,” paalala ni Julie sa kaniya. Huminga siya nang malalim habang pinagmamasdan ang kisame ng kanilang silid. “May problema ba?” tanong ni Julie sa kaniya nang mapansin ang pananamlay niya. “Pagod lang siguro. Ilang araw rin kasing fully booked ang schedule ko. Naghahanap lang siguro ang katawan ko ng pahinga,” sagot niya rito. “And about pala sa cheating issue ni Denver. I already confronted him, and you’re right. Mabuti na lang talaga at nagkaroon ako ng lakas ng loob na kausapin siya kagabi kaya kahit paano nalinawan na ako. Masyado lang talaga akong nag-conclude kaagad.” “I told you. Mas makabubuti talagang pinag-uusapan ang ano mang misunderstanding para magkaroon ng linaw ang mga bagay bagay,” sabi nito sa kaniya. “Pero about the appointment, tutuloy ka ba o gusto mo munang magpahinga ngayong araw?” “I’ll go. Alam mo naman gaano kaimportante sa akin ang oras. Ayokong masayang lang ‘yon nang
Tahimik lang si Maica na nakahiga sa loob ng kaniyang silid habang nakatingin sa kanilang puting kisame. Hindi mawala sa isip niya ang muling pagkukrus ng landas nilang dalawa ni Third lalo pa at bigla na lang itong nawala noon. Hindi niya akalaing napakalaki ng ipinagbago nito. Mula sa itsura hanggang sa ayos ng pananamit. Noon kasi ay masaya na itong magsuot lang ng tshirt na puti at butas na maong pants, ngayon ay pormal na pormal na ito sa suot nitong navy blue long sleeves polo at black slacks na tinambalan pa ng black shoes. Ang buhok naman nitong kung dati ay buhaghag lang ngayon ay nakabrush up haircut na. Ang nanatili lang dito ay ang pagiging moreno nito at ang malalim na dimple sa magkabilaang pisngi na bumagay naman sa matangos nitong ilong, katamtamang kapal ng kilay at tamang kapal ng labi. Meron itong deep set of brown eyes na tugma naman sa kaunting pilikmata nito. Hindi napigilan ni Maica ang mapangiti habang inaalala ang muli nilang pagkikita. Of all places kasi, doon
Matapos ang pictorial ni Maica para sa Bench Fashion Magazine ay nagmamadali siyang nagtungo sa building ng Mango Fashion Group para sa biglaang meeting. Maging siya ay nagulat dahil itinawag lang sa kaniya ni Julie ang tungkol dito. Hindi niya malaman kung ano ba ang dapat unahin lalo na at wala pa naman ito ngayon. Nagpaalam kasi ang kaibigan niya na uuwi sandali ng probinsya dahil sa may sakit nitong ina. Hindi naman siya nagdalawang isip pa na payagan ito lalo pa at pamilya nito ang dahilan ng pag-alis. Sinigurado rin naman nito na makakabalik bago maglunes. Iyon nga lang, kinakailangan niyang umalis na mag-isa para puntahan ang mga naka-schedule niyang appointment sa araw na iyon. Mabuti na lang nga at inayos na nito ang schedules niya, kung ano ang dapat iprioritize sa less prioritized kaya ang kinakailangan niya na lang gawin ay puntahan ito. Isa pa sa pinagpapasalamat niya ay may mga bodyguards siyang nariyan palagi sa cases na need niya ng security. “Hi! I am here for a sch
“Maica, are you okay?” nag-aalalang tanong ni Third.“I’m fine.” Akmang hahakbang sana si Maica nang makaramdam siya ng pangingirot sa kaniyang paanan. “Shit!”“You are not, okay. Dadalhin na kita sa hospital. Kailangan nating mapa-check ‘yan bago pa lumala,” sabi nito. Labag man sa loob ni Maica ay napilitan siyang kumapit dito upang makarating kaagad sila sasakyan nang sa gayon ay mas mabili nilang maaksyunan ang nangyari sa kaniya.Nang makarating sa waiting area ay kaagad na inutusan si Third na bantayan muna si Maica habang ito naman ay nagmamadaling lumabas ng building. Ilang sandali pa ay humahangos itong lumapit sa kanila at maingat na inalalayan siya palabas ng building. Kaagad namang binuksan ng staff ang pintuan ng sasakyan ni Third ngunit bago pa man makasampa si Maica ay mariin na siyang tumutol dito.“Wait! Manong George is waiting for me,” nag-aalalang sabi niya. Batid kasi niyang tiyak na mag-aalala si Manong George sa oras na hindi siya nito makita.“Don’t worry,
Sa tulong nina Third, Luke at Josh ay nagawan nila ng paraan na hindi makalabas sa media ang nangyari kay Maica lalo na at alam ni Josh na maaari itong makaapekto sa kanilang kumpanya knowing na nangyari ang aksidente right on their premises. “I’m very sorry, Maica,” paulit-ulit na pagsusumamo ni Josh sa kaniya. “Wala naman tayong magagawa. Nangyari na.” Parang batong nakatingin lang si Maica sa bintana habang nakaratay sa kaniyang hospital bed. Second day niya na sa loob ng ospital at hindi siya sanay na matagal na nakatengga at walang ginagawa. Batid niyang kailangan niya ng pahinga pero hindi niya naman hiniling na sobrang tagal. “Nakausap ko na rin pala ang manager mo and he said na babalik as soon as possible,” sabi ni Josh. Mas lalong nanikip ang dibdib ni Maica dahil sa pagdaramdam. Mula kasi ng umalis ito ay wala man lang itong paramdam. Sinubukan niya itong kontakin subalit cannot be reach palagi ang liny anito. Hindi niya tuloy maiwasang mag-overthink na baka nga
Hindi na nagawang makipagtalo pa ni Denver kay Maica dahil batid niyang siya naman talaga ang puno’t dulo ng lahat. Kung hindi dahil sa kapabayaan niya ay hindi mawawala ang nag-iisang nag-uugnay sa kanilang dalawa ni Maica.Mabibigat na hakbang ang ginagawa ni Denver habang palabas ng ospital. Hindi niya na alam kung ano pa ang gagawin niya para mapanatili ang babaeng hindi niya naisip na matutunan niyang mahalin. Sumakay siya sa kaniyang sasakyan habang punung-puno ng bigat sa kaniyang dibdib. Alam niyang sa pagkakataong iyon ay talo na siya. Kahit na ano pang gawin niya ay hinding-hindi na muling mapapasakanya si Maica. Tanggapin niya man sa kaniyang sarili o hindi, alam niyang sumusuko na siya. Iyon na lang ang tanging magagawa niya para matahimik na nang tuluyan ang buhay ni Maica.Napahinto siya sa tapat ng isang simbahan kung saan may isang babaeng suot ang isang trahe de boda na halos kalalabas lang ng simbahan kasama ang groom nito. Unti-unting bumalik ang alaala niya noong
Napahilamos na lang si Denver sa kaniyang mukha habang nakatayo naman si Third sa harap ng pintuan ng operating room.Bigla namang may lumabas na doktor mula sa loob kaya sabay pa silang lumapit dito.“Sino po ang asawa ng pasyente?” tanong nito. Mabilis naman silang sumagot na mas lalong kinagulo ng dalawa.“Ako po!” sabay nilang tugon. Nagkatinginan pa silang dalawa na animo’y walang balak na magpatalo sa kanilang dalawa.“Maica, is still my wife!” pinagkadiinan pa ni Denver ang bawat salita niya para ipamukha sa kausap na siya pa rin ang legal na asawa.“Cut the crap, Denver! Alam mo sa sarili mo na maghihiwalay na kayo at ayaw na sa ‘yo ni Maica!” Hindi naman na napigilan ni Third na supalpalin ang kausap niya. “Isa pa, it’s not the time para makipagkumpitensya ka pa. Maica is in danger kaya stop being childish!”Napakamot na lang ng ulo ang doktor sa pagkayamot habang nanahimik na lang si Denver sa sinabi ni Third. Batid niya kasing tama naman ito. Hindi iyon ang oras para
Kaagad na napalitan ng lungkot ang mga mata ni Third nang marinig mula kay Maica ang sagot nito sa proposal niya. Unti-unting naglaho ang pag-asa sa kaniya dahil sa naging tugon nito sa kaniya. Kinakabahan man ay pinili niya pa ring baguhin ang dapat sana’y planadong proposal dahil ayaw niyang tuluyang masira ang mood nito ngunit nang mga oras na iyon, tila mood niya ata ang biglang nasira.“I see,” tanging nasambit niya bago ngumiti nang pilit.Akmang tatayo na sana siya nang ilahad ni Maica ang kamay nito sa kaniya.“I just remove first my wedding ring. Ang pangit naman kasing tingnan kung may suot akong wedding ring and engagement ring from different person at the same time.” Malapad na ngumiti si Maica sa kaniya habang naghihintay sa reaksyon niya.Gulat na gulat naman si Third habang pinagmamasdan ito pati na rin ang kaliwang kamay nitong nasa kaniyang harapan. “Nangangalay na ‘ko.”Doon lang tila natauhan si Third sa mga nangyayari. Buong akala niya kasi ay tumatanggi na ta
Halos isang buwang ding nagpahinga si Third sa ospital bago tuluyang namalabas ng ospital. Kahit paano rin ay nabawasan ang pag-aalala kay Third para sa kaligtasan ni Maica dahil nakakulong na rin naman si Julie. Batid niya rin kasing hindi naman ito guguluhin ni Denver pero para makasiguro ay lihim niya pa rin itong pinasusundan sa mga bodyguards nito para mapanatili ang kaligtasan ni Maica.“Make sure to report to me every details even the smallest one,” sabi ni Third sa isa sa mga bodyguard ni Maica.“Gladly, Sir,” tugon nito bago ito naglakad paalis kasama ang iba pang mga bodyguards.Napasandal si Third sa swivel chair niya at saka ipinikit ang kaniyang mga mata. Kahit paano ay masasabi niyang unti-unti na talagang nagbubunga ang lahat ng paghihirap niya. Batid niyang sa oras na magkaroon na ng resulta ang annulment case nila Maica at Denver ay wala na siyang dapat na ipangamba at tuluyan nang magiging opisyal ang relasyon nila ni Maica.Nagpasya siyang tumayo mula sa kinauup
Gulat at takot ang kaagad na namayani sa puso ni Denver habang papalapit si Maica sa kinaroroonan niya. Mabilis siyang tumayo at inayos ang sarili upang maging presentable naman sa paningin ng asawa. “Maica…” malamlam ang kaniyang mga mata nang salubungin niya ito ngunit himbis na lumapit ito sa kaniya ay nilagpasan lamang siya nito at dumeretso sa lalakeng sumalubong ng suntok sa kaniya. “Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Maica sa lalake. “Maica?” Tila gulat na gulat naman ito nang mapagsino ang kaharap. Humawak pa ito sa tagiliran habang iniinda ang tamang natamo mula kay Denver. “You need to go to the hospital,” sabi ni Maica rito. Dahil sa nasaksihan ay mas lalong nainis si Denver dahil hindi man lang siya pinapansin ng asawa. Mabilis niyang hinaltak ang braso nito at hinawakan ng mariin. “Can’t you see that I am here?” sabi niya kay Maica. “Mas inalala mo pa talaga ang sira ulong ‘yan kaysa sa akin na asawa mo. Look what he did to me?” Tinuro niya pa ang putok n
Sandali pang nanatili si Maica sa loob ng opisina ni Mr. Milendez habang pinanunuod ang replay ng kaniyang live broadcast. Ginamit niya na rin ang pagkakataong iyon upang basahin ang mga kumento ng mga nakapanood at masaksihan ang sunud-sunod na tawag na natanggap nila Mr. Milendez tungkol sa live. Masasabi ni Maica na halos lahat ng kumento ay pabor sa kaniya habang galit na galit naman ang karamihan kay Denver. Batid ni Maica na mangyayari iyon ngunit mas pipiliin niya ang sariling katahimikan kaysa sa asawang nagtaksil sa kaniya.“Mr. Milendez, I think I should take my leave. May kailangan pa kasi akong asikasuhin,” sabi ni Maica.“Sige, Maica. Pag-usapan na lang natin sa susunod ang mga bagong schedules mo,” sagot naman ni Mr. Milendez.Paglabas na paglabas pa lang ng building ay naroon na ang ilan sa mga reporters na naghihintay sa kaniya upang siya ay makapanayam ngunit ayaw niya nang magbigay ng karagdagang detalye dahil pagod na rin siya ng araw na iyon ay minabuti niyang h
Habang nagpapagaling si Third sa ospital ay napagpasyahan ni Maica na makipagkita kay Denver. Batid niyang dapat noon niya pa ito ginawa para hindi na sana umabot sa puntong may nadadamay na at may nasasaktan ng iba.“Maica, here.” Kumaway pa si Denver kung saan siya nakaupo habang naghihintay kay Maica.Kaagad namang lumapit si Maica rito at naupo sa bakanteng upuan sa harap nito.“Pwede mo baa kong samahan? May gusto lang akong puntahan,” sabi ni Maica ngunit hindi naman batid ni Denver kung saan iyon pero pumayag pa rin ito.“Sure. Kahit saan Maica. I’ll do anything for you.”Nang marinig ni Maica iyon ay napangiti siya. Hindi niya naiwasang maalala ang masayang pagsasama nila noon na kasinungalingan lang pala simula’t sapul.Takang-taka si Denver nang mapagsino ang kaharap nila. Walang iba kung hindi si Mr. Milendez.“What are we doing here?” tanong ni Denver habang tinatantsa ang mga susunod na mangyayari.“Hindi ba ang sabi mo ay gagawin mo ang kahit na ano para sa akin?”
Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Third at natagpuan si Maica na humbing na natutulog habang nakahilig ang ulo sa gilid ng kamang hinihigaan niya. Hawak nito ang kaniyang kamay kaya hindi niya naiwasang haplusin iyon gamit ang kaniyang hinlalaki. Napangiti pa siya lalo nang tumama ang sikat ng araw sa mukha nito na mas nagpakinang sa taglay nitong ganda.Tila nasilaw naman si Maica kaya unti-unti siyang napamulat ng mata. Nakita niya si Third na nakatingin sa kaniya kaya napatayo siya kaagad mula sa pagkakaupo.“Wait! I’ll just call the doctor,” sabi niya. Hakbang maglalakad na siya paalis upang tawagin ang doktor nang hawakan nito ang kamay niya at pigilan siya.“Maica, just stay...” mahina at garalgal ang boses na sabi nito sa kaniya.Wala na siyang nagawa kung hindi bumalik sa pagkakaupo at doon kinausap ito."Do you need anything? Nagugutom ka ba? Just tell me whatever you need," sabi niya habang nag-aalala sa binata."You. I need you," sabi nito.Hindi napigilan ni Maica ang m
Napapahampas si Third sa kaniyang manibela habang tumatakbo ang kaniyang sasakyan. Hindi na mabilang kung ilang beses siyang napamura dahil sa sobrang inis niya. “Fuck! Fuck! Fuck!” Mabilis niyang pinihit ang kaniyang manibela pabalik dahil sa inis na nararamdaman sa sarili. Iyon ang unang pagkakataon na makita niya kung paano siya habulin ni Maica. Pilit itong nagkukumawala sa pagkakahawak ni Denver na tila ba hindi ito naging parte ng buhay ni Maica. Doon lang napagtanto ni Third ang mga pinagdaanan ni Maica noong panahong iniwan niya ito. Naging makasarili siya at hind man lang inisip ang mararamdaman ni Maica. *** “Maica...” bulong ni Denver habang pilit siyang inaalo. Napalingon na lang silang dalawa sa kung saan nang makarinig sila ng palakpak. Nanlalaki ang mga mata ni Denver nang mapagsino ang pinanggagalingan nito. “Julie!” sambit ni Denver. “How sweet naman, baby.” Huminto ito sa paglalakad sa harap nila at saka tinitigan nang matalim si Maica. “Parang nangyari na ‘t