“Will Great Grandpa like us, Mommy?” tanong ni Anjie habang sinusuklayan at inaayusan ni Ellaine ang kanyang buhok bilang huling paghahanda sa pag-alis nila. Pupunta kasi sila sa bahay ng Lolo ni Garreth upang personal na ipakilala sa Lolo nito ang kanilang mga anak.
“Of course! Who wouldn’t like a cutie like you?” walang alinlangang sagot ni Ellaine. Masusi niyang tinitigan kung maayos na at pantay ang dalawang pigtail buns na nakatali gamit ang dalawang pulang lace ribbon na siyang ini-style niya sa buhok ni Anjie. “At saka hindi ba’t sinabi na ng Dad mo na ang Great Grandpa niyo mismo ang nagsabing gusto niya kayong makilala na tatlo? I’m sure he’ll like, and love, all three of you.”
“But how about our Grandma? Will she like us? When we saw her in the party, she looked angry. She did not smile
Ang ancestral mansion ng pamilya nina Garreth ay sadang kamangha-mangha. Ang arkitektura nitong old Filipino-Spanish na grandiyoso at may malinaw na impluwensiya ng Art Deco sa disenyo ng brick roof at asimetrikong ayos ng dalawang patulis nitong taluktok, mga spires, na siyang nagbibigay halintulad dito sa isang kastilyo, lalo na sa parte ng balkonahe sa ikalawang palapag kung saan kahit ang balustre at barandilya ay kapwa may intricate na disenyo na siyang nagpapahiwatig sa karangyaan ng arkitektura.Matatanaw mula sa balkonaheng iyon ang malawak na bakuran at hardin pati na rin ang mahabang sementadong daanan ng kotse at ano pang sasakyang patungo sa mataas na bakal na gate.Sa una at ngayon nga ay pangalawang buhay ni Ellaine, ang mga bahay na tinuluyan niya ay mga apartment na kabilang sa concrete jungle ng maingay na lungsod. Sa mga public park at o
Si Berenice Randall, ang ina ni Garreth at ang lola ng kanilang mga anak ay sinaluhan sila sa brunch meal halos kalahating oras na ang lumipas pagkatapos ang pagdating nina Garreth. Hindi sigurado si Ellaine pero tila bagong gising lamang ito sa tingin niya, kahit na nakaayos na ang makeup at buhok nito.Natigilan pa si Ellaine nang makita itong pababa ng hagdanan galing second floor. Nablangko siya kung ano ang gagawing pagbati rito, lalo na kung ano ang itatawag niya rito sa klase ng relasyong mayroon sila. First time niya kasing magkaroon ng asawa at nagkataong damang-dama niya na hindi boto sa kanya ang ina ng napangasawa. Mabuti na lamang at naroroon din si Garreth at ang lolo niya na syang pumuna sa pagdating nito.“Kanina pa dumating ang pamilya ng anak mo pero ngayon ka pa lang nagpakita.” Halatang hindi gusto ng lolo ni Garreth ang in
“I have not accepted her yet, as a daughter-in-law, Garreth.” mariing ulit ng ina ni Garreth.“I don’t expect you to.” tahimik na sagot ni Garreth, bagay na siyang nagpatigagal sa tatlo pang naroon.Naiintindihan ni Ellaine ang nais na ipabatid ni Gareth sa mga salita niyang iyon dahil sa nahapyawan niya rin ng basa ang tungkol sa relasyon ng mag-ina. Theirs is not a relation wherein the child has any need for the parent’s approval nor disapproval in their actions. Batid rin iyon pareho ni Berenice at ng ama nito. But the fact that Garreth said it out loud was like a knife straight to her chest.Namutla si Berenice.“It’s a done deal. Pirmado na ang lahat. I won’t accept any other wife, other than Ellaine.
“By marrying me, he gained something that he wants to have so badly– a complete family, which is also something very important to Garreth.”Umismid si Berenice. Hindi siya naniniwala sa kanyang mga naririnig. This woman– Ellaine– acts as if she knows what’s running through Garreth’s mind, something that’s always been a mystery to a lot of people, including her. Kahit na siya na kapamilya nito ay madalas na hindi maintindihan ang mga rason sa likod ng mga kilos nito. Ang lakas ng loob nitong umarte na parang kilalang-kilala na nito sa Garreth.Pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngayon lamang niya na pansin ang ayos nito na medyo may karangyaan at mas bagay sa mga kasiyahan at semi-formal na mga kasiyahan, subalit medyo hindi angkop sa isang pribadong salu-salo.
“Hindi ko akalaing sobrang nakakapagod palang maging asawa mo.” reklamo ni Ellaine habang walang poise na nakahilata sa sofa ng living room ng mansyon na tirahan nila.Kauuwi lamang nila galing sa lolo ni Garreth. Sa sofa na agad dumiretso si Ellaine pagkauwi pa lang nila. Considering na mahigit isang lingo pa lang silang nakakauwi sa Pilipinas pero ilang party na yata ang dinaluhan niya bilang siyang plus one ni Garreth, isa rin kasi iyon sa mga napagkasunduan nilang siyang magiging tungkulin niya bilang siyang kabiyak nito.Parang halos araw-araw yata silang may pinauunlakang imbitasyon mula sa mga kakilala ni Garreth sa negosyo, mga kaibigan, at mga madalas na makasalamuha sa kanilang linya ng trabaho. Ilang beses naman nang sinabi ni Garreth na ayos lang kahit hindi siya sumama pero itinuturing na trabaho ni Ellaine ang mga iyon dahi
“My father… he is not a good father, nor a good man. But it’s my younger half-brother you need to look out for. Hangga’t maaari, don’t go anywhere near him. Although I promised that I’d do anything to protect you and the kids, Matteo is prone to doing unpredictable things from time to time, and will resort to means beyond mine, even for petty reasons, sometimes just to one-up me or just to give me a hard time.” dagdag ni Garreth sa klase ng relasyong mayroon sila ng kapatid sa ama.Wala sanang balak si Garreth na sabihin ang mga iyon kay Ellaine subalit dahil sa kahit papaano ay nakikilala na niya ang klase ng personality nito, mas minabuti niyang ipaliwanag dito ang tungkol sa kanyang pamilya. He doesn’t want her to be caught unawares. She’s actually very smart… but really lazy and prefers having fun to working hard. Si Ellaine angunang taong n
Garreth didn’t mean the wry smile that quirked the side of his lips. He didn’t know where it came from or what’s the reason behind it. Pinagmasdan niya si Ellaine. Wala siyang nakikitang kuryosidad sa mga mata nito. It seems like she wasn’t really interested to find out about that part of his past.Natigilan si Garreth nang mapagrtantong frustration ang nararamdaman niya. Frustration because of what? Because of the fact that Ellaine was not the least bit curious about him.Natigilan na naman siya. Bakit gusto niyang magkaroon ito ng kuryosidad sa kanya? Hindi ba’t mas pabor nga sa kanya ang kasalukuyan nilang sitwasyon kung saan ay kapwa lamang nilang nirerespeto ang isa’t isa base na rin sa kanialng napagkasunduan at pinirmahang kontrata? At least, sa kasalukuyan nilang set up, malinaw ang lahat sa pagitan nila.
“Your stepmother’s brother has probably had three victims, all barely legal.”Labis na nanghina si Ellaine sa narinig at mga nalaman. You hear about people like those– those who prey on the innocent– but it’s an entirely horrific thing to know that person firsthand, even would have fallen victim to them had her circumstances been much direr.Hindi niya maalala ang mga detalyeng iyon nang binasa niya ang nobela ng TPW. Siguro ay hindi na iyon binanggit pa ng author dahil sa hindi naman importanteng mga tauhan ang involved. Malaki ang naging impact niyon sa kanya dahil bukod sa muntik nang mapagsamantalahan ang dating may-ari ng kanyang katawan, ang detalyeng iyon na hindi nakasama sa mismong nobela ay nagpapahiwatig sa kanya ng kawalang kasiguraduhan ng mga bagay na akala niya ay dati na niyang alam patungkol sa plot