“Nandito ka na naman?”
Abot-tenga ang ngiting sumilay sa mga labi ni Aubrey nang iyon ang ibungad sa kanya ni Anjie pagpasok pa lamang niya sa apartment ng mga ito. The little girl is still in her pajamas, as her brothers are, as they sat in front of the television watching some kid’s cartoon. Pare-pareho silang may hawak na mga bowl ng cereal and milk habang nakaupo sila sa carpetted na sahig. May tatlong baso ng half-full na mga juice sa ibabaw ng coffee table.
Nakita niyang napasilip ang ina ng mga ito mula sa kusina upang tingnan kung sino ang pinagbuksan ni Anjie ng pinto.
“You again?” kunot-noong bati ni Ellaine.
“Ah~ I can feel the warm welcome~” biro niya rito.
Pakiramdam ni Ellaine ay may inililihim sa kanya si Aubrey subalit hindi niya mapagtanto kung ano iyon. Sigurado siya na ang itinatago nito ay may kinalaman sa kanya at sa tatlong bata. Nais sana niyang paaminin ito ngunit hindi siya sigurado kung sa paanong paraan. Hindi pa sapat ang tagal ng paagkakakilala nila sa isa’t isa para pagkatiwalaan siya nito at magbahagi ng impormasyon sa kanya.Pero malakas talaga ang pakiramdam niya na importanteng malaman niya iyon, kaya pagkatapos ng lakad nila ay susubukan niyang paaminin ito kahit papaano.Dumiretso sila sa isang mall na ilang minuto lamang ang layo sa apartment nila. Maswete silang nakakuha agad ng bakanteng parking lot dahil sa maaga-aga silang dumating. Tinulungan siya ni Aubrey na tanggalin sa kani-kanilang mga booster seat ang mga bata. Nakasuot ang tatlo ng pare-parehong disenyo ng sailor un
Wala sa sarili si Ellaine habang naglalakad sa aisle kung nasaan ang mga dairy products. Mabigat ang kanyang pakiramdam at mas nadadagdagan pa iyon sa bawat sandali na naroroon sila. Hindi siya mapakali sa hindi malamang dahilan. Tila may nagbabadya sa kanya na may mangyayaring hindi maganda. Hindi niya maipaliwanag kung saan nagmumula ang pakiramdam na iyon.“Mommy, that’s not our milk,” sabi sa kanya ni Anjie nang makita nitong damputin niya ang isang brand ng carton milk na hindi pamilyar dito.Natauhan si Ellaine at pilit na iwinaksi ang ganoong pakiramdam. “You’re right, baby.” Ibinalik niya ang hawak na karton ng gatas sa pinagkuhanan niya rito.“Are you tired, Mommy? I’ll help you! Stay here, okay?”
Nagpumiglas si Ellaine, nagbabakasakaling makakuha pa siya ng tiyempong makatakas pa, subalit madali pa rin siyang nahuli ng dalawa. Gusto sana niyang makipagmatigasan pa sa mga ito subalit naalala niyang maaaring mga tauhan ang dalawa ni Matteo. Malulupit ang mga ito at walang awa kahit na bata, matanda, o babaeng walang kalaban-laban ang kanilang biktima, kaya nang mapagtanto niyang wala siyang kawala ay hinayaan na niya ang mga ito na mahuli siya. At least nakalayo na si Anjie. Mabilis ang kanilang mga galaw nang hilahin siya ng mga ito sa loob ng isang pinto na ang dapat ay mga empleyado lang doon ang tanging may access. Nang mapagtanto ni Ellaine na may balak ang mga ito na dalhin siya sa ibang lugar ay nakaramdam siya ng matinding kaba at pagkabahala kaya nagsimula na naman siyang magpumiglas. Sisigaw rin sana siya para humingi ng tulong o kaya naman ay makapukaw ng atensyon ng iba pang mamimili sub
“Who sent you? How much was he willing to pay, I’ll double it.”“Guys… Maybe we can talk this out between us?”“Saan niyo ba ako dadalhin? Malayo pa ba tayo? Matagal pa?”Sa buong biyahe ay tikom lamang ang mga bibig ng mga lalaking bumihag sa kanya. Kahit na anong tanong ni Ellaine sa mga ito ay parang hangin lamang siya dahil harap-harapan siyang iniignora ng mga ito. Pakiramdam niya ay may hidden signs na ginagamit ang mga ito upang mag-usap-usap dahil nagkakaintindihan sila kahit na walang palitan ng salita sa pagitan nila.Mukhang kampante rin ang mga ito na wala siyang magiging kawala dahil hindi na sila nag-abala pang itali ang kanyang mga kamay at paa. Hindi rin tinakpan ng mga ito ang kanilang mga mukha, at tila b
Mahipit ang pagkakapit ni Garreth sa armrest ng kinauupuan niya sa private plane na lulan siya patungong Amerika. Hindi na nawala ang tensyong kanyang nararamdaman simula nang malantad sa kanya ang tungkol sa mga anak niya. Hindi niya maintindihan kung ano talaga ang tunay niyang nararamdaman, kahit na ilang oras na ang lumipas simula nang mabatid niya iyon.Ano nga ba ang emosyong namamayani sa kanya?Maliban sa tensyon na dala ng isang hindi inaasahang pangyayari, inaamin niyang mayroon din siyang kasabikang nadarama. He has kids. An unexpected surprise, completely unaligned to the life plan he had set for himself, that may possibly disrupt his whole way of life.Hindi lang siya ang iniisip sa magiging epekto ng pagkakaroon niya ng anak sa kasalukuyang buhay niya.
Kumplikado ang nararamdaman ni Ellaine nang ikulong siya ng mga tauhan ni Matteo sa isang silid na halatang matagal nang walang gumagamit dahil sa kalat at alikabok doon. Hindi nila itinali ang kanyang mga kamay at paa at ni-lock lamang ang pinto ng kuwartong iyon upang hindi siya makatakas. Isang hanging light, kama at kutson na halatang matagal nang iniwanan doon, nakatumbang silya, malaking aparador na nakasarado ang isang pinto– iyon lamang ang mga kasangkapang naroroon, hindi kasama ang mga sira-sira na nagkalat sa paligid.“Psychological Torture ba ito?” tanong niya sa sarili. Medyo may pagka-horror movie setting kasi ang dating ng silid na iyon kung saan siya nakakulong kaya medyo kinakabahan siya. Ang mga sira-sirang gamit, ang malamlam na liwanag sa nag-iisang bombilya, ang mga sapot ng gagamba sa suluk-sulok, ang mga anino sa parteng hindi naaabotng liwanag ng ilaw– parang
Tumakbo si Ellaine nang tumakbo, hindi alintana ang mga sangang kanyang natatamaan at humahampas sa kanyang mukha at iba pang parte ng katawan. Sleeveless kasi ang kanyang suot na casual dress kung kaya’t hindi iyon sapat na proteksyon sa lugar na iyon. Ilang minuto lang sa kakahuyang iyon ay puno na siya ng galos. Kahit na nadadapa siya at natitisod sa mga nagkalat na bato sa lubak-lubak na daan. Tanging ang hagibis ng hangin at ang tambol ng kanyang puso ang naririnig ng kanyang tainga.Wala siyang ideya kung saan siya papunta. Ang tanging namamayani sa isip niya ay ang matakasan ang mga dumukot sa kanya.Saka lamang siya natigil sa pagtakbo nang madulas siya sa mga basa at nabubulok na dahon na nakakalat sa lupa. May matarik na bangin pala roon na hindi niya napansin dahil sa mga masukal na palumpon
"Ikaw?" medyo paos ang tinig na iyon na lumabas sa mga labi ni Ellaine.Alam naman niya na muli silang magkikita ng Villain. Ibayong paghahanda sa sarili ang ginawa niya subalit sino bang mag-aakala na sa ganoong klaseng sitwasyon sila magtatagpong muli-- ito na ang limang taong lumipas ay lalo lamang nagdagdag sa aura at kagwapuhan nito, at siya na hindi man bugbog-sarado ay pakiramdam niya ay hindi naman siya gaanong nalalayo roon.Ine-expect pa naman ni Ellaine na presentable at fierce and powerful version niya ang ihaharap dito at hindi ang kasalukuyang kawawa niyang anyo. Mukha tuloy siyang walang kalaban-laban dito.Well, iyon naman talaga ang katotohanan, pero for the sake of her pride, gusto naman niyang magmukhang may ibubuga.