Share

Runaway with the Billionaire’s son
Runaway with the Billionaire’s son
Author: rchel

Chapter 1

"Is it your parents again?" Kaylee is drinking with her friends in a bar. Hindi naman madaling malasing si Kaylee, at umiinom lang siya kapag sobrang stress na siya sa bahay nila.

"Ano pa nga ba, lagi naman akong stress kapag sila." tugon n'ya pa sa kaibigan n'ya.

Narinig n'yang nagbuntong hininga sila Ava, Amelia at Celeste sakanya.

"Why don't you move out anyway?" takang tanong ni Celeste sakanya.

"If i could, i would have. Alam n'yo naman sila Mommy, they refuse to let me go. Hindi ko nga alam kung bakit eh, hindi naman nila ako pinapansin sa bahay. All they do is work, mag sugal sa Casino and then go home to fight kasi natalo sila. I'm an air to them who they refuse to let go, ni ayaw nga nila akong pagtrabahuin. Remember, i applied to be a secretary to this one of the most big company in the country at dalawang araw palang ako sa trabaho pinasisante na nila ako. Wala akong nagawa, may koneksyon sila." nagbuntong hininga pang ulit ang mga kaibigan n'ya saka sabay-sabay na tinungga ang alak sa baso nila.

Natawa si Kaylee sa mga kaibigan n'ya. "ba't parang kayo pa ang mas stress kesa sa'kin diyan?" natatawa n'ya paring tanong dito.

"Nakaka stress naman kasi 'yang buhay mo. Wala kang freedom, maski nga makipag party sa'min kailangan naka schedule pa." sabat ni Ava.

"Hayaan n'yo, baka next week baka tapos na itong madness na ito. For 25 years of my life, they've been controlling every single things that i do. Adult na ako ngayon but they still feel the need to control me, doesn't want me to work and go out alot." nagbuntong hininga si Kaylee. "And the worst part is, I'm not allowed to move out and start my own life. Simula bata ako, napapansin ko na kung paano nag hire sila mommy ng taong magdidisiplina sa'kin. Para bang hinahanda nila ako for something na hindi ko alam, pati sa pagkain dapat disiplinado..." patuloy n'ya pa dito.

"oh my gosh!!!" gulat silang napatingin kay Amelia nang bigla itong parang napasigaw at gulat na gulat ang mukha.

"What?" concern na tanong no Ava.

"What happened to you?" tanong din naman ni Celeste habang si Kaylee ay nagulat lang na naghihintay sa sasabihin ni Amelia.

"I just thought, tama ka nga Kaylee. Your parents really want to descipline you so much that they hire pa talaga ng gagawa nun. Naisip ko lang, what if your a royal princess na ninakaw nila from London tapos dinala dito aa Pilipinas. Tapos kapag nag 26 kana pala which is next week, doon kana nila ibabalik sa royal parents mo tapos hihingi sila ng ransom money?"

Hindi sila nagsalita at napatitig lang kay Amelia dahil sa sinabi nito.

"What an preposterous idea." biglang sabi ni Celeste at sabay silang tatlong nagtawanan kapagkuwan.

Amelia just snorted because of their laughter. "Sa dami ng pwede mong maisip, yan talaga ang naisip mo?" natatawa parin si Ava kay Amelia.

"And do i even look like British to you?" nakahawak si Kaylee sa tiyan n'ya habang tinatanong iyon.

"You do." natigil sa pagtawa si Kaylee at saka nagkunot ang noo niya.

"i do?" tanong pa ni Kaylee sa mga kaibigan n'ya at tumitig naman sila sakanya.

"You know what? y'all are drunk..." sabat ni Celeste. "Anyway, 12 a.m is fast approaching. Let's drink more and then dance more kasi kukunin na itong si Kaylee ng driver nila pagpatak ng alas dose." Celeste continue at sinang-ayonan naman iyon ng lahat at nagpatuloy na sila sa pag party nila.

They drink more and dance more. The good thing about them is that, hindi sila madaling malasing. Kaya nag-eenjoy nila ang mga sarili ng husto.

Hour had passed, si Kaylee ay sinunda na nga driver nila at papauwi na. Habang nasa byahe, hindi mapigilang mapaisip si Kaylee kung kailan n'ya mararanasan yung kalayaan na matagal n'ya nang inaasam-asam. Kung bakit ganon nalang kahigpit ang mga magulang n'ya gayong hindi naman siya pinagtutuunan ng pansin ng mga ito. Hindi matukoy ni Kaylee kung saan patutungo ang buhay n'ya sa pagkakataong iyon.

Nang makarating na siya sa bahay nila, Kaylee assumed na baka tulog na ang mga magulang n'ya pero nang madaanan n'ya ang study room ng parents n'ya, narinig n'ya ang malalakas na boses ng mga ito na nagtatalo.

Nilagpasan lang ito ni Kaylee, alam naman n'yang natalo na naman ang mga ito sa sugal kaya nag-aaway na naman. Dumeretso na si Kaylee sa kwarto n'ya at humiga na doon.

"Sana maging malaya na ako dito sa kulungang ito. Ang lungkot dito." aniya pa sa sarili na nakatitig sa kisame ng kwarto n'ya.

Hindi nagtagal ay nakatulog narin si Kaylee. Morning came and she wakes up with no parents in the house, they're off to work and she's left with all the maids. Nasanay na si Kaylee, mula bata siya tanging ang mga nannies n'ya lang ang andoon. She grow with strict discipline but also had so much fun with her nannies and friends.

Celeste, Kaylee, Ava, Amelia and Grace. Grace is in the US at the moment to pursue medicine while the four of them are in the Philippines still. Kaylee found the love her parents lacks through her nannies and friends. They grow uo together.

"Ma'am Kaylee, ano po ang breakfast na gusto n'yo po?" tanong pa ng isang kasambahay nila sakanya.

Ngumiti si Kaylee dito. "Anything po, I'm not craving for something naman. Kung ano man po yung niluto n'yo kanina para kila mommy and daddy, yun nalang din po." tugon n'ya pa dito at tumango naman ito sakanya.

Kaylee is a picky eater at times, kapag hindi n'ya ang pagkain hindi talaga siya kumakain kaya sinabi nalang n'ya sa mga taga luto nila na tanungin nalang siya kung ano ang gusto n'yang kainin para hindi sayang sa pagkain at effort ng mga ito na lutuan siya ng pagkaing hindi naman n'ya kakainin.

Ilang minuto ang lumipas, nakahanda na ang breakfast n'ya at tahimik siyang kumakain habang patuloy na nagbubuntong hininga. Hindi naman malungkot si Kaylee na mag-isa siyang kumakain, nasanay na siya, malungkot lang siya dahil kahit sa edad bente-singko, hindi n'ya parin kayang ipagtanggol sarili n'ya mula sa pagiging controlling ng mga magulang n'ya.

Napaigtad si Kaylee nang biglang tumunog ang cellphone n'ya. "Hello?" iritado n'yang sagot sa tumatawag without looking kung sino ito.

"Why do you sound so irritated?" It is Celeste at sa tono ng salita nito alam ni Kaylee na medyo natatawa ito sakanya.

"Nagulat ako sa tunog ng cellphone eh, bakit ba." aniya pa at doon n'ya na narinig ang tawa talaga nito sa kabilang linya.

"so grumpy early in the morning. Anyway, pupunta kaming mall mamaya ni Ava at Amelia, wanna come with us?" tanong pa ni Celeste. Alam nitong bawal siyang lumabas but Kaylee felt the needs to rebel from her parents so she smiled happily kahit pa nga hindi nito nakikita ang gigil n'ya.

"I'm in!" she excitedly said and Celeste giggle on the other line.

"Alright, sunduin ka namin mamaya." anito pa at binaba na ang tawag.

Humarap si Kaylee sa mga kasambahay na nasa paligid n'ya at binabantayan siyang kumakain.

"i will not be home for lunch, don't bother cooking for me." aniya pa at aakyat na sana siya nang pinigilan siya ng isang katulong.

"Pero ma'am, bawal ka pong lumabas." anito pa at tumigil si Kaylee sa paglalakad sabay lingon dito.

"What is life without little rebel?" she smirked and continue walking upstairs.

Walang patutunguhan ang buhay ni Kaylee kung patuloy siyang magiging aso ng mg magulang n'ya na palaging sumusunod ang mga utos nito. It's time to do different.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status