THIRD PERSON'S POVIlang minutong natulala si Green sa pag-iisip sa mga sinabi sa kaniya ni O'brien, ngunit hindi siya makapag-isip nang maayos dahil naguguluhan siya. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya o ano ang magagawa niya kapag sakaling totoo ang nalaman ni O'brien tungkol kay Leaves o kung tunay nga bang si Leaves iyon.Naisip niya na wala namang mangyayari kapag makikinig at paniniwalaaan niya ang mga sinabi sa kaniya ni O'brien kasi at the end of the day, malalaman niya rin ang totoo lalo pa't sila ang palaging magkasama. Mas mainam nang nag-iingat kaysa sa magmukhang siyang tanga na pinaglalaruan na siya nang wala siyang kaalam-alam. Marami ring mga katanungan ang patuloy na dumadaloy sa kaniyang isipan, gaya na lamang ng; kung sakaling totoo ang nalaman ni O'brien, nas'an ang totoong Leaves? Ano ang ginawa nila sa kaniya? At marami pang iba, na isa sa dahilan kung bakit hindi siya makapagpokus sa pag-iisip at ano ang gagawin niya.Hanggang sa mapapitlag siya sa
GREEN’S POV “What is happening here? Ano ang kaguluhang nangyayari dito? Ano iyong mga pagsabog na narinig ko?" A sound of familiar voice echoed at the surrounding. Agad akong napatingin sa kung saan nanggagaling ang tinig na iyon. I wasn't mistaken, it was his voice. It was God Rain of Thunder, my uncle. Gumilid ang lahat upang bigyan siya ng daan patungo sa akin. At hindi ako nagkakamali, it was really him — God Rain. Lumapit siya sa akin na naguguluhan sa nangyayari. “You are here. What's happening? Bakit may mga sugat ka? Are you alright?” he asked in confusion, and checked my wounds. “Where's Leaves?” he added. It seemed like he already realized what was happening here. Napayuko ako dala ng pagkabigo. Masakit at mahapdi ang aking mga sugat pero mas masakit isipin na hindi ang tunat na Leaves ang nakasama namin sa palasyo. Isa siyang huwad! Ginagamit niya ang katawan ng aking kapatid para lang magawa nila akong kunin. “H-hindi siya si L-Leaves . . . ” Hindi ko na napigilan p
THIRD PERSON’S POVNasa kalagitnaan nang paghahanap sina Queen Affinity at Yazenth sa Nature Gem na hinihinalaan nilang matatagpuan sa kagubatan sa Emerald. Wala silang alam kung saam eksakto itong makikita ngunit nagbabakasakali sila na mahanap iyon d'on. May ilang mga kawal ng Emerald silang kasama sa paghahanap nito. Ilang araw na rin kasi silang naglalakad sa gitna ng kagubatan. Malapit na rin nilang malibot ang lahat ng gubat na nasa Emerald, ngunit hindi pa rin nila matagpuan ang kanilang hinahanap. At naiintindihan naman nila kung bakit dahil alam nilang mailap talaga ang mga Infinity Gems dahil nagtataglay ang mga ito ng pambihirang mga kapangyarihan. Hindi ito basta-basta makukuha at mahahanap ng kahit na sino kaya kailangan talaga ng mahabang pasensya, lakas, at determinasyon. At iyon ang pinaghuhugutan nila Yazenth at Queen Affinity. Ang ginagawa nilang ito ay para sa ikabubbuti ng lahat at kaligtasan ng lahat. Hanggang hindi nila ito natatagpuan ay hindi sila babalik ng U
GREEN'S POVMatapos ang ilang oras na pamamalagi ni O'brien dito sa isang silid sa Headmaster's building upang samahan ako ay umalis na rin siya kalauna dahil may mahalaga raw itong gagawin saglit. At kanina ko pa iyon hinihintay o hinihiling na gawin niya dahil hindi ko na kayang pigilan pa ang sakit na nararamdaman ko.Kanina ko pa gustong maiyak at magwala dahil sa namimilipit na sakit ng aking ulo, maging ang aking tiyan. Nasusuka ako ngunit pilit ko itong pinipigilan dahil ayaw kong makita ni O'brien o kahit sinuman na makitang nahihirapan ako sa epekto ng kung anumang uri ng lason na pumasok sa katawan ko. Ayaw kong maging pabigat o kaawaan ng iba. Sa akin umaasa ang lahat at ayaw ko silang biguin. Ayaw kong mawalan sila ng pag-asa dahil ako ang pag-asa ng lahat.Nararamdaman ko na kasi ang epekto ng lason na kagagawan ng huwad na Leaves, at hindi ko inaasahan na ganito ang magiging epekto nito sa akin. Para akong pinupukpok at tinutusok nang malakas at paulit-ulit sa ulo sa sob
THIRD PERSON'S POVAgad na pumasok sina Yazenth at Goddess Heldy sa invisible portal sa isang malaking puno. Ito lang ang tanging daan papasok at pabalik sa Utopia or kahit saang dimensyon sa Therra Universe na iniisip nilang puntahan. Upang dalhin ka ng portal na iyon sa gusto mong puntahan ay kailangan mo lang isipin ang lugar. Ilang sandali lang din ay lumitaw sila sa hindi kalayuan sa gate ng Royal Academy. Puno sila ng pagtataka kung bakit parang may tumulak sa kanila upang hindi makapasok sa loob nito.“Maaaring may ibang proteksyon na naman silang inilagay . . . ” pakiwari ni Yazenth. Nang bigla silang matahimik pareho nang may maramdaman silang kakaiba sa paligid.Hindi nila maiwasan ang mangilabot sa nararamdaman. Nag-uumapaw ang itim na kapangyarihan sa paligid. Pakiramdam din nila ay parang may nakamasid sa kanila. Hindi lang isa kun'di hindi na nila ito mabilang pa.“Alam kong nararamdaman mo ang nararamdaman ko, Yazenth . . . ” saad ni Goddess Heldy at saka sinukyapan si
THIRD PERSON'S POVKasalukuyan nasa bulwagan ng akademya sina Alpha Goddess Hely, Goddess Heldy, God Rain, Yazenth, O’brien, at ilan pang may mga tungkulin sa Utopia o sa ibang dimensyon.Nagpupulong sila sa kung ano ang susunod nilang hakbang habang hinihintay ang kanilang ibang mga kasamahan na nasa kani-kanilang misyon.Ilang sandali na lang din ay maglalakbay na ulit ni Goddess Heldy pabalik sa Neverland upang balikan sina Celeste, Catterfeld, at Scarlet. Nangako siya sa kanila na babalik siya pagkatapos ng mahalaga niyang gagawin dito sa akademya. Ngunit alam niyang mahihirapan na siyang lumabas at bumalik pa. Kaya nag-iisip sila ng plano. Bukod pa riyan ay nakatakda ring maglakbay si Yazenth papunta sa Haphazard upang hanapin at subukang kunin ang sinasabi ni Goddess Heldy na kakaiba at nag-iisang halaman na may kakayahan upang ibalik ang malay ni Green na ngayon ay hindi pa rin nagigising.“Nagkalat na ang mga kalaban sa iba't ibang dimensyon. Maging ang sansinukob ng Helia ay
GREEN'S POV Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong sinubukan na gamitin ang aking kapangyarihan, ngunit palagi akong nabibigo. Ginawa ko na lahat ang kaya kong gawin, pero walang nangyari. At hindi ko alam kung bakit nangyayari ito. Para akong kaluluwa sa isang walang hanggang kadiliman. Naaalala ko pa ang mga pangyayari bago ako nagising nang wala nang nakikita kun'di kadiliman. With what was happening to me, na-realize ko ang buhay ng mga bulag. Ganito pala ang pakiramdaman kapag nasa lugar ka nila. Hindi mo alam kung anong gagawin mo. You didn't know what or how the world looked like. It was so miserable. Parang mas nanaisin mo na lang na mamatay kaysa danasin ang hirap ng buhay ng isang walang alam sa mundong ginagalawan. Hindi ko alam kung paano ako napunta rito. Basta paggising ko na lang ay wala na akong makita pa. Since I woke up, wala na akong ginawa pa kun'di ang sumigaw nang sumigaw. I was asking for help. I was also hoping that someone was with me here, but I didn't
THIRD PERSON'S POV“Alam mong simula pa lamang, ang iyong pag-iral ay kapalit nito ang walang wakas na kaguluhan. Ang hatid mo ay kaguluhan sa lahat, kaya kahit saan ka magpunta, susundan ka nito. Hindi ka para sa kaayusan, Green. Ito ang tadhana na nakaukit sa iyo, na taliwas sa iyong kaalaman — sa kaalaman ng lahat, at ito ay hindi mo na mababago pa,” saad ni Alpha God Infinite.Natahimik bigla si Green. She couldn't disagree with what Alpha God said because right from the very start, she knew about it. She was aware, the only thing that kept her moving forward despite the truth, she wanted to prove to herself or to everyone that destiny was wrong. That she, herself, was the only one who could write her destiny. “At dito sa aking paraiso, walang sinuman ang madadamay sa iyong kasumpa-sumpang pag-iral. Magagawa mo lahat ng iyong gusto nang walang masasaktang iba. Hindi tulad sa Therra Universe na palagi kang nangangamba sa kung ano ang susunod na mangyayari dahil hindi matatapos ang