GREEN'S POV Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong sinubukan na gamitin ang aking kapangyarihan, ngunit palagi akong nabibigo. Ginawa ko na lahat ang kaya kong gawin, pero walang nangyari. At hindi ko alam kung bakit nangyayari ito. Para akong kaluluwa sa isang walang hanggang kadiliman. Naaalala ko pa ang mga pangyayari bago ako nagising nang wala nang nakikita kun'di kadiliman. With what was happening to me, na-realize ko ang buhay ng mga bulag. Ganito pala ang pakiramdaman kapag nasa lugar ka nila. Hindi mo alam kung anong gagawin mo. You didn't know what or how the world looked like. It was so miserable. Parang mas nanaisin mo na lang na mamatay kaysa danasin ang hirap ng buhay ng isang walang alam sa mundong ginagalawan. Hindi ko alam kung paano ako napunta rito. Basta paggising ko na lang ay wala na akong makita pa. Since I woke up, wala na akong ginawa pa kun'di ang sumigaw nang sumigaw. I was asking for help. I was also hoping that someone was with me here, but I didn't
THIRD PERSON'S POV“Alam mong simula pa lamang, ang iyong pag-iral ay kapalit nito ang walang wakas na kaguluhan. Ang hatid mo ay kaguluhan sa lahat, kaya kahit saan ka magpunta, susundan ka nito. Hindi ka para sa kaayusan, Green. Ito ang tadhana na nakaukit sa iyo, na taliwas sa iyong kaalaman — sa kaalaman ng lahat, at ito ay hindi mo na mababago pa,” saad ni Alpha God Infinite.Natahimik bigla si Green. She couldn't disagree with what Alpha God said because right from the very start, she knew about it. She was aware, the only thing that kept her moving forward despite the truth, she wanted to prove to herself or to everyone that destiny was wrong. That she, herself, was the only one who could write her destiny. “At dito sa aking paraiso, walang sinuman ang madadamay sa iyong kasumpa-sumpang pag-iral. Magagawa mo lahat ng iyong gusto nang walang masasaktang iba. Hindi tulad sa Therra Universe na palagi kang nangangamba sa kung ano ang susunod na mangyayari dahil hindi matatapos ang
THIRD PERSON'S POVIlang minuto na ang nakalilipas nang mapainom ni Goddess Heldy ang ginawa niyang gamot mula sa halaman na kinuha pa ni Yazenth sa Haphazard ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Green. Tila ba'y hindi ito tumatalab sa kaniya, kaya hindi sila maiwasang mangamba, lalong-lalo na si Yazenth na kanina pa hindi mapakali kahit hindi pa tuluyang nagagamot ni Goddess Hely ang mga sugat nito.Kasama nila sa loob ng silid sina Alpha Goddess Hely, God Rain, Celeste, at Scarlet sa paghihintay na magising si Green, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay.Magkahawak ang mga kamay nina Celeste at Scarlet habang ibinubulong ang pangalan ni Green. Hindi rin nila maiwasan ang maluha sapagkat alam wala nang dahilan pa upang hindi pa magising ang kaibigan nila.Hanggang sa mag-iisang oras na ngunit wala pa ring nangyayari. Hindi na nila maiwasan pa ang magtaka kung bakit wala pa ring nangyayari. Maging si Alpha Goddess Hely ay nagtataka na rin.Tapos na rin an
THIRD PERSON’S POVKasalukuyan ngayong nakadungaw sa balkonahe ng isa sa gusali sa Royal Academy si Green. Kitang-kita niya sa field ang mga estudyante na nagsasanay, at ilan pa sa mga Gods and Goddesses na handang lumaban para sa digmaan.Nakikita niya ang kaniyang sarili sa kanila n'ong nag-aaral pa siya sa akademya. At hindi niya maiwasan na maalala ang lahat ng kaniyang karanasan dito. Maraming mga hindi magandang nangyari sa kaniya rito sa akademya n'on. Ang pananatili rin niya rito ay nagpapaalala lamang sa kaniya ng hindi magagandang nangyari n'on. Kaya simula n'ong bumalik ang alaala at katawan niya ay hindi na pa ulit siya bumalik dito para maiwasang masaktan sa mga alaalang bigla na lang dumadaloy sa kaniyang isipan tuwing nakikita niya ang lugar na ito.Hindi rin niya mapigilang isipin si Leaves. Nang magising siya kanina pagkatapos ng limang araw na walang malay ay hindi na nawala sa kaniyang isipan ang kaniyang kapatid — kung nas'an siya o kung ano na ang nangyari sa kani
THIRD PERSON'S POVNasa silid na ngayon si Queen Affinity na nagpapahinga. May mga maliliit siya sugat sa kaniyang katawan ngunit alam nilang lahat na balewala lamang ito sa kaniya. May kakayahan siyang gamutin ang kaniyang sarili gamit ang kaniyang kapangyarihan na mula sa kalikasan. Ngunit ginamot na rin ito ni Goddess Heldy upang mas maayos ang pamamamhinga nito.Minabuti rin muna nilang lahat na huwag itong abalahin sa kaniyang pamamahinga lalo pa't mag-isa lamang itong tinapos ang misyon sana nilang dalawa ni Yazenth. Kaya alam nila kung gaano kapagod ngayon ang reyna ng Emerald.Samantala, kanina pa hindi mapakali si Green dahil hindi niya alam kung paano sasabihin sa kaniyang ina ang tungkol kay Leaves. May katigasan din kasi minsan ang ulo ng reyna dahil kapag may gusto siyang gawin, gagawin at gagawin niya ito. Kaya nababahala siya o sila nina Yazenth, at ang kapatid ng reyna na si God Rain kapag nalaman nito ang totoo. Paniguradong susugod agad siya sa nga kalaban upang hana
THIRD PERSON'S POVBago kumagat ang dilim ay nagising na si Queen Affinity. Una niyang hinanap nang magising ito ay ang mga anak nito, sina Green at Leaves.Nang mabalitaan ito ni Green ay agad siyang tumungo sa silid kung saan nagpapahinga ang kaniyang ina.“M-Mom . . . ” As soon as she entered the room, she immediately approached her, and gave her a tight hug. “I’m glad that you are finally awake,” she said.Sumunod naman na pumasok sina Yazenth ang ama nitong si God Rain. Agad silang lumapit sa kanilang dalawa, and just like what Green did, Yazenth gave her a hug, while God Rain tapped Queen Affinity’s head. He has been doing it since they were still young. They were the closest among their other two siblings. This was how God Rain showed his love towards her. Then he gave her a wide smile.Nagtaka naman si Queen Affinity nang hindi pa dumarating si Leaves. She roamed her sight, looking for Leaves.Napansin naman nilang tatlo ang ginawa nito, kaya nagkatingin-tinginan sila. “Y-you
THIRD PERSON'S POVDumating na ang oras nang pag-alis ni Green. Nakahanda na lahat ng dadalhin niya, at higit sa lahat ay handa na siya sa kaniyang gagawin.Agad niyang isinukbit sa kaniyang katawan ang shoulder bag na dadalhin niya. Nasa loob ng bag na ito ang mapa na kinuha niya sa silid aklatan ng akademya. May dala rin siyang mga potion na maaari niyang magamit mamaya. Ang mga iyon ay ginawa lamang niya kanina. Inaral pa niya ang paggawa ng mga iyon mula sa mga libro na kinuha niya kasabay na mapa. Sa kabutihang palad ay nagawa niya ito nang maayos gamit ang kaniyang kapangyarihan at mga kapangyarihan na mula sa mga Infinity Gems.Nang handa na siya ay naglakad na siya palapit sa pinto ng kaniyang silid at maingat niya itong pinihit at saka binuksan nang dahan-dahan upang hindi magbigay ng ingay na maaaring marinig ng iba, lalo pa't nasa kabilang silid lamang sina Celeste at Scarlet.Maingat siyang naglakad sa hallway. Mula sa hallway ng girl's dormitory ay matatanaw niya ang mga
THIRD PERSON'S POVHeart beating rapidly because of nervousness and fear, she ran as fast as she could in the dark forest. Sa pagmamadaling makabalik agad sa Genesis Forest ay wala na sa isip niya ang gumamit pa ng mga kapangyarihan na makakatulong sa kaniya upang makalabas ng Genesis Forest nang mabilis, gaya ng ginawa niya kanina noong pumasok siya. Dahilan upang matalisod siya sa isang nakausling ugat ng puno. Hindi niya napigilan ang mapatili pagkabagsak niya dahil ba may kung ano siya nabagsakan dahilan upang masugatan siya sa kaniyang binti.Napabuntonghininga siya at saka iginapang ang kaliwang palad sa kaniyang binti kung saan siya nakararamdam ng mahapdi. Punit na rin ang kaniyang suot na dress dahil sumabit ito sa matulis at nakausling na ugat ng puno na ito rin ang dahilan kung bakit siya nagkasugat.Napapikit siya sa sakit at hindi napigilan ang maluha. “With energy green,I make it clean.Heal me with the energy taken on the Heal Gem.So mote it be.”She casted a spell
THIRD PERSON'S POVTatlumpung minuto bago sumapit ang gabi ay magkakasama nang nagtipon sina Queen Affinity, Headmaster Rain, God Astrid, Goddess Heldy, kasama na sina Yazenth, at Leaves malapit sa tarangkahan ng akademya para sa pag-alis nina Alpha Goddess Hely at Green papuntang Helia. Nakatakda silang umalis ngayon ng akademya upang isagawa ni Alpha Goddess Hely ang kaniyang plano — ang natitirang paraan upang ibalik muli ang nawalang kapangyarihan at alaala ng itinakdang nilalang na magtatapos sa kasamaan ni Alpha God Tartarus — si Green.Nakatakda rin ang pag-alis ni Headmaster Rain patungong Emerald upang alamin ang suliraning nagaganap doon na hinihinalaan na may kinalaman ang yumao niyang isang anak na si Finn. Hinala ng karamihan ay may alam si Finn tungkol sa kung anuman ang nangyayari ngayon sa buong Therra Universe. Nakahanda na rin siya upang umalis simula pa kagabi ngunit gusto niyang mauna munang makaalis sina Alpha Goddess Hely at ang kaniyang pamangkin na si Green upa
CHAPTER 119: FINDING ANOTHER WAYTHIRD PERSON'S POVKinaumagahan ay magkakasama sina Green, Celeste, at Scarlet patungo sa girl’s dormitory, ito ay sa kagustuhan ni Green dahil gusto niyang makilala ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng mga bagay o lugar na sentimental value sa kaniya. Hindi kasi niya mapigilan ang makaramdam ng kalungkutan sa kung anuman ang magaganap mamaya pagsapit ng gabi. Umaasa siya na sa ganitong paraan ay maaari niyang maibalik ang kaniyang alaala at kapangyarihan nang walang magsasakripisyo ng buhay. Kaya kailangan niyang maghanap ng ibang paraan upang ibalik ang kaniyang nakaraan. Sa kaniyang mga nalaman — ang pinagdaanan niya, maging ang lahat ay hindi niya mapigilan ang makunsensya. Marami nang nadamay sa kaniyang kapalaran na siya lang dapat ang kailangang humarap. Marami na ang nagbuwis ng kanilang buhay para sa kaniya. Husto na ang lahat na iyon, kaya niya ito ginagawa.Ngunit habang naglalakad sila papunta sa dormitoryo ay hindi nila naiwasan na makas
THIRD PERSON'S POVHindi makapaniwala si Scarlet sa mga tunuran ni Celeste sa kaniya. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit napansin niyang parang may nagbago kay Green noong nakita niya ito kanina. Tila ba hindi niya alam kung saan siya papunta no’ng nakita niyang naglalakad siyang mag-isa kanina. Tila rin hindi siya nito naaalala, ngunit minabuti lamang niya itong hindi pansinin dahil naiintindihan niyang marami siyang iniisip, at saka nagagalak siyang makita siyang muli na nakabalik na. Wala kasi siyang kaalam-alam sa nangyari kay Green, kahit noong kinalaban niya sina Queen Affinity, Leaves, at Yazenth. Ngayon lamang niya ito nalaman kaya hindi niya mapigilan ang mabigla at makaramdam ng awa sa pinagdaanan ni Green. She has been through a lot starting when she was still a baby. Naiisip niya na kung sakaling nasa katayuan siya ngayon ni Green ay wala siyang gagawin kun’di ang sumuko na lang sa bigat ng responsibilidad niya. Kaya malungkot siyang lumapit kay Green na nanatili
THIRD PERSON'S POVDala ng kuryusidad ni Green sa lugar ay hindi niya sinunod ang sinabi sa kaniya ni Celeste — na huwag lumabas ng kaniyang silid.Maliwanag ang paligid dahil sa laki at pula ng buwan na parang may ibinabadya itong panganib. Dumagdag pa ang nakabukas na mga ilaw ng mga gusali ng akademya, at mga nagkalat na mga ilaw sa iba’t ibang parte nito.Alas-tres na ng madaling araw nang tingnan kanina ni Green ang orasan sa silid kung saan siya nagising kanina kasama ang maraming mga nilalang na hindi niya kilala. Gayunpaman ay tanging mga kawal pa lang ang nakakasalubong niya sa daan, na nagbibigay sa kaniya ng paggalang.Hindi naman niya nakakalimutan ang isang habilin ni Celeste sa kaniya kanina — na huwag siyang magsasalita tungkol sa nangyayari sa kaniya. Sinunod niya iyon, tanging malawak na ngiti lamang ang iginagawad niya sa lahat ng nakakasalubong niya. Ngunit hindi pa rin maiwasan ng mga ito na magtaka sa kaniya dahil nagbibigay din ito nang paggalang, gaya ng ginagaw
THIRD PERSON'S POVMatapos ang ilang minuto ay nakarating din si Celeste sa harap ng pinto ng opisina ng Headmaster. Bago siya pumasok ay kumatok muna siya, at may narinig naman siya sa loob na pinahihintulutan siyang pumasok. Kaya agad niyang pinihit ang door knob at maingat na binuksan ang pinto. Nadatnan niya sina Headmaster Rain, Queen Affinity, at Leaves sa loob na abala sa pag-uusap dahilan upang mapayuko siya.“Paumanhin kong naabala ko ang inyong pag-uusap, Your Royal Majesty, Queen Affinity, Headmaster Rain, at Your Highness, Leaves,” paghingi niya ng kapatawaran at saka itinaas muli ang tingim at magtama ang mga mata nilang dalawa ni Queen Affinity.Ginawaran siya ng isang ngiti ni Queen Affinity ngunit mapapansin sa kaniyang mga mata ang lungkot na nadarama dahil sa nangyayari ngayon sa kaniyang anak na si Green, at sa planong pagsasakripisyo ni Alpha Goddess Hely. Ilang araw at gabi na rin siyang walang pahinga kaya namumutla na rin siya.Ngumiti naman siya pabalik at muli
THIRD PERSON’S POV“Argh! Naguguluhan ako sa mga sinasabi mo . . . Nakakahilo,” she said, complaining and giggling because she didn't believe what Leaves was saying to her. She didn't believe in such things like fantasies, magical worlds, magics, and magical creatures.“True? Kapatid kita, seriously?” hindi makapaniwalang tanong niya at saka natawa na lang bigla.Umirap naman si Leaves sa naging reaksyon ni Green. Kanina pa siya nagtitimpi upang hindi niya masampal o masakal si Green pero namumuro na ito.“Can you just please listen to me? Yes, you heard it right, kapatid kita — kambal tayo. Haven't you noticed the girl wearing a green dress earlier? She’s our mother. She’s a Queen, and we are Princesses. Kanina pa tayo rito pero hindi mo man lang mapansin na may resemblance tayong dalawa, hello?” she stupendously said as she glared at her once again.“At gaya nga ng sinabi ko, ikaw ang itinakda ng propesiya na lulupig kay Alpha God Tartarus, na siyang may gawa rin kung bakit wala kan
THIRD PERSON'S POVAlpha Goddess Hely, together with Queen Affinity, God Astrid, Goddess Heldy, Headmaster Rain, Yazenth, and Virgo were currently in the hall discussing something about how they could bring Green back to normal — to an immortal Goddess of Infinity, and of course Yazenth and Leaves’ mission in Emerald. Alpha Goddess Hely and Headmaster Rain were confused on their sudden mission without her knowledge.Leaves, on the other hand, was left with Green in the room to explain everything to her — about what really happened to her.“A-ano ang tinutukoy mong natitirang paraan upang maibalik ang aking anak sa rati, Alpha Goddess Hely? We can’t just sit here without doing anything. Hindi natin alam kung kailan ulit tayo susugurin ni Alpha God Tartarus. Kaya kailangan nating maayos ang lahat bago mangyari iyon, at alam mo iyan,” seryosong tanong at sabi ni Queen Affinity. “Sabihin mo lang kung ano ang maaari nating gawin . . . u-upang magawa ko na ito . . . ” she continued. She re
THIRD PERSON'S POV“A-ano ang ibig mong sabihin, Alpha Goddess Hely? Anong sinasabi mong isa na siyang mortal? P-paano? Paano nangyari iyon? A-ano ang nangyayari?” hindi makapaniwala at natatarantang mga katanungan ni Queen Affinity.She didn’t want to believe it, but coming from an Alpha Goddess Hely was something she must believe on the reason why she couldn’t help but be emotional and lost her mind of what she found out.Nagulat din ang lahat sa nalaman. Lahat sila ay nag-aalalang tumingin kay Green na mahimbing pa rin na natutulog kahit maingay na ang silid dahil sa mga bulungan nila.Naglakad si Alpha Goddess Hely palapit kay Green habang nakatitig sa kaniya. May mga planong dumadaloy sa kaniyang isipan ngunit nagdadalawang isip siya kung gagawin niya ito, ngunit alam niyang ito na lang ang natitira nilang pag-asang lahat.“Kagagawan ito ni Tartarus. Isinagawa nito sa Demiana dahilan upang magawang kontrolin si Green. Ito ang plano nito simula pa lamang kaya gusto nitong makuha si
THIRD PERSON’S POVPagkagat ng dilim ay nagpaalam na sina Leaves at Yazenth kay King Llwen, maging kay Goddess Eyelet pabalik ng Utopia — sa Royal Academy. Hindi sila maaaring magtagal pa sa Emerald dahil may nga suliranin din silang kailangan harapin, at mga katungkulan na kailangan gampanan.Wala namang magagawa si King Llwen kun’di ang hayaan sila sa kanilang pag-alis kahit pa man maiiwan ulit siyang mag-isa sa Emerald dahil sa kaniyang sariling tungkulin din. Lungkot at muling pangungulila ang nararamdaman niya habang paalis sina Leaves at Yazenth. Ngunit kailangan niya itong itago, kaya isang pilit na ngiti lamang ang gumuhit sa bibig niya habang hinihintay na mawala sa kaniyang paningin ang dalawa. Hindi na niya maihahatid ang mga ito papuntang borders ng Emerald dahil wala na siyang panahon pa upang gawin iyon.Nagawa naman niya ang mga dapat niyang gawin bago sila umalis. Kaya sapat na iyon para sa kaniya dahil iniisip na lang niya na pagkatapos ng kaguluhan ay muli silang mag