THIRD PERSON'S POVHeart beating rapidly because of nervousness and fear, she ran as fast as she could in the dark forest. Sa pagmamadaling makabalik agad sa Genesis Forest ay wala na sa isip niya ang gumamit pa ng mga kapangyarihan na makakatulong sa kaniya upang makalabas ng Genesis Forest nang mabilis, gaya ng ginawa niya kanina noong pumasok siya. Dahilan upang matalisod siya sa isang nakausling ugat ng puno. Hindi niya napigilan ang mapatili pagkabagsak niya dahil ba may kung ano siya nabagsakan dahilan upang masugatan siya sa kaniyang binti.Napabuntonghininga siya at saka iginapang ang kaliwang palad sa kaniyang binti kung saan siya nakararamdam ng mahapdi. Punit na rin ang kaniyang suot na dress dahil sumabit ito sa matulis at nakausling na ugat ng puno na ito rin ang dahilan kung bakit siya nagkasugat.Napapikit siya sa sakit at hindi napigilan ang maluha. “With energy green,I make it clean.Heal me with the energy taken on the Heal Gem.So mote it be.”She casted a spell
THIRD PERSON'S POV“Mom, good morning . . . ” aniya agad pagkapasok pa lang niya ng silid.Nakuha agad nila ang atensyon ni Queen Affinity na abala sa librong binabasa.“H-hello, Queen Affinity . . . ” pangiti-ngiting saad ni Scarlet.Ibinaba niya ito. “Ang aga natin, Green. Mukhang seryoso ito, ha? A-anong mayro'n?” tanong nito.Ngumiti siya nang pilit at saka naglakad palapit sa kaniyang ina.“Tumbukin mo na kaya?” pabirong sabi ni Scarlet nang nakangiti na parang nang-iinsulto.Tiningnan niya nang masama ang kaibigan niya kaya natahimik ito at napayuko.“Oo nga, Green. Ano ba iyon?” pabirong saad naman ni Queen Affinity.Green chuckled. “Maaari bang huwag tayo rito mag-usap? Doon tayo sa opisina ni God Rain. Kailangan din natin hanapin si Alpha Goddess Hely para alam natin kung ano ang dapat nating gawin . . . ” aniya dahilan upang sumeryoso si Queen Affinity.Agad siyang bumaba sa kaniyang kama dahil naramdaman niyang seryoso sila sa gusto nilang sabihin.“Tungkol saan ito?” seryo
THIRD PERSON'S POVWala ni isa ang pumansin sa kapapasok na si Yazenth. Ngunit agad naman itong naiintindihan ni Yazenth dahil sa ekspresyon nilang lahat. Kaya sa halip ay umupo na lang siya sa tabi ni Scarlet na seryosong nakikinig sa mga ulat ni Green.“A-anong nagaganap?”nagtatakang tanong nito kay Scarlet na hindi man lang siya binigyan ng pansin. Kaya napakamot na lang si Yazenth sa inis.“Espiya?” nagtatakang tanong ni Alpha Goddess Hely.“Paanong may nakapasok na espiya rito?” sunod namang tanong ni God Rain na hindi makapaniwala sa nalaman.“S-sino iyon? Nalaman mo ba kung sino? Paano mo nasabing isa itong espiya? Sigurado ka pa riyan, anak?” Queen Affinity asked in confusion.Napalunok ng laway si Green. “Alam nito ang plano nating pagpunta sa Demiana at kaniya itong sinabi sa lahat ng kaanib niya. Dahilan upang gumawa sila ng planong paglusob dito sa akademya mamaya bago sumapit ang dilim pagkaalis namin papuntang Demiana. Habang ang ilan sa kanila ay magtutungo ngayon sa De
THIRD PERSON'S POVBiglang napatigil si Scarlet sa ginagawa nang biglang pumasok sa silid si Celeste.“A-ano ang ginagawa mo? Bakit mo pinapakialaman ang mga gamit ko?” sigaw nito agad nang makita si Scarlet sa ginagawa niya sa mga gamit nito.Pilit ang ngiti ni Scarlet nang humarap siya sa kaibigan. “T-tinutulungan lamang kitang mag-ayos ng gamit mo. Iniwan mo kasing magulo, e,” he reasoned out while laughing sarcastically to at least lighten the mood, and so that she wouldn't be caught in her real intention of tampering with her friend's belongings. “Pwede ba, huwag kang nangingialam? Masyado kang pakialamera!” Hindi na nito mapigilan ang pagtaasan ng boses ang kaibigan na ikinagulat naman ni Scarlet dahil ito ang unang pagkakataon na nagawa iyon ni Celeste sa kaniya.Inagaw ni Celeste ang cloak na hawak-hawak ni Scarlet. Kanina pa niya ito tinitigan kasi ito ang unang pagkakataon na nakita niya ito sa mga gamit ni Celeste.“Pasensya na, Celeste. Hindi na talaga mauulit. Pero ang g
THIRD PERSON'S POV"Nalaman ko ang nangyari sa inyo ni Celeste. Ano ba ang nangyari talaga? Bakit niya iyon nagawa sa iyo? Sa tingin ko naman hindi niya iyon magagawa kung wala kang ginawa na ikaiinit ng ulo ninyon," usisang tanong ni Green sa kaibigan.Pinunasan ni Scarlet ang kaniyang mga luha gamit lamang ang kaniyang palad at mga daliri."Alam ko namang kasalanan ko iyon, pero hindi mo ako masisisi, Green dahil gusto ko lang alamin kung siya iyong espiya kasi sa totoo lang, natatakot ako. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag siya nga iyon, at hindi ko naman inaasahan na magagalit siya sa ginawa ko kahit hindi naman nito alam kung ano ang dahilan. Pero gaya nga ng sinabi ko sa iyo, nitong mga nakaraang mga araw ay parang hindi na siya si Celeste na kilala natin. Masyado na siyang maraming pinagkakaabalahan at palagi akong nagigising nang wala na siya sa silid namin. One time nga nagising ako ng hatinggabi nang wala siya. Doon na ako nagtaka dahil hindi naman siya gano'n dati. Kung ik
THIRD PERSON'S POVNaghahanda na sila para sa kung anuman ang mangyayari mamaya. Magkakasama na ngayon sa tarangkahan ng akademya sina Green, Yazenth, Scarlet, Catterfeld, at O'brien. Nasa likuran nila ang dalawang daan na kawal na nakahanda na rin sa kung anuman ang gagawin. Hinihintay na lamang nila ang iba nilang kasamahan, at ilang sandali na lang din ay malapit nang sumapit ang gabi.Nararamdaman na rin ni Green ang presensya ng napakaraming Demon sa labas ng akademya. Nag-aabang ang mga ito sa susunod na utos ng kanilang pinuno. At mukhang hindi nila alam o natunugan ang kanilang plano dahil maging ang kanilang espiya — si Celeste ay walang alam tungkol dito.“Maiba lang ako, ha? Kanina ko pa napapansin na parang hindi ninyo kasama si Celeste. Hindi ba siya tutulong sa atin?” nagtatakang tanong ni O'brien.“Hayaan na lang natin siya. At saka kaya naman siguro natin ito kahit wala siya,” tugon ni Scarlet.“Mabuti nabanggit mo siya, O'brien dahil may mahalaga rin akong gustong ta
THIRD PERSON'S POVGamit ang kapangyarihan ni Alpha Goddess Hely ay kitang-kita niya ang labanan na nagaganap ngayon sa labas ng Royal Academy. Hindi pa umaalis at bumabalik sa akademya upang tulungan sila, gaya ng kaniyang pinangako dahil may iba siyang plano — ang pumunta sa Demiana upang makuha na ang natitirang Infinity Gem — ang Death Gem. Kumukuha lamang siya ng magandang pagkakataon, at tinitingnan din kung kaya ng kaniyang mga kasamahan na lupigin ang kanilang nga kalaban dahil maging siya ay nagtataka rin kung paano nagkaroon ng napakaraming Demons. Nagtataka siya kung paano iyan nagagawa ni Alpha God Tartarus, dahilan upang kabahan siya dahil nakasisiguro siya na mayro'n pa itong ibang inihahanda bukod sa napakaraming Demons ngayon na kalaban ng kaniyang mga kasamahan.Isa rin sa dahilan kung bakit hindi pa siya umaalis ay gusto niyang alamin kung makikialam ba si Alpha God Tartarus sa pakikipaglaban o hindi dahil nakasisiguro siya na hindi rin ito pupunta ng Demiana dahil h
CHAPTER 92: CELESTETHIRD PERSON'S POVIlang minuto na nang umalis sina Yazenth upang sundan at hanapin si Green. Tapos na ang panggagamot nina Goddess Heldy, at Queen Affinity, kasama na ang mga Healers sa mga sugatan sa labanan.Gaya ng inaasahan nila ay may masasawi at masusugatan sa labanan, ngunit laking pasasalamat pa rin nila na hindi ganoon karami ang bilang nito.Kaya nang matapos nilang gamutin ang nga sugatan ay nagpatawag muna ng isang mahalagang pagpupulong si Alpha Goddess Hely upang ipaalam sa kanilang lahat ang tungkol sa kaniyang pinuntahan at nalaman.Nagtungo sila sa bulwagan ng akademya, at hindi agad nagsayang ng oras si Alpha Goddess Hely. Agad niyang sinabi ang kaniyang mga nalaman.“Una sa lahat, humihingi ako ng kapatawaran kung nahuli ang aking pagdating. May bagay akong ginawa na makakatulong sa ating lahat, lalong-lalo na kay Green,” pag-uumpisa niya.Nakinig naman ang lahat sa sasabihin niya.“Hindi natuloy sina Green sa kanilang paglalakabay papuntang Dem