CHAPTER 92: CELESTETHIRD PERSON'S POVIlang minuto na nang umalis sina Yazenth upang sundan at hanapin si Green. Tapos na ang panggagamot nina Goddess Heldy, at Queen Affinity, kasama na ang mga Healers sa mga sugatan sa labanan.Gaya ng inaasahan nila ay may masasawi at masusugatan sa labanan, ngunit laking pasasalamat pa rin nila na hindi ganoon karami ang bilang nito.Kaya nang matapos nilang gamutin ang nga sugatan ay nagpatawag muna ng isang mahalagang pagpupulong si Alpha Goddess Hely upang ipaalam sa kanilang lahat ang tungkol sa kaniyang pinuntahan at nalaman.Nagtungo sila sa bulwagan ng akademya, at hindi agad nagsayang ng oras si Alpha Goddess Hely. Agad niyang sinabi ang kaniyang mga nalaman.“Una sa lahat, humihingi ako ng kapatawaran kung nahuli ang aking pagdating. May bagay akong ginawa na makakatulong sa ating lahat, lalong-lalo na kay Green,” pag-uumpisa niya.Nakinig naman ang lahat sa sasabihin niya.“Hindi natuloy sina Green sa kanilang paglalakabay papuntang Dem
THIRD PERSON'S POVNaalimpungatan sila sa sinag ng araw na tumatama sa mukha nila. Hindi nila namalayan na nakatulog na silang pareho sa hardin ng akademya.Parehas silang nagulat nang makita nila ang isa't isa na magkayakap, kaya agad silang dumistansya sa isa't isa. Hanggang sa tuluyan nilang ma-realize ang lahat.“Owemjie!” Nanlaki ang mga mata ni Green na tinitigan si Yazenth.Napakamot naman si Yazenth sa kaniyang ulo at napahagikgik.“Seryoso ba ito? Nakatulog tayo rito sa hardin?” Hindi pa rin makapaniwala na tanong ni Green at saka umupo mula sa pagkakahiga.Sumunod ding umupo si Yazenth nang nakangiti pa rin habang iginagala nila pareho ang paningin sa paligid dahil baka may nakakita sa kanila, ngunit mabuti na lang ay wala pang nagagawing mga estudyante sa hardin. Marahil ay abala pa sila sa cafeteria.Pinilit inalala ni Green ang mga nangyari kagabi. “W-wait . . . hindi mo ako ginising no'ng nakatulog ako?” she seriously asked.“Well . . . Hindi ko na ginawa iyon kasi sobra
THIRD PERSON'S POV“Ina . . . ” pagbati ni Green nang makapasok silang dalawa ni Scarlet sa opisina ni God Rain. Agad siyang nagmano, at ganoon din ang ginawa ni Scarlet.“Your Majesty,” ani Scarlet nang nakangiti.“God Rain,” sunod na sabi ni Green at nagmano rin.“Hi, Yazenth . . . ” malanding saad naman ni Scarlet kay Yazenth nang tumabi siya sa kaniya.Umirap si Green nang marinig iyon. Hindi iyon nakita nina Yazenth at Scarlet, ngunit natawa si God Rain nang makita ito na ipinagtaka nilang lahat pero minabuti na lang na huwag sabihin sa kanila kung bakit.“Mabuti’t narito na kayo . . . ” saad ni God Rain habang pinipigilan ang kaniyang tawa. “Nalaman namin kay Yazenth na dumaan muna kayo kay Celeste bago pumarito, kamusta na ang kalagayan niya?” Naging seryoso ang tinig nito at saka napatitig kay Green.“Siyang tunay, at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising. Ngunit ang sabi ng mga Healer ay anumang oras ngayong araw ay posible siyang magising,” agad naman niyang sagot.
THIRD PERSON'S POV “Sandali lamang . . . hindi ko maintindihan, may espiya sa ating hanay? At si Celeste iyon?” naguguluhang tanong ni Virgo. Gaya nina Green, Scarlet, at Yazenth ay masakit din ito para sa kaniya na malamang siya ang espiya dahil may pinagsamahan din silang dalawa ni Celeste. Hindi siya lubos makapaniwala, at ayaw niya itong paniwalaan dahil kilala niya si Celeste. Hindi niya iyon magagawa sa kanila. Alam nitong isang mabigat na kasalan ang pagtataksil dahil kamatayan ang kapalit niyon. Naluha si Scarlet habang tinititigan si Virgo. Pare-parehas sila ng nararamdaman ngayon, ngunit iyon ang katotohanan kahit pa man pagbalik-baliktaran nila ang mundo. Naiintindihan niya kung anuman ang gustong isipin at paniwalaan ni Virgo dahil ganoon din siya noong una niya itong malaman. “Scarlet . . . Yazenth? Totoo ba ang sinasabi ni Green? Na si Celeste ay isang espiya?” Hindi niya mapigilan ang magtaas ng tinig nang magtanong siya. “Tama ang iyong narinig, Virgo,” sagot naman
THIRD PERSON'S POV“Nasa’n siya ngayon?” kinakabahang tanong ni Celeste sa kawal na kasama niya papuntang infirmary.“Kasalukuyan itong pinapakiusapan ng Healers at binabantayan ng aking mga kasamhan, gaya ng inyong utos dahil nagpupumilit siyang umalis,” walang pagdadalawang isip na pagsagot ng kawal.“Ngunit nagtataka lamang ako kung bakit hindi siya maaaring umalis ng infirmary. Maayos na ang kaniyang kalagayan, tuluyan nang naghilom ang kaniyang nga sugat, sa tingin ko ay nararapat na siyang umalis, gaya ng gusto niyang mangyari,” sunod pa niyang saad kay Green.“May mga bagay na hindi mo na kailangan pang malaman. Ngunit siguraduhin mo lang na naro'n pa rin siya pagdating natin,” sagot naman ni Green habang matuling naglalakad papunta sa kinaroroonan ni Celeste.Marami siyang gustong malaman kay Celeste — kung ano ang dahilan ng pagtataksil nito dahil umaasa siya na maaari pa niyang magawan ng paraan upang hindi maipataw sa kaniya ang kaparusahan na kamatayan. Susubukan niyang il
THIRD PERSON'S POVPagkatapos ang mapagdamdaming pangyayari na naganap kanina sa kanila ni Green at Celeste malapit sa tarangkahan ay inanyayahan ni Green na pumunta sila sa kaniyang silid para mag-usap — pag-usapan nang maayos ang tungkol sa ginawa ni Celeste.Sumang-ayon naman si Celeste sa gustong mangyari ni Green dahil na-realize niya ang lahat ng mga sinabi at gusto niyang iparating sa kaniya.Maraming mga estudyante, pati na rin sina God Astrid at Goddess Heldy ang nakasaksi sa kung anuman ang nangyari kanina. Kaya hindi na sila nakaiwas sa kakaibang titig ng ilang mga estudyante. Marami na ring mga haka-haka ang mabilis na kumalat na parang apoy sa buong akademya. Kaya hindi na sila nagtaka o nagulat pa. Kaya napagdesisyonan ni Green na mag-usap na lang silang dalawa sa kaniyang silid upang sa ganoon ay maging pribado ang kanilang pag-uusapan.Ngunit inaasahan na rin nila na anumang sandali ngayong araw ay maaari nang malaman ng lahat kung ano ang dahilan ng pangyayaring nasak
THIRD PERSON'S POV“Kung gano’n ay kailangan natin makausap ngayon si Alpha Goddess Hely at ang iba pa. Kailangan nilang malaman ang tungkol diyan,” seryoso at kinakabahang saad ni Green, at akmang bubuksan na sana ang pinto nang biglang magsalita si Celeste.“S-sandali . . . may kailangan ka pang malaman . . . ” sabi ni Celeste dahilan kung bakit hindi niya naituloy ang pagbubukas ng pinto ng kaniyang silid upang sana ay lumabas upang magpatawag ng madalian pagpupulong dahil sa kaniyang mga nalaman kay Celeste.Iniisip niya na sa mga impormasyong mayro'n o nakalap si Celeste ay maaari siyang mailigtas sa kaparusahan habang hindi pa kumakalat sa lahat ang tungkol sa kaniyang nagawang kasalanan.“A-ano iyon?” kinakabahang tanong niya at saka ibinaling ang tingin sa kaniya.Hindi maitatago sa kaniyang mukha ang pinaghalong kaba at takot.“Ang Infinity Gems,” she started having no reaction written on her face.Nagsalubong ang mga kilay ni Green. Naglakad siya pabalik sa kaniyang kinauupu
THIRD PERSON'S POV“A-ano ang ginawa mo sa kaniya?” galit na tanong ni Scarlet kay Celeste.Her tears were visible in her as her anger towards Celeste.“Ano ang ginawa mo sa kaniya?” ulit niyang tanong nang pasigaw dahil sa galit. Dinuro niya rin si Celeste.Si Celeste naman ay natahimik sa gulat dahil sa ginawa ni Scarlet sa kaniya. Hindi siya makapagsalita. She couldn't defend herself to her.“Magkasama silang dalawa rito sa loob ng silid ni Green kanina nang biglang nagsisigaw si Green!” sumbong ng isang babae. Lahat sila ay tanging si Celeste ang tinuturong may kasalanan sa kung anuman ang nangyayari kay Green ngayon.“C-Celeste? A-ano ba’ng nagawa naming masama sa iyo? Bakit ang laki ng galit mo sa amin? Bakit mo ito ginagawa sa amin? Ano ang kasalanan namin sa iyo? Kami nga dapat ang magalit sa iyo dahil sa mga ginawa mo, pero bakit patuloy mo kaming ginaganito, ha?” galit na galit niyang saad at saka nilapitan si Green nang bigla itong sumigaw sa sakit.“Green! Ano’ng nangyayar
THIRD PERSON'S POVTatlumpung minuto bago sumapit ang gabi ay magkakasama nang nagtipon sina Queen Affinity, Headmaster Rain, God Astrid, Goddess Heldy, kasama na sina Yazenth, at Leaves malapit sa tarangkahan ng akademya para sa pag-alis nina Alpha Goddess Hely at Green papuntang Helia. Nakatakda silang umalis ngayon ng akademya upang isagawa ni Alpha Goddess Hely ang kaniyang plano — ang natitirang paraan upang ibalik muli ang nawalang kapangyarihan at alaala ng itinakdang nilalang na magtatapos sa kasamaan ni Alpha God Tartarus — si Green.Nakatakda rin ang pag-alis ni Headmaster Rain patungong Emerald upang alamin ang suliraning nagaganap doon na hinihinalaan na may kinalaman ang yumao niyang isang anak na si Finn. Hinala ng karamihan ay may alam si Finn tungkol sa kung anuman ang nangyayari ngayon sa buong Therra Universe. Nakahanda na rin siya upang umalis simula pa kagabi ngunit gusto niyang mauna munang makaalis sina Alpha Goddess Hely at ang kaniyang pamangkin na si Green upa
CHAPTER 119: FINDING ANOTHER WAYTHIRD PERSON'S POVKinaumagahan ay magkakasama sina Green, Celeste, at Scarlet patungo sa girl’s dormitory, ito ay sa kagustuhan ni Green dahil gusto niyang makilala ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng mga bagay o lugar na sentimental value sa kaniya. Hindi kasi niya mapigilan ang makaramdam ng kalungkutan sa kung anuman ang magaganap mamaya pagsapit ng gabi. Umaasa siya na sa ganitong paraan ay maaari niyang maibalik ang kaniyang alaala at kapangyarihan nang walang magsasakripisyo ng buhay. Kaya kailangan niyang maghanap ng ibang paraan upang ibalik ang kaniyang nakaraan. Sa kaniyang mga nalaman — ang pinagdaanan niya, maging ang lahat ay hindi niya mapigilan ang makunsensya. Marami nang nadamay sa kaniyang kapalaran na siya lang dapat ang kailangang humarap. Marami na ang nagbuwis ng kanilang buhay para sa kaniya. Husto na ang lahat na iyon, kaya niya ito ginagawa.Ngunit habang naglalakad sila papunta sa dormitoryo ay hindi nila naiwasan na makas
THIRD PERSON'S POVHindi makapaniwala si Scarlet sa mga tunuran ni Celeste sa kaniya. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit napansin niyang parang may nagbago kay Green noong nakita niya ito kanina. Tila ba hindi niya alam kung saan siya papunta no’ng nakita niyang naglalakad siyang mag-isa kanina. Tila rin hindi siya nito naaalala, ngunit minabuti lamang niya itong hindi pansinin dahil naiintindihan niyang marami siyang iniisip, at saka nagagalak siyang makita siyang muli na nakabalik na. Wala kasi siyang kaalam-alam sa nangyari kay Green, kahit noong kinalaban niya sina Queen Affinity, Leaves, at Yazenth. Ngayon lamang niya ito nalaman kaya hindi niya mapigilan ang mabigla at makaramdam ng awa sa pinagdaanan ni Green. She has been through a lot starting when she was still a baby. Naiisip niya na kung sakaling nasa katayuan siya ngayon ni Green ay wala siyang gagawin kun’di ang sumuko na lang sa bigat ng responsibilidad niya. Kaya malungkot siyang lumapit kay Green na nanatili
THIRD PERSON'S POVDala ng kuryusidad ni Green sa lugar ay hindi niya sinunod ang sinabi sa kaniya ni Celeste — na huwag lumabas ng kaniyang silid.Maliwanag ang paligid dahil sa laki at pula ng buwan na parang may ibinabadya itong panganib. Dumagdag pa ang nakabukas na mga ilaw ng mga gusali ng akademya, at mga nagkalat na mga ilaw sa iba’t ibang parte nito.Alas-tres na ng madaling araw nang tingnan kanina ni Green ang orasan sa silid kung saan siya nagising kanina kasama ang maraming mga nilalang na hindi niya kilala. Gayunpaman ay tanging mga kawal pa lang ang nakakasalubong niya sa daan, na nagbibigay sa kaniya ng paggalang.Hindi naman niya nakakalimutan ang isang habilin ni Celeste sa kaniya kanina — na huwag siyang magsasalita tungkol sa nangyayari sa kaniya. Sinunod niya iyon, tanging malawak na ngiti lamang ang iginagawad niya sa lahat ng nakakasalubong niya. Ngunit hindi pa rin maiwasan ng mga ito na magtaka sa kaniya dahil nagbibigay din ito nang paggalang, gaya ng ginagaw
THIRD PERSON'S POVMatapos ang ilang minuto ay nakarating din si Celeste sa harap ng pinto ng opisina ng Headmaster. Bago siya pumasok ay kumatok muna siya, at may narinig naman siya sa loob na pinahihintulutan siyang pumasok. Kaya agad niyang pinihit ang door knob at maingat na binuksan ang pinto. Nadatnan niya sina Headmaster Rain, Queen Affinity, at Leaves sa loob na abala sa pag-uusap dahilan upang mapayuko siya.“Paumanhin kong naabala ko ang inyong pag-uusap, Your Royal Majesty, Queen Affinity, Headmaster Rain, at Your Highness, Leaves,” paghingi niya ng kapatawaran at saka itinaas muli ang tingim at magtama ang mga mata nilang dalawa ni Queen Affinity.Ginawaran siya ng isang ngiti ni Queen Affinity ngunit mapapansin sa kaniyang mga mata ang lungkot na nadarama dahil sa nangyayari ngayon sa kaniyang anak na si Green, at sa planong pagsasakripisyo ni Alpha Goddess Hely. Ilang araw at gabi na rin siyang walang pahinga kaya namumutla na rin siya.Ngumiti naman siya pabalik at muli
THIRD PERSON’S POV“Argh! Naguguluhan ako sa mga sinasabi mo . . . Nakakahilo,” she said, complaining and giggling because she didn't believe what Leaves was saying to her. She didn't believe in such things like fantasies, magical worlds, magics, and magical creatures.“True? Kapatid kita, seriously?” hindi makapaniwalang tanong niya at saka natawa na lang bigla.Umirap naman si Leaves sa naging reaksyon ni Green. Kanina pa siya nagtitimpi upang hindi niya masampal o masakal si Green pero namumuro na ito.“Can you just please listen to me? Yes, you heard it right, kapatid kita — kambal tayo. Haven't you noticed the girl wearing a green dress earlier? She’s our mother. She’s a Queen, and we are Princesses. Kanina pa tayo rito pero hindi mo man lang mapansin na may resemblance tayong dalawa, hello?” she stupendously said as she glared at her once again.“At gaya nga ng sinabi ko, ikaw ang itinakda ng propesiya na lulupig kay Alpha God Tartarus, na siyang may gawa rin kung bakit wala kan
THIRD PERSON'S POVAlpha Goddess Hely, together with Queen Affinity, God Astrid, Goddess Heldy, Headmaster Rain, Yazenth, and Virgo were currently in the hall discussing something about how they could bring Green back to normal — to an immortal Goddess of Infinity, and of course Yazenth and Leaves’ mission in Emerald. Alpha Goddess Hely and Headmaster Rain were confused on their sudden mission without her knowledge.Leaves, on the other hand, was left with Green in the room to explain everything to her — about what really happened to her.“A-ano ang tinutukoy mong natitirang paraan upang maibalik ang aking anak sa rati, Alpha Goddess Hely? We can’t just sit here without doing anything. Hindi natin alam kung kailan ulit tayo susugurin ni Alpha God Tartarus. Kaya kailangan nating maayos ang lahat bago mangyari iyon, at alam mo iyan,” seryosong tanong at sabi ni Queen Affinity. “Sabihin mo lang kung ano ang maaari nating gawin . . . u-upang magawa ko na ito . . . ” she continued. She re
THIRD PERSON'S POV“A-ano ang ibig mong sabihin, Alpha Goddess Hely? Anong sinasabi mong isa na siyang mortal? P-paano? Paano nangyari iyon? A-ano ang nangyayari?” hindi makapaniwala at natatarantang mga katanungan ni Queen Affinity.She didn’t want to believe it, but coming from an Alpha Goddess Hely was something she must believe on the reason why she couldn’t help but be emotional and lost her mind of what she found out.Nagulat din ang lahat sa nalaman. Lahat sila ay nag-aalalang tumingin kay Green na mahimbing pa rin na natutulog kahit maingay na ang silid dahil sa mga bulungan nila.Naglakad si Alpha Goddess Hely palapit kay Green habang nakatitig sa kaniya. May mga planong dumadaloy sa kaniyang isipan ngunit nagdadalawang isip siya kung gagawin niya ito, ngunit alam niyang ito na lang ang natitira nilang pag-asang lahat.“Kagagawan ito ni Tartarus. Isinagawa nito sa Demiana dahilan upang magawang kontrolin si Green. Ito ang plano nito simula pa lamang kaya gusto nitong makuha si
THIRD PERSON’S POVPagkagat ng dilim ay nagpaalam na sina Leaves at Yazenth kay King Llwen, maging kay Goddess Eyelet pabalik ng Utopia — sa Royal Academy. Hindi sila maaaring magtagal pa sa Emerald dahil may nga suliranin din silang kailangan harapin, at mga katungkulan na kailangan gampanan.Wala namang magagawa si King Llwen kun’di ang hayaan sila sa kanilang pag-alis kahit pa man maiiwan ulit siyang mag-isa sa Emerald dahil sa kaniyang sariling tungkulin din. Lungkot at muling pangungulila ang nararamdaman niya habang paalis sina Leaves at Yazenth. Ngunit kailangan niya itong itago, kaya isang pilit na ngiti lamang ang gumuhit sa bibig niya habang hinihintay na mawala sa kaniyang paningin ang dalawa. Hindi na niya maihahatid ang mga ito papuntang borders ng Emerald dahil wala na siyang panahon pa upang gawin iyon.Nagawa naman niya ang mga dapat niyang gawin bago sila umalis. Kaya sapat na iyon para sa kaniya dahil iniisip na lang niya na pagkatapos ng kaguluhan ay muli silang mag