THIRD PERSON'S POV“Ina . . . ” pagbati ni Green nang makapasok silang dalawa ni Scarlet sa opisina ni God Rain. Agad siyang nagmano, at ganoon din ang ginawa ni Scarlet.“Your Majesty,” ani Scarlet nang nakangiti.“God Rain,” sunod na sabi ni Green at nagmano rin.“Hi, Yazenth . . . ” malanding saad naman ni Scarlet kay Yazenth nang tumabi siya sa kaniya.Umirap si Green nang marinig iyon. Hindi iyon nakita nina Yazenth at Scarlet, ngunit natawa si God Rain nang makita ito na ipinagtaka nilang lahat pero minabuti na lang na huwag sabihin sa kanila kung bakit.“Mabuti’t narito na kayo . . . ” saad ni God Rain habang pinipigilan ang kaniyang tawa. “Nalaman namin kay Yazenth na dumaan muna kayo kay Celeste bago pumarito, kamusta na ang kalagayan niya?” Naging seryoso ang tinig nito at saka napatitig kay Green.“Siyang tunay, at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising. Ngunit ang sabi ng mga Healer ay anumang oras ngayong araw ay posible siyang magising,” agad naman niyang sagot.
THIRD PERSON'S POV “Sandali lamang . . . hindi ko maintindihan, may espiya sa ating hanay? At si Celeste iyon?” naguguluhang tanong ni Virgo. Gaya nina Green, Scarlet, at Yazenth ay masakit din ito para sa kaniya na malamang siya ang espiya dahil may pinagsamahan din silang dalawa ni Celeste. Hindi siya lubos makapaniwala, at ayaw niya itong paniwalaan dahil kilala niya si Celeste. Hindi niya iyon magagawa sa kanila. Alam nitong isang mabigat na kasalan ang pagtataksil dahil kamatayan ang kapalit niyon. Naluha si Scarlet habang tinititigan si Virgo. Pare-parehas sila ng nararamdaman ngayon, ngunit iyon ang katotohanan kahit pa man pagbalik-baliktaran nila ang mundo. Naiintindihan niya kung anuman ang gustong isipin at paniwalaan ni Virgo dahil ganoon din siya noong una niya itong malaman. “Scarlet . . . Yazenth? Totoo ba ang sinasabi ni Green? Na si Celeste ay isang espiya?” Hindi niya mapigilan ang magtaas ng tinig nang magtanong siya. “Tama ang iyong narinig, Virgo,” sagot naman
THIRD PERSON'S POV“Nasa’n siya ngayon?” kinakabahang tanong ni Celeste sa kawal na kasama niya papuntang infirmary.“Kasalukuyan itong pinapakiusapan ng Healers at binabantayan ng aking mga kasamhan, gaya ng inyong utos dahil nagpupumilit siyang umalis,” walang pagdadalawang isip na pagsagot ng kawal.“Ngunit nagtataka lamang ako kung bakit hindi siya maaaring umalis ng infirmary. Maayos na ang kaniyang kalagayan, tuluyan nang naghilom ang kaniyang nga sugat, sa tingin ko ay nararapat na siyang umalis, gaya ng gusto niyang mangyari,” sunod pa niyang saad kay Green.“May mga bagay na hindi mo na kailangan pang malaman. Ngunit siguraduhin mo lang na naro'n pa rin siya pagdating natin,” sagot naman ni Green habang matuling naglalakad papunta sa kinaroroonan ni Celeste.Marami siyang gustong malaman kay Celeste — kung ano ang dahilan ng pagtataksil nito dahil umaasa siya na maaari pa niyang magawan ng paraan upang hindi maipataw sa kaniya ang kaparusahan na kamatayan. Susubukan niyang il
THIRD PERSON'S POVPagkatapos ang mapagdamdaming pangyayari na naganap kanina sa kanila ni Green at Celeste malapit sa tarangkahan ay inanyayahan ni Green na pumunta sila sa kaniyang silid para mag-usap — pag-usapan nang maayos ang tungkol sa ginawa ni Celeste.Sumang-ayon naman si Celeste sa gustong mangyari ni Green dahil na-realize niya ang lahat ng mga sinabi at gusto niyang iparating sa kaniya.Maraming mga estudyante, pati na rin sina God Astrid at Goddess Heldy ang nakasaksi sa kung anuman ang nangyari kanina. Kaya hindi na sila nakaiwas sa kakaibang titig ng ilang mga estudyante. Marami na ring mga haka-haka ang mabilis na kumalat na parang apoy sa buong akademya. Kaya hindi na sila nagtaka o nagulat pa. Kaya napagdesisyonan ni Green na mag-usap na lang silang dalawa sa kaniyang silid upang sa ganoon ay maging pribado ang kanilang pag-uusapan.Ngunit inaasahan na rin nila na anumang sandali ngayong araw ay maaari nang malaman ng lahat kung ano ang dahilan ng pangyayaring nasak
THIRD PERSON'S POV“Kung gano’n ay kailangan natin makausap ngayon si Alpha Goddess Hely at ang iba pa. Kailangan nilang malaman ang tungkol diyan,” seryoso at kinakabahang saad ni Green, at akmang bubuksan na sana ang pinto nang biglang magsalita si Celeste.“S-sandali . . . may kailangan ka pang malaman . . . ” sabi ni Celeste dahilan kung bakit hindi niya naituloy ang pagbubukas ng pinto ng kaniyang silid upang sana ay lumabas upang magpatawag ng madalian pagpupulong dahil sa kaniyang mga nalaman kay Celeste.Iniisip niya na sa mga impormasyong mayro'n o nakalap si Celeste ay maaari siyang mailigtas sa kaparusahan habang hindi pa kumakalat sa lahat ang tungkol sa kaniyang nagawang kasalanan.“A-ano iyon?” kinakabahang tanong niya at saka ibinaling ang tingin sa kaniya.Hindi maitatago sa kaniyang mukha ang pinaghalong kaba at takot.“Ang Infinity Gems,” she started having no reaction written on her face.Nagsalubong ang mga kilay ni Green. Naglakad siya pabalik sa kaniyang kinauupu
THIRD PERSON'S POV“A-ano ang ginawa mo sa kaniya?” galit na tanong ni Scarlet kay Celeste.Her tears were visible in her as her anger towards Celeste.“Ano ang ginawa mo sa kaniya?” ulit niyang tanong nang pasigaw dahil sa galit. Dinuro niya rin si Celeste.Si Celeste naman ay natahimik sa gulat dahil sa ginawa ni Scarlet sa kaniya. Hindi siya makapagsalita. She couldn't defend herself to her.“Magkasama silang dalawa rito sa loob ng silid ni Green kanina nang biglang nagsisigaw si Green!” sumbong ng isang babae. Lahat sila ay tanging si Celeste ang tinuturong may kasalanan sa kung anuman ang nangyayari kay Green ngayon.“C-Celeste? A-ano ba’ng nagawa naming masama sa iyo? Bakit ang laki ng galit mo sa amin? Bakit mo ito ginagawa sa amin? Ano ang kasalanan namin sa iyo? Kami nga dapat ang magalit sa iyo dahil sa mga ginawa mo, pero bakit patuloy mo kaming ginaganito, ha?” galit na galit niyang saad at saka nilapitan si Green nang bigla itong sumigaw sa sakit.“Green! Ano’ng nangyayar
THIRD PERSON’S POV“Isang malaking suliranin kung gano’n ang nangyari,” saad ni Alpha Goddess Hely sa lahat.Kasalukuyan silang nasa pagpupulong ngayon sa bulwagan ng akademya. Nagpatawag ng pulong sina Green, at Yazenth tungkol sa nangyari kay Green kanina.Naagaw din ang atensyon ng lahat, maging si Alpha Goddess Hely, Queen Affinity, God Rain, God Astrid, at Goddess Heldy sa nangyari dahil nakita nila ang malakas na liwanag na umangat sa kalangitan. Naramdaman din nila ang malakas na enerhiyang nagmumula sa dormitoryo ng mga babae. At lahat sila ay hindi napigilan ang mangamba kanina sa nakita. Hindi nila alam kung ano ang nangyayari dahilan kung napagdesisyonan nilang puntahan ito ngunit huli na noong nawala ito.Pagkatapos niyon ay ang paglabas nina Green mula sa dormitoryo. Kitang-kita sa pagmumukha nilang lahat ang kakaibang takot na hindi maipinta. Maging si Green ay tila umurong ang dila noong mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin, at kung paano ipapaliwa
THIRD PERSON'S POV“G-Green . . . ” tawag sa pangalan niya ni Scarlet at saka dali-daling naglakad upang habulin siya.Nauna nang umalis si Celeste dahil pahiyang-pahiya siya kanina. Hindi niya lubos akalain na makakayang gawin iyon ni Scarlet sa kaniya, ngunit naisip din niya walang-wala iyon sa nagawa niyang pagtataksil. Kaya hindi niya masisisi si Scarlet, at saka karapat-dapat siya sa mga nasabi nito sa kaniya. Gayunpaman ay kailangan niyang mapag-isa, at i-proseso lahat ng iyon hanggang sa hindi na siya makaramdam ng sakit.Habang sina Yazenth, Virgo, at Mnemosyne ay magkakasamang tumungo sa isang lugar upang gawin ang nararapat nilang isagawa upang masiguro ang kaligtasan ng lahat dahil hindi imposibleng sumugod ang kanilang mga kalaban ngayon sa akademya. Kahit pa man dehado na sila dahil sa pagkawala ng limang Infinity Gems ay kailangan pa rin nilang lumaban. Hindi rason ang pagkawala ng mga iyon upang sumuko na sila. Hangga’t humihinga pa sila ay lalaban sila hanggang kamatay