Share

Chapter 94: Awakening Of The Traitor

THIRD PERSON'S POV

“Ina . . . ” pagbati ni Green nang makapasok silang dalawa ni Scarlet sa opisina ni God Rain. Agad siyang nagmano, at ganoon din ang ginawa ni Scarlet.

“Your Majesty,” ani Scarlet nang nakangiti.

“God Rain,” sunod na sabi ni Green at nagmano rin.

“Hi, Yazenth . . . ” malanding saad naman ni Scarlet kay Yazenth nang tumabi siya sa kaniya.

Umirap si Green nang marinig iyon. Hindi iyon nakita nina Yazenth at Scarlet, ngunit natawa si God Rain nang makita ito na ipinagtaka nilang lahat pero minabuti na lang na huwag sabihin sa kanila kung bakit.

“Mabuti’t narito na kayo . . . ” saad ni God Rain habang pinipigilan ang kaniyang tawa. “Nalaman namin kay Yazenth na dumaan muna kayo kay Celeste bago pumarito, kamusta na ang kalagayan niya?” Naging seryoso ang tinig nito at saka napatitig kay Green.

“Siyang tunay, at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising. Ngunit ang sabi ng mga Healer ay anumang oras ngayong araw ay posible siyang magising,” agad naman niyang sagot.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status