THIRD PERSON’S POVAlpha God Tartarus stood up. He fixed his cloak and the grin on his lips was visible as he started to approach Green. Green just remained where she was standing, and didn't dare to move back to avoid him. But her heart raced back and forth even more, and the shiver automatically spread in his chest when he walked closer to her, until they were only a few inches away from each other already. She was taken aback. She seemed to be out of breath because she could really feel how intimidating his presence was. It was suffocating to the point that she wanted to run away from him, pero imposible na niya itong magawa dahil sa lapit nito sa kaniya.“Seems like you can’t hide how scared you are already,” he stated, grinning in satisfaction.Green bit her bottom lip as she clenched her fist, trying to stop the shiver on her hands, even on her knees. Until Alpha God Tartarus blew something on her, it was a dark smoke that immediately entered her nose. And in just a moment, she
THIRD PERSON'S POVNagising si Green nang may maramdaman siyang kakaiba sa kaniyang katawan. Nakararamdam siya nang panghihina ng kaniyang katawan. Tila ba parang may humihigop sa kaniyang enerhiya palabas ng kaniyang katawan. Hanggang sa ma-realize niya na nasa loob siya ng isang parang shield habang nakahiga. Sinubukan niyang itulak kung anuman ang bumabalot sa kaniya ngunit hindi niya ito magawa. Wala na siyang lakas pa upang gawin iyon dahil tila ba namamanhid ang kaniyang katawan. Wala halos siyang maramdaman. Sinubukan niyang magpalabas ng enerhiya mula sa kaniyang mga palad ngunit hindi rin niya ito magawang gawin. Kaya hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba at takot. Iginala niya ang paningin sa paligid. Hindi pamilyar sa kaniya ang lugar. Nag-iisa lamang siya, wala siyang makitang kahit na ano sa paligid, kahit mga puno man. Parang nasa isa siyang patay na kalupaan — ang Demiana, ang mundo kung saan napupunta ang mga namatay na nilalang na hindi makapasok o tinanggap sa He
THIRD PERSON'S POVScarlet stared at her with annoyance. She feel irritated to what Celeste was doing and said. “P-para saan pa iyang pagpapaliwanag mo na iyan? Celeste, you have nothing to explain to me or even to Green kasi ikaw na rin ang nagsabi noon na hindi mo naman kami tinuring na kaibigan, na ayaw mo ako, galit ka sa akin, at naiirita pero pinapakasamahan mo lang ako dahil kawawa ako,” she said stupendously as she glared at her.Celeste chuckled. She even bit her bottom lip in frustration. “Scarlet . . . i-i d-didn’t mean all of those. Ang totoo niyan ay sinabi ko lang iyon para layuan mo o ninyo ako dahil ayaw ko kayong madamay at masaktan pa lalo sa mga ginagawa ko. Iyon ang dahilan. Kung anuman ang mga nasabi ko, hindi iyon totoo,” she explained. She was trying to convinced her.Scarlet sighed as yawned in purpose to show to Celeste that she was getting bored of the conversation between them.“Scarlet, alam kong hindi mo ako mapapatawad lahat sa mga nagawa at nasabi ko sa
THIRD PERSON’S POV“M-may alam ka ba sa nangyayari ngayon sa kalangitan, Alpha Goddess Hely?” seryosong tanong ni Headmaster Rain. Siya man — the God of Thunder, at si Yazenth — the God of Sky ay hindi maipaliwanag at maintindihan kung ano talaga ang nangyayari. Kaya nagbabakasakali siya na alam ito ni Alpha Goddess Hely.All of them gazed at her upon hearing Headmaster Rain question. They all wanted to know it, so they waited for Alpha Goddess Hely to speak.Seryosong napatingin si Alpha Goddess Hely kay Headmaster Rain. She was hesitating to tell them what she knew because it would just affect them, especially that they will be in a battle for a moment. Kaya sa halip na sabihin ang totoo ay nagbigay lamang siya ng maliit na impormasyon tungkol sa kung anuman ang nangyayari.“Marami ang magtatangka. May magtagumpay. May magbabalik, at may lilisan . . . ” she said in riddles which made everyone confused about what she really wanted to say to them.“A-ano ang inyong ibig sabihin?” nagu
THIRD PERSON’S POVHindi pa tuluyang nauubos ang mga Demon maging ang mababangis na mga Hellhound ngunit sina Alpha Goddess Hely, Queen Affinity, God Astrid, Headmaster Rain, Leaves, Yazenth, Virgo, at Mnemosyne na lang ang nakatayong lumalaban sa kanila. Sina Celeste, Scarlet, Catterfeld, at O’brien ay nasa tabi na ng tarangkahan habang ginagamot ni Goddess Heldy.Wala nang malay sina Scarlet at O’brien dahil sa malalalim nilang mga sugat ngunit buhay pa sila. Kailangan lamang silang gamutin ni Goddess Heldy at magpahinga ngunit hindi sigurado kung kailan ulit sila magigising.Marami namang sugat sa iba’t ibang mga katawan nina Celeste at Catterfeld dahilan upang hindi na sila makalaban pa.May mga sugat na rin ang natitira pang lumalaban sa natitirang mga kalaban, at nanghihina na rin sila pero wala silang magagawa kun’di ang pilitin ang lumaban. Pagod na pagod na silang lahat ngunit kailangan nilang siguraduhin na ubos ang mga kalaban.Hanggang ngayon ay nagtatataka pa rin sila kun
THIRD PERSON’S POVNabaling ang tingin ng lahat sa direksyon kung saan nakatingin si Queen Affinity nang marinig nila ang kaniyang isinigaw noong pabalik na sana sila sa akademya.Sa galak na naramdaman niya ay agad siyang tumakbo palapit sa kinatatayuan ni Green. Walang makikitang emosyon sa mukha niya. Tila ba hindi siya ang Green na kilala nila.Tangka pa sanang pigilan ni Leaves ang ina nito pero hindi na nito nagawa dahil sa bilis ng pangyayari. Queen Affinity was ten meters away from Green already when she suddenly stopped upon feeling something from Green, but chose to ignore it and just continued walking closer to her daughter who was just standing straight like something was really wrong with her.Nabaling ang tingin ni Leaves kay Alpha Goddess Hely para alamin kung pareho sila ng nararamdaman. Nagtama naman ang mga mata nilang dalawa, at gaya nga nang nararamdaman at iniisip ni Green ay iyon din ang ipinarating nito sa kaniya sa pamamagitan lamang ng pag-uusap gamit ang kani
THIRD PERSON'S POVPagkagat ng dilim ay agad na nagpatawag ng isang pagpupulong si Alpha Goddess Hely, at kasalukuyan silang nasa bulwagan ngayon. Kasama sa pagpupulong sina Queen Affinity, God Astrid, Headmaster Rain, at Goddess Heldy, gayon din sina Yazenth, Leaves, Virgo, at Mnemosyne. Sina Celeste at Catterfeld naman ay nasa infirmary. Binabantayan nila ang kani-kanilang kaibigan na wala pa ring malay hanggang ngayon dahil sa nangyaring labanan kanina sa labas ng akademya.Parehong binabantayan ni Celeste sina Green at Scarlet. Parehas silang walang mga malay ngunit wala nang mga sugat ang kani-kanilang katawan dahil kay Goddess Heldy.Hindi niya maiwasan ang kabahan at matakot kay Green, maging si Catterfeld ay ganoon din ang nararamdaman dahil sa kanilang nasaksihan kanina. Hindi sila sigurado kung tuluyan na bang bumalik sa rati si Green. Kung kaya ay may limang mga kawal ngayon ang nakabantay kasama nila para kung sakaling magising si Green at wala pa rin ito sa kaniyang katin
THIRD PERSON’S POVMatapos ang ilang minutong pakikipagsagupaan nina Leaves, Yazenth, Virgo, at Mnemosyne kay Green ay nagawa rin nila itong huliin gamit ang kapangyarihan ni Virgo. Ikinulong niya ito sa isang kalasag na gawa sa tubig upang hindi makawala. Gayunpaman ay sa taglay na lakas na kapangyarihan ni Green ay magagawa rin nitong sirain iyon nang walang kahirap-hirap. Kaya ginamit ni Yazenth ang kaniyang kapangyarihan upang pagtibayin ang kalasag na tubig.Sinubukan naman ni Green na sirain ang kalasag na iyon. Mararamdaman sa lupa kung gaano kalakas ang pinapakawalan nitong enerhiya dahil nagdudulot ito ng pagyanig.Napabuntonghininga si Yazenth at saka siya napaupo sa damuhan dahil sa naramdamang pagod sa pakikipaglaban kay Green. Lahat sila ay may mga sugat sa katawan. Habol-habol din nila ang kanilang mga hininga habang minabuting magpahinga muna ng ilang sandali.Pinag-usapan nila kung ano ang gagawin kay Green. Alam nilang hindi nila kayang ilipat si Green sa ibang lugar,
THIRD PERSON'S POVTatlumpung minuto bago sumapit ang gabi ay magkakasama nang nagtipon sina Queen Affinity, Headmaster Rain, God Astrid, Goddess Heldy, kasama na sina Yazenth, at Leaves malapit sa tarangkahan ng akademya para sa pag-alis nina Alpha Goddess Hely at Green papuntang Helia. Nakatakda silang umalis ngayon ng akademya upang isagawa ni Alpha Goddess Hely ang kaniyang plano — ang natitirang paraan upang ibalik muli ang nawalang kapangyarihan at alaala ng itinakdang nilalang na magtatapos sa kasamaan ni Alpha God Tartarus — si Green.Nakatakda rin ang pag-alis ni Headmaster Rain patungong Emerald upang alamin ang suliraning nagaganap doon na hinihinalaan na may kinalaman ang yumao niyang isang anak na si Finn. Hinala ng karamihan ay may alam si Finn tungkol sa kung anuman ang nangyayari ngayon sa buong Therra Universe. Nakahanda na rin siya upang umalis simula pa kagabi ngunit gusto niyang mauna munang makaalis sina Alpha Goddess Hely at ang kaniyang pamangkin na si Green upa
CHAPTER 119: FINDING ANOTHER WAYTHIRD PERSON'S POVKinaumagahan ay magkakasama sina Green, Celeste, at Scarlet patungo sa girl’s dormitory, ito ay sa kagustuhan ni Green dahil gusto niyang makilala ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng mga bagay o lugar na sentimental value sa kaniya. Hindi kasi niya mapigilan ang makaramdam ng kalungkutan sa kung anuman ang magaganap mamaya pagsapit ng gabi. Umaasa siya na sa ganitong paraan ay maaari niyang maibalik ang kaniyang alaala at kapangyarihan nang walang magsasakripisyo ng buhay. Kaya kailangan niyang maghanap ng ibang paraan upang ibalik ang kaniyang nakaraan. Sa kaniyang mga nalaman — ang pinagdaanan niya, maging ang lahat ay hindi niya mapigilan ang makunsensya. Marami nang nadamay sa kaniyang kapalaran na siya lang dapat ang kailangang humarap. Marami na ang nagbuwis ng kanilang buhay para sa kaniya. Husto na ang lahat na iyon, kaya niya ito ginagawa.Ngunit habang naglalakad sila papunta sa dormitoryo ay hindi nila naiwasan na makas
THIRD PERSON'S POVHindi makapaniwala si Scarlet sa mga tunuran ni Celeste sa kaniya. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit napansin niyang parang may nagbago kay Green noong nakita niya ito kanina. Tila ba hindi niya alam kung saan siya papunta no’ng nakita niyang naglalakad siyang mag-isa kanina. Tila rin hindi siya nito naaalala, ngunit minabuti lamang niya itong hindi pansinin dahil naiintindihan niyang marami siyang iniisip, at saka nagagalak siyang makita siyang muli na nakabalik na. Wala kasi siyang kaalam-alam sa nangyari kay Green, kahit noong kinalaban niya sina Queen Affinity, Leaves, at Yazenth. Ngayon lamang niya ito nalaman kaya hindi niya mapigilan ang mabigla at makaramdam ng awa sa pinagdaanan ni Green. She has been through a lot starting when she was still a baby. Naiisip niya na kung sakaling nasa katayuan siya ngayon ni Green ay wala siyang gagawin kun’di ang sumuko na lang sa bigat ng responsibilidad niya. Kaya malungkot siyang lumapit kay Green na nanatili
THIRD PERSON'S POVDala ng kuryusidad ni Green sa lugar ay hindi niya sinunod ang sinabi sa kaniya ni Celeste — na huwag lumabas ng kaniyang silid.Maliwanag ang paligid dahil sa laki at pula ng buwan na parang may ibinabadya itong panganib. Dumagdag pa ang nakabukas na mga ilaw ng mga gusali ng akademya, at mga nagkalat na mga ilaw sa iba’t ibang parte nito.Alas-tres na ng madaling araw nang tingnan kanina ni Green ang orasan sa silid kung saan siya nagising kanina kasama ang maraming mga nilalang na hindi niya kilala. Gayunpaman ay tanging mga kawal pa lang ang nakakasalubong niya sa daan, na nagbibigay sa kaniya ng paggalang.Hindi naman niya nakakalimutan ang isang habilin ni Celeste sa kaniya kanina — na huwag siyang magsasalita tungkol sa nangyayari sa kaniya. Sinunod niya iyon, tanging malawak na ngiti lamang ang iginagawad niya sa lahat ng nakakasalubong niya. Ngunit hindi pa rin maiwasan ng mga ito na magtaka sa kaniya dahil nagbibigay din ito nang paggalang, gaya ng ginagaw
THIRD PERSON'S POVMatapos ang ilang minuto ay nakarating din si Celeste sa harap ng pinto ng opisina ng Headmaster. Bago siya pumasok ay kumatok muna siya, at may narinig naman siya sa loob na pinahihintulutan siyang pumasok. Kaya agad niyang pinihit ang door knob at maingat na binuksan ang pinto. Nadatnan niya sina Headmaster Rain, Queen Affinity, at Leaves sa loob na abala sa pag-uusap dahilan upang mapayuko siya.“Paumanhin kong naabala ko ang inyong pag-uusap, Your Royal Majesty, Queen Affinity, Headmaster Rain, at Your Highness, Leaves,” paghingi niya ng kapatawaran at saka itinaas muli ang tingim at magtama ang mga mata nilang dalawa ni Queen Affinity.Ginawaran siya ng isang ngiti ni Queen Affinity ngunit mapapansin sa kaniyang mga mata ang lungkot na nadarama dahil sa nangyayari ngayon sa kaniyang anak na si Green, at sa planong pagsasakripisyo ni Alpha Goddess Hely. Ilang araw at gabi na rin siyang walang pahinga kaya namumutla na rin siya.Ngumiti naman siya pabalik at muli
THIRD PERSON’S POV“Argh! Naguguluhan ako sa mga sinasabi mo . . . Nakakahilo,” she said, complaining and giggling because she didn't believe what Leaves was saying to her. She didn't believe in such things like fantasies, magical worlds, magics, and magical creatures.“True? Kapatid kita, seriously?” hindi makapaniwalang tanong niya at saka natawa na lang bigla.Umirap naman si Leaves sa naging reaksyon ni Green. Kanina pa siya nagtitimpi upang hindi niya masampal o masakal si Green pero namumuro na ito.“Can you just please listen to me? Yes, you heard it right, kapatid kita — kambal tayo. Haven't you noticed the girl wearing a green dress earlier? She’s our mother. She’s a Queen, and we are Princesses. Kanina pa tayo rito pero hindi mo man lang mapansin na may resemblance tayong dalawa, hello?” she stupendously said as she glared at her once again.“At gaya nga ng sinabi ko, ikaw ang itinakda ng propesiya na lulupig kay Alpha God Tartarus, na siyang may gawa rin kung bakit wala kan
THIRD PERSON'S POVAlpha Goddess Hely, together with Queen Affinity, God Astrid, Goddess Heldy, Headmaster Rain, Yazenth, and Virgo were currently in the hall discussing something about how they could bring Green back to normal — to an immortal Goddess of Infinity, and of course Yazenth and Leaves’ mission in Emerald. Alpha Goddess Hely and Headmaster Rain were confused on their sudden mission without her knowledge.Leaves, on the other hand, was left with Green in the room to explain everything to her — about what really happened to her.“A-ano ang tinutukoy mong natitirang paraan upang maibalik ang aking anak sa rati, Alpha Goddess Hely? We can’t just sit here without doing anything. Hindi natin alam kung kailan ulit tayo susugurin ni Alpha God Tartarus. Kaya kailangan nating maayos ang lahat bago mangyari iyon, at alam mo iyan,” seryosong tanong at sabi ni Queen Affinity. “Sabihin mo lang kung ano ang maaari nating gawin . . . u-upang magawa ko na ito . . . ” she continued. She re
THIRD PERSON'S POV“A-ano ang ibig mong sabihin, Alpha Goddess Hely? Anong sinasabi mong isa na siyang mortal? P-paano? Paano nangyari iyon? A-ano ang nangyayari?” hindi makapaniwala at natatarantang mga katanungan ni Queen Affinity.She didn’t want to believe it, but coming from an Alpha Goddess Hely was something she must believe on the reason why she couldn’t help but be emotional and lost her mind of what she found out.Nagulat din ang lahat sa nalaman. Lahat sila ay nag-aalalang tumingin kay Green na mahimbing pa rin na natutulog kahit maingay na ang silid dahil sa mga bulungan nila.Naglakad si Alpha Goddess Hely palapit kay Green habang nakatitig sa kaniya. May mga planong dumadaloy sa kaniyang isipan ngunit nagdadalawang isip siya kung gagawin niya ito, ngunit alam niyang ito na lang ang natitira nilang pag-asang lahat.“Kagagawan ito ni Tartarus. Isinagawa nito sa Demiana dahilan upang magawang kontrolin si Green. Ito ang plano nito simula pa lamang kaya gusto nitong makuha si
THIRD PERSON’S POVPagkagat ng dilim ay nagpaalam na sina Leaves at Yazenth kay King Llwen, maging kay Goddess Eyelet pabalik ng Utopia — sa Royal Academy. Hindi sila maaaring magtagal pa sa Emerald dahil may nga suliranin din silang kailangan harapin, at mga katungkulan na kailangan gampanan.Wala namang magagawa si King Llwen kun’di ang hayaan sila sa kanilang pag-alis kahit pa man maiiwan ulit siyang mag-isa sa Emerald dahil sa kaniyang sariling tungkulin din. Lungkot at muling pangungulila ang nararamdaman niya habang paalis sina Leaves at Yazenth. Ngunit kailangan niya itong itago, kaya isang pilit na ngiti lamang ang gumuhit sa bibig niya habang hinihintay na mawala sa kaniyang paningin ang dalawa. Hindi na niya maihahatid ang mga ito papuntang borders ng Emerald dahil wala na siyang panahon pa upang gawin iyon.Nagawa naman niya ang mga dapat niyang gawin bago sila umalis. Kaya sapat na iyon para sa kaniya dahil iniisip na lang niya na pagkatapos ng kaguluhan ay muli silang mag