THIRD PERSON’S POV“M-may alam ka ba sa nangyayari ngayon sa kalangitan, Alpha Goddess Hely?” seryosong tanong ni Headmaster Rain. Siya man — the God of Thunder, at si Yazenth — the God of Sky ay hindi maipaliwanag at maintindihan kung ano talaga ang nangyayari. Kaya nagbabakasakali siya na alam ito ni Alpha Goddess Hely.All of them gazed at her upon hearing Headmaster Rain question. They all wanted to know it, so they waited for Alpha Goddess Hely to speak.Seryosong napatingin si Alpha Goddess Hely kay Headmaster Rain. She was hesitating to tell them what she knew because it would just affect them, especially that they will be in a battle for a moment. Kaya sa halip na sabihin ang totoo ay nagbigay lamang siya ng maliit na impormasyon tungkol sa kung anuman ang nangyayari.“Marami ang magtatangka. May magtagumpay. May magbabalik, at may lilisan . . . ” she said in riddles which made everyone confused about what she really wanted to say to them.“A-ano ang inyong ibig sabihin?” nagu
THIRD PERSON’S POVHindi pa tuluyang nauubos ang mga Demon maging ang mababangis na mga Hellhound ngunit sina Alpha Goddess Hely, Queen Affinity, God Astrid, Headmaster Rain, Leaves, Yazenth, Virgo, at Mnemosyne na lang ang nakatayong lumalaban sa kanila. Sina Celeste, Scarlet, Catterfeld, at O’brien ay nasa tabi na ng tarangkahan habang ginagamot ni Goddess Heldy.Wala nang malay sina Scarlet at O’brien dahil sa malalalim nilang mga sugat ngunit buhay pa sila. Kailangan lamang silang gamutin ni Goddess Heldy at magpahinga ngunit hindi sigurado kung kailan ulit sila magigising.Marami namang sugat sa iba’t ibang mga katawan nina Celeste at Catterfeld dahilan upang hindi na sila makalaban pa.May mga sugat na rin ang natitira pang lumalaban sa natitirang mga kalaban, at nanghihina na rin sila pero wala silang magagawa kun’di ang pilitin ang lumaban. Pagod na pagod na silang lahat ngunit kailangan nilang siguraduhin na ubos ang mga kalaban.Hanggang ngayon ay nagtatataka pa rin sila kun
THIRD PERSON’S POVNabaling ang tingin ng lahat sa direksyon kung saan nakatingin si Queen Affinity nang marinig nila ang kaniyang isinigaw noong pabalik na sana sila sa akademya.Sa galak na naramdaman niya ay agad siyang tumakbo palapit sa kinatatayuan ni Green. Walang makikitang emosyon sa mukha niya. Tila ba hindi siya ang Green na kilala nila.Tangka pa sanang pigilan ni Leaves ang ina nito pero hindi na nito nagawa dahil sa bilis ng pangyayari. Queen Affinity was ten meters away from Green already when she suddenly stopped upon feeling something from Green, but chose to ignore it and just continued walking closer to her daughter who was just standing straight like something was really wrong with her.Nabaling ang tingin ni Leaves kay Alpha Goddess Hely para alamin kung pareho sila ng nararamdaman. Nagtama naman ang mga mata nilang dalawa, at gaya nga nang nararamdaman at iniisip ni Green ay iyon din ang ipinarating nito sa kaniya sa pamamagitan lamang ng pag-uusap gamit ang kani
THIRD PERSON'S POVPagkagat ng dilim ay agad na nagpatawag ng isang pagpupulong si Alpha Goddess Hely, at kasalukuyan silang nasa bulwagan ngayon. Kasama sa pagpupulong sina Queen Affinity, God Astrid, Headmaster Rain, at Goddess Heldy, gayon din sina Yazenth, Leaves, Virgo, at Mnemosyne. Sina Celeste at Catterfeld naman ay nasa infirmary. Binabantayan nila ang kani-kanilang kaibigan na wala pa ring malay hanggang ngayon dahil sa nangyaring labanan kanina sa labas ng akademya.Parehong binabantayan ni Celeste sina Green at Scarlet. Parehas silang walang mga malay ngunit wala nang mga sugat ang kani-kanilang katawan dahil kay Goddess Heldy.Hindi niya maiwasan ang kabahan at matakot kay Green, maging si Catterfeld ay ganoon din ang nararamdaman dahil sa kanilang nasaksihan kanina. Hindi sila sigurado kung tuluyan na bang bumalik sa rati si Green. Kung kaya ay may limang mga kawal ngayon ang nakabantay kasama nila para kung sakaling magising si Green at wala pa rin ito sa kaniyang katin
THIRD PERSON’S POVMatapos ang ilang minutong pakikipagsagupaan nina Leaves, Yazenth, Virgo, at Mnemosyne kay Green ay nagawa rin nila itong huliin gamit ang kapangyarihan ni Virgo. Ikinulong niya ito sa isang kalasag na gawa sa tubig upang hindi makawala. Gayunpaman ay sa taglay na lakas na kapangyarihan ni Green ay magagawa rin nitong sirain iyon nang walang kahirap-hirap. Kaya ginamit ni Yazenth ang kaniyang kapangyarihan upang pagtibayin ang kalasag na tubig.Sinubukan naman ni Green na sirain ang kalasag na iyon. Mararamdaman sa lupa kung gaano kalakas ang pinapakawalan nitong enerhiya dahil nagdudulot ito ng pagyanig.Napabuntonghininga si Yazenth at saka siya napaupo sa damuhan dahil sa naramdamang pagod sa pakikipaglaban kay Green. Lahat sila ay may mga sugat sa katawan. Habol-habol din nila ang kanilang mga hininga habang minabuting magpahinga muna ng ilang sandali.Pinag-usapan nila kung ano ang gagawin kay Green. Alam nilang hindi nila kayang ilipat si Green sa ibang lugar,
THIRD PERSON’S POVNagtagumpay si Alpha God Tartarus sa kaniyang planong pagbuhay muli sa mga kaluluwa ng mga nilalang na napunta sa Demiana gamit ang Life Gem na kinuha niya kay Green. Lahat ng mga nilalang na ito ay may mabibigat na pagkakasala; pumatay, nagnakaw, naging ganid sa kapangyarihan at kung anu-ano pang mga pagkakasala na dahilan kung bakit hindi nila magawang pumasok sa Helia — kung saan napupunta ang mga nilalang na gumawa ng mabuti noong nabubuhay pa sila.Makakapangyarihan din ang mga nilalang na binuhay muli ni Alpha God Tartarus. Iba-iba ang kanilang mga lahing kanilang pinanggalingan. May mga halimaw din, at sapat na ang bilang ng mga ito para sa kaniyang nalalapit na paglusob sa kaniyang mga kalaban na patuloy na nagtatago sa Royal Academy.Hindi niya maiwasan ang ngumisi at iniisip pa lang niya ang mangyayari ay hindi niya maiwasan ang magdiwang dahil kumpiyansa siyang magtatagumpay siya kaniyang mga plano dahil hawak na rin niya ang sinasabi ng kapalaran na muli
THIRD PERSON’S POVMatapos ang mahigit isang oras na paglalakbay nina Leaves at Yazenth patungong Emerald ay sa wakas ay nakarating na sila sa borders nito. Inaasahan na nilang matatagalan sila pagpunta sa Emerald dahil ang pansamantala munang isinara at hindi ginagamit ang lahat ng lagusan sa kahit saan mang dimensyon ng Therra Universe. Kaya gumamit sila ng Sphinxes — a lion-bodied with wings. Ngunit sa kanilang paglalakabay ay marami silang nakalaban na Demons na pagala-gala sa kahit saang dimensyon, at inaasahan na nila iyon, kaya mas natagalan pa sila. Kaya noong dumating sila sa borders ng Emeraod ay marami na silang mga sugat sa katawan ngunit hindi naman ito malubha kaya hindi nila ito masyadong pinagtuunan ng pansin.Nang makalapag ang Sphinxes sa kalupaan ay agad silang bumaba, at nagpasalamat sa mga ito sa kanilang tulong papuntang Emerald. Pinayuhan din nila ang mga ito na manatili lamang sa kanilang kinatatayuan hangga't nasa teritoryo pa silang dalawa ng Emerald upang sa
THIRD PERSON’S POVPagkagat ng dilim ay nagpaalam na sina Leaves at Yazenth kay King Llwen, maging kay Goddess Eyelet pabalik ng Utopia — sa Royal Academy. Hindi sila maaaring magtagal pa sa Emerald dahil may nga suliranin din silang kailangan harapin, at mga katungkulan na kailangan gampanan.Wala namang magagawa si King Llwen kun’di ang hayaan sila sa kanilang pag-alis kahit pa man maiiwan ulit siyang mag-isa sa Emerald dahil sa kaniyang sariling tungkulin din. Lungkot at muling pangungulila ang nararamdaman niya habang paalis sina Leaves at Yazenth. Ngunit kailangan niya itong itago, kaya isang pilit na ngiti lamang ang gumuhit sa bibig niya habang hinihintay na mawala sa kaniyang paningin ang dalawa. Hindi na niya maihahatid ang mga ito papuntang borders ng Emerald dahil wala na siyang panahon pa upang gawin iyon.Nagawa naman niya ang mga dapat niyang gawin bago sila umalis. Kaya sapat na iyon para sa kaniya dahil iniisip na lang niya na pagkatapos ng kaguluhan ay muli silang mag
THIRD PERSON'S POVTatlumpung minuto bago sumapit ang gabi ay magkakasama nang nagtipon sina Queen Affinity, Headmaster Rain, God Astrid, Goddess Heldy, kasama na sina Yazenth, at Leaves malapit sa tarangkahan ng akademya para sa pag-alis nina Alpha Goddess Hely at Green papuntang Helia. Nakatakda silang umalis ngayon ng akademya upang isagawa ni Alpha Goddess Hely ang kaniyang plano — ang natitirang paraan upang ibalik muli ang nawalang kapangyarihan at alaala ng itinakdang nilalang na magtatapos sa kasamaan ni Alpha God Tartarus — si Green.Nakatakda rin ang pag-alis ni Headmaster Rain patungong Emerald upang alamin ang suliraning nagaganap doon na hinihinalaan na may kinalaman ang yumao niyang isang anak na si Finn. Hinala ng karamihan ay may alam si Finn tungkol sa kung anuman ang nangyayari ngayon sa buong Therra Universe. Nakahanda na rin siya upang umalis simula pa kagabi ngunit gusto niyang mauna munang makaalis sina Alpha Goddess Hely at ang kaniyang pamangkin na si Green upa
CHAPTER 119: FINDING ANOTHER WAYTHIRD PERSON'S POVKinaumagahan ay magkakasama sina Green, Celeste, at Scarlet patungo sa girl’s dormitory, ito ay sa kagustuhan ni Green dahil gusto niyang makilala ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng mga bagay o lugar na sentimental value sa kaniya. Hindi kasi niya mapigilan ang makaramdam ng kalungkutan sa kung anuman ang magaganap mamaya pagsapit ng gabi. Umaasa siya na sa ganitong paraan ay maaari niyang maibalik ang kaniyang alaala at kapangyarihan nang walang magsasakripisyo ng buhay. Kaya kailangan niyang maghanap ng ibang paraan upang ibalik ang kaniyang nakaraan. Sa kaniyang mga nalaman — ang pinagdaanan niya, maging ang lahat ay hindi niya mapigilan ang makunsensya. Marami nang nadamay sa kaniyang kapalaran na siya lang dapat ang kailangang humarap. Marami na ang nagbuwis ng kanilang buhay para sa kaniya. Husto na ang lahat na iyon, kaya niya ito ginagawa.Ngunit habang naglalakad sila papunta sa dormitoryo ay hindi nila naiwasan na makas
THIRD PERSON'S POVHindi makapaniwala si Scarlet sa mga tunuran ni Celeste sa kaniya. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit napansin niyang parang may nagbago kay Green noong nakita niya ito kanina. Tila ba hindi niya alam kung saan siya papunta no’ng nakita niyang naglalakad siyang mag-isa kanina. Tila rin hindi siya nito naaalala, ngunit minabuti lamang niya itong hindi pansinin dahil naiintindihan niyang marami siyang iniisip, at saka nagagalak siyang makita siyang muli na nakabalik na. Wala kasi siyang kaalam-alam sa nangyari kay Green, kahit noong kinalaban niya sina Queen Affinity, Leaves, at Yazenth. Ngayon lamang niya ito nalaman kaya hindi niya mapigilan ang mabigla at makaramdam ng awa sa pinagdaanan ni Green. She has been through a lot starting when she was still a baby. Naiisip niya na kung sakaling nasa katayuan siya ngayon ni Green ay wala siyang gagawin kun’di ang sumuko na lang sa bigat ng responsibilidad niya. Kaya malungkot siyang lumapit kay Green na nanatili
THIRD PERSON'S POVDala ng kuryusidad ni Green sa lugar ay hindi niya sinunod ang sinabi sa kaniya ni Celeste — na huwag lumabas ng kaniyang silid.Maliwanag ang paligid dahil sa laki at pula ng buwan na parang may ibinabadya itong panganib. Dumagdag pa ang nakabukas na mga ilaw ng mga gusali ng akademya, at mga nagkalat na mga ilaw sa iba’t ibang parte nito.Alas-tres na ng madaling araw nang tingnan kanina ni Green ang orasan sa silid kung saan siya nagising kanina kasama ang maraming mga nilalang na hindi niya kilala. Gayunpaman ay tanging mga kawal pa lang ang nakakasalubong niya sa daan, na nagbibigay sa kaniya ng paggalang.Hindi naman niya nakakalimutan ang isang habilin ni Celeste sa kaniya kanina — na huwag siyang magsasalita tungkol sa nangyayari sa kaniya. Sinunod niya iyon, tanging malawak na ngiti lamang ang iginagawad niya sa lahat ng nakakasalubong niya. Ngunit hindi pa rin maiwasan ng mga ito na magtaka sa kaniya dahil nagbibigay din ito nang paggalang, gaya ng ginagaw
THIRD PERSON'S POVMatapos ang ilang minuto ay nakarating din si Celeste sa harap ng pinto ng opisina ng Headmaster. Bago siya pumasok ay kumatok muna siya, at may narinig naman siya sa loob na pinahihintulutan siyang pumasok. Kaya agad niyang pinihit ang door knob at maingat na binuksan ang pinto. Nadatnan niya sina Headmaster Rain, Queen Affinity, at Leaves sa loob na abala sa pag-uusap dahilan upang mapayuko siya.“Paumanhin kong naabala ko ang inyong pag-uusap, Your Royal Majesty, Queen Affinity, Headmaster Rain, at Your Highness, Leaves,” paghingi niya ng kapatawaran at saka itinaas muli ang tingim at magtama ang mga mata nilang dalawa ni Queen Affinity.Ginawaran siya ng isang ngiti ni Queen Affinity ngunit mapapansin sa kaniyang mga mata ang lungkot na nadarama dahil sa nangyayari ngayon sa kaniyang anak na si Green, at sa planong pagsasakripisyo ni Alpha Goddess Hely. Ilang araw at gabi na rin siyang walang pahinga kaya namumutla na rin siya.Ngumiti naman siya pabalik at muli
THIRD PERSON’S POV“Argh! Naguguluhan ako sa mga sinasabi mo . . . Nakakahilo,” she said, complaining and giggling because she didn't believe what Leaves was saying to her. She didn't believe in such things like fantasies, magical worlds, magics, and magical creatures.“True? Kapatid kita, seriously?” hindi makapaniwalang tanong niya at saka natawa na lang bigla.Umirap naman si Leaves sa naging reaksyon ni Green. Kanina pa siya nagtitimpi upang hindi niya masampal o masakal si Green pero namumuro na ito.“Can you just please listen to me? Yes, you heard it right, kapatid kita — kambal tayo. Haven't you noticed the girl wearing a green dress earlier? She’s our mother. She’s a Queen, and we are Princesses. Kanina pa tayo rito pero hindi mo man lang mapansin na may resemblance tayong dalawa, hello?” she stupendously said as she glared at her once again.“At gaya nga ng sinabi ko, ikaw ang itinakda ng propesiya na lulupig kay Alpha God Tartarus, na siyang may gawa rin kung bakit wala kan
THIRD PERSON'S POVAlpha Goddess Hely, together with Queen Affinity, God Astrid, Goddess Heldy, Headmaster Rain, Yazenth, and Virgo were currently in the hall discussing something about how they could bring Green back to normal — to an immortal Goddess of Infinity, and of course Yazenth and Leaves’ mission in Emerald. Alpha Goddess Hely and Headmaster Rain were confused on their sudden mission without her knowledge.Leaves, on the other hand, was left with Green in the room to explain everything to her — about what really happened to her.“A-ano ang tinutukoy mong natitirang paraan upang maibalik ang aking anak sa rati, Alpha Goddess Hely? We can’t just sit here without doing anything. Hindi natin alam kung kailan ulit tayo susugurin ni Alpha God Tartarus. Kaya kailangan nating maayos ang lahat bago mangyari iyon, at alam mo iyan,” seryosong tanong at sabi ni Queen Affinity. “Sabihin mo lang kung ano ang maaari nating gawin . . . u-upang magawa ko na ito . . . ” she continued. She re
THIRD PERSON'S POV“A-ano ang ibig mong sabihin, Alpha Goddess Hely? Anong sinasabi mong isa na siyang mortal? P-paano? Paano nangyari iyon? A-ano ang nangyayari?” hindi makapaniwala at natatarantang mga katanungan ni Queen Affinity.She didn’t want to believe it, but coming from an Alpha Goddess Hely was something she must believe on the reason why she couldn’t help but be emotional and lost her mind of what she found out.Nagulat din ang lahat sa nalaman. Lahat sila ay nag-aalalang tumingin kay Green na mahimbing pa rin na natutulog kahit maingay na ang silid dahil sa mga bulungan nila.Naglakad si Alpha Goddess Hely palapit kay Green habang nakatitig sa kaniya. May mga planong dumadaloy sa kaniyang isipan ngunit nagdadalawang isip siya kung gagawin niya ito, ngunit alam niyang ito na lang ang natitira nilang pag-asang lahat.“Kagagawan ito ni Tartarus. Isinagawa nito sa Demiana dahilan upang magawang kontrolin si Green. Ito ang plano nito simula pa lamang kaya gusto nitong makuha si
THIRD PERSON’S POVPagkagat ng dilim ay nagpaalam na sina Leaves at Yazenth kay King Llwen, maging kay Goddess Eyelet pabalik ng Utopia — sa Royal Academy. Hindi sila maaaring magtagal pa sa Emerald dahil may nga suliranin din silang kailangan harapin, at mga katungkulan na kailangan gampanan.Wala namang magagawa si King Llwen kun’di ang hayaan sila sa kanilang pag-alis kahit pa man maiiwan ulit siyang mag-isa sa Emerald dahil sa kaniyang sariling tungkulin din. Lungkot at muling pangungulila ang nararamdaman niya habang paalis sina Leaves at Yazenth. Ngunit kailangan niya itong itago, kaya isang pilit na ngiti lamang ang gumuhit sa bibig niya habang hinihintay na mawala sa kaniyang paningin ang dalawa. Hindi na niya maihahatid ang mga ito papuntang borders ng Emerald dahil wala na siyang panahon pa upang gawin iyon.Nagawa naman niya ang mga dapat niyang gawin bago sila umalis. Kaya sapat na iyon para sa kaniya dahil iniisip na lang niya na pagkatapos ng kaguluhan ay muli silang mag