Panay ang dasal ko sa Diyos, na sana ay ayos lang ang mga anak ko. Na sana walang nangyaring masama sa kanila."How does it happen, Harve?" Hind8 mapakaling tanong ko habang lulan kami ng private plane. Hindi ko na inalam pa kung paano at saan niya kinuha ang eroplanong kinalululanan namin. Ang importante sa akin ngayon ay ang makita at malamang ayos lang ang mga anak ko." Hindi ko din alam. Hindi naging specific si Mom sa nangyari sa dalawa. Ang sinabi lang nila ay dinala nila ang dalawa sa hospital." Pari ito ay galatang nag aalala at kinakabahan. Panay din ang galaw nito sa kanyang upuan.Para na akong mababaliw sa kakaisip kung napaano ang mga anak ko. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na iniwan sila tapos ito pa ang mangyayari." I should've let them stay. Sana sinama ko na lang sila. Hindi sana mangyayari ito." Puno ng pagsisisi ang boses ko. Napahilamos pa ako ng aking mukha dahil sobramg frustrated na ako. We even contacted his parents pero hindi na sila sumasagot. Kaya mas n
Hindi naman masyadong delikado ang lagay ng dalawa. Buti na lang daw at konting tubig lang ang nainom ng isa, but Eros got more fluids. Mas matagal kasi ito sa tubig. Thank God at nakita sila agad bago sila lumubog sa tubig. Laking pasasalamat ko sa katulong na sumagip sa kanila. I got to thank her last time. Sinadya ko siyang puntahan sa bahay ng mga magulang ni Harve. But of course, sinigurado kong wala doon ang mga magulang niya. Gaya ng kuwento ng nagbabantay sa kanila. Iniwan lang daw nila saglit. At pagbalik daw nila, nagsisigawan na ang iba habang nililigtas ng isa ang dalawa. Tig isa sila ng yaya pero wala silang dalawa. Ang isa kumuha daw ng merienda ng mga bata at ang isa biglaan daw nanakit ang tiyan kaya tumakbo papuntang banyo. Binilinan daw naman nito ang dalawa, pero aksidente is aksidente. Sa totoo lang, hindi ko alam kung kanino ako magagalit. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Pero in the end, mas minabuti kong sisihin na lang ang sarili kaysa sa mga yaya nil
A phone call waked me up from a weird dream.Inabot ko ang selpon ko sa ilalim ng aking unan. Pagtingin ko, nagtaka ako. I never put my ringtone on sound. Laging nakavibrate or silent ang phone ko. That way, hindi ako maistorbo. Saka parang natutulele kasi ang tainga ko kapag may naririnig akong tunog na tawag. I love music, though."Who set the f*cking disturbing ringtone?" Yamot na yamot kong saad at tinignan kung sino ang tumatawag. Nang makita ko kung sino--- agad ko iyong sinagot."Hey, what's up? Namiss mo ako?" Pumupungay na naupo ako sa kama. "Sorry about that. Yeah, nakauwi na ako. Biglaan kasi and it's an emergency." Naalala ko na naman ang mga anak ko. "Yeah and they are okay now. Don't worry. I'm sorry talaga." It's Jero, who called. Akala niya nasa Paris pa rin ako. Gusto niyang magkita kami ulit. Bumaba na ako ng kama habang nakikinig sa sinasabi nito. Ang kaninang inis ko ay napalitan na ng sigla."What is taking you so long to go home?" Tanong ko at napanguso sa kanya
"Nasaan si daddy, mommy?" Tanong ni Nero sa akin. Aalis na dapat kami after lunch papunta kina papa. Kahapon pa sana kami nakarating kung hindi lang naantala dahil sa malakas na ulan. So, napagpasyahan namin or rather ako, na magstay muna sa isang hotel. Ordinaryong hotel lang sana but we ended up in a luxurious hotel. Perks of being a billionaire."May pinuntahan lang..." sagot ko. Ang totoo niyan ay hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo nagtungo si Harve. After nang nangyari kaninang umaga ay hindi pa ito bumabalik pagkaalis niya."Pero hapon na mommy. Lolo Pa is waiting for us. Baka po mag alala siya sa atin." May pag aalalang saad ni Eros na nakaupo sa may sofa. Kanina pa kasi sila nakabihis at hinihintay ang pagdating ng daddy nila."Natawagan ko na ang Lolo Pa niyo na medyo magagabihan tayo. Let's wait for your daddy first. Pabalik na 'yon.""Okay po, mommy." Sagot nilang dalawa sa akin at itinutok na ang mga mata sa pinapanood nilang movie cartoon.Napabuntong hininga na la
After what happened, I need to unwind. Hinayaan ko ang unang pagkakataon na nakita ko siya kasama ang ibang lalake. Ang sweet nila ng araw na iyon. Pagkakamalan talaga sila ng ibang nakakakita. They are like lovers chatting, eating, walking and laughing."Peste!" Mura ko at naglakad papalabas ng hotel. Hindi ko na dinala ang sasakyan. Mas gusto kong maglakad lakad para mahimasmasan ang galit at inis ko. "Damn that man for ruining my mood. Okay na, eh. Akala ko hindi na sila magkikita pa. How dare him call my wife and threaten me that way. Subukan lang ng pesteng iyon! Isasako ko siya at iiwan sa gitna ng daan. Letse!" Inis na inis talaga ako ngayon. Ang sarap pa ng tawa ni Rain habang nakikipagkuwentuhan sa lalakeng katawag. Mga tawa na hindi ko man lang narinig simula ng magkita kaming muli. Even when we were in college. He didn't looked at me like he looked at that man. Mas may ibubuga naman ako sa lalakeng iyon. Macho pa ako at may abs. I am a billionaire. Tagapagmana. CEO ng kompa
Ayoko mang aminin sa aking sarili pero nag aalala ako sa hudyong lasenggong lalaki na nasa passenger seat. He deserved the headache, but I can't just let him feel it. Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ko at ipinark ko sa gilid ang sasakyan nang makita ko ang bilihan ng gamot.-"I am just a concern citizen. Saka ayokong masisi ng mga magulang nito kung bumulagta ito bigla. Nasa custody ko siya kaya wala akong choice kung hindi ang ibilhan ang hudyo ng tubig at gamot."- Pagkausap ko sa aking sarili habang naglalakad papasok ng bilihan. Nakikipag away ako sa sarili ko." Akala ko ba deserve niya? Kanina lang falit na falit ka tapos ngayon, binibilhan mo ng gamot. Hanep ka, ah. Ano yan? Caring ka lang sa lagay na yan? " Kontra ng aking isip.Napapikit ako at bumuga ng hangin bago pumasok sa loob. Sinabi ko na agad sa pharmacist ang bibilhin ko. Iniabot ko na din ang tubig na kinuha ko sa may estante malapit sa pinto. Napansin ko din ang coffee shop sa kabilang establishment. Dadaan na
Napapabuntong hininga na lang ako habang nakaupo sa kubo malapit sa dagat. Pinagmamasdan ko ang mag aama na nakatampisaw sa dagat. Makikita mo talaga ang kasiyahan sa kanilang mga mukha. Harve itself is a good father. Nakikita ko iyon simula nang makilala niya ang dalawa. He spoiled the two so much. Lahat ng luho ng dalawa ay binibigay niyo. Kahit nga ayaw tanggapin ng nga anak nito ay wala din sila magagawa. Laging linya ng daddy nila ay bumabawi lang siya sa taong hindi niya ito nakakasama. Mga laruan, sapatos, mga damit at marami pang iba. Lahat ng iyon ay binibigay ni Harve sa kanila. Walang pag aalinlangan at walang pagdadalawang isip. Iniisip ko na nga lang kapag natapos na ang pagpalanggap sa pagitan namin. Ano na lang ang mangyayari sa mga anak ko? Will he still treat them like he always do? O magbabago ito? "Ang lalim ata ng iniisip ng anak ko." Napabaling ako kay tatay. Hindi ko namamalayan ang kanyang paglapit. Iniabot nito ang baso na may lamang juice. Agad ko itong ina
"Mali!" Sigaw ng aking isipan habang pinipilit na isara ang pinto ng kuwarto na siya namang pilit na binubuksan ni Harve. Mali talaga ang pagtakbo ko pauwi ng bahay. As in maling mali. Bakit ba kasi hindi ko naisip ang mangyayari? Dapat pumasok na sa isip ko na suaundan niya ako. Sa kamanyakan kasi ng hudyong lalake na ito--- malamang sa malamang. May magaganap na hindi ko na naman makontrol. He's always using a seductive way to seduce me. Pesteng lalakeng ito. Alam na alam kung paano ako mapapasuko. I don't even like him. "Umalis kang manyak ka, kung ayaw mong sumigaw ako dito at kuyugin ka ng mga kapitbahay." Mariin ang pagkakasabi ko para naman matakot siya, pero tumawa lang ito na mas ikinainis ko. Ang lakas ng loob niya na tumawa. "Tatay, gave me his blessings, babi. Kaya kahit sumigaw ka--- kakampi namin lahat ng mga taga dito." Napatirik na naman ang aking mga mata sa narinig. Bakit ba nagiging bobo ako ngayon? Of course, hindi mangingialam ang mga taga dito dahil alam nila
HARVE HINDI ko alam kung ano pa ba dapat ang gagawin ko. lalo na sa mga nalaman. Kahit anong kalma anv gawin ko y nananaig ang galit. That assh*le is trully a f*cking bastard. Kung pwede lang na ako na mismo ang kumitil ng buhay niya ay ginawa ko na. But I am not God, to get his f*cking useless life. "F*ck, f*ck, f*ck!" sunod-sunod kong mura ng ibigay ni Carlo sa akin ang envelope na naglalaman kung sino nga ba ang kalaban ko. "Al these years...." "May nasagap din ako mula sa mga source ko, na nagbooked daw siya ng plane tickets." Napatingin ako sa kausap dahil sa sinabi niya. "And they are leaving the country in about a week or two." "They?" kunot-noong tanong ko. "Yes, he's with your wife. And he changed the identity of your wife. Gumamit siya ng ibang pangalan para makaalis sila ng bansa," he explained. Napakuyom ako ng aking kamao sa galit. He's taking away Rain from us. I blow a loud breathe to calm myself down at para na din makapag isip ako nang tama. "What should
-Rain's point of view- STARING at Jeronel, I know that he really changed. Ang dating maamo nitong mukha ay napalitan na ng seryoso at nakakatakot na awra. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko dahil sa nakikita. Jeronel changed and it hurts me. Hindi dapat niya hinahayaan ang sariling mabulag ng pagmamahal niya para sa akin.Akala ko ay tanggap na niya iyon---na hanggang kapatid at kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya... nagkamali pala ako. He has his plans on getting what he wants. Lalo na ang makuha ako. Sobrang nagtiwala ako sa kanya, to the point na iniiwan ko pa sa kanya ang mga bata at inilapit ko din siya kay tatay.And knowing na lahat pala ng mga nangyari ay naka-ayon sa plano niya, pati ang pagkakakilala naming dalawa. He planned all of that.Naalala ko ang araw na nagkakilala kami. It was a very traumatic one for me. And yeah, lingid din sa kaalaman ko na kilala niya pala ako at nag aral kami sa iisang paaralan way back in high school. And I was r
NAPAKABIGAT ng pakiramdam ko ngayong araw. I don't know why, but I feel odd. Hindi ko mapangalanan ang kabang nadarama. Kaba na may takot. I never felt like this before. Ngayon lang."Hey, are you okay?" I was back on my own reverie when Jordan asked me. Agad akong umiling. "I'm feeling a bit weird and I don't know why." sagot ko."Weird?" He chuckled. Akala siguro nito ay nagbibiro ako. "You never felt that not until just now." Sinamaan ko siya ng tingin na ikinatigil nito sa pagtawa at agad na tumikhim."So, ahmm... how weird?" he asked, making his self serious. Kahit na alam kong natatawa ito sa loob loob niya.I sighed."I don't know, I can't name it. Feeling ko parang may hindi magandang mangyayari." Napatayo ako sa aking kinauupuan at naglakad papunta sa glass panel. Pinakatitigan ko ang mga naglalakihan at nagtatayugang mga gusali sa aking harapan. "What do you mean by that?" Naging seryoso na ang boses nito.Nagkibit balikat ako, "hindi ko din alam, Jordan. Hindi ko maintin
Muli akong napapikit dahil sa kadiliman ng paligid. Hindi ko alam kung bakit nakapatay ang ilaw. Hindi ko naman iyon pinatay kanina."Brownout ba?" nakapikit pa ring tanong ko sa aking sarili. "Ha---" napatigil ako sa pagtawag sana kay Harve nang maalala kong hindi pwedeng mawalan ng kuryente ang hospital na kinaroroonan ni tatay. Dahan-dahan akong nagmulat at ibinaba ang paa sa matigas na kamang kinahihigaan ko. Sa kama palang ay nagtataka na ako. Wala namang matigas na higaan sa hospital dahil isa itong private room.Nag umpisa na akong kabahan dahil sa mga pumapasok na masamang senaryo sa aking isipan. Dahan dahan akong naglalakad habang kinakapa ang paligid. Nagbabakasakaling makapa ko ang switch ng ilaw.And I was scared, when I accidentally kicked something on the floor. At mas lalo akong natakot nang onti-onting nagfa-flashback ang lahat sa aking isipan. The man with that stinky handkerchief. Agad akong napaatras kahit na sobrang dilim pa ang paligid. At iisa lang ang gusto ko
-Rain's point of view-Mabilis na lumipas ang mga araw. At sa mga araw na dumadaan ay malapit na akong mawalan ng pag asa. Malapit ng manalo ang pagsuko sa aking sistema dahil sa araw araw na binigay ng Diyos--- nagiging komplikado ang lagay ng aking ama.Tinatanggihan na nito ang mga gamot na dapat ay pinasok sa katawan niya. Ayaw na rin nitong magpadialysis. Pinaparamdam nito sa akin na ginagawa niya lang na lumaban dahil sa akin, kahit na suko na ang katawan nito. Ang pinakamasakit sa akin ay ang marinig mula sa bibig ni tatay na napapagod na siya at gusto na niyang makasama ang nanay. That pains me a lot. Tila sinasaksak nang paulit-ulit ang puso ko. Ang sakit isipin na gusto ng magpahinga ni tatay at ako lang ang pumipigil sa kagustuhan nitong makasama ang nanay.I'm scared.Takot akong maiwanang muli. Takot akong maranasan ang mawalan ng taong importante sa puso ko. Takong akong maranasang muli ang sakit nang mawalan ng minamahal.Nang mawala si nanay ay gumuho na ang kalaha
-Harve's point of view-Pabagsak akong umupo sa sofa ng bahay. Nakakabingi ang katahimikan ng bahay. Dad and I, had an argument again and again. Nakakasawa at nakakapagod ang magpaliwanag sa kanila ni mom. Kahit anong paliwanag ang gawin mo--- maniniwala lang sila sa gusto nilang paniwalaan. Even if all the evidence are infront of them. I sighed a multiply times. I need air to breathe. Hanggang kailan ba sila magbubulagbulagan?Matatanda na sila and yet, they are acting lang teenagers or a kid that are hard to please. Sasabog na ata utak ko sa kakaisip ng kung ano ang dapat kong gawin sa mga magulang ko.Hindi nila makuha ang gusto kong iparating kahit na paulit-ulit kong ipoint out sa kanila.And for now... I wanted peace of mind. Malayo sa kanila at malayo sa mapanghusga nilang mga mata. Malungkot ako napangiti. Until now, ganoon pa din ang ugali nila. Sala sa lamig at sala sa init. Mabango ka kapag nagawa mo ng tama ang pinapagawa nila. At stupido ka kapag hindi. Just like tha
Lalapitan ko sana si tatay ng bigla itong magpaalam na may sasaglitin lang sa kumpare nito. Ang bilis niyang magtsinelas. Pinipigilan ko siya dahil may pag-uusapan kami, pero saglit lang daw at nagmamadali ng umalis.Umiiwas si tatay sa akin simula pa kaninang pagdating namin. I'm sure of it. Ayaw niyang magkasarilinan kaming dalawa. Alam ko na alam nito ang pag-uusapan namin kaya ganoon nalang siya umakto."Why is it hard for you to tell me, tatay?" tanong ko sa papalayong pigura niya. "Hindi ko pa kayang sundan niyo si mama. Hindi ko pa kaya. Gagawin ko ang lahat para manatili kayo sa tabi namin..." nangangakong bigkas ko at tumingin sa kisame para pigilan ang luhang gustong kumawala sa aking mga mata.I am frustrated by the way tatay confirmed everything. Mas nangingibabaw na ang katotohanang may sakit nga ito, ayaw lang tanggapin ng puso ko at lalong ayaw kong maniwala.Alam niyang nalaman ko na ang lahat. Base on his moves--- halatang sinadya nitong ipagsabi ang karamdaman. I kno
-Rain's point of view-Nakatanaw ako sa papalubog na araw sa kalangitan. Hindi ko mai-paliwanag ang nadarama ko. Harve is lying. Hindi ko alam kung ano ang dahilan nito para magsinungaling sa akin.Hindi niya kami ihahatid dito kina tatay ng ganoon-ganoon na lang. He has his reasons, yes, but I know something is off. Lalo na nang marinig ko siyang kausap si Jordan sa phone niya. And Harve is talking about some kind of evidence and proof."Something is not right..." mahinang bigkas ko at napaisip.I know Harve, when he's lying. Kaninang umaga--- sigurado akong nagsisinungaling siya. Malito ang kanyang mga mata at hindi makatitig ng diretso. Iniiwasan din nitong magkasarilinan kami. Hindi rin alam ni Harve na nakausap ko si tatay kahapon. Wala naman itong nabanggit tungkol sa pabor na sinasabi niya. Yun pa lang ay nagsisinungaling na siya. I tried searching for his phone. Tinignan ko kung anong mahahanap ko. But I found nothing, but sweet messages for me. Walang kalaman laman ang p
-Harve's point of view-Napakunot ang aking noo sa gustong tumbukin ni Jordan."Why didn't you tell me?" sermon nito. Nasa presinto kami at magkaharap na nakaupo. Siya ang tinawagan ko para puntahan si Rain sa sinabing hospital. "Gago!" mura ko, kung katabi ko lang siguro ito at nabatukan ko na siya. "Ano naman ang tingin mo sa akin? Adik? Baka gusto mong iplastic din kita at gawing pulbura?""Eto naman, hindi mabiro. Pero seryoso--- kaibigan mo ako at pwede mong sabihin sa akin ang lahat. Hindi kita huhusgahan." Sinamaan ko siya ng tingin. "Those are not mine. Remember, galling ako ng condo mo. And you know me too well, Jordan. Someone framed me up. Sigurado ako dun." "Actually, yan din ang iniisip ko kanina pa. Base na din sa biglang tawag na natanggap mo--- tapos wala naman pala doon ang asawa mo at nasa bahay niyo. I think alam ng nag frame up sa 'yo ang lahat ng kilos mo.""And to think na sinabi sa akin ng mga pulis na may nagtip sa kanila tungkol sa akin. And to the fact n