10:00PM, December 31, 2018
"Hey, dude! Faster!" mahinang tawag ni Cody sa kaibigan.
"Shh! Huwag kang maingay! Baka may makarinig sa 'yo," bulong ni Bryan.
"Ang bagal kasi niya kumilos. Ang kati kaya rito!"
Napailing na lang si Bryan. Muli niyang inangat ang tingin sa isa pa nilang kaibigan na kasalukuyang nasa bintana ng bahay at hinahanda ang sariling tumalon upang makatakas.
Nang may mapadaang kasambahay sa gilid ng swimming pool ay mas siniksik pa nina Cody at Bryan ang mga sarili sa likod ng nagtataasang halaman upang magtago. Mas lalong nainis si Cody dahil tumutusok sa kanya ang ilang matutulis na uri ng halaman. Tinawanan lang siya ni Bryan na ngayo'y nakasuot ng makapal na jacket.
Sabay silang natigilan nang marinig ang pagbagsak sa lupa ng kaibigan nila galing sa bintana.
"Faster, Chase!" boses ni Cody.
Agad na pinagpagan ni Chase ang sarili bago tumakbo papunta sa puwesto ng mga kaibigan. Nang makarating ay sinalubong niya ang mga ito ng malapad na ngiti bago inakbayan.
"Ayos lang ba kayo rito?"
Hinawi ni Cody ang kamay ng kaibigan sa kanyang balikat. Natawa na lang sina Bryan at Chase dahil sa pagiging mainipin at pikon nito.
Pinangunahan ni Cody ang pagtakas. Hinarap niya ang bakod na dinaanan nila kanina ni Bryan at saka umakyat doon na parang akyat-bahay. Sumunod sa kanya ang dalawa. Paglabas nila'y agad silang tumakbo papunta sa kotse ni Chase. Hindi sila agad nakapasok dahil sa boses ng kasambahay.
"Sir Chase! Saan po kayo pupunta?"
Hinarap ni Chase ang kasambahay at nginitian ito. "Mamamasyal?"
Nagsalubong ang dalawang kilay ng kasambahay. Magsasalita pa lang sana ito ngunit mabilis na binuksan ni Chase ang sasakyan at pumwesto sa driver's seat. Nagmadali na rin sina Cody at Bryan pumasok. Tumakbo ang kasambahay upang pigilan si Chase ngunit mabilis nitong pinaharurot ang sasakyan.
Humalakhak sina Bryan at Cody habang pinagmamasdan ang kasambahay na pilit tumatakbo. Nang maglaho ito sa kanilang paningin ay hinarap na nila si Chase na nakangisi habang nagmamaneho.
"You're dead, dude!" bulalas ni Cody.
Hindi na nagsalita si Chase ngunit hindi natanggal sa isip niya ang sinabi ng kaibigan.
Alam niyang papatayin siya ng mga magulang niya sa sermon kapag nalaman nito ang ginawang pagtakas sa mismong bisperas ng bagong taon. Hindi pa magaling ang kanyang pasa at sugat na natamo mula sa gulong kinasangkutan kahapon kasama ang mga kaibigan kaya pinagbawalan siyang lumabas ng bahay.
"Hayaan mo siya. Ginusto niyang sumama sa 'tin, eh," sabat ni Bryan na ngayo'y pirming-pirmi ang upo sa backseat.
"Mukhang wala naman sina Tito Enrico at Tita Amanda kanina sa bahay n'yo, Chase. Hindi ko nakita ang sasakyan nila," puna ni Cody.
"Wala nga. Umalis sila," tipid na tugon ni Chase.
Natawa sina Bryan at Cody sa narinig. Sabay nilang naisip na kaya malakas ang loob ng kaibigan dahil wala itong bantay.
"Huwag kang mag-alala, babalik tayo sa inyo bago ka pa nila maunahan. Huwag mo rin kalimutan bayaran ang kasambahay n'yo na nakakita sa 'tin kanina para tumikom ang bibig," sambit ni Cody.
Ilang sandali pa'y hininto na ni Chase ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Alex—ang kaklase nilang nag-aya ng house party. Pagbaba ng sasakyan ay agad silang naglakad papasok sa bahay. Bumungad sa kanila ang ingay na dala ng malakas na party song, amoy ng alak, at mga kaklase at kaibigang nagsasayawan.
Malaki ang bahay ni Alex na kayang mag accommodate ng maraming tao. Nag-iisang anak lang siya at nasa ibang bansa pa ang parents kaya wala siyang kasama sa pagsalubong ng bagong taon. Iyon ang dahilan kung bakit inimbitahan niya ang mga kaklase at kaibigan sa kanyang bahay.
"Chase!" masayang bati ni Alex habang hawak ang baso ng wine. "Mabuti't nakarating ka. Akala ko hindi ka pinayagan, eh."
"Actually.." sabat ni Cody sabay akbay kay Alex.
Nabigla ngunit tinawanan din agad ni Alex si Chase nang maintindihan ang sinabi ni Cody. Sinamaan lang sila ng tingin ni Chase.
"Ibang klase ka talaga, Chase!" kantyaw pa ni Alex.
"Hi Chase!"
Sabay-sabay silang napatingin sa tinig ng maarteng babae mula sa likuran. Ngumisi si Chase at mabilis na dinaluhan ang babae.
"Okay. We're out!" sambit ng tatlo bago iwan si Chase kasama ang babae.
Sinabit ng malanding babae ang kanyang kamay sa batok ni Chase habang hindi natatanggal ang malagkit na titig sa binata.
"Let's dance," anito bago hilahin si Chase papunta sa kumpol ng mga tao na walang humpay ang pagsayaw. Nagpatianod lang ang binata hanggang sa maramdaman niya ang sikip ng paligid dahil sa dami ng tao.
Wala naman talaga siyang balak makipagsayaw sa babaeng nasa harap niya. Gusto lamang niya itong pagtripan at iligaw sa dami ng tao upang takasan. Hindi babae ang pinunta ni Chase sa house party kaya ayaw niyang may aaligid sa kanya. Hindi lang talaga siya marunong tumanggi kapag niyaya siya ng isang babae dahil ayaw niya maging rude sa paningin nito.
Nang maramdaman ni Chase ang unti-unting pagbitaw ng babae sa katawan niya ay mabilis niyang hinatak ang lasing na lalaki sa tabi at pasimple itong hinarap sa babae. Bago pa man mapagtanto ng babae na hindi na si Chase ang kasayaw nito ay agad siyang tumakbo palayo sa dance floor. Dumiretso siya sa pool area kung saan nando'n ang mini bar na siyang pakay niya.
Tahimik siyang umiinom habang pinagmamasdan ang mga kaklase at schoolmate na nagtatampisaw sa swimming pool. Nakangiti lang siya habang pinapanood ang mga ito na nag-aasaran at nagtutulakan na parang mga bata.
Natigilan lang sa pagmasid si Chase nang marinig ang sigawan sa cottage na nasa gilid.
"Walang hiya ka, Cris! Talagang dito mo pa naisipang mambabae, ha?! Akala mo 'di ko kayo mahuhuli?!"
Binitawan ni Cris ang babaeng kayakap niya upang harapin ang girlfriend na sasabog na sa galit. "W-Wait, Kate! Let me explain—"
Hindi na natapos ni Cris ang kanyang sasabihin dahil sa malakas na sampal na iginawad ni Kate. "Wala kang dapat ipaliwanag dahil kitang-kita ko na, Cris! Malinaw sa 'kin na niloloko mo lang ako!"
Hindi na nakapagsalita si Cris dahil biglang tumakbo si Kate palayo. Napahikab naman si Chase sa dramang nasaksihan bago tinungga ang alak sa kanyang baso.
"Ang sweet naman ng new year's eve nila.." natatawang bulong ni Chase sa sarili.
"What the hell are you doing here?"
Napatingin si Chase sa nagsalita sa kanyang likuran. Si Bryan.
"Drinking?"
Umiling si Bryan bago tabihan ang kaibigan sa pag-iisa nito. Um-order din siya ng alak bago hinarap si Chase na nakatingin na naman sa swimming pool.
"Nasa'n na ang babaeng kasama mo kanina?" tanong ni Bryan.
"Iniwan ko."
"As always."
"Where's Cody?" pag-iiba ni Chase sa usapan.
"Kasama ang bagong biktima niya."
Tumawa si Chase bago ininom ang natitirang alak sa baso. "Mabuti't hindi siya nakikita ng mga babaeng na-biktima niya noon."
"May expiration date din ang suwerteng natatamasa niya ngayon."
Nangingiting umiling na lang si Chase.
Sabay nilang pinagmasdan ang mga kaklase at ibang kaibigan na masayang naghaharutan sa paligid. Nagtuloy-tuloy din sila sa kuwentuhan tungkol sa mga walang kuwentang bagay.
Habang lumilipas ang oras ay mas tumitindi na ang tama ng alak sa kanilang dalawa. Naging maingay na rin sila at nagagawa pang i-entertain ang mga babaeng lumalapit sa puwesto nila.
Ilang sandali pa'y natigilan ang lahat nang ihinto ni Alex ang maingay na party music. Kinuha niya ang microphone at tumingala sa timer na naka-flash sa malaking flat screen TV sa gilid ng pool.
"Lahat ng tao riyan sa loob, lumabas kayo!" utos ni Alex sa mga taong naiwan sa loob ng bahay. Lumabas naman ang lahat at nagtipon-tipon sa pool area. Naghiwayan sila nang makita ang timer sa screen. "20 seconds na lang!"
Humiyaw sa galak at sabik ang mga tao habang winawagayway ang red cups sa ere.
Agad namang tinulak nina Bryan at Chase ang mga babae sa tabi nila upang tumayo at hanapin si Cody sa paligid. Kahit nanlalabo ang mga paningin dahil sa tama ng alak, mabilis pa rin nilang nakita si Cody sa loob ng isang cottage. Naabutan nila ito na may kahalikang babae.
Nagulat si Cody nang hilahin siya ng mga kaibigan palayo sa babae at dalhin malapit sa pool upang sabay-sabay salubungin ang bagong taon.
"What the hell—" inis na sambit ni Cody ngunit inakbayan lang siya ng mga kaibigan.
Pare-parehas silang tatlo may tama ng alak kaya pa-gewang-gewang ang kanilang lakad dahilan upang mabunggo ang mga taong nalalagpasan nila.
"10..." sabay-sabay na sigaw ng mga tao. "9.... 8.... 7.... 6.... 5.... 4.... 3.... 2... 1... HAPPY NEW YEAR!"
Kasabay ng maingay na sigawan ay ang pagkalat ng fireworks sa kalangitan. Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao habang winawagayway ang red cups sa ere. Ang mga magkasintahan nama'y naghalikan sa ilalim ng magandang fireworks display.
Muling tinuloy ang sayawan at harutan sa pool. Sobrang dumi at kalat na ng paligid ngunit hindi ito alintana dahil sa kasiyahang nangingibabaw sa bawat isa.
Umupo sina Bryan, Cody, at Chase sa gilid ng pool. Wala silang dalang mga damit kaya hindi sila puwedeng mabasa.
"Happy new year, bros!" tinig ni Cody na ngayo'y nasa gitna habang naka-akbay sa dalawang kaibigan.
"2019 na ba?" bangag na sambit ni Bryan.
Binatukan siya ni Chase. "Sira! 2018 pa lang!"
Tinulak ni Cody ang dalawa palayo sa kanya. "Wala talaga kayong kuwenta! January 1, 2019 na! Isang taon na tayo rito sa bahay ni Alex!"
"Walang kuwenta. Tapon mo na 'yang joke mo," ani Chase.
"Parehas kayo ng joke mo walang kuwenta. Tapon mo na rin sarili mo," sabi pa ni Bryan.
Nilublob ni Cody ang kamay sa swimming pool upang wisikan ang dalawang kaibigan. Gumanti naman ang dalawa hanggang sa tuloy-tuloy na ang kanilang harutan at tawanan.
Lumipas ang dalawang oras hanggang sa nagpasya na ang tatlo umuwi. Hindi na sila nakapagpaalam kay Alex dahil hindi nila ito mahagilap. At isa pa, hindi na rin sila makalakad nang maayos dahil sa nanlalabo nilang paningin gawa ng kalasingan.
Paglabas nila ng bahay ay dumiretso agad sila sa sasakyan. Umupo si Chase sa driver's seat habang si Cody naman ang pumwesto sa tabi niya. Si Bryan ang umupo sa backseat.
Kahit nahihilo'y nagawa pa rin ni Chase ipasok ang susi upang paandarin ang makina ng sasakyan.
"Dude ayusin mo pagmamaneho mo, ha," mahinang sambit ni Bryan na hindi pa rin natatanggal ang hilo na nararamdaman.
"Parang hindi mo naman kilala si Chase, Bry! Byaheng roller coaster 'yan pero walang palya!" pagmamalaki ni Cody.
Nanahimik na lang si Bryan at bahagyang sinandal ang ulo sa bintana. Inumpasahan na rin ni Chase paandarin ang sasakyan.
Gaya ng inasahan ay mabilis at matuling pinahararurot ni Chase ang kanyang kotse. Sa iisang village lang sila nakatira ngunit malalayo ang pagitan ng kanilang bahay. Madilim din ang paligid at puro usok pa ang kalsada gawa ng paputok kaya medyo nahirapan si Chase makita ang daan. Dumagdag pa rito ang hilo at nanlalabo niyang paningin dahil sa espiritu ng alak.
Concentrate si Chase sa kanyang pagmamaneho hanggang sa mapadaan sila sa mapuno at madamong parte ng village. Hindi pa ito natatayuan ng bahay kaya madilim ang kalsada at walang poste ng ilaw ang paligid.
Kahit nanlalabo ang paningin ay sinubukan pa rin niyang tingnan nang maigi ang daan. Habang mabilis pinapaandar ang sasakyan ay nagulat siya nang biglang may tumawid na babae sa kalsada. Matinding preno ang ginawa niya kaya naman tumama ang ulo ni Bryan sa malambot na upuan ni Cody. Nagising naman ang diwa nina Cody at Chase na ngayo'y nagkatinginan dahil sa nasaksihan.
"M-May m-multo?"
Gustong paniwalaan ni Chase ang konklusyong nabuo ni Cody ngunit alam niyang hindi 'yon totoo. Alam niya sa sarili na tao ang tumawid at nawalan ng malay sa kalsada dahil nasagasaan niya ito.
"What happened, Chase?" singhal ni Bryan na hinihimas ang kanyang ulo dahil sa hilong lumala gawa ng matinding preno.
"M-May nasagasaan yata ako..." tulirong wika ni Chase na kinabigla ni Bryan.
"What?!"
"No, Chase! Multo 'yon!" pagpupumilit ni Cody. Mariing umiling si Chase at mabilis na tinanggal ang kanyang seatbelt. Lalabas na sana siya ng sasakyan ngunit mabilis na hinawakan ni Cody ang kanyang braso. "No! Huwag kang bababa! Umalis na tayo rito!"
"Chase.." hindi makapaniwalang sambit ni Bryan nang mapansing nanginginig ang kamay ng kaibigan.
Malakas na tinulak ni Chase si Cody para mabitawan nito ang kanyang braso. "Bababa ako! Titingnan ko kung sino ang nasagasaan ko!"
"Kapag bumaba ka, makukulong tayo!" natatarantang sabi ni Cody. "Ayaw kong makulong, Chase! Umalis na tayo rito!"
Hindi pinakinggan ni Chase ang sinabi ng kaibigan. Mabilis siyang bumaba ng sasakyan at naglakad papunta sa nasagasaan niya. Nanlaki ang mata niya nang makumpirmang tama nga ang hula niya.
Nakahandusay ang isang babae sa tapat ng kanyang sasakyan. Wala itong malay kaya mas lalong nadagdagan ang panginginig at kaba na nararamdaman niya.
Bumaba na rin sina Cody at Bryan upang lapitan si Chase. Nanlaki ang mga mata nila nang makita ang babaeng nakahandusay sa sahig.
"C-Chase, tara na!" natatarantang sambit ni Cody.
"C-Chase, iwan na natin siya," dagdag pa ni Bryan.
Nilingon ni Chase ang dalawa niyang kaibigan. Hindi siya makapaniwalang nasabi nila 'yon sa kanya. "H-Hindi! Dadalhin natin siya sa ospi—"
"Chase, listen to me!" sigaw ni Cody. "Kapag dinala natin siya sa ospital, makukulong tayo! Hindi tayo puwedeng makulong, lalong-lalo ka na!"
Umalingangaw sa madilim at tahimik na kalsada ang boses ni Cody. Mas lalo namang nanginig si Chase.
"Halika na, Chase. Umuwi na tayo," wika ni Bryan bago hilahin ang kaibigan papasok sa sasakyan.
Si Cody na ang pumwesto sa driver's seat upang magmaneho. Si Bryan naman ang pumwesto sa tabi niya habang si Chase naman ang nasa likod.
Tulala si Chase habang palayo nang palayo sa pinangyarihan ng aksidente. Biglang nawala ang espiritu ng alak sa katawan niya dahil malinaw sa kanyang alaala ang mukha ng nakahandusay na babae sa kalsada. Paulit-ulit siyang inuusig ng konsensya ngunit parang wala lang ito kina Cody at Bryan.
Wala pang ilang minuto'y naiparada na ni Cody ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Chase. Bumaba silang tatlo na pare-parehong tuliro dahil sa nangyari. Tinawagan na rin nina Cody at Bryan ang kanilang driver upang magpasundo.
"Chase, kumalma ka. Wala kang kasalanan, okay?" ani Cody na pilit pinagagaan ang loob ng kaibigan.
Hindi umimik si Chase. Tahimik naman si Bryan habang nakatitig sa tulala niyang kaibigan. Ito ang unang beses na nakita niya si Chase na wala sa sarili kaya alam niyang seryoso ang kasong ito.
Mayamaya pa'y dumating na ang sundo ng dalawa. Bago sila pumasok sa kani-kanilang sasakyan ay nagpaalam muna sila kay Chase ngunit wala silang nakuhang tugon mula rito.
Hinintay ni Chase umalis at makalayo ang sasakyan nina Cody at Bryan bago siya muling sumakay sa kanyang sasakyan at paandarin ito palayo sa kanilang bahay. Gusto sana niyang balikan ang babae ngunit hindi na niya matandaan kung saan banda ng village 'yon matatagpuan.
Sinadya talaga ni Cody dumaan sa pasikot-sikot na lugar upang hindi maalala ni Chase ang daan pabalik sa pinangyarihan ng aksidente. Alam ni Cody na mahina ang memorya ni Chase kapag nakainom kaya sinamantala niya 'yon para makalimutan ng kaibigan ang daanan.
Dahil walang maalala si Chase ay dumiretso na lang siya sa simbahan. Marami pang tao sa paligid dahil hindi pa nakakauwi ang ilang pamilya na sumalubong sa bagong taon.
Pagbaba ng sasakyan ay tumakbo agad siya papunta sa loob ng simbahan. Doon niya binuhos ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Taimtim siyang pumikit at yumuko upang magdasal na sa buong buhay niya ngayon pa lang niya yata gagawin.
"Alam kong hindi mo ako kilala dahil hindi naman tayo nag-uusap. Hindi rin ako bagay sa lugar na 'to dahil masama akong tao. Alam kong wala akong karapatan humiling ng kahit ano sa 'yo ngunit kakapalan ko na ang mukha ko. Please, iligtas mo siya. Hindi kakayanin ng konsensya ko kapag namatay ang babaeng 'yon dahil sa 'kin. Sana may isang tao na makakita at magligtas sa kanya. Please, parang awa mo na."
Pagdilat niya'y muling tumulo ang kanyang mga luha. Bahagya pa siyang nasilaw dahil sa liwanag na gawa ng ilaw. Naramdaman din niya ang sakit sa ulo at hilo dahil sa espiritu ng alak.
"Ikaw lang ang nakita kong umiiyak sa pagsalubong ng bagong taon." Nilingon ni Chase ang pinanggalingan ng boses. Isang matandang lalaki na may dalang walis-tingting ang tumambad sa kanya.
Mabilis hinawi ni Chase ang luha sa kanyang mata at pisngi. Hinarap niya nang maayos ang matanda at tipid na ngumiti. "P-Pasensya na po. Sige, aalis na po ako."
Natigilan siya nang marinig muli ang boses ng matanda, "Puwede ko ba malaman kung ano ang iyong mabigat na dinadala na hindi mo naiwan noong nakaraang taon?"
Nilingon ni Chase ang matanda. Magsasalita pa lang sana siya ngunit nakaramdam siya ng hilo kaya mabilis niyang nahawakan ang upuan sa tabi.
"Lasing na lasing ka. Broken hearted ka ba?" pang-uusisa ng matanda.
Gustong matawa ni Chase sa birong 'yon ngunit masyadong mabigat ang kanyang dibdib sa mga oras na 'to.
"May nagawa po akong kasalanan."
"Lahat ng tao'y nakagagawa ng kasalanan. Gaano ba kabigat ang sa 'yo para piliing magpunta rito at magdasal?"
Tiningnan ni Chase ng diretso sa mata ang matanda bago nagsalita, "Nakapatay po ako! Nakasagasa ako ng inosenteng tao!"
Walang reaksyon ang matanda. Muling tumulo ang luha sa mata ni Chase dahil naalala na naman niya ang mukha ng babaeng iniwan niyang nakahandusay sa sahig.
"Hindi ko ho sinasadya ang nangyari!" umalingangaw ang sigaw niya sa loob ng simbahan. Mabuti na lang at nagsiuwian na ang mga tao kaya walang nakaririnig sa kanila.
"Wala kang kasalanan—"
"Nakapatay po ako! Kasalanan ko.. Hindi ko na alam ang gagawin ko.."
Huminga nang malalim ang matanda at humakbang palapit kay Chase, "Huwag mong sisihin ang sarili mo."
Umiling si Chase at wala nang nagawa kundi maupo na lang sa sahig. Nakabaon ang mukha niya sa kanyang palad habang binubuhos doon ang luhang hindi maawat sa pagdaloy.
"H-Hindi ko sinasadya ang nangyari. Nagsisisi ako. G-Gusto kong itama ang maling nagawa ko.."
"Kung gano'n ay pagbibigyan kita sa 'yong hiling.."
Natigilan si Chase. Naguguluhang inangat niya ang tingin sa matandang nasa harap niya ngayon.
"A-Ano'ng ibig mong sabihin?"
Ngumiti ang matanda at lumuhod upang pumantay sa kanya. "Bibigyan kita ng pagkakataong maibalik ang oras at panahon upang itama ang pagkakamali mo."
Nagulat si Chase lalo na nang makaramdam siya ng lamig sa mata ng matanda. Para bang nagising ang buong pagkatao niya dahil sa kakaibang pakiramdam na 'yon.
"P-Paano ko gagawin 'yon?"
Hindi nagsalita ang matanda. Pinagmasdan ni Chase ang kilos nito na ngayo'y may kinukuha sa bulsa. Kumunot ang noo niya nang ilahad sa kanya ng matanda ang antigong relo ngunit hindi gumagana. Wala rin itong minute at hour hand kaya hindi malalaman kung ano'ng oras na.
"Sira ang relong 'yan," komento ni Chase.
"Hindi ito sira, hijo."
"Paano ko malalaman ang oras kung kulang-kulang ang parte ng relong 'yan?"
"Ito ang tutulong sa 'yo upang maitama ang pagkakamaling nagawa mo."
Natahimik si Chase. Muli niyang pinagmasdan ang antigong relo na mukhang pinagpasa-pasahan ng mga sinaunang tao.
"Mahiwaga ang bagay na ito, hijo. Magagawa nitong maibalik ka sa oras upang maituwid mo ang maling nagawa mo. Ngunit tandaan mo, may hangganan din ang kapangyarihan ng bagay na ito. Kusang babalik sa normal ang lahat sa oras na sumapit ang araw at petsa kung kailan ko binigay 'to sa 'yo."
"Paano kung hindi ko pa naitatama ang maling nagawa ko pero biglang bumalik sa normal ang lahat? Hindi ko kilala ang babaeng nasagasaan ko kaya matatagalan ako sa paghahanap sa kanya," reklamo ni Chase.
"May rason kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Huwag kang mag-alala, ang relong ito ang magbibigay ng daan upang mag tagumpay ka sa iyong misyon. Mayroon kang labingdalawa (12) na alaala at katotohanan na makikita at malalaman sa gitna ng iyong paglalakbay. Ang kailangan mo lang gawin ay talasan ang iyong isipan."
Hindi nakapagsalita si Chase. Hindi siya makapaniwala sa lahat ng narinig mula sa matanda. Gusto niyang maitama ang maling nagawa ngunit hindi niya alam kung kakagat ba siya sa kahibangang ito.
Inilahad ng matanda ang antigong relo palapit kay Chase. "Ano, tatanggapin mo na ba? Huwag kang mag-alala, wala itong bayad."
Muling sumagi sa utak ni Chase ang mukha ng babaeng nakahandusay sa sahig. Napapikit siya nang muling maramdaman ang matinding konsensya. Dahil doon ay mabilis niyang hinablot ang relo sa kamay ng matanda at marahas itong sinuot.
"Huwag mo kalilimutan ang lahat ng sinabi ko sa 'yo, Chase. Mag-ingat ka sa iyong paglalakbay!"
Bago pa man makapagsalita si Chase ay mabilis niyang naramdaman ang matinding hilo dahilan upang nawalan siya ng malay.
"Happy new year, Chase. I love you, love..."Nagising si Chase nang marinig sa kanyang panaginip ang hindi kilalang boses. Bumangon siya at sinandal ang likod sa ulunan ng kama habang naghahabol ng hininga. Pinunasan niya ang namuong pawis sa kanyang noo gamit ang suot na t-shirt. Nang tumama ito sa parte ng kanyang bibig ay agad siyang napangiwi. Dahan-dahan niyang kinapa ang gilid ng kanyang labi na mabilis nagbigay ng kirot dahil sa natamaang sugat."Chase.." Tinapunan ni Chase ng tingin ang nakasaradong pinto. Bumukas iyon hanggang sa tumambad sa kanya ang mommy niyang si Amanda. Naka-business attire ito at handa na pumasok sa opisina. "Can I come in?"Hindi umimik si Chase kaya pumasok na lang si Amanda. Puno ng awa ang mga mata niya nang makalapit sa anak.
Pagpasok sa loob ng campus ay agad na nagtungo si Chase sa parking lot. Pinatay niya ang makina ng sasakyan at pagod na sinandal ang ulo sa upuan. Tiningnan niya ang kanyang phone upang silipin ang oras. Maaga pa para sa kanyang first subject. Sunod niyang tiningnan ang date.December 1, 2018"Okay. Today is December 1, 2018. Ang sabi ng matanda, babalik lang ang lahat sa normal kapag sumapit ang araw at oras kung kailan niya binigay sa akin ang relo. So basically, January 1, 2019 magtatapos ito. At bago matapos 'yon, kailangan kong maligtas ang babaeng nasagasaan ko," sabi ni Chase, kausap ang sarili.Muli niyang sinilip ang suot na relo na bigay ng matanda. Wala na ang numerong 1. Nagamit na niya ang unang alaala nang hindi sinasadya. Napahilamos si Chase sa kanyang palad. Magkahalon
"Makinig ka," panimula ni Chase. "Hindi ka puwedeng lumayo sa akin. Kahit ano'ng mangyari at kahit saan ka magpunta, kailangan magkasama tayong dalawa. Maliwanag ba?"Natulala ang babae. Nakatitig siya nang diretso sa mga mata ni Chase na seryosong-seryoso. Ilang segundo rin siyang hindi nakapagsalita hanggang sa mapagtanto niyang kalokohan lamang ang narinig.Tumawa ang babae dahilan upang magsalubong ang dalawang kilay ni Chase. Nabitawan niya rin ang braso nito."Ano ba'ng pinagsasasabi mo, Chase? Adik ka ba? O sadyang malakas lang talaga ang tama ng bola riyan sa ulo mo?"Binalewala ni Chase ang narinig. "I'm serious. Kailangan kitang iligtas."Tumaas ang kilay ng babae ngunit hi
Tumayo si Chase at hinila si Luna palayo sa restroom. Naglakad sila hanggang sa makarating sa parking lot."Chase," tinig ni Luna. Nilingon naman agad siya ng binata. Bumaba ang tingin ni Luna sa magkahawak nilang kamay bago muling nagsalita, "Kamay mo."Nang maintindihan ni Chase ang pahiwatig ng dalaga'y agad niyang binitawan ang kamay nito. Inirapan lang siya ni Luna bago huminto sa paglalakad. Napahinto rin tuloy si Chase."Uuwi na ako. Sabihan mo na lang ako sa Monday kung anong—""Why did you say that?"Kumunot ang noo ni Luna. "Ang alin?""Na pinapayagan mo na akong manligaw."
Huminto ang motor sa tapat ng isang karinderya. Nagsalubong ang dalawang kilay ni Chase bago tingnan si Luna."What are we doing here?" tanong niya nang makababa sa motor."Ano pa ba? Kakain!" sagot ni Luna pagkatapos patayin ang makina at bumaba sa kanyang motor.Hindi na nakaangal pa si Chase nang hilahin siya ng dalaga palapit sa karinderya. Umupo sila sa kahoy na upuan."Ate, dalawang order nga po ng Sinigang tapos apat na rice," sabi ni Luna sa tindera.Muling nilingon ni Chase si Luna na ngayo'y pinagmamasdan lang ang kilos ng tindera habang hinahanda ang order nila."Apat na rice? Dalawa lang tayong kakain, ah."
Sunday, December 2, 2018Maagang nagising si Chase para sa misa. Nagsuot lang siya ng polo at pantalon na tinernuhan ng puting sapatos bago lumabas ng kuwarto. Pagdating sa sala'y nakita niya Amanda na inaayos ang kwelyo ni Enrico."Good morning, honey," bati ni Amanda sa anak. Hinalikan niya sa pisngi ang binata at bahagyang kinalikot ang kwelyo nito. "Ang guwapo talaga ng anak ko.""Let's go. Baka mahuli tayo sa misa," biglang sambit ni Enrico.Hindi pa man nakakapagsalita si Amanda'y naglakad na palabas si Enrico."He's still mad," usal ni Chase."I'm so sorry, honey. Magiging maayos din ang lahat, hmm?" ani Amanda bago ngitian a
Kinabukasan ay maagang nagpunta si Chase sa school. Agad niyang p-in-ark ang sasakyan sa parking lot bago tahimik na nagtungo sa classroom. Pagpasok niya'y wala pang professor kaya napunta ang atensyon ng lahat sa kanya. Mabilis na lumakas ang bulungan habang may hawak ang mga ito na cellphone. Hindi na lang niya pinansin ang kakaibang nangyayari bagkus ay diretso siyang naglakad patungo sa upuan katabi nina Cody at Bryan.Gaya ng karamihan, may hawak ding phone sina Cody at Bryan. Mahina silang nagbubulungan para hindi marinig ni Chase ngunit nabigo sila."What's happening?" tanong ni Chase sa dalawa na agad nagtago ng phone."Ah! N-Nothing.." si Cody.Kumunot ang noo ni Chase, nagpapahiwatig na hindi siya naniniwala sa sinabi ng kai
Isang maingay na party music at boses ng iba't ibang tao ang sumalubong kina Chase, Cody, at Bryan nang makapasok sa loob ng bahay ni Alex. Patay-sindi rin ang ilaw sa paligid. Kung titingnan ang buong lugar, nagmistulang bar ang dating payapa at tahimik na bahay ni Alex."Chase!" tawag ni Alex mula sa 'di kalayuan. Hinawi niya ang mga tao sa daanan upang puntahan ang pwesto nila Chase na nasa tapat ng nakasarang pinto."Happy birthday, Lex!" bati ni Cody nang makalapit si Alex sa kanila.Marahan namang tinapik ni Alex ang balikat ni Cody. "Salamat!""Mukhang nagsisimula na ang party, ah," ani Bryan habang tahimik pinagmamasdan ang paligid.Napakamot sa ulo si Alex. "Pasensya na. 'Yo
"Nasa bar kasi ako kagabi dahil magkikita kami ng mga highschool friends ko. Then ayun, nakita ko si Hillary kasama itong guy na 'to," kuwento ni Maila habang tinuturo ang picture na hawak ni Diane.Nagkatinginan sina Chase, Bryan, at Cody. Bigla nilang naalala ang sinabi ni Alex sa library. Nakita raw nito na may kasama si Hillary kagabi sa bar at narinig pa niyang nabanggit sa pinag-uusapan nila ang pangalan ni Luna."Are you sure?" paninigurado ni Chase. "Baka namalikmata ka lang?"Lumayo nang bahagya si Maila kay Diane upang harapin si Chase. "Hindi ako puwedeng magkamali. Alam kong si Hillary at ang lalaking 'yon ang nakita ko kagabi. Kung hindi kayo naniniwala sa akin, try n'yong kausapin si Hillary."Alam ni Chase na walang mot
Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ni Chase. Bawat hakbang niya'y may kapalit na hindi maipaliwanag na pakiramdam.Sinilip niya si Luna na ngayo'y tahimik na naglalakad kasabay niya. Hindi niya masabi kung ano'ng nararamdaman nito. Parehas kaya sila? O mas lamang ang kasabikan dahil malalaman na nito kung sino ang taong nagtangkang manakit sa kanya?Huminto sila sa paglalakad nang makarating sa tapat ng pintuan ng opisinang sadya nila. Ang kaninang magkahalong emosyon sa dibdib ni Chase ay biglang napalitan ng determinasyon malaman ang katotohanan."Ladies first," sambit ni Chase bago pagbuksan si Luna ng pinto at papasukin ito.Naglakad si Luna papasok habang si Chase naman ay sumunod sa kanya.
"Nakapag-review na ba kayo?"Saglit na nagawi ang tingin nina Chase at Bryan kay Cody na ngayo'y maingat nilalabas ang kanyang reviewer mula sa bag."Sunday night lang ako nakapag-review," maikling wika ni Chase bago muling ituon ang atensyon sa binabasang libro."Saturday whole day lang ako nag-aral," boses naman ni Bryan habang minamarkahan ang kanyang reviewer ng highlighter."Sana all. Hindi ako nakapag-review this weekend, eh," ani Cody.Sumulyap sa kanya si Bryan. "Why? Ano na namang kalokohan ang ginawa mo?"Ngumisi si Cody. "Pagkatapos kasi nating magpunta sa presinto kahapon, nagkita kami ni Jessa."
"My decision is final, Luna. Hindi ka na titira sa dorm mo. You are going to stay with me."Umawang ang bibig ni Luna sa narinig. Kumurap ang mapupungay niyang mata bago nagsalita, "Are you out of your mind?"Tumitig si Chase sa dalaga. Seryoso ang mga mata niya upang ipabatid na seryoso siya sa kanyang desisyon.Walang pagpipilian si Chase. Gustuhin man niya o hindi, kailangan niyang humantong sa gano'ng desisyon upang protektahan si Luna. Iyon ang pangunahing dahilan kung bakit niya gustong umalis ito sa dorm na tinutuluyan."Nagbibiro ka, Chase." Tumawa nang mapakla si Luna. "Hindi puwede 'yang sinasabi mo.""Sa tingin mo hindi ako seryoso rito?"
Today's December 9, 2018. Yes, time flies so fast. Kapag marami kang iniisip at ginagawa, hindi mo namamalayan ang oras. No one can beat the time. That's the fact. Laging ikaw ang mag-a-adjust para umayon lahat ng ginagawa mo sa panahon at oras na gusto mo.In this rewind time, oras ang kalaban ni Chase. Hindi niya namalayan na masyadong mabilis ang oras, at sa loob lang ng isang linggo, walo na lang ang natitirang cluesa kanya.Unang pumasok sa utak ng binata ang pang-apat na katotohanan na nalaman niya. Luna suffered from bullying. Wala siyang alam dati na ang babaeng laman ng balita sa school nila noon ay ang babaeng nililigtas niya ngayon.Sunod na sumagi sa isip niya ang isa pang katotohanang nalaman niya tungkol sa pagkrus ng landas nila noon ni Luna sa isang resta
Be with her for as long as you can. Save her no matter what happens.Simula nang magising si Chase na iba na ang takbo ng oras, ang mga salitang 'yon ang itinatak niya sa kanyang isipan. Wala siyang ibang dapat tutukan sa mga oras na 'to kundi si Luna dahil maigsi lang ang panahong ibinigay sa kanya.1 Month. Isang buwan lang ang ibinigay sa kanyang panahon upang iligtas ang dalaga hanggang sa magbalik ang lahat sa normal.9 Memories. Siyam na lang ang natitirangcluena magsisilbing gabay ni Chase sa kanyang paglalakbay. Dahil sa mga alaalang nakikita, nagkaroon siya ng pagkakataong maliwanagan sa mga nangyayari sa kanyang misyon.Kailangan tipirin ni Chase ang oras at ang kapangyarihang ibinigay sa kanya.
"Let's go, Hillary."Napatingin si Hillary kay Chase. Gusto niyang magsalita ngunit walang lumabas na boses sa bibig niya. Bukod sa natameme siya sa mga sinabi ni Luna, hilong-hilo na rin siya para maisipan pang kausapin si Chase.Hindi gumalaw si Hillary sa kinatatayuan kaya si Chase na ang kumuha ng bag nito sa couch bago hawakan ang dalaga upang hilahin palabas ng bar.Paglabas ay hinanap agad ng mata ni Chase si Luna ngunit hindi na niya ito mahagilap. Napailing na lang siya dahil mukhang umuwi na ito mag-isa. Pinasok na lang niya si Hillary sa sasakyan at nag-umpisa nang magmaneho.Tahimik silang dalawa buong byahe. Wala ni isa ang naglakas-loob na bumasag sa matinding katahimikan.
Ang sabi nila, kailanma'y hindi mananaig ang kasamaan laban sa kabutihan. Palaging nasa panig ng Diyos ang tama. Maaaring makatikim ng panalo ang kaaway ngunit ito'y panandalian lamang. Darating ang panahon na matutuldukan ang kasamaan at magwawagi ang kabutihan. Huminto sa paglalakad sina Chase, Cody, at Bryan sa tapat ng isang pinto kung saan lahat ng estudyanteng napapadpad dito ay nakararamdam ng matinding kaba. Huminga nang malalim si Chase habang sina Bryan at Cody nama'y hindi mapakali. Ngayon na lang ulit nila naramdaman ang mabilis na kabog ng dibdib. "D*mn! Bakit ba tayo kinakabahan? Magsusumbong lang naman tayo, 'di ba?" tinig ni Cody na nakatitig sa pintong nasa harap niya. "The last time we went here, they filed a 3 weeks suspension for us and our parents were very furi
"Chase, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Bryan. Hawak niya ang braso ng kaibigan habang nakatitig kung paano tiisin ni Chase ang pananakit ng ulo.Nang hindi tumugon si Chase ay nilingon ni Bryan si Cody. "Ihatid mo muna si Chase sa kanila. Ako na ang bahala sa lalaking 'yan. Akin na ang camera."Kumunot ang noo ni Cody. "No. I'll go with—""If you want to come with me, ihatid mo muna si Chase then puntahan mo ako sa police station."Sumang-ayon si Cody sa sinabi ng kaibigan. Iniwan muna niya ang camera kay Bryan bago hinatak si Chase papunta sa sasakyan niyang naka-park sa 'di kalayuan. Hindi naman nagreklamo si Chase. Tulala at tahimik lang itong sumakay sa loob. Umikot si Cody papunta sa driver's seat upang paandarin ang