Chapter: Kabanata 21"Nasa bar kasi ako kagabi dahil magkikita kami ng mga highschool friends ko. Then ayun, nakita ko si Hillary kasama itong guy na 'to," kuwento ni Maila habang tinuturo ang picture na hawak ni Diane.Nagkatinginan sina Chase, Bryan, at Cody. Bigla nilang naalala ang sinabi ni Alex sa library. Nakita raw nito na may kasama si Hillary kagabi sa bar at narinig pa niyang nabanggit sa pinag-uusapan nila ang pangalan ni Luna."Are you sure?" paninigurado ni Chase. "Baka namalikmata ka lang?"Lumayo nang bahagya si Maila kay Diane upang harapin si Chase. "Hindi ako puwedeng magkamali. Alam kong si Hillary at ang lalaking 'yon ang nakita ko kagabi. Kung hindi kayo naniniwala sa akin, try n'yong kausapin si Hillary."Alam ni Chase na walang mot
Last Updated: 2021-10-13
Chapter: Kabanata 20Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ni Chase. Bawat hakbang niya'y may kapalit na hindi maipaliwanag na pakiramdam.Sinilip niya si Luna na ngayo'y tahimik na naglalakad kasabay niya. Hindi niya masabi kung ano'ng nararamdaman nito. Parehas kaya sila? O mas lamang ang kasabikan dahil malalaman na nito kung sino ang taong nagtangkang manakit sa kanya?Huminto sila sa paglalakad nang makarating sa tapat ng pintuan ng opisinang sadya nila. Ang kaninang magkahalong emosyon sa dibdib ni Chase ay biglang napalitan ng determinasyon malaman ang katotohanan."Ladies first," sambit ni Chase bago pagbuksan si Luna ng pinto at papasukin ito.Naglakad si Luna papasok habang si Chase naman ay sumunod sa kanya.
Last Updated: 2021-10-12
Chapter: Kabanata 19"Nakapag-review na ba kayo?"Saglit na nagawi ang tingin nina Chase at Bryan kay Cody na ngayo'y maingat nilalabas ang kanyang reviewer mula sa bag."Sunday night lang ako nakapag-review," maikling wika ni Chase bago muling ituon ang atensyon sa binabasang libro."Saturday whole day lang ako nag-aral," boses naman ni Bryan habang minamarkahan ang kanyang reviewer ng highlighter."Sana all. Hindi ako nakapag-review this weekend, eh," ani Cody.Sumulyap sa kanya si Bryan. "Why? Ano na namang kalokohan ang ginawa mo?"Ngumisi si Cody. "Pagkatapos kasi nating magpunta sa presinto kahapon, nagkita kami ni Jessa."
Last Updated: 2021-10-11
Chapter: Kabanata 18"My decision is final, Luna. Hindi ka na titira sa dorm mo. You are going to stay with me."Umawang ang bibig ni Luna sa narinig. Kumurap ang mapupungay niyang mata bago nagsalita, "Are you out of your mind?"Tumitig si Chase sa dalaga. Seryoso ang mga mata niya upang ipabatid na seryoso siya sa kanyang desisyon.Walang pagpipilian si Chase. Gustuhin man niya o hindi, kailangan niyang humantong sa gano'ng desisyon upang protektahan si Luna. Iyon ang pangunahing dahilan kung bakit niya gustong umalis ito sa dorm na tinutuluyan."Nagbibiro ka, Chase." Tumawa nang mapakla si Luna. "Hindi puwede 'yang sinasabi mo.""Sa tingin mo hindi ako seryoso rito?"
Last Updated: 2021-10-10
Chapter: Kabanata 17Today's December 9, 2018. Yes, time flies so fast. Kapag marami kang iniisip at ginagawa, hindi mo namamalayan ang oras. No one can beat the time. That's the fact. Laging ikaw ang mag-a-adjust para umayon lahat ng ginagawa mo sa panahon at oras na gusto mo.In this rewind time, oras ang kalaban ni Chase. Hindi niya namalayan na masyadong mabilis ang oras, at sa loob lang ng isang linggo, walo na lang ang natitirang cluesa kanya.Unang pumasok sa utak ng binata ang pang-apat na katotohanan na nalaman niya. Luna suffered from bullying. Wala siyang alam dati na ang babaeng laman ng balita sa school nila noon ay ang babaeng nililigtas niya ngayon.Sunod na sumagi sa isip niya ang isa pang katotohanang nalaman niya tungkol sa pagkrus ng landas nila noon ni Luna sa isang resta
Last Updated: 2021-10-09
Chapter: Kabanata 16Be with her for as long as you can. Save her no matter what happens.Simula nang magising si Chase na iba na ang takbo ng oras, ang mga salitang 'yon ang itinatak niya sa kanyang isipan. Wala siyang ibang dapat tutukan sa mga oras na 'to kundi si Luna dahil maigsi lang ang panahong ibinigay sa kanya.1 Month. Isang buwan lang ang ibinigay sa kanyang panahon upang iligtas ang dalaga hanggang sa magbalik ang lahat sa normal.9 Memories. Siyam na lang ang natitirangcluena magsisilbing gabay ni Chase sa kanyang paglalakbay. Dahil sa mga alaalang nakikita, nagkaroon siya ng pagkakataong maliwanagan sa mga nangyayari sa kanyang misyon.Kailangan tipirin ni Chase ang oras at ang kapangyarihang ibinigay sa kanya.
Last Updated: 2021-10-08