Share

CHAPTER 36

last update Last Updated: 2023-10-27 15:20:45

DEAN GAVIN'S POV

"Gavin, may tumatawag," rinig kong wika ni Liya. Nagmulat ako ng aking mga mata at tinanggap ang cellphone na inilalahad nito.

"Good morning," dinig kong wika ng pamilyar na boses sa kabilang linya. Napabangon ako dahil dito. Nilingon ko si Liya na pumasok sa banyo.

"Jen," sambit ko.

"Did I wake you up?"

"N-No."

"Sorry for calling you this early. I just wanted to ask you kung pumayag na siya." I can hear excitement in her voice.

Tiningnan ko ang banyong pinasukan ni Aliya. Hindi pa siya lumalabas mula roon.

"Hindi pa ako nakapagpaalam, Jen. Nakatulog na kami kaagad kagabi after maki--." Naputol ang nais kong sabihin. "Sobrang pagod ako kagabi kaya hindi na ako nakapagpaalam sa kaniya." Tumahimik ang kabilang linya. Sinulyapan ko pa ang hawak na cellphone kung pinutol na niya ang linya pero ongoing pa rin ang tawag. "Jen?" I called her name. Sakto naman ang paglabas ni Liya.

"Ah! Yeah! Nasa iisang bubong lang ba kayo, Dean?" seryosong tanong nito.

"Yeah! Why?"

"W-Wala
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 37

    DEAN GAVIN'S POV"Long time no see, Dean Gavin Velasquez." Amusement filled her blue eyes together with her welcoming smile."Hi," bati ko rito. Lumapit ako sa kinaroroonan niya. Tumayo ito at hinagkan ako."I've missed you so much, Dean," sambit niya sa gitna ng aming yakapan."Let's sit," wika ko pagkatapos ng aming yakapan.Hindi ito gumalaw kaya nagtaka ako."Hindi mo ba ako na-miss?" nakanguso nitong tanong. She looked upset.Bahagya akong bumuntonghininga."Na-miss din kita, Jen," walang ganang saad ko."Hindi ka naman napipilitan niyan," sarkastiko nitong sabi.Pinaghila ko na ito ng upuan kaya naupo na itong muli. Tinungo ko na rin ang kaharap nitong upuan at pumwesto na.Ilang saglit lang nang bumukas ang pinto. Pumasok ang mga staff ng hotel habang dala-dala ang mga pagkain namin."So, kailan ko makikita at makikilala ang girlfriend mo?" tanong ni Jen sabay subo ng hiniwang karne. Ang isang waiter ay nagsasalin ng white wine sa wine glass namin pareho.Hindi ko inaasahang i

    Last Updated : 2023-10-29
  • Reviving Our Scars   CHAPTER 38

    ALIYA'S POV"Ayan, mas magiging malusog na kayo dahil nadiligan ko na kayo," nakangiting wika ko habang kausap ang mga bulaklak na aking diniligan."Hi," bati ng isang boses ng babae. Nilingon ko ito. Hindi siya pamilyar sa akin. Maganda ito, makinis at halatang mayaman. Nakasuot ito ng fitted pants at crop top. Maganda ang hugis ng katawan niya at mas matangkad siya sa akin. Mukha siyang isang modelo kung titingnan ang kabuuan niya."H-Hi," naiilang na bati ko."Puwede ko bang itanong kung nasaan ang amo mo?" nakangiting tanong niya sa akin.Ano ang sabi niya? Amo ko? Nalilito ako sa tinutukoy nito.Magsasalita pa sana ako nang isang pamilyar na boses ang aming narinig."Jen!" malakas na wika nito.Pareho namin itong nilingon. May matatalim itong tingin na parang ilang sandali lang ay mangangagat na.Lumapit ang babae kay Gavin at ito'y hinalikan sa pisngi."What are you doing here?" nagtatakang tanong ni Gavin dito."Nakita ko ang kasambahay mo kaya lumapit ako rito para magtanong

    Last Updated : 2023-10-31
  • Reviving Our Scars   CHAPTER 39

    THIRD PERSON'S POV"Busy ka ba, Jacobe?" tanong ni Aliya rito."Hindi naman. Ang trabaho ko lang naman ay bantayan ka," sagot ng binata."Jacobe," bulong ni Aliya. Lumapit ito sa lalaki at inilapit ang bibig sa tainga nito. "Makakaalis ba tayo ngayon dito? I mean, may pupuntahan kasi sana ako," sambit nito."Makakaalis naman. Sasabihan ko lang ang mga kasamahan ko na aalis na muna tayo. Para sa oras na maghanap si pinsan ay alam nila," wika ni Jacobe."Sigurado ka na ba diyan? Baka mamaya ay magalit si Gavin sa ating dalawa." Nagbubulungan lang sila dahil baka marinig ng iba."Siyanga pala, bakit ba tayo nagbubulungan?" nagtatakang tanong ni Jacobe rito. Bahagyang lumayo ang dalaga sa kaniya."Oo nga naman. Bakit kaya?" nagtatakang sambit nito.Naisip kasi nila na magpapaalam din naman sila sa mga ito kaya bakit pa sila nagbubulungan.Pinuntahan na nga ni Jacobe sina Erol, Elmer at iba pa. Ipinaalam niya rito na aalis muna sila saglit ni Aliya. Sisiguraduhin niyang safe ang kaibigan. N

    Last Updated : 2023-11-01
  • Reviving Our Scars   CHAPTER 40

    THIRD PERSON'S POVNapapalakpak na lang si Jacobe habang kumakanta ang dalaga. Kahit na hindi kagandahan ang boses nito ay tiniis niya. Si Aliya naman ay halos mapaos na sa kakakanta. Nakailang kanta na kasi ito kaya halata sa boses nito na mapapaos na.Parang wala na sa sarili ang dalaga. Nilingon niya ang binata at nilapitan. Kinuha ang kamay nito at pinatayo. Ayaw man ay ginawa ni Jacobe ang nais nito.Nagtatalon at napapaindak sila sa saliw ng musika. Ngayon ay lumalabas na ang kaninang pinipigil ni Jacobe. . .ang sumayaw na parang walang problema. Ang umindak na parang wala nang bukas. Kahit siya ay napapakanta na rin. Sinasabayan ang galaw ng dalaga.Lumapit si Aliya sa mesa at doon nakita ang inuming alak ng binata. Nasa kalahati pa iyon. Agad na kinuha niya ito at nilagok. Napapikit siya nang malasahan ang mainit, mapait na medyo matamis at maanghang na inumin. Ngunit, hindi na niya iyon alintana dahil nilagok niyang muli ito. Ilang minuto lang nang makaramdam siya ng pagkahil

    Last Updated : 2023-11-04
  • Reviving Our Scars   CHAPTER 41

    THIRD PERSON'S POVNadatnan nito ang pinsan na lumalagok ng alak sa kusina. Nakatayo lang ito habang nakasandal sa island countertop. Gano'n pa rin ang ayos nito."Jacobe!" diing tawag ni Gavin sa pangalan nito. Papalapit siya rito."Oh! Gavin. May problema ba?" tanong ni Jacobe nang tuluyan na siyang makalapit sa pinsan. Nagtaka pa ito dahil madilim ang tingin ng pinsan sa kaniya."Be honest with me, Jacobe. Saan kayo pumunta ni Liya?" seryosong tanong nito."Do I have to answer that right now?" Tila ay tinutukso ito ng pinsan."Yes," maikling tugon niya.Tumikhim muna si Jacobe bago magsalita. "Pumunta kami sa dating tinitirhan niya. Balak niya kasing bayaran ang may-ari ng bahay na inuupahan niya noon. Utang niya sa hindi pagbayad ng tatlong buwan," pag-amin ni Jacobe rito."Saan siya kumuha ng pera?" tanong muli ni Gavin."Humiram siya sa akin.""Bakit pinahiram mo? Bakit hindi mo na lang binigyan?""Eh 'yon ang gusto niya. Sinabi ko sa kaniyang bibigyan ko na lang siya pero mas gu

    Last Updated : 2023-11-04
  • Reviving Our Scars   CHAPTER 42

    THIRD PERSON'S POVDalawang araw nang hindi natutulog si Aliya sa kuwarto ni Gavin. May inis pa rin siya sa binata. Paminsan-minsan ay hinahalik-halikan siya nito pero hindi siya nagpapatinag."Dinadaan mo ako sa ganiyan para makuhang muli ang loob ko. Please, Gavin, tigilan mo na 'yan," wika niya nang bigyan siya ng halik ng lalaki sa kaniyang leeg. Hinahaplos din nito ang baywang niya."Love." Tila'y may kuryenteng dumaloy sa kaniyang buong katawan nang marinig ang boses nito habang ang mainit nitong hininga ay dumampi sa kaniyang tainga.Napapikit siya. Hinihiling na sana huwag bumigay ang kaniyang katawan at traydorin siya.Inalis nito ang mga kamay ng binata na nakahawak sa kaniyang magkabilang baywang. Tinungo niya ang balkonahe at doon umupo sa isang silya. Gusto niyang lumanghap ng sariwang hangin.Nagulat siya nang sumunod ang binata sa kaniya pero hindi niya ito ipinahalata. Hindi niya ito nilingon at pumikit na lang.Napadilat siyang muli nang gumalaw ang kaniyang kinauupua

    Last Updated : 2023-11-06
  • Reviving Our Scars   CHAPTER 43

    THIRD PERSON'S POV"You are f*cking insane, Gavin!" diing wika ni Jacobe. Hindi ito pinansin ng pinsan.Dumiretso na si Gavin sa kuwarto nito nang hindi nililingon si Jacobe."Kami na ang gagawa niyan, Liya," ani ni Nanay Elsie rito. Balak kasi ni Aliya na maglaba at ayaw naman itong payagan ng matanda."Ako na po, 'nay," mahinahong sambit niya rito."Pagagalitan kami ni Sir Dean kapag hinayaan ka naming gawin 'yan," turan ni Trina.Naalala niya bigla ang binata.'Sa condo ni Jen.'Paulit-ulit ang mga salitang iyon sa isipan niya. Parang sirang-plaka sa tainga niya ang mga sinabi ng binata. Nakatitig pa ito sa kaniya habang sinasabi 'yon."Hayaan niyo na po ako. Kaya ko naman. Atsaka, nag-apply na po ako bilang kasambahay rito at tanggap na ako. . .kanina lang," nakangiting wika niya."Nag-apply? Ano ang ibig mong sabihin?" kunot-noong tanong ni Nanay Elsie."Ako po muna ang papalit kay Ate Irma. Wala pa po siya, hindi ba? Atsaka, isa pa, kailangan na kailangan ko ng pera ngayon."Wal

    Last Updated : 2023-11-08
  • Reviving Our Scars   CHAPTER 44

    THIRD PERSON'S POVTila ay napagod na siya kaiiyak dahil wala nang luha na lumalabas sa kaniyang mga mata. Tumayo na siya at tinungo ang banyo.Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Buhaghag ang buhok. Namamaga ang mga mata. May mga bakas pa ng mga natuyong luha sa kaniyang magkabilang pisngi. Ramdam niyang siya lang ang nasasaktan sa mga nangyayari. Hindi siya sigurado kung pati si Gavin ay nasasaktan din. Pero ayon sa ikinikilos nito, parang wala lang sa binata ang lahat.Inayos niya ang nabuhaghag na buhok. Naghilamos ng mukha at lumabas na ng banyo. Walang mangyayari kung magmumukmok siya. Walang patutunguhan kung iiyak lang siya. Nais niyang iparamdam sa binata na hindi siya ganoon kaapektado.Wala pa rin sina Nanay Elsie sa bahay kaya bumalik siya sa mansion.Nang mapadaan sa hardin ay nasaksihan niya sina Gavin at Jen na magkasama. Malalawak ang ngiti ng mga ito. Nililibot nila ang hardin habang masaya ang pinag-uusapan.Hindi siya napansin ni Gavin dahil hindi ito nakatingin s

    Last Updated : 2023-11-09

Latest chapter

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 58

    THIRD PERSON'S POV"Kailan ang balik mo?" tanong ni Aliya kay Jacobe. Aalis kasi ang binata dahil may importanteng lakad ito kasama ang pamilya.Lumapit ang binata at hinaplos nang marahan ang buhok niya. "Hindi pa ako umaalis eh nami-miss mo na ako agad," pagbibiro nito."Mami-miss talaga kita." Ngumuso pa siya.Nanlaki ang mga mata ni Jacobe dahil hindi niya inaasahan ang sagot ng dalaga. Nababaliw na naman sa bilis ang tibok ng kaniyang puso."Ilang araw lang, Liya. Babalik din ako kaagad. Huwag kang magpapasaway rito ah. Huwag matigas ang ulo habang wala ako," paalala niya."Bilisan mo ang pagbalik, dahil wala pa naman akong ibang kakampi rito kapag inaaway ako ni Gavin."Bahagyang natawa ang binata. "Isumbong mo kay Nanay Elsie. Kakampi mo rin 'yon.""Sige na, umalis ka na. Kapag nagtagal ka pa, baka humagulgol na ako rito."Lumapit ito sa kaniya at siya'y niyakap. "Mag-iingat ka rito dahil babalik ako kaagad."NAKAUPO si Aliya sa ilalim ng punong mayabong habang nagsusulat sa ka

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 57

    THIRD PERSON'S POVMaagang nagising si Aliya. Nang tingnan niya ang sarili sa salamin ay namamaga ang kaniyang mga mata."Epekto ng sobrang iyak kagabi," sambit niya sa sarili.Inayos na niya ang sarili at lumabas na ng silid.Dumiretso siya sa kusina para magtimpla ng gatas nang makasalubong niya rito si Gavin. Nagkatitigan sila ng ilang segundo pero agad din iyong pinutol ng binata. Talagang malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kaniya.Hindi niya na lang ito pinansin. Kumuha na lang siya ng tasa, gatas at asukal.Pagkatapos magtimpla ay umupo siya sa isang stool at dahan-dahang uminom. Silang dalawa lang ng binata ang nasa kusina. Umiinom ito ng kape habang nakasandal sa countertop.Ilang pulgada lang ang layo nila pero parang hindi nila kilala ang isa't-isa.Napanguso si Aliya nang makaramdam ng gutom. Wala pa sina Nanay Elsie kaya tiyak na wala pang lutong pagkain sa kusina. Dahil dito, ang ginawa niya ay iniwan ang iniinom na gatas at naghanap ng puwedeng kainin sa kusina.Binu

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 56

    THIRD PERSON'S POVKanina pa palibot-libot sa buong silid niya si Aliya. Gusto na niyang makumpirma ang mga nangyayari sa katawan niya. Pero ano ang magagawa niya? Hindi siya puwedeng lumabas at pumunta sa ospital.Umupo siya sa sofa at may hinanap na pangalan sa kaniyang contacts. Ito lang ang tanging makakatulong sa kaniya ngayon."Hello, Liya. Napatawag ka?" tanong nito sa kaniya.Napakagat siya ng kaniyang kuko at nag-iipon ng lakas ng loob kung paano sasabihin ito sa binata."J-Jacobe, nasaan ka?" tanong niya rito."Nasa hardin, bakit?""M-May request lang sana ako sa 'yo. May ipag-uutos ako sa 'yo kung hindi ka naman busy.""Okay! What is it?""Ano kasi. . .uhmm. . .puwede bang dito na lang tayo sa silid mag-usap? Importante lang, Jacobe.""Sige. Papunta na ako diyan."Pinatay na niya ang tawag at ilang minuto rin nang makarinig ng katok.Binuksan niya ito at tumambad sa kaniya ang binata. . .pinapasok niya ito."Siguradong hindi ka busy ah?" paninigurado niya."Siguradong-sigur

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 55

    THIRD PERSON'S POVPagkagising na pagkagising ni Aliya ay dumiretso kaagad siya sa banyo. Sa silid niya sa mansion siya natulog dahil hindi naman umuwi ang binata.Mabilis siyang humarap sa lababo at doon sumuka. Parang may kung ano sa sikmura niya na dahilan ng kaniyang pagsusuka.Malalalim ang kaniyang paghinga. Binuksan niya ang gripo at nagmumog. Pagkatapos ay pinatay na niya ito at tinitigan ang sarili sa salamin. Iba ang kutob niya rito kaya bigla siyang kinabahan.Inayos na muna niya ang sarili bago lumabas nang tuluyan sa silid."Good morning po, 'nay, Ate Trina at Ate Irma," masiglang bati niya sa mga ito. Nasa kusina ang mga ito at naghahanda ng pagkain."Magandang umaga, Liya," ani ni Trina."Good morning din, Liya," bati naman ni Irma."Magandang umaga rin, anak. Gutom ka na ba? May luto nang pagkain kaya puwede ka nang kumain kung gusto mo," sambit ni Nanay Elsie."Sasabay na po ako kanila Jacobe, 'nay. Magtitimpla na po muna ako ng kape."Kumuha na siya ng tasa at kinuha

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 54

    THIRD PERSON'S POVHalos ilang minuto rin ang itinagal ng iyak ng dalaga hanggang sa makatulog ito sa mga braso ng binata."Aliya?" tawag niya rito pero wala siyang nakuhang sagot. "Liya?" At wala pa ring sagot. Dito niya napagtanto na nakatulog na ito.Binuhat niya ang dalaga at binaybay ang daan papunta sa bahay nina Nanay Elsie.Tinawag niya ang matanda na ilang saglit lang ay binuksan ang pinto."Bakit, Jacobe?" tanong nito sa binata. "Harujusko! Ano'ng nangyari diyan!?""Nakatulog po sa mga braso ko, 'nay. Dito ko po muna siya patutulugin," sagot niya."B-Bakit naman?" Makahulugan itong tiningnan ng binata na agad naman nitong naintindihan. "Ang dalawang 'yan talaga. Parang lagi na lang nag-aaway ah. Kawawa tuloy itong Aliya ko.""Saan ko po siya ilalagay, 'nay?" tanong niya nang makapasok na sila sa silid ng matanda."Dito na sa kama." Inayos ito ng matanda bago inilapag ni Jacobe ang dalaga.Bahagya pang gumalaw ang dalaga nang mailapag na ito ng binata, pero kaagad din naman i

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 53

    THIRD PERSON'S POVJust like Jacobe said, pinuntahan ulit nila ang hotel kinabukasan para tingnan ang CCTV. . .kasama sina Miko at Erol. Sa una ay hindi pumayag ang security management because of security protocols, pero sa huli ay pumayag din. Ang may-ari kasi ng hotel ay kaibigan ng ama ni Jacobe kaya tinawagan nito ang ama para pakiusapan ang kaibigan nito. Sa una ay ayaw pumayag ng ama na kalauna'y pumayag na rin. Kahit may alitan, ay anak niya pa rin ito, at ramdam niyang importante ang bagay na ito sa anak dahil kinausap siya nito para lang dito.Masinsinan nilang tinutukan ang CCTV footage. Sinabi nila ang oras ng pangyayari at ang lugar kung saan iyon nakita ng dalaga.Pinahinto ni Gavin ang video nang mapansin niya ang isang kahina-hinalang lalaki. Katulad na katulad iyon sa deskripsiyon ng dalaga rito."Puwede niyo bang sundan ang bawat lugar na dinaanan ng lalaking ito?" utos niya sa mga security personnel na agad naman nilang sinunod.'Paano siya nakalusot sa mga security

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 52

    THIRD PERSON'S POVNaglibot nga sila sa mall habang kasama ang iilan sa tauhan ng binata.Pinagmamasdan lang siya ng binata habang namimili."The color looks great on you, love," he complimented her nang sukatin niya ang isang pares ng stiletto. It was color beige that suited her fair complexion.Naiilang na ngumiti siya. Gusto man niya pero nalula siya sa presyo.Nilapitan niya ang binata. "Gavin, masiyadong mahal kaya pili na lang tayo ng iba," bulong niya rito.Hindi nito pinakinggan ang dalaga. "We'll get this one," sambit ng binata sa isa sa mga staff. "And also, we will get every color of that stiletto you have. Same size and style," dagdag pa nito."Gavin!" reklamo niya pero wala na siyang magagawa dahil mapilit ang binata.Namili na rin siya ng ilang mga damit na mula sa iilang sikat na mga kompanya. . .mga luxury brands. Pipili siya and then complain after because of the price. Ngunit, walang pagdadalawang-isip na binibili ito ng binata."Tama na ito, Gavin. Masiyado nang ma

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 51

    THIRD PERSON'S POVAraw-araw ginugulo si Gavin ng text mula sa unknown number. Dahil dito, pinipilit niyang mag-focus sa mga gawain nila at nang matapos kaagad.'I saw your girl kanina sa hardin. She really has this aura na gusto kong matikman. She's pretty and seems like delicious enough for me. Nangangati ang mga daliri ko sa kaniya.'He crumpled the paper he's holding. Nangangalaiti siya sa galit. Pinangako niya sa sarili na sa oras na makita at makilala niya ito ay hindi na niya ito hahayaan pang huminga. "WE'LL start now. Wala tayong sasayanging oras. Tapusin ang dapat tapusin. Kung maaari ay mag-overtime tayo para matapos kaagad," ma-otoridad na turan niya sa mga ito.Sumang-ayon naman ang lahat sa kaniya.Panglimang araw na nila rito at nagagalak si Gavin na malapit na silang matapos. Balak na niyang tapusin ngayon at nang makauwi na sila bukas.Malalaking ngiti at malalakas na palakpakan ang namayani sa loob ng silid nang tuluyan na nga silang matapos. Kahit si Gavin ay malawa

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 50

    THIRD PERSON'S POVTakipsilim na nang tumawag ulit si Gavin."Good evening, love. Sorry ngayon lang napatawag, kagigising ko lang kasi," imporma nito."Ayos lang. Wala namang problema," magiliw na tugon ng dalaga."What are you doing?" tanong nito."Nakaupo lang dito sa balkonahe habang nagpapahangin.""Bukas pa magsisimula ang totoong pakay namin dito kaya nakatambay muna ako sa kuwarto. Ayaw ko rin namang makihalubilo masiyado sa kanila dahil mga matatanda na. Hindi ako makasabay," pagbibiro nito."Kapag tumanda ka tulad nila, ganiyan ka rin naman. Para bang sila ang future mo," natatawang saad ni Aliya."Yeah! Tapos ikaw ang kasama ko sa pagtandang iyon."Aliya's heart beats crazily. Para siyang hindi makahinga dahil sa bilis no'n."I hope so, Gavin. Hindi natin puwedeng pangunahan ang panahon. Kung tayo nga, ay tayo talaga.""I know, love. I just want you to know na ikaw ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda. Ayaw ko ng iba.""So do I. Pero sa ngayon, pagtuunan muna natin a

DMCA.com Protection Status