ISINUKBIT KO ang kwarenta y cinco na baril sa aking bewang saka naglagay rin ako ng extra sa aking attache case na dala.
Inayos ko ang aking suot na itim na jacket. Sinuot ko rin ang relo kong rolex at ang itim kong high cut na sapatos. Kinasa ko ang aking dalawang baril saka iyon isinuksok sa bulsa ng aking jacket.
Ilang oras na lang at magkakaharap na kami nina Moina at Mister Caline. Hindi na ako makapaghintay pa sa mga oras na 'yon.
Gusto ko silang bugbogin at patayin. Huwag lang nilang gawan ng masama sina Mommy at Lola kung hindi. Ewan ko lang kung ano ang magagawa ko mamaya sa kanila.
Alam kong wala akong laban sa kanila. Dahil alam kong matagal na nila itong pinag-planuhan. Alam ko ring may mga tauhan sila sa lugar na kung saan sila naroroon. Alam ko ding hindi tutupad sa usapan si Moira at Mister Caline.
Sino ba naman kasi ang tangang kriminal na bubuhayin ang tulad kong nakakaalam ng sekreto nila?
Big
SEEING THEM inside of the box made of glass. My heart skip a little bit. Humigpit ang hawak ko sa attache case at masamang tiningnan sina Mister Caline at Moina.Ngising-ngisi sila habang nakatitig sa akin. Hindi ko maalis ang aking paningin sa dalawang tao na importante sa buhay ko.Alam kong nahihirapan na silang huminga roon at sa pagkakataong ito hindi sumusunod sa usapan ang dalawang tao na siyang dahilan kung ba't nasa panganib sina Lola at Mommy.Inilibot ko ang aking paningin sa loob at alam kong sa mga oras na iyon katapusan ko na. Pero hindi ako makakapayag na mapatay nila si Lola at Mommy. Dumaan muna sila sa akin bago iyon mangyari."Laird Hedalgo, a.k.a 707, finally you are here." Bati agad sa akin ni Mister Caline.Ang mga mata nito ay makikita ang pagkapuyat at ang katawan nito halatang-halata na rin ang katandaan. Pero kahit ba ganoon matikas pa rin ito at nalakas ang datin
HINDI alam ni Romulos kung saan siya dadaan. Sa isang masukal na damuhan o sa isang malinis na daan?Hindi niya alam kung paano siya nakarating sa lugar na kinatatayuan niya ngayon. Ang alam lang niya ay naghahanap lamang siya kanina ng punong mangga para sa buntis niyang asawa. Sigaw kasi ito ng sigaw sa kaniya na gusto nito ng hilaw na mangga.At dahil malayo pa sa bayan ang kanilang bahay ay pumunta na lamang siya sa likod ng kanilang bahay at pumasok sa isang masukal na gubat. Sigurado siyang maraming punong mangga ang makikita niya roon at hitik sa mga bunga. Ngunit, mukha yata siyang nagkakamali. Wala siyang makitang ni isang mangga kanina pa.Di yata't nagmamalik mata lamang siya noong isang araw nang mapadpad siya rito sa kagubatan habang nangangahoy?Ipinilig na lamang niya ang ulo mula sa malalim na pag-iisip. Bumalik siya sa kaniyang kinasasadlakan ngayon. Ano nang gagawin niya? Mukha yatang naligaw siya at hindi na alam ang d
NANLULUMO SI Oddyseus nang marinig na naman niya ang sigaw ng mga bata sa kalye na kaniyang nadadaanan."Kuba! Kuba! Ahh! Pangit! Pangit!""Sinumpa! Sinumpa! Pangit!"Yukong-yuko siya habang naglalakad. Kahit hindi man siya yumuko, sasabihin paring nakayuko siya. Gustuhin man niyang patulin ang mga bata sa panlalait nito sa kaniya hindi niya magawa. Totoo naman kasi ang mga sinisigaw nito sa kaniya, saka ang totoo hindi niya kayang manlaban. Isa siyang mahina.Hindi lang iyon. Mukha yata talaga siyang sinumpa dahil sa kaniyang anyo. May malaki siyang bukol sa kaniyang likod na kung saan tinatawag na kuba. Maging ang kaniyang mukha ay kulubot. Ang mga mata niyang parang tinunaw na kandila. Para iyong kipat kung titingnan. Hindi mo gugustuhing mapatingin sa kaniya.Aakalain mo talaga na isa siyang masamang tao o aswang ayon sa iba. Na hindi naman talaga totoo.Bitbit ang basket ng kaniyang Ina na puno ng mga gulay at ulam nila ay n
"ANAK! DIYOS KO! Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa namin hinihintay ng 'yong ama..."Iniabot naman agad ng kaniyang Inang Victoria ang dala niyang basket na puno ng mga gulay at kasangkapan sa pagluluto. Lumapit naman sa kaniya ang Amang si Romulos at pinakatitigan siya na may pagaalala sa mukha.Ngumiti siya sa mga ito saka isinara na ang pinto ng kanilang bahay. Mahirap na at baka pasukin sila ng mga magnanakaw. Balita pa naman niya kanina doon sa palengke na uso ngayon ang akya't bahay.Hindi rin naman kasi sila ganoon kahirap sa buhay. Masasabi niyang katamtaman ang estado nila. Nakakain naman kasi sila ng tatlong beses sa isang araw. Bumaling siya sa kaniyang Ina."Natagalan po kasi ako sa bayan, Ina. Kung kaya't gabi na po akong naka-uwi.""Diyos ko, anak. Mabuti na lamang at walang nangyaring masama sa'yo. Sa susunod sumabay ka na sa Amang mo sa pag-uwi. Para hindi ako mag-alala sa'yo ng ganito."Tumango na lamang siya saka tumungo s
MABILIS ANG lakad ni Oddyseus habang papalabas na ng campus ng paaralan. Nagmamadali siya para hindi niya makasabay ang mga ibang estudyante na walang ginawa kundi ang laiitin siya palagi.Hindi niya alintana ang mga mapang-usig na tingin ng kapwa niya estudyante habang nakakasalubong niya ang mga ito.Tinuturing na lamang niyang parang wala siyang nakikita at nararamdaman. Sa ganoong paraan hindi siya masasaktan ng katotohanan. Noon pa man tanggap na niya ang sumpang iginawad sa kaniya ng diwata.Nagpapasalamat parin siya rito dahil kahit papaano binuhay siya nito at hindi pinatay. Iyon nga lang para narin siyang pinatay dahil sa mga panlalait na kaniyang natatanggap araw-araw. Ngunit kahit na ganoon, masaya parin siya at nasaksihan at naranasan niya ang pagmamahal ng isang magulang.Bigla lamang siyang napatigil nang mabunggo siya sa isang matigas na bagay. Umangat ang kaniyang tingin at pinakatitigan kung ano ang bagay na 'yon.
HANGGANG NGAYON hindi parin makapaniwala si Oddyseus na kasama niya si Olcea at ang pinsan nitong si Adeva kahapon. Lutang na lutang parin ang isip niya hanggang ngayon. Nangyari nga ba ang kahapon? Nakasabay nga ba niya talaga si Olcea pauwi? Or nanaginip lang talaga siya?Pero napangisi siya ng ubod laki nang maalala niyang hindi pala siya nanaginip no'n. Totoo iyong nangyari, ang lahat ng nangyari.Kasalukuyan siyang nag-aalmusal ngayon at kasabay niya ang kaniyang mga magulang sa hapag-kainan.Hindi niya alam ang sasabihin sa mga ito ang tunay niyang nararamdaman. Baka mamaya sabihan lang siya ng mga ito na lumayo sa gulo. Lalo na't alam ng mga ito na delikado ang tatay ni Olcea.Ayaw niyang mangyari iyon. Alam niyang iniisip lang ng mga magulang niya ang kaniyang kapakanan pero hindi niya rin maiwasan ang bugso ng kaniyang damdamin para kay Olcea. Mahal na mahal niya ito simula pa noong bata pa
YUKONG-YUKO SI Oddyseus habang nasa loob sila ng cafeteria kasama sina Olcea at Adeva. Halos lahat ng estudyante ay nakatingin sa kanilang pwesto. Parang piniprito ang kaniyang pwet. Kanina pa niya gustong tumayo at tumakbo ngunit hindi niya magawa.Kasama niya si Olcea ang babaeng pinakamamahal niya. Hindi niya alam kung paano siya napasama sa dalawa basta ang natatandaan na lamang niya ay hinila siya kanina sa hallway ni Olcea, saka dinala rito sa loob ng cafeteria. Kung saan pinagsisisihan niyang sumama.Kumakain ang dalawa ng spaghetti. Samantalang siya hindi manlang ginagalaw ang pagkain sa kaniyang plato."Oo nga pala, Oddy. Wala ka naman talagang lahing aswang 'di ba?" Biglang untag sa kaniya ni Adeva dahilan upang mawala ang malalim niyang pag-iisip.Bago pa man siya makasagot naunahan na siya ni Olcea. "Ano ka ba naman, insan. Maniniwala ka rin ba sa mga tsismis ng kababayan natin? At mapapaniwala sa mga kwento-kwento nila?"Napangit
"KANINA ka pa namin hinihintay, Oddy. Saan ka galing at ginabi ka ngayon?" Bungad sa kaniya ng Ina Victoria niya.Nolampasan niya ito saka siya umupo sa sofa na nasa kanilang bahay. Tinanggal niya ang kaniyang sapatos saka siya bumaling rito."Dumaan pa po kasi ako sa library kanina, Ina. Ginawa ko lang po iyong assignment ko," pagsisinungaling ulit niya rito.Rinig na rinig niya ang malakas na buntong hininga ng kaniyang Ina nang marinig ang kaniyang sinabi."Anak, huwag kang mahihiyang magsabi sa amin ng Itay mo kapag may problema ka ah? Sabihin mo sa akin, huwag kang mag dadalawang isip."Tumango siya saka hinawakan niya ang mga kamay nito saka siya ngumiti ng ubod tamis rito. "Pangako, Ina. Sasabihin ko ho agad sa inyo.""Mahal na mahal ka namin anak, kaya andito lang kami ng iyong Itay para sa'yo."Niyakap siya nito ng napaka-higpit. Lihim siyang napa
"KUMAIN KA NA ANAK, ito na siguro ang kapalaran na ibinigay sa atin ng Diyos. Marapat lang nating tanggapin ng buong puso at ipagpasalamat sa kaniya.."Nasa hapag-kainan sila ngayong tatlo at nakaharap sa pagkaing nakahain sa kanilang mesa. Alas sais (6:00) na ng gabi. At masasabi ni Oddyseus sa sarili na ito ang kakaibang gabi para sa kaniya.Wala siyang maramdamang kakaiba sa kaniyang sarili kahit kabilugan ng buwan. Gaya nang dati na sumasakit ang kuba sa kaniyang likod sa t'wing ganitong oras at kabilugan ng buwan. Mag-iisang oras na rin at hindi parin nagpapakita sa kaniya ang diwata. Tulad ng sinabi nito sa kaniya kanina bago ito naglaho na parang bula sa kaniyang harapan.Napatingin siya sa kaniyang Amang si Romulos nang magsimula itong magsalita. Humihikbi na ito ng iyak tulad ng Inang Victoria niya."'Nay? 'Tay? Bakit kayo umiiyak?"Tumayo ang Ama niya saka lumapit sa kaniya. Bigl
PUMUNTA si Oddyseus sa kagubatan. Gusto niyang makausap ang diwatang sumumpa sa kaniya. At alam niyang oras na ng kabilugan ng buwan ngayon. Ang huling kabilugan ng buwan para sa kaniya na isinumpa.Ang huling araw kung saan ang pag-asang mawala sa kaniya ang sumpa. Pero malas niya dahil walang babaeng umibig sa kaniya kahit ni isa.Hanggang ngayon hindi parin mawala sa kaniyang isipan ang sinabi noong isang araw sa kaniya ni Olcea. Ang mga katagang 'mahal na yata kita'. Pagkatapos na sabihin sa kaniya niyon ni Olcea agad itong kumawala sa kaniya at nanakbo papalayo na walang paalam.Naiwan siyang tulala at takang-taka. Kahapon at ngayon ay patuloy parin siyang iniiwasan ni Olcea. Parang may nasabi itong mali kung kaya't hindi siya nito pinapansin ng buong maghapon sa loob ng kampus.Siyang ikinatuwa niya naman, dahil hindi narin siya nahihirapang iwasan pa si Olcea. Nakakatawa na napakasaki
HANGGANG NGAYON lutang na lutang parin si Oddyseus sa mga sinabi ni Olcea sa kaniya. Hindi niya alam kung nasa langit naba siya ngayon o andito parin ba siya sa lupa.Kasama niya ngayon si Olcea at hindi niya alam kung saan silang dalawa pupunta. Tapos narin ang klase nilang dalawa kung kaya't inaya siya nito na lumabas. Ayaw pa sana niya kaso nga lang nagpumilit ito kung kaya't wala na siyang nagawa pa, kundi ang sumama na lamang rito. Hindi niya rin kasi matiis ang babaeng nagpapatibok ng kaniyang puso.Maraming mga bata sa lansangan ang kanilang nakakasalubong panay ang iwas ng mga ito sa kaniya sa tuwing siya ay dadaan. Napatingin siya kay Olcea at kahit anong emosyon wala siyang mabasa rito. Nakangiti ito ng malawak at hindi alintana ang mga mapang-usig na tingin ng mga tao sa kanilang dalawa.Parang sinasabi ni Olcea sa buong taong kanilang nakakasalubong na hindi siya nito ikinakahiya. Hindi niya alam pero napangiti
"ODDY, ANAK. Ano ang nangyayari sa'yo at ilang araw at gabi ka na lamang na naglulugmok diyan sa silid mo. May problema ka ba? Ikwento mo naman sa akin, baka matulungan kita, anak," pukaw sa kaniya ng Ina.Nakalugmok nga siya ngayon sa kaniyang silid at nakatanaw lamang sa kawalan. Inaalala niya ang itsura ni Olcea noong isang araw nang iwan niya ito.Puno ng pagtataka ang mukha nito at pagkalungkot. Gusto niya itong puntahan ngayon pero pinipigilan rin siya ng kaniyang kabilang isip. Kung gagawin niya iyon baka pagalitan na naman si Olcea ng ama nitong galit na galit sa kaniya.Sa halip na sagutin ang Inang Victoria niya hindi niya ito sinagot. Nagtalukbong na lamang siya ng kumot."Hindi ho ulit ako papasok ngayon, Ina. Masama parin ho ang pakiramdam ko," pagsisinungaling niya rito.Rinig niya ang malalim na paghinga nito. Ramdam niyang unti-unti itong lumakad patungo sa kaniyang kama. Ibinaba nito ang kumot na nakatalukbong sa kaniya
"BAKIT NGAYON ka lang, Olcea? Saan ka galing?" Bungad agad sa kaniya ng kaniyang Ama nang makarating siya sa kanilang bahay.Pagod na pagod siyang binalingan ito ng atensyon. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa tanong nito o maiinis. Ganito na lamang ba parati ang tanong na sasalubong sa kaniya? Hindi na niya makayanan pa."Ama, dumaan lang po kami ni Adeva sa isang kainan doon sa bayan kanina. Huwag po kayong mag-alala. Wala po sa aming nangyaring masama."Dumiretso siya sa kusina saka kumuha ng isang basong tubig mula sa refrigerator. Nilagok niya iyon ng sunod-sunod at hindi pinansin ang mga pinagsasabi ng kaniyang Ama."Alam kong nagsisinungaling ka, Olcea. Nagkita kami ni Connor kanina at sinabi niya sa akin ang patuloy na paglapit sa'yo ni Oddyseus, totoo ba iyon?"Inilapag niya sa mesa ang basong kaniyang ininuman saka tinitigan ang kaniyang ama na parang pagod na pagod. Pagod na pagod na talaga siya sa pagpapaintindi rito n
NANLALATA SI OLCEA habang pinagmamasdan ang likod ni Oddyseus na papalayo sa kaniya. Agad naman siyang inalalayan ng kaniyang kaibigang si Adeva nang bigla na lamang siyang nanghina.Hindi niya alam pero parang sinaksak ang kaniyang puso ng isang napakatalim na kutsilyo na siyang sumugat ng malalim sa kaniyang puso. Hindi narin niya namalayan ang pagtulo ng kaniyang mga luha sa kaniyang pisngi.Agad naman siyang nilapitan ng kaniyang pinsan na si Adeva. Takang-taka ito habang nakatitig sa kaniya at pinapatahan siya sa pag-iyak."Oh? Bakit ka umiiyak diyan? Huwag mong sabihin na naa-apektuhan ka sa sinabi ng kubang 'yon, este ni Oddy?"Tinapunan niya ito ng masamang tingin nang marinig niya ang sinabi nitong Kuba. Ilang beses niya bang sabihin sa pinsan na Oddy ang itawag nito sa lalaki? Iyong hindi na panlalait ang lumalabas nito sa bibig."W-wala," wala sa mood niyang sagot rito habang pinipigalan na niyang hindi mapa-iyak.