"Claude...?"
Naglakad palapit si Claude sa kanya't kinorner ito sa mesa. Napasandal ang balakang ng dalaga sa mesa kaya kinuha itong tiyansa ni Claude upang itungkod ang dalawa nitong kamay sa magkabilang gilid nito. Madilim ang buong mukha nito na nakatitig sa mata ng dalaga na pinapakiramdaman ang mga susunod nitong gagawin.
"Leave him," may diin at galit na saad ni Claude.
Kumunot ang noo ni Rosie at naguguluhang tinignan lalo ang lalaki. "Ano bang sinasabi mo?"
"Nicklaus. That f*cking bastard. Leave him!" Napapikit ito sa galit at inis na lumayo kay Rosie. Sinabunutan nito ang buhok bago muling bumalik sa pwesto nilang dalawa. Pero ngayon, mas malapit na ito sa kanya na halos wala ng natitirang distansya sa pagi
Hininto ni Claude ang sasakyan malayo kaunti sa apartment ni Rosie. Ngingiti niyang nilingon ang dalagang inaalis ang kanyang seatbelt. Kaya nang maramdaman ito ni Rosie, tinignan niya pabalik ang binatang hindi maalis alis ang malawak niyang pagkakangiti. "Mapupunit na 'yang labi mo sa kakangiti." Puna ni Rosie bago tuluyang alisin ang kanyang seatbelt. Inalis ni Claude ang kanyang seatbelt at lumapit sa dalagang hinintay ang susunod nitong gagawin. Napasandal si Rosie sa upuan nang halikan siya nito't marahang kagatin ang pang-ibabang labi ng dalaga. Papalalimin pa sana nito ang halik nilang dalawa nang maputol ito sa pagtunog ng telepono ni Rosie. "Claude..." tawag ni Rosie sa pagitan ng kanilang halikan. Nilapat nito ang kanyang kamay sa dibdib ng lalaki upang ilayo. Kahit labag sa loob ni Claude na tumigil, lumayo siya sa pagtulak na iyon ng dalaga. Tumikhim pa siya at pinanood na kunin ni Rosie ang kanyang telepono sa bag nitong nasa bac
Mula pa noong magsimula silang maging magkasintahan, sa tuwing nagluluto si Kourtney, nagugustuhan ito ni Claude. Magaling din kasing magluto ang babae kaya isa iyon sa dahilan kaya nahulog noon sa kanya si Claude. "Pakilabas mamaya ang dessert after niyang kumain," sabi ni Kourtney sa kasambahay na katulong niya sa paglalagay ng mga pagkain sa mesa. Ilang sandali pa, pumasok na si Claude sa dining room. Katulad kahapon, ganun pa rin ang itsura niya at mas lalong naging malamig ang mata nito. Diretsong umupo ito sa kanyang upuan at walang ganang pinasadahan ng tingin ang pagkain sa kanyang harapan. Hindi pa ito napansin ni Kourtney na inalis ang suot na apron bago lumapit sa asawa. Umupo siya sa katabing upuan at may ngiting nilagyan ng pagkain ang plato ni Claude. "Niluto ko lahat ng favorites mo. Tikman mo, dali," excited na sabi ni Kourtney. Tahimik na kinuha ni Claude ang kubyertos at sumubo ng pagkain. Habang si Kourtney naman ay naghihin
UMALIS si Rosie mula sa pagkakasandal nito sa labas ng opisina ni Kourtney. Magmula pa kanina, nakikinig na ito sa usapan ng dalawa sa loob. Pagdating kasi ng babae, patago niya itong sinundan lalo na't nakita niya si Mrs. Camilla na dumating at hinihintay ito. Kahit na soundproof ang opisina nito, may kakayahan si Rosie para marinig ang kanilang pinag-uusapan. Naglakad palayo si Rosie habang may dina-dial sa hawak niyang telepono. Dumiretso siya sa elevator kung saan sakto namang sinagot ng kabilang linya ang tawag nito. "Hi. Can I have a favor?" nakangiting tanong ni Rosie bago pumasok sa kakabukas lamang na elevator. "Hmm... pwede bang mag-set ka ng dinner? Oo, gusto ko silang makausap mamaya. About 8 pm? Okay, thank you." May ngiting nilayo ni Rosie ang telepono sa kanyang tenga. Pagkababa ng tawag, bumalik ang blangko nitong mukha. "Alisin sa buhay ni Claude? Nagpapatawa sila."Pagbukas ng elevator, napahinto ang babae sa paglabas nang mak
Napatitig ang matanda sa hawak na kutsilyo ni Rosie. Kinabahan siya nang ibato ito ng dalaga na tumama at bumaon sa pader. Para siyang aatakihin sa nangyari at napahawak sa kanyang dibdib. "A-ano bang ginagawa mo Ms. Bamford?!" galit nitong saad matapos na makita ang kutsilyong nakabaon sa pader. Lumapit si Rosie sa pinag-upuan kanina ng matanda't kinuha ang telepono nitong nakababad sa tubig. Isang kisap mata, nasa harapan na siya ni Mr. Nable na lumaki lalo ang gulat na kitang kita sa buo nitong mukha. "A-ano... k-ka?" May takot sa boses ng matanda habang nakatitig sa mata ni Aonani na unti-unting nagbabago ang kulay. Pagharap niya sa gilid, muntik na siyang atakihin talaga sa puso nang makita si Nicklaus. "A-anong..."Nakalabas ang pangil ng binata at pulang pula ang matang nakatingin. Pagbaba ng tingin ni Mr. Nable sa kamay ni Nicklaus, nakita niya ang paghaba ng kuko nito kaya napahakbang siya palayo sa dalawa. Tumama ang likod nito sa pad
"Ayusin niyo ito!" sigaw ni Mrs. Camilla sa sekretarya nilang tatlo. Sumunod ang kanilang sekretarya kung saan sa kanilang paglisan, pagod na umupo ang ginang. Magmula kanina, walang tigil ang tatlo upang pagtakpan ang mga nangyayari. Inalam din nila ang puno't dulo ng lahat ngunit hanggang ngayon, wala pa rin silang nahahanap. Marami na ang mga tumatawag sa kanila lalo na ang mga reporters na nasa labas ng kumpanya na pilit muna nilang iniiwasan. "Bukas pumunta ka sa Celestine. Alam mo na ang gagawin. Ayusin mo ito Claude," sabi ng ginang sa anak nitong seryosong nakatutok ang paningin sa bukas na telebisyon. 'Paniguradong may gumawa nito.'INAYOS ni Rosie ang gagamitin nito para sa paghahanap kay Vignor. Matapos ng meeting, sinabihan nito ang kumpanya na lumiban muna upang hindi siya madamay sa gulong nangyayari sa kumpanya. Paraan niya na rin ito upang mapabilis ang mga plano niya. At sa ngayon, nakasentro ang atensyon niya sa paghahanap kay Vignor. "Handa na ba?" tanong ni Ros
Naging palaisipan sa dalawa ang kinahinatnan nito kung saan pagkatingin ni Rosie sa may kanang parte ng leeg ni Vignor, isang pamilyar na marka ang kanyang nakita. Sinundan ni Nicklaus ang tinitignan ng dalaga't kumunot ang noo dahil sa nakita. Ang markang ito ay parang paso ng apoy na kulay itim. Pabilog ang apoy kung saan sa gitna ay isang bituin na may nakasulat na petsa ng kanyang pagkamatay. Nang hawakan ito ni Rosie, nakaramdam siya ng paso mula rito na agad na ikinalayo ng kanyang kamay sa marka. "Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Nicklaus nang makitang may paso ang daliring pinanghawak ni Rosie."Ayos lang," sagot ng dalaga kahit mahapdi ang paso. Pinagmasdan nito ang katawan ng bampira at hinahanap ang kahit anong bakas para malaman kung paano ito namatay. Ngunit katulad ng pagkabigo nilang mahuli ito ng buhay, wala siyang nakita na naging isang malaking palaisipan para sa kanya. "Buhatin mo siya. Kailangan natin ang kanyang katawan." Utos ni Rosie na tumayo mula sa pa
KATULAD ng napag-usapan ng dalawa kagabi, bumalik sila Rosie at Nicklaus sa abandonadong hotel. Kumpara kahapon na magmamadaling araw sila pumunta, napagdesisyunan ng dalawa na umaga sila bumalik para mas malinaw na makahanap ng kahit anong ebidensya na makapagtuturo sa pumatay kay Vignor. Hawak pa rin ng council ang katawan ng bampira. Kanilang sinisiguro na hindi kusang mawawala ang katawan nito hangga't hindi pa nila nahahanap ang dahilan ng kanyang pagkamatay. Inatasan din ng council ang iba pang bampira upang maghanap ng impormasyon patungkol sa markang hindi nawawala sa leeg ni Vignor. "Dito. May nakita akong anino rito kaninang madaling araw." Turo ni Rosie sa basag na bintana. Lumapit si Nicklaus sa tinuturo ng dalaga. "Bakit hindi mo sinabi sa council?" Binaba ni Rosie ang kamay niyang pinangtuturo sa bintana. "Dahil gusto ko munang kumpirmahin kung tama ba ang aking nakita," sagot ng dalaga na mas lumapit pa sa bintana. Sumilip ito sa labas at inalala ang daang tinahak n
Binitawan niya rin agad ang binalian nito ng ulo na bumagsak sa lupa at inalis ang suot niyang crucifix. Binato niya sa isa pang malapit sa kanila ang kwintas na tumama sa leeg ng bampira. Dumikit ito sa kanyang katawan na nagpatigil dito't nagsimulang umapoy ang leeg. Babalakin pa sana ng mga natirang lapitan ang mga ito nang bigla na lamang silang naglaho. Bumalik ang mga ito sa pagiging anino, kung saan ang mga napuruhan nilang kasama ay paunti-unting nagiging abo. Mabilis pang lumingon si Rosie sa kanyang kaliwa nang maramdaman ang malakas na presensya mula roon. Kumunot ang kanyang noo nang makita ang suot ng taong nagtago roon dahil nakita nito ang simbolo ng Orpheus clan. Kasabay ng pagkawala ng mga aninong bampira, ang pagkawala rin ng bampirang nakita ni Rosie sa malaking puno. Luminga pa siya sa paligid para sana hanapin ang mga ito ngunit para silang bulang naglaho sa paligid. Naglakad na lamang palapit si Rosie kay Nicklaus. Inalalayan niya itong makatayo't walang salit
Hinablot ni Rosie ang dulo ng lamesang nasa gilid niya kung saan nakalagay ang ilang vase. Ginamit niya itong pansangga kay Claude na patakbong lumapit sa kanya. Nang tumama ito sa lalaki, dumausdos siya sa ilalim ng mesa't malakas na sinipa ang lalaki sa likuran. Katulad kanina, tumalsik si Claude kasama ng mesa. Hindi agad naka-recover si Claude sa nangyari kaya naman dinampot ni Rosie ang frame kung saan nakatarak ang kutsilyo. Sa pagkakataong ito, pagkaalis niya ng patalim sa frame, tinapon niya ito sa direksyon ng lalaki. Tumusok ang dulo ng patalim sa likod ni Claude na nagpadaing sa kanya. Kitang kita pa ni Rosie ang pag-apoy ng kutsilyo sa likod nito kaya naman tumakbo ulit siya palapit sa lalaki't mas binaon pa ang patalim. Sinipa niya ang patalim sa likod ni Claude kaya naman mas bumaon pa ito sa kanya. Matapos non, agad siyang lumayo kung saan walang lingon niyang tinakbo ang daan patungo sa pinto. Nang hawakan ni Rosie ang door knob para sana buksan ito't makalabas, par
NAPAKO ang dalaga sa kanyang kinatatayuan at pilit pa ring naguguluhan sa mga nangyayari. Ngunit kahit ganun, ramdam niya ang panganib lalo na sa mga binitawang salita ni Claude. Sa loob niya, alam niyang hindi nagloloko ang lalaki. Bago pa man makagawa ng sunod na hakbang si Claude, malakas siyang tinulak ni Rosie na naging dahilan ng paglayo nito. Kamuntikan pang tumama ang lalaki sa malaking mesa sa gitna, pero nagawa nitong pigilan ang impact na gawa ng pagtulak sa kanya ng dalaga. Mabilis na nilabas ni Rosie ang isang fixed blade na nakatago sa likod ng kanyang bewang, kasabay ng pagbagsak ng lalagyan nito sa sahig. Dahil na rin sa malaking coat na kanina pa suot ng babae, nagawa nitong itago ang kutsilyo na pinaghandaan ni Rosie. "What happened to you?" seryosong tanong ng dalaga't inayos ang pagkakahawak ng kutsilyo. Umayos ng tayo si Claude na mukhang hindi man lang nainis sa nangyari. Bagkus, nakaramdam siya ng excitement sa mga susunod pang mangyayari. Pinagpagan niya an
Sumingkit ang mata ni Rosie at nagtaka nang malamang may kausap si Claude. Hindi niya kasi maramdaman ang isa pang presensya sa loob kaya pilit niyang sinisilip ang nasa kabilang sofa. Ngunit dahil maliit lang ang siwang ng pinto, hindi niya magawa kaya tinuon niya lalo ang tingin sa lalaki. Isang ngisi ang sumilay kay Claude kasabay ng paglingon nito sa pinto. Naging mabilis naman ang paglayo rito ni Rosie kung saan nagtago ito sa kabilang kwarto. Tumakbo siya palapit sa malaking kurtina sa kwarto para magtago dahil sa mabilis nitong pagbukas. Nakiramdam din siya sa presensya ni Claude na nasa labas lamang at pinilit na hindi gumalaw. "Parang may narinig lang akong nagbukas dito." Rinig ni Rosie na nagpakunot ng kanyang noo. Sa paraan kasi ng pagkakasabi nito ni Claude, parang alam ng lalaki na nagtatago siya sa loob nito. Ilang segundo ang lumipas nang marinig niya ang pagsara ng pinto. Nanatili pa siya ng ilang minuto sa likod ng kurtina bago mapagdesisyunan na lumabas sa kanyan
MALALIM na napaisip si Rosie nang dahil sa nangyari kanina sa opisina ni Claude. Hindi mawala sa isip niya ang kakaibang ngiti ng lalaki na nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Alam niyang may mali, sadyang hindi lang siya sigurado kung ano. Nawala lang sa pag-iisip si Rosie sa katok ni Nicklaus sa bintana ng kotse nito. Kanina pa kasi ito nakauwi, sadyang nanatili lang siya sa loob ng kotse nito at nag-iisip. "May nangyari ba?" tanong ni Nicklaus pagkababa ni Rosie ng bintana ng kanyang kotse. Inalis ni Rosie ang kanyang seatbelt saka lumabas ng kotse nito. Ni-lock niya pa muna ito bago lapitan si Nicklaus na naghihintay ng sagot. "Wala. Ngayon ang alis mo?" Pag-iiba niya ng usapan. Sabay silang naglakad papasok sa apartment kung saan si Nicklaus na mismo ang nagbukas ng pinto. Pagod namang dumiretso si Rosie sa sofa, umupo ito't tumitig sa kisame. Habang si Nicklaus, nanatiling nakatayo sa gilid ni Rosie at siya ay pinagmamasdan."Anong oras ang flight mo?" muling tanong
Maraming tumatakbo sa kanyang isipan, ngunit iisa lang ang naiisip niyang puno't dulo ng gulo sa gate. Hindi man siya sigurado, pero alam niyang malaki ang posibilidad na tama ang nasa isip nito. Nang makabalik sila sa mansyon, pinatawag si Rosie kasama ang lola niya upang kausapin ito. Wala namang naging angal ang dalaga't tahimik itong nakatayo sa harap ng mga council na mataman siyang pinagmamasdan. "Alam naming may alam ka, Rosie. Kaya sabihin mo... sino sa tingin mo ang may kagagawan ng lahat ng ito?" seryosong tanong ng isang council na babae. "Orpheus clan," deretsang sagot ng dalaga na hindi man lang kumurap. Nagkaroon ng matinding katahimikan sa paligid. Maski ang lola ni Rosie ay natahimik at animo'y malalim na napaisip. Mahabang buntong hininga pa ang kumawala sa bibig ng pinakamataas na council bago siya tumango, bilang pagsang-ayon sa dalaga. "Wala nino man ang maaaring makasira ng Hell's gate kundi sila lamang. Naisip na rin namin 'yan. Lalo na't malaki nga ang tiya
UMANGAT ang tingin ng pinakamataas na council nang marinig ang kaguluhang nangyayari sa Hell's gate. Binaba pa nito ang hawak niyang wine glass saka tumayo mula sa kanyang kinauupuan kung saan nagpupulong ang buong council. "Tingnan niyo kung anong nangyayari roon. Hihingi ako ng tulong sa royal blood vampires. Masyadong malakas ang mga nakakulong, kakailanganin natin sila." Kisap matang nawala ang pinakamataas na bampira sa gitna kasabay ng pagtayo ng mga council. Seryosong umalis ang mga ito kasama ang ilang bampira upang tumungo sa Hell's gate. Karamihan sa kanila ay mga council na isa sa may mga kakayahan para pigilan ang mga bampirang patuloy na tumatakas. Agad silang dumiretso sa labas ng mansyon kung saan nakaparada ang ilan nilang kotse. Sa paglisan ng ilang bampira, dumiretso ang pinakamataas na bampira sa isang kwarto. Sakto dahil nandoon ang lola ni Rosie na nakaupo sa itim na mahaba at malambot na sofa. Abala ito sa pag-inom nang mapatingin siya sa council na dumating.