Sakay ng yate ang mag-asawang Kourtney at Claude upang ituloy ang naudlot nilang honeymoon. Dumaong ito sa isang pribadong isla kung saan tanging mga mayayamang tao lamang ang pumupunta. Isa sa dahilan dito ay dahil sa mahal ng kanilang tutuluyan sa isla, kasama na roon ang mga iba pang aktibidad na doble o dikaya'y triple ang bayad kumpara sa iba.
"Welcome, Mr. and Mrs. Montreal," nakangiting bati ng isang babaeng sumalubong sa kanila pagbaba ng kanilang yate. Inalalayan pa ni Claude si Kourtney sa pagbaba nito hanggang sila'y maglakad palapit sa babae. May mga tao ring kumuha ng kanilang mga bagahe, kung saan kanila na nitong diniretso sa kanilang titirahan sa isla.Puno ng sigla ang dalawa lalo na si Kourtney na gusto talagang makapag-relax. Ramdam din niya ang excitement lalo na't ito ang araw upang walang makasira ng perpektong honeymoon na kanyang inaasam... 'yun ang inaakala niya.Sa paglakad nila patungo sa mismong isla, natigil ang dalawa ng maTanging pilit na ngiti naman ang sinagot sa kanya ni Claude. "Kanina pa kita tinatawag kaya naisip kong tawagin ang pangalan mo para tumingin ka sa akin. Tell me, ano bang problema?" malumanay na sagot nito. "Alam mo kung anong problema, Claude. At naiinis akong isipin na nandito siya para sirain ang pamamalagi natin dito." Hinawakan ni Claude ang kamay nito't kanyang hinalikan. Tumitig din siya sa mata ng asawang puno ng inis ang makikita. "Alam ko, pero katulad ng sinabi ko, hayaan na natin sila. Hahayaan mo na lang bang sirain ni Rosie ang honeymoon natin? Nandito tayo para magsaya, hindi para isipin sila." "Kung bakit naman kasi nandito siya! Paniguradong sinadya niya ito!" nanggagalaiting sabi ni Kourtney. Patuloy lang namang hinalikan ni Claude ang kamay ng asawa't nginingitian siya. "Forget about them, sa akin mo lang ituon ang atensyon mo," malambing na sabi nito na nagpakalma kahit papaano sa asawa. "Oh, really?! Oh my
May ngiting pumasok si Nicklaus at Rosie sa loob ng kumpanya nila Claude. Ngayong araw na ito ang isang espesyal na event para sa bagong promotion ni Rosie bilang model ng kumpanya. Nakadalo ang lahat at halos lahat ng atensyon ng mga reporters ay nasa dalawang papasok sa loob ng gusali. Nakapulupot ang kamay ni Nicklaus sa bewang ng kasintahan habang papasok sa loob. Nakangiti namang binabati ni Rosie ang mga sumasalubong sa kanila. Huminto lamang ang dalawa nang makasalubong nila ang mag-asawang Claude at Kourtney. "A pleasant morning, Mr. and Mrs. Montreal," nakangiting bati ni Rosie sa dalawa. Kahit naiinis si Kourtney, tanging pilit na ngiti ang sagot niya rito bago ipulupot lalo ang kamay niya sa braso ng asawa. Si Claude nama'y hindi maalis ang tingin sa kamay ni Nicklaus, na sa isip niya'y siya lang dapat ang nakakahawak ng ganyan sa dalaga. Magmula kasi noong huli nilang pag-uusap sa isla, napag-alaman na lamang ng lalaki na umalis na sila kina
Katulad sa pagsisimula nito sa kanyang kwento, inobserbahan ni Rosie ang matanda kung may alam ba siya sa dati nitong asawa. Tinitignan niya kung may alam ba ito sa pagkabampira nito sa pamamagitan ng pagtitig niya sa kanyang mata. Ngunit mukhang magaling magtago ang matanda ng sekreto dahil ni isang reaksyo'y walang nakuha si Rosie. Ganun pa rin ang kanyang ekspresyon kahit na pilit pinapakiramdaman ng dalaga ito. Sa hindi mawaring dahilan, wala siyang maramdamang kakaiba sa kanya. "Alam niyo ba ang naging katapusan ng kwento?" pagtatanong ni Rosie na umalis sa pagkakasandal. Tumagilid pa kaunti ang ulo nito't pinagmasdan ang buong mukha ng matanda. "Sa huli, nawala sa lahi ng mga bampira ang angkan na iyon. Nakakatuwa lang dahil tama lang sa kanilang mamatay. Dahil dapat parusahan ang mga katulad nilang walang tamang nagagawa sa mundong ito. Kung tutuusin, napakagaling ng sumulat ng kwentong iyon. Alam niyo kung bakit?" Sinandal ni Rosie ang kanyang ulo sa kamay nitong n
SA loob ng isang malaking mansyon, napupuno ng mga kumikinang na palamuti ang kabuuan nito. Marami ring dumadalong mga tao upang makisaya sa araw ng engagement party nila Aonani at Nicklaus. Sa bawat taong pumapasok sa loob, ganun naman karangya ang kanilang suot mula sa mga dala nilang sasakyan. Patalbugan ang mga ito ng kanilang mga mahal na kasuotan na halos ang iba'y magyabang na. "Nandyan na siya," bulong ni Nicklaus kay Rosie nang maramdaman nito ang presensya ni Claude na nagmumula sa labas ng mansyon. Tanging pagngiti ang sinagot ni Rosie saka patuloy na binabati ang mga pumapasok. Sa suot at itsura ngayon ng dalaga, halos lahat ng tingin ay napupunta sa kanya. At ang mga ito ay mga kalalakihan na pasulyap sulyap dito. Kahit kasi pulang slit dress ang kanyang suot, mas kumikinang siya dahil sa kaputiang meron ito. Mapupula rin ang kanyang labi na ang kulot niyang buhok ang nagpapaangat ng kanyang ganda. Isama pa ang paraan ng pagngiti nito at pa
Natigil sa paglayo si Rosie at mariing napatitig sa mata ng lalaki na napupuno ngayon ng inis. Bumuntong hininga pa ito bago muling magsalita. "Fine, tell me your reason. Bakit ka nandito? And I know kung bakit ayoko mo sa akin. I'm sorry for what I did to your mother but I think, we really have to end this." "No!" pikit matang sagot ni Claude na kaunting humigpit ang hawak kay Rosie. Tinulak niya ang babae sa kama saka tinungkod ang kamay sa magkabilaang gilid nito. Napahiga pa kaunti si Rosie nang maglapit ang mukha nilang dalawa. "I don't care what you did to Mom, because I hate you for how you're playing with my feelings.""Hindi ko pinaglalaruan ang damdamin mo Claude, ilang beses kong sinabi sa'yong tapusin na na--""Then why?!" malakas na sigaw ng lalaki. "Why did you say to me how much you love me?! Bakit?! Bakit pinaasa mo ako kung sa huli wala rin pa lang patutunguhan ang meron sa ating dalawa? Asawa pa rin kita, Rosie. At sa sinabi mo
Napatitig si Claude kay Rosie habang patago nitong pinapanood ang dalaga na abala sa kanyang photoshoot. Dalawang araw na ang nakalipas magmula nang matapos ang engagement party. At hanggang ngayon, hindi maalis sa isipan ni Claude ang nangyari. Wala ito gaanong maalala kaya hindi niya alam kung may nangyari ba sa kanila o wala. Nagising na lang kasi itong lasing sa sala ng mansion kung saan siya nahanap ng asawang si Kourtney. Noong una, hinanap niya si Rosie pero dahil sa kagustuhan ng dalawa niyang kasama na umuwi, wala siyang nagawa kundi ang sumama sa mga ito. Naging abala rin kasi si Rosie kaya hindi sila gaanong nagkita. Kaya ngayon, balak niya itong kausapin. "Okay! Nice shot! Break time muna!" sigaw ng main head ng photoshoot nila. Nagsialisan ang mga ito maliban kay Rosie na naupo sa nakalaang upuan para sa kanya. Pumikit pa siya at halata ang pagod kaya ganun na lang na pinigilan ni Claude ang kanyang sarili upang lapitan ito. Nap
Napahilamos sa mukha si Claude ng maalala ang nangyari. Hindi niya kilala ang mga lalaking nanakit sa kanya dahil ngayon niya lang sila nakita. Ngunit hindi maalis sa isipan niya ang mata ng sumakal sa kanya mismo. Hindi niya alam kung nagha-hallucinate lang ba siya o ano, pero nakita niyang unti-unting naging pula ang mata ng lalaki kanina bago siya mawalan ng malay. "Claude..." pagkukuha ni Rosie ng atensyon nito na kanyang ikinalingon sa kanya. Mahabang buntong hininga ang pinakawalan bago ngumiti. "Ayos lang, masyado lang akong pagod. Salamat pala sa pagpunta mo rito sa akin. Don't worry, ayos lang ako," paniniguro niyang sagot na ikinangiti kaunti ng dalaga."Kung ganun, mauuna na ako. Huwag mong pagudin ang sarili mo at ku--" hindi natapos ni Rosie ang sinasabi sa pagyakap sa kanya nito. "I missed you..." may ngiti sa labing sabi ni Claude. Gusto niyang tanungin ang nangyari sa engagement party, ngunit ayaw niya itong itanong dahi
SERYOSO at tahimik na pumasok si Rosie at Nicklaus sa mismong mansyon ng council. Pagdating ni Rosie kanina sa apartment niya, ganun namang natapos na ni Nicklaus na linisin ang nangyari. Kaya nagpalit lang sila saglit, saka tinungo ang pakay nila upang sabihin sa council ang ginawa na namang pananakit ng Crimson clan."Nandito na naman kayo," sabi ng pinakamataas na council. Tinitignan niya ang mata ng dalaga na puno ang pagkaseryoso nito. At kahit hindi pa man sila nakakapasok kanina, naramdaman na nila ang presensya niya kahit ito ay malayo pa lang."Sinubukang patayin ng Crimson clan si Claude at ang asawa nito. Mukhang bumabawi sila sa ginawa namin sa kanila," sagot ni Rosie.Tahimik lang naman si Nicklaus sa tabi nitong tinitingnan ang reaksyon ng ilang council. Ang il
Hinablot ni Rosie ang dulo ng lamesang nasa gilid niya kung saan nakalagay ang ilang vase. Ginamit niya itong pansangga kay Claude na patakbong lumapit sa kanya. Nang tumama ito sa lalaki, dumausdos siya sa ilalim ng mesa't malakas na sinipa ang lalaki sa likuran. Katulad kanina, tumalsik si Claude kasama ng mesa. Hindi agad naka-recover si Claude sa nangyari kaya naman dinampot ni Rosie ang frame kung saan nakatarak ang kutsilyo. Sa pagkakataong ito, pagkaalis niya ng patalim sa frame, tinapon niya ito sa direksyon ng lalaki. Tumusok ang dulo ng patalim sa likod ni Claude na nagpadaing sa kanya. Kitang kita pa ni Rosie ang pag-apoy ng kutsilyo sa likod nito kaya naman tumakbo ulit siya palapit sa lalaki't mas binaon pa ang patalim. Sinipa niya ang patalim sa likod ni Claude kaya naman mas bumaon pa ito sa kanya. Matapos non, agad siyang lumayo kung saan walang lingon niyang tinakbo ang daan patungo sa pinto. Nang hawakan ni Rosie ang door knob para sana buksan ito't makalabas, par
NAPAKO ang dalaga sa kanyang kinatatayuan at pilit pa ring naguguluhan sa mga nangyayari. Ngunit kahit ganun, ramdam niya ang panganib lalo na sa mga binitawang salita ni Claude. Sa loob niya, alam niyang hindi nagloloko ang lalaki. Bago pa man makagawa ng sunod na hakbang si Claude, malakas siyang tinulak ni Rosie na naging dahilan ng paglayo nito. Kamuntikan pang tumama ang lalaki sa malaking mesa sa gitna, pero nagawa nitong pigilan ang impact na gawa ng pagtulak sa kanya ng dalaga. Mabilis na nilabas ni Rosie ang isang fixed blade na nakatago sa likod ng kanyang bewang, kasabay ng pagbagsak ng lalagyan nito sa sahig. Dahil na rin sa malaking coat na kanina pa suot ng babae, nagawa nitong itago ang kutsilyo na pinaghandaan ni Rosie. "What happened to you?" seryosong tanong ng dalaga't inayos ang pagkakahawak ng kutsilyo. Umayos ng tayo si Claude na mukhang hindi man lang nainis sa nangyari. Bagkus, nakaramdam siya ng excitement sa mga susunod pang mangyayari. Pinagpagan niya an
Sumingkit ang mata ni Rosie at nagtaka nang malamang may kausap si Claude. Hindi niya kasi maramdaman ang isa pang presensya sa loob kaya pilit niyang sinisilip ang nasa kabilang sofa. Ngunit dahil maliit lang ang siwang ng pinto, hindi niya magawa kaya tinuon niya lalo ang tingin sa lalaki. Isang ngisi ang sumilay kay Claude kasabay ng paglingon nito sa pinto. Naging mabilis naman ang paglayo rito ni Rosie kung saan nagtago ito sa kabilang kwarto. Tumakbo siya palapit sa malaking kurtina sa kwarto para magtago dahil sa mabilis nitong pagbukas. Nakiramdam din siya sa presensya ni Claude na nasa labas lamang at pinilit na hindi gumalaw. "Parang may narinig lang akong nagbukas dito." Rinig ni Rosie na nagpakunot ng kanyang noo. Sa paraan kasi ng pagkakasabi nito ni Claude, parang alam ng lalaki na nagtatago siya sa loob nito. Ilang segundo ang lumipas nang marinig niya ang pagsara ng pinto. Nanatili pa siya ng ilang minuto sa likod ng kurtina bago mapagdesisyunan na lumabas sa kanyan
MALALIM na napaisip si Rosie nang dahil sa nangyari kanina sa opisina ni Claude. Hindi mawala sa isip niya ang kakaibang ngiti ng lalaki na nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Alam niyang may mali, sadyang hindi lang siya sigurado kung ano. Nawala lang sa pag-iisip si Rosie sa katok ni Nicklaus sa bintana ng kotse nito. Kanina pa kasi ito nakauwi, sadyang nanatili lang siya sa loob ng kotse nito at nag-iisip. "May nangyari ba?" tanong ni Nicklaus pagkababa ni Rosie ng bintana ng kanyang kotse. Inalis ni Rosie ang kanyang seatbelt saka lumabas ng kotse nito. Ni-lock niya pa muna ito bago lapitan si Nicklaus na naghihintay ng sagot. "Wala. Ngayon ang alis mo?" Pag-iiba niya ng usapan. Sabay silang naglakad papasok sa apartment kung saan si Nicklaus na mismo ang nagbukas ng pinto. Pagod namang dumiretso si Rosie sa sofa, umupo ito't tumitig sa kisame. Habang si Nicklaus, nanatiling nakatayo sa gilid ni Rosie at siya ay pinagmamasdan."Anong oras ang flight mo?" muling tanong
Maraming tumatakbo sa kanyang isipan, ngunit iisa lang ang naiisip niyang puno't dulo ng gulo sa gate. Hindi man siya sigurado, pero alam niyang malaki ang posibilidad na tama ang nasa isip nito. Nang makabalik sila sa mansyon, pinatawag si Rosie kasama ang lola niya upang kausapin ito. Wala namang naging angal ang dalaga't tahimik itong nakatayo sa harap ng mga council na mataman siyang pinagmamasdan. "Alam naming may alam ka, Rosie. Kaya sabihin mo... sino sa tingin mo ang may kagagawan ng lahat ng ito?" seryosong tanong ng isang council na babae. "Orpheus clan," deretsang sagot ng dalaga na hindi man lang kumurap. Nagkaroon ng matinding katahimikan sa paligid. Maski ang lola ni Rosie ay natahimik at animo'y malalim na napaisip. Mahabang buntong hininga pa ang kumawala sa bibig ng pinakamataas na council bago siya tumango, bilang pagsang-ayon sa dalaga. "Wala nino man ang maaaring makasira ng Hell's gate kundi sila lamang. Naisip na rin namin 'yan. Lalo na't malaki nga ang tiya
UMANGAT ang tingin ng pinakamataas na council nang marinig ang kaguluhang nangyayari sa Hell's gate. Binaba pa nito ang hawak niyang wine glass saka tumayo mula sa kanyang kinauupuan kung saan nagpupulong ang buong council. "Tingnan niyo kung anong nangyayari roon. Hihingi ako ng tulong sa royal blood vampires. Masyadong malakas ang mga nakakulong, kakailanganin natin sila." Kisap matang nawala ang pinakamataas na bampira sa gitna kasabay ng pagtayo ng mga council. Seryosong umalis ang mga ito kasama ang ilang bampira upang tumungo sa Hell's gate. Karamihan sa kanila ay mga council na isa sa may mga kakayahan para pigilan ang mga bampirang patuloy na tumatakas. Agad silang dumiretso sa labas ng mansyon kung saan nakaparada ang ilan nilang kotse. Sa paglisan ng ilang bampira, dumiretso ang pinakamataas na bampira sa isang kwarto. Sakto dahil nandoon ang lola ni Rosie na nakaupo sa itim na mahaba at malambot na sofa. Abala ito sa pag-inom nang mapatingin siya sa council na dumating.
Binitawan niya rin agad ang binalian nito ng ulo na bumagsak sa lupa at inalis ang suot niyang crucifix. Binato niya sa isa pang malapit sa kanila ang kwintas na tumama sa leeg ng bampira. Dumikit ito sa kanyang katawan na nagpatigil dito't nagsimulang umapoy ang leeg. Babalakin pa sana ng mga natirang lapitan ang mga ito nang bigla na lamang silang naglaho. Bumalik ang mga ito sa pagiging anino, kung saan ang mga napuruhan nilang kasama ay paunti-unting nagiging abo. Mabilis pang lumingon si Rosie sa kanyang kaliwa nang maramdaman ang malakas na presensya mula roon. Kumunot ang kanyang noo nang makita ang suot ng taong nagtago roon dahil nakita nito ang simbolo ng Orpheus clan. Kasabay ng pagkawala ng mga aninong bampira, ang pagkawala rin ng bampirang nakita ni Rosie sa malaking puno. Luminga pa siya sa paligid para sana hanapin ang mga ito ngunit para silang bulang naglaho sa paligid. Naglakad na lamang palapit si Rosie kay Nicklaus. Inalalayan niya itong makatayo't walang salit
KATULAD ng napag-usapan ng dalawa kagabi, bumalik sila Rosie at Nicklaus sa abandonadong hotel. Kumpara kahapon na magmamadaling araw sila pumunta, napagdesisyunan ng dalawa na umaga sila bumalik para mas malinaw na makahanap ng kahit anong ebidensya na makapagtuturo sa pumatay kay Vignor. Hawak pa rin ng council ang katawan ng bampira. Kanilang sinisiguro na hindi kusang mawawala ang katawan nito hangga't hindi pa nila nahahanap ang dahilan ng kanyang pagkamatay. Inatasan din ng council ang iba pang bampira upang maghanap ng impormasyon patungkol sa markang hindi nawawala sa leeg ni Vignor. "Dito. May nakita akong anino rito kaninang madaling araw." Turo ni Rosie sa basag na bintana. Lumapit si Nicklaus sa tinuturo ng dalaga. "Bakit hindi mo sinabi sa council?" Binaba ni Rosie ang kamay niyang pinangtuturo sa bintana. "Dahil gusto ko munang kumpirmahin kung tama ba ang aking nakita," sagot ng dalaga na mas lumapit pa sa bintana. Sumilip ito sa labas at inalala ang daang tinahak n
Naging palaisipan sa dalawa ang kinahinatnan nito kung saan pagkatingin ni Rosie sa may kanang parte ng leeg ni Vignor, isang pamilyar na marka ang kanyang nakita. Sinundan ni Nicklaus ang tinitignan ng dalaga't kumunot ang noo dahil sa nakita. Ang markang ito ay parang paso ng apoy na kulay itim. Pabilog ang apoy kung saan sa gitna ay isang bituin na may nakasulat na petsa ng kanyang pagkamatay. Nang hawakan ito ni Rosie, nakaramdam siya ng paso mula rito na agad na ikinalayo ng kanyang kamay sa marka. "Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Nicklaus nang makitang may paso ang daliring pinanghawak ni Rosie."Ayos lang," sagot ng dalaga kahit mahapdi ang paso. Pinagmasdan nito ang katawan ng bampira at hinahanap ang kahit anong bakas para malaman kung paano ito namatay. Ngunit katulad ng pagkabigo nilang mahuli ito ng buhay, wala siyang nakita na naging isang malaking palaisipan para sa kanya. "Buhatin mo siya. Kailangan natin ang kanyang katawan." Utos ni Rosie na tumayo mula sa pa