Share

Chapter 5

last update Last Updated: 2022-10-11 20:50:55

Chantria

I was enjoying my rest on our way to Maldives. Tahimik lang sa loob ng eroplano at tanging hangin lang ang naririnig ko. Kanina pa kami nasa himpapawid at hindi ko na namalayan kung ilang oras na rin kaming nasa ere. I was about to sleep pero naudlot ang pagpapahinga ko dahil sa gulo nitong katabi ko.

“Can you please calm your butt, Aiyara?” I exclaimed, calling Chanel by her second name, which by the way, she hated the most.

She glared at me. “My butt is always calm, Yvonne,” she retorted. But well, I don’t really hate my second name, so I didn’t take it as an insult.

“You’ve been fidgeting on your seat ever since we took flight. Alam kong excited ka pero pwedeng kumalma kahit saglit lang. Doon ka na sa Maldives magwala.”

She snorted. “I’m not fidgeting. I’m simply taking selfies. What’s wrong with that?”

“Then, can you please take a selfie calmly? How can you be so fidgety just capturing your espasol face?”

“What?” she exclaimed. “My face is not espasol!”

“Yes, it is.”

“No, it’s not.”

We continued bickering and slapping each other’s hands when someone beside me spoke. “If you’re going to continue making noises, I will kick you off this plane right now.”

Chanel and I immediately stopped slapping each other. Pero hindi pa rin natigil ang pagbebelatan naming dalawa. Pero nang maramdaman kong dumilat si Leigh dahan-dahan ay pumikit na lang ako at nagkunwaring matutulog.

Hindi ko na alam kung ano ang ginawa nitong katabi ko sa kanan. Bahala na siya. Basta lagot siya sa ‘kin mamaya.

Ito na yata ang pinakamatagal na flight sa tanang buhay ko dahil isang araw at ilang oras ang ginugol namin sa sasakyan para lang makapunta sa Maldives from Canada. Halos umapoy ang puwetan ko dahil sa tagal ng byahe. But I know that our three days stay will be worth it, for sure.

“I told you we should have ridden dad’s private plane,” Chanel whined. “I feel like my butt’s about to explode!”

“You don’t have a butt, Aiyara,” I teased.

Umakma siyang babatuhin ako ng handbag niya pero nagtago na agada ko sa likod ni Leigh bago bumelat. She couldn’t do anything but glare at me and raise her middle finger towards my direction.

Natatawa na lang ako habang kinukuha ang maleta ko. Tatlong araw ko rin siyang maaasar sa lugar na ‘to. But of course, that’s not my main goal. I need to enjoy this vacation as much as possible. I can’t wait to go to the beach and flex my new built abs na halos ilang taon ko ring pinaghirapan.

 “So,” ani Chanel, “we’re staying at Meeru Island Resort and Spa. It’s an island on the easternmost tip of North Male Atoll in the Maldives–“

Carleigh looked back at her. “Chanel, shut up. We don’t have to hear that. Just tell us how to get there.”

She pouted before leading us outside to our ride. Hindi ko maiwasang hindi matawa dahil lagi siyang ganito. It’s good that she knows a lot of things about something we didn’t know. Pero hindi naman niya kailangang sabihin sa ‘min ‘to lahat. Bukod sa minsan, alam na namin ang mga impormasyon na ‘to ay nasa internet naman halos lahat ng sinasabi niya.

We know that she can memorize almost everything she sees for the first time, but no need to flex it all the time, especially not to us.

Huminga ako nang malalim at ninamnam ang amoy ng beach nang makarating kami sa isla. Kinailangan pa naming magsuot ng sunglasses dahil sa sobrang liwanag ng paligid. Ang tagal ko ring nakulong sa bahay kaya pakiramdam ko ay hindi kaya ng mata ko ang sobrang linaw ng isla na ‘to.

Asul na asul ang tubig kaya halos kita ko na ang ilalim ng dagat kahit noong nakasakay pa lang kami sa private yacht namin. Maganda rin ang panahon at asul na asul ang langit. Para tuloy magkarugtong ang dagat at langit dahil sa kulay nila.

“Sorry, girls,” ani Chanel habang dala-dala ang bagahe niya. “I think this is where we part ways. I’ll enjoy my vacation, you enjoy yours. Ciao!”

Pipigilan ko na sana siya pero pinigilan ko ang sarili ko. Napangiti na lang ako habang pinanonood siyang rumampa papunta sa tutuluyan namin.

Siguro nga ay maganda na rin ‘to. Ilang taon na kaming magkakasama at halos lahat ng gawin ng isa ay ginagawa ng lahat. There’s nothing wrong about doing something on our own. Minsan kasi ay nakakaumay rin talaga ang pagmumukha ng mga kakambal ko.

Hinarap ko si Leigh na katatapos lang kunin ang bagahe. “What about you?” tanong ko.

“I’m going to the spa. You?”

“I’m definitely going swimming. Enjoy!”

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at nauna na sa cabin namin. Tiyak ay kung nasaan na si Chanel ngayon at nagba-vlog.

But it’s not the time to worry about her. Mamaya ko na siya pagti-trip-an dahil hindi lang iyon ang pinunta ko rito. I need to enjoy this! Minsan lang kami makapunta sa isla na ‘to at minsan lang din kami mag-travel nang ganito kalayo.

Suot ang pula kong two-piece bikini ay lumabas ako ng cabin. Suot ko rin ang straw-hat ko na medyo hinahangin kaya kinailangan ko pang hawakan. Inayos ko ang sunglasses ko bago nagtungo sa dagat. And when my feet touched the cold water, I can’t help but sigh.

It’s been a while since I’ve gone to a beach. Bukod sa busy kami sa school ay hindi naman kami talaga mahilig magpunta sa beach. We prefer hiking on our vacation. Kaya naman sobrang na-excite kami sa gift ni dad.

May mga beach din naman sa Canada pero iba pa rin kapag nalalayo sa lugar kung saan kami lumaki. At isa pa, umay na rin kami sa simoy ng hangin doon. Gusto namin ng bagong atmosphere at bagong hangin na malalanghap.

Halos buong maghapon yata akong nagbabad sa ilalim ng araw. Hindi masakit sa balat ang araw pero hindi ko pa rin sinagad at baka magka-skin cancer pa ako. But with just that, halos pansin ko agad na nag-tan ang balat ko.

Nang matapos ako ay tumayo na ako at naglakad pabalik sa cabin. Bigla akong nagutom at hindi sapat itong dala ko. I also need to see what happened to my twins lalo na si Chanel. Baka mamaya ay kung saan-saan na ‘yon nagpunta and worse, baka lasing na. She’s prone to accidents and unexpected incidents. Baka may makaaway pa siya rito.

On my way to the cabin, I stopped on my track when a guy pointed at my face. “You!” he exclaimed.

Nanlaki ang mga mata ko habang nakaturo sa sarili ko. “Me? What about me?”

Nagmartsa siya palapit sa ‘kin at pansin kong medyo hindi maganda ang mood niya. Nakakunot ang noo niya sa ‘kin at kulang na lang ay umusok ang ilong niya dahil sa galit sa ‘kin. I don’t even know him!

“Acting like you don’t know me, huh?” He smirked. “After what you did at the bar, there’s no way you would forget about me. You embarrassed me in front of everyone!” Nang makalapit siya sa ‘kin ay napatingala ako dahil sa sobrang tangkad niya. I think he’s about six feet. I’m not small, but he’s still hovering over me.

Napakurap pa ako sa pag-aakusa ng lalaking ‘to na ngayon ko lang naman nakita. “Excuse me? Do I know you? And F.Y.I., I haven’t gone to the bar ever since I stepped foot on this island. Maybe you mistook me for someone else. You know, I have–“

“Don’t lie, young lady,” he cut me off. “What happened at the bar is something no one can forget. And there’s no use lying that you can’t remember. I know people like you.”

This time, ako naman ang halos umusok ang ilong dahil sa kaniya. “Really? What kind of person I am, then?”

He smirked again. “Gold diggers.”

Before I could even react, the guy was already lying on the floor. Napahawak na lang ako sa bibig ko dahil sa gulat at pagkalito. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. But one this is for sure, what he said hurt like hell. Kahit na alam ko sa sarili kong hindi naman ako isang gold digger ay ang sakit pa rin sa kalooban.

No one has said those words to me before.

Related chapters

  • Revenge of an Heiress (Zima Triplets Trilogy #1)   Chapter 6

    ChantriaIlang segundo bago ko mapagtanto kung ano ang nangyayari. Carleigh was already beating up the guy who called me a gold digger. May mangilan-ngilan nang nanonood sa kanila ngunit wala ni isa ang umaawat.That was my cue to stop my twin before she could kill this man. Kailangan niyang matutunan kung paano kontrolin ang galit niya when it comes to me and Chanel. Matagal ko na ‘tong napapansin pero hindi ko lang pinagtutuunan ng pansin noon. But she tends to be reckless when it comes to us.Sa tuwing may nambu-bully sa ‘min ay lagi siyang to the rescue. Dati naman ay hindi siya bayolente. Nitong mga nakaraan ko lang napansin na halos lahat ng patungkol sa ‘min ay ginagamitan niya ng pisikal. And I know, this isn’t good.“Leigh, stop it! Baka mapatay mo ‘yan.” I held her fist before it could land on the guy’s face again. Sayang. Gwapo pa naman ang isang ‘to at mestiso. Kitang-kita tuloy ang dugo sa pisngi at labi niya. But it’s his fault anyway for calling me that no matter the re

    Last Updated : 2022-10-14
  • Revenge of an Heiress (Zima Triplets Trilogy #1)   Chapter 7

    ChantriaOn our second day, magkakasama kaming tatlo na nagtampisaw sa tubig. Noong una ay wala naman talagang balak lumusong si Carleigh pero hindi pwede. We're here to enjoy, not to sulk. Kaya naman nang hitakin namin siya ay wala na siyang nagawa."What?” Chanel exclaimed. “Carleigh beat someone last night! What happened?” Nagpapatuyo siya ng buhok habang nakaupo sa ilalim ng payong matapos naming magtampisaw.“Yhup! If it wasn’t for me, the guy might be dead by now.” Nagkibit-balikat pa ako na para bang wala lang iyong nangyari. Kung kahapon ay inis na inis ako, ngayon naman ay wala lang para sa ‘kin. Alam ko naman kasi sa sarili kong hindi ako isang gold digger.“Wait! Why? Did he hit on you or something? Tell me everything.”Naupo ako sa gitna nina Chanel at Carleigh bago nagsimulang magkwento. “That guy marched in my direction, fuming mad, and accused me of something I didn't even do. I don’t even know who he is! And I guess what triggered Carleigh was when he called me a gold

    Last Updated : 2022-10-14
  • Revenge of an Heiress (Zima Triplets Trilogy #1)   Chapter 8

    ChantriaNapadilat ako nang maramdamang may tumatapik sa pisngi ko. Dahan-dahan ang naging pagdilat ko hanggang sa maaninaw ko ang nag-aalalang mukha ni Carleigh. Nang ilibot ko ang tingin sa paligid ay roon ko napagtantong hindi iyon isang panaginip.Nasa labas na ako ng nakataob na sasakyan habang si Carleigh naman ay pilit hinihila palabas si Chanel na wala pa ring malay hanggang ngayon. Doon ko naramdaman ang sakit sa buong katawan ko. Ni hindi ko alam kung ano ang parting masakit dahil pakiramdam ko ay may sugat ako sa buong katawan.Sinubukan kong tumayo ngunit sumigaw lang ang katawan ko dahil sa sobrang sakit kaya muli akong napahiga sa damuhan. In-adjust ko ang paningin ko dahil wala na iyon sa pokus. Nanlalabo na rin ito at para bang ilang segundo lang ay mawawalan na naman ako ng malay.Honestly, gusto ko na lang pumikit at matulog dahil sa sobrang bigat ng katawan ko. But I know that I shouldn’t. Something’s wrong. I can feel it. Iyong tingin pa lang kanina ni Carleigh sa

    Last Updated : 2022-10-14
  • Revenge of an Heiress (Zima Triplets Trilogy #1)   Chapter 9

    Chantria“Run!” sigaw ni Carleigh bago may hinugot sa tagiliran at nagpaulan ng putok ng baril.Napatili na lang ako bago tinakpan ang mga tainga ko. Inakay ko si Chanel kahit na sobrang bigat niya.Tama pala sila. Iba talaga kapag adrenaline na ang pinag-uusapan. Kahit isang malaking refrigerator pa ang buhatin ay kakayanin mo. I didn’t know that with my small built ay makakaya kong buhatin si Chanel na halos ilang pulgada rin ang tangkad sa ‘kin.I could hear the reverberating of the gun around me. Hindi ko na alam kung saan nanggagaling ang namamaril. Basta ang alam ko lang ay kailangan kong makaalis doon kasama si Chanel. I also wanted to drag Carleigh out of there, but I know that I can’t. Alam ko kung gaano katigas ang bungo ng kakambal ko.Hindi ko namalayang katabi ko na pala si Carleigh at tinutulungan akong buhatin si Chanel. Sa sobrang kaba ko ay tanging daan na lang ang nakikita ko.“I need you to get out of here, Chan,” ani niya. “Take Chanel with you. Sa dulo ng daan na

    Last Updated : 2022-10-15
  • Revenge of an Heiress (Zima Triplets Trilogy #1)   Chapter 10

    ChantriaUnti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Nang makapag-adjust ang paningin ko ay saka ko nilibot ito sa paligid. Everything’s white and quiet. Ang tanging naririnig ko lang ay ang maingay na pag-beep ng isang makina.Ilang beses ko na bang napanood ang ganitong senaryo sa isang pelikula? Ilang beses ko na bang sinabi sa sarili ko na nakaka-bored na ang ganitong senaryo dahil paulit-ulit na lang? Hindi ko na maalala. At ito ako, tila isang bida sa isang pelikula. Isang pelikula na pinananalangin kong isang malaking panaginip na lang.Tiningnan ko kung sino ang nasa katabing kama ko. Doon ko nakitang wala pa ring malay si Chanel. Kaming dalawa lang ang nasa loob ng isang kwartong ‘to. Sinubukan kong tumingin sa kabilang banda ng kama ko, nagbabaka sakaling naroon si Carleigh.Mabilis na tumulo ang luha ko. I don’t want to assume, but my tears won’t stop from falling. Hirap akong bumangon mula sa pagkakahiga at tinanggal ang mga nakakabit na kung ano sa ‘kin. Agad kong tinakpan an

    Last Updated : 2022-10-15
  • Revenge of an Heiress (Zima Triplets Trilogy #1)   Chapter 11

    Chantria“Chantria…”Dinig ko ang malumanay at pagod na boses ni dad sa likod ko. Pero kahit ganoon ay hindi ko pa rin inalis ang tingin kay Chanel.Why isn’t she waking up? May nangyari ba sa kaniya na hindi ko alam? May malalim ba siyang natamo dahil sa nangyari at hindi lang sinasabi ni dad?“You need to eat or drink something. You’ll drain yourself.”Imbis na harapin at sagutin siya, I said, “Bakit hindi pa rin gumigising si Chanel, Dad? She needs to wake up. Kakain lang ako kapag nakita kong kumakain na rin siya. I won’t be able to swallow the food, thinking that Chanel hasn’t eaten anything yet. I won’t forgive myself if anything happens to her too because of me.”Narinig ko ang pagbuntonghininga niya bago nilapag ang tray na naglalaman ng pagkain sa side table ng kama ko. Ni hindi ko matingnan kung ano ang laman n’on. Hinila niya ang isa pang upuan at itinabi iyon sa ‘kin.Bago magsalita ay hinarap niya ako sa kaniya kaya wala akong nagawa kung hindi ang tanggalin ang tingin k

    Last Updated : 2022-10-17
  • Revenge of an Heiress (Zima Triplets Trilogy #1)   Chapter 12

    ChantriaDahil sa sobrang pagwawala at pag-iyak ni Chanel ay ako na ang kusang umalis sa loob ng kwarto. I asked dad to place me at a different room. At kahit na nagdadalawang isip ay wala na rin siyang nagawa.Ang sabi niya ay pahupain muna namin ang galit ni Chanel. But I know, this time, that her anger won’t stop anytime soon. Ang tanging makapagpapatigil lang sa galit niya sa ‘kin ay kung babalik si Carleigh. And I wish she would.I don’t know what to do without her. I don’t know if I can live without her. I love her. I miss her. And I can’t imagine a world without Carleigh in it.Habang nakahiga sa hospital bed ko, hindi ko maiwasang mag-overthink. What if ako na lang ang nawala at hindi na si Carleigh? Maybe everything would be okay for them, especially for Chanel. Siya naman kasi talaga dapat ang magmamana sa kompanya. May pangarap din siya na pwede niyang gawin any time after inheriting dad’s company. Kahit na tumanda na siya ay kaya niya pa ring gawin ‘yon.What about me? I d

    Last Updated : 2022-10-18
  • Revenge of an Heiress (Zima Triplets Trilogy #1)   Chapter 13

    ChantriaSa buong byahe, sinubukan kong matulog. Pero sa tuwing pipikit ako ay mas lalo lang dumarami ang mga bagay na naiisip ko. Masyado lang dumarami ang gumugulo sa isip ko.Kaya naman pinasak ko ang earphones ko sa tainga at nakinig na lamang ng tugtugin. Nakadungaw lang ako sa labas ng bintana habang nakasakay sa eroplano. Halos fifteen hours din ang magiging byahe ko kaya naman inabala ko ang sarili sa pakikinig ng musika, sa pagbabasa at paglalaro sa phone.Halos buong byahe yatang natutulog itong katabi ko. I can’t help but feel envious. Sana all na lang nakakatulog talaga. Magmula noong insidente ay wala pa akong matinong tulog.When I looked in the mirror, there were eyebags underneath my eyes. Pero imbis na pansinin iyon ay para bang wala na lang sa ‘kin. Ako rin naman ang may kasalanan kung bakit mukha akong panda ngayon. Kapag nakita ‘to ni Chanel ay tiyak aasarin na naman niya ako.Napatigil ako sa nilalaro ko nang maalala siya.Wala na nga palang mang-aasar sa ‘kin. Wa

    Last Updated : 2022-10-18

Latest chapter

  • Revenge of an Heiress (Zima Triplets Trilogy #1)   Chapter 75

    ChantriaDahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko pero agad rin napapikit dahil sa sakit ng ulo ko. Pero nang bumalik sa ‘kin ang lahat ng nangyari ay mabilis akong bumangon mula sa kama ko. Hindi ko na ininda pa ang kumikirot kong sentido dahil isa lang ang gusto kong makita ngayon.“Carleigh!” bulalas ko nang makarating ako sa sala ng bahay namin ni Chanel. Sabay na napalingon sa ‘kin sina Chanel at Iwatani na naglalaro ng xbox. Agad na hininto ni Iwatani ang nilalaro nila para kausapin ako.“She’s in the kitchen,” sagot ni Chanel. “She said she wanted to cook for you.”Hindi ko na tinapos ang sinasabi niya at kumaripas na ng takbo sa kusina. There I saw her back turned on me. Naghahalo siya ng kung ano sa kawali. Muli na namang tumulo ang luha ko sa mga mata. I can’t believe that she’s really here. Hindi panaginip ang lahat. Nandito nga siya sa harap ko.“Carleigh…”Napaharap siya saglit, gulat sa biglaan kong pagsasalita. “Chantria, you’re awake. Okay na ba ang pakiramdam mo? Na

  • Revenge of an Heiress (Zima Triplets Trilogy #1)   Chapter 74

    Chantria “Woah! Woah! Calm down, princess,” ani Lance habang nakataas ang dalawang kamay sa ere. “Ang sabi mo kaibigan mo si Iwatani. You lied to me!” “Hindi ako nagsinungaling, binibini. Best friend ko si Iwatani.” “Kung kaibigan mo siya, bakit mo kasama ang isang ‘to?” Tinutok ko ang baril kay Gab na kalmado lang na nakatayo malapit sa isang sasakyan. Nakasandal pa siya roon habang nakatitig sa ‘kin na para bang hindi siya natatakot sa hawak ko. “Si Isaac? Bakit? Hindi ko siya best friend pero kaibigan ko rin siya. Kilala mo ba siya?” “Hindi ko lang siya kilala. Kilalang-kilala ko siya.” Napatingin siya sa kaibigan niya nang nagtatanong kaya sumagot si Gab. “Siya si Chantria, Lance. O mas kilala mo bilang si Seanne.” Nalaglag ang panga ni Lance at tila naestatwa sa kinatatayuan niya. “Ito ‘yong babaeng kinababaliwan mo? Hindi ko inaasahang ganito pala ang tipo mo.” Sinubukan kong huwag magpaapekto sa sinabi ni Lance. Baka nagsisinungaling siya. Hindi. Tiyak na nagsisinungali

  • Revenge of an Heiress (Zima Triplets Trilogy #1)   Chapter 73

    Chantria Matapos ang mahabang araw ko sa trabaho ay dumeretso ako sa bahay namin ni Chanel. And yes, we’re still living together. Iyon nga lang, madalang kaming magkita bukod sa umaga bago pumasok. Pero nagulat ako dahil ang aga niyang nakauwi ngayon. “You’re early,” bungad ko. Sumalampak din ako sa sofa at dumukot ng kinakain niyang chichirya. “Para bago naman. I need a break.” Saglit kaming natahimik habang nanonood sa TV nang bigla siyang magsalita. “I heard the one who killed Carleigh is caught.” Mahina ang boses niya, sapat lang para marinig ko. “I don’t know yet. Pero ayon kay Lorreine, may kinalaman ‘yong lalaking nahuli nila sa nangyari. Hindi ko alam kung siya na ba ‘yong pumatay o may iba pa.” “Bakit parang nagdadalawang isip ka pa? This is what we’ve been waiting for, right? Ang mahanap ang killer.” “Hindi ko alam. I don’t think I can face him yet.” Pinatay niya ang TV bago ako hinarap. “Let me ask you something. Ano bang gusto mong gawin? Anong paghihiganti ba ang p

  • Revenge of an Heiress (Zima Triplets Trilogy #1)   Chapter 72

    Chantria Binaba ko ang cap na suot ko para itago ang mukha ko kahit papaano. In-adjust ko rin ang pekeng salamin ko para makita nang maayos ang dinadaanan. Nagpatuloy ako sa pagtulak ng mga gamit panglinis papunta sa elevator. May ilan akong nakasabay na binati ko. Binati naman nila ako pabalik ngunit hindi na nang-usisa pa. I need to act as natural as possible. Ayokong mahuli ako matapos ang lahat ng ginawa ko para lang sa misyong ‘to. Hindi ako aalis sa hotel nang wala akong nakikitang ebidensya laban sa kanila. Nang makarating ako sa ikalabing-dalawang palapag ay bumaba na ako. Patuloy kong tinutulak ang mga panlinis papunta sa room ni Gab. Tumingin muna ako sa kanan at kaliwa bago pinasok ang card at nag-swipe. Pigil-hininga ko pa ‘yong ginawa hanggang sa tumunog ang lock hudyat na bumukas na ang pinto. Maaasahan talaga si Lorreine sa mga ganitong gawain. At tiyak naman babatukan ako ni Chanel kapag nalaman niya ‘to. Iwatani doesn’t want me to do these things too kaya hindi

  • Revenge of an Heiress (Zima Triplets Trilogy #1)   Chapter 71

    ChantriaTulala ako habang nakatingin sa kawalan. Hindi pa rin mawala sa ‘min ang naging tagpo sa 7/11 kanina. Hindi ako makapaniwalang nakita ko ulit siya matapos ang maraming buwan.And he was not looking for me, he said. Hindi siya magpapakita kung ayaw ko siyang makita. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa sinabi niyang ‘yon o ano. But one thing is for sure, he still loves me. Chanel is right. He loves me. Well, hindi siya sigurado kung mahal ba talaga niya ako o hindi pero sabi niya, hindi nagbago ang nararamdaman niya.There’s something inside me, hoping na sana ay nagsasabi siya ng totoo. May parte sa ‘kin na naniniwalang wala talaga siyang kinalaman sa kung ano man ang ginagawa ng dad niya. Naipit lang siya.Ngayon, I just have to wait. Maghintay sa kung ano man ang plano niyang gawin. Hindi ko alam kung anong klaseng plano ang gagawin niya, but I will believe in him.“Akin na nga lang ‘yang ice cream mo.” Hinablot na ni Chanel ang hawak kong ice cream bago pa ako maka

  • Revenge of an Heiress (Zima Triplets Trilogy #1)   Chapter 70

    Chantria“Congratulations on passing the interview,” ani HR manager na si Ma’am Dianne Guttierez. “From here on out, you’ll be assigned to different leaders to guide you. I want to introduce to you Miss Anna Marshall, the head of the marketing department.”Nagpakilala naman ang isang matangkad na babaeng may suot na eyeglasses. Matapos n’on ay pinakilala sina Lorreine at Louella na silang magiging apprentice ni Miss Marshall.“And Miss Yao Lu, the head of the general management.” Siya naman ‘yong mas maliit na babae na may suot ding eyeglasses pero mas makapal.Tumango naman kami ni Chanel nang tawagin niya ang pangalan namin. Sa kaniya kami naka-assign. Tanging si Ma’am Dianne lang ang nakakaalam kung sino kaming dalawa ni Chanel para na rin maiwasang ang favoritism sa kompanya. Ayaw rin namin magkaroon ng priviledge sa pagiging apprentice namin dito. Malaki na ngang tulong na nakapasok kami rito kahit na magkokolehiyo pa lang kami. Ayaw naman naming sagarin ang impluwensya namin. M

  • Revenge of an Heiress (Zima Triplets Trilogy #1)   Chapter 69

    Chantria“Bakit naman gulat na gulat ka na makita ako?” tanong niya. “I told you I’m coming today, right? Nakalimutan mo ba?”Pinilit ko ang sarili ko na ngumiti pero hilaw ang kinalabasan n’on. “I–I’m just… yeah. I forgot.”Mahina siyang natawa. “That’s okay. I’ll wait for you here para makapag-ayos ka. We’re going somewhere, and you’re going to love it.”Tumalikod siya at akmang babalik sa sasakyan niya nang tawagin ko siya. Humarap siya sa ‘kin nang may nagtatanong na tingin.“What? May problema ba?” He ambled near me. Inilahad niya ang kamay niya sa ‘kin pero hindi ko ‘yon tinanggap.“Let’s not go today. I’m not feeling well.”Hindi niya pinansin ang hindi ko pagtanggap sa kamay niya at hinawakan na lang ang noo ko. “You don’t have a fever. Pero kung masama ang pakiramdam mo, let’s go there next time. Teka at bibilhan kita ng gamot.”Before I could stop him, nakaalis na siya. Napabuntonghininga na lang ako bago pumasok sa loob. Kailangan kong makaisip ng paraan para mapaalis siya

  • Revenge of an Heiress (Zima Triplets Trilogy #1)   Chapter 68

    ChantriaHumigop ako sa baso ko na may kape bago humarap kay Iwatani. Narito kami sa sala para ipakilala sa ‘kin ang mga importanteng tao sa mundo ng business. Ito ang unang hakbang sa gagawin kong paghihiganti. Syempre, kailangan kong malaman kung sino ba ang mga makakabangga ko. Hindi naman pwedeng bangga lang ako nang bangga nang walang alam.“First of all, ang Zima Company. Ang kompanya ng dad mo.” Aangal na sana ako pero hindi niya ako hinayaan. “Kahit na ikaw ang tagapagmana nito, alam kong hindi mo pa kilala ang lahat ng mga tauhan ng dad mo. Tama ba?”Napaisip naman ako pero tama nga siya. Wala akong kilala. Alam kong si Joaquin ang sekretarya ni dad noon pero nang mawala siya ay hindi ko na alam kung sino ang pumalit. Miski ang member ng boards ay hindi ko pa opisyal na na-meet dahil din sa nangyari.Nilapag niya ang litrato ni dad sa mesa na agad kong dinungaw. “Philippio Geronimo Zima. Ang presidente at CEO ng Zima Corp. As you may know, may mga pag-aari siyang hotels, res

  • Revenge of an Heiress (Zima Triplets Trilogy #1)   Chapter 67

    Chantria“So, who’s the other guy?” tanong niya habang nakatingin sa mga kaibigan ko na mukhang nakahinga na rin nang maluwag nang makitang hindi na tumataas ang tensyon sa pagitan naming dalawa.Napatingin ako sa mga kaibigan ko dahil hindi ko sigurado kung sino ang tinutukoy niya. “Who? Iwatani?”“The other one. The cute one.” Naningkit ang mga mata ko dahil parehong cute sina Iwatani at Gab. “The new one. I already met that Japanese-looking guy. The other one. The Spanish-looking one.”Napatango naman ako. “That’s Gab. My boyfriend.”Napataas ang isang kilay niya sa dereksyon ko. “I thought the other one was your boyfriend.”“No, he’s not. He’s my bodyguard. What about that guy? Your boyfriend?”Napairap siya. “My bodyguard, Chantria. Hindi lang ikaw ang binigyan ni dad ng bodyguard. And he’s annoying. There’s no way in hell he’s my boyfriend.”Natawa naman ako sa sinabi niya. “You two look cute together.”Napangisi naman siya dahil sa sinabi ko. “You and your bodyguard look cute t

DMCA.com Protection Status