Share

Chapter 4

Chantria

Nakakailang buntonghininga na ako pero hindi pa rin mawala-wala ang kaba sa dibdib ko. Malapit na kaming makarating sa hotel kung nasaan si dad pero parang gusto ko na lang ulit bumalik at umuwi.

Chanel is casually applying make-up on her face while we’re inside the car. On the other hand, Carleigh is taking a quick nap at the back. Ako lang yata itong hindi mapakali sa kinauupuan dahil sa kaba. Ni hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan in the first place.

Our dad called us early in the morning at the hotel he’s currently staying at. Hindi niya naman nabanggit kung bakit. Pero kung tama ang hula ko ay tungkol ito sa pagpapamana niya sa ‘kin ng company. Alam ko namang kailangan ko na talagang manahin ang kompanya sooner or later, pero kahit alam ko na ay kabado pa rin ako.

This isn’t just any business. This is our family’s business and one of the Big Three. Ang kompanya na pinalago nina dad at ng mga lolo ko ay kasama sa pinakamalalaking kompanya hindi lang sa bansa, kung hindi sa buong mundo. Businesses sa buong mundo ang pinag-uusapan dito.

I’m only eighteen. I can’t imagine myself going on meetings with people twice my age. Baka lamunin lang nila ako nang buo roon. But dad’s growing old. Late na niya kami nabuo ni mom kaya kahit eighteen pa lang kami ay may katandaan na talaga si dad. I can’t let the company go bankrupt as soon as I inherit the business.

Kung ano ang plano ni dad, I just need to follow. Pero sana malaman ko rin agad kung ano ang plano niya para naman may magawa ako.

Nang pumarada na sa harap ng hotel namin ang sasakyan ay mas lalong dumoble ang kaba sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay bigla na lang sasabog ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok. I need Carleigh’s calm heart and mind at a time like this.

“Can you please stop fidgeting?” Chanel points out. “You’ve been doing that since we left home. We’re just meeting dad. What’s there to be nervous about?”

“You know quite well why I’m like this. What if we’re actually meeting the board members right now. I’m not even prepared!”

Mukhang narinig yata ni Leigh ang pinag-uusapan namin kaya naglakad siya palapit sa ‘min. “Calm down, Chantria. Kung talaga ngang ihaharap tayo ni dad sa mga member, dapat sinabi niya beforehand. Hindi naman niya siguro tayo ihaharap sa kanila para mapahiya, right?”

Dahil sa sinabi niya ay nagawa kong kumalma kahit papaano. But not totally. May kaba pa rin sa dibdib ko. Palagi nan ga yata akong kakabahan lalo na kapag tungkol kay dad at sa kompanya na ang pinag-uusapan.

Nang makarating kami sa office ni dad, nakahinga ako agad nang maluwag dahil walang ibang tao roon maliban sa secretary niyang si Joaquin. But as usual, marami pa ring mga papel sa ibabaw ng lamesa niya na puro tungkol sa work.

“Good morning, dad!” masiglang pagbati ni Chanel at nauna nang lumapit kay dad upang bigyan ito ng halik sa pisngi.

Sumunod naman kami ni Carleigh nang tahimik at hinalikan din siya sa pisngi bago naupo sa sofa na nasa gitna ng room. Tumayo si dad sa silya niya bago tumabi sa ‘ming magkakapatid.

“How are my angels? Did you enjoy the party last night?”

Chanel answered, “Of course! We had a blast, right, girls?” Humarap siya sa ‘min habang hinihintay ang sagot namin.

Dahil alam kong walang balak sumagot ‘tong si Leigh ay ako na ang tumango at ngumiti. “We did. There are so many visitors who came so we really had fun.”

Napanguso si Chanel sa naging sagot ko. “Of course, you did. You even had the audacity to post that video last night.”

I giggled. Hindi pa rin talaga siya maka-move on.

“Anyway–“ Napatingin kami kay dad nang magsalita siya. “–I called you here for your birthday present.”

Napagitla ako nang biglang tumili si Chanel sa tabi ko at nagtatalon dahil sa anunsyon ni dad. I can’t help but smile widely as well. Well, galante kasi si dad kung magbigay ng regalo. He spoils us this way.

“What is it?” Chanel beamed. “Gucci bag? Or maybe a new car? House and lot?”

Dad chuckled. “You already have plenty of those, dear. Don’t you remember the last time I gave you something? You just donated it to the charity. That’s why I’m going to give you something else.”

Joaquin handed him something. Sa tingin ko ay iyon na ang tickets na regalo niya sa ‘min. The question is, where is he taking us?

“For your birthday this year, I want you three to enjoy a vacation in Maldives for three days.” Pinakita niya sa ‘min ang tickets na hawak niya habang may tipid na ngiti sa mga labi.

Miski ako ay hindi na napigilan ang malawak kong ngiti matapos ang sinabi niya. Hindi naman kasi kami madalas lumabas ng bansa kahit pa sabihing may pera naman kami. Like what I’ve said, hindi kami pinalaki ng mga magulang namin na laging nakadepende sa pera. Lahat ng bagay ay pinaghihirapan namin.

Not birthday presents, though. It’s an exemption. Pwede naming makuha ang kahit ano sa tuwing birthday namin.

“I’m going now, dad,” pagpapaalam ni Chanel. “I still need to go shopping for my bikini and some sunscreen.” Humarap siya sa ‘min ni Leigh. “Aren’t you coming?”

Napatingin ako nang tumayo si Carleigh. “I’m going home. I need sleep.”

Nang tinitigan na ako ni Chanel ay alam kong wala na akong ibang pagpipilian kung hindi ang samahan siya. Tutal ay kailangan ko ring bumili ng isusuot ko sa Maldives ay sumunod na lang ako sa kaniya.

I haven’t been there ever since, but I’ve heard a lot of good things about it. Marami na rin akong nakikitang magagandang feedback sa social media tungkol doon. Kahit saan naman kami magpunta ay okay lang. Basta ba ay makaalis ako rito sa Canada ay masaya na ‘ko.

Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang surpresang nag-aabang sa ‘min papuntang Maldives.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status