Share

Chapter 2

"Good Morning, hot momma!"

Gumuhit ang ngiti ko sa labi nang marinig ang boses ni Eli. Nakilala ko si Eli noong sinasamahan ako ni Kuya na magcheck up, simula noon ay hindi na kami mapaghiwalay.

"Good morning, Eli! How was Japan?" I asked her before sipping on my mug. Agad ko ding ibinaba iyon sa babasaging mesa.

"Everything is good—but someone has to ruin it."

Nahimigan ko ang inis sa kanyang boses na syang ikinatawa at ikinailing ko. Alam ko naman kasi kung sinong tinutukoy nya eh. Wala namang ibang nakakapainis kay Eli kundi si Kuya lang.

"Bakit ba kasi parati kang naiinis kay Kuya? Mabait naman ang kuya ko ah?" I told her laughing, earing a glare from her beautiful emerald eyes.

Maganda naman kasi si Eli, agaw pansin iyong kurba nya sa katawan. Haba ang kanyang straight na buhok, maputi ang balat at nakakaakit tignan ang kanyang berdeng mga mata.

Mga mata ng tao anv ikinagiliwan kong tignan noon nung ipinagbubuntis ko ang triplets. Bawat nakikita kong may magandang mata ay hinihintuan ko para titigan. Kung hindi lang siguro ako buntis ay napagkamalan pa akong baliw.

"Anong mabait? He is constantly irritating me! Parati nya na lang akong ginugulo, Tamara! Kahit lovelife ay wala ako dahil binubugaw nya palayo!" Nag-hehesterikal na turan niya sa akin, at talagang halatang-halata sa mukha ang pagkadisgusto.

"Where is the mabait in there?" paconyo na pa engot sa akin.

Sa pagkakataong ito ay bumuntong hininga ako. Sumimsim muna ako nang kape habang ninanamnam ang malamig na hangin mula sa Aircon kasabay ng malamig na panahon.

"Hayaan mo na si Kuya. Mabait naman talaga yun. He always give me what I want, you know? Saka isa pa, pagbigyan mo nalang si kuya, aalis din naman yun sa katapusan pabalik sa Amerika. Tiisin mo nalang," natatawang sabi ko at sumimangot naman siya.

Eli rolled her eyes before settling herself beside me. Nagtimpla na din sya nang kape. 

"Wag na nga nating kausapin yang kuya mo. Hearing his name is draining me." Maarteng sabi niya at pinaypay ang sarili. "Anyway, how are you anyway? I heard from your brother that you're going back to Philippines. Okay ka na ba? Kaya mo na ba?" Puno nang pag-aalalang tanong niya at hinawakan ako sa balikat.

I just shrugged my shoulders, at ngumiti sa kanya. "Matagal na yun, Eli. It's been three years, everything changed already. I bet he is happy with his family now? Ayokong ipagpilitan ang sarili ko sa taong ayaw naman sa akin."

A grin appeared on her lips."That's my girl, over there!"

Sa dalawang taon ay naging masaya ako kasama ng kuya ko. Hindi niya ako pinabayaan, he made sure ayos ako parati at ang triplets. Ang buong akala ko ay namatay rin sya kasama nila mama at papa noon nang magcrash ang eroplanong kinakulunanan nila pero hindi pala. And I was thankful because of it.

God is always amazing.

Matapos akong maglayas sa bahay ni Seb ay wala akong matakbuhan. Wala, hanggang sa makatanggap ako nang tawag sa isang unknown number. It came from my brother's private investigator.

Ayon sa kwento ni kuya ay mayroong mayamang mag-asawang nakakita sa kanya sa dalampasigan na walang malay, he even lost his memories because of what happened. Inampon sya ng mga ito at inalagaan sya nang husto. They treated him like their own. At hinding-hindi ko rin makakalimutan ang paghingi nang paumanhin ni Kuya sa akin dahil namuhay siya nang masaya habang ako ay nahihirapan sa piling ni Sebastian.

I gave birth to three healthy baby girls. They are turning three years old in a month. Makukulit ang mga bata, masyado ring bibo, but kinda spoiled though. Lahat ba naman kasi nang hihingiin ay ibibigay ni kuya at ng mga umampon kay kuya na siya ring tumatayong magulang ko ngayon.

"Good Morning Ladies!"

Sabay kaming napatingin ni Eli kay kuya na kababa lang sa hagdan habang buhat-buhat ang triplets. Nasa likod niya si Thelma, at nasa magkabilang braso naman niya sina Tasha at Thelma.

"My angels!" Bulalas ko at mabilis na dinaluhan ang mga anak ko para tulungan si Kuya. "Gutom na ba kayo? Nagluto ako ng paborito niyong lugaw!"

We went to kitchen at pinaupo sila sa highchair habang naghahanda ng mga plato. Nagkukulitan sila at hindi matigil sa pagtawa.

I took a deep sigh. Their gesture resemble to me when I was younger, pero sa tuwing ngumingiti sila ay si Sebastian ang nakikita ko. Hindi maipagkakaila siya talaga ang ama, kahit anong pilit kong pagkumbinsi sa sarili ko na kalimutan na siya ang ama ng mga bata.

It's been two years, but I think it's still fresh. Sa tuwing dumaraan sa isipan ko ang nangyari ay di ko parin maiwasan ang masaktan. It was like the wound was too deep. Ang tagal maghilom. Galit na galit pa rin ako.

I stared at my three little angels and gave them a forced smile. Alam kong hindi naman pinaparamdam sa kanila na may kulang, pero hindi ko maiwasang ang maawa. Hindi ko man lang naparamdam sa kanila kung ano pakiramdam na buo ang pamilya at masaya.

Hindi ko gustong maramanasan nila ang tulad nang nangyari sa akin. I lost both of my parents at a very young age, trying living alone and  fighting my battles.

Dumating nga yung taong akala ko ay panghabang buhay kong makakasama subalit para ipinahiram lang din sa akin at agad-agad ding nawala. I don't like it. Noon ay talagang ipinangarap kong buo ang magiging pamilya nang anak ko, we will be a complete happy family. But now, I guess it will be just a dream.

I wonder kung anong magiging reaksyon ni Seb sa oras na malaman niya na nagbunga ang pagsasama namin bilang mag-asawa. If he insist to meet my daughters para kilalanin siya ay talagang magkakagulo kami. Kahit ano pang gawin niya ay hinding-hindi niya mahahaawakan ang kahit isa sa mga anak ko.

"What's with the murderous look, Tamarah?"

Napakurap ako na tila natauhan. Masyado na ata akong nilipad nang utak ko at di ko man lang namalayan ang pagpasok ni kuya at Eli sa kusina. Maging ang triplets ay nakatingin sa akin, hinihintay ang sasabihin ko.

I smile at them at naglakad papunta sa highchair para ilapag ang pagkain ng mga bata. "I'm thinking about Seb," mahinang sabi ko at lumayo nang bahagya. "I wonder if he will regret what he did to me—to us..."

"Umamin ka nga Tamarah," ayan na naman si Kuya sa paratang niya. "Mahal mo pa ba—"

Pinutol ko ang sasabihin niya dahil ang nonsense non. "Hindi. Matagal na hindi. At kung may nararamdaman man ako sa kanya ay galit lang yun, Kuya. Kung nakakamatay lang ang galit ay matagal na siyang patay."

"Then good. He doesn't deserve you and your kids." May bahid na inis at galit na sagot ni kuya. "Their company is about to collapse, wanna take over?"

"You should take over, wag mo na pag-isipan pa. It's your chance to make him realize kung sino ba ang sinayang niya after he sign the divorce paper," dagdag gatong pa ni Eli.

Sandali akong natigilan at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Their company? The Alcaraz company is about to collapse? Anong nangyari? Kilala sila bilang bilyonaryo, imposibleng malugi ang kompanya.

"What happened to them?" curious na tanong ko.

Nagkibit balikat si Kuya. "You'll know when you comeback."

"Kuya, I need to know what happened exactly."

"Bakit, kapag hindi mo ba nagustuhan ang rason ay hindi mo kukunin?"

Hindi agad ako nakasagot. Ang mapawalang bisa ang kasal kay Sebastian is nothing to him. Baka nga matuwa pa siya kapag nalaman niya na gusto ko na mapawalang bisa ang kasal namin. But taking over the company na pinaghirapan niya at ng pamilya niya ay malaking insulto iyon para kay Seb. And that's what I need to do, kunin ang kung anong meron siya.

"I want the company under my name, but make it secret until I get my annulment. I will make him suffer."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status