Malawak ang ngiti sa labi ko habang hawak-hawak ang ultrasound result. Hindi ko din maiwasang mapahawak sa tyan ko sa sobrang sayang nararamdaman ngayon. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso. I've been thank God from here to there for the blessing he gave me, us—For me and my husband.
Mommy na ako! Hindi lang isa, hindi lang dalawa, kundi tatlo! I'm carrying triplets!
Tiyak na matutuwa si Seb sa balita ko. Sebastian Alcaraz is my husband, he is one of the richest businessmen in Asia. Hindi ako mayaman, ang asawa ko lang. Isa lamang akong katulong ng mga Alcaraz noon, but love had a different way connecting me to him.
Namatay ang mga magulang ko dahil sa pagbagsak nang eroplanong kanilang kinakulunanan noon kasama nang nag-iisa kong Kuya. Si Kuya Gold. Dalawa lang kasi kaming magkapatid.
In some what way I still miss them and will always miss them.
Tatlong taon narin kaming kasal nang asawa ko at alam kong gustong-gusto nya nang magka-anak kami. Ang totoo ay active naman ang sex life namin pero hindi naman ako nabununtis. I really don't know the reason though, ang importante sa akin ngayon ay nagdadalang tao na ako.
I can't wait to surprise Seb! Lalong-lalo na ngayon at masyado syang busy sa trabaho. Minsan na nga lang sya makauwi sa bahay sa sobrang busy nya sa kumpanya nila, mula noong nakaraan. Hindi ko rin sya mabisata bisita kasi busy din ako kasama nung na hire kong event organizer na mag-aayos nang anniversary surprise ko kay Seb.
Mas lalo pang lumawak ang ngiti ko sa labi, gusto kong magtatalon sa tuwa pero hindi maaari iyon. Makakasama kay baby. I giggled at the thought. I kept on biting my lips to hide my smile, baka kasi pagkamalan akong tanga o baliw kasi ngiti ako ng ngiti. But God knows how happy I am.
Mas lalo tuloy lumawak ang ngiti ko habang hawak hawak ang tyan ko.
Best wedding anniversary ever!
"Calm down, Cara. Baka mapano ang baby natin."
Natigilan ako sa paglalakad at napakunot ang noo. Bakit parang ang pamilyar naman ng boses na yun? The roughness and tone made me think about it. Saan ko nga ba narinig ang boses na iyon?
Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nakaramdam ng kakaiba na parang biglang mayroong bumagabag sa utak at puso ko matapos kong marinig ang boses na iyon. It was like something on my stomach is swirling and it's making me sick!
Nag-eeskandalo na rin ang puso ko sa kaba at hindi ako mapakali!
Wait? Part ba to ng pagbubuntis? Baka nga? I mean sabi naman nang doktor ko ay madalas na praning o di naman kaya ay di mapakali ang mga buntis at mas lalong ang pagsusuka-suka ay parte lamang iyon nang mga sentomas nang pagbubuntis. Ay kasama pa pala iyong, cravings, and speaking of cravings, parang gusto kong kumain nang medium steak!
Matawagan nga si Seb mamaya.
Nakahinga ako nang maluwag at bahagya namang kumalma ang puso ko. Siguro nga, baka dahil lang to sa pagbubuntis ko to.
Pero kahit na yun ang nasa utak ko, ay hindi ko na muling maibalik ang ngiti sa labi ko kani-kanina lamang. Parang mayroon talagang mali at pinilit ko lang ang sarili kong wala.
Why the hell my heart felt so heavy?
Napabuntong hininga na lamang ako at napasimangot, di ko na tuloy ramdam ang saya.
Akmang liliko na ako ng may nakabanggaan ako. Binundol muli ang puso ko nang kaba kasi malapit na akong mapaupo pabagsak sa sahig. Mabuti na lamang at may nurse na dumaan, kaya bago pa ako bumagsak sa sahig ay natulungan nya ako.
Naabot nya kasi iyong kamay ko kaya hindi ako tuluyang nabuwal sa lupa.
That's a close call!
"Salamat," naiwika ko sa nurse. Nginitian naman ako nito bago binilingang mag-ingat sa muli.
"Be careful next time, Maam ha?" Ani nya sa malambing na boses.
Tumango ako sa kanya at nagpaalam.
"Are you okay? Are you hurt?"
Napakurap ako at napabaling sa pinanggalingan ng boses. I stilled and froze on the spot when I saw who it was.
Pakiramdam ko ay ginimbal ang pagkatao ko sa aking nasaksihan. Napakapit ako sa pader ng ospital upang kumuha nang suporta sa biglaang pag-alis nang lakas sa aking matawan at napatanga sa dalawang taong nasa harap ko ngayon na mukhang nagulantang din.
Mukha sila iyong na bunggo ko kani-kanina lang...
Para akong binuhusan nang pinakamalamig na yelo dahil hindi ako makagalaw. Nanginginig ang aking mga paa! Pakiramdam ko ay mabubuwal ako mula sa pagkakasadal sa dingding nang hospital!
Punong-puno nang katanungan ang aking isip at unti-unting kinakain nang sakit at selos ang aking puso!
"Nasaktan ba si baby?"
Tila napantig ang aking taynga sa narinig. Umawang ang aking labi sa gulat at pagkadismaya.
Baby? What is he talking about? Don't tell me? Don't tell me she's pregnant too?
A tear fell on my cheeks as I stared at the person I have love for more than three years. Baby? She's pregnant? Paano ako? Why is this happening now?! We are supposed to be happy! I am supposed to be in her position! Ako dapat ang akay-akay nang asawa ko, hindi sya!
I am supposed to be surprising him pero bakit sya pa ata ang mayroong supresa sa akin?!
I saw anger danced his eyes pero nang bumaling ito sa akin ay agad na nawala ang galit nito sa mukha at napalitan ng takot, kaba at guilt.
Hindi ko alam kung ano ba dapat kung ano pa ang nararamdaman ko, gulat na gulat ako sa nangyayari. Bakit ngayon pa?! Ngayon pang kailangan kita!
His hand immediately snaked on her hips na para bang pinoprotektahan nya ito sa maaaring gawin ko.
Why? Why now? Have I done something to deserve this?
Agad na sumisid ang matinding selos sa puso ko dahil sa ginawa nya. Kaunting galaw lang iyon pero yung puso ko ay parang pinapatay na.
"Tamarah..."
Bumuka ang bibig ko para magsalita pero sumara lang man din kasi hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. I feel like all my enery where drained away from my body. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa resulta ng ultrasound ko, parang nawawasak ang puso ko sa sakit, pagkamuhi at galit.
My husband, good lord! My husband was cheating on me...?
All this time I am loyal to him, all this time I believed in him! Ito ba? Ito ba ang pinagkakaabalahan nya noong nakaraan kaya hindi man lang sya maka-uwi-uwi sa bahay?
Oh, please wake me up from this dream. I don't like this to happen? Why? Somebody, please wake me up from this nightmare!
"What are you doing here, Tamarah?" He asked in a very low voice na para bang pinilit nya lang ibulong iyon sa akin.
"Hindi ba ako pwedeng pumunta sa lugar na to, Seb?" I countered after finding my voice to speak again.
His face became stoic and cold as he stared at me dahilan para matawa ako nang mapait. Mas nangibabaw na ang galit sa puso ko ng lingunin ang babaeng kalengkera.
Hindi ko napigilan ang matawa ng pakla, pero kasabay nun ang pagtulo ng mga luha ko sa mga mata.
It hurts! It freaking hurts!
Parang sinaksak ang puso ko nang isang daan punyal—Paulit-ulit at walang tigil.
"Seriously, Seb? Sa damirami ng mga babae dyan, yung katulong pa talaga natin sa bahay?" I asked sarcastically habang nakatingin kay Cara na nakayuko.
Ni hindi nya man lang ako matignan sa mata. Nakakahiya sya! I trusted her tapos sya lang pala ang sisira nang buhay naming mag-asawa?!
Are they doing this behind my back? Since when?
"I'm... sorry," umiiyak na turan nito sa akin na mas lalong ikinagalit ko.
"Sorry? Sorry, Cara? Alam mong may asawa pero kumagat ka parin?!" Sunod-sunod na sigaw ko. Wala akong paki-alam kung pagtitignan man ako ng mga tao. Fuck! Let them hear! Wala akong paki! Galit ako, at pag galit ako, galit ako!
Kulang pa ang pagpapahiya sa ginawa nila sa akin!
"Enough, Tamarah! Lower your damn voice! Sa bahay na tayo mag usap, don't cause a scene here."
I was stunned when I heard my husband shouted at me for the very first time.
You are choosing that maid than me, Seb? I am your wife... Ako ang asawa mo, Seb, hindi sya. How could you? Ano bang kasalanan ko sa iyo? Was it a sin to be a faithful wife to you?
"Kinakampihan... mo sya?" Tila hindi ako makapaniwalang tumitigil sa kanya, umaasa na magpapaliwanag siya, na may sasabihin siya para gumaan ang pakiramdam ko.
Sa sobrang inis at galit ko ay lumapit ako kay Cara at akmang hihilain na ang kanyang buhok ng itulak ako ni Seb, kaya napasalampak ako sa sahig. Rinig ko ang paulit-ulit na paghingi ng tawad ni Cara habang patuloy sa pag-iyak, but I became numb, and all I could do is to stare at the paper on the floor with a black and white photo of my babies, scattered on the tiled floor.
Dahan-dahan akong tumayo at walang buhay na tumitig kay Seb. Hindi ko alam kung ilang minuto kong tinitigan ang papel, na hindi ko man lang napansin na nawala na pala si Cara.
Sebastian is mad. Kitang-kita ko yun sa kanyang mga mata. Nanlilisik na lumapit sya sa akin at mahigpit na hinawakan ang aking panga. Sa sobrang higpit ay alam kong magkakaroon nang marka.
"Wala kang karapatang saktan si Cara! Anak ko ang dinadala nya! Tagapagmana ko! Who the fuck are you to hurt her or even made her cry?! Tandaan mo to, Tamarah... Sa oras na may mangyaring masama sa MAG-INA KO, Ikaw Ang sisisihin ko!" Sabay bitaw nya sa panga ko.
I stared at his back at dahan-dahang sumandal sa pader. Parang sa isang kisap mata ay nakalimutan niya ang mga pinagsamahan naming dalawa. We both take ought on the front of the altar that we will be together from better or worst.
Mabigat ang loob at walang lakas kong pinanood ang paglayo niya nang tuluyan para pumasok sa loob. All people are looking at me, halo-halo ang reaksyon nila.
How could you do this to me, Seb, when what I always do is to love you endlessly?
Mariin akong napapikit at napahawak sa tyan ko. "Hindi kayo pababayaan ni mommy.... Makakaya natin to kahit wala kayong daddy—At darating din ang araw na pagsisisihan nya ito..."
Time will come, Seb. Time will come and I'll repay all of the pain you have bought on me. Pay back is a bitch. Gaganti ako. Magbabayad ka.
"Good Morning, hot momma!"Gumuhit ang ngiti ko sa labi nang marinig ang boses ni Eli. Nakilala ko si Eli noong sinasamahan ako ni Kuya na magcheck up, simula noon ay hindi na kami mapaghiwalay."Good morning, Eli! How was Japan?" I asked her before sipping on my mug. Agad ko ding ibinaba iyon sa babasaging mesa."Everything is good—but someone has to ruin it."Nahimigan ko ang inis sa kanyang boses na syang ikinatawa at ikinailing ko. Alam ko naman kasi kung sinong tinutukoy nya eh. Wala namang ibang nakakapainis kay Eli kundi si Kuya lang."Bakit ba kasi parati kang naiinis kay Kuya? Mabait naman ang kuya ko ah?" I told her laughing, earing a glare from her beautiful emerald eyes.Maganda naman kasi si Eli, agaw pansin iyong kurba nya sa katawan. Haba ang kanyang straight na buhok, maputi ang balat at nakakaakit tignan ang kanyang berdeng mga mata.Mga mata ng tao anv ikinagiliwan kong tignan noon nung ipinagbubuntis ko ang triplets. Bawat nakikita kong may magandang mata ay hinihin
Napatitig ako sa labas ng bahay habang umiinom tsaa. Malamig ang simoy nang hangin. Tahimik ang buong paligid at tanging ingay lang mula sa mga ibon at insekto ang siyang nagbibigay nang musika ngayong umaga.Antok na antok pa ako pero kailangan ko na bumangon. Hindi rin ako nakatulog kagabi. I felt the uneasiness, especially when the plane landed here, in the Philippines. I'm back, finally.After two years ay bumalik na ako. Wala pa rin namang nagbago, tulad parin noon. Hindi ko rin naman maikakaila na namiss ko rin ang lugar na ito kahit halos madurog ako ritoSinulyapan ko ang anak mga anak ko na mahimbing pa rin natutulog sa kama. I walked over to them at hinaplos nang maharan ang mga buhok nila. Bahagya namang gumalaw si Tasha, pero ang dalawa ay mahimbing pa rin ang patulog. I knew Tasha loves the feeling of combing her hair with my fingertips. Napansin ko na iyan noon pa nang maliit pa sya. Siya rin ang pinakaiyakin sa tatlong magkakapatid. Kapag hindi siya noon nakakatulog ay