Share

Chapter 6

Are you horny?

Tila isang multo nagparamdam si Axel sa'kin. Hindi ko namalayan dal'wang minuto na pala akong nakatitig sa phone ko. S***a, ba't bigla siya nagparamdam? Dapat ba akong mag reply sa walang kwentang chat niya? Friday ngayon ng hapon at bukas magkikita kami ng mga college friends ko.

Me: No.

Simpleng reply ko.

Axel: :(

Natawa ako sa sad emoji niya. Ano ba sadya ng lalaking 'to?

Me: Naubos na ba 'yung pinangbayad ko sa'yo?

Axel: Oo, pinanghulog ko sa motor.

Me: I'm broke as fuck too, wala pa akong sahod.

Makaraan ang dal'wang minuto nag reply siya.

Axel: Puwede naman installment. Fuck now pay later ;)

Humalakhak ako sa nabasa ko. Letsi, ang daming pakulo ng lalaking 'to. Tumingala ako sa kesame at napaisip. Kung pagbibigyan ko siya baka hanap-hanapin ko na ang serbisyo niya.

Me: Wala ka bang ibang customer?

Axel: Marami, but I ignored and ditch them. I've tasted you and my buddy has always yearned for you. Halos dalawang linggo na ako tigang.

Nakahalumbaba ako sa table ano ba dapat kong i-reply sa kan'ya. Nag message si Trina sa akin, agad ko naman ni replayan. Dahil na busy ako sa pakikipag chat kay Trina nakalimutan ko mag reply kay Axel. psh, bahala siya. Ta's biglang nag pop up ang message niya.

Axel: If you're not horny at least allow me to see your pretty face.

Inalis ko ang tingin sa screen ng phone at saka napatakip ng bibig habang umiinit nag pisngi ko. That's not the Axel I knew. Hindi ka naman ganito ka sweet. Dahil sa message niya sumangayon ako makipagkita sa kan'ya. Just doing myself a favor. Bakit ko pa ba papahirapan ang sarili ko? Yes, I wanted to see him.

Me: See you in Sunday.

Axel: You busy tomorrow?

Me: Yep OTRD kailangan ko kumayod ng husto para ma afford ko 'yang golden etits mo.

In just a snap nag reply agad siya.

Axel: Aba'y natuto ka na ha? Hahaha! May 50% discount ka sa akin. Alright, this sunday. I can't wait.

Hindi na ako nag reply pa. Para akong sira ulo dito ngumingiti mag isa.

*~*

Pinagbuksan ako ng kotse ni Art. Noong una'y tumanggi ako sa offer niya na ihatid ako pero mapilit talaga siya. Halos araw-araw sabay na kaming kumakain ng breakfast. Asensado na siya, dahil may negosyo siyang piggery at poultry farm sa province nila, at saka may mini grocery store ang parents niya dito sa syudad. Kuwento pa niya kakabukas lang din ng salon ng ate niya na siya ang gumastos, at halfway done na ang pinapatayo niyang bahay. Simula pa noon ay hardworking na si Art, siya pa nga tumutulong sa amin ni Trina kapag nagkakaproblema kami sa project at Acads namin. Hayst, ang sarap balikan ng mga panahon na iyon.

“May something ba kayo ng TL Jorge na iyon?” tanong niya habang nagmamaneho.

“Ha? Ba't mo naman nasabi?”

“Ang lagkit kasi makatingin sa'yo.”

“Ex-fling ko 'yun, wag mo na intindihin tigang lang talaga 'yun.”

Hmmm? Nagbago ka na nga, noon dalagang pilipina ka pero ngayon liberated ka na magsalita.”

“Grabe ka naman.”

“Tell me?”

Lumingon ako sa kan'ya. “Are you going out with someone?”

Axel's smirking face crossed my mind for a sec. Ano nga ba ang status namin? Fuck buddy? Casual Fling? No. Wala naman talaga appropriate label sa aming dal'wa. Pinag-ugnay lang kami ng libog iyon lang 'yun. Axel just thinks of me as his source of income, at the same time parausan niya.

“Wala.”

“Oh? Bakit naman, sa loob ng five years hindi tayo nagkita wala ka bang nakarelasyon na iba?”

Mabilis akong umiling sa tanong niya.

“May mga nagpapansin naman pero sa bandang huli mababaling ang atensyon sa iba. Maybe, I'm not that attractive to them... alam ko naman sa sarili ko na boring akong makasama.”

“Naku! 'ayan ka naman sa mga self-doubts mo. Maganda ka na Mikana, hmmm? Kaunting ayos lang mas gaganda ka pa. Who called you boring? Tuwing kasama nga kita nangangalay ang bibig ko kakatawa.”

I smiled downward. Sh*t wala naman romantic na sinabi si Art pero ba't gan'to ako kiligin?

*~*

Nag park sa gilid ng kalasada si Art pagkarating namin sa harap ng apartment. May maraming bata ang naglalaro ng tumbang preso sa harap.

“Salamat sa paghatid, Art.” nahihiya na sabi ko. Binuksan ko side door at saka lumabas na ng kotse.

“Kana,” tawag niya no'ng lumabas rin siya hawak-hawak ang phone ko.

“Ay sorry, thank you. Muntik ko na makalimutan.” ani ko pagkatanggap ko ng phone.

“I'll message you na lang sa meet up place mamayang 4.” He said. Pareho kami napatingin sa ibaba nung may batang humihila sa damit ko. Si Emily pala.

“Ate...Ate... boyfriend mo ba siya?” turo ni Emily sa kan'ya.

“H-hindi Emily, k-kaibigan ko lang siya.” natatarantang sagot ko.

Tumawa si Arthur at saka sumukot para pumantay siya sa height ni Emily.

“Sino naman ang cute na batang 'to?”

“Anak siya ng kapitbahay namin, Si Emily.”

“Hello po! Ako po si Emilia Sanchez six years old.”

Pareho kami ni Arthur natawa.

Dumukot sa bulsa si Arthur at binigyan ng 50 pesos si Emily. Nag ningning naman ang mga mata ng bata pakatanggap nito.

“Ibili mo 'yan na snacks mo.” nakangiting sabi ni Art sabay gulo sa buhok ni Emily.

“Thank you Kuya!” tumakbo paalis si Emily papunta doon sa tindahan ni Manang Sella.

“Emily! Mag-ingat ka sa pagtawid.” babala ko dito.

Tumingin ako kay Art. Hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi niya.

“Hindi ba kayo nagka-anak ng live-in-partner mo?” intregang tanong ko. Wait, masyadong bang personal ang question ko? Aish. Huli na para bawiin ang tanong.

“We almost had a child, pero dahil sa isang aksidente nakunan siya. Simula noon lumabo at lumamig ang pagsasamahan naman hanggang nga sa mahuli ko silang magkapatong ng office mate namin.” I can almost feel the pain in his voice. Kahit saan anggulo ko tignan hindi pa rin siya nakaka-move on sa mapait na nakaranasan niya.

Three years silang nagsama hindi biro 'yun. Matagal talaga maghilom ang ganoong sugat.

“I'm sorry, binuksan ko pa ang sugat mo.” nahihiya na wika ko. Napakamot siya ng batok at naiilang tumawa.

“Wala lang iyon, kaya nga pinangako ko sa susunod na mamahalin ko na iingatan ko siya ng buong puso at lalo na ang mga magiging anak namin.” He said those words looking directly in my eyes.

Ako na ang umiwas nang tingin. Ayaw ko ma mis-interpret ang sinabi niya.

“Mauna ka na Art, may bibilhin lang ako sa tindahan.”

“Sige, see you later.”

Tinanguan ko lang siya at saka tumalikod na ako. Naglakad ako patungo sa tindahan ni Manang Sella. Sumulyap ako kay Jeffrey na humihigop ng softdrinks sa bote. Ningitian ko siya ng tipid.

“Pabili po manang.” sabi ko nang makita ko walang tao.

“Boypren mo 'yung naka kotse? Mayaman ha?” tanong ni Jeff sa'kin.

“Hindi, kaibigan ko lang.”

“Psst. Kailan mo ba ako sasagutin.”

Napantig ang tenga ko. Sa tuwing nakikita ko siya naiinis talaga ako na ewan.

“Oh, Mikana nakauwi ka na pala.”

“Hehehe... Oo manang pabili po ng dal'wang napkin 'yung may wings at saka 3 in 1 dalawa.”

Hindi na ako komportable sa mga titig sa akin ni Jeffrey.

“Hija, nasaan na 'yung mukhang foreigner na jowa mo? Ba't hindi na siya dumadalaw sa'yo. Mukhang pang hollywood ang hitsura saan mo ba 'yun nakilala?” sunod-sunod na tanong ni Manang habang kinikuha ang mga bibilhin ko.

“Hindi ko po Jowa 'yun.”

“Anak ng tokwa! Wag ka na magsinungaling Mikana, rinig na rinig ng kapitbahay mo 'yung malakas na ungol mo... pakipot ka pa hindi ka na pala virgeen.”

Napayuko ako ng ulo sa pinagsasabi niya. Nakakahiya.

“HUY! JEFFREY! LUBAYAN MO NGA SIYA! UMALIS KA AT MAGHANAP NG MATINONG TRABAHO!” malakas na sermon ng tita niya sa kan'ya. Padabog binagsak ni Jeff ang bote at saka  nababanas na umalis.

“Pagpasensyahan mo na ang lalaking iyon Mikana, wag mo na isipin 'yun.” inabot ni Manang ang pinamili ko na nakasilid sa plastic at saka binigay ko ang bayad.

“Ayos lang po Manang.”

Pagkakuha ng sukli agad akong umalis at nagkulong sa apartment ko. Letsi, alam na pala ng mga marites dito ang tungkol doon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status